Summary

Ang dokumentong ito ay naglalaman ng impormasyon tungkol sa Tekstong Impormatibo. Inaaral ang mga elemento at uri nito sa Filipino. Sakop rin nito ang mga halimbawa at aplikasyon.

Full Transcript

Lesson 1 Tekstong Impormatibo 1. Pangkalahatang-Ideya: Ang teksto ay isang uri ng akdang babasahin. Tinatawag na teksto ang mga pangunahing salita sa anumang babasahin na nagtataglay ng iba't ibang impormasyon. Maaari rin itong nagbibigay ng mensahe o damdamin ng sinuman sa paraang pasulat o na...

Lesson 1 Tekstong Impormatibo 1. Pangkalahatang-Ideya: Ang teksto ay isang uri ng akdang babasahin. Tinatawag na teksto ang mga pangunahing salita sa anumang babasahin na nagtataglay ng iba't ibang impormasyon. Maaari rin itong nagbibigay ng mensahe o damdamin ng sinuman sa paraang pasulat o nakalimbag. Sa akademikong uri ng pag-aaral, ang teksto ay maaari ring sumaklaw sa ilan pang isinusulat na akda katulad ng mga pelikula, programa sa telebisyon,awitin, patalastas, at iba pang nakalimbag na paalala. Tekstong Impormatibo: Elemento ng Tekstong Impormatibo 1.**Layunin ng may-akda**\-\-- Maaaring magkakaiba-iba ang layunin ng may-akda sa pagsulat niya ng isang tekstong impormatibo. Maaaring layunin ng may-akda na palawakin pa ang kaalaman ukol sa isang paksa. Kung saan madaling maunawaan ang mga pangyayaring mahirap ipaliwanag: matuto ng maraming bagay ukol sa ating mundo. **2.Pangunahing Ideya**\-\-\--Ito ay dagliang inilalahad ang mga pangunahing ideya sa mambabasa. Magagawa ito sa pamamagitan ng paglalagay ng pamagat sa bawat bahagi na tawagin ay *organizational markers* na nakatutulong upang agad makita at malaman ng mambabasa ang pangunahing ideya. **3.Pantulong na kaisipan\-\--**Ang paglalagay ng angkop na pantulong na kaisipan o mga detalye ay napakahalaga upang mabuo sa isipan ng mambabasa ang pangunahing ideya na nais makuha o maiwan sa kanila. **4.Mga estilo sa pagsulat, kagamitan/ sangguniang magtatampok sa mga bagay na binibigyang-** **diin\-\--** Mahalaga sa mga mag-aaral na magkaroon ng malawak na pag-unawa sa binabasang teksto at magamit ang estilo o kagamitan. Sangguniang nagbibigay-diin sa mga mahahalagang bahagi tulad ng mga sumusunod: **1.Paggamit ng mga nakalarawang representasyon**---malaki ang maitutulong ng paggamit ng mga larawan, guhit, dayagram, tsart, talahanayan, time line at iba pa upang higit na mapaigtig o mapalalim ang pag-unawa ng mga mambabasa sa mga tekstong impormatibo. **2.Pagbibigay**-**diin sa mahalagang salita sa teksto-**mahalaga na malaman ang gamit ng iba pang estilo tulad sa pagsulat nang nakadiin, nakahilis, nakasalungguhit, nakahinglight o nalagyan ng panipi upang higit na madaling makita o mapansin ang mga salitang binibigyang-diin sa babasahin. **3.Pagsulat ng mga talasanggunian\-\--**karaniwang inilalagay ng mga manunulat ng tekstong impormatibo ang mga aklat, kagamitan, at iba pang sangguniang ginamit upang higit na mabigyang-diin ang katotohang naging basehan sa mga impormasyong taglay **Mga Uri ng tekstong impormatibo \--**Layunin nito na makapaghatid ng impormasyong hindi nababahiran ng personal na pananaw o opinion ng may-akda **1.Paglalahad ng Totoong Pangyayari/ Kasaysayan---**naglalahad ng mga totoong pangyayaring naganap sa isang panahon o nasaksihan ng manunulat. Tulad ng mga balitang isinusulat ng mga reporter ng mga pahayagan. Maaari ring hindi direktang nasaksihan ng manunulat kundi mula sa katotohanang nasaksihan at pinatutunayan ng iba tulad ng sulating pangkasaysayan o historical. Ito ay sumasaklaw sa mga paglalahad ng mga pangyayari sa nakaraan, kasalukuyan, o iba pang panahon.kung ito ay isang balita, mababasa sa bahaging ito ang pinakamahalagang impormasyon ay tulad ng kung *sino, ano, saan, kailan, at paano* nangyari ang inilalahad. **2.Pag-uulat Pang-impormasyon**\-\-- Nakatuon naman ito sa pagbibigay ng kaalaman tunhgkol sa tao, bagay, hayop, at lugar. Kinakailangan ng pananaliksik sa pagbibigay ng kaalaman. Sa pagsulat ng ganitong uri ng teksto ay nangangailangan ng masusing pananaliksik sapagkat ang mga impormasyon at detalyeng taglay nito ay naglalahad ng katotohanan ukol sa paksa at hindi dapat samahan ng personal na pananaw o opinion ng manunulat. Ang mga halimbawang paksa ay global warming, cyberbullying, mga hayop na malapit nang maubos, impormasyong kaugnay ng mga halaman. **3.Pagpapaliwanag\-\--** Sumasagot sa tanong na "paano". Ipinaliliwanag nito kung paano naganap ang isang bagay. Hindi man ito nagpapakita ng prosidyur o pagkakasunod, nagbibigay naman ito ng kaliwanagan sa kung paano nangyari ang isang insidente. Karaniwan itong ginagamitan ng mga larawan, dayagram, o flowchart na may kasamang mga paliwanag. **Hal. Ng Impormatibo** 1.Ang siklo ng buhay ng mga hayop at insekto tulad ng paruparo. 2.Cyberbullying (pahina 14-18) 3.Orange, Panlaban sa Sakit +-----------------------+-----------------------+-----------------------+ | | | II\. Aplikasyon: | | | | | | | | Suriin ang paksang : | | | | ORANGE, PANLABAN SA | | | | SAKIT at sagutin ang | | | | mga tanong sa | | | | pamamagitan ng | | | | pagsagot sa inilaan | | | | na tsart. | | | | | | | | 1.Ano- anong nutrient | | | | o benepisyong | | | | nakukuha sa nasabing | | | | prutas? | | | | | | | | 2.Ano -- anong sakit | | | | ang nalulunasan nito? | | | | | | | | 3.Paano gagamitin ang | | | | mga orange na ito? | | | | | | | | -- | | | | -- | +=======================+=======================+=======================+ | | | | +-----------------------+-----------------------+-----------------------+ Malimit nating marinig ang " An apple a day can keep doctor away." At marami nang nasulat na artikulo ukol sa katotohanan ng mga nutrient na nakukuha mula sa mansanas. Ngunit may isa ring prutas na simbisa ng mansanas na paglaban sa mga sakit- kahel o orange. Mayaman sa mga phytochemical, at antioxidant, sinasabing ang orange ay makapigil sa mga tinatawag na chonic illness tulad ng sakit sa puso at ilang uri ng kanser. Ayon sa pag-aaral sa Australia, ang pagkain ng isang orange bawat araw bilang pandagdag sa pagkain ng lima pang prutas at gulay ay maaaring pumigil sa pagkakaroon ng kanser sa lalamunan, bituka at larynx. Ang pagkain daw ng orange ay makapipigil ng banta ng mga nabanggit na uri ng kanser hanggang limampung porsiyento. Sinasabi ng mga researcher na ang benepisyong ito ay nagmula sa may 170 phytochemicals at 60 flavoniods ng orange na nagtataglay naman ng mga katangiang anti-blood clot, anti-flammatory at anti- tumor. Sa pag-aaral naman ng Cleveland Clinic sa Ohio, napatunayan nilang nakapagpapababa ng presyon ng dugo ang pag-inom ng dalawang eight ounces na baso ng orange juice araw - araw. Bumababa diumano ang systolic blood pressure ng halos 7 porsiyento habang ang diastolic blood pressure naman ay 4.6 porsiyento. Dahilan daw ito sa potassium na matatagpuan sa orange juice. Sa Arizona Cancer Center sa Tucson, natuklasang mabuti ring panlaban sa pinsala sa balat ng katas ng orange. Ang sangkap nitong perillyl alcohol ay sinasabing pumipigil sa cancerous lesion na lumaki sa pag-aalis ng mga kanser causing chemikals sa balat. Ipinapahid sa balat ang katas ng orange upang makamtan ang bisa nito. Inaasahan ng mga eksperto na makadedebelop ng mga sunscreen products na nagtataglay ng orange extracts sa hinaharap. Kaya sa susunod na pagkain natin ng orange o pag-inom ng orange juice, alalahanin nating hindi lamang ito isang masarap na prutas o malamig na inumin kundi isa ring panlaban sa sakit. III\. Pantulong na Gawain:: Magbigay ng sampung katangian at kalikasan ng tekstong impormatibo?

Use Quizgecko on...
Browser
Browser