Modyul sa Filipino sa Piling Larang Tech-Voc para sa 1st Quarter

Summary

Ang modyul na ito ay tungkol sa Filipino sa Piling Larang Tech-Voc para sa unang markahan. Nanghihikayat ito sa pag-aaral ng komunikasyong teknikal at mga katangian nito, kasama na ang layunin, mga katangian, at halimbawa. May mga katanungan rin sa mga pagbabalik-tanaw para sa mga mag-aaral.

Full Transcript

SDO MALABON CITY FILIPINO Napapanahong Alternatibong Tulay sa Pagkatuto Unang Markahan NAT BAITANG 12 \ Alamin Natin! Isinaalang-alang ang mag-...

SDO MALABON CITY FILIPINO Napapanahong Alternatibong Tulay sa Pagkatuto Unang Markahan NAT BAITANG 12 \ Alamin Natin! Isinaalang-alang ang mag-aaral bago nilikha at ginawa ang modyul na ito. Naririto ito upang aralin ang lahat ng tungkol sa Filipino sa Piling Larang Techvoc. Ang sakop ng modyul na ito ay maaring gamitin sa kahit anong pagkakataon sa iba’t ibang sitwasyon. Ang mga salita ay isinalin sa wikang maiintindihan ng mambabasa. Ang mga aralin ay may pagkakasunod-sunod base sa kinakailangan ng asignatura. Ang mga layunin ng modyul na ito ay ang mga sumusunod: a. nabibigyang-kahulugan ang akademikong pagsulat. b. nakikilala ang iba’t ibang akademikong sulatin ayon sa: Layunin Gamit Katangian Anyo Bago tuluyang lumusong sa kasaysayan ng komunikasyong teknikal, pagnilayan muna ang ilan sa mga inihandang katanungan sa ibaba. Balikan Natin! I. Unang Pagbabalik Tanaw 1. Para sa iyo, ano ang komunikasyong teknikal? 2. May pagkakaiba kaya ang komunikasyong teknikal sa sulating teknikal? 3. Ano ang kaibahan ng komunikasyong teknikal sa iba pang uri ng sulating akademiko? 4. Gaano kahalaga ang komunikasyong teknikal bilang paghahanda mo sa daigdig ng trabaho? Filipino sa Piling Larang Tech-Voc – SHS Core Subject NAT BAITANG 12 5. May benepisyo ba ito upang maging mahusay kang propesyonal pagdating ng panahon? II. Pangalawang Pagbabalik Tanaw Lagyan ng Tsek (√) ang mga sulating matagumpay mong naisagawa noong ikaw ay nasa ikasampung grado pa lamang. Liham pangangalakal ________ Siyentipikong ulat ________ Liham pangkaibigan ________ Teknikal na ulat ________ Suring – aklat ________ Pananaliksik ________ Pangkritik ng papel ________ Rebyu ng pelikula ________ Sanaysay _________ Mga Tala para sa Guro Subuking sagutin ang mga katanungan sa abot ng iyong makakaya, hanggat maari huwag gagamit o kokopya mula sa internet. Sagutin ang lahat ng gawain sa isang kuwaderno. Ano ang Kasaysayan ng Komunikasyong Teknikal? Kasintanda na ng daigdig ang pangangailangan ng mga tao sa mabisang komunikasyon. Sa katunayan, ang mga guro, mga pilosopo, at mga iskolar ay matagal nang tinutugunan ang mga hadlang tungo sa mabisang komunikasyon. Gaya na Filipino sa Piling Larang Tech-Voc – SHS Core Subject NAT BAITANG 12 lamang sa pag-aaral ni Aristotle ng Retorika, mahusay niyang pinag-iba ang panghihikayat sa argumento. Aniya, ang panghihikayat ay nakatuon sa kaparaanan kung papaano maiaangat ang interes ng mambabasa at tagapakinig, samantalang ang argumento naman ay ang wastong pagsasalansan ng mga mapanghikayat na ideya. Sa pananaw na ito mababakas ang pagsilang ng komunikasyong teknikal lalo na't pinahahalagahan dito ang proseso o pag e-estruktura ng isang mensahe. Sa huli, ang pinakamainam na maisaalang-alang ay ang paglikha ng mabisang mensahe. Bago pa man tayo tuluyang lumayag, alam mo ba ang kaibahan ng komunikasyong teknikal sa sulating teknikal? Sa paliwanag nina Martinez et al. (2011), ang komunikasyong teknikal ay nagtataglay ng tiyak na anyo na nakapokus sa pasulat at pasalitang diskurso. Ang sulating teknikal naman ay isa lamang sa maraming anyo ng komunikasyong teknikal na higit na nagtataglay ng mataas na antas ng kasanayan mula sa isang disiplina. Ang mahusay na komunikasyong teknikal ay nararapat na tiyak, malinaw, at maikli. Mahalaga ring maisaalang-alang ang awdiyens, layunin, at konteksto tungo sa mabisang komunikasyon. Sa kasalukuyan, sinasaklaw rin ng komunikasyong teknikal ang paggamit ng video, audio, slides, at iba pang uri ng multimedia na kagamitan. Maituturing na susi ng tagumpay para sa isang tao kung siya ay nagtataglay ng kahusayan sa komunikasyon, ito man ay sa pasalita o pasulat na anyo. Ang kasanayang ito ang makatutulong upang maipabatid at maipaunawa niya sa daigdig ang kaniyang kaisipan at kaalaman ano pa man ang kaniyang propesyon. Sa katunayan, isa ito sa mga hinahanap na katangian ng mga kompanya sa pagkuha ng empleyado. Kung kaya, ikaw man ay abogado, akawntant, doktor, guro, inhenyero, politiko, pulis, siyentista, negosyante, o eksperto sa information technology, ang kasanayan sa komunikasyong teknikal ay isang mahigpit na pangangailangan. Ito ay hindi lamang nakatuon sa pasalitang kasanayan, kundi lalo't higit sa pasulat na korespondensiya gaya ng liham, memorandum, iba't ibang uri ng ulat, mga presentasyon, publisidad, promosyon, at marami pang iba. Sa pagpasok ng ikadalawampu't isang siglo, ang pagsasanib ng information technology at pagsulat ang siyang higit na nananaig. Iba't ibang porma at estilo ang iniluluwal batay sa pangangailangan ng mga kompanya mula sa kanilang mga Filipino sa Piling Larang Tech-Voc – SHS Core Subject NAT BAITANG 12 empleyado. Sa madaling salita, higit ding kinakailangan ang literasi sa iba't ibang anyo ng teknolohiya tungo sa pagpapabilis ng mga trabaho sa kasalukuyang panahon. Alam mo bang dalawang libong taon na ang nakalilipas nang pormal na pinasimulan ang propesyonalisasyon ng pagsulat? Ito ay tinugunan at nilunasan ng mga naunang guro at pilosopo gaya nina Plato, Aristotle, at iba pa. Natukoy naman sa mga pag-aaral na ang komunikasyong teknikal ay nagmula sa mga Sumerian subalit kinilala si Sextus Julius Frontinus bilang isa sa mga awtor nito. Ito ay dahil sumulat siya ng manwal para sa gusali at paraan ng pagpapanatili nito noong A.D. 97. Samantala, si Pliny the Elder naman na isang administrador at sundalong Romano ay naisulat ang The Natural History, isang kalipunan ng mga natural at siyentipikong kaalaman. Isa lamang ito sa maraming dokumentong naisulat niya noong mga panahong pinamamahalaan niya ang iba't ibang tanggapan sa mga bansang Gaul, Aprika, at Espanya. Si Reginald Scot sa panahon ng Renaissance ng Ingles ay nakabuo ng mga teknikal na manwal para sa paghahalaman na nakatulong sa marami upang malaman ang proseso ng naturang gawain. Lakip din nito ang mga ilustrasyon na mabisang nakatulong sa mga taong gumamit nito. Nagpatuloy ang halaga ng komunikasyong teknikal hanggang sa ikalawang digmaang pandaigdig dahil nakatulong ito sa mga sundalo na matutuhan ang proseso at pagkakasunod- sunod ng paggamit ng kanilang mga sandata. Suriin Natin! Kahulugan ng Komunikasyong Teknikal Ang komunikasyong teknikal ay isang espesyalisadong anyo ng komunikasyon. Karaniwan na itong naihahalintulad sa iba pang uri ng mga sulatin bagaman ito ay may tiyak na awdiyens, layunin, estilo, pormat, sitwasyon, nilalaman, at gamit na siyang pangunahing elemento ng komunikasyong teknikal. Laging isaisip na kaiba ito sa mga akademikong sulatin na karaniwang isinasagawa sa klase gaya ng sanaysay, pananaliksik, analitikong papel, at iba pa. Iba rin ang komunikasyong Filipino sa Piling Larang Tech-Voc – SHS Core Subject NAT BAITANG 12 teknikal sa malikhaing pagsulat dahil ang huli ay may dulog na personal at maaaring hindi gaanong nagtataglay ng katotohanan o facts. Ang komunikasyong teknikal ay maituturing ding applied na uri ng komunikasyon na ang mensahe ay nakalaan lamang para sa inaasahang tagatanggap nito na nangangailangan ng agarang pagtugon o paglunas sa isang suliranin. May bagong mobile phone ka ba? Binasa mo ba ang user's manual nito? Ikaw ba ay conscious sa iyong pigura? Siguradong binabasa mo ang label ng mga pagkain o multivitamins na binibili mo kung ang mga ito ba ay may malaking benepisyo sa iyong kalusugan. O baka naman ay may bago kayong pinakaiingatang appliances sa bahay? Masusi mo bang pinag-aralan ang mga manwal nito? Ang lahat ng ito, gaya ng label, manwal, at mga gabay sa paggamit ay mga kongkretong halimbawa ng komunikasyong teknikal. Tiyak kasi ang nais patunguhan ng mensahe nito na ang layunin ay matutuhan ang proseso ng paggamit o pagkumpuni (troubleshooting) ng isang bagay. Tinatawag itong komunikasyong teknikal dahil ang kalikasan ng mensaheng inilalahad ay nasa anyong espesyalisado. Gayunpaman, higit na kinakailangang maging payak ang mensahe nito upang madaling maunawaan ng mambabasa dahil ang komunikasyong teknikal ay isang proseso ng mahusay na pamamahala ng mensahe upang makapagbigay tugon o solusyon sa suliranin. Pangunahing binibigyang-diin nito ang pagiging malinaw, tiyak, maikli, at madaling basahin at unawain. Makikita sa talahanayan ang ilang halimbawa ang komunikasyong teknikal. Blogs Grant at proposal Siyentipikong sarbey Papel katalog Polyeto Website Handbook Materyal para sa Procedure manual presentasyon Dokumentong User manual Ebalwasyon pampagsasanay Ginabayang reperensiya ulat Filipino sa Piling Larang Tech-Voc – SHS Core Subject NAT BAITANG 12 Mula sa mga halimbawang naitala, may nakikita ka bang tiyak na katangian ng mga ito? Kung ang iyong obserbasyon ay hinggil sa pormat, paraan ng pagsulat, o sa pinatutunguhan ng mensahe, ang lahat ng ito ay nakapaloob sa komunikasyong teknikal. Upang lalo pang mapalalim ang talakayan, narito ang ilang elemento ng komunikasyong teknikal: Mga Elemento ng Komunikasyong Teknikal 1. Awdiyens - nagsisilbing tagatanggap ng mensahe at maaaring siya ay isang tagapakinig, manonood, o mambabasa. 2. Layunin - ito ang dahilan kung bakit kinakailangang maganap ang pagpapadala ng mensahe. 3. Estilo - kinapalolooban ito ng tono, boses, pananaw, at iba pang paraan kung papaanong mahusay na maipadadala ang mensahe. 4. Pormat - tumutukoy ito sa ginabayang estruktura ng mensaheng ipadadala. 5. Sitwasyon - pagtukoy ito sa estado kaugnay sa layuning nais iparating ng mensahe. 6. Nilalaman - dito nakasaad ang daloy ng ideya ng kabuuang mensahe ng komunikasyon. 7. Gamit - ito ang pagpapakita ng halaga kung bakit kinakailangan na maipadala ang mensahe. Mga Katangian ng Komunikasyong Teknikal 1. Oryentasyong nakabatay sa awdiyens - ang pangunahing prinsipyo sa pagbuo ng komunikasyong teknikal ay ang pagsulat para sa awdiyens. Sa katangiang ito, ang mensahe ay kinakailangang mula sa pananaw ng awdiyens at hindi sa manunulat. Ito ang malaking kaibahan nito sa iba pang uri ng sulatin na nakasentro ang himig at damdamin sa sumulat. 2. Nakapokus sa subject - sa pagsulat ng komunikasyong teknikal, higit na binibigyang pansin ang pangunahing paksa ng usapan dahil dito ibinabatay ang lahat ng impormasyong sangkot sa pagtalakay. Layunin nitong puspusang Filipino sa Piling Larang Tech-Voc – SHS Core Subject NAT BAITANG 12 matalakay at maisa-isa ang inaasahang proseso na tutulong sa awdiyens na maisagawa ang inaasahan sa kaniya. 3. Kumakatawan sa manunulat - ang katangiang ito ang nagpapakilala kung ano at sino ang sumulat o ang kultura ng organisasyong kaniyang kinabibilangan. Tumutukoy rin ito sa kung anong imahe ang nais ipakita ng manunulat na sumasalamin sa samahang kabahagi siya. Tinatawag din itong branding na nagsisilbing pagkakakilanlan o identipikasyon. 4. Kolaborasyon - maituturing itong proseso tungo sa mahusay na pagbuo ng anumang uri ng komunikasyong teknikal. Dito nagsasama-sama ang iba't ibang indibidwal na may magkakaibang kasanayan sa pagbuo ng komunikasyong inaasahan. Halimbawa na lamang, sa pagbuo ng mobile phone manual, nangangailangan ng paglahok ng maraming eksperto tulad ng system analyst, layout artist, graphics specialist, technical communicator, at iba pa. Bawat isa sa kanila ay nagtataglay ng kasanayang lubos na inaasahan upang makabuo ng mabisang manwal. Mga Susing Patnubay sa Komunikasyong Teknikal sa Modernong Panahon Interaktibo at Angkop Pokus sa Mambabasa Komunikasyong Teknikal Nakabatay sa Kolektibong Gawain Biswal Etika, Legal, at Politikal na Katanggap- tanggap Pandaigdigan at Tawid-Kultural Filipino sa Piling Larang Tech-Voc – SHS Core Subject NAT BAITANG 12 Ipinapaliwanag sa mga susing gabay na ito ang komunikasyong teknikal bilang espesyalisadong disiplina. Kailangang may lubos na kasanayan ang mga taong sumusulat ng komunikasyong teknikal upang maintindihan ng babasa at maisagawa ang pagkilos na inaasahan. Sa modernong panahon ng komunikasyon, hatid ng kompyuter ang mabilis at episyenteng daloy ng impormasyon bunsod ng Internet. Sa pamamagitan nito, napadadali ang access ng mga tao sa lahat ng uri ng kaalamang nais niyang matamo. Gamit ang mga website, iba't ibang search engines, elektronikong liham, at iba pa, nagiging mabilis ang proseso ng impormasyon. Mahalaga rin na ang impormasyon ay nakasentro sa mga mambabasa nito upang maging episyente, madaling maunawaan, marating, at makatugon sa kinakailangan nila. Upang maisakatuparan ito, ang mga ilalahad na impormasyon ay nararapat na nagtataglay ng wastong mga tala, dayagram, at iba pang anyo ng ilustrasyon bilang mga biswal na pantulong. Sa kabilang dako, bunsod ng modernong teknolohiya ang mga usaping etikal, legal, at politikal kaugnay sa komunikasyong teknikal. Mahalaga ang pagiging maingat lalo't higit sa pagkuha ng mga impormasyon sa malawak na batis ng kaalaman upang ang mga komunikasyong teknikal ay maging katanggap-tanggap at etikal. Ang wastong pagsipi sa pinaghanguan ng impormasyon ay isang paraan upang maging tiyak ang mensahe. Ang pagiging sensitibo sa gamit ng mga salita at mga ilustrasyon ay nararapat ding may panlahat na pagtanggap bilang anyo ng tawid-kulturang pagdulog. Gawain 1 1. Ilarawan ang mga naging ambag ng mga Iskolar kaugnay sa pag-unlad ng komunikasyong teknikal. Filipino sa Piling Larang Tech-Voc – SHS Core Subject NAT BAITANG 12 a. Sextus Julius Frontinus _____________________________________________________________ _____________________________________________________________ _____________________________________________________________ b. Pliny the Elder _____________________________________________________________ _____________________________________________________________ _____________________________________________________________ c. Reginald Scot _____________________________________________________________ _____________________________________________________________ _____________________________________________________________ 2. Gaano kahalaga ang pagkakaroon ng matataas na kasanayan sa komunikasyong teknikal? _____________________________________________________________ _____________________________________________________________ _____________________________________________________________ 3. Ano-ano ang benepisyong dulot ng may kasanayan sa komunikasyong teknikal sa panahon ng information technology? _____________________________________________________________ _____________________________________________________________ _____________________________________________________________ 4. Paano naging applied na uri ng komunikasyon ang komunikasyong teknikal? _____________________________________________________________ _____________________________________________________________ _____________________________________________________________ 5. Isa-isahin ang kaibahan ng komunikasyong teknikal sa akademiko at mga malikhaing sulatin. _____________________________________________________________ _____________________________________________________________ _____________________________________________________________ 6. Ipaliwanag ang ibig sabihin ng ideyang, “magsulat para sa awdiyens.”? _____________________________________________________________ Filipino sa Piling Larang Tech-Voc – SHS Core Subject NAT BAITANG 12 _____________________________________________________________ _____________________________________________________________ 1. Ito ay isang espesyalisadong anyo ng komunikasyon. 2. Ang mga halimbawa nito ay ang mga sumusunod: a. Blogs b. Papel katalog c. Handbook d. Dokumentong pampagsasanay e. Ginabayang reperensiya 3. Ang mga halimbawa nito ay ang mga sumusunod: Awdiyens Layunin Estilo Pormat Sitwasyon Nilalaman Gamit 4. Ang mga katangian nito ay ang mga sumusunod: Oryentasyong nakabatay sa awdiyens Nakapokus sa subject Kumakatawan sa manunulat Kolaborasyon Filipino sa Piling Larang Tech-Voc – SHS Core Subject NAT BAITANG 12 Isagawa Natin! Panuto. Gumawa ng isang blog gamit ang isa sa mga paksa sa ibaba. 1. Inaasahang katangian ng pangulo ng Pilipinas 2. Usapin hinggil sa operasyon ng MRT/LRT 3. Pagpapalawig ng mga pambansang proyekto sa mga lalawigan ng Pilipinas 4. Karapatan ng mga hayop 5. Pagpapalago ng turismo ng Pilipinas 6. Banta ng COVID-19 sa bansa Sa pagbuo ng blog, isaalang-alang ang sumusunod: 1. Hindi bababa sa tatlong daang salita ang haba ng blog. 2. Nagtataglay ng mapanghikayat na pamagat 3. Natutukoy ang mga elemento ng komunikasyong teknikal na nakatala sa ibaba: PAKSA: __________________________________________________________ Elemento ng Komunikasyong Pagtalakay Teknikal Awdiyens Layunin Estilo Pormat Sitwasyon Nilalaman Gamit Filipino sa Piling Larang Tech-Voc – SHS Core Subject NAT BAITANG 12 Tayahin Natin! Pagtapat-tapatin. Matatagpuan sa Hanay A ang mga konsepto ng komunikasyong teknikal, samantalang sa Hanay B naman ay ang mga susing salita na naglalarawan sa Hanay A. Piliin ang pinakaangkop na sagot at isulat ito sa patlang gamit ang titik lamang. Hanay A Hanay B ____1. pormat a. pagsama-sama ng mga indibidwal ____2. gamit b. daloy ng ideya, kabuuang mensahe ____3. layunin c. tagatanggap ng mensahe ____4. nakapokus sa subject d. imaheng nais ipakita ng manunulat ____5. kolaborasyon e. kaganapan ng pagpapadala ng mensahe ____6. awdiyens f. espesyalisadong uri ng komunikasyon ____7. sitwasyon g. estado ng layunin ____8. komunikasyong teknikal h. ginabayang estruktura ____9. nilalaman i. pangunahing paksa ng usapan ____10. estilo j. tono, boses, pananaw k. halaga ng pagpapahatid ng mensahe Filipino sa Piling Larang Tech-Voc – SHS Core Subject NAT BAITANG 12 Karagdagang Gawain Maghanap ng mga dokumento gaya ng liham, user manual ng cellphone o anumang electronic gadget, o maaari ding label ng mga produkto. Ito ay magsisilbing halimbawa ng Iba’t ibang uri ng sulating teknikal upang higit na mapatatag ang iyong kaalaman. Matapos nito, tukuyin ang sumusunod: 1. Para kanino ito? 2. Ano ang mga layunin kung bakit ito nilikha? 3. Ano-ano ang maitutulong nito para sa inaasahang mambabasa nito? Filipino sa Piling Larang Tech-Voc – SHS Core Subject NAT BAITANG 12 Modyul Ang Awdiyens bilang Mambabasa at ang Kahalagahan ng Kolaboratibong Pagsulat 2 Bilang ng araw: 4 \ Alamin Natin! Ang mga layunin ng modyul na ito ay ang mga sumusunod: a. nakapagsasagawa ng panimulang pananaliksik kaugnay ng kahulugan, kalikasan, at katangian ng iba’t ibang anyo ng sulating akademiko. b. nakikilala ang iba’t ibang akademikong sulatin ayon sa: (a) layunin (b) gamit (c) katangian (d) anyo Bago simulan ang aralin na ito patungkol sa awdiyens bilang mambabasa at ang kahalagahan ng kolaboratibong pagsulat. Tayo muna ay magbalik tanaw sa nakaraang aralin. Panuto: Punan ang mga patlang ng tamang sagot upang mabuo ang diwa ng kabuuang talata. Isulat ang sagot sa hiwalay na papel. Sa pag-aaral ng komunikasyong teknikal, napakahalaga ng ginagampanang papel ng awdiyens bilang mga mambabasa o tagatanggap ng mensahe. Sila ang pangunahin nating isinasaalang-alang higit ang komunikasyong teknikal ay isang espesyalisadong larangan. Ilan sa mga gabay na nararapat nating ikonsidera ay ang sumusunod: (1) Sino ang mambabasa? (2) Ano ang kinakailangan nilang ________________? (3) Saan nila ito babasahin? (4) Kailan nila ito babasahin? (5) Bakit kailangan nilang basahin ang impormasyon? At (6) Paano nila ito babasahin at ________________? Mayroon ding mga uri ang mambabasa. Ang ________________ ay ang siyang tuwirang pinatutunguhan ng iyong mensahe. Samantala, ang sekondaryang Filipino sa Piling Larang Tech-Voc – SHS Core Subject NAT BAITANG 12 mambabasa ang sinasabi nating eksperto sa larangan na may espesyal na kaalaman gaya ng: ________________, ________________, ________________, ________________, at marami pang iba. Ang ________________ naman ay ang mga taong maaaring may interes na matatagpuan sa dokumento. Kung minsan, sila rin ay gumaganap bilang ebalweytor. Balikan Natin! I. Para sa iyo, gaano kahalagang matukoy kung sino ang target na mambabasa o awdiyens ng iyong sulatin? Mainam bang maisaalang-alang sila? Ano kaya ang benepisyo nito sa iyo bilang manunulat? Maari mong isulat sa mga linya ang iyong repleksiyon ukol dito. Repleksiyon: _______________________________________________ _______________________________________________ _______________________________________________ II. Magsagawa ng klastering sa loob ng klase kaugnay sa iba’t ibang genre o kategorya ng mga kinahihiligang babasahin ninyo gaya ng nobela, tula, mga magasin, at iba pa. Sa pagkaklaster, tatalakayin ang sumusunod na mga katanungan sa ibaba: 1. Bakit ito ang kinahihiligan mong basahin? 2. Ano ang naidudulot nitong kasiyahan sa tuwing binabasa mo ang genre na ito? 3. Paano nagsimula ang hilig mong magbasa ng ganitong uri ng genre? Mula sa gawaing ito, tutuklasin at tutukuyin ng bawat grupo ang mga tiyak na katangiang taglay ng iba pang grupo na siyang pangangasiwaan ng grupo. Filipino sa Piling Larang Tech-Voc – SHS Core Subject NAT BAITANG 12 Mga Tala para sa Guro Subuking sagutin ang mga katanungan sa abot ng iyong makakaya, hanggat maari huwag gagamit o kokopya mula sa internet. Sagutin ang lahat ng gawain sa isang kuwaderno. Ang Awdiyens bilang Mambabasa Ang pagkilala at pagtukoy sa iyong awdiyens bilang mga mambabasa ay isang napakahalagang salik na nararapat mong isaalang-alang sa pagbuo ng anumang uri ng sulatin. Sa panahon ng modernong teknolohiya na lantad ang karamihan sa iba't ibang uri ng babasahin, ang mga mambabasa ay nagiging mapili sa mga impormasyong may interes lamang sila. Karaniwan, mas binibigyang-tuon nila ang mga materyal na kailangan nila at kung ano lamang ang makatutulong sa kanila. Dagdag pa, ang lalong umuunlad na mga anyong pakikipag-ugnayan sa daigdig ay nagsisilbi ring haligi ng mga makabagong paraan ng pakikipagkomunikasyon gaya ng electronic mail o e-mail at iba't ibang social networking sites. Ang anyong ito ang tatawagin nating pandaigdigang komunikasyon na bumasag sa tradisyonal na mga kaparaanan ng pakikipag-ugnayan. Sa unang pagsipat, tila maituturing itong dulog-micro, subalit kung susuriin, tinutunton nito ang kompleks na anyo ng ugnayang pangkomunikasyon. Bunsod nito ang pagsasaalang- alang sa kultura, paniniwala, tradisyon, relihiyon, wika, anyo ng pagsulat, at iba pang pagkakaiba-iba na maaaring makakaapekto sa ugnayan ng manunulat sa kaniyang awdiyens bilang mambabasa. Filipino sa Piling Larang Tech-Voc – SHS Core Subject NAT BAITANG 12 Suriin Natin! Tatlong Gabay sa Pagtatasa sa mga Mambabasa ng Komunikasyong Teknikal 1. Karamihan sa mambabasa ng mga komunikasyong teknikal ay nakatuon lamang sa mahahalagang impormasyong iyong ibinabahagi. 2. Ang mga mambabasa ang nagbibigay ng interpretasyon ng tekstong iyong isinulat. 3. Tandaan, kung mas maikli ang teksto, mas binabasa nila ito. Sa kasalukuyan, isa sa preperensiya ng mga mambabasa ang infographics sa halip na puro teksto lang ang kanilang nakikita. Apat na Uri ng Mambabasa 1. Primaryang mambabasa - sila ang mga tuwirang pinatutunguhan ng iyong mensahe na umaaksiyon o nagbibigay-pasya. 2. Sekondaryang mambabasa - sila ang mga nagbibigay-payo sa primaryang mambabasa. Karaniwan, ang mga sekondaryang mambabasa ay mga ekspertong may espesyal na kaalaman upang matulungan sa pagpapasya ang primaryang mambabasa. 3. Tersiyaryang mambabasa - sila ang mga maaaring may interes sa impormasyong matatagpuan sa dokumento. Nagsisilbi rin silang ebalweytor o interpreter gamit ang iba't ibang perspektiba. 4. Gatekeepers - sila ang namamahala sa nilalaman ng dokumento gayundin sa estilo nito bago pa man ito ipahatid sa primaryang mambabasa. Pagtukoy sa Pangangailangan, Pagpapahalaga, at Saloobin ng mga Mambabasa Mahalaga para sa isang manunulat na kilalanin ang pangangailangan, pagpapahalaga, at saloobin ng kaniyang mga mambabasa. Ang mga ito ang tatawagin nating mga salik-sikolohikal na nakaaapekto sa paraan ng pagkilala, pag- unawa, at pagtugon ng mga mambabasa sa iyong isinulat na dokumento. Sa pamamagitan din nito magkakaroon ka ng kabatiran hinggil sa antas ng kanilang kaalaman, kasanayan, at higit sa lahat, sa kani-kanilang mga karanasan. Sa pag- alam nito, maitatawid mo bilang manunulat ang mga posibleng hadlang tungo sa pagkamit ng mabisang komunikasyon. Higit sa lahat, matutulungan mo ang iyong mambabasa na makapagpasya. 1. Pangangailangan - tumutukoy ito sa mga impormasyong kinakailangang matugunan o maaksiyunan ng iyong mambabasa. 2. Pagpapahalaga - kinapapalooban ito ng mga usapin o adyenda, tunguhin, o mga paniniwala na mahalaga sa mga mambabasa. Filipino sa Piling Larang Tech-Voc – SHS Core Subject NAT BAITANG 12 3. Saloobin - ito ang nagsisilbing tugon ng mambabasa sa iyong isinulat na makaaapekto sa kanila. Ang Kolaborasyon Susi sa isang matagumpay na proyekto ang pagkakaroon ng kolektibo at kolaboratibong pagkilos. Pangunahing prinsipyo nito na maipamalas ang kalakasan at konsentrasyon ng bawat indibidwal na maibabahagi niya sa grupo. Ilan sa mga bentahe ng kolaboratibong gawain ay ang sumusunod: 1. Nakasentro sa kalakasan ng bawat miyembro. Napaghahati-hati nito ang kompleks na gawain sa pamamagitan ng wastong distribusyon. 2. Napalulutang ang pagkamalikhain. Nagagawa nitong mabigyang-diin ang magkakaibang perspektiba ng bawat miyembro na nagpapalakas sa kaalamang panggrupo. 3. Napalalakas ang paniniwalang pansamahan. Sa kasalukuyan, malakas ang impact ng pananaw na shared responsibilities sa alinmang larangan. Sa pamamagitan nito, nagiging kaaya-aya ang daloy ng proyekto. Apat na Yugto ng Kolaborasyon Kaakibat ng salitang kolaborasyon ay ang pagtatakda ng tunguhin at layunin na nais matamo ng isang organisasyon o grupo. Kung kaya, narito ang pundamental na yugto sa mahusay na kolaborasyon. 1. Forming - ang pagbibigay-buhay sa misyon, pagtatakda ng mga layunin, pagtukoy sa mga responsibilidad, at pagmamapa ng iskedyul. 2. Storming - tumutukoy sa wastong pamamahala ng mga tunggalian, tensiyon sa pamumuno at pamamahala, at pagkadismaya. 3. Norming - pagtasa sa kaisahan ng grupo, sa napagkasunduan, pagpapakinis ng mga itinakdang layunin, pagpapatibay ng samahan, at pagpopokus sa papel na ginagampanan ng bawat miyembro. 4. Performing - ang pagbabahagi ng tunguhin, paghahati-hating gawain, pagtugon sa mga tunggalian, at pagkakaiba-iba ng pananaw ng bawat miyembro. Anim na Hakbang sa Forming bilang Maestratehiyang Paraan ng Pagpaplano 1. Pagtukoy sa Misyon at Layunin ng Proyekto. Pinakamahalagang sangkap tungo sa ikatatagumpay ng proyekto ay ang pag-alam sa layunin kung bakit ito kailangang buoin, ang benepisyaryo nito, at iba pang mga salik na posibleng makaapekto rito. Filipino sa Piling Larang Tech-Voc – SHS Core Subject NAT BAITANG 12 2. Pagtukoy sa Kalalabasan ng Proyekto. Ang hakbang na ito ay ang pagtukoy sa inaasahang resulta o kalalabasan ng inyong proyekto. Maaaring ito ay isang ideya, produkto, o serbisyo. Mainam na sa una pa lamang ay malinaw na sa lahat ng miyembro ang inaasahang malilikha nila. 3. Pagtukoy sa Responsibilidad ng mga Miyembro. Bawat miyembro ay may angking lakas at kahinaan. Layunin ng kolaboratibong dulog na maipamalas ang kalakasan ng bawat kasapi. 4. Paglikha ng iskedyul ng Proyekto. Ito ang pag-iisa-isa at pagkakalendaryo ng mga nakatakdang gawain ng buong grupo. Nagsisilbi rin itong gabay upang maebalweyt ang pag-usad ng proyekto. Maraming paraan ng pagsasagawa nito gaya ng pagmamapa, tsart, metodong kalendaryo, at iba pa. 5. Pagbuo ng Plano. Ang pagbuo ng plano ay ang pagbibigay-mukha at deskripsiyon sa proyektong ginagawa ng grupo. Maaari itong isang simpleng deskripsiyon lamang ng produkto, ideya, o serbisyo. 6. Pagsang-ayon sa Pagresolba ng Tunggalian. Normal na larawan sa isang grupo ang pagkakaroon ng hindi pagsang-ayon o tunggalian ng ideya at paniniwala. Masasaksihan sa yugtong ito ang sumusunod na mga sitwasyon: 1. Variation ng mungkahi tungo sa ikagaganda ng proyekto 2. Bahagyang pagdududa kung magiging matagumpay ang proyekto 3. Kompetensiya sa isa't isa 4. Hindi pagkilala sa ideya ng ibang miyembro 5. Pagbabago ng nauna nang itinakdang layunin 6. Mga isyung may kaugnayan sa etika 7. Hindi pantay na paghahati-hati ng gawain Gabay sa Pagsasagawa ng Mabisang Pulong 1. Pumili ng wastong tagapamuno ng pulong 2. Magtakda ng tiyak na adyenda na sasang-ayunan ng lahat 3. Magsimula at magwakas ng pulong sa takdang oras 4. Tumugon sa bawat adyenda 5. Makilahok sa usapan 6. Kilalanin ang mga nag-uumpugang pananaw 7. Magkaroon ng kaisahan 8. Magtala ng mga napagpasyahan 9. Ulitin ang mga napag-usapan at napagpasyahan 10. Talakayin ang iba pang usapin Filipino sa Piling Larang Tech-Voc – SHS Core Subject NAT BAITANG 12 Ang Norming bilang Pagtukoy sa Gampanin ng mga Miyembro Sa yugtong ito, inaasahan ang pagkakaroon ng kaisahan sa lahat ng miyembro. Bawat isa ay may pagtanggap sa inaasahang responsibilidad na iniatang sa kanila. Ilan sa mga ito ay ang sumusunod: 1. Pagrerebisa ng mga layunin at kalalabasan ng proyekto 2. Pagtukoy sa papel na ginagampanan ng bawat miyembro Gampaning Pantao a. koordineytor b. tagapagsiyasat c. tagapag-ayos Gampaning may Kahingian ng kilos a. tagahubog b. tagapagpatupad c. tagapagtapos Gampaning Pangkaisipan a. tagamonitor b. tagapag-isip c. espesyalista d. tagabuo ng iskedyul e. tagapagtala f. tagadokumento Gawain 1 A. Sagutin ang sumusunod na mga tanong, Isulat ang iyong sagot sa hiwalay na papel: 1. Bakit mahalagang matukoy ang profile ng awdiyens bilang mambabasa? 2. Ano ang benepisyong maidudulot nito sa iyo bilang manunulat? 3. Ano-ano ang hakbang sa pagkilala sa iyong mambabasa? Filipino sa Piling Larang Tech-Voc – SHS Core Subject NAT BAITANG 12 4. Ano-ano ang uri ng mambabasa at ang kanilang ginagampanang papel? 5. Bakit dapat isaalang-alang ang mga pangangailangan, pagpapahalaga at saloobin ng mambabasa? B. Basahin ang memorandum at sagutin ang mga katanungan sa ibaba nito. Petsa: Ika- 15 ng Hulyo 2015 Para sa: Lahat ng Opisyales ng Samahan ng mga Mag-aaral sa Filipino (SMF) Mula kay: Bb. Kristina de Guzman Pangulo, SMF Kaugnay: Pulong para sa Pagdiriwang ng Buwan ng Wika sa Agosto 2015 Isang Maalab na Pagbati! Ang lahat ay malugod na inaanyayahang dumalo sa pulong hinggil sa gagawing pagdiriwang ng Buwan ng Wika 2015. Ito ay gaganapin sa ika-20 ng Enero sa ganap na ika- 1 ng hapon sa Gusali ng Wika. Tatalakayin sa pulong ang inaasahang mga gawain para sa buong buwan ng Agosto na lalahukan ng mga administrador, mga guro, mga mag-aaral, at mga panauhing pandangal. Umaasa ako sa inyong positibong pagtugon sa bagay na ito. Maraming Salamat. 1. Sino ang primaryong awdiyens ng memorandum na ito? 2. Bakit sila ipinatawag ng pangulo ng SMF upang makibahagi sa gagawing pulong? 3. Ano-ano ang maitutulong nila sa nasabing pulong? 4. Sa iyong palagay, sino ang maaaring maging sekondarya at tersiyaryang mambabasa ng memorandum na ito? Filipino sa Piling Larang Tech-Voc – SHS Core Subject NAT BAITANG 12 1. Ang pagkilala at pagtukoy sa iyong awdiyens bilang mga mambabasa ay isang napakahalagang salik na nararapat mong isaalang-alang sa pagbuo ng anumang uri ng sulatin. 2. Apat na Uri ng Mambabasa: a. primaryang mambabasa b. sekondaryang mambabasa c. tersiyaryang mambabasa d. gatekeepers. 3. Ilan sa mga bentahe ng kolaboratibong gawain ay ang sumusunod: 1. nakasentro sa kalakasan ng bawat miyembro 2. napalulutang ang pagkamalikhain at 3. napalalakas ang paniniwalang pansamahan. 4. Apat na Yugto ng Kolaborasyon: forming storming norming performing 5. Anim na hakbang sa Forming bilang Maestratehiyang Paraan ng Pagpaplano. pagtukoy sa misyon at layunin ng proyekto pagtukoy sa kalalabasan ng proyekto pagtukoy sa responsibilidad ng mga miyembro paglikha ng iskedyul ng proyekto pagbuo ng plano pagsang-ayon sa pagresolba ng tunggalian Filipino sa Piling Larang Tech-Voc – SHS Core Subject NAT BAITANG 12 Isagawa Natin! Panuto. Gumawa ng isang sarbey gamit ang iyong messenger app o di naman kaya ang numero ng mga kaklase. Maaaring ito ay may kaugnayan sa kanilang paboritong kasuotan, musika, palabas, laro, at iba pa. 1. Magsagawa ng impormal na sarbey o panayam sa buong klase upang matukoy ang panlahat na interes. 2. Pagsama-samahin ang mga nakuhang datos. 3. Magpasya ang grupo kung alin sa mga ito ang gagawan ng sanaysay. 4. Balangkasin ang magiging daloy ng sanaysay. 5. Simulan ang pagsulat ng sanaysay. Gawin itong mapanghikayat. Ilahad ito sa klasrum sa susunod na pagkikita Tatayain ang ginawang sanaysay gamit ang pamantayan sa ibaba. Pamantayan Puntos Iskor 1. Mayaman ang datos o batis ng impormasyon. 10 2. Malinaw ang mensahe ng sanaysay. 10 3. Mahusay ang paglalahad ng sanaysay sa harap ng klase 10 Kabuoan 30 Tayahin Natin! Panuto: Punan ang mga patlang ng tamang sagot upang mabuo ang diwa ng kabuuang talata. Isulat ang sagot sa hiwalay na papel. Sa pag-aaral ng komunikasyong teknikal, napakahalaga ng ginagampanang papel ng awdiyens bilang mga mambabasa o tagatanggap ng mensahe. Sila ang Filipino sa Piling Larang Tech-Voc – SHS Core Subject NAT BAITANG 12 pangunahin nating isinasaalang-alang lalo’t higit ang komunikasyong teknikal ay isang espesyalisadong larangan. Ilan sa mga gabay na nararapat nating ikonsidera ay ang mga sumusunod: (1) Sino ang mambabasa? (2) Ano ang kinakailangan nilang ___________? (3) Saan nila ito babasahin? (4) Kailan nila ito babasahin? (5) Bakit kailangan nilang basahin ang impormasyon? At (6) Paano nila ito babasahin at ___________? Mayroon ding mga uri ang mambabasa. Ang ______________________ ay ang siyang tuwirang pinatutunguhan ng iyong mensahe. Samantala, ang sekondaryang mambabasa ang sinasabi nating eksperto sa larangan na may espesyal na kaalaman gaya ng: ______________________, ______________________, ______________________, ______________________, at marami pang iba. Ang ______________________ naman ay ang mga taong maaaring may interes na matatagpuan sa dokumento. Kung minsan, sila rin ay gumaganap bilang ebalweytor. Karagdagang Gawain Basahin ang artikulong “Ang Pinuno” ni Ahmad Abaya kaugnay sa mahusay na katangian ng isang pinuno gamit ang link na ito: Ang Pinuno by Ahmad Abaya Ang pinuno ay isang lingkod. Upang magpasimuno, kailangan nating malaman kung paano sumunod. Ang pinuno ay isang katulong, isang tagapagbalita, isang boses para sa marami. Ang mga ito ay mga halimbawa ng mga serbisyong binigay natin para sa ating koponan kapag humantong tayo sa kanila. Inaalis natin ang mga sagabal upang magawa nila ang kanilang mga trabaho at magluningning para sa buong grupo. Kung makilala natin ang ating mga tungkulin bilang tagapaglingkod at tagasunod ng ating grupo at nagsisikap upang gawin itong malinaw sa kanila na tayo ay nasa isang katayuan lamang ng isang mayroong kapasidad na mamuno upang gawing mas madali para sa kanila ang kanilang mga tungkulin, hindi sila Filipino sa Piling Larang Tech-Voc – SHS Core Subject NAT BAITANG 12 kailanman makaramdam ng pagbabanta sa ganoong pamumuno. Walang kumpetisyon o pang-aapi. Sa ganitong istilo ng pamumuno ay hindi ka darating sa harap ng linya, nagniningning at mayroong pagmamataas habang kinukuha ng lahat ng kaluwalhatian. Bagkos ang iyong buong koponan ang tatanghalin doon ng sama-sama at dahil dito magkaroon ka ng higit pa sa paggalang mula sa iyong mga tagasunod. Kung ikaw ay may pagnanais, maaari kang maging isang epektibong lider kung gusto mo. Ang isang mabuting lider ay nahuhubog sa pamamagitan ng walang kataposang pag-aaral, edukasyon, maraming pagsasanay, at mga karanasan. Ang pagiging isang lider ay isang proseso kung saan ang isang tao ay may kakayahang mang-impluwensya ng iba na gawin ang isang layunin at kakayahang dalhin ang isang organisasyon sa paraang mas nagkakaisa.Kapag ang isang tao ay magpasiya kung siya ay rerespeto sa iyo bilang isang lider, hindi siya nag-iisip tungkol sa iyong mga katangian, sa halip, tinitingnan niya kung ano ang mga ginagawa mo at dito niya maaaring malaman kung ikaw ba ay dapat bigyan ng kanyang respeto. Ginagamit niya ang obserbasyong ito upang malaman niya kung ikaw ba ay isang kagalang-galang at mapagkakatiwalaang pinuno o isang taong makasarili na ginagamit lamang ang kapangyarihan upang magmukhang mabuti at makakuha ng promosyon. Ang mga lider na makasarili ay hindi mabisa dahil ang kanilang mga empleyado ay susunod lamang sa utos nila, ng walang pagtatalima. Maaaring magtagumpay sila sa maraming mga lugar dahil naipakita nila ang isang magandang imahe sa mga mas nakatataas sa kanila ngunit kapalit ng pagkalugi o kapinsalaan ng kanilang mga manggagawa. Ang isang batayan ng mabuting mamumuno ay ang kanyang marangal na karakter at walang pag-iimbot na serbisyo sa inyong organisasyon. Sa mata ng mga tagasunod, ang iyong pamumuno ay ang lahat ng mga bagay na ginawa mo na nagdudulot ng epekto sa mga layunin at ikabubuti ng organisasyon. May tatlong pangunahing mga bagay na humuhubog sa isang mabuting lider. Una ay dapat na ginagawa ng isang lider kung ano ang kanyang itinuturo. Ang pangalawa at dapat niyang tingnan at pangalagaan ang mga nakapaligid sa kanya. Ang pangatlo ay dapat may kakayahan siya upang bumuo ng iba pang mahusay na mga lider. (UAYA) Filipino sa Piling Larang Tech-Voc – SHS Core Subject NAT BAITANG 12 Itala ang mga katangiang ito na sa iyong palagay ay taglay mo rin. Gayundin, maglahad ng isang sitwasyon o personal na karanasan na nagpapakita sa katangiang ito. Gamitin ang espasyo sa ibaba para sa iyong sagot. ___________________________________________________________________ ___________________________________________________________________ Filipino sa Piling Larang Tech-Voc – SHS Core Subject NAT BAITANG 12 Modyul Mga Elemento ng Sulating Teknikal sa Tawid- Kulturang Pakikipagkomunikasyon 3 Bilang ng araw: 4 \ Alamin Natin! Ang mga layunin ng modyul na ito ay ang mga sumusunod: a. nakapagsasagawa ng panimulang pananaliksik kaugnay ng kahulugan, kalikasan, at katangian ng iba’t ibang anyo ng sulating akademiko. b. nakikilala ang iba’t ibang akademikong sulatin ayon sa: (a) layunin (c) katangian (b) gamit (d) anyo Bago simulan ang aralin na ito patungkol sa awdiyens bilang mambabasa at ang kahalagahan ng kolaboratibong pagsulat. Tayo muna ay magbalik tanaw sa nakaraang aralin. Isulat sa mga bilog ang mga kahulugang maiiugnay sa salitang “etika”. Balikan Natin! a Etika Filipino sa Piling Larang Tech-Voc – SHS Core Subject NAT BAITANG 12 Mga Tala para sa Guro Subuking sagutin ang mga katanungan sa abot ng iyong makakaya, hanggat maari huwag gagamit o kokopya mula sa internet. Sagutin ang lahat ng gawain sa isang kuwaderno. Kung babalikan ang mga sitwasyon sa unang bahagi ng aralin, masasabi natin na ang mga ito ay sumasalamin sa realidad ng buhay. Ang ilan sa inyo ay maaaring nakaranas ng naturang pangyayari, subalit paano ka nagpasya hinggil sa dapat gawin? Nagdalawang-isip ka ba kaugnay sa hakbang na gagawin mo? Anuman ang naging desisyon mo, siguradong hindi ito naging madali para sa iyo. May mga pagkakataon na nagtatalo ang ating isip at damdamin sa kung ano ang dapat nating gawing hakbang upang makabuo ng desisyon. Sa tuwing ikaw ay makararanas ng ganitong kalituhan maging ito man ay usaping personal, sa paaralan, o sa trabaho, sa kapaligiran o kung saan pa man, laging isaisip ang salitang etika. Maraming kahulugang ikinakabit sa salitang etika, subalit ano nga ba ang pangunahing kaisipan na hindi dapat makaligtaan? Sa nakararami, ang etika ay katumbas ng moralidad. Ibig sabihin, etikal ang isang gawi kung ito ay tanggap ng lipunan o ng nakararami. Para naman sa iba, ang etika ay may kaugnayan sa batas. Anuman ang tinatanggap at nakasulat sa batas ay maituturing na etikal. Sa tradisyonal na pananaw, anumang bagay o gawi na mabuti ay maituturing na etikal. Suriin Natin! Ang etika ay isang sistemang kinapalolooban ng pagpapahalagang moral, sosyal, at kultura ng isang lipunan. Bawat desisyong ating ginagawa ay may nakapaloob sa etikal na dimensyon. Samakatuwid, bawat tao, bago pa man siya Filipino sa Piling Larang Tech-Voc – SHS Core Subject NAT BAITANG 12 magpasiya, ay maraming isinasaalang-alang gaya ng epekto ng desisyon, damdamin, panlipunang pananaw, relihiyon, paniniwala, at marami pang iba. Kung ganito ang kaligiran ng etika, hindi mo ba naitatanong sa sarili kung bakit may mga taong hindi sumusunod sa kanilang pagpapahalagang moral, sosyal at kultural? Ano ang nagtutulak sa kanila upang hindi sumunod? May pansariling pamantayan ba sila ng etika? Hindi ba nila isinasaalang-alang ang mga nakapaligid sa kanila? Ilan lamang ito sa mga tanong na inaasahan nating matutugunan sa paglalim ng ating pagtalakay sa etika. ELEMENTO NG ETIKA NG KOMUNIKASYON Ang etika ay nag-uugat sa pagpapahalagang mayroon ang isang tao. Ang mga pagpapahalagang ito ay maikakategorya sa tatlo. Etikang Pang Personal na Etika Panlipunang Etika konserbasyon Ito ang tumutulong sa tao Ito ang pagpapahalagang Ito ay nagmumula sa para mapahalagahan matatamo ng tao mula sa batas at sa mga niya ang kanyang paligid pamilya, kultura at pagpapahalagang na ginagalawan pananampalatayang panlipunan na kinalakhan mayroon siya. ng isang tao. Ito ay karaniwang makikita sa pakikihalubilo natin sa ating pamayanan. Mga Pamantayan sa Komunikasyong Etikal 1 Malinaw na ipaalam at ipaunawa sa mambabasa ang lahat ng impormasyong dapat nilang mabatid. 2 Ilahad ang katotohanan sa pasulat na paraan. Filipino sa Piling Larang Tech-Voc – SHS Core Subject NAT BAITANG 12 3 Iwasang magbigay ng husga sa impormasyong ipahahatid sa mga mambabasa. 4 Kung may alinlangan, isangguni ito sa tamang tao o eksperto para sa angkop na payo. 5 Iwasan ang pagmamalabis o eksaherasyon lalo’t higit kung makakaapekto ito sa impormasyong tatanggapin ng mambabasa. Information Glut -Ayon kay Sheenan (2011), ang information glut ay tumutukoy sa dami ng impormasyong maaaring makolekta, mainterpreta, at mapagsama- sama na nagdudulot ng information overload sa mga tao. Dati, talamak ang iba't ibang estilo ng komunikasyon ngunit sa ngayo'y maaaring kakaunti na lamang ang kaibahan dahil sa epekto ng information glut. kaibahan sa Nilalaman kaibahan sa Organisasyon ng Ideya kaibahan sa Estilo kaibahan ng Disenyo at Dokumento Mga Pandaigdigang Pagkakaiba sa Tawid-Kulturang Elemento ng Komunikasyon Kaibahan sa Nilalaman Tsino - mahalaga sa kanila na nakabatay sa katotohanan ang nilalaman ng dokumento. Arabo - ang nilalaman ng dokumento ay patungkol sa negosasyon. Mexicano, Timog-Amerikano, at mga Aprikano - lubos ang pagpapahalaga sa ugnayang pampamilya. Indian - mahalaga ang gamit ng wikang Ingles Filipino sa Piling Larang Tech-Voc – SHS Core Subject NAT BAITANG 12 Kaibahan sa Organisasyon ng Ideya Arabo - pag-uulit ng puntong nais nilang ipahatid. Nasa kultura ng mga Arabo ang pagkakaroon ng mahusay na samahan at pagpapakita ng pagpapahalaga sa kausap. Taga-Hilagang Amerika - pagiging maligoy Asyano - paggamit ng mga impormasyong kontekstuwal. Indian - ang pagpapasalamat ay itinuturing na kabayaran sa isang pabor. Filipino sa Piling Larang Tech-Voc – SHS Core Subject NAT BAITANG 12 Kaibahan sa Estilo Tsino - ang mga dokumentong nagsasaad ng masidhing panghihikayat ay nagpapakita ng kawalang-galang. Europa - ang paggamit ng tuwirang wika ay hindi katanggap-tanggap. Amerikano - pinahahalagahan nila ang paggamit ng payak na wika. Aprika - ang paggamit ng tono ay higit na kinikilala upang maging matiwasay ang daloy ng transaksyon. Kaibahan ng Disenyo at Dokumento Arabo at Tsino - nagbabasa simula kanan tungong kaliwa Asyano - ang puting damit at bulaklak ay simbolo ng kamatayan. Amerikano - ang presentasyong hitik sa grap ay nagdudulot lamang ng kalituhan. Filipino sa Piling Larang Tech-Voc – SHS Core Subject NAT BAITANG 12 Sagutan ang mga sumusunod na tanong: 1) Ano ang pangunahing prinsipyo ng etika? _____________________________________________________________ _____________________________________________________________ _____________________________________________________________ 2) Paano mo maiuugnay ang etika sa larangan ng komunikasyong teknikal? _____________________________________________________________ _____________________________________________________________ _____________________________________________________________ 3) Sa iyong mga personal na karanasan, may masasabi ka bang minsan sa buhay mo ikaw ay naging di-etikal? Paano mo ito prinoseso at tinugunan? _____________________________________________________________ _____________________________________________________________ _____________________________________________________________ 4) Paano ipinaliwanag sa aralin ang ideya ng information glut? _____________________________________________________________ _____________________________________________________________ _____________________________________________________________ 5) Paano nakakaapekto ang etika sa pang-araw-araw na pakikipagkomunikasyon ng mga tao? _____________________________________________________________ _____________________________________________________________ _____________________________________________________________ 6) Ano ang pinakamahalagang layunin kung bakit mahalagang magkaroon ng kabatiran hinggil sa kultura na pakikipagkomunikasyon ng mga taga-ibang bansa? _____________________________________________________________ _____________________________________________________________ _____________________________________________________________ Filipino sa Piling Larang Tech-Voc – SHS Core Subject NAT BAITANG 12 ETIKA 1) Bago pa man magpasya ang tao ay maraming isinaalang-alang gaya ng epekto ng damdamin, desisyon, panlipunang pananaw, relihiyon, paniniwala, at marami pang iba. 2) Sa nakararami, ang etika ay katumbas ng moralidad. Etikal ang isang gawain kung ito ay tanggap ng lipunan o ng nakararami. 3) Sa iba naman, ang etika ay may kaugnayan sa batas. Anuman ang nakasulat sa batas ay maituturing na etikal. 4) Sa tradisyunal na pananaw, anumang bagay o gawi na mabuti ay maituturing na etikal. 5) Ang pinakamainam na estratehiyang magagamit ay ang pagkamahinahon at angkop na paggamit ng mga salita. Filipino sa Piling Larang Tech-Voc – SHS Core Subject NAT BAITANG 12 Isagawa Natin! Gawain 1 Ipaliwanag ang tatlong kategorya ng etika batay sa pinagmulan nito. Personal na Panlipunang Etikang Etika Pangkonserbasyon Etika Tayahin Natin! Itala ang mga tiyak na katangian ng bawat bansa sa larangan ng pakikipag komunikasyon gamit ang apat na elemento nito. Ilahad ito sa talahayanan sa ibaba. Filipino sa Piling Larang Tech-Voc – SHS Core Subject NAT BAITANG 12 a. Nilalaman b) Organisasyon ng Ideya Filipino sa Piling Larang Tech-Voc – SHS Core Subject NAT BAITANG 12 c) Estilo d) Disenyo ng Dokumento Filipino sa Piling Larang Tech-Voc – SHS Core Subject NAT BAITANG 12 Karagdagang Gawain Gawain 1 a) Basahin ang artikulo ng Pilipino Star Ngayon na nasa ibaba: Pag-asa Island sa Spratlys Ide-develop na ng Pinas Ellen Fernando (Pilipino Star Ngayon) - January 10, 2013 - 12:00am MANILA, Philippines - Plano na ring i-develop ng pamahalaan ang Pag-asa Island na bahagi ng pinag-aagawang Kalayaan Island Group o Spratly Islands sa West Philippine Sea. Ito ang kinumpirma kahapon ni Foreign Affairs Secretary Albert del Rosario sa isang pulong balitaan kasunod ng pagkukumahog ng China na angkinin ang mga isla na nasa loob ng Exclusive Economic Zone (EEZ) ng Pilipinas matapos na magtayo ang China ng Sansha City sa Hainan Province sa WPS o South China Sea. Ayon kay del Rosario, may plano rin ang pamahalaan na ayusin at paunlarin ang Pag- asa Island kung saan may libong sibilyan at militar na ang nakatira at nagbabantay. Tinitingnan na lamang aniya ang budget o pondo para sa development sa nasabing rehiyon. Iginiit ng DFA na may karapatan ang Pilipinas sa rehabilitasyon sa mga bahagi ng pinag-aawayang mga isla sa Spratlys na nasa EEZ. Ito ay matapos na umangal ang China sa plano ng Pilipinas. Ang Pag-asa Island na bahagi ng KIG ay may 285 nautical miles mula Palawan. Nanindigan ang Chinese Foreign Ministry kamakalawa na ang China ang may undisputable soverignty sa Spratlys na tinatawag nilang Nansha. Nanawagan pa ang China sa Pilipinas na sundin ang parameters of conduct na siya ring unang reklamo ng Pilipinas laban sa China dahil sa paulit-ulit na panghihimasok sa teritoryo ng Pilipinas. May 15 diplomatic protest na ang naihain ng DFA laban sa China. Filipino sa Piling Larang Tech-Voc – SHS Core Subject NAT BAITANG 12 B. Sumulat ng maikling komento na naglalaman ng iyong obserbasyon kung ito ba ay nakapasa sa sampung pamantayan ng komunikasyon etikal na nilahad sa aralin. Gamit ang grapikong nasa ibaba itala ang iyong obserbasyon. Filipino sa Piling Larang Tech-Voc – SHS Core Subject NAT BAITANG 12 Modyul Liham Pangnegosyo at 4 Memorandum Bilang ng araw: 4 \ Alamin Natin! Ang mga layunin ng modyul na ito ay ang mga sumusunod: a. nakapagsasagawa ng panimulang pananaliksik kaugnay ng kahulugan, kalikasan, at katangian ng iba’t ibang anyo ng sulating akademiko. b. nakikilala ang iba’t ibang akademikong sulatin ayon sa: (a) layunin (c) katangian (b) gamit (d) anyo Bago simulan ang aralin na ito patungkol sa awdiyens bilang mambabasa at ang kahalagahan ng kolaboratibong pagsulat. Tayo muna ay magbalik tanaw sa nakaraang aralin. Balikan Natin! 1. Isulat ang sumusunod na mga liham: A. liham ng pasasalamat B. liham ng paghingi ng paumanhin 2. Basahin ang liham na iyong ginawa at lagyan ng pangalan ang mga bahagi ng liham na iyong makikita. 3. Pumili ng anumang akdang pampanitikan na iyong napag-aralan o pelikula na iyong napanood. Pumili ng karakter mula sa kuwento o pelikula at sumulat ng liham para sa iba pang mga tauhan sa kuwento ayon sa mga takbo ng pangyayari sa binasa o pinanood. Filipino sa Piling Larang Tech-Voc – SHS Core Subject NAT BAITANG 12 Hal. Sa nobelang Noli Me Tangere, gumawa ng isang liham na galing kay Ibarra para sa ibang tauhan sa nobela. Kailangang malinaw na mabanggit ang tamang daloy ng kuwento. Lagyan ng letterhead na kaugnay sa napiling kuwento bilang disenyo ng papel. Mga Tala para sa Guro Subuking sagutin ang mga katanungan sa abot ng iyong makakaya, hanggat maari huwag gagamit o kokopya mula sa internet. Sagutin ang lahat ng gawain sa isang kwaderno. Ano ang Liham Pangnegosyo at Memorandum? Karaniwang isinusulat ang mga liham pangnegosyo para sa mga tao sa labas ng organisasyon o kompanya samantalang ang memo ay karaniwang isinusulat para sa mga taong nasa loob ng isang organisasyon o kompanya. Alam mo ba? May iba’t ibang sitwasyon na sinasaklaw ang liham pangnegosyo. Ito ay ang paghahanap ng trabaho, paghingi ng impormasyon, pagtugon sa mga tanong o paglilinaw at promosyon ng mga ibinebenta at/o serbiyo. Filipino sa Piling Larang Tech-Voc – SHS Core Subject NAT BAITANG 12 Suriin Natin! Liham Pangnegosyo Karaniwang isinusulat ang mga liham pangnegosyo para sa mga tao sa labas ng organisasyon o kompanya. May iba’t ibang sitwasyon na sinasaklaw ang liham pangnegosyo: 1. paghahanap ng trabaho 2. paghingi ng impormasyon 3. pagtugon sa mga tanong o paglilinaw 4. promosyon ng mga ibinebenta at/o serbisyo 5. pagkalap ng pondo 6. pagrerehistro ng mga reklamo 7. pagbibigay ng tulong para sa pagsasaayos ng mga patakaran o sitwasyon 8. koleksyon ng mga bayad 9. pagbibigay instruksyon 10. pagpapasalamat at pagpapahayag ng pagpapahalaga o pagkalugod 11. pag-uulat tungkol sa mga aktibidad 12. pagbibigay ng magandang balita o positibong mensahe 13. pag-aanunsiyo 14. talaan o record 15. Follow-up tungkol sa mga usapan sa telepono at 16. pagpapadala ng ibang dokumentong teknikal. Memorandum o Memo Ang memo ay karaniwang isinusulat para sa mga taong nasa loob ng isang organisasyon o kompanya. Gayunman, may mga memo rin na ipinapadala sa labas ng kompanya o organisasyon gamit ang e-mail o kaya ay telefax. Narito ang mga gamit ng memo: 1. paghingi ng impormasyon 2. pagkompirma sa kumbersasyon 3. pag-aanunsiyo ng mga pagbabago sa mga pulong Filipino sa Piling Larang Tech-Voc – SHS Core Subject NAT BAITANG 12 4. pagbati sa kasamahan sa trabaho 5. pagbubuod ng mga pulong 6. pagpapadala ng mga dokumento at 7. pag-uulat sa pang-araw-araw na gawain. Bagaman halos katulad din ng sa liham pangnegosyo ang mga paksang tinatalakay sa memo, maraming panloob na ulat ang isinusulat sa anyong memo tulad ng ulat sa paglalakbay (trip report), progress report, at maiikling proposal. Elektronikong Liham o E-mail Sa pamamagitan ng Elektronikong Liham nakakapagpadala ng mga liham, memo at iba pang dokumento mula sa iyong kompyuter papunta sa isa pang kompyuter, gamit ang serye ng mga network ng kompyuter. Milyon-milyon ang gumagamit ng e-mail ngayon dahil sa bilis ng pagpapadala at kombinyente ito lalo na ang pagpapalitan ng maiikling mensahe ng mga tao na may takdang usapan o paksa o nakikipag-ugnayan sa isa’t isa tungkol sa pang-araw-araw na gawain. Maaaring lumikha ang bawat kumpanya ng istandardisadong pormat ng mga korespondensiya, ngunit dapat ingatan ng sumusulat na maging labis na impersonal ang mga ipinapadalang sulatin. Bukod sa pagiging maikli, tiyak, malinaw tumpak at mapanghikayat, lahat ng uri ng korespondensiya ay dapat may perspektibang “iyo” o “ikaw”. Pagsulat ng Liham Pangnegosyo Ang liham pangnegosyo ay isang pormal na sulatin. Higit na pormal ito kaysa sa isang personal na sulat. Sa pagsulat ng isang liham pangnegosyo, nararapat na sundin ang karaniwang pormat na margin na isang pulgada (inch) sa bawat gilid ng papel. Ito ay karaniwang isinusulat sa “8 1/2 x 11” na bond paper. May anim na bahagi ang isang liham na pangnegosyo. 1. Pamuhatan Ang pamuhatan ay mula sa salitang ugat na “buhat”, ibig sabihin, pinagmumulan o pinanggagalingan. Nagtataglay ito ng adres ng nagpapadala ng liham na kadalasang nasa dalawa hanggang tatlong linya lamang. Sa huling linya ng bahaging ito inilalagay ang petsa. Maaari ding magdagdag ng isa pang linya matapos ang adres o bago ang Filipino sa Piling Larang Tech-Voc – SHS Core Subject NAT BAITANG 12 petsa, para sa bilang ng telepono, numero ng fax, adres ng e-mail, o iba pang kahalintulad ng mga ito. Hindi na kailangang ilagay ang pamuhatan kung ang ginagamit na papel ay ang tinatawag na stationery na may nakalimbag nang pamuhatan at/o pangalan ng kompanya. Ngunit laging nilalagyan ng petsa ang liham pangnegosyo. 2. Patunguhan Nagmula ang katawagan sa bahaging ito ng liham sa salitang “tungo” o ang pupuntahan, patutunguhan, o padadalhan ng liham. Samakatuwid, ito ang adres ng pinadadalhan ng liham. Kompletuhin ang adres na ito at isama ang mga titulo at pangalan ng padadalhan ng liham. Lagi itong nasa kaliwang bahagi. Mahalaga ang patunguhan upang matukoy ang pinadadalhan ng liham kung sakaling magkaroon ng sira ang sobre o kung sakaling hindi mabasa ang adres. Mag-iwan ng isang linyang espasyo sa pagitan ng pamuhatan at patunguhan. Maglagay rin ng isang linyang espasyo bago ang pagbati. 3. Bating Pambungad Laging pormal ang bating pambungad sa isang liham pangnegosyo. Karaniwang nagsisimula sa mga salitang “Mahal na” na sinusundan naman ng apelyido ng taong sinusulatan. Karaniwan ding may titulo ng taong pinadadalhan ng liham. Ang titulo ay maaaring simpleng G. (Ginoo), Gng. (Ginang), Bb. (Binibini), o ang mismong titulo sa propesyon o katungkulang hawak ng taong pinadadalhan, halimbawa, Prop. (para sa Propesor) o Dr. (para sa Doktor). Ang bating pambungad sa liham pangnegosyo ay laging nagtatapos sa tutuldok (:), hindi sa kuwit (,). 4. Katawan Nasusulat bilang teksto o talata ang katawan ng liham pangnegosyo. Tandaan na hindi ito isinusulat-kamay, palagi itong typewritten o computerized. Depende sa estilo ng liham na iyong gagamitin, maaaring may indensiyon ang mga unang linya ng mga talata. Ano pa man ang pormat, maglaan ng isang linyang espasyo sa pagitan ng bawat talata, sa pagitan ng pagbati at ng katawan, at sa pagitan ng katawan at ng pangwakas. Filipino sa Piling Larang Tech-Voc – SHS Core Subject NAT BAITANG 12 Mga dapat tandaan sa pagsulat ng katawan ng liham pangnegosyo: sa unang talata ng katawan ng liham, nararapat na malinaw na ipahayag ang punong diwa at ang buod ng nais sabihin maging magalang iwasan ang mga sumusunod: ang paggamit ng nananakot na pananalita at pagbibigay ng mga negatibong mungkahi ang paggamit ng walang kaugnayan at di-mahalagang pananalita ang paggamit ng panghalip sa unang panauhan lalo na sa unang pangungusap o talata ng katawan ng liham Sa gitnang bahagi ng katawan nararapat isalaysay ang mga pangyayari at/o magbigay ng mga katibayan hinggil sa pangyayari o usapin Sa huling pangungusap ng liham, sinasabi ang aksiyong dapat gawin sa mapitagang pamamaraan. 5. Pamitagang Pangwakas Isa itong maikling pagbati na nagpapahayag ng paggalang at pamamaalam. Ito ay nagtatapos sa kuwit (,) at kadalasang nasa kaliwang gilid (margin) ng liham, depende sa pormat na iyong pinili. Madalas na ginagamit ang block style na pormat dahil hindi na nito kinakailangan ang anumang indensiyon sa buong liham. 6. Lagda Maglaan ng dalawang linyang espasyo bago ilagay ang pangalan ng taong lalagda. Kadalasang kasama rito ang panggitnang inisyal ng pangalan, bagaman hindi naman laging kinakailangan. Dalawang Pangunahing Pormat ng Liham May dalawang karaniwang pormat ang pagsulat ng liham-pangnegosyo: ang anyong block at ang anyong may indensyon. Suriin ang kaibahan ng dalawa. 1. Anyong Block (Block Form) - lahat ng bahagi ay nasa kaliwa maliban sa katawan. 2. Anyong may Indensiyon (Indented Form) - nakapasok ang unang salita sa bawat talata at ang patunguhan ay nasa kaliwang bahagi. Nasa kanan naman ang pamuhatan at pamitagang pangwakas. Filipino sa Piling Larang Tech-Voc – SHS Core Subject NAT BAITANG 12 Halimbawa ng Liham Pangnegosyo 589 Atis Road Potrero, Malabon 1470 Oktubre 31, 2019 Loan Processing Office Customer Service Center United National Bank P.O. Box 55 Tondo, Manila, Philippines Para sa Customer Service: Para sa inyong kabatiran, nabayaran namin ang aming unang mortgage installment nang magkahiwalay na beses o halaga dahil sa pagkakamali ng inyong empleyado. Nakapagbayad kami nang dalawang ulit bago pa namin matanggap ang aming mortgage payment book, na dumating matapos na ang due date. Dahil naghintay kami ng matagal bago dumating ang payment book, at ayaw naming masira ang aming pangalan sa inyo, pumunta kami sa isang sangay ng inyong bangko noong Oktubre 28, 2019. Ang sabi sa amin ng teller ay bayaran lamang ang halagang nasa itaas ng form. Kinabukasan, tinawagan kami ng teller para sabihing hindi pa kasama sa halagang aming binayaran ang real estate taxes. Kaya bumalik kami sa bangko at binayaran ang mga ito. Ang parehong transaksiyon ay makikita sa account number na 7WVQ80600, sa mga sumusunod: Oktubre 28, 2014, sa tseke na may numerong #380, 31,756.00; Oktubre 29,2019, sa tseke #381, 5,674.50. Upang maiwasan ang mga problema sa hinaharap, direkta naming ipadadala ang pangalawang bayad sa inyong opisina sa Sta. Cruz. Kung may tanong kayo tungkol sa transaksiyong ito, maaari ninyo kaming tawagan sa (043) 467-8976 o sa aming branch sa Pasay. Lubos na gumagalang, Jane Reyes Joe Reyes Jane at Joe Reyes Pigura.1 Halimbawa ng Liham Pangnegosyo sa Anyong Block Filipino sa Piling Larang Tech-Voc – SHS Core Subject NAT BAITANG 12 74 Celia St. Acacia Malabon,Metro Manila 1470 Oktubre 31, 2020 Ms. Petra Gonzales Pangulo Johanson Properties Inc. 5467 Brookfield Subdivision Mandaluyong, Metro Manila Philippines 4115 Mahal na Gng. Gonzales: Magandang araw! Ipinahahatid ng liham na ito ang tungkol sa mga reklamo ng mga naninirahan sa Phase 4 ng subdibisyon na ito. Nais nilang malaman kung bakit hanggang ngayon ay hindi natutugunan ang kanilang mga katanungan hinggil sa pagbabayad ng fees para sa asosasyon. Naipaliwanag na ng aming departamento sa mga nagrereklamo ang mga tuntunin sa buwanang bayarin sa asosasyon, ngunit nais nilang marinig ang inyong panig at paglilinaw tungkol dito. Ikagagalak namin kung gagawan ninyo agad ng aksiyon ang aming kahilingan. Lubos na gumagalang, Elena Reyes (Bb.) Elena Reyes Tagapamahala Brookfield Subdivision Pigura 2 Halimbawa ng Liham Pangnegosyo sa Anyong Indented Filipino sa Piling Larang Tech-Voc – SHS Core Subject NAT BAITANG 12 Mga Katangiang Dapat Taglayin ng Mabisang Liham Pangnegosyo 1. Malinaw ngunit magalang. Kailangang malinaw ang layunin at maingat ang pananalita sa liham pangnegosyo. Gumamit ng pormal na pananalita at iwasan ang maging personal ang pakikipag-usap sa liham. Kahit malapit ang pagtuturing o kaugnayan sa taong pinadadalhan ng liham, hindi ito nararapat na mabakas sa Isang liham pangnegosyo. 2. Maikli ngunit buong-buo. Hindi dapat maging mahaba ang liham pangnegosyo dahil may mahahalagang tungkulin at transaksiyong nakapaloob dito na kinakailangan ng agarang aksiyon. Maging tiyak sa gamit ng mga salita. 3. Tiyak. Kailangang tiyak at tama ang detalye ng isusulat sa isang liham pangnegosyo, Beripikahin ang kawastuhan ng mga detalyeng babanggitin. Huwag nang isama ang hindi mahahalagang detalye o mga bagay na walang kaugnayan sa kasalukuyang inihahain sa liham. 4. Isaalang-alang ang kapakanan ng kapuwa. Palaging isaalang-alang ang etika. Etika ang pamantayan ng lipunan sa kung ano ang tama at mali. lwasang may mapahamak na tao o may pangalang masira. Maging maingat sa mga pahayag. 5. Wasto ang gramatika. Napakahalaga ng tamang gramatika sa pagsulat ng liham pangnegosyo. Nararapat na tama ang gamit ng mga salita, sapagkat ang maling gamit ng salita ay maaaring magdulot ng ibang pakahulugan, at kalaunan ay hindi pagkakaunawaan sa nilalaman at mensahe ng liham. Tiyakin ding tama ang pagkakabuo at pagkakasunod-sunod ng mga pangungusap para sa tamang pag- unawa ng magbabasa. 6. Maganda sa paningin. Sa unang tingin pa lamang ng magbabasa, nararapat na maganda na ang liham. Nararapat din na malinis ito, walang mga bura o alterasyon sa anumang bahagi, at wala rin dapat itong anumang dumi. Maayos dapat ang pormat nito, blocked man o indented. Pagsulat ng Memorandum Ang memorandum o memo ay karaniwang ipinapadala ng isang boss o may mas nakatataas na tungkulin sa mga nakabababang kasamahan sa trabaho. Ang mga layunin ng Isang memorandum ay upang paalalahanan ang mga empleyado hinggil sa dati na, kasalukuyan, bagong usapin o tuntunin sa trabaho. Layunin din nitong magbigay ng mga anunsiyo o magbaba ng mga patakaran na kinakailangang mabatid Filipino sa Piling Larang Tech-Voc – SHS Core Subject NAT BAITANG 12 ng lahat. Kung minsan, ang memo ay nagbibigay ng babala sa isang partikular na sektor o departamento, o kaya ay sa isang indibidwal na empleyado kung may nagawa silang pagkukulang o kamalian sa trabaho. Karaniwang binubuo ng ulo at ng katawan ang isang memo. Sa ulo matatagpuan ang eksaktong petsa kung kailan isinulat at ipinaskil ito. Sa katawan naman matatagpuan ang panimula at ang buod. Sa pagtukoy sa padadalhan o tagatanggap ng memo, dapat laging ilagay ang kanyang buong pangalan, hindi dapat gumagamit ng mga palayaw lamang. Laging ikonsidera ang awdiyens o ang mga magbabasa ng memo. Mahalagang iakma ang tono, haba, at antas ng pormalidad nito sa magbabasa upang maengganyo ang mga tao na basahin ito. Upang magawa ito, kailangang malinaw kung para kanino ang ibinababang memo. Sa pagsusuri ng awdiyens ng isang memo, nararapat na pag-isipang mabuti ang sumusunod na mga pahayag: 1. Pag-isipan kung ano ang mga prayoridad at ang mga pinahahalagahan ng mga taong magbabasa. Isipin kung bakit at paano magiging mahalaga para sa kanila ang isusulat na memo. 2. Paghandaan ang mga posibleng katanungan ng mga mambabasa. Suriing mabuti ang nilalaman ng memo at ihanda ang mga halimbawa, ebidensiya, o anumang impormasyong makatutulong para mahikayat sila. 3. Maging sensitibo sa anumang impormasyon at sentimyento na hindi angkop para sa mambabasa. Tandaan na pormal ang memorandum, kaya ang gamit ng wika dito ay magalang at gumagamit ng pangatlong panauhan at hindi ng unang panauhan. lwasan ang paggamit ng mga panghalip na “ako” o “ikaw” at sa halip ay gumamit ng mas pormal at magalang na panghalip na “kayo, sila, o tayo.” Maaaring gamitin ng tagapagpadala ng memo ang panghalip na “akin” lalo kung tinutukoy nito ang kaniyang opisina, o may nais ipagawang aksiyon mula sa pinapadalhan. Sa kabuuan, impersonal ang tono ng isang memo kaya hindi ito dapat lagyan ng mga personal na damdamin o palagay. Filipino sa Piling Larang Tech-Voc – SHS Core Subject NAT BAITANG 12 Katawan ng Memorandum Pagsulat ng Panimula 1. Ipakilala ang suliranin o isyu sa panimulang bahagi. Bigyan ang kinauukulan ng pahapyaw o pasilip sa konteksto sa likod ng aksiyong nais ipagawa sa kanila. Ito ang thesis statement ng memo, na siyang nagtataglay ng paksa at naglalahad kung bakit ito mahalaga. 2. llagay lamang ang impormasyong kailangan. Hindi ito dapat maging mahaba. Maging mapanghikayat tungkol sa ipinaliliwanag na problema upang maniwala at makumbinsi ang mambabasa. 3. Karaniwang ang haba ng panimula ay nasa 4 na kabuuang haba ng memorandum. Pagsulat ng Buod Ang ibinubuod sa isang memorandum ay ang pangunahing aksiyong nais ipagawa ng nagpapadala sa mambabasa. Nagtataglay ito ng ilang ebidensiya bilang pansuporta sa mga rekomendasyong ibinibigay ng nagpapadala. Sa isang napakaikling memo, hindi na kinakailangan ang buod, isinasama na ito sa pagtalakay na nasa gitnang bahagi nito. MEMORANDUM Para sa/kay: G. Daniel Potter Mula sa/kay: Gng. Hermione Sotto Petsa: Oktubre 26, 2018 Paksa: Pagliban sa trabaho nang walang paalam Ipinababatid ng aking opisina na kayo ay may apat na pagliban ngayong linggong ito. Ang naturang pagliban ay walang pasabi o hindi naipaalam sa nakalagda. Makikita mula sa inyong mga rekord na hindi ito ang unang beses na naganap ang ganito ngayong buwan. Ang naturang pagliban ay labag sa patakaran ng ating opisina. Ipinapaalala lamang na kayo ay mababawasan ang sahod sa darating na buwan. Nararapat na mag-ulat kayo sa aking opisina upang matalakay natin ang naging dahilan ng inyong pagliban. Ang muling pagliban nang walang paalam ay hindi na pahihintulutan at maaring magbigay ng mas mataas na parusa kung uulitin pa. Pigura.2 Padron ng Memorandum Filipino sa Piling Larang Tech-Voc – SHS Core Subject NAT BAITANG 12 Halimbawa ng Memorandum Para sa/kay: (Pangalan at titulo ng tatanggap ng memo o pangalan ng opisina o departamentong padadalhan) Petsa: (Kompletong petsa kung kailan isinulat ang memo) Paksa: (Tungkol saan ang memo, binibigyan ito ng diin) Ang unang talata ng memo ay nagsisimula sa dalawang espasyo matapos ang ulo o linya ng paksa. Nakasagad sa kaliwang gilid o margin ng papel ang mga talata at may isang espasyo. Naglalaman ito ng mensahe at dapat na tiyak at maikli. Ang pangalawang talata ay nagsisimula matapos ang isang blangkong espasyo matapos ang unang talata. Maglagay ng mga detalye sa bahaging ito. Ito ang naglalaman ng mga suportang detalye. Ang pangwakas na pangungusap ay karaniwang nanghihingi ng tugon. Kalakip (Kung may mga kalakip na dokumento, banggitin ito matapos ang huling pangungusap) PANUTO: Basahin kung ano ang hinihingi sa sumusunod na mga gawain. Isulat sa mga kahon ang tamang sagot kasama ang maikling paglalarawan sa mga ito. 1. 2. Mga bahagi ng Liham Pangnegosyo 3. 4. Filipino sa Piling Larang Tech-Voc – SHS Core Subject NAT BAITANG 12 5. 6. Mga bahagi ng Memorandum 1. 2. 1. Ano ang pinagkaiba ng Liham Pangnegosyo at Memorandum? 2. Isa-isahin ang mga bahagi ng Liham Pangnegosyo. 3. Ano ang dalawang bahagi ng Memorandum? 4. Anu-ano ang mga katangian na dapat taglayin ng isang mabisang Liham Pangnegosyo? 5. Ano ang dalawang pormat ng liham? Isagawa Natin! Sumulat ng isang Liham Pangnegosyo para sa iyong kamag-aral tungkol sa ilang pagbabago sa inyong paaralan. Dapat taglayin ng liham ang sumusunod na impormasyon: 1. Maraming gusali sa loob ng paaralan ang kasalukuyang ginagawa. 2. Sa pagsisimula ng bagong termino, itatayo ang bagong recreation center at student service center. Mahalaga ang mga gusaling ito. 3. Habang itinatayo ang mga gusaling ito sa loob ng siyam na buwan, magkakaroon ng restriksyon o pagbabawal sa pagpasok sa ilang mahahalagang gusali. Filipino sa Piling Larang Tech-Voc – SHS Core Subject NAT BAITANG 12 4. Pumili ng mga gusali na bawal pasukin at magdagdag ng iba pang detalyeng kaugnay ng sitwasyon. 5. Sundin ang pormat at mga gabay sa pagsulat ng Liham Pangnegosyo. Tayahin Natin! PANUTO: Tukuyin ang hinihingi sa sumusunod na mga tanong. Isulat ang tamang sagot sa patlang. __________1. pakikipag-usap sa pasulat na paraan na binubuo ng Liham Pangnegosyo, memo, at elektronikong liham __________2. isang uri ng pormal na sulatin na kadalasang ipinapadala sa mga taong nasa labas ng kompanya o organisasyon __________3. maikling pagbati na nagpapahayag ng paggalang at pamamaalam sa liham. __________4. anyo ng liham kung saan nakapasok ang unang salita sa bawat talata __________5. pormat ng liham kung saan ang lahat ng bahagi ay nasa kaliwa maliban sa katawan. Filipino sa Piling Larang Tech-Voc – SHS Core Subject NAT BAITANG 12 Karagdagang Gawain Magsaliksik sa iba pang larangan (field) na ginagamitan ng liham pangnegosyo at/o memorandum. Pumili lamang kung alin sa dalawa ang gustong isulat. Hindi dapat maulit ang mga halimbawang ginamit sa diskusyon ng aralin. Pamantayan sa paggagrado: Pamantayan Puntos Iskor 1. May maayos na nilalaman at pagbanggit sa sitwasyon 10 2. Malinaw ang mga punto 10 3. Kompleto ang mga bahagi at tama ang pormat 10 4. Mahusay ang gamit ng wika at tono ng pananalita 10 5. Malinis at presentable ang papel 10 KABUOAN 50 Filipino sa Piling Larang Tech-Voc – SHS Core Subject NAT BAITANG 12 Modyul Katitikan ng Pulong Bilang ng araw: 4 5 A. Sagutin ang sumusunod na mga tanong tungo sa pagpapayabong ng kaalaman sa paksang tatalakayin. 1. Ano ang pangunahing layunin sa pagbuo ng katitikan ng pulong? ___________________________________________________________________ ___________________________________________________________________ ___________________________________________________________________ ___________________________________________________________________ 2. Isa-isahin ang mahahalagang gampanin ng katitikan ng pulong. ___________________________________________________________________ ___________________________________________________________________ ___________________________________________________________________ ___________________________________________________________________ 3. Sa paanong paraan nagiging valid o katanggap-tanggap ang katitikan ng pulong? ___________________________________________________________________ ___________________________________________________________________ ___________________________________________________________________ ___________________________________________________________________ 4.Saan pangkaraniwang makikita o ginagamit ang mga katitikan ng pulong? ___________________________________________________________________ ___________________________________________________________________ ___________________________________________________________________ ___________________________________________________________________ Filipino sa Piling Larang Tech-Voc – SHS Core Subject NAT BAITANG 12 \ Alamin Natin! Ang mga layunin ng modyul na ito ay ang mga sumusunod: a. nakapagsasagawa ng panimulang pananaliksik kaugnay ng kahulugan, kalikasan, at katangian ng iba’t ibang anyo ng sulating akademiko. b. nakikilala ang iba’t ibang akademikong sulatin ayon sa: (a) layunin (c) katangian (b) gamit (d) anyo Bago simulan ang aralin na ito patungkol sa awdiyens bilang mambabasa at ang kahalagahan ng kolaboratibong pagsulat. Tayo muna ay magbalik tanaw sa nakaraang aralin. Balikan Natin! I. Sagutin ang mga sumusunod na katanungan: 1. Ano ang kahalagahan ng Liham Pang Negosyo? _____________________________________________________________ _____________________________________________________________ _____________________________________________________________ 2. Ano naman ang kahalagahan ng Memorandum? _____________________________________________________________ _____________________________________________________________ _____________________________________________________________ 3. Kung ikaw ay magkakaroon ng sariling Negosyo sa hinaharap, uugaliin mo ba ang paggamit ng mga nasabing sulatin? Bakiit? _____________________________________________________________ _____________________________________________________________ _____________________________________________________________ Filipino sa Piling Larang Tech-Voc – SHS Core Subject NAT BAITANG 12 Ang Katitikan ng Pulong ay ang dokumentong nagtala ng mahahalagang diskusyon at desisyon. Makikita sa ibaba ang tinatawag na katitikan ng pulong o minutes of the meeting. Alam mo ba ang gamit at kahalagahan nito? Saan kaya ito karaniwang ginagamit? Tingnang mabuti ang halimbawa at bigyang-pansin ang bawat bahagi nito. Teknolohikal na Unibersidad ng Pilipinas Kolehiyo ng Edukasyong Pang Industriya Tanggapan ng Dekano Regular na Pulong ng mga Administrador ng CIE Agosto 26, 2020 CIE Conference Room /08:30 - 4:20 Katitikan ng Pulong Mga Dumalo: Dr. Diana Jane Candelaria - Dekano/Namuno Mr. Leo Reyes ~ Kawaksing Dekano Katitikan ng Pulong Dr. Nigel V. Jimenez ~ Direktor, Paaralang Gradwado ng Dalubhasaan ng Malalayang Sining at Komunikasyon Ms. Rochelle B. Geronimo ~ Tagapangulo, Kagawaran ng Sining at Pamamahayag Ms. Dyna L. Mejia - Tagapangulo, Kagawaran ng Filipino at Panitikan Dr. Almedia P. Caguioan ~ Tagapangulo, Kagawaran ng Wika at Literatura Ms. Joy L. Perez ~ Tagapangulo, Kagawaran ng mga Agham at Panlipunan Ms. Heidy P. Gervacio ~ Tagapangulo, Kagawaran ng Sikolohiya Nagsimula ang pulong sa ganap na ika-8:30 ng umaga sa panalanging Filipino sa Piling Larang Tech-Voc – SHS Core Subject NAT BAITANG 12 pinamunuan ni Ms. May Mejia. Inihanda ni: Nabatid: Ms. Maelyn E. De Jesus Dr. Ronaldo C. Santiago. Kalihim, CIE Dekano, CIE Usapin Talakayan Napagpasiyahan 1. Pagwawasto at Iminumungkahi ni Ms. Pinagtitibay ng katitikan pagpapatibay sa Dyna L. Mejia ng pulong na may nakaraang katitikan ng Pagtibayin ang katitikan petsang pulong ng pulong noong ika-29 Hulyo 29, 2020 na may ng Hulyo, 2020 matapos pagtatama at pagsusuog. ang ilang karagdagang karagdagang pagsususog. Ito ay pinangalawahan ng mga miyembro *Ito ang tinatawag na Katitikan ng Pulong o Minutes of the Meeting. Suriin Natin! Saysay at Gamit ng Katitikan ng Pulong Ang Katitikan ng Pulong o Minutes of the Meeting kung tawagin sa wikang Ingles ay isang uring dokumentasyon na makikita sa lahat ng organisasyon at institusyon. Itinuturing din ito na isa sa mga anyo ng komunikasyong teknikal na kinakailangang pag-aralan upang higit na mapagbuti ang kasanayan bilang paghahanda sa buhay propesyonal. Pangunahing gampanin ng Katitikan ng Pulong ang sumusunod: Filipino sa Piling Larang Tech-Voc – SHS Core Subject NAT BAITANG 12 1. Nagsisilbi itong opisyal na tala hinggil sa napagpasyahan sa pulong. 2. Naitatala nito ang mga kapasyahan at responsibilidad ng bawat miyembro ng pulong. 3. Nagsisilbi itong paalala sa mga miyembro kung ano ang mga inaasahang gawain na nakaatang sa kanila, gayundin ang mga takdang petsa na inaasahan nilang matapos ang gawain. 4. Nababatid din kung sino-sino ang aktibo at hindi aktibong nakadadalo sa pulong. 5. Tumatayo bilang dokumentong batayan para sa susunod na pulong. Ang isang organisasyon o institusyon na mahusay itong naisasagawa ay maituturing na dinamikong samahan. Sa pamamagitan nito, makikita ang kanilang pag-unlad at mababatid na sila ay seryoso sa kanilang trabaho o anumang gawain. Masusukat din ang kredibilidad ng isang samahan batay sa yaman ng kasaysayan ng kanilang katitikan ng pulong bilang indikasyon ng pagkakaroon nila ng mayayamang talakayan at mga kapasyahan. Sa pagsasagawa ng katitikan ng pulong, may limang pangunahing hakbang na dapat isaalang-alang. Ito ay ang mga sumusunod: 1. Paunang pagpaplano. Ang isang planadong pulong ay nagdudulot ng mainam na resulta sa samahan at sa buong miyembro nito. Higit sa lahat, napadadali nito ang paraan ng pagtatala ng kalihim lalo na kung detalyadong naisasaayos ng tagapamuno ng pagpaplano, kinakailangang ang hanay ng mga usapin. Upang matamo ang paunang pagpaplano tukuyin ang mga usapin o agenda, haba ng pulong, oras, iskedyul, at lugar kung saan gagawin ang pagpupulong. Mga usapin na bibigyan ng higit na prayoridad at mga inaasahang mosyon o pagpapasya. 2. Pagrerekord ng mga napag-usapan. Bago simulan ang rekording, alamin muna kung ano-anong impormasyon o datos ang kinakailangang maitala. Tandaan, hindi lahat ng napag-usapan ay kailangang maging bahagi ng katitikan ng pulong, lalo na kung ang mga ito ay maliliit at hindi gaanong mahalagang mga ideya. Gayunman, sa pangkalahatan, ang katitikan ng pulong ay kakikitaan ng sumusunod na mga bahagi: a. iskedyul at oras ng pulong b. tala ng mga dumalo, hindi nakadalo, nahuli, at naunang umalis c. pagwawastong ginawa sa mga nakaraang katitikan ng pulong Filipino sa Piling Larang Tech-Voc – SHS Core Subject NAT BAITANG 12 d. resulta ng mga kapasyahang isinagawa e. mga hakbang na isasagawa f. mga usapin mula sa nakaraang pulong at mga bagong usapin at g. iskedyul ng susunod na pulong. 3. Pagsulat ng napag-usapan o transkripsiyon. Ang kalihim ang may tungkuling magtala ng katitikan. Sa sandaling matapos ang pulong, mainam na maisulat niya agad ang impormasyon batay sa isinagawang rekording upang sariwa pa sa alaala niya ang lahat ng impormasyon kailangang tiyaking naitala niya ang lahat ng mahahalagang kapasiyahan, mosyon at mga dapat na maisagawa. Makabubuti ring isaalang-alang ang pagiging obhektibo at pagtatala gamit ang tiyak na panahunan o tenses. Gayundin, iwasan ang paggamit ng pangalan ng tao maliban kung ang kaniyang sinabi ay isang mosyon at iwasan ang personal na obserbasyon. Makatutulong din ang paglalagay ng mga apendiks kung kinakailangan at paggamit ng detalyadong paglalagom. 4. Pamamahagi ng isip ng katitikan ng pulong. Bilang opisyal na tagapagtala, bahagi ng responsibilidad ng kalihim ng katitikan ng pulong sa mga opisyal ng samahan. Bago ito isagawa, inaasahan na ito ay nalagdaan na niya at nabatid ng tagapamuno para sa pagpapatibay ng kapulungan. Ang pamamahagi ng sipi ay pamamaraan gaya ng hard copy, e-copy, o shared copy, gamit ang cloud based tool. 5. Pag-iingat ng sipi o pagtatabi. Isa rin ito sa maaaring responsibilidad ng tagapagtala—ang makapagtabi ng sipi bilang reperensiya sa hinaharap. Makabubuti ito sa isang samahan upang mabalikan nila ang kasaysayan ng mga kapasyahan at pag-unlad ng kanilang organisasyon. Mga Gabay para sa Mabisang Pagsulat ng Katitikan ng Pulong 1. lhain ang mga usapin bago pa man simulan ang nakaiskedyul na pulong 2. Tukuyin ang pangunahing layunin ng pulong 3. llatag ang mga usapin o agenda 4. Piliin ang pinakamainam na metodo (laptop, notebook, recording, at iba pa) 5. Siguraduhing handa ang lahat ng kinakailangan 6. Maglaan ng espasyo sa pagkuha ng mga detalye 7. Itala ang lahat ng mga kalahok sa pulong 8. Kilalanin ang lahat ng dadalo sa pulong, gayundin ang kanilang pangangailangan 9. Bukod sa pangangailangan, mainam na gawing pamilyar ang Filipino sa Piling Larang Tech-Voc – SHS Core Subject NAT BAITANG 12 sarili sa mga tanggapan na kanilang kinakatawan 10. Gumawa ng template ng katitikan upang mas mapabilis ang proseso ng pagtatala 11. Makinig nang may pag-iingat upang walang makaligtaang detalye 12. Itala lamang ang katotohanan at iwasan ang pagkuha sa mga opinyong walang tiyak na batayan 13. Gawing simple at malinaw ang pagkakasulat 14. Maging tiyak 15. Itala ang mga mahahalagang mosyon 16. Itala rin ang mga hindi natapos na usapin, gayundin ang mga nabinbing talakayan 17. Linawin ang iyong partisipasyon sa pulong 18. Lagumin ang lahat ng mahahalagang detalye 19. Sa oras na matapos ang pulong, gawin agad ang katitikan upang walang makaligtaang datos 20. Basahing mabuti ang katitikan bago ito ipamahagi. Mainam na tiyak at tumpak ang lahat ng detalye gaya ng pangalan ng mga dumalo, pagpapasya, at mga mosyon. 21. Hingin ang aprubal ng tagapamuno ng pulong bago ito ipamahagi. Karagdagang Gawain Gawain Pumili sa isa sa miyembro ng inyong pamilya na pumapasok din sa paaralan (kung wala, maaaring nagtatrabaho na) at tanungin at itala ang mga sumusunod na tanong: 1. Ano-ano ang iyong interes? 2. May kinabibilangan ka bang organisasyon sa paaralan/trabaho? Kung wala, ano ang iyong nais salihan? 3. Ano ang ginagampanan mong posisyon sa organisasyong kinabibilangan mo? 4. Gaano ka na katagal naglilingkod sa organisasyon? 5. Ano ang mabuting naidulot sa iyo ng pagsali sa organisasyon? 6. Sa iyong palagay, anong posisyon sa iyong organisasyon ang may pinakamabigat na tungkulin? Bakit? Filipino sa Piling Larang Tech-Voc – SHS Core Subject NAT BAITANG 12 1. Ano ang obserbasyon mo sa pormat ng Katitikan ng Pulong? 2. Paano isinulat ang pagpapasiya? 3. Bakit kailangan sa isang organisasyon ang pulong at katitikan nito? 4. Ano ang iyong maimumungkahi upang mas mapaunlad ang pagsusulat nito? Isagawa Natin! Gawain: Tipunin ang tatlong miyembro ng iyong pamilya at magsagawa ng isang pulong, maaaring pumili sa ano mang paksa sa ibaba: 1. Iskedyul ng gawaing bahay 2. Oras ng paglalaro 3. Oras ng pag-aaral Proseso ng pagsasagawa: 1. Magtakda ng tagapamuno ng pulong na siyang mamamahala sa daloy ng mga usapin. 2. Magtakda ng miyembro na siyang magsusulat ng Katitikan ng Pulong. 3. Sundin ang sumusunod na pormat: pangalan ng organisasyon (maaaring apelyido ng pamilya)  mga dumalo sa pulong iskedyul ng pulong (oras, petsa, lugar) adyenda, diskusyon at kapasiyahan pagwawakas ng pulong Filipino sa Piling Larang Tech-Voc – SHS Core Subject NAT BAITANG 12 A. Sagutin ang sumusunod na mga tanong tungo sa pagpapayabong ng kaalaman sa paksang tinalakay. 1. Ano ang pangunahing layunin sa pagbuo ng Katitikan ng Pulong? _____________________________________________________________ _____________________________________________________________ 2. Isa-isahin ang mahahalagang gampanin ng Katitikan ng Pulong. _____________________________________________________________ _____________________________________________________________ 3. Sa paanong paraan nagiging valid o katanggap-tanggap ang Katitikan ng Pulong? _____________________________________________________________ _____________________________________________________________ 4.Saan pangkaraniwang makikita o ginagamit ang mga Katitikan ng pulong? _____________________________________________________________ _____________________________________________________________ Karagdagang Gawain Gumawa ng liham sa isang organisasyon ninyo sa paaralan at humingi ng pahintulot kung maaari kang maging tagapagmasid sa isa sa kanilang isasagawang pagpupulong. Ilahad sa iyong liham na bahagi ito ng inyong pag- aaral hinggil sa pagbuo ng katitikan ng pulong. Kung maaari, makipag-ugnayan sa kalihim ng organisasyon at ipaalam din sa kaniya na nais mong makibahagi sa pamamagitan ng pagsulat ng katitikan ng pulong. Mahigpit na isaalang- alang ang lahat ng gabay at pamantayan na ating tinalakay sa araling ito. Filipino sa Piling Larang Tech-Voc – SHS Core Subject NAT BAITANG 12 Modyul Deskripsiyon ng Produkto 6 Bilang ng araw: 4 Isulat ang Tama kung wasto ang pahayag. Kung mali ito, salungguhitan ang bahaging nagpapamali

Use Quizgecko on...
Browser
Browser