Grade 7 Araling Panlipunan Third Quarter Review Notes PDF
Document Details

Uploaded by ExemplaryFortWorth1437
Tags
Related
- ANG BATAS RIZAL (PDF)
- Ang Nasyonalismo at Paglaya ng mga Bansa sa Timog-Silangang Asya (PDF)
- AP7-Q3-Week-2-Mga-Pamamaraan-ng-Pagtamo-ng-Kasarinlan-ng-mga-Piling-Bansa PDF Kasaysayan
- Kabanata 9 PDF: Nasyonalismo at Pagtamo ng Kasarinlan sa Timog-Silangang Asya
- AP7-Q3-Week-2-Mga-Pamamaraan-ng-Pagtamo-ng-Kasarinlan-ng-mga-Piling-Bansa PDF
- PDF Araling Panlipunan Reviewer
Summary
Ang dokumentong ito ay naglalaman ng mga review notes para sa Grade 7 Araling Panlipunan, na tumatalakay sa nasyonalismo at kasarinlan sa Timog-Silangang Asya. Tinalakay din ang pag-unlad ng nasyonalismo, uri nito, at mga konsepto tulad ng kalayaan at pagkabansa, kasama sa mga aralin ang mga hamon at isyu sa rehiyon.
Full Transcript
**GRADE 7 ARALING PANLIPUNAN** **THIRD QUARTER EXAMINATION REVIEW NOTES** **LESSON 1: NASYONALISMO AT KASARINLAN SA TIMOG-SILANGANG ASYA** - **PAG-UNLAD NG NASYONALISMO SA TIMOG - SILANGANG ASYA** - **NATIONALISMO-** Ayon kay Benedict Anderson, ibinatay ni Anderson ang kanyang idea ng na...
**GRADE 7 ARALING PANLIPUNAN** **THIRD QUARTER EXAMINATION REVIEW NOTES** **LESSON 1: NASYONALISMO AT KASARINLAN SA TIMOG-SILANGANG ASYA** - **PAG-UNLAD NG NASYONALISMO SA TIMOG - SILANGANG ASYA** - **NATIONALISMO-** Ayon kay Benedict Anderson, ibinatay ni Anderson ang kanyang idea ng nasyonalismo sa kayang depinisyon ng isang bansa o nasyon bilang isang kinathang komunidad (imagined community) - nabubuo ang nasyonalismo bunga ng kolektibong imainasyon pagkatha sa isip ng isang grupo ng mga tao na kabilang sa iisang komunidad na kung tawagin ay bansa. - Konseptong nakapaloob sa nasyonalismo: a. Pagkakaisa b. Pagmamahal - Ninanais ng isang nasyonalista o Makabayan na mapabuti ang kanyang bansa dahil sa pagmamahal---pagmamahal sa kayang bayang tinubuan (Pilipinas) at pagmamahal sa kanyang mga kababayan (Pilipino) - **URI NG NASYONALISMO** a. **OFFENSIVE NATIONALISM-** gumagamit ng dahas sa ibang lahi upang maipakita ang kadakilaan at lakas ng sang bansa laban sa ibang bansa. Ito ay taglay o ginagamit ng mga bansang mananakop o dating mananakop. b. **DEFENSIVE NATIONALISM**- nabubuo upang maipagtanggol ang bayan sa karahasan ng ibang lahi. Ginagamit ngmga kolonya o bansang dating sinakop. - **KASARINLAN** - Independence - Mula sa salitang-ugat na sarili - Kakayahan ng isang bayan o lahi na itakda ang kanilang tadhana ayon sa sariling pagpapasiya **KALAYAAN**- Freedom Mula sa salitang ugat na laya , ang Kalayaan ay tumutukoy sa pagkalas mula sa mga banyagang mananakop. a. **NEGATIBONG KALAYAAN-** "Kalayaan mula" sa panlabas na panghihimasok na humahadang sa isang tao na gawin ang ninanais niya sa panahon na gusto niya b. **POSITIBONG KALAYAAN-** tumutukoy sa "Kalayaan para" magawa ng isang tao na makontrol at patakbuhin ang kanyang sariling buhay. - **PAGKABANSA** a. **Nasyon-** Isang komunidad na pinagbubuklod ng magkakaparehong halagahin,paniniwala kultura, at wika. Aspetongpang-kultura b. **Estado**- Isang komunidad a nakapaloob sa iisang yunit pampolitika. Aspetong pampolitika **Elemento ng Estado:** \- mamamayan, teritoryo, pamahalaan, at soberaniya. c. **Nation-State**- Isang nasyon lamang ang nakapaloob sa isang estado d. **Multinational-State**- Ang isang estado ay binubuo ng maraming nasyon - **PAGSIBLOL NG NASYONALISMO SA MGA BANSA SA KAPULUANG TIMOG-SILANGANG ASYA** a. **PILIPINAS-** Nasakop ng mga Espanyol ang Pilipinas sa loob ng 333 taon. Nagpatupad ang mga Espanyol ng mga patakarang pangkabuhayan, pampolitika at pangkultura na nakaapekto sa pamumuhay ng mga Pilipino. Dahil dito, marami ang naghirap dahil sa hindi makatarungang pagpapataw ng buwis, pagkamkam sa mga ari-arian at mga produktong Pilipino. \- Umusbong ang **gitnang uri o middle class (ILUSTRADO)** Sila ay mayayamang Pilipino, mestisong Tsino at Espanyol. Mga nag-aral sa bansang Europa b. **INDONESIA-** Isa sa mga pinakaunang nabuong samahan ay ang Budi Utomo, na itinatag ng ilang mag-aaral sa Java noong 1908. Naglalayon itong padaliin ang pagkamit ng edukasyon para sa mga Indones. Isa sa mga pinakaunang nabuong samahan ay ang Budi Utomo, na itinatag ng ilang mag-aaral sa Java noong 1908. Naglalayon itong padaliin ang pagkamit ng edukasyon para sa mga Indones. c. **MALAYSIA-** mas mabagal ang pagyabong ng nasyonalismo sa Malaysia, na noon ay tinatawag na Malaya. Nagsimula lamang ang paglago ng nasyonalismong Malay sa pagsapit ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Ito ay dahil naging mahigpit ang pagbabantay ng pamahalaang Briton **LESSON 2: PAGSIBOL NG NASYONALISMO SA MGA BANSA SA KALUPAANG TIMOG-SILANGANG ASYA** - **VIETNAM-** Dagdag pa rito ang inspirasyong idinulot ng pagkapanalo ng Hapon sa Digmaang Ruso-Hapones noong 1905. Nagbigay ito ng idea sa mga Vietnamese na hindi imposibleng magapi rin nila ang mga Pranses; tulad ng nagawa ng mga Hapones, na isa ring bansang Asyano, laban sa mga Ruso. - **CAMBODIA-** Mas masalimuot ang kuwento ng nasyonalismo sa Cambodia kompara sa ibang bansa sa Timog-Silangang Asya. Kaunti lang ang nabuong mga nasyonalistang kilusan sa Cambodia. Naging mabagal din ang paglago ng nasyonalismo rito kompara sa ibang bansa sa rehiyon. Muling natuklasan ng mga Pranses ang bakas ng sinaunang imperyong Khmer ng Cambodia, na nakalimutan na matapos itong bumagsak dahil sa pagsakop ng mga kaharian ng Siam (Thailand) at Vietnam. - **LAOS-** Bago pa ang pagdating ng mga Pranses, may malapit nang ugnayan ang Siam at Laos. Magkatulad ang kanilang kultura at wika, at magkadikit din ang kanilang teritoryo. Sa katunayan, may mga intelektuwal sa Siam na iginigit na ang Laos ay bahagi ng Siam. **naging banta ang malawakang migrasyon ng mga Vietnamese sa Laos** dahil sa posibilidad ng pangingibabaw ng kulturang Vietnamese sa lipunang Lao - **MYANMAR-** Bago pa man dumating ang mga Briton, karamihan sa mga mamamayang Burmese ay mga Budista. Kaya naman sa panahon ng kolonyalismo, Budismo rin ang nagbuklod sa kanila. Magkahiwalay na mga teritoryo ang Burma at India bago pa ang pagdating ng mga mananakop na Briton. Ngunit nang masakop ng Britanya ang kalakhang rehiyon ng India at Burma, pinag-isang teritoryo ang dalawang bansa kaya nawala ang kanilang dating hanggahan. **-** Nagdulot ito ng malawakang migrasyon ng mga Indiano patungong Burma. Sa pananaw ng mga Burmese, isa itong banta sa kanilang kultura at kapangyarihan sa sarili nilang bayan. Dahil dito, mas umigting ang hangarin nila na patatagin ang pagkakakilanlang Burmese. **LESSON 3: PAGKAMIT NG KASARINLAN NG MGA BANSA SA TIMOG-SILANGANG ASYA** - Ang ika-20 siglo ay binabansagan kung minsan ng mga historyador na \"panahon ng dekolonisasyon.\" Ito ang panahon na unti-unting gumuho ang mga imperyong Kanluranin, at isa-isang nakalaya ang mga dating kolonya bilang mga bagong nasyon- estado. - **PILIPINAS-** Noon pa lamang ika-12 ng Hunyo 1 898, sa kasagsagan ng rebolusyon laban sa mga Espanyol, ay idineklara na ng mga rebolusyonaryo ang kalayaan ng Pilipinas. Ngunit saglit lamang ang kalayaang ito dahil dumating ang mga Amerikano upang humalili sa mga Espanyol bilang bagong mananakop. Naganap ang Digmaang Pilipino-Amerikano mula 1899 hanggang 1902, matapos ganap na makontrol ng Estados Unidos ang Pilipinas bilang bagong kolonya nito. - **INDONESIA-** Ilang araw bago tuluyang sumuko ang mga Hapones, idineklara ang Kalayaan ng Indonesia noong ika-17 ng Agosto 1945. Kasunod nito ang pagtatatag ng rebolusyonaryong Republika ng Indonesia sa Jakarta sa parehong buwan. Itinalaga si Sukarno bilang pangulo ng republika at si Hatta bilang ikalawang pangulo. **Noong ika-27 ng Disyembre 1949, pormal na kinilala ng mga Olandes ang soberaniya ng Indonesia.** Pagsapit ng Agosto 1950, sa ikalimang anibersaryo ng deklarasyon ng kalayaan, itinatag ang panibagong republika (kapalit ng rebolusyonaryong republika) at hinirang ang Jakarta bilang bagong kabesera. - **MALAYSIA**- walang naganap na pagkamit ng kalayaan ng Malaya (dating pangalan ng Malaysia). Mapayapa ang naging transisyon ng kapangyarihan ng mga Briton sa mga Malay tungo sa kalayaan. Noong 1951 pa, itinalaga na ng mga Briton ang ilang pinunong Malay sa matataas na posisyon ng pamahalaan upang maihanda sila sa pamumuno. Pormal na idineklara ni Abdul Rahman ang malayang bansa ng Pederasyon ng Malaya noong ika-31 ng Agosto 1957. - **VIETNAM-** Nang magapi ng mga Hapones ang mga Pranses, idineklara ng mga Vietnamese ang kanilang kalayaan noong 1945. Nanatili sa kapangyarihan si Emperador Bao Dai bilang pinuno ng malayang bansa. Ngunit ang desisyon ng mga Hapones na panatilihin sa kapangyarihan si Bao Dai ay ikinagalit ng maraming Vietnamese. Nagtulak ito sa mga mamamayan na suportahan ang Viet Minh, ang komunistang puwersa na pinamumunuan ni Ho Chi Minh. **Noong 1955, naitatag naman ang Republika ng Vietnam sa Timog Vietnam.** - **CAMBODIA-** Matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig, nagsimulang ibaling ng mga kilusang gerilya ng Cambodia ang kanilang puwersa laban sa mga Pranses na nais silang sakuping muli. Pagsapit ng 1954, tuluyan nang nakamit ng Cambodia ang kalayaan samantalang nanatili si Sihanouk bilang pinuno nito hanggang 1970. - **LAOS-** Ang kilusang Lao Issara na pinamumunuan ni Phetsarath ay ang nanguna sa mga Lao upang labanan ang mga Pranses. Dahil sa paghina ng kapangyarihan ng Pransiya sa rehiyon dulot ng hamon ng Viet Minh, napilitan ang Pransiya sa Kumperensiyang Geneva na tuluyan nang igawad ang kalayaan ng buong Indotsina. Kasamang pinalaya rito ang Laos sa pamamagitan ng Franco-Laos Treaty of Amity and Association noong 1953 - **MYANMAR-** Sa Burma, nanguna ang Anti-Fascist People\'s Freedom League (AFPFL) sa pakikipaglaban sa mga Hapones. Noong ika-27 ng Enero 1947, pumirma ng isang kasunduan si Aung San at punong ministro ng Britanya na si Clement Attlee na nagsasaad na makalipas ang isang taon ay pormal nang igagawad Burma. Noong ika-4 ng Enero 1948, tuluyan nang pinalaya ng Britanya ang Burma na pormal na tinawag na Union of Burma. **LESSON 4-5: MGA HAMON SA PAGKABANSA SA KAUPAANG TIMOG-SILANGANG ASYA** - **HAMON SA KALAGAYAN SA POLITIKA** - **VIETNAM-** Ang Vietnam Communist Party (VCP) ang naging dominanteng puwersa sa politika ng Vietnam matapos makamit ang kalayaan mula sa mga Pranses. Mula noon ay napasailalim ang pinagsamang dalawang Vietnam sa pamamahala ng VCP at naging isang komunistang bansa. Tulad ng iba pang mga komunistang bansa, sistemang solo partido ang umiiral sa Vietnam kung saan isang partido lamang ang pinagmumulan ng mga pinuno. **-** Mataas ang pagpapahalaga ng VCP sa tinatawag na demokratikong sentralismo (democtratic centralism). Tumutukoy ito sa prinsipyo kung saan ang mga kasapi ng partido ay maaaring makibahagi sa pagtalakay ng mga polisiya at sa eleksiyon sa lahat ng antas. - **CAMBODIA-** Naging papalit-palit ang sistema ng pamamahala sa Cambodia dahil sa mga sigalot pinagdaanan ng bansa. Dinala ng mga Pranses ang unang modernong sistema ng batas sa Cambodia. Sila rin ang nagtatag ng konstitusyon nito noong 1947 na nagpatuloy pa na rin ang bisa matapos lumaya ng Cambodia noong 1953. Mula 1953 hanggang 1970, monarkiya ang sistema ng pamamahala sa Cambodia sa ilalim ni Haring Sihanouk. Nagwagi ang puwersa ng Communist Party of Kampuchea (CPK), na kalaunan ay pinalitan ang pangalan na naging Party of Democratic Kampuchea (PDK), o mas kilala sa tawag na Khmer Rouge **-** Sa ilalim ng pamumuno ni Saloth Sar, na nakilala bilang Pol Pot, inalis ang mga institusyon ng republika at itinatag ang isang komunistang pamahalaan. **-** Pagsapit ng ika-7 ng Enero 1979, napasakamay ng mga Vietnamese ang Phnom Penh na kabesera ng Cambodia. Sinuportahan ng Vietnam ang bagong pamahalaang itinatag sa Cambodia\--ang Khmer People\'s Revolutionary Party, na kinilala na Cambodian People\'s Party (CPP) pagsapit ng 1991. Nagbalik sa monarkiya ang Cambodia noong 1993 kaya mayroon silang hari, at pinatatakbo naman ang pamahalaan ng isang punong ministro - **LAOS-** monarkiya rin ang sistemang politikal sa Laos mula nang makamit nito ang kalayaan. Pagsapit ng 1975, tuluyang nagwagi ang Pathet Lao at itinatag nila ang Lao People\'s Democratic Republic (LPDR). Ang pinakamataas na pamunuan sa bansa ay ang Political Bureau (Politburo), na ang kasapi ay nasa humigit-kumulang 10. Ang mga kasapi ng Politburo ay inihahalal mula sa Komite Sentral. Mahigpit na ipinatutupad ang demokratikong sentralismo, kung saan obligadong sundin ng mga nasa mababang antas ang direktiba ng mga nakatataas na opisyal nang walang pag-aatubili. - **MYANMAR-** Parlamentaryong demokrasya ang anyo ng pamahalaan sa Myanmar mula nang makalaya ito sa mga Briton noong 1948. Naglingkod bilang punong ministro si U Nu. Sa sistemang parlamentaryo ng Myanmar, limitado lamang ang kapangyarihan ng pangulo at hindi siya tuwirang itinatalaga ng parlamento kundi ang punong ministro. Namayani ang partidong Anti-Fascist People\'s Freedom League (AFPFL) sa parlamento mula nang lumaya ang Myanmar noong 1948 hanggang 1958. Ang bansa ay may unitaryong sistema ng pamahalaan, kung saan limitado ang kapangyarihang hawak ng mga lokal na pamahalaan. Ang pinakamakapangyarihang pangkat-etniko sa pamahalaan ay ang Burman - **THAILAND-** naiiba ang kalagayan ng Thailand dahil hindi ito naging kolonya ng anumang Kanluraning bansa. Nagsinmulang humina ang popularidad ni Phibun dahil sa mga akusasyon ng katiwalian. Noong 1957, napatalsik si Phibun sa puwesto sa isang kudeta na pinamunuan ni Sarit Thanarat, komandante ng sandatahang lakas. Tumagal ang diktadura ni Sarit hanggang sa mamatay siya noong 1963. - **HAMON SA KALAGAYAN SA EKONOMIYA** - **VIETNAM-** Ang hilagang Vietnam ay mayroong command eonomy at ang Timong Vietnam ay mayroong market economy. - **COMMAND ECONOMY-** kontrolado ng pamahalaan ang malaking bahagi ng mercado. Ang pamahalaan ang nagtatakda ng presyo ng mga bilihin, dami ng mga prouktog ipagbibili at nagmamay-ari ng karmihan sa mga Negosyo sa bansa. - **MARKET ECONOMY-** limitado lamang ang pangingialam ng pamahalaan sa mercado. Karamihan sa mga negosy ay pagmamay-ari ng mga pribadong indibidwal. Ang presyo ng mga bilihin at dami ngmg produktong ipagbibili ay nakabatay sa kompetisyon ng mga pribadong indibidwal. - **CAMBODIA-** Nanatiling kontrolado ng mga banyaga ang iba t ibang sektor ng ekonomiya nito. Nanatiling mahina ang ekonomiya ng Cambodia dahil sa pagkakaipit sa kompetisyong politikal ng mga bansang nakapaligid dito at mga Kanluranin, tulad ng Vietnam, Thailand, Pransiya, Britanya, at Estados Unidos. Sa tulong ng Estados Unidos, itinaguyod ng republika ang market economy. Binawasan nila ang panghihimasok ng pamahalaan sa merkado at hinimok ang pribadong sektor na maging aktibo sa kalakalang panlabas at pagbabangko**.** **-** Nanatiling sarado ang ekonomiya ng Cambodia sa pandaigdigang kalakalan hanggang 1991, at patuloy na umasa ang bansa sa suporta ng Vietnam at Unyong Sobyet sa kanilang ekonomiya. Dahil sa malagim na pinagdaanan ng Cambodia, itinutring na isa ito sa pinakamahihira na bansa sa buong mundo noong panahong iyon. Taong 1993 lamang nagsimula ang transisyon ng bansa pabalik sa market economy. - **LAOS-** Ginawa nilang command economy ang sistemang pang- ekonomiya ng bansa. Nilagyan nila ng limitasyon ang pribadong pagmamay-ari at hinigpitan ang kontrol ng pamahalaan sa merkado. Nagdulot ito ng labis na pagbaba ng produksiyon na nagresulta sa kakulangan sa pagkain. Noong mga dekada 1970 at 1980 ay labis na humina ang ekonomiya ng bansa. Tulad ng Cambodia, pinili ng Laos na isara ang lokal na merkado sa pandaigdigang kalakalan. Sa ilalim ng bagong labas na konstitusyon ng 1991, isinasaad ang proteksiyon na ibibigay ng pamahalaan sa pribadong pagmamay-ari. Ang sistemang market economy ay naging pormal na polisiyang pang-ekonomiya na isinama sa konstitusyon. - **MYANMAR-** Mula 1948 hanggang 1958, itinaguyod nito ang anyong parlamentaryong demokrasya sa pamahalaan, na halaw sa sistema ng Britanya, at ang sistemang mixed economy. Mula 1952 hanggang 1960 ay ipinatupad ng pamahalaan ang Eight- Year Plan para sa higit na industriyalisasyon ng bansa. Ngunit bigo ang pamahalaan na makamit ang mga layuning pag-unlad na nakasaad sa plano. Bahagya lamang ang naging pag-unlad sa impraestruktura, mga industriya, at agrikultura batay sa nasabing plano. Isinailalim niya sa diktadura ang buong bansa. Pinalitan ang sistemang mixed economy at naging command economy, batay sa polisiya ng pamahalaan na kumiling sa komunismo. - **THAILAND-** Nanatiling nakatuon sa agrikultura ang ekonomiya ng Thailand at naging mabagal ang dibersipikasyon ng mga industriya sa bansa. Nagsimula ang mahalagang pagbabago sa ekonomiya ng bansa nang matanggal sa puwesto si Phibun. Si Sarit Thanarat ay mas naging bukas sa panlabas na pakikipagkalakalan. Inanyayahan niya ang World Bank na magsagawa ng isang komprehensibong pagsusuri sa ekonomiya ng Thailand at posibleng hinaharap nito. Ipinayo ng World Bank ang higit na pagpapalawak ng pakikilahok ng pribadong sektor at pagdaragdag ng banyagang puhunan. Mula noong huling bahagi ng dekada 1950 ay naging mabilis ang paglago ng ekonomiya ng Thailand, at pagsapit ng dekada 1980 ay isa na ito sa mga itinuturing na may pinakamabilis na paglago ng ekonomiya sa buong daigdig. - **MGA HAMON SA LIPUNAN AT KULTURA** - **VIETNAM-** Ang Vietnam ay binubuo ng 54 na pangkat-etniko. Ang pinakamarami rito ay ang Kinh, na bumubuo sa 87% ng kabuuang populasyon. Ang natitirang 53 pangkat-etniko ay 13% lamang ng kabuuang populasyon. Sila ang tinatawag na mga katutubong komunidad, o sa wikang Vietnamese ay dan toc thieu so. Sila rin ang pinakamahihirap sa Vietnam. Madalas silang nakararanas ng diskriminasyon dahil sa itinuturing silang makaluma, mapamahiin, at konserbatibo. Mas maliit ang kanilang oportunidad sa edukasyon at mga pampublikong serbisyo. - **CAMBODIA-** Ang Cambodia ang isa sa may pinakamaliit na populasyon ng katutubong komunidad sa daigdig. Nasa 1.4% lamang ng populasyon ng bansa ang mga katutubo. Kolektibong tinatawag ang mga katutubo na Kbmer Loeu. Noong 1994, itinatag ang Inter- Ministerial Committee for Highland Peoples Development at ang Department of Ethnic Minorities Development para lalo pang matugunan ang pangangailangan ng mga katutubo. - **LAOS-** Mayroong 49 na pangunahing pangkat-etniko sa Laos na kinapapalooban ng 200 pang mas maliliit na grupo. Sa kabuuan, ang 49 na pangkat-etnikong ito ay nahahati sa apat na kategorya batay sa lahi: Lao-Tai na bumubuo sa 67% ng populasyon ng bansa; Mon-Khmer, 21%; Hmong-Lu Mien, 9%; at Chine-Tibetan, 3%. Inuuri din ang mga pangkat-etniko ayon sa lugar kung saan sila naninirahan. Ang Lao-Tai ang pinakamakapangyarihan sa tatlong pangkat-etniko. Bagaman nakibahagi ang mga minoryang katutubo, lalo na ang Lao Theung, sa pagpapatalsik sa Pathet Lao, hindi sila nabigyan ng sapat na representasyon sa politika ng bansa. - **MYANAMAR-** Sa Myanmar, kinikilala ng pamahalaan ang 135 pangkat-etniko sa bansa. Ang pagkakaroon ng 135 pangkat-etniko ay nakabatay pa sa mga lumang pag-aaral ng mga dating mananakop na kapos ang kaalaman sa lingguwistika. Mas malala pa rito ang naranasan ng mga Muslim na Rohingya, isang pangkat-etnikong naninirahan sa Rakhine. Sa ilalim ng batas ng Myanmar, hindi sila kinikilalang kabilang sa 135 pangkat-etniko, at mula noong 1982 ay hindi rin itinuturing na mamamayan ng Myanmar. Mas malala pa rito ang naranasan ng mga Muslim na Rohingya, isang pangkat-etnikong naninirahan sa Rakhine. Sa ilalim ng batas ng Myanmar, hindi sila kinikilalang kabilang sa 135 pangkat-etniko, at mula noong 1982 ay hindi rin itinuturing na mamamayan ng Myanmar. - **THAILAND-** Ang mga pangkat-etniko ng Thailand ay naninirahan sa tatlong heograpikong rehiyon ng bansa. Sa timog Thailand ay ang mga mangingisdang pamayanan ng Chao Ley at ang mga mangangasong Mani. Sa silangan at hilagang-silangang Thailand naman ay ang maliliit na pangkat sa talampas ng Korat. Sa kabundukan ng hilaga at hilagang-kanlurang Thailand ay matatagpuan ang tinatawag na Chao Khao o mga \"tribu ng kabundukan.\" Siyam na pangkat ang kabilang sa Chao Khao-Hmong, Karen, Lisu, Mien, Akha, Lahu, Lua, Thin, at Khamu. Tinatayang nasa 5 milyong katao, o 7.2% ng kabuuang populasyon ng bansa, ang bilang ng mga katutubong Thai. - **RELIHIYON** - **VIETNAM-** Relihiyong umiiral sa Vietnam: Budismo, Katolisismo, Protestantismo, at Islam Relihiyong galing mismo sa bansa: Caodaismo at Budismong Hoa Hao May batas patungkol sa pagkakapantay-pantay ng lahat ng mga relihiyon- Law of Belief and Religion - **CAMBODIA-** Relihiyong pinakalaganap: Budismong Theravada Iba pag relihiyon sa bansa: Budismong Mahayana (migranteng Vietnamese at Tsino), Confucianismo, Taoismo, Katolisismo, at Protestantismo Pangkat-etnikong Cham ay relihiyong Islam- nakaranas ng persekusyon sa ilalaim ng Khmer Rouge - **LAOS-** Dominanteng relihiyon: Budismo, mahalagang papel sa pagsibol ng nasyonalismo. Iba pang relihiyon: Katolisismo, Protestatismo, Islam (pinakamaliit na bilang). Nakasaad sa batas ng Laos na amy karapatang mamimili ang mamamayan na pumili at isabuhay ang napiling relihiyon - **MYANMAR-** Mayoryang pangkat ng Burmese: Budismong Theravada Konstitusyon: may Karapatan ang bawat indibidwal na pumili ng relihiyon. Iba pang relihiyon; Kristiyanismo, Islam, Hinduismo, Baha'iso Muslim na Rohingya: labis na persekusyon - **KABABAIHAN** - **VIETNAM-** Konstitusyon 1946- pagkakapantay ng kasarian Umusbong ang maraing industriya na nagigay ng dagdag na oportunidad sa kababaihan - **CAMBODIA-** Naging malawak ang pakikilahok ng kababaihan sa mga ekonomikong Gawain tulad ng pagsasaka, pagtitinda, at paglikha ng mga kasangkapan. Politika: limitado ang paglahok 1955- naipagkaloob sa mga kababaihana ang karapatang bumoto - **LAOS-** Maraming pangkat-etniko ang may sistemang matriyarkal, particular sa pangkat ng Lao-Tai Mataas na pagpapahalaga sa mga kababaihan sa lipunan - **MYANMAR-** 1935- nagkaroon ng karapatang bumoto ang kababaihan ng Myanmar - Politika: 1948 dumami ang babae sa parlamento ngunti nalimitahan noong umiral ang diktatura noong 1962.