Grade 10 Values Education 2Q RUQA Questions PDF
Document Details
Uploaded by EngagingGoshenite5549
Tags
Summary
This is a Filipino values education past paper for Grade 10, covering the 2nd quarter. The document contains a variety of questions, likely multiple choice, regarding moral reasoning, ethical decision-making, and social responsibility. The questions examine different scenarios and test understanding of various concepts in values education.
Full Transcript
Republic of the Philippines Department of Education Iskor REGION X –NORTHERN MINDANAO Regional Unified Quarterly Assessment Ikalawang Markahan...
Republic of the Philippines Department of Education Iskor REGION X –NORTHERN MINDANAO Regional Unified Quarterly Assessment Ikalawang Markahan VALUES EDUCATION – 10 Pangalan: _____________________________________________ Petsa: _______________________ Seksiyon: ________________________________________ Sangay: ___________________________ Paaralan: ____________________________________________________________________________ Panuto: Basahin at unawain nang mabuti ang bawat tanong at bilugan ang titik ng pinakaangkop na sagot. 1. Kung ang iyong kapatid ay hindi natapos ang kanyang pag-aaral dahil sa kakapusan ng pera ang iyong pamilya. Paano mo matutulungan ang iyong kapatid? a. Bibigyan ng pera b. Tutulungan ko siya c. Maghanap ng pera d. Hahanapan ko siya ng paraan na maka hanap ng trabaho habang nag – aaral. 2. May kasabihan na kapag may “itinanim ay may aanihin”. Paano mo mailarawan ang kasabihan sa makataong kilos? a. Marami kang makain kapag maraming tanim b. Walang makain ang taong tamad. c. Bawal ang tamad d. Kapag ang tao ay nagpa plano para sa kanyang kinabukasan. Kailanagan niyang mag –impok ng pera para sa kanyang kinabukasan. 3. Inutusan kang mag tinda ng gulay sa tindahan, alam mo na hindi tama ang timbangan. Gusto mong iwasto ang tamang timbang ngunit gusto mong mabenta agad ang iyong paninda. Ano ang maari mong gawin para wala kang pananagutan sa ibang ta? a. Hayaan na lang na ganyan ang timbang. b. Sabihan ang mga mamimili sa timbang c. Baguhin at itama ang guhit ayon sa wastong timbang. d. Bigyan ng discount ang mga mamimili. 4. Nasira mo ang laruan ng iyong kaibigan na hindi niya alam. Ano ang iyong gagawin upang hindi siya maggalit sa iyo? a. Itago ang kanyang laruan b. Hindi sasabihin ang totoo c. Itapon sa basurahan d. Sabihin ang totoong nangyari at aayusin ang nasirang laruan 5. Bakit kailangan natin itama ang pagkakamali ng isang tao? a. Para hindi siya mapunta sa kasamaan b. Para hindi siya magiging masama c. Para mailayo siya sa isang pagkakamali d. Para marunong siyang matuto sa kanyang pagkakamali at maituwid ang baluktot niyang ugali. 6. Ang kilos ng tao ay masasabing walang aspekto ng pagiging mabuti o masama kaya walang pananagutan ang tao kung naisagawa ito. Ang pahayag na ito ay: a. Mali dahil ang kilos ng tao ay ginamitan ng isip at kilos-loob. b. Mali dahil lahat ng kilos ng tao ay dapat may kapanagutan. c. Tama dahil ang kilos ng tao ay hindi ginagamitan ng isip at kilos-loob. d. Tama dahil ang kilos ng tao ay walang aspekto ng pagiging masama. 7. Bakit may pananagutan ang tao sa kahihinatnan ng makataong kilos (kabutihan o kasamaan)? A7. Dahil ang makataong kilos ay sinadya at niloob ng tao gamit ang isip b. Dahil ang makataong kilos ay isinagawa ng tao nang may kaalaman, malaya at kusa c. Dahil ang makataong kilos ay malayang pinili mula sa paghuhusga at pagsusuri ng konsensiya d. Lahat ng nabanggit sa itaas 8. Kailan maitama ang pagkakamali? a. Kung ang isang bagay ay pinag-iisipan at ginagawa ang tama sa pagkakamali. b. Kung ang isang pagkakamali ay naging batayan para maitama ang mali. c. Kung hindi na niya gagawin ulit ang kanyang mga maling gawain d. lahat sa nabanggit 9. Alin sa mga sitwasyon ang nakapagsusuri ng sariling kilos na dapat panagutan at nakagawa ng paraan upang maging mapanagutan sa pagkilos? a. Si Gng. Taruc ay nag aalaga ng mga kambing sa bukid. b. Ang mga mag-aaral ay pumunta sa paaralan c. Nag-aral ng mabuti si Marian d. Palagi nang pumapasok si Dave sa klase nang bumagsak siya sa Science subject. 10. Si Joshua ang nagpupursiging nagsikap sa pag-aaral dahil gusto niya maging isang doctor paglaki niya. Bakit kailangang mag sumikap ang isang tao para makamit ang tagumpay? a. Dahil hindi mo makamit ang tampay kapag walang pagsisikap b. Nakasalalay ang tagumpay sa pagssisikap c. Makabuluhan ang tagumpay kapag nasa tama ang pagsisikap d. Lahat ng nabanggit sa itaas 11. Hindi tumulutong si Hannah sa kayang kanyang ina sa pag lilinis ng bahay, ngunit bigla itong natumba sa sahig dahil inatake sa sakit sa puso.. Ano kaya ang pananagutan ni Hannah sa kanyang ina? a. Hindi siya tumulong sa nang matumba ng kaniyang ina b. Hinayaan nalang niya ang kanyang ina c. Wala siyang pananagutan 12. Paano makikilala na may pagkukusa sa makataong kilos? a. kung makikita sa kilos na hindi isinagawa bagaman may kaalaman sa gawain na dapat isakatuparan. b. kung nagmumula ito sa malayang pagsasagawa ng kilos-loob sa pamamatnubay ng isip. c. kung ang tao ay walang kaalaman kaya’t walang pagsang-ayon sa kilos d. lahat ng nabanggit sa itaas 13. Nagtatrabaho si Paolo sa isang pabrika kahit nasa murang edad pa siya. Ano kaya ang nag tulak kay Paolo kung bakit siya nagtatrabaho kahit nasa murang edad pa siya? Alin sa mga sagot ang nagpapakita sa isa sa mga salik na nakaaapekto sa pananagutan ng tao a. Dahil gusto niya ng pera b. Dahil takot siya mapalo ng kanyang ina kaya napilitan siyang mag trabaho c. Dahil gusto niya ang trabaho d. Dahil ayaw na niyang mag –aral 14. Alin sa mga salik na nagpapakita ng kamangmangan? a. Tumawid sa daan ang isang bata kahit mag naka lagay na “ Bawal tumawid nakakamatay”. b. Nakahinto ang sasakyan sa daan dahil naka red light ang signal ng traffic light. c. Dumaan sa overpass ang mga tao dahil bawal tumawid sa daan. d. Pumunta sa kusina si Lani dahil inutusan siya ng kanyang ina. 15. Si Monica ay isang social worker sa kanilang barangay. Sinabihan siya ng kanilang kapitan na bawasan ang Social Amelioration Program (SAP) budget para sa mga mahihirap na nasa listahan upang ibigay sa kaniyang mga kamag-anak na hindi naman naaapektuhan ng kahirapan. Kahit alam niyang hindi dapat sundin ang sinabi ng kapitan pero sinunod pa rin niya dahil nag alala siyang mawalan ng trabaho. May pananagutan ba siya sa kanyang ginawa? a. Hindi siya mapapanagot, ngunit kailangan kailangan niya mag isip ng paraan para maiwasan niya ito. b. Mapanagot siya dahil mali ang kanyang ginawa c. Hindi niya ginamitan ng pag iisip sa kanyang ginawa d. Wala siyang nalalaman sa pangyayari 16. Bakit may pananagutan ang tao sa kahihinatnan ng makataong kilos (kabutihan o kasamaan)? a. Dahil ang makataong kilos ay sinadya at niloob ng tao gamit ang isip b. Dahil ang makataong kilos ay isinagawa ng tao nang may kaalaman, malaya at kusa c. Dahil ang makataong kilos ay malayang pinili mula sa paghuhusga at pagsusuri ng Konsensiya d. Lahat ng nabanggit sa itaas 17. Naging pangulo ng kanilang klase si Zabrena. Simula sa araw nang siya ay manalo, ginampanan niya nang lubos ang kaniyang tungkulin at responsibilidad. Ano kayang prinsipyong sumasakop sa sirkumstansiya ng kilos ang makikita rito? At bakit? a. Ang sirkumstansiya maaaring lumikha ng mabuti o masamang kilos. b. Ang sirkumstansiya ay maaaring magdulot ng bagong kabutihan sa masamang kilos at bagong masamang hangarin sa masamang kilos. c. Ang sirkumstansiya ay maaaring makalikha ng mabuti o masama. d. Ang sirkumstansiya ay hindi maaaring gawing mabuti ang masama. 18.Si Arah ay minahal ni Yhurey ngunit ang babaeng ito ay mayroon ng asawa. Sa kabila nito, ipinagpatuloy pa rin niya ang kaniyang pagmamahal sa babae hanggang sa magkaroon sila ng relasyon. Ano kayang prinsipyo ang sumasakop sa sirkumstansiya ng kilos ang makikita sa sitwasyon? Bakit ? a.Ang sirkumstansiya ay maaaring makalikha ng kakaibang kilos ng mabuti o masama. b.Ang sirkumstansiya ay hindi maaaring gawing mabuti ang masama c.Ang sirkumstansiya ay maaaring gawin ang mabuting kilos na masama d.Ang sirkumstansiya ay maaaring lumikha ng mabuti o masamang kilos. 19. Inutusan ka ng ka klase mong bully na lagyan ng bubble gum ang upuan ng iyong guro,peru hindi ka sumang-ayon,dahil dito,hinila niya ang iyong buhok sabay banta na kapag nagsumbong ka di lang yan ang aabutin mo.Sa tingin mo anong SALIK ang nakaapekto sa iyong kilos. a. kamangmangan b. Karahasan at gawi c.Masidhing damdamin d.takot 20.Si Romeo ay isang pulis. Kilala siyang matulungin sa kanilang lugar kaya’t mahal na mahal siya ng kaniyang mga kapitbahay ngunit lingid sa kaalaman ng kaniyang mga tinutulungan, na ang itinutulong niya sa mga ito ay galing sa pangongotong na kinukuha niya sa kaniyang mga nahuhuling tsuper. Tama ba o Mali ang kilos ni Romeo? At bakit? a.Tama, dahil marami naman siyang natutulungan na nangangailangan. b.Mali, dahil hindi sa kaniya galing ang kaniyang itinutulong. c.Tama, dahil mabuti naman ang kaniyang panlabas na kilos. d.Mali, dahil kahit mabuti ang panlabas na kilos, nababalewala pa rin ang panloob na kilos 21. Ito ay tumutukoy sa isang kondisyon o kalagayan ng kilos na nakababawas o nakadaragdag sa kabutihan o kasamaan ng isang kilos. a. Kahihinatnan ng makataong kilos b.Paraan ng makataong kilos c.Salik ng makataong kilos d.Sir kumstansya ng makataong kilos 22. Dahil sa pagbabago ng panahon dulot ng teknolohiya ang mga tao ay walang kamalayan sa mga masamang epekto nito.Ang pahayag ay tumutukoy sa anong salik ng sirkumstansya sa makataong kilos?Bakit? a. kamangmangan,dahil wala silang alam at susuriin pa nila ang wastong gamit nito b. Karahasan at gawi,dahil nahuhusgahan nito ang tama at maling kilos c. Masidhing damdamin, dahil sa kagustuhan ng mga taong makatuklas at makagamit ng gadgets d.takot, dahil ignorante at takot harapin ang pagbabago 23.Si jepferson ay masipag at matalinong bata, lahat ng mga guro ay kinagigiliwan siya dahil; sa matalino na mabait pang bata dahil dito lagi siyang pinupuri.May pananagutan ba si jepferson dahil sa paghanga at pag ka aliw ng mga guro sa kanya?Bakit? a.Oo,dahil siya na lang palagi ang nagtataas ng kamay upang sumagot b.Oo,dahil hindi niya binibigyan ng pagkakataon ang iba para sumagot c.Wala,dahil ginagawa niya ang kanyang tungkulin bilang isang mabuting mag-aaral d.Wala,dahil may Karapatan ang mga gurong pumili kung sino ang kanilang gusting mag-aaral. 24.Nakagagawa ng mali ang tao hindi dahil ninais niya kundi nakikita niya ito bilang Mabuti at nakapagbibigay ito ng kasiyahan ito ay sa kadahilang ang_____niya ay nakatuon at kumikiling sa Mabuti na nakikita niya bilang tama. a.Dignidad b. Isip c.Kalayaan d.Kilos loob 25. Alin sa sumusunod ang napabilang sa Salik ng Masidhing damdamin? a. kaligayahan o kasarapan at pag-iwas sa mga bagay na nagdudulot ng sakit o hirap. b. pag-ibig, pagkamunghi, pagnanais, pagkasuklam, at galit c.Takot sa sarili,tunggalian d. Lahat ng nabanggit 26. Mga gawain na paulit-ulit na isinasagawa at naging bahagi na ng sistema ng buhay sa araw-araw. a.Gawi b.Kamangmangan c.karahasan d.Takot 27. Wala ang mga magulang ni donna sa bahay at pumasok siya sa silid ng mga ito para kumupit ng pera sa kabinet,alam mong masama ito at lalo pang nadagdagan ang kanyang pagkakamali dahil? a.Kinuha niya ito ng walang paalam b.Kinuha niya ito nang wala ang kanyang mga magulang c.Ang kinuhanan niya ng pera ay ang kanyang mga magulang mismo d.Nagpapakita ng kawalan ng respeto. 28.Bakit sinasabing ang moral na kilos ay ang makataong kilos ayon sa etika ni Sto. Tomas de Aquino? a.Sapagkat nahuhusgahan nito ang tama at maling kilos b.Sapagkat nakakapagpasiya ito nang naaayon sa tamang katwiran c.Sapagkat malayang patungo ito sa layunin na pinag-isipan d.Sapagkat napapatunayan nito ang sariling kilos kung ito ay mabuti o masama 29. Ang isang taong tumawid sa kalsada kahit na ipinagbabawal ay apektado ng anong salik? a.Gawi b.Kamangmangan c.Karahasan 30. Aling kilos ang ipinakita base sa katuruan ni Aristoteles,tungkol sa mag- aaral na biglang humikab ng malakas sa klase habang seryosong nagtuturo ang guro? Pangatwiranan. a. Di utang-loob,dahil wala siyang dapat alalahanin b. Kusang-loob,dahil pagkukusa ito at gusto niyang humikab c. utang na loob,dahil dapat siyang rumespeto d. Walang kusang-loob ,dahil dito ang mag-aaral ay walang kaalaman kaya’t walang pagsang-ayon sa kilos. Ang kilos na ito ay hindi niya pananagutan dahil hindi pagkukusa at hindi mapipigilan ang paghikab. 31. Bilang mag-aaral,paano mo makikilala na may pagkukusa sa makataong kilos? Ipaliwanag. a. Makikilala na may pagkukusa sa makataong kilos kung makikita sa kilos na hindi isinagawa ,sapagkat may kaalaman sa gawain na dapat isakatuparan. b. Makikilala na may pagkukusa sa makataong kilos sapagkat,nagmumula ito sa malayang pagsasagawa ng kilos-loob sa pamamatnubay ng isip c. Makikilala na may pagkukusa sa makataong kilos kung ang tao ay walang kaalaman kaya’t walang pagsang-ayon sa kilos,dahil Malaya ang pagpapasya d. Lahat ng nabanggit sa itaas,dahil tama at magkaka-ugnay ang mga paliwanag 32. Kung ikaw magsasagawa ng pagpapasiya ayon sa makatong kilos batay kay Sto. Tomas de Aquino, ilang yugto ang dapat mong isagawa? a. Anim na yugto b. Tatlong yugto c. Sampung yugto d. Labing-dalawang yugto 33. Si Nena ay gustong pumunta sa kabilang barangay dahil may Liga ng Basketball na magaganap. Nasa pinakahuling yugto na si Nena sa kanyang pagpapasiya; Ano ang kanyang gagawin? a. Inisip ni Nena kung anong mangyayari kung pupunta siya dahil paniguradong papagalitan siya ng kaniyang magulang kapag hindi siya nagpaalam. b. Nagpaalam muna si Nena sa kanyang magulang. c. Tinawagan ni Nena ang kanyang mga kaibigan upang manuod. d. Masayang napanuod ni Nena ang laro dahil nagpaalam siya sa kaniyang magulang pagkatapos magawa lahat ng gawaing bahay. 34. Sa anong sitwasyon natin masasabi na nasa panghuling yugto na ng makataong kilos ang isang tao sa kanyang gagawing pagpapasiya? a. Kapag nauunawaan niya ng mabuti ang kahihinatnan ng kanyang gagawing pagpapasiya at magiging gabay sa susunod na makataong kilos. b. Kapag inisip niya kung sa paanong paraan niya makamit ang kaniyang nais maabot. c. Kapag nalaman na niya ang bunga ng kaniyang pasiya at niintidihan kung ang pasiya ba ay tama o mali d. Kapag praktikal na hinusgahan ang ginawang pagpili. 35. Bakit kailangang isaisip at timbangin ang mabuti at masamang naidudulot ngpasiya? a. Dahil ito ay magsisilbing gabay niya sa pang-araw-araw na buhay. b. Dahil ito ay makatutulong sa tao upang magkaroon siya ng mabuting kilos. c. Dahil ang bawat kilos ay may batayan, dahilan, at pananagutan. d. Dahil ito ay nagdudulot sa tao ng kasiguruhan sa kaniyang pagpili. 36. Bakit kailangang mabuti at tama ang pagpapasiyang ating gagawin? a. Upang makamit nating ang gusto natin sa buhay b. Upang hindi tayo mapagalitan ng ating magulang c. Upang tayo ay mabubuhay na ayon sa salita ng Diyos at likas na batas moral d. Upang tayo ay maging mabuting tao 37. Gusto mong maglaro ng Mobile Legends kahit na may pasulit sila bukas. Ano ang dapat mong gawin? a. Iayon sa yugto ng makataong kilos ang pagpapasiyang gawin b. Maglaro ng Mobile Legends at mag-aral pagkatapos. c. Mag-aral muna bago mag laro ng Mobile Legends. d. Magpaalam sa magulang tungkol sa gustong gawin. 38. Bilang isang mag-aaral, bakit kailangan mong sundin ang mga yugto ng makataong kilos a. Upang makamit ang mga pangarap at maging maginhawa ang buhay sa kinabukasan b. Upang hindi mapagalitan ng magulang at ng guro. c. Upang maging isang mabuting mag-aaral na may layuning makapagtapos ng pag-aaral d. Upang maging masaya lagi at makagawa ng magandang memorya kasama ang mga kaklase. 39. Bakit hindi dapat husgahan ang kilos-loob ng isang tao? a. Dahil ikaw ay hindi nagtatrabaho kung saan may karapatan kang manghusga ng kapwa tao b. Dahil ayon sa Diyos, wala kang karapatan manghusga ng kapwa tao c. Dahil ayon kay Sto. Tomas de Aquino, kailangan mo munang malaman ang layunin ng isang kilos. d. Dahil ayon kay Sto. Tomas de Aquino, may nararapat na obheto ang kilos ng tao. 40. Alin sa sumusunod na pahayag ang tama? I. Ang makataong kilos ay tumutukoy sa sa panloob na kilos kung saan nakatuon ang kilos-loob. II. May nararapat na obheto ang kilos III. Ang sirkumstansya ng kilos ay nahahati sa dalawa at ito ay saan at sino. IV. Ang lahat na ginagawang kilos ng tao ay walang dahilan, batayan at walang kaakibat na pananagutan a. I at II b. II at III c. I, III at IV d. Lahat ay tama 41. Bakit mahalaga na pag-isipan at pagplanuhang mabuti ang isasagawang kilos? a. Dahil mayroon itong katumbas na pananagutan na dapat isaalang-alang b. Dahil hindi natin alam kung ano ang mangyayari sa nalalapit na kinabukasan c. Dahil pagsisihan mo sa huli ang iyong gagawin d. Dahil hindi na maibabalik pa ang oras at ang nagawang desisyon 42. Ano ang kahulugan ng kilos? a. Ito ay panloob at panlabas na kakayahan ng tao at mayroon itong obheto at layunin. b. Ito ay ang gustong gawin ng isang indibidwal c. Ito ang kaalaman na nakukuha ng isang tao batay sa kanyang natutunan. d. Ito ay ang tinuturo ng mga taong nakapaligid sa isang tao 43. Anu-ano ang sirkumstansya ng makataong kilos? a. Bakit, Saan at Kailan b. Sino, ano, saan, paano at kalian c. Bakit, sino, paano, kalian at ano d. Paano, kalian at sino 44. Bago pa man nagpasiya si Jomar ay inalam niya muna ang sino, ano, saan, paano at kalian ng isang sitwasyon bago siya mag desisyon. Tama ba ang ginawa ni Jomar? a. Hindi, dahil ang sirkumstansya ay may kaakibat na konsensya kung saan ito ang maghuhusga kung tama ang isang pasiya o hindi. b. Hindi, dahil minsan ay nagkakaroon ng suliranin sa pagpapasiya dahil sa kawalan ng kaalaman. c. Oo, dahil sinasabi na ang bawat tao ay kailangang maging mapanagutan sa anumang kilos na kanyang pipiliin d. Oo, dahil ito ang sirkumstansya ng makataong kilos na nakakabawas o nakadaragdag sa kabutihan o kasamaan ng isang kilos. 45. Alin sa sumusunod ang hindi kahulugan ng sirkumstansiya? At bakit? a. Ito ay tumutukoy sa isang kondisyon o kalagayan kung saan ang kilos na ginawa ay nakaaapekto sa kabutihan. b. Ito ay tumutukoy sa panloob na kilos na nakabatay kung saan nakatuon ang kilos-loob. c. Ito ay nakapagbabawas o nakapagdaragdag sa kabutihan o kasamaan ng isang kilos. d. Ito ay nakapagpapabago sa halaga ng isang kilos. 46. Bakit hindi maaaring ihiwalay ang panloob na kilos sa panlabas na kilos? a. Sapagkat kung anuman ang sinasabi ng isip na mabuti ay siyang dapat sundin b. Sapagkat ang dalawa ay magkaibang bagay. c. Dahil pareho silang importante d. Dahil ang panlabas na kilos ay mauuna at susundin ito ng panloob na kilos. 47. Mayroon kang mahabang pagsusulit ngunit hindi ka nakapag-aral dahil ginabi ka nang umuwi galing sa kaarawan ng iyong kaibigan. Nakikita mo ang sagot mula sa iyong katabi. Tama ba o mali na kopyahin mo ito? Pangatwiranan. a. Tama, dahil hindi ko naman hiningi ang sagot, kusa ko naman itong nakita. b. Mali, dahil hindi ko dapat kopyahin nang walang paalam sa kaniya. c. Tama, dahil ang aking layunin ay makapasa sa pagsusulit. d. Mali, dahil kung ano lamang ang nalalaman ko ang dapat kong isulat na 48.Sa iyong palagay,kung ang papel na ginagampanan ng isip ay humusga at mag-utos, ano naman ang papel ng kilos-loob? a. Umunawa at magsuri ng impormasyon. b. Tumungo sa layunin o intensiyon ng isip. c. Tumulong sa kilos ng isang tao. d. Gumabay sa pagsasagawa ng kilos 49. Nagkasayahan kayo bilang selebrasyon sa iyong kaarawan, kaya inabot kayo ng hating gabi sa inyong bahay. Hindi pa rin kayo tumigil sa pagkanta gamit ang videoke kahit natutulog na ang inyong kapitbahay.Kung ikaw ang papipiliin alin sa mga sumusunod ang dapat mong gawin. a. Aalis at lilipat nalang sa bar b. Huminto sa pagkanta at matulog nalang c. Ipagpapatuloy niyo lang ang inyong ginagawa at huwag pansinin ang mga tao sa paligid, maiintindihan nilang kaarawan mo d.Lahat ng nabanggit 50. Kailangan bang pagtimbangin ang pag dedisisyon ng isang bagay para makamit ang kasaganahan sa buhay? a. Oo, para malaman niya kung ano ang tama at mali. b. Hindi na kailangan basta ang mahalaga ay nagkagawa ng isang bagay na mabuti para saiyo. c. Hindi na kailangan para hindi na mag aksaya sa oras d. Kailangan ang agarang pagkilos para medaling matapos