Kaligirang Pangkasaysayan ng Panitikan sa Panahon ng Espanyol PDF
Document Details
Uploaded by ClearerCerberus4399
Sir. Jay-ar Songalia
Tags
Related
- Reviewer In 21st Century Literature PDF
- Plot of Noli Me Tangere (1) PDF
- Mga Salin ng Ulan: Panitikan sa Gitna ng Pananakop ng Espanya PDF
- Philippine Literature Under Spanish Colonial Period PDF
- NOLI ME TANGERE & INDOLENCE OF THE FILIPINOS PDF
- 21st Century Literature of the Philippines and of the World (PDF)
Summary
This document discusses the historical context of Filipino literature during the Spanish colonial period. It explores themes, examples, and the evolution of Filipino expression during that time. It highlights the impact of Spanish culture and religion on Philippine literature, including significant works and authors.
Full Transcript
MGA ARALIN 1. TALASALITAAN-KAHULUGAN NG MGA PILING SALITA NA GINAMIT SA AKDA. 2. AKDA NA - KALIGIRANG PANGKASAYSAYAN NG PANITIKAN SA PANAHON NG PANANAKOP NG ESPANYOL. 3. MGA MAHALAGANG TANONG AT GABAY NA SAGOT UKOL SA AKDA. ARALIN SA FILIPINO TALASALITAAN 1. ESPANYOL - TUMUTUKOY SA MGA SUMAKOP...
MGA ARALIN 1. TALASALITAAN-KAHULUGAN NG MGA PILING SALITA NA GINAMIT SA AKDA. 2. AKDA NA - KALIGIRANG PANGKASAYSAYAN NG PANITIKAN SA PANAHON NG PANANAKOP NG ESPANYOL. 3. MGA MAHALAGANG TANONG AT GABAY NA SAGOT UKOL SA AKDA. ARALIN SA FILIPINO TALASALITAAN 1. ESPANYOL - TUMUTUKOY SA MGA SUMAKOP NA DAYUHAN SA PILIPINAS. 2. PANITIKAN - O PANULATAN AY ANG ANUMANG ARALIN SA SINULAT AT LIKHA NG TAO NA TUMUTUKOY SA BUHAY, PAMUMUHAY, PAMAHALAAN, PANANAMPALATAYA AT IBA PA. ITO RIN AY GINAGAMIT NG TAO UPANG IBAHAGI ANG SALOOBIN, KARANSAN AT HANGARIN. TALASALITAAN 3. PASYON - ANG PASYON O PASION SA SALITANG KASTILA, PAGHIHIRAP NAMAN SA FILIPINO AY ISANG NARATIBONG TULA NG ARALIN PILIPINAS, NA NAGSASAAD NG BUHAY NI HESUKRISTO, MULA KAPANGANAKAN, PAGKAPAKO NIYA SA KRUS, HANGGANG SA MULING PAGKABUHAY. TALASALITAAN 4. DASAL - PANALANGIN, DALANGIN, ORASYON O KATAGA, PANGUNGUSAP O KAHILINGANG SINASAMBIT NG TAIMTIM O BANTAD UPANG HUMINGI NG TULONG MULA SA DIYOS O MAY- KAPAL O ANUMANG PINANINIWALAANG MATAAS AT MAKAPANGYARIHANG NILALANG. KALIGIRANG PANGKASAYSAYAN NG PANITIKAN SA PANAHON NG ESPANYOL Inihanda ni : Sir. Jay-ar Songalia Naiisa isa ang mga mahahalagang panguyayari sa panahon ng pananakop ng espanya kaugnay ng mga tekstong LAYUNIN pampanitikan. Nasusuri ang mga detalye ng tekstong pampanitikan para sa kritikal na pang unawa. Natutukoy ang mahahalagang elemento at detalye sa mga akda. KALIGIRANG PANGKASAYSAYAN Ang panahon ng Espanyol ay isang yugto sa kasaysayan ng Pilipinas na nagbigay-daan sa malalim at makulay na bahagi ng panitikan. Ang ugnayang Espanyol at Pilipino ay nagsimula noong ika-16 dantaon, nang ang Portuges na si Fernando Magallanes ay dumating sa ating kapuluan noong 1521. Marami pang ekspedisyong ipinadala sa ating lupain ang Espanya hanggang sa pangalan Las Islas Felipinas ang ating mga lupain bilang parangal kay Haring Felipe ng Espanya ni Ruy Lopez de Villalobos noong 1543. Mas naging matagumpay ang pananakop ng mga Kastila nang dumating si Miguel López de Legazpi, na itinuturing na unang Gobernador-Heneral ng Pilipinas, noong 1565. Sa pagpasok ng mga Espanyol, nagkaroon ng malaking impluwensya ang kanilang kultura sa Pilipinas, at ito ay naging lalong masigla sa larangan ng panitikan. Ang relihiyong Katoliko, sistema ng edukasyon, at iba't ibang aspekto ng kanilang kultura ay nagbigay- daan sa pag-usbong ng literatura sa bansa. Ang mahigit na tatlong daang taong pananakop at paniniil ng mga Espanyol sa ating bansa ang sanhi ng unti-unting pagkakabuo at paglaganap ng damdaming makabayan sa mga Pilipino. Nagkaroon ng mga bagong kilusan sa politika at panitikan sa Pilipinas. Ang dating diwang makarelihiyon ay napalitan ng damdaming mapanghimagsik. Ang naging paksa ng panitikan sa panahong ito ay pawang pagtuligsa sa pamahalaan at simbahan, at pag-udyok sa mga Pilipino na magising at magkaisa upang matamo ang minimithing kalayaan. Isa sa mga pangunahing ambag ng Espanyol sa panitikan ay ang paggamit ng Abecedario ng mga sinaunang Pilipino. Ipinakilala ng mga misyonaryo ang alpabetong Latin, at sa pag-unlad ng oras, nagsulat ang mga Pilipino gamit ito. Isa sa mga unang akdang nailathala ay ang "Doctrina Christiana," isang aklat na nagtuturo ng mga pangunahing doktrina ng Kristiyanismo. Inukit ito sa kahoy at ipinamahagi sa iba't ibang komunidad. Ang dulang "Moros y Cristianos" ni Juan de la Concepcion, isang paring Espanyol, ay nagbigay- tuwa sa mga tao sa harap ng mga sumasayawang prinsesa at mga kabalyero. Isa itong halimbawa ng dulang pinasikat ng mga misyonaryo upang ituro ang Kristiyanismo sa mas mabilis na paraan. Bukod sa mga relihiyosong akda, naging sikat din ang mga awit, tulad ng "Kundiman" at "Harana." Sa mga ito, naihayag ang damdamin ng mga Pilipino sa pamamagitan ng musika at tula. Ang mga kundiman ay karaniwang naglalaman ng mga paksang kaugnay sa pag-ibig, kalungkutan, at pag- asa. Sa paglipas ng panahon, lumitaw ang mga obra ni Francisco Balagtas, ang tanyag na makata ng epikong "Florante at Laura." Ang kaniyang likha ay naglalarawan ng kaniyang pagmamahal sa bayan at paghahangad ng katarungan. Bukod kay Balagtas, marami pang ibang makatang Pilipino ang naging kilala sa kanilang mga likha. Ngunit, hindi rin maikakaila ang pagkakaroon ng mga kontrobersiyal na aspekto ng pananakop ng mga Espanyol sa Pilipinas. Ang "Noli Me Tangere" at "El Filibusterismo" ni Jose Rizal ay naglalarawan ng mapanupil na sistema ng kolonyalismo at paghihirap ng mga Pilipino sa ilalim ng pamahalaang Espanyol. Ang mga akdang ito ay nagbigay-inspirasyon sa mga Pilipino na makipaglaban para sa kanilang kalayaan. Sa kabuoan, ang panahon ng Espanyol ay naging isang yugto ng makulay at makasaysayang pag-unlad sa larangan ng panitikan sa Pilipinas. Ang mga akdang likha ng mga misyonaryo, makata, at makatao ay nagbigay- halaga sa kultura at identidad ng mga Pilipino, at hanggang sa kasalukuyan, ito ay naglilingkod bilang pundasyon ng masusing pagsusuri at pag-unlad ng panitikan sa bansa. MGA MAHAHALAGANG TANONG UKOL SA AKDA AT GABAY NA SAGOT 1. Ano-ano ang tema at paksa ng panitikan sa panahon ng espanyol? Unang naging paksa ng mga panitikan sa panahon ng pananakop ng mga espanyol sa pilipinas, ang doktrina ng kristiyanismo na siyang ipinamahagi sa komunidad, ang akdang nagbigay tuwa naman sa mga mamayan na pinasikat ng mga misyonaryo na nagtuturo ng kristiyano sa mas mabilis na paraan, Bukod sa Mga relehiyosong akda, sumikat din na tema ang harana at kundiman, kung saan pagpapahayag naman ng damdamin sa pamamagitan ng musika at tula. Karaniwang naglalaman ng pag- ibig, kalungkutan at pag-asa. 2. Paano nagbago ang paksa ng panitikan sa panahong ito? Nabago ang paksa ng panitikan sa panahon ng mga kastila dahil sa paniniil ng mga Espanyol sa Pilipino habang sila ay patuloy na nananahan sa ating bansa, nabuhay ang pagiging makabayan ng mamamayan, ang dating diwang makarelehiyon ay napalitan ng damdaming mapanghimagsik. Dahil na rin sa ilang tanyag na obra tulad na lamang ni Francisco Baltazar na naglalarawan ang kaniyang akda ng pagmamahal sa bayan at paghahangad ng katarungan. 3. Anong damdamin ang naghari sa mga akdang pampanitikan sa panahong ito? Naghari ang damdaming makabayan at matinding pagnanais ng pagkakaisa ng mga mamamayan. Kaya naman naging mapanuligsa ang mga akda katulad na lamang halimbawa ng akda ni Dr. Jose Rizal na Noli Me Tangere at El Filibusterismo. 4. Masasalamin ba sa panitikang lumaganap sa panahong ito ang kalagayan at kultura ng bansa? Patunayan. Tunay na masasalamin ang kultura ng mga Pilipino sa panahon na ito, Nariyan ang akdang nagtuturo ng kristiyanismo at kagandanhang asal sa mga kabataan, nagbigay aliw pa ang ilang dula na pinasikat ng mga misyonaryo sa mga Pilipino na naglalarawan ng tunggalian sa pagitan ng mga kristiyano at Muslim. Sumibol din ang pagiging makabayan ng mga Pilipino, ang pagsasamasama para sa isang layunin. 5. Paano naging kasangkapan ang panitikan ng diwang makabayan sa panahon ng Espanyol? Naging kasangkapan ang panitikan ng mga manunulat noon dahil naipapahayag nila ang kanilang damdamin at saloobin tungkol sa mga pang-aapi at pagmamalabis ng mga Espanyol sa pamamagitan ng mga inilarawang pangyayari na kahalintulad sa karanasan ng mga Pilipino, Gayundin ang mga simbolismong kung susuriin ay inilalarawan o sinasaad ang tunay na kaganapan sa lipunan noong panahon ng mga Kastila. Sa panitikan din mapayapang naipapahayag ng mga manunulat ang kanilang pagtuligsa sa pamahalaang kastila at pagpuna sa mga maling ginagawa ng kapwa Pilipino. MARAMING SALAMAT