KOMUNIKASYON-MODYUL-1-KONSEPTONG-PANGWIKA-updated-lesson-1 (2).docx

Full Transcript

![](media/image2.png) **DR. V. ORESTES ROMUALDEZ EDUCATIONAL FOUNDATION, INC.** **SENIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT** **Calanipawan Road, Tacloban City** **G11** **MODYUL 1** **KOMUNIKASYON at PANANALIKSIK sa WIKA at KULTURANG FILIPINO** **UNANG MARKAHAN** **PAKSA: [KONSEPTONG PANGWIKA]** **I....

![](media/image2.png) **DR. V. ORESTES ROMUALDEZ EDUCATIONAL FOUNDATION, INC.** **SENIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT** **Calanipawan Road, Tacloban City** **G11** **MODYUL 1** **KOMUNIKASYON at PANANALIKSIK sa WIKA at KULTURANG FILIPINO** **UNANG MARKAHAN** **PAKSA: [KONSEPTONG PANGWIKA]** **I. Pangkalahatang Ideya:** - **Sa araling ito ay malalaman ang mga impormasyon hinggil sa kalikasan at kahulugan ng konseptong pangwika.** **II.  Mga Layunin ng Pagkatuto:** - Nakapagpapaliwanag sa kahalagahan ng pagkakaroon ng wika at wikang Pambansa. - Nakapagsusunod-sunod ng mga pangyayari sa pagkakabuo ng wikang Pambansa. - Naiuugnay ang konseptong pangwika sa sariling kaalaman sa pagsulat ng mga dapat gawin sa pagpapakita ng pagpapahalaga sa Wikang Pambansa. - Naipapakita ang kahalagan ng wika sa pang-araw-araw na gawain. **III. Balangkas ng Nilalaman:** - **Basahin at unawaing mabuti ang lahat ng mga impormasyon sa araling ito.** **PAGTUKLAS:** *Wika - ano ba ang katuturan sa pantaong komunikasyon? Hindi natin maikakaila na sa pamamagitan nito ay nagagawa nating maipahayag ang ating mga saloobin. Taglay ng wika ang bawat isa sa atin at walang bahagi ng buhay ang hindi nito saklaw. Sa ating araw-araw na na pakikipagtalastasan, malaking bahagi nito ang paggamit sa wika na siyang humuhugis sa ating mga kaisipan at saloobin na ating inihahayag.* ![](media/image4.gif) **PALAWAKIN ANG KAALAMAN:** Ang mundo ayon kay **Anthony C. Woodbury** (1997) ay binubuo ng humigit na 5000 o hanggang 6000 na wika na ginagamit ng tao sa iba't-ibang panig ng mundo. Sa Pilipinas, umaabot naman o higit pa sa 154 na wika at diyalekto ang mayroon tayo. \-\-\-\-\-\-\-\-\-\-\-\-\-\-\-\-\-\-\-\-\-\-\-\-\-\-\-\-\-\-\-\-\-\-\-\-\-\-\-\-\-\-\-\-\-\-\-\-\-\-\-\-\-\-\-\-\-\-\-\-\-\-\-\-\-\-\-\-\-\-\-\-\-\-\-\-\-\-\-\-\-\-\-\-\-\-\-\-\-\-\-\-\-\-\-\-\-\-\-\-\-\-\-\-\-\-\-\-\-\-- **WIKA: KAHULUGAN** **WIKA: MGA KATANGIAN** **I. ANG WIKA AY MASISTEMANG BALANGKAS.** Isinasaayos ang mga tunog sa sistematikong paraan upang bumuo ng makabuluhang yunit katulad ng tunog, salita, parirala, pangungusap at diskors. Lahat ng wika ay nakaayon sa sistematikong ayos sa isang tiyak na balangkas. Kaya mahalagang maunawaan na lahat ng wika ay may gramatika at nahahati sa sumusunod: ponolohiya, morpolohiya, sintaksis at semantika. +-----------------------------------+-----------------------------------+ | | - makaagham na pag-aaral ng mga | | | makahulugang tunog (ponema) | +===================================+===================================+ | | - ang makaagham na pag-aaral ng | | | mga pinakamaliit nay unit ng | | | mga tunog (morpema) ng isang | | | wika at ng pagsasama- sama ng | | | mga ito upang makabuo ng | | | salita | +-----------------------------------+-----------------------------------+ | | - ang makaagham na pag-aaral ng | | | mga sistema ng pagsasama-sama | | | o pag-uugnay-ugnay ng mga | | | salita upang bumuo ng | | | pangungusap. | +-----------------------------------+-----------------------------------+ | | - ang pag-aaral ng mga | | | kahulugan at relasyon ng mga | | | salita sa pangungusap. | +-----------------------------------+-----------------------------------+ **II. ANG WIKA AY SISTEMANG TUNOG.** Ang wika ay sinasalita na galing sa magkakasunod-sunod na na tunog na nabubuo sa pamamagitan ng interaksyon ng iba't ibang aparato sa pagsasalita tulad ng bibig, dila ngipin, ngalangala, velum at galagid. Ang mga bahagi ng katawang ito na ginagamit natin sa pagpapahayag ay tinatawag na speech organs. Kailangan itong mabigkas nang mabuti upang maging makabuluhan ang nabuong mga tunog at makilala ng tagapakinig ang pagkakaiba ng mga tunog. **III. ANG WIKA AY KAUGNAY NG KULTURA** Ang isang kultura ay hindi nabubuo dahil lang sa kanilang mga paniniwala. Mula pagsilang ng tao ay may kakambal nang kultura. Wika ang kaluluwa ng tao kaya't nagbibigay ito sa kanya ng buhay. Dahil dito, itinuturing na dalawang magkabuhol na aspekto ang wika at kultura ng tao. Walang wika kung walang tao, at walang maunlad na kultura ng tao kung walang wika. Di maikakaila na magkasabay ang pag-unlad ng wika at kultura ng tao. Kaya't habang may tao at umuunlad ang kultura nito, patuloy ring buhay at dinamiko ang wika. Sa panahon ngayon, pinakamabisang tagapagpalaganap ng wika ay ang kultura. Kultura ang tunay na aklat ng nakaraan, kasalukuyan at hinaharap ng bayan. **IV. ANG WIKA AY GINAGAMIT** Ang wika ay kasangkapan sa komunikasyon upang magkaroon ng saysay ang isang wika, kailangan patuloy itong gamitin. Kapag ang wika ay hindi na ginagamit, ito ay unti-unting mawawala at tuluyang mamatay. **V. ANG WIKA AY NATATANGI** Bawat wika ay may kaibahan sa ibang wika. Walang dalawang wika na magkatulad. Bawat wika ay may itinakda na mga yunit panggramatika at sariling Sistema ng ponolohiya (palatunugan), morpolohiya (palabuuan) at sintaksis (palaugnayan) at maging sa aspektong pansemantika. **VI. ANG WIKA AY MALIKHAIN** May kakayahan ang anumang wika na makabuo ng walang katapusang dami ng pangungusap. Ang isang taong may alam sa isang wika ay nakapagsasalita at nakabubuo ng iba't ibang pahayag, nakauunawa ng anumang narinig o nabasang pahayag. Habang patuloy itong ginamit ng mga tao, patuloy na makabubuo sila ng mga bagong pahayag. (Belvez, et al.,2003) **VII. ANG WIKA AY UMUUNLAD** Nagbabago ang wika dahil patuloy sa pagbabago ng pamumuhay ng tao at iniuugnay ang wika sa bilis ng takbo ng buhay dulot ng agham at teknolohiya. Bilang wikang dinamiko, bukas ang pinto nito sa pag-unlad upang makaangkop sa mga pangangailangang pangkomunikasyon ng sambayanang gumagamit nito. Ang mga salita ay patuloy na dumarami, nadaragdagan at umuunlad. Lumalawak ang mga bokabularyo, nagbabgo ang Sistema ng pagsulat at palabaybayan. \-\-\-\-\-\-\-\-\-\-\-\-\-\-\-\-\-\-\-\-\-\-\-\-\-\-\-\-\-\-\-\-\-\-\-\-\-\-\-\-\-\-\-\-\-\-\-\-\-\-\-\-\-\-\-\-\-\-\-\-\-\-\-\-\-\-\-\-\-\-\-\-\-\-\-\-\-\-\-\-\-\-\-\-\-\-\-\-\-\-\-\-\-\-\-\-\-\-\-\-\-\-\-\-\-\-\-\-\-\-\-- **WIKANG PAMBANSA: KASAYSAYAN** Ang Pilipinas ay isang kapuluang binubuo ng iba't ibang pangkat ng mga Pilipinong gumagamit ng iba't ibang wika at diyalekto. Humigit- kumulang 150 wika at diyalekto ang umiiral sa ating bansa. Ang kalagayang ito ang naging pangunahing dahilan kung bakit kinakailangang magkaroon tayo ng isang wikang mauunawaan at masasalita ng karamihan sa mga Pilipino. Ang wikang ito ang magbubuklod sa atin bilang mga mamayan ng bansang Pilipinas at tatawaging wikang Pambansa. **1934:** Dahil nga sa pagkakahiwa-hiwalay ng ating bansa sa iba't ibang pulo at sa dami ng wikang umiiral dito, naging isang paksang mainitang pinagtatalunan, pinag-isipan, at tinalakay sa Kumbensiyong Konstitusyunal noong 1934 ang pagpili sa wikang ito. Marami sa mga delegado ang sumang-ayon sa panukalang isa sa mga umiiral na wika sa bansa ang dapat maging wikang Pambansa subalit sinalungat ito ng mga maka-Ingles na niniwalang higit na makabubuti sa mga Pilipino ang pagiging mahusay sa Ingles. Subalit maging ang grupong nagmamalasakit sa sariling wika. Iminungkahi ng grupo ni Lope K. Santos na ang wikang Pambansa ay dapat ibatay sa isa sa mga umiiral na wika sa Pilipinas. **1935**: Ang pagsuong ni Manuel L. Quezon ay nagbigay daan sa probisyong pangwika na nakasaad sa Artikulo VIV, Seksyon 3 ng Saligang Batas ng 1935 na nagsasabing: *"Ang konggreso ay gagawa ng mga hakbang tungo sa pagkakaroon ng isang wikang pambansang ibababatay sa isa sa mga umiiral na katutubong wika. Hanggat hindi itinakda ng batas, ang wikang Ingles at Kastila ang siyang mananatiling opisyal na wika."* Base sa probisyong ito ng Saligang Batas ng 1935 ay nagkaroon ng maraming talakayan kung anong wika ang gagamiting batayan sa pagpili ng wikang Pambansa. Ito ay nagresulta sa pagkakaroon ng isang batas sa isinulat ni Norberto Romualdez ng Leyte, ang Batas Komonwelt Blg. 184 na nagtatag ng Surian ng Wikang Pambansa. Pangunahing tungkulin nito ang "mag-aral ng mga diyalekto sa pangkalahatan para sa layuning magpaunlad at magpatibay ng isang pambansang wikang batay sa isa sa mga umiiral na wika ayon sa balangkas, mekanismo at panitikan na tinatanggap at sinasalita ng nakararaming Pilipino." Base sa pag-aaral na isinagawa ng Surian, napili nila ang Tagalog bilang batayan ng wikang Pambansa dahil ang naaturang wika ay tumugma sa mga pamantayang kanilang binuo tulad ng mga sumusunod: "ang wikang pipiliin ay dapat...... - Wika ng sentro ng pamahalaan; - Wika ng sentro ng edukasyon - Wika ng sentro ng kalakalan; at - Wika ng pinakamarami at pinakadakilang nasusulat na panitikan." **1937**: Noong Disyembre 30, 1937 ay iprinoklama ni Pangulong Manuel L. Quezon ang wikang Tagalog upang maging batayan ng Wikang Pambansa base sa rekomendasyon ng Surian sa bisa ng Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134. Mgkakabisa ang kautusang ito pagkaraan ng dalawang taon. **1940**: Dalawang taon matapos mapagtibay ang Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134, nagsimulang ituro ang wikang Pambansa na batay sa Tagalog sa mga paaralang pampubliko at pribado. **1946**: Nang ipagkaloob ng Amerikano ang ating Kalayaan, sa Araw ng Pagsasarili ng Pilipinas noong Hulyo 4, 1946 ay ipinahayag ding ang mga wikang opisyal sa bansa ay Tagalog at Ingles sa bisa ng Batas Komonwelt Bilang 570. **1959**: Noong Agosto 13, 1959, pinalitan ang tawag sa wikang Pambansa. Mula Tagalog ito ay naging Pilipino sa bisa ng Kautusang Pangkagawaran Blg. 7 na ipinalabas ni Jose E. Romera, ang Kalihim ng Edukasyon noon. Sa panahong ito'y higit na binigyang halaga at lumaganap ang paggamit ng wikang Pilipino. Ito ang wikang ginamit sa mga tanggapan,gusali, at mga dokumentong pampamahalaan tulad ng pasaporte at iba pa, gayundin sa iba't ibang antas ng paaralan at sa mass media tulad ng diyaryo, telebisyon, radyo, magasin, at komiks. Sa kabila nito ay marami pa rin ang sumasalungat sa pagkakapili sa tagalog. **1972**: Muling nagkaroon ng mainitang pagtatalo sa Kumbensiyong Konstitusyunal noong 1972 kaugnay ng usaping pangwika. Sa huli, ito ang naging probisyong pangwika sa Saligang Batas ng 1973 Artikulo XV, Seksiyon 3, blg. 2: "Ang Batasang Pambansa ay dapat magsagawa ng mga hakbang na magpapaunlad at pormal na magpapatibay sa isang panlahat na wikang pambansang kikilalaning **Filipino**." Dito unang nagamit ang salitang *Filipino* bilang bagong katawagan sa wikang Pambansa sa Pilipinas. Gayunpama'y hindi naisagawa ng Batas Pambansa ang pormal na pagpapatibay tulad ng itinadhana ng Saligang Batas. **1987**: Sa Saligang Batas ng 1987 ay pinagtibay ng Komisyong Konstitusyunal sa binuo ni dating Pangulong Cory Aquino ang implementasyon sa paggamit ng wikang Filipino. Nakasaad sa Artikulo XIV, Seksiyon 6 ang probisyon tungkol sa wika ng nagsasabing: **PAG-USAPAN NATIN:** 1. Bakit kailangan ng ating bansang magkaroon ng isang wikang pambansang magagamit at mauunawaan ng nakararaming Pilipino? 2. Sa paanong paraan sinuportahan ni dating Pangulong Manuel L. Quezon ang pagkakaroon natin ng wikang Pambansa?Nararapat ba ang parangal sa kanya bilang "Ama ng Wikang Pambansa"? Ipaliwanag. 3. Bakit kinakailangang itatag ang Surian ng Wikang Pambansa? Ano ang nagging pangunahing tungkulin nila? 4. Sa iyong palagay, angkop kaya ang Tagalog sa pamantayang ito? Bakit oo o bakit hindi? 5. Sumasang-ayon o sumasalungat ka ba kay Charles Darwin sa sinabi niyang, "hindi tunay na likas ang wika sapagkat kailangan muna itong pag-aralan bago matutuhan"? ipaliwanag ang iyong pananaw. **PAGYAMANIN ANG KAALAMAN**: Gawin ito sa isang buong papel. Iugnay ang mga natutuhang konseptong pangwika sa iyong sariling kaalaman, pananaw at mga karanasan sa pamamagitan ng pagsasagawa nito. "Sa mga binasang tala ay nabatid mo ang masalimuot at mahabang proseso ng paghahanap ng wikang magiging batayan ng ating wikang Pambansa. Nang mapili ang wikang tagalog ay maraming naging hadlang at maraming taon ang lumipas bago ito napagtibay. Baon ang kaisipang ito, sa paanong paraan mo maipakikita ang iyong pagpapahalaga at pagmamalaki sa ating wikang pambansang Filipino? Maglahad ng limang paraan na sadyang maggagawa mo at kaya ring gawin ng isang kabataang tulad mo." **REPERENSYA**: Dayag, Alma M. at Del Rosario, Mary Grace G. *Pinagyamang Pluma: Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Filipino, Pheonex Publisher House Inc,* Quezon City, 2016 De Guzman, Nestor C., et al. *Komunikasyon sa Akademikong Filipino*. Cebu City: Likha Publications, 2013 ADM Module, DepEd Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Filipino, Andrew John C. Baronda, JFS Publishing, Services

Use Quizgecko on...
Browser
Browser