Kasaysayan ng Komunikasyong Teknikal PDF

Summary

Ang dokumentong ito ay isang pag-aaral tungkol sa kasaysayan ng komunikasyong teknikal sa Tagalog. Ipinapakita nito ang iba't ibang aspekto ng komunikasyong teknikal, mga halimbawa, at ang kaugnayan nito sa kasalukuyang panahon.

Full Transcript

Kasaysayan ng Komunikasyong Teknikal Kasintanda na ng daigdig ang pangangailangan ng mga tao sa mabisang komunikasyon. Sa katunayan, ang mga guro, mga pilosopo, at mga iskolar ay matagal nang tinutugunan ang mga hadlang tungo sa mabisang komunikasyon. Gaya na lamang sa pag-aaral ni Aristotle...

Kasaysayan ng Komunikasyong Teknikal Kasintanda na ng daigdig ang pangangailangan ng mga tao sa mabisang komunikasyon. Sa katunayan, ang mga guro, mga pilosopo, at mga iskolar ay matagal nang tinutugunan ang mga hadlang tungo sa mabisang komunikasyon. Gaya na lamang sa pag-aaral ni Aristotle ng Retorika, mahusay niyang pinag-iba ang panghihikayat sa argumento. Aniya, ang panghihikayat ay nakatuon sa kaparaanan kung papaano maiaangat ang interes ng mambabasa at tagapakinig, samantalang argumento naman ay ang wastong pagsasalansan ng mga mapanghikayat na ideya. Sa pananaw na ito mababakas ang pagsilang ng komunikasyong teknikal lalo na't pinahahalagahan dito ang proseso o pag-eestruktura ng isang mensahe. Sa huli, ang pinakamainam na maisaalang-alang ay ang paglikha ng mabisang mensahe. Bago pa man tayo tuluyang lumayag, alam mo ba ang kaibahan ng komunikasyong teknikal sa sulating teknikal? Sa paliwanag nina Martinez et al. (2011), ang komunikasyong teknikal ay nagtataglay ng tiyak na anyo na nakapokus sa pasulat at pasalitang diskurso. Ang sulating teknikal naman ay isa lamang sa maraming anyo ng komunikasyong teknikal na higit na nagtataglay ng mataas na antas ng kasanayan mula sa isang disiplina. Ang mahusay na komunikasyong teknikal ay nararapat na tiyak, malinaw, at maikli. Mahalaga ring maisaalang-alang ang awdiyens, layunin, at konteksto tungo sa mabisang komunikasyon. Sa kasalukuyan, sinasaklaw rin ng komunikasyong teknikal ang paggamit ng video, audio, slides, at iba pang uri ng multimedia na kagamitan. Maituturing na susi ng tagumpay para sa isang tao kung siya ay nagtataglay ng kahusayan sa komunikasyon, ito man ay sa pasalita o pasulat na anyo. Ang kasanayang ito ang makatutulong upang maipabatid at maipaunawa niya sa daigdig ang kaniyang kaisipan at kaalaman ano pa man ang kaniyang propesyon. Sa katunayan, isa ito sa mga hinahanap na katangian ng mga kompanya sa pagkuha ng empleyado. Kung kaya, ikaw man ay abogado, akawntant, doktor, guro, inhenyero, pulis, siyentista, negosyante, o eksperto sa information technology, ang kasanayan sa komunikasyong teknikal ay isang mahigpit na pangangailangan. Ito ay hindi lamang nakatuon sa pasalitang kasanayan, kundi lalo't higit sa pasulat na korespondensiya gaya ng liham, memorandum, iba't ibang uri ng ulat, mga presentasyon, publisidad, promosyon, at marami pang iba. Sa pagpasok ng ikadalawampu't isang siglo, ang pagsasanib ng information technology at pagsulat ang siyang higit na nananaig. Iba't ibang porma at estilo ang iniluluwal batay sa pangangailangan ng mga kompanya mula sa kanilang mga empleyado. Sa madaling salita, higit ding kinakailangan ang literasi sa iba't ibang anyo ng teknolohiya tungo sa pagpapabilis ng mga trabaho sa kasalukuyang panahon. Alam mo bang dalawang libong taon na ang nakalilipas nang pormal na pinasimulan ang propesyonalisasyon ng pagsulat? Ito ay tinugunan at nilunasan ng mga naunang guro at pilosopo gaya nina Plato, Aristotle, at iba pa. Natukoy naman sa mga pag-aaral na ang komunikasyong teknikal ay nagmula sa mga Sumerian subalit kinilala si Sextus Julius Frontinus bilang isa sa mga awtor nito. Ito ay dahil sumulat siya ng manwal para sa gusali at paraan ng pagpapanatili nito noong A.D. 97. Samantala, si Pliny the Elder naman na isang administrador at sundalong Romano ay naisulat ang The Natural History, isang kalipunan ng mga natural at siyentipikong kaalaman. Isa lamang ito sa maraming dokumentong naisulat niya noong mga panahong pinamamahalaan niya ang iba't ibang tanggapan sa mga bansang Gaul, Aprika, at Espanya. Si Reginald Scot sa panahon ng Renaissance ng Ingles ay nakabuo ng mga teknikal na manwal para sa paghahalaman na nakatulong sa marami upang malaman ang proseso ng naturang gawain. Lakip din nito ang mga ilustrasyon na mabisang nakatulong sa mga taong gumamit nito. Nagpatuloy ang halaga ng komunikasyong teknikal hanggang sa ikalawang digmaang pandaigdig dahil nakatulong ito sa mga sundalo na matutuhan ang proseso at pagkakasunod-sunod ng paggamit ng kanilang mga sandata. Kahulugan ng Komunikasyong Teknikal Ang komunikasyong teknikal ay isang espesyalisadong anyo ng komunikasyon. Karaniwan na itong naihahalintulad sa iba pang uri ng mga sulatin bagaman ito ay may tiyak na awdiyens, layunin, estilo, pormat, sitwasyon, nilalaman, at gamit na siyang pangunahing elemento ng komunikasyong teknikal. Laging isaisip na kaiba ito sa mga akademikong sulatin na karaniwang isinasagawa sa klase gaya ng sanaysay, pananaliksik, analitikong papel, at iba pa. Iba rin ang komunikasyong teknikal sa malikhaing pagsulat dahil ang huli ay may dulog na personal at maaaring hindi gaanong nagtataglay ng katotohanan o facts. Ang komunikasyong teknikal ay maituturing ding applied na uri ng komunikasyon na ang mensahe ay nakalaan lamang para sa inaasahang tagatanggap nito na nangangailangan ng agarang pagtugon o paglunas sa isang sularanin. May bagong mobile phone ka ba? Binasa mo ba ang user's manual nito? Ikaw ba ay conscious sa iyong pigura? Siguradong binabasa mo ang label ng mga pagkain o multivitamins na binibili mo kung ang mga ito ba ay may malaking benepisyo sa iyong kalusugan. O baka naman ay may bago kayong pinakaiingatang appliances sa bahay? Masusi mo bang pinag-aralan ang mga manwal nito? Ang lahat ng ito, gaya ng label, manwal, at mga gabay sa paggamit ay mga kongkretong halimbawa ng komunikasyong teknikal. Tiyak kasi ang nais patunguhan ng mensahe nito na ang layunin ay matutuhan ang proseso ng paggamit o pagkumpuni (troubleshooting) ng isang bagay. Tinatawag itong komunikasyong teknikald ay nasa anyong espesyalisado. Gayunpaman mensahe nito upang madaling maunawaan ng mambabasa teknikal ay isang proseso ng mahusay na pamamahala ng mensahe upang makapagbigay tugon o solusyon sa suliranin. Pangunahing binibigyang-pansin ang pagiging malinaw, tiyak, maikli, at madaling basahin at unawain. Makikita sa talahanayan ang ilang halimbawa ang komunikasyong teknikal blogs grant at proposal siyentipikong sarbey papel katalog polyeto website handbook materyal para sa procedure manual presentasyon dokumentong user manual ebalwasyon pampagsasanay ginabayang reperensiya ulat Mula sa mga halimbawang naitala, may nakikita ka bang tiyak na katangian ng mga ito? Kung ang iyong oberbasyon ay hinggil sa pormat, paraan ng pagsulat, o sa pinatutunguhan na mensahe, ang lahat ng ito ay nakapaloob sa komunikasyong teknikal. Upang lalo pang mapalalim ang talakayan, narito ang ilang elemento ng komunikasyong teknikal: 1. Awdiyens - nagsisilbing tagatanggap ng mensahe at maaaring siya ay isang tagapakinig, manonood, o mambabasa. 2. Layunin - ito ang dahilan kung bakit kinakailangang maganap ang pagpapadala ng mensahe. 3. Estilo - kinapalolooban ito ng tono, boses, pananaw, at iba pang paraan kung papaanong mahusay na maipadadala ang mensahe. 4. Pormat - tumutukoy ito sa ginabayang estruktura ng mensaheng ipadadala. 5. Sitwasyon - pagtukoy ito sa estado kaugnay sa layuning nais iparating ng mensahe. 6. Nilalaman - dito nakasaad ang daloy ng ideya ng kabuuang mensahe ng komunikasyon. 7. Gamit - ito ang pagpapakita ng halaga kung bakit kinakailangan na maipadala ang mensahe. Mga Katangian ng Komunikasyong Teknikal 1. Oryentasyong nakabatay sa awdiyens - ang pangunahing prinsipyo sa pagbuo ng komunikasyong teknikal ay ang pagsulat para sa awdiyens. Sa katangiang ito, ang mensahe ay kinakailangang mula sa pananaw ng awdiyens at hindi sa manunulat. Ito ang malaking kaibahan nito sa iba pang uri ng sulatin na nakasentro ang himig at damdamin sa sumulat. Nakapokus sa subject - sa pagsulat ng komunikasyong teknikal, higit na binibigyang pansin ang pangunahing paksa ng usapan dahil dito ibinabatay ang lahat ng impormasyong sangkot sa pagtalakay.Layunin nitong puspusang matalakay at maisaisa ang inaasahang proseso na tutulong sa awdiyens na maisagawa ang inaasahan sa kaniya. 2. Kumakatawan sa manunulat-ang katangiang ito ang nagpapakilala kung ano at sino ang sumulat o ang kultura ng organisasyong kaniyang kinabibilangan. Tumutukoy rin ito sa kung anong imahe ang nais ipakita ng manunulat na sumasalamin sa samahang kabahagi siya. Tinatawag din itong branding na nagsisilbing pagkakakilanlan o identipikasyon. 3. Kolaborasyon - maituturing itong proseso tungo sa mahusay na pagbuo ng anumang uri ng komunikasyong teknikal. Dito nagsasama-sama ang iba't ibang indibidwal na may magkakaibang kasanayan sa pagbuo ng komunikasyong inaasahan. Halimbawa na lamang, sa pagbuo ng mobile phone manual, nangangailangan ng paglahok ng maraming eksperto tulad ng system analyst, layout artist, graphics specialist, technical communicator, at iba pa. Bawat isa sa kanila ay nagtataglay ng kasanayang lubos na inaasahan upang makabuo ng mabisang manwal. Ipinapaliwanag sa mga susing gabay na ito ang komunikasyong teknikal bilang espesyalisadong disiplina. Kailangang may lubos na kasanayan ang mga taong sumusulat ng komunikasyong teknikal upang maintindihan ng babasa at maisagawa ang pagkilos na inaasahan. Sa modernong panahon ng komunikasyon, hatid ng kompyuter ang mabilis at episyenteng daloy ng impormasyon bunsod ng Internet. Sa pamamagitan nito, napadadali ang access ng mga tao sa lahat ng uri ng kaalamang nais niyang matamo. Gamit ang mga website, iba't ibang search engines, elektronikong liham, at iba pa, nagiging mabilis ang proseso ng impormasyon. Mahalaga rin na ang impormasyon ay nakasentro sa mga mambabasa nito upang maging episyente, madaling maunawaan, marating, at makatugon sa kinakailangan nila. Upang maisakatuparan ito, ang mga ilalahad na impormasyon ay Sa kabilang dako, bunsod ng modernong teknolohiya ang mga usaping etikal, legal, at politikal kaugnay sa komunikasyong teknikal. Mahalaga ang pagiging maingat lalot higit sa pagkuha ng mga impormasyon sa malawak na batis ng kaalaman upang ang mga komunikasyong teknikal ay maging katanggap-tanggap at etikal. Ang wastong pagsipi sa pinaghanguan ng impormasyon ay isang paraan upang maging tiyak ang mensahe. Ang pagiging sensitibo sa gamit ng mga salita at mga ilustrasyon ay nararapat ding may panlahat na pagtanggap bilang anyo ng tawid-kulturang pagdulog. Sanggunian: Francisco, Christian and Mary Grace Gonzales (2017). Filipino sa Piling Larangan (Tech Voc). Manila. Rex Bookstore

Use Quizgecko on...
Browser
Browser