Katuturan at mga Katangian ng Wika PDF
Document Details
Uploaded by Deleted User
Pamantasang Ateneo de Zamboanga
G. Francis Rodolfo M. Marcial Jr.
Tags
Related
Summary
This document discusses the definition, characteristics, and theories related to the Filipino language. It delves into various aspects of language, including its structure, function, and social context.
Full Transcript
Katuturan at mga Katangian ng Wika "KATUTURAN NG WIKA" Ang katuturan ay ang pahayag ng kahulugan ng isang salita o parirala. Ito ang saysay, nilalaman o laman, buod, kabuluhan, diwa, katotohanan ng salita, parirala, pati na ng pangungusap o talata. 1. Binanggit ni Austero at iba pa (1999) mula...
Katuturan at mga Katangian ng Wika "KATUTURAN NG WIKA" Ang katuturan ay ang pahayag ng kahulugan ng isang salita o parirala. Ito ang saysay, nilalaman o laman, buod, kabuluhan, diwa, katotohanan ng salita, parirala, pati na ng pangungusap o talata. 1. Binanggit ni Austero at iba pa (1999) mula kay Gleason, "Ang wika ay masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na isinaayos sa paraang arbitraryo" 2. "Ang wika ay may mahalagang papel na ginagampanan sa pakikipagtalastasan. Ito ang midyum na ginagamit sa maayos na paghatid at pagtanggap ng mensahe na susi sa pagkakaunawaan." Mangahis etal (2005) 3. Ayon kay Atanacio et. al.(2009), "Ang wika ang pinakapangunahing instrumento upang mga tao ay makipagtalastasan. Subalit ang wika ay maroon pagkakaiba ayon sa tono, gramatika, o maging sa paraang ng paggamit nito." 4. Mula sa libro nina Galang at Navarro (2008), sinabi ni Sapir (1949), "ang wika ay isang instrumentong kasangkapan ng sosyalisasyon, na ang relasyong sosyal ay hindi iiral kung wala ito." 5. "Ang wika ay isang sistema ng mga simbolong arbitraryo ng mga tunog para sa komunikasyong pantao." (Sturtevant 1968) 6."Ang wika ay masasabing sistematikong set ng mga simbolong arbitraryo, pasalita na nagaganap sa isang kultura, pantao at natatamo ng lahat ng tao." (Brown 1980) 7."Ang wika ay isang masistemang arbitraryo, ang simbolong pasalita na nagbibigay pahintulot sa mga taong may kultura o ng mga taong natutunan ang ganoong kultura upang makipagtalastasan o di kaya\'y makipag-ugnayan." ( Finnocchiaro 1964) 8. "Ang wika ay binubuo ng kahulugan rin ito ng mga patakaran at pinagsasama- samang mga simbolo na makabubuo nang walang katapusan at iba\'t ibang mensahe." ( Weiten 2007) 9 wika ay isang maituturing na behikulo ng pagpapahayag ng nararamdaman, isang instrumento rin ng pagtago at pagsiwalat ng katotohonan." (Dr Pamela Constantino) 10."Ang wika ay isang sistema ng pakikipagtalastasan gamit ang mga tunog at mga simbolo na nagagamit upang masabi ang nararamdaman, kaisipan at mga karanasan." ( Bruce A. Goldstein 2008) MGA KATANGIAN NG WIKA **1 wika ay may sistematikong balangkas.** ibig sabihin nito na lahat ng wika sa daigdig ay sistematikong nakaayos sa isang tiyak na balangkas. SISTEMATIKO -- ISANG MAKABULUHANG PROSESO **2 wika ay sinasalitang tunog** maliban sa pasulat na paraan, ang wika kapag sinasalita ay may kanya-kanyang set ng mga makabuluhang tunog o ponema. maraming mga tunog sa paligid na makahulugan ngunit hindi lahat ay maituturing na wika. Halimbawa: ang alarma ng orasan, kulog sa kalangitan, at napakarami pang iba na may kahulugan. sa pamamagitan ng pagbuo ng tunog, nalalaman ang emosyon at kahulugan ng salita Hal: Saan ka pupunta? (malambing ang nagsasalita) Saan ka pupunta! (galit ang nagsasalita) sa intonasyon nababatid ang dagdag na kahulugan ng tao sa isang salita Hal: Madali lang ito. (nagpapahayag) Madali lang ito? (nagtatanong) Madali lang ito! (nagbubunyi) **3 wika ay arbitraryo** sumasalamin ang wika sa (arbitraryo) o pagkakasundo ng mga tao sa ilang lugar o pamayanan. ang mga tunog na binibigkas sa wika ay pinili para sa layunin ng mga tao o pamayanan na gumagamit nito. indikasyon din na kung hindi nauunawaan ng isang tao ang wikang ng mga tao sa isang lugar ay hindi siya bahagi ng kanilang pamayanan at ito'y isa lamang dayuhan **4 wika ay buhay at dinamiko.** ang wika ay patuloy na nakakaranas ng pag-unlad at pagbabago sa paglipas ng panahon sapagkat ito ay buhay,mapanlikha at inovativ sa pag-unlad ng teknolohiya ay unti-unti ring nagbabago ang paraan ng pakikipag- usap. nararapat lamang na piliin at isaayos upang maunawaan natin ang ating kausap rin maaring ipagpilitan nating gamitin ang isang wikang hindi nauunawaan ng ating kausap,gayundin ang ating kausap ,hindi niya maaaring ipagpilitan ang wikang hindi natin batid. Wika - katuturan, kahalagahan, katangian, antas at teorya Wika G. Francis Rodolfo M. Marcial Jr. Guro sa Filipino, Hayskul Yunit Pamantasan ng Ateneo de Zamboanga Febrero, 2008 Katuturan Binanggit ni Austero et al (1999) mula kay Gleason na \eklavush?, \>erpat at ermat? at \>cheverloo?. F. edukado/malalim -- wikang ginagamit sa panitikan, sa mga paaralan at pamantasan, sa gobyerno, sa korte at iba pang venyung profesyunal Teorya ng pinagmulan ng wika Teorya sa Tore ng Babel -- Ang teoryang ito ay nahalaw mula sa Banal na Kasulatan. Ayon sa pagsasalaysay, noong umpisa?y iisa ang wika ng tao na biyaya ng Diyos. Dahil sa nagkakaunawaan ang lahat, napag-isipang magtayo ng isang tore upang hindi na magkawatak- watak at nang mahigitan ang Panginoon. Nang nabatid ito ng Panginoon, bumaba Siya sa lupa at sinira ang tore. Nang nawasak na ang tore, nagkawatak-watak na ang tao dahil iba-iba na ang wikang kanilang binibigkas kaya nagkanya-kanya na sila at kumalat sa mundo. Teoryang Bow-wow -- Sinasabi sa teoryang ito na nagkaroon ng wika ang tao dahil noong umpisa?y ginagaya nila ang tunog na nililikha ng mga hayop gaya ng tahol ng aso, tilaok ng manok at huni ng ibon. Teoryang Ding-dong -- Maliban sa tunog ng hayop, ginagaya naman daw ng tao ang tunog ng kalikasan at paligid gaya ng pagtunog ng kampana, patak ng ulan at langitngit ng kawayan. Teoryang Pooh-pooh -- Ang tao ay nakalilikha ng tunog sanhi ng bugso ng damdamin. Gamit ang bibig, napabubulalas ang mga tunog ng pagdaing na dala ng takot, lungkot, galit, saya at paglalaan ng lakas. Teoryang Yo-he-ho -- Isinasaad dito na nagsimula ang wika sa indayog ng himig-awitin ng mga taong sama-samang nagtatrabaho.