Filipino Baitang 10 Yunit 1: Mitolohiyang Mediterranean ARALIN 1.4 PDF

Summary

This Filipino past paper covers an important topic related to the Mediterranean mythology for Grade 10 students. The document presents learning objectives and activities for understanding these tales.

Full Transcript

Filipino Baitang 10 Yunit 1: Mitolohiyang Mediterranean ARALIN 1.4 Pagtatala Talaan ng Nilalaman Introduksiyon 1 Mg...

Filipino Baitang 10 Yunit 1: Mitolohiyang Mediterranean ARALIN 1.4 Pagtatala Talaan ng Nilalaman Introduksiyon 1 Mga Layunin sa Pagkatuto 2 Kasanayan sa Pagkatuto 2 Simulan 2 Pag-aralan Natin 3 Tuwirang Sipi 3 Pakikipanayam 4 Pagbubuod 4 Sagutin Natin 4 Subukan Natin 5 Isaisip Natin 5 Pag-isipan Natin 5 Dapat Tandaan 6 Mga Sanggunian 6 Filipino Baitang 10 Yunit 1: Mitolohiyang Mediterranean Aralin 1.4 Pagtatala Lar. 1. Isang mag-aaral na nagsusulat sa kaniyang kuwaderno. Introduksiyon Bilang isang mag-aaral, mahalaga na nakasusunod tayo sa mga impormasyong ibinibigay sa atin. Sa dami ng ating ginagawa, siguradong nakakalimutan na natin minsan na gawin ang mga nakatakdang gawain. Kaya naman, malaking tulong kung tayo ay marunong magtala ng mga impormasyon na ito. Ang pagtatala ay isang kasanayan na ating gagamitin at aalamin sa araling ito. Malalaman natin ang iba’t ibang pamamaraan ng pagtatala at kung kailan ito ginagamit. 1 Filipino Baitang 10 Yunit 1: Mitolohiyang Mediterranean Mga Layunin sa Pagkatuto Sa araling ito, inaasahang matutuhan mo ang sumusunod: matukoy ang iba’t ibang paraan ng pagtatala; magamit ang iba’t ibang estilo ng pagtatala; at makapagtala ng mga impormasyon tungkol sa isa sa napapanahong isyung pandaigdig. Kasanayan sa Pagkatuto Sa araling ito, ikaw ay inaasahang naitatala ang mga impormasyon tungkol sa isa sa napapanahong isyung pandaigdig (F10PU-Ic-d-66). Simulan Itala Natin! Materyales kuwaderno panulat Internet gadyet sa panonood ng video Mga Panuto 1. Humanap ng video tungkol sa alinmang tauhan mula sa mitolohiya ng mga Griyego at panoorin ito. 2. Habang nanonood, itala sa kuwaderno ang pinakamahahalagang impormasyon mula sa mitolohiya. 2 Filipino Baitang 10 Yunit 1: Mitolohiyang Mediterranean 3. Sumulat ng maikling talata tungkol sa tauhang ito batay sa sariling mga tala sa kuwaderno at nang hindi na binabalikan ang pinanood na video. Mga Gabay na Tanong 1. Ano ang mga impormasyong iyong isinulat sa iyong kuwaderno? 2. Paano nakatulong ang pagtatala sa pagsulat ng maikling talata? 3. Ano-anong kasanayan ang ginagamit sa pagtatala? Pag-aralan Natin Mahahalagang Tanong Ano-ano ang iba’t ibang pamamaraan ng pagtatala? Paano ito makatutulong sa atin bilang isang mag-aaral? Isang mahalagang kasanayan ang pagtatala upang maisa-isa at mailahad ang mahahalagang impormasyon na nabasa, narinig, o napanood. Nakatutulong ito na mas madaling maipakita ang mga pangunahing ideya na kailangang malaman ng mga mambabasa, tagapakinig, o manonood nang hindi na kailangan pang basahin o panoorin muli ang buong akda. Magagamit din ang kasanayan sa pagtatala sa pang-araw-araw na mga gawain gaya ng pag-alala ng mahahalagang pangyayari at ng mga bagay na dapat alalahanin o kailangang gawin. May iba’t ibang uri ng pagtatala na maaaring magamit batay sa impormasyon na itatala. Alamin Natin pabulaanan patunayan na mali argumento palitan ng mga pananaw 3 Filipino Baitang 10 Yunit 1: Mitolohiyang Mediterranean banghay daloy ng isang kuwento Tuwirang Sipi Ang tuwirang sipi ay isang uri ng pagtatala na nagmumula mismo sa mga orihinal na sulatin o teksto. Sa pagtatalang ito ay salita-sa-salita ang kinokopya at siyang ginagamit. Madalas itong gamitin sa pagtatala ng mga pahayag na nagmula pa sa isang kilala at ekspertong tao na maaaring pagtibayin ang isang naisulat na usapin. Madalas din itong ginagamit sa pananaliksik upang suportahan o di naman kaya’y pabulaanan ang isang argumento. Ginagamitan ng mga panipi (“ “) ang pahayag na tuwirang sinipi. Pakikipanayam Ang pakikipanayam o interbyu ay isang paraan ng pagkuha ng impormasyon sa pamamagitan ng pakikipag-usap o pagtatanong sa mga taong may angkop at sapat na kaalaman tungkol sa isang espisipikong usapin. Ito naman ay ginagamit sa pagtatala ng mga impormasyong mismong makukuha sa isang ekspertong tao sa naturang usapin. Maaari ding makakuha ng mga impormasyon na hindi pa nailalathala o naililimbag sa interbyu. Sa pakikipanayam ay mahalagang mabilis ang pagsusulat upang siguradong maitala ang pinakamahahalagang impormasyon. Maaari din namang gumamit ng recorder upang mabalik-balikan ang mga pinag-usapan. Pagbubuod Ang pagbubuod ay kalimitang ginagawa sa iba’t ibang akdang pampanitikan lalo na sa mahahabang akda. Maraming sinaunang akda ang mahahaba ang pagkakasulat, tulad ng mitolohiya, epiko, at nobela. Ginagawan ang mga ito ng buod na bersiyon upang maging madali para sa mga nagnanais magbasa na maunawaan ang mga sinaunang akda. Nagiging gabay ang mga buod sa mga banghay ng pangyayari at sa tauhan na inilalahad sa isang akda, gaya ng mitolohiya. Ang pagbubuod ay isang paraan ng pagsulat ng maikling 4 Filipino Baitang 10 Yunit 1: Mitolohiyang Mediterranean bersiyon ng isang akda kung saan matitiyak o matutukoy ang paksa at ilang mahahalagang detalye ng teksto o akda. Sagutin Natin 1. Ano ang pagtatala? 2. Ano ang mga paraan ng pagtatala? 3. Paano nagkakaiba ang tatlo? Subukan Natin Paano nakatutulong ang pagtatala sa pagkuha ng impormasyon? Isaisip Natin Bakit mahalagang alam natin ang iba’t ibang pamamaraan ng pagtatala? Pag-isipan Natin A. Basahin ang mga sumusunod na sitwasyon. Piliin ang pinakaangkop na paraan ng pagtatala (tuwirang sipi, pakikipanayam, o pagbubuod) at isulat ito sa patlang. ________________ 1. Nais mong idagdag sa iyong pananaliksik ang isang pahayag ng isang respetadong tao na may kinalaman sa paksang iyong sinasaliksik. 5 Filipino Baitang 10 Yunit 1: Mitolohiyang Mediterranean ________________ 2. Nakabasa ka ng isang magandang nobela at nais mo itong ihayag sa iba sa mas madaling paraan. ________________ 3. Nasa kalagitnaan ka ng isang debate at nais mong ipakita na ang sinasabi ng iyong katunggali ay hindi tama. ________________ 4. Kailangan mong marinig mismo sa isang kilalang tao ang kanyang ideya ukol sa usaping politikal na naiatas sa iyo. ________________ 5. Nais mong ipakita ang naging daloy ng isang magandang epiko na iyong nabasa. B. Tukuyin kung ang mga pahayag tungkol sa pagtatala ay tama o mail. Isulat ang tama kung ito ay tama, at mali naman kung hindi. Isulat ang sagot sa patlang bago ang bilang. ________________ 1. Ang pagtatala ay magagamit sa pagsusulat ng mahahalagang impormasyon. ________________ 2. Ang pakikipanayam ay isang uri ng pagtatala na nangangailangan ng pagpapaikli ng mahabang akda. ________________ 3. Madalas na ginagamit ang tuwirang sipi sa mga pananaliksik. ________________ 4. Maaaring gamitin ang pagbubuod upang pabulaanan ang isang ideya. ________________ 5. Makikita agad ang banghay ng isang akda kung ito ay dumaan sa pagbubuod. 6 Filipino Baitang 10 Yunit 1: Mitolohiyang Mediterranean Dapat Tandaan Ang pagtatala ay isang kasanayan sa paglilista o paglalahad ng mahahalagang impormasyon mula sa nabasa, narinig, o napanood. Mayroong tatlong uri ng pagtatala: tuwirang-sipi, pakikipanayam, at pagbubuod. Ang tuwirang sipi ay direktang pagkuha ng salita-sa-salita sa nabasang akda. Ang pakikipanayam o interbyu ay pagkuha ng impormasyon sa pamamagitan ng pakikipag-usap at pagtatanong sa taong may kinalaman sa usapin. Ang pagbubuod ay pagsulat ng isang maikling bersyon ng mga akdang pampanitikan. Mga Sanggunian Antonio, Lilia D., et. al. Komunikasyon sa Akademikong Filipino. Quezon City: C & E Publishing, Inc. 2008. Cayao, Erlinda A. at Evelyn L. Sebastian. Readings in World Literature. Quezon City: C & E Publishing, Inc., 2006. Eugenio, Damiana. Philippine Folk Literature: Myths. U.P. Diliman: University of the Philippines Press. 2001. Pena, Estrella C., Setubal, Jessie S., Villafuerte, Patrocinio V. Sikhay 10. Quezon City: Ephesians Publishing Inc., 2013. Resuma, Vilma M. Gramatikang Pedagohial ng Wikang Filipino Komunikatibong Modelo. QC: Sentro ng Wikang Filipino. 2002. 7 Filipino Baitang 10 Yunit 1: Mitolohiyang Mediterranean Rosenberg, Donna. World Mythology. USA: NTC Publishing Group, 1999 8

Use Quizgecko on...
Browser
Browser