Aralin Tungkol sa Nasyonalismo PDF
Document Details
![SatisfiedGreen9074](https://quizgecko.com/images/avatars/avatar-8.webp)
Uploaded by SatisfiedGreen9074
Naga City Science High School
Tags
Related
- AP7-Q3-Week-2-Mga-Pamamaraan-ng-Pagtamo-ng-Kasarinlan-ng-mga-Piling-Bansa PDF Kasaysayan
- Kabanata 9 PDF: Nasyonalismo at Pagtamo ng Kasarinlan sa Timog-Silangang Asya
- AP7 Q3 Week 1 - Kahulugan ng Nasyonalismo, Kasarinlan at Pagkabansa PDF
- Kahulugan ng Nasyonalismo, Kasarinlan at Pagkabansa PDF
- Kabanata 9: Nasyonalismo at Pagtamo ng Kasarinlan ng mga Piling Bansa sa Timog-Silangang Asya PDF
- Kahulugan ng Nasyonalismo, Kasarinlan, at Pagkabansa PDF
Summary
Ito ay isang dokumentong nagpapaliwanag sa konseptong nasyonalismo, kasarinlan, at pagkabansa. Naglalaman ito ng mga tanong at gawain para sa mga mag-aaral.
Full Transcript
“Ang Konsepto ng Nasyonalismo, Kasarinlan at Pagkabansa” Suriin ang larawan kung ano ang kaugnayan sa ating aralin? Ano ang ipinapahiwatig ng larawan? Ano ang kaugnayan nito sa ating aralin? Ang Nasyonalismo ay damdaming Makabayan na maipapakita sa matinding pagmamahal a...
“Ang Konsepto ng Nasyonalismo, Kasarinlan at Pagkabansa” Suriin ang larawan kung ano ang kaugnayan sa ating aralin? Ano ang ipinapahiwatig ng larawan? Ano ang kaugnayan nito sa ating aralin? Ang Nasyonalismo ay damdaming Makabayan na maipapakita sa matinding pagmamahal at pagpapahalaga sa Inang Bayan. Ang Nasyonalismo o makabayang pilosopiya ay tumutugon hindi lamang sa pagiging makabayan kundi sa pagkakaroon ng paninindigan, karapatan, diwa at pakikisangkot para sa lipunan. Isa itong sistema ng paniniwala o idelohiyang politikal ng pagiging makabansa, ng katapatan sa interes ng bansa, at ang masidhing kagustuhan na matamo ang pambasang pagsulong. Bilang isang kabataang Pilipino, kailangan ay may alam, nakikialam at pakialam sa mga simbolo ng pagkakakilanlan ng isang Pilipino. Ang watawat at ang pambansang awit ng Pilipinas ay sumisimbolo ng ating pagiging malaya. Ito rin ay simbolo ng katapangan ng ating mga ninuno at paano nila ipinaglaban ang pagkakaroon ng kalayaan Ang Nasyonalismo ay hindi lamang maituturing na bugso ng damdamin bagkus ito ay dulot ng iba’it ibang kadahilanan na maaaring pampolitikal, pang-ekonomiya, o di kaya’y panlipunan. Ito ay masidhing pagmamahal at pagpapahalaga sa Inang Bayan. Ito ay ang matinding hangarin ng pagkakabukolod-buklod ng mga mamamayan at pagiging malaya sa pang- aalipin ng mga dayuhan. Pagkatapos ng maraming taon ng pananakop, noong Hunyo 12, 1898 naganap ang makasaysayang deklarasyon ng kasarinlan ng Pilipinas. Ito ay pinamunuan ni Heneral Emilio Aguinaldo sa Kawit, Cavite. Ang deklarasyon ng kasarilan ng Pilipinas o Acta de la Independencia de Filipinas ay isinulat naman ni Amobrosio Rianzares Bautista, na siyang tagapayo ni Aguinaldo. Sa araw na ito, unang iwinagayway ang watawat ng Pilipinas na sinabayan ng pagtugtog ng pambansang awit ng Pilipinas na likha ni Julian Felipe - ang Marcha Nacional Filipina o Lupang Hinirang sa kasalukuyan. Ang mahalagang pangyayaring ito ang nagpakita sa mundo na isa ng ganap ng malayang bansa ang Pilipinas. Maglahad ng ilang pangyayari / konsepto na sa iyong palagay ay nagbigay daan sa pagusbong ng konsepto ng nasyonalismo sa Timog-Silangang Asya. Sa modernong panahon paano natin maipapakita ang diwa ng Nasyonalismo? Gawain 1: Naalala mo pa ba? Ano-ano ang mga natatandaan mong impluwensiya ng mga bansang sumakop sa Pilipinas? Alam mo ba kung ano ang iba’t ibang anyo ng Nasyonalismo? Mapagtanggol na nasyonalismo gaya ng ipinakita ng bansang Pilipinas. Aggressive Nationalism Mapusok na nasyonalismo na minsang ginawa ng bansang Hapon. Ang nasyonalismo ay damdaming makabayan na maipakikita sa matinding pagmamahal at pagpapahalaga sa Inang-bayan,. Ang nasyonalismo sa Asya ay may ibat ibang anyo tulad ng defensive nationalism o mapagtanggol na nasyonalismo gaya ng ipinakita ng bansang Pilipinas at aggressive nationalism o mapusok na nasyonalismo na minsang ginawa ng bansang Hapon. Talakayin naman natin ang manipestasyon ng Nasyonalismo Ano-ano ang manipestasyon ng Nasyonalismo? Pagkakaisa ang pangunahing manipestasyon ng nasyonalismo, makikita ito sa pagtutulungan at pagkakabuklod-buklod ng mamamayan sa iisang kultura, saloobin, at hangarin. Maituturing ding manipestasyon ng nasyonalismo ang pagmamahal at pagtangkilik ng mamamayan sa mga produkto, ideya, at kultura ng sariling bansa. Naipakita rin ang Nasyonalismo sa pagiging makatuwiran at makatarungan. Bakit mahalaga ang kalayaan? Ang pananakop, pagpapasailalim sa kapangyarihan, at pagsasamantala ng mga bansang Kanluranin sa mga bansang Asyano ang nagtulak sa mga Nasyonalistikong lider na gumamit ng iba’t ibang pamamaraan ng pakikipaglaban upang makamit ang kalayaan. Nag-ugat ang pag-usbong ng damdaming Nasyonalismo sa India dahil sa mapang-api at di makatarungang repormang ipinatupad ng mga Ingles sa bansa. Mula sa pagpapataw ng matataas na buwis. pagbabawal sa ilang panrelihiyong seremonya at tradisyon pagbabago sa tradisyunal na estrukturang panlipunan, at di-makatarungan, pagpaparusa, ay sumidhi ang pagnanais ng mga na makamit ang kasarinlan sa Ingles. Bilang isang kabataan paano mo maipapakita ang pagmamahal at katapatan sa ating bayan? Maglahad ng ebedensiya at patunay. Maaring maglahad ng mga halimbawa ng kanilang pagsasabuhay sa katapatan, pagtangkilik ng mga produkto, at pagiging modelo ng isang kabataan. Ilahad ito sa malikhaing pamamaraan maaaring sa anyong tula,Poster,Jingles, Kanta, o dula dulaan o anumang talino o interes ng grupo. PAMANTAYAN SA PAGLALAHAD Naipakita ang pagmamahal sa 10 ating bayan sa pamamagitan ng paglalahad ng ebensiya at patunay. Malikhain ang paglalahad. 10 Kalinisan at pagkakaisa 10 Kabuoan 30 Puntos POSTER MO! Gumawa ng isang makulay na poster na nagpapakita kung bakit mahalaga ang papel ng nasyonalismo sa pagbibigay-wakas sa pananakop ng mga bansang imperyalista at punan ang panata sa ibaba bilang pagpapahayag ng iyong sariling pamamaraan ng pagpapahayag ng nasyonalismo Ipakita ang Galing: Sa pamamagitan ng isang uri ng sining na iyong mapipili (visual art, literary art, performing art o digital art), ipakita kung paano mo patuloy na maipagmamalaki ang pagiging Pilipino at ang paninirahan sa bansang Pilipinas.