LIT 103 Reviewer PDF
Document Details
Uploaded by Deleted User
Tags
Summary
This document discusses the different aspects of essays, including definitions, types of essays, characteristics of a well-written essay, and its importance in various fields. It also includes the historical development of essay writing and its significance, in Tagalog.
Full Transcript
LIT 103 KAHULUGAN NG SANAYSAY ALEJANDRO G. ABADILLA (1906-1969) - Ito ay isang paglalahad ng karanasan, ideya, o pananaw na binibigyang hugis sa pamamagitan ng masining na pagsusulat. - Ang terminong sanaysay ay binuo noong 1938. - inalaw sa salitang pagsasalaysay ng isang sanay o n...
LIT 103 KAHULUGAN NG SANAYSAY ALEJANDRO G. ABADILLA (1906-1969) - Ito ay isang paglalahad ng karanasan, ideya, o pananaw na binibigyang hugis sa pamamagitan ng masining na pagsusulat. - Ang terminong sanaysay ay binuo noong 1938. - inalaw sa salitang pagsasalaysay ng isang sanay o nakasulat na karanasan ng isang sanay sa pagsasalaysay FRANCIS BACON (1561-1626) - “Dispersed Meditation” - Ito ay isang paraan ng pagbubulay-bulay o pagmumuni-muni na hindi kinakailangang maging maayos o organisado, kundi isang malayang paglalakbay ng kaisipan sa iba’t ibang aspeto ng isang paksa. - Ang sanaysay ay isang maikli at impormal na akda na nagbibigay ng personal na pananaw o opinyon ng may-akda tungkol sa isang paksa. MICHAEL DE MONTAIGNE (1533-1592) - Pagtatangkang ipahayag ang sariling kaisipan, damdamin, at karanasan. Ginamit niya ang salitang "essais," na nagmula sa salitang Pranses na nangangahulugang "pagsubok" o "pagtatangka." - Ito ay isang malayang uri ng pagsusulat na nagbibigay-daan sa manunulat na magmuni-muni at suriin ang iba't ibang aspeto ng buhay at karanasan sa isang personal at introspektibong pamamaraan. PAQUITO BADAYOS (1967-2010) - Isang malayang uri ng sulatin na nagpapahayag ng personal na pananaw, karanasan, at saloobin ng may-akda hinggil sa isang tiyak na paksa. - Binibigyang-diin ang kahalagahan ng pagiging kritikal at malikhain sa pagsulat ng sanaysay, na nagsisilbing instrumento upang maipahayag ang sariling opinyon at masuri ang iba't ibang aspekto ng buhay at lipunan. GENOVEVA E. MATUTE (1915-2009) - Isang akdang pampanitikan na naglalahad ng mga kuro-kuro at damdamin ng isang manunulat hinggil sa isang paksa. - Para sa kanya, ang sanaysay ay nagbibigay-daan sa manunulat na ipahayag ang kanyang damdamin o opinyon tungkol sa iba't ibang paksa. KAHALAGAHAN NG SANAYSAY Pagpapahayag ng Saloobin at Opinyon - nagbibigay ito ng espasyo para sa personal na pagpapahayag ng opinyon, damdamin, at pananaw ng may-akda hinggil sa iba't ibang paksa. - Paraan ito upang maiparating ang mga kaisipan tungkol sa mga isyung panlipunan, pampulitika, o personal na karanasan. Pagsusuri at Kritikal na Pag-iisip - Sa pagsusulat ng sanaysay, hinihikayat ang malalim na pagsusuri ng isang paksa. - Ang pagbuo ng sanaysay ay isang paraan ng paglinang ng kritikal na pag-iisip, dahil nangangailangan ito ng maayos na pagkilala sa iba't ibang pananaw at ebidensya upang makabuo ng matibay na argumento. Pagpapalawak ng Kaalaman - Ang pagbabasa at pagsusulat ng sanaysay ay nagpapalawak ng kaalaman sa iba't ibang larangan, tulad ng agham, kasaysayan, sining, at humanidades. - Ito ay nagbibigay ng mas malalim na pag-unawa sa mga ideya at konsepto na maaaring hindi gaanong kilala o pamilyar sa mambabasa. Pagtuturo ng Mabisang Komunikasyon - Sa pamamagitan ng sanaysay, natututo ang mga manunulat na magpahayag ng kanilang mga ideya sa isang malinaw at organisadong paraan. - Ito rin ay nagpapalawak ng kasanayan sa paggamit ng wika, gramatika, at retorika upang maiparating ang mensahe nang epektibo. Paglinang ng Malikhain at Personal na Pagsusulat - Sa pagsulat nito, nahuhubog ang kakayahan ng isang tao sa malikhaing pagpapahayag, dahil pinahihintulutan ng anyo ang paggamit ng iba't ibang estilo at teknik na nagpapakita ng pagkaorihinal at pananaw ng may-akda. Pagtulong sa Paglutas ng mga Isyu - Maraming sanaysay ang nakatuon sa paglalahad ng mga isyung panlipunan at pampulitika, na nagiging daan upang magkaroon ng mas malalim na talakayan tungkol sa mga problemang kinakaharap ng lipunan. - Nagiging kontribusyon ang sanaysay sa pagbibigay ng solusyon o bagong perspektiba sa mga isyung ito. Pagkakaroon ng Dokumentasyon ng Karanasan - Sa mga personal na sanaysay, nagiging paraan ito ng pagdodokumento ng karanasan at alaala. - Mahalaga ito bilang pagsasalin ng kaalaman, kultura, at kasaysayan mula sa isang henerasyon patungo sa susunod. TATLONG URI NG SANAYSAY 1. PATALINGHAGA - Binubuo ng mga kasabihan o mga salawikain na nagiging sangkalan ng mananaysay para talakayin ang ano mang nasasaisip na kaugnay ng mga kasabihang ito. 2. PERSONAL O PAMILYAR - Tumutukoy sa mga nararamdaman tungkol sa mga bagay-bagay. Umaayon ito sa mararamdaman ng manunulat sa kanyang mga nakikita o naoobserbahan. 3. DIDAKTIKO O KRITIKAL - Isinasaad ng mananaysay ang kanyang mapanuring pala-palagay. Paghatol na mismo sa mga dahilan o epekto ng kanyang mga naoobserbahan. MGA ANYO NG SANAYSAY PORMAL NA SANAYSAY - May tiyak na tuntunin na sinusunod. - Seryoso ang paksa pati na ang mga pamamaraan ng pagkasulat, at kritikal ang pagtatalakay. - Kailangang mailahad ang pangunahing idea at paunlarin hanggang makarating sa lohikal na konklusyon. - Isinaalang-alang ang mga tuntunin ng kaisahan, diin at kaugnayan. - Naglalayong magbigay ng katuturan, magpatunay o magpasubali sa katotohanan ng isang bagay o idea. - Nagbibigay ng kaalaman at masusing sinusuri ang mga kaalamang napapaloob sa paksang tinatalakay. - Binibigyang diin ay katunayan. DI-PORMAL NA SANAYSAY - Magaan lamang ang pamamaraan at hindi kailangang sumunod sa mahihigpit na pamamaraan. - Parang pakikipagkwentuhan lamang ng kaibigan sa kaibigan. - Hindi nito taglay ang lantarang pangangaral ni panenermon. - Karaniwang awtobiograpikal ang anyo kaya nasusulat sa unang panauhan na “ako’. - Nakapaloob ang personal na ideya ng manunulat at malayang makakapili ang manunulat ng estilo. - Ang mga di-pormal na mga sanaysay ay karaniwang mga anekdota at biograpikal ang anyo. MGA BAHAGI NG SANAYSAY PAMAGAT o TITULO - Naglalaman ito ng titulo o pamagat ng papel, gaya ng pangalan ng sumulat, petsa ng pagkasulat o pagpasa, at iba pang impormasyon na maaaring tukuyin ng guro. PANIMULA - Ito ang unang bahagi ng sanaysay na nagbibigay ng pangkalahatang ideya tungkol sa paksang tatalakayin. - Ito rin ang bahagi na nakukuha ang interes ng mambabasa, kaya mahalaga ang maayos na pagkakalahad ng layunin o tesis. KATAWAN - Sa bahaging ito, inilalahad ang pangunahing mga punto o argumento ng sanaysay. - Ang bawat talata ay dapat naglalaman ng isang ideya na sumusuporta sa tesis o pangunahing ideya ng sanaysay. - Sa bahaging ito rin isinasama ang mga ebidensya, halimbawa, at paliwanag. WAKAS - Ito ay nagsisilbing pagbubuod ng sanaysay. - Sa bahaging ito, inuulit o ipinapaalala ang tesis, kasama ang mga pangunahing puntong nabanggit, at nagbibigay ng huling impresyon o aral na nais ipabatid ng manunulat. KATANGIAN NG ISANG MAHUSAY NA TALATA KAISAHAN - Ang mga pangungusap ay umiikot sa iisang diwa. - Walang kaisahan ang talata kung watak-watak ang ideyang ipinahahayag ng bawat pangungusap. - Kailangang lahat ng pangungusap ay magkakatulong-tulong na mapalitaw ang kaisipang nais palabasin. KAUGNAYAN - Kailangang magkakaugnay ang mga pangungusap upang magpatuloy ang daloy ng diwa mula sa simula hanggang sa dulo ng pahayag. KAANYUAN - Ang talata ay maaaring buoin, ayusin at linangin ayon sa lugar o heograpiya, ayon sa kahalagahan o ayon sa kasukdulan. GABAY SA PANIMULA, KATAWAN AT WAKAS PANIMULA ▪ Simulan sa isang kawili-wiling pangungusap: Magbigay ng isang tanong, sipi, o anecdote na makukuha ang atensyon ng mambabasa. ▪ Ibigay ang konteksto ng paksa: Magbigay ng background tungkol sa paksa upang mas maunawaan ng mambabasa ang kahalagahan nito. ▪ Ipakilala ang tesis: Tiyakin na malinaw ang layunin o pangunahing ideya ng sanaysay sa unang bahagi pa lamang. ▪ Panatilihin ang pagiging maikli: Ang panimula ay hindi dapat masyadong mahaba, sapat na upang mahuli ang interes ng mambabasa at mailahad ang layunin ng sanaysay. KATAWAN ▪ Isa-isang talakayin ang mga pangunahing ideya: Tiyakin na bawat talata ay nakatuon sa isang ideya lamang upang hindi malito ang mambabasa. ▪ Gumamit ng ebidensya at halimbawa: Suportahan ang bawat ideya sa pamamagitan ng mga konkretong ebidensya o mga halimbawa. ▪ Gumamit ng kaugnay na mga salitang transisyonal: Mahalaga ang maayos na paglipat-lipat ng mga ideya. Gumamit ng mga salita tulad ng "samakatuwid," "sa kabilang banda," o "bilang karagdagan" upang mapanatili ang daloy ng sanaysay. ▪ Iwasan ang mga malabong argumento: Siguraduhing ang mga punto ay malinaw, lohikal, at tuwirangsumusuporta sa tesis ng sanaysay. WAKAS ▪ Balikan ang pangunahing ideya: Ipahayag muli ang tesis ng sanaysay sa paraang hindi nauulit o nakakasawa. ▪ Buoin ang mga puntong tinalakay: Magbigay ngbuod ng mga mahahalagang ideya na tinalakay sakatawan ng sanaysay. ▪ Iwanan ang mambabasa ng isang malalim na pag-iisip: Gumamit ng panghuling pahayag na magpapaisip sa mambabasa, tulad ng isang hamon o katanungan na nagpapalawak ng diskurso sa paksa. ▪ Iwasan ang pagpapasok ng bagong ideya: Ang wakas ay hindi ang tamang bahagi para magdagdag ng bagong argumento o impormasyon. Tumutok lamang sa mga puntong tinalakay sa sanaysay. MGA ESTRATEHIYA SA PAGSULAT NG PANIMULA NG SANAYSAY 1. Tanong na Pampag-isip: tanong na mag-uudyok sa mambabasa na mag-isip. 2. Kuwento o Anekdota: Magsimula sa maikling kwento o anekdota na konektado sa paksa. 3. Kilala o Makabuluhang sipi: Isang kilalang sipi mula sa isang sikat na akda o personalidad. 4. Paglalarawan ng isang tanawin: Detalyadong paglalarawan ng isang eksena na may kinalaman sa paksa 5. Mga Datos o Estadistika: Magsimula sa isang impormasyong may bigat tulad ng datos o istatiska na magugulat o magpapaisip sa mambabasa. 6. Pagtatama ng maling akala: Magsimula sa paglalahad ng maling akala at itama ito sa iyong sanaysay. 7. Paghahambing o Pagtutulad: Magsimula sa paghahambing o pagtutulad ng dalawang magkaibang bagay na may kaugnayan sa iyong paksa. 8. Simulan ng Isang Sikat na Kaganapan: Magsimula sa pagbanggit ng isang mahalagang kaganapan o balita na konektado a paksa ng sanaysay. 9. Isang Metapora o Simbolismo: Magsimula sa paggamit ng matalinghagang salita o simbolismo na magbibigay-lalim sa sanaysay. 10. Pagpapakilala ng Paksa gamit ang Kasaysayan: Paglalahad ng kasaysayan o pinagmulan ng paksa upang bigyan ng konteksto ang talakayan. 11. Pagpapahayag ng Opinyon o Pananaw: Magsimula sa isang tuwiran at matapang na opinyon tungkol sa paksa ng sanaysay. 12. Pagpapakita ng Kahalagahan ng Paksa: Ipakita kung bakit mahalaga ang pagtalakay sa paksang napili. MGA ESTRATEHIYA SA PAGSULAT NG KATAWAN NG SANAYSAY 1. Paglalahad ng mga Ideya sa Lohikal na pagkakasunod-sunod: Siguraduhing malinaw ang daloy ng impormasyon mula sa isang talata patungo sa kasunod na talata. 2. Gumamit ng mga Konkretong Halimbawa: Suportahan ang argumento sa pamamagitan ng konkretong hlimbawa. 3. Paggamit ng mga Sub-Theme: Hatiin ang katawan ng sanaysay sa mas maliit na sub-theme na nakasentro sa bawat pangunahing ideya. 4. Pagbibigay ng kontraryong Pananaw: Talakayin ang iba’t ibang pananaw upang ipakita ang balanseng pagsusuri. 5. Paggamit ng Paglilinaw o Pagsusuri ng Tekstong Binasa: Gumamit ng mga sipi mula sa mga akademikong arikulo na o aklat. 6. Pagbibigay ng Datos o Estatistika: Gumamit ng datos upang mapatibay ang iyong argumento. 7. Paggamit ng Pag-uugnay sa Isang Teorya o Konsepto: Iugnay ang ang iyong diskusyon sa isang umiiral na teorya at magbigay ng mas malalim na pag-unawa sa paksa. 8. Gamitin ang Proseso ng “Cause and Effect”: Talakayin ang mga sanhi ng isang sitwasyon at pagkatapos ay ipaliwanag ang mga epekto nito: 9. Pagbibigay ng Solusyon o Rekomendasyon: Magsama ng mga posibleng solusyon sa isyu na tinalakay na dapat nakabatay sa ebidensya. 10. Pagpapaalala sa Mambabasa ng Kahalagahan ng Paksa: Ipaalala sa mambabasa ang halaga ng talakayan upang manatiling interesado sila sa paksa. 11. Pagkakaisa at Kohesyon ng mga Talata: Siguraduhing bawat talata ay konektado sa isa’t isa at gumagamit ng mga salita na nagpapanatili ng daloy ng talakayan. 12. Pagbuo ng Argumentong Nakabatay sa Lohika: Gumamit ng lohikal na pagsuupang patatagin ang argumento at magbigay ng katibayan na suportado ng pananaliksik. MGA ESTRATEHIYA SA PAGSULAT NG WAKAS NG SANAYSAY 1. Pagbabalik sa Tanong o Pahayag sa Simula: Magbalik sa tanong o pahayag na ginamit sa simula ng sanaysay upang bigyan ng buo at makabuluhang pagtatapos ang sanaysay. 2. Paglalahat o Pagasama-sama ng mga Pangunahing Punto: Ibuod ang mga pangunahing punto ng sanaysay. 3. Mag-iwan ng Hamon o Panawagan sa Aksyon: Magbigay g hamon sa mambabasa na kumilos batay sa mga ideyang ipinahayag sa sanaysay. 4. Paggamit ng Makabuluhang Sipi o Kawikaan: Tapusin ang sanaysay sa pamamagitan ng paggamit ng makabuluhang sipi o kawikaan na sumusuporta sa mga ipinahayag na ideya. 5. Pagtatalakay ng Posibleng Hinaharap: Ipahayag kung ano ang posibleng kahihinatnan ng mga sitwasyong tinalakay sa sanaysay at kung anao ang magiging epekto nito sa hinaharap. 6. Pagpapaalala ng Kahalagahan ng Paksa: Ipaalala sa mambabasa kung bakit mahalaga ang tinalakay na paksa. 7. Pag-iiwan ng Bukas na Tanong: Mag-iwan ng tanong na hindi sinagot sa sanaysay upang pag-isipan ng mambabasa pagkatapos basahinang sanaysay. 8. Paggamit ng Metapora o Simbolismo: Tapusin ang sanaysay sa pmamagitan ng paggamit ng matalinghagang wikana nagbibigay ng malalim na interpretasyon sa paksa. 9. Paggamit ng Istilo ng Pag-iisip na Pampilosopiya: Tapusin ang sanaysay sa isang pilosopikal na pahayag o tanong na nagbibigay ng malalim na pag-iisip sa mambabasa. 10. Paglalagay ng Mungkahi o Solusyon: Magbigay ng isang tiyak na solusyon batay sa mga argumento na tinalakay sa sanaysay. 11. Pagpapakita ng Personal na Pagmumuni-muni o Karanasan: Tapusin ang sanaysay sa pamamagitan ng personal na pagmumuni-muni o karanasan na nagbibigay ng mas malalim na koneksyon sa paksa. ANG KASAYSAYAN NG WIKA - Ang pagsulat ng sanaysay ay nagsimula sa France noong 1571. - Si Michel De Montaigne isang abogado at retiradong iskolar ang nagpasimuno nito. - Ang kanyang dalawang libro ng mga sanaysay na tinapos sa loob ng siyam (9) na taon na pinamagatang “Essais” ay ipanalimbag at lumabas noong 1580. - Ang mga sanaysay na ito ay kasama sa mga pinakamagaling na katha sa buong daigdig. - Francis Bacon ang tinaguriang “Ama ng Sanaysay sa Ingles”. - Ang kanyang mga akda na pinamagatang Essays ay lumabas noong 1597. - Ang mga akda ni Bacon ay kinikilala bilang pinakamagagaling na basahin ng matatalinong tao. - 1603 isinalin sa Ingles ni John Florio ang Essais ni Montaigne. - Si Abraham Cowley tinaguriang “prinsipe ng mga makata”. - Si John Dryden ang tinaguriang “ama ng makabagong prosang Ingles”. - Ang mga manunulat sa siglo 17 ay nalulong sa pagsulat tungkol sa personalidad ng mga tao. - Si Sir Thomas Overbury ay isang obispong kilala sa kanyang mga relihiyosong panulat at mapanuyang pagmamasid. - Ipinalabas niya ang unang pangkatauhang libro sa England noong 1608 na pinamagatang Character of Virtue and Vices. - Nakilala sa kanyang misteryosong pagkamatay sa pamamagitan ng pagkalason habang nakakulong sa tore. - Ang ikalabimpitong siglo ang siyang naging Gintong Panahon ng Literaturang Frances. - Ang ikalabingwalong siglong mga sanaysay ay pinasigla ng pag-usbong ng mga Peryodical. - Bagong anyo ng sanaysay ay tinatawag na “peryodikal na sanaysay” - Ang mga nanguna nito ay sina Richard Steele at Joseph Addison. - Ang mga pahayagan at jornal ay naging palasak noong ikalabing walong siglo. - Ang mga magasin at mga rebyu ay sumulpot sa ikalabing siyam na siglo. - Charles Lamb, William Hazlitt, Thomas Quincey, Babington Macaulay, Thomas Carlyle, Matthew Arnold, John Ruskin, George Elliot (Mary Anne sa tunay na buhay) at Robert Louis Stevenson ay nagsipagsulat ng mga sanaysay sa mga peryodikal sa iba't ibang panahon.. - Kinakitaan ang mga mananaysay sa mga panahong ito ng isang malalim na kamalayang panlipunan. - Sa huling kalahati ng ikalabinsyam na siglo, isa sa mga kilalang mananaysay sa panahong ito ay si Robert Louis Stevenson na naisangkap ang romantisismo sa panahon ng realismo at naturalismo. - Si Matthew Arnold ang sumulat ng mga sanaysay na kritikal. - Ang kanyang Essays in Criticism ay inakalang halimbawa ng mga magagaling na suring-basa sa makabagong panahon. - Ang mga mananaysay naman sa ikadalawampung siglo ay sina Max beerbohm at Hilario Belloc. ANG SANAYSAY SA PILIPINAS - Jose Rizal, Marcelo H. Del Pilar, Graciano Lopez-Jaena, Jose A. Burgos, ang kanilang mga sanaysay ay karaniwang pagsusuri o pagtuligsa sa lipunan na nakasulat sa wikang Espanyol. - Sa sanaysay na “Sobre La Indolencia de los Filipinos” binatikos ni Rizal ang mga sanhi ng katamaran ng mga Pilipino, idiniin niya rito na ang mga Kastila ang pangunahing dahilan ng katamaran ng mga Pilipino. - Ang kanyang sanaysay naman na “Filipina, Dentro de Cien Anos” inilahad niya ang maaaring mangyari sa Pilipinas pagkaraan ng isandaang taon kung hindi magbabago ang pamamalakad ng mga Kastila. - Claro M. Recto, Rafael Palma, Epifanio de los Santos ay nagpatuloy pa rin sa paggamit ng Kastila sa kanilang pagsulat. - Ang pahayagang El Renacimiento ang pinaglathalaan ng kanilang mga sulatin sumunod ang mga magasin tulad ng Free Press noong 1905. SANAYSAY SA WIKANG INGLES SA PILIPINAS - Ang mga sanaysay sa Ingles sa Pilipinas ay unang nabasa sa College Folio at Literary Apprentice sa Unibersidad ng Pilipinas. - Mga Pilipinong mananaysay sa Ingles ay sina Francisco Icasiano, Salvador P. Lopez, Federico Mangahas, Carmen Guerrero Nakpil, Teodoro Valencia at Doreen Fernandez. IDEYA - Batayan ng komunikasyon at pagpapahayag ng mga kaisipan. Maaaring sumaklaw sa iba’t ibang anyo tulad ng mga sumusunod: 1. KAISIPAN - Tumutukoy sa isang pag-iisip o pananaw na nabuo mula sa obserbasyon. 2. KONSEPTO - Abstraktong ideya na may tiyak na kahulugan, inilalarawan ang pangkalahatang kaisipan. 3. PILOSOPIYA - Sistematikong pag-aaral ng mga pangunahing tanong tungkol sa pag-iral, halaga, dahilan at wika. 4. PANANALIG - Malalim na paniniwala o pagtitiwala sa isang partikular na ideolohiya o kaisipan, nauugnay sa relihiyon. 5. PANININDIGAN - Matatag na posisyon o saloobin na tinatanggap o tinatanggihan ng isang ideya. 6. PANINIWALA - Pagtanggap na ang isang bagay ay totoo kahit walang konkretong ebidensya, ito ay batay sa pananampalataya. 7. IDEOLOHIYA - Sistema ng mga ideya at mithiin na bumubuo sa pundasyon ng isang teorya, relihiyon, pulitika, o kultural na paniniwala. PINAGMULAN NG IDEYA 1. PERSEPTUWAL NA KARANASAN - Nabubuo mula sa mga pandamang karanasan na direktang nararanasan ng tao. A. Nakikita - bagay o kaganapan na inobserbahan B. Naririnig - mga tunog, salita o musika. C. Nalalasahan - mga pagkain at inumin D. Naaamoy - amoy na nagpapasok ng impomasyon sa isip E. Nadarama - pisikal na pakiramdam o sensasyon F. Nahahaplos - pakikipag-ugnayan sa mga bagay gamit ang pandama sa balat. 2. DI-TUWIRANG KARANASAN - Ang ideya ay maaaring magmula sa mga karanasang hindi direktang nararanasan ngunit mula sa ibang anyo ng karanasan. A. Pagbabasa - impormasyon mula sa mga libro, artikulo, at iba pang anyo ng panitikan. B. Panonood - natutunan mula sa pelikula, telebisyon, o bidyo. C. Panggagaya - pagkopya ng mga aksyon o ideya mula sa ibang tao. D. Pag-arte - pagsasabuhay ng mga ideya sa pamamagitan ng kilos at pagsasalita. ANG IDEYA AT ANG WIKA O ANG WIKA AT ANG IDEYA - Ang wika ay mahalagang instrumento sa pagpapahayag at pagbuo ng mga ideya. Ang ugnayan ng ideya at wika ay sumusunod: 1. ANG IDEYA AT IDEOLOHIYA - Ang mga ideya ay nagiging batayan ng isang ideolohiya na nagpapaliwanag sa mga paniniwala at paninindigan ng isang tao o grupo. 2. PAGTALAKAY SA LIKAS NA KATANGIAN NG WIKANG FILIPINO - Ang wikang Filipino ay isang makapangyarihang instrumento sa pagpapahayag ng mga ideya, ito ay ginagamit bilang daan para sa mas malalim sa diskurso hindi lamang sa paghatid ng impormasyon. ANG PORMULASYON NG MGA IDEYA 1. ANG DATOS AT ESTADISTIKA - Ang mga datos ay obhektibong impormasyon na nakuha mulas sa masusing pag-aaral o pananaliksik. Ang estadistika ay isang anyo ng datos na ginagamit sa pagsusuri ng mga resulta at trendo. 2. ANG IMPORMASYON AT BALITA - Ang impormasyon ay anumang datos o balita na kapaki-pakinabang sa kaalaman ng tao. Ang balita ay isang ulat o kwento tungkol sa kasalukuyang kaganapan. 3. ANG OPINYON AT PANANALIG / KONTRADIKSYON O ARGUMENTO - Ang opinyon ay personal na pananaw o interpretasyon ng isang tao sa isyung paksa. Ang pananalig ay mas matatag na anyo ng opinyon, batay sa malalim na paniniwala. Samantala, ang kontradiksyon ay tumutukoy sa mga ideya na sumasalungat sa isa’t isa, na humahantong sa diskusyon o argumento.