Pagbasa at Pagsulat: Interdisiplinaryong Dulog (PDF)
Document Details
Uploaded by Deleted User
Pamantasan ng Lungsod ng Maynila
2024
Amparo, Joyce T. Bautista, Shaina Mariz C. Borromeo, Blu Rain F. Ranay, Juan Percival V.
Tags
Summary
Ang dokumentong ito ay naglalaman ng isang pagtalakay sa mga konsepto ng interdisiplinaryong dulog sa pagbasa at pagsulat, kabilang ang inverse cognitive process, mga hakbang sa pagbasa at pagsulat. Sinusuri nito ang mga magkakaugnay na kasanayan sa proseso ng pag-unawa sa binasa at pagpapahayag ng sariling ideya.
Full Transcript
PAMANTASAN NG LUNGSOD NG MAYNILA Gen. Luna Corner Muralla St., Intramuros, Manila, 1002 Metro Manila Bachelor of Science in Real Estate Management 1-2 Interdesiplinaryong Pagbasa at Pagsulat BATAYANG KAALAMAN SA INTERDISIPLINARYONG DULOG SA PAGBASA...
PAMANTASAN NG LUNGSOD NG MAYNILA Gen. Luna Corner Muralla St., Intramuros, Manila, 1002 Metro Manila Bachelor of Science in Real Estate Management 1-2 Interdesiplinaryong Pagbasa at Pagsulat BATAYANG KAALAMAN SA INTERDISIPLINARYONG DULOG SA PAGBASA AT PAGSULAT Ipinasa nina: Amparo, Joyce T. Bautista, Shaina Mariz C. Borromeo, Blu Rain F. Ranay, Juan Percival V. Ipinasa kay: Gng. Krystal Joyce P. Blasco Setyembre 20, 2024 I. BALANGKAS NG PAKSA Mga Nilalaman: Interdisiplinaryong Dulog sa Pagbasa at Pagsulat Inverse Cognitive Process Mga Subskill ng Pagbasa at Pagsulat Ang Ugnayang Pagbasa at Pagsulat II. INTERDISIPLINARYONG DULOG SA PAGBASA AT PAGSULAT INTERDISIPLINARYONG DULOG SA PAGBASA AT PAGSULAT Ang pagbasa ay proseso ng pagkokonstrak ng kahulugan mula sa tekstong nakasulat. Isa itong komplikadong kasanayan na nangangailangan ng ilang magkakaugnay na hanguan ng impormasyon. Hakbang sa Pagbasa ayon kina Gray at Bernales, et al., (2001) 1. Persepsyon - Ito ay pagkilala sa mga nakalimbag na simbolo. - Ang persepsyon sa pagbasa ay tumutukoy sa pagkilala at pagtukoy sa mga nakalimbag na simbolo o letra. Ito ang unang hakbang sa proseso ng pagbasa, kung saan kinikilala ng mambabasa ang mga titik, salita, at iba pang simbolo upang mabigyan ito ng kahulugan. Ang tamang persepsyon ay mahalaga dahil ito ang pundasyon ng mas malalim na pag-unawa sa binabasa. 2. Komprehensyon - Ito ay pagunawa sa mga nakalimbag na simbolo o salita. - ang komprehensyon ay ang susunod na mahalagang hakbang sa proseso ng pagbasa. Dito, binibigyang kahulugan ang mga salitang nabasa batay sa konteksto, naipong kaalaman, at karanasan ng mambabasa upang lubos na maunawaan ang mensahe ng teksto. Ang layunin ng komprehensyon ay hindi lamang malaman kung ano ang sinasabi ng mga salita, kundi maunawaan din ang kabuuang diwa ng teksto. 3. Reaksyon - Ito ay kaalaman sa pagpasiya o paghatol ng kawastuhan, kahusayan, pagpapahalaga, at pagdama ng teksto. - Ang reaksyon sa pagbasa ay tumutukoy sa pagbibigay ng pasiya o paghuhusga sa binasa, kung ito ba ay makatotohanan, wasto, mahusay, at kung paano ito nakaaapekto sa mambabasa. Kasama rito ang pagsusuri sa kalidad ng impormasyon, pananaw, at istilo ng pagkakasulat ng teksto, pati na rin ang pag-alam kung gaano ito kapaki-pakinabang o makabuluhan. Sa puntong ito, ang mambabasa ay hindi lamang nauunawaan ang teksto kundi nagbibigay na rin ng personal na reaksyon, damdamin, at pagpapahalaga sa nilalaman nito. 4. Asimilasyon - Ito ay kaalaman sa pagsasanib o paguugnay o paggamit ng mambabasa sa kanyang dati at mga bagong karanasan sa buhay. - Sa prosesong ito, ginagamit ng mambabasa ang natutunan mula sa teksto at iniuugnay ito sa mga nakaraang karanasan o alam na, upang makabuo ng mas malalim na pag-unawa. - Ang asimilasyon ay mahalaga dahil dito nagiging makabuluhan at personal ang pagbasa. Ang mga ideya mula sa teksto ay hindi lamang basta nauunawaan, kundi nagiging bahagi na ng kabuuang kaalaman at pananaw ng mambabasa. Sa ganitong paraan, ang pagbabasa ay nagiging mas makabuluhan at may epekto sa pang-araw-araw na buhay. III. INVERESE COGNITIVE PROCESS Inverse Cognitive Process : Ang inverse cognitive process sa pagbabasa at pagsusulat ay tumutukoy sa paraan kung saan ang pag-unawa sa isang paksa o konsepto ay nabubuo sa pamamagitan ng pagbabaliktad ng karaniwang lohikal na daloy ng impormasyon. Ang Karaniwang proseso ng pag-iisip ay nagsisimula muna sa pagbabasa ng mga teksto at pagtatasa ng mga ideya, na sinusundan ng pagsusulat o pagpapahayag ng sariling pananaw o interpretasyon. Ngunit, Sa inverse cognitive process, ang pagsusulat o pagpapahayag ng sariling ideya muna ang ginagawa, at mula rito, nagkakaroon ng mas malalim na pag-unawa sa mga kaugnay na konsepto sa pagbabasa. Narito ang dalawang proseso ng inverse cognitive process: Pagbabasa: (Bottom-up process) Sa pagbabasa tinatawag itong Bottom-up process dahil pinapatunayan nito na ang pagkatuto sa pagbasa ay nagsisimula sa pagkilala sa mga titik, salita, parirala at pangungusap bago malaman ang kahulugan ng teksto. ( sa madaling salita ang bottom up process - ay Binibigyang-pansin muna ng mambabasa ang mga detalyeng nakikita bago makabuo ito ng isang kabuuang pag-unawa sa teksto. ) Ang mambabasa ay isang pasib na partisipante lamang sa proseso ng pagbasa, dahil ang tanging tungkulin niya ay ulitin ang lahat ng mga detalyeng nakasaad tekstong kanyang binabasa. Pagsulat: (Top-down process) - Napatunayan na ang pag-unawa ay hindi nagsisimula sa teksto kundi sa mambabasa (up) patungo sa teksto (down). Sa pagsulat, nagsisimula ang manunulat mula sa kabuuang ideya o layunin, at ipinapahayag ito sa mas maliit na mga yunit tulad ng mga pangungusap, parirala, at mga salita. - Ito ay nangyayari dahil ang mambabasa ay gumagamit ng kanyang mga dating kaalaman at ng konseptong nabuo sa kanyang isipan mula sa kanyang mga karanasan at pananaw sa paligid. Proseso ng manunulat at mambabasa: 1. Mambabasa: Graphic Surface Structure Ang unang proseso sa pagbabasa ay ang graphic surface structure. Ito ay tumutukoy sa pisikal o visual na anyo ng teksto. Dito, ang mambabasa ay nakatuon sa mga nakikitang simbolo o titik sa pahina. Conceived Surface Structure Ang hakbang na ito ay tumutukoy sa interpretasyon ng utak sa grapikong anyo ng teksto. Ang halimbawa nito ay tuwing tayo ay may nababasang salitang "bahay," natutukoy natin ang kahulugan nito bilang isang lugar na tirahan. Deep Structure Sa hakbang n ito, kinikilala ng mambabasa ang mga relasyon ng mga salita (katulad ng pang-uri, pandiwa, paksa) at paano ito bumubuo ng isang lohikal na pangungusap o kaisipan. Meaning Ang mambabasa ay nag-uugnay ng konteksto at personal na interpretasyon sa binabasang teksto. Ang mambabasa ay nagsisimulang makuha ang mas malalim na kahulugan mula sa teksto, kabilang ang mga metapora, simbolismo, at kontekstwal na kahulugan. Knowledge Ito ang pinakamataas na antas ng proseso ng pagbabasa. Dito, isinasama ng mambabasa ang natutunan mula sa binasa sa kanyang personal na kaalaman o worldview. Ito ang yugto kung saan nagiging bahagi ng mas malawak na kaalaman ng isang indibidwal ang mga impormasyon mula sa binasa. Nagiging pundasyon ito ng kritikal na pag-iisip at patuloy na pagkatuto. 2. Manunulat: Knowledge kung saan ang manunulat ay gumagamit ng mga nalalaman o impormasyong nakalap mula sa iba't ibang karanasan, kagaya ng pagbabasa, pag-aaral, o pananaliksik. Nangunguna ito sapagkat walang mabubuong ideya kung walang malalim na pag-unawa o impormasyon ang manunulat. Meaning Ang meaning ang nagbibigay-linaw sa layunin ng pagsusulat. Ito ay kaalaman na kinikilala at isinasaayos upang magkaroon ng direksyon ang isinusulat. Deep Structure Ito ay abstrak na representasyon ng sintaktik na istruktura ng isang pangungusap. Sa madaling salita, Ito ay ang lohikal ng isang pangungusap na hindi agad nakikita sa pagkakaayos ng mga salita sa surface structure. Ang deep structure ay mahalaga upang masigurong may malinaw na direksyon ang pagsusulat. Conceived Surface Structure Ito ay paraan kung paano iniisip o pinaplano ng manunulat ang pagkakabuo ng pangungusap sa kanilang isipan bago nito isulat. Dito naipapakita kung paano ipapahayag ang mga ideya, alin ang dapat unahin, at paano ilalagay ang bawat bahagi ng teksto. Graphic Surface Structure Ito ay tumutukoy sa pisikal na anyo ng pangungusap na nakikita ng mambabasa. Dito na makikita ang buong produkto ng pagsusulat mula sa kaalaman hanggang sa aktwal na pagsasakatuparan nito. 4. Fragmented Curriculum Development at Isolated Skill Structure: - Ang fragmented curriculum development at isolated skill structure ay konsepto na tumutukoy sa paraan ng pagtuturo kung saan ang mga kasanayan tulad ng pagbabasa at pagsulat ay tinuturo bilang magkahiwalay na proseso. - Sa loob ng klasrum, at lalo na sa language arts at kolehiyo, madalas na nakikita ang pagbabasa at pagsulat bilang magkaibang entity o kasanayan. - Ngunit, ilang mga edukador na hindi sumasang-ayon sa ideya na ang pagbabasa at pagsulat ay magkahiwalay na kasanayan. Sa halip, sinasabi nila na ang dalawang kasanayan na ito ay dapat pantay at maaaring pagsamahin dahil pareho silang mahalaga at magkaugnay sa pagkatuto ng isang tao. - Kagaya na lamang ng sinabi ni taylor, ang mga subskill ng pagbabasa at pagsulat ay magkaugnay at pareho lamang. kaya maaaring magamit ang mga ito nang sabay. Ideya at Kasanayan ng pagsusulat at pagbabasa: Ideya Ito ay tumutukoy sa pangunahing kaisipan o paksang nais ipahayag sa isang teksto. Ito ang sentro ng anumang sulatin o binabasang akda, kung saan umiikot ang lahat ng impormasyon. Suporta sa Ideya Tumutukoy ito sa kakayahan ng manunulat o mambabasa na magbigay ng mga detalye o ebidensya upang suportahan ang pangunahing ideya ng isang teksto. Ang suporta sa ideya ay mahalaga upang maging malakas ang argumento ng isang akda. Koherens ng Pangungusap Ang koherens ay tumutukoy sa maayos na pagkakaugnay-ugnay ng mga ideya sa loob ng isang pangungusap o talata. Mahalaga ito upang malinaw at madaling maintindihan ng mambabasa ang mensahe ng teksto. Paghihinuha Tumutukoy ito sa kakayahang gumawa ng konklusyon o hinuha batay sa impormasyon na hindi direkta naibibigay sa teksto. Halimbawa nito ay Kung ang teksto ay hindi direktang nagsasabi na malungkot ang isang karakter, ngunit inilarawan na umiiyak ito, makakagawa ang mambabasa ng hinuha na ang karakter ay nakararanas ng lungkot. Organisasyon ng ideya Ang mahusay na pagkakaayos ng mga ideya ay mahalaga sa parehong pagsusulat at pagbabasa upang magkaroon ng malinaw na mensahe. Sa pagsusulat, ito ang nagpapakita ng lohikal na daloy ng mga impormasyon; sa pagbabasa, ito ang tumutulong sa mambabasa na masundan ang lohika ng may-akda. Kaibahan ng katotohanan at opinyon Ito ay may kakayahang makilala kung alin ang ebidensya o datos (katotohanan) at alin ang personal na pananaw (opinyon). Nakakatulong ito sa mambabasa na malaman kung alin ang mga bahagi ng teksto na base sa aktwal na impormasyon at alin ang naglalaman ng sariling pananaw ng manunulat. Patern ng pagkakaayos Tumutukoy ito sa iba't ibang paraan ng pag-aayos ng mga ideya, tulad ng sunod-sunod, sanhi at bunga, o paghahambing. Ang wastong pattern ng pagkakaayos ay nakakatulong upang malinaw na mailahad ang mensahe at makatulong sa mambabasa na mas madali itong maunawaan. Konklusyon mula sa ideya Ito ay ang pagbuo ng konklusyon batay sa mga pangunahing ideya ng teksto. Sa pagbasa, ito ang kakayahan ng mambabasa na magbigay ng kabuuang interpretasyon mula sa mga ipinahayag na ideya. Konklusyon mula sa detalye Ang konklusyon mula sa detalye ay ang kakayahang magbuo ng mga palagay o desisyon batay sa mga partikular na impormasyong inilatag. Sa pagbasa, at pagsusulat mahalaga ang pagsusuri sa mga ebidensya at detalye upang makabuo ng tamang konklusyon. Ugnayang kosatib ⁃ Pang huli ay ang ugnayang kosatib. Ang ugnayang kosatib ay tumutukoy sa relasyon ng sanhi at bunga, na mahalaga sa parehong pagbasa at pagsulat. IV. MGA SUBSKILL NG PAGBASA AT PAGSULAT Mga Subskill ng Pagbasa 1. Prediksyon – Pagtatangkang hulaan ang kahulugan ng teksto matapos basahin ang ilang bahagi para makabuo ng isang ideya. Diba pag nagbabasa tayo ng header o titulo sa balita maiintindihan na agad natin kung tungkol saan ang tatalakayin nito. Ganun lang ang ibig sabihin ng prediksyon. Kahit hindi kumpletong teksto yung mabasa natin, nagkaka ideya na tayo. 2. Skimming – Mabilisang pagbasa upang makuha ang kabuuang ideya o diwa ng teksto. Eto naman kunyari nag apply ka sa isang organisasyon o unibersidad. Syempre magbibigay yan ng email kung nakapasok ka ba o hindi. Minsan nag sskim na tayo para malaman agad kung nakapasok tayo diba? Ganyan ang skimming. 3. Pagbabasa ng Gist – Pagkuha ng pinakamahalagang bahagi o diwa ng teksto, nakatuon sa mga pangunahing impormasyon. Ang magandang halimbawa naman nito ay kapag nag sscroll tayo sa social media tulad ng fb o tiktok, tapos kunyari may mababasa tayong “Ang mga magandang epekto at benepisyo ng pagtulog nang maaga…” syempre agad nating maiintindihan na ang post ay tungkol sa kalusugan at kahalagahan ng pagtulog. Wag kayong malilito sa Prediksyon at Pagbabasa ng Gist dahil ang Predisyon ay ang paghula ng kahulugan ng teksto upang makabuo ng isang ideya at ang Pagbasa ng Gist naman ay pagkuha ng pinakamahalagang bahagi ng teksto, nakatuon sa mga pangunahing impormasyon. 4. Scanning– Nakapokus sa paghahanap ng tiyak na impormasyon o detalye sa teksto. Ang halimbawa naman rito ay nag sscan ka ng resibo sa grocery dahil nais mong malaman ang eksaktong halaga ng binili mong produkto. Ano ba ang ipinagkaiba nito sa Skimming? Ginagamit ang Skimming kapag may nais kang alamin na ideya sa teksto ngunit ayaw mong basahin ang kabuuan. Samantalang, ang Scanning ay nakapokus ka sa paghahanap ng tiyak na impormasyon. Kunyare sa resibo ng grocery hinahanap mo magkano yung nabili mong gulay, dedma sa iba mong binili kasi nakapokus ka na alamin ang presyo lamang ng gulay. 5. Masinsing Pagbasa (Intensive Reading) – Maingat at masusing pagbasa upang lubos na maunawaan ang nilalaman ng teksto. Pag inom ng pills o medikasyon - tulad na lamang ng birth control. Bago inumin binabasa ang manual para malaman ang mga epekto nito kung sakaling iinumin. Yan ang masinsing pagbasa, dapat na basahin nang mabuti at suriing mabuti. 6. Pag-unawa sa Mga Ipinahihiwatig – Pagtukoy sa mga nakatagong kahulugan mula sa talasalitaan o pananaw ng manunulat. Guest speaker o sa mga article na nababasa natin tulad ng (balita) - hindi nila sinasabi ng direktahan ang pagiging bias ng politiko, ngunit sa tono o sa kung papaano nila ito isinulat ay napagtanto mong may kinakampihan ito. 7. Masaklaw na Pagbasa (Extensive Reading) – Pagbasa ng buong teksto upang makuha ang kabuuang mensahe at layunin. Ito ay karaniwang ginagamit sa mga mahahabang akda o babasahing hindi kailangan ng pagsusuri ng bawat detalye. Katulad ng pagbasa ng isang buong nobela ginagawa ito upang maintindihan ang tema at kuwento. Mga Subskill ng Pagsulat 1. Mekaniks – Tumutukoy sa tamang pagbaybay ng mga salita, wastong paggamit ng mga bantas, at iba pang teknikal na aspeto ng pagsusulat. Sa pagsulat ng isang sanaysay, kapag ginamit mo nang tama ang mga bantas tulad ng tuldok, kuwit, at tuldok-kuwit sa bawat pangungusap at sinugurado mong tama ang baybay ng mga salita, pasok ito sa isang subskill ng pagsulat na tinatawag na Mekaniks. 2. Organisasyon – Pagsasaayos ng mga salita, paggamit ng talasalitaan at mga idyoma, at pagbubuo ng malinaw na mga talata, paksa, at kaisahan ng mga ideya. Eto rin kapag nagsusulat ka ng sanaysay, tapos may malinaw na simula, katawan, at wakas at ang bawat talata ay konektado, nagpapakita ito ng Organisasyon. 3. Sintaks – Pag-aaral ng wastong istruktura ng mga pangungusap at pagsasama-sama ng mga salita upang makabuo ng lohikal na parirala o pangungusap. Ang halimbawa naman rito ay kapag nagsusulat ng liham. Lahat naman siguro tayo dito nakapag sulat na ng liham noh. Diba pag nagsusulat tayo ng liham dapat tama ang pagkakaayos ng pangungusap, wasto ang estruktura ng mga salita, at tamang pagkakasunod-sunod ng mga bahagi ng pangungusap. 4. Balarila o Gramatika – Pagtalakay sa mga tuntunin ng wika, kasama na ang mga uri ng salita, tamang pagbubuo, at wastong paggamit ng mga ito sa pagsulat. Halimbawa Si Shaina ay nag-aral araw-araw. Si Shaina ay nag-aaral araw-araw. Diba mas tamang pakinggan yung pangalawa? Kasi ang pangalawa ay magkatugma ang pandiwa at pangalan sa pangungusap. 5. Nilalaman – Paglikha ng malinaw, magkakaugnay, at lohikal na ideya na nagpapakita ng orihinalidad at pagiging organisado sa kabuuan ng sulatin. Ang halimbawa naman rito ay pag gumagawa tayo ng pananaliksik o research paper ang bawat ideya ay malinaw at lohikal na nakaayos. Mula sa pagpapakilala ng paksa hanggang sa mga argumento. 6. Pagbuo ng mga Ideya at Pagrebisa – Proseso ng paglikha ng mga konsepto sa pagsulat, paggawa ng mga draft, at pagsasaayos o pagrebisa ng mga ito upang mapabuti ang sulatin. Diba bago ipasa ang iyong sanaysay dapat gumagawa ka muna ng unang draft at sinusuri mo ang mga ideya. Syempre pagtapos, ieedit mo ang ilang mga talata, maaaring may tinanggal ka o idinagdag o pwede ring may inayos ka na hindi klarong bahagi para mas mapabuti ang iyong sulatin. Batay sa mga inilahad na kahulugan at subskill, masasabi na ang kasanayang pagsulat ay itinuturing na isang proseso dahil bago pa man magsimula ang aktwal na pagsusulat, dumaraan ang isang manunulat sa puspusang paghahanda at preparasyon. Tandaan nyo, Bawal tayo magsulat nang biglaan o mabilisan lalo na kung may gusto tayong patunayan sa isinusulat natin; ito ay nangangailangan ng sapat na panahon upang makabuo ng isang malinaw, maayos, at makabuluhang akda. Upang maging epektibo ang proseso ng pagsusulat, kinakailangan ng isang sistema na tutugon sa mga pangangailangan ng manunulat. Kabilang dito ang pagtatanong upang malinawan ang layunin, pagpaplano para maayos ang daloy ng ideya, pagbabalangkas upang mabuo ang istruktura ng sulatin, at pagrebisa upang matiyak ang pagiging tama, lohikal, at organisado ng akda. Ang lahat ng ito ay mahalagang hakbang sa pagkamit ng matagumpay na sulatin. V. ANG UGNAYANG PAGBASA AT PAGSULAT PAGBASA - Pagtanggap sa pamamagitan ng pag tugon ng damdamin at kaisipan sa mga titik at simbolo na kalimbas sa pahina. Isa itong pagtuklas sa iba’t ibang larangan. PAGSULAT - Pagsasalin sa papel o sa ano mang kasangkapan na maaring magamit na mapagsasalinan ng mga nabuong salita, simbolo, at ilustrasyon ng isang tao o mga tao na layuning makapagpahayag ng kanilang kaisipan. Bakit tayo Nagbabasa? - Nagbabasa tayo upang matuto, palawakin ang ating kaalaman, at maunawaan ang mundo sa ating paligid. Sa pamamagitan ng pagbabasa magkakaroon tayo ng bagong pananaw at mas malalim na pag-unawa sa iba’t ibang karanasan at ideya. Bakit tayo Nagsusulat? - Sapagkat nais nating isulat ang ating saloobin, naiisip, at nais nating maiparating sa mga mambabasa. Itinuturing ni Pearson (1985) ang ugnayang pagbasa at pagsulat bilang “ Nag-iisang pinakamahalagang pagbabago sa pagtuturo ng wika” Napatunayan sa pag-aaral nina Noyce at Christie (1989) na mabisa ito sa pagtuturo kung pag-uugnayin. Paano ang pagbuo ng Ugnayang Pagbasa at Pagsulat Nakatuon ang pagbasa at pagsulat sa wikang pasulat. Paliwanag: Dahil dito umiinog ang parehong kakayahan. Sa Pagbasa iniintindi ng tao o mag-aaral ang mga nakasulat na salita, habang sa pagsulat, siya ay gumagawa ng mga teksto o salita, dahil dito parehong nakatuon sa pag-unawa at pagpapahayag ng mga ideya sa anyo ng simbolo o letra, ang dalawang kasanayan ay hindi maaaring paghiwalayin sa konteksto ng wikang pasulat. Ang literasi ay kakayahang makabasa at makasulat. Paliwanag: Ang literasi o pagiging literado ay nangangahulugang kakayahang parehong makabasa at makasulat. Upang maituring na ganap na literado, kinakailangan ang kasanayan sa pag-unawa ng nakasulat at pagpapahayag ng ideya sa pagsulat.. Magkakasama sa pamamagitan ng kahulugan at gawain pampagtuturo ng pagbasa at pagsulat. Paliwanag: Kailangan sa pagtuturo, laging magkasama ang pagbasa at pagsulat dahil parehong nakatuon ang mga ito sa pag-unawa at pagpapahayag ng kahulugan. Ang layunin ay pag-ugnayin ang dalawang kasanayan upang mapaunlad ang mga kabuuang literasi ng mga mag-aaral. Gawaing pangkaisipan at magkakaugnay ang sentro ng pag-iisip. Paliwanag: Ang pagbasa at pagsulat ay parehong nangangailangan ng aktibong pag-iisip. Sa pagbasa, sinusuri at inuunawa ng utak ang nilalaman ng teksto, habang sa pagsulat, ginagamit nito ang mga ideya at impormasyon para lumikha ng makabuluhang teksto. Ang dalawang kasanayang ito ay magkaugnay dahil parehong umaasa sa parehong proseso ng pag-iisip para sa pagbuo at pagproseso ng impormasyon. Nangangailangan ng kritikal na pag-iisip. Paliwanag: Ang pagbasa at pagsulat ay parehong nangangailangan ng kritikal na pag-iisip para sa mas epektibong pagpapahayag at pag-unawa ng mga ideya. Syempre mahalaga ang pag-iisip nang kritikal sa dalawang aspeto upang mapabuti ang pag-unawa at komunikasyon. Nagagamit ang kritikal na pag-iisip sa pagbasa at pagsulat. Paliwanag: Sa pagbasa, ginagamit ang kritikal na pag-iisip para suriin ang kredibilidad ng impormasyon at bisa ng impormasyon. Sa pagsulat, ang parehong kasanayan ay tumutulong sa pagbuo ng malinaw at maayos na impormasyon, pagsusuri ng nilalaman at pagpapabuti ng kalidad ng pagsulat. Limang Saklaw na Nag-Uugnay sa Pagbasa at Pagsulat Kaalaman sa Impormasyon Paliwanag: Ito ay tumutukoy sa kakayahan ng Isang tao na maunawaan at maproseso ang iba’t ibang uri ng datos na kanilang natatanggap. Kabilang dito ang pag-unawa sa mga detalye, pagpapaliwanag ng kahulugan, at paggamit ng impormasyon sa praktikal na paraan.. Kaalaman sa Istruktural Paliwanag: Ito ay tumutukoy sa pag-unawa ng estruktura at anyo ng teksto tulad ng balangkas, pagkakasunod-sunod ng mga ideya, at gramatikal na bahagi ng mga pangungusap. Mahalaga ito sa pagpapabuti ng kasanayan sa pagbasa at pagsulat dahil nakakatulong ito sa mabisang pagbuo at pagsusuri ng nilalaman. Kaalaman sa Transaksyonal Paliwanag: Tumutukoy sa pag-unawa ng layunin at konteksto ng komunikasyon sa pagitan ng mga tao. Kasama dito ang pag-intindi sa kung paano ang mga teksto ay ginagamit para sa tiyak na layunin, tulad ng pakikipag-ugnayan, pag-aayos ng impormasyon, o paglalapit ng ideya. Kaalaman sa Aestetiko Paliwanag: Ito naman ay tumutukoy sa pag-unawa at pagpapahayag sa mga elementong artistiko at pandamdamin ng teksto. Kasama dito ang pag-aaral ng istilo, tono, at iba pang aspeto na nagpapaganda at nagpapayaman sa karanasan ng pagbasa at pagsulat. Kaalaman sa Proseso Paliwanag: Ito ay tumutukoy sa pag-unawa sa mga hakbang at estratehiya na kailangan upang epektibong maka pagbasa at makasulat. Kabilang dito ang mga teknik sa pag-unawa ng nilalaman, organisasyon ng mga ideya, at pagrebisa ng teksto upang mapabuti ang kalidad ng pagsulat at pagbasa. Napatunayan sa pag-aaral ni Kelly (1990) na ang mga mag-aaral na naka pagsusulat ng tungkol sa kanilang binasang akda ay higit na nauunawaan ang kanilang binabasa. Paliwanag: Ayon sa pag-aaral ni Kelly noong 1990, mas malalim ang pag-unawa ng mga mag-aaral sa kanilang binasa kapag naka pagsulat sila ng kanilang mga saloobin at interpretasyon tungkol sa kanilang binasa. Ang pagsulat ay tumutulong sa kanila na masuri ang mga detalye ng akda at magkaroon ng mas malinaw na pag-unawa sa nilalaman nito, kapag sila ay nakaka pagsulat tungkol sa aklat na kanilang nabasa ay kanilang natutunan ang proseso ng pagkakasunod-sunod na yunit ng wika. Nalilinang nila ang mga kasanayan sa: Encoding at Decoding Pagsulat ng pangungusap Paglinang ng talata Pagsulat ng higit na mahabang seleksyon Ang Kahalagahan ng Ugnayang Pagbasa at Pagsulat Nagiging masigla ang pagkatutong literasi Nagaganap ang pagkatuto Nalilinang ang aspeto ng pag unawa Naihahanda ang mga mag-aaral sa daigdig na naghihintay sa kanila MGA SANGGUNIAN: https://www.coursehero.com/file/77289839/FILIPINO-MIDTERMS-REVIEWERpdf/ https://www.studocu.com/ph/document/pamantasan-ng-lungsod-ng-maynila/interdisip linaryong-pagbasa-at-pagsulat-tungo-sa-mabisang-pagpapahayag/ipp-notes-1-ipp-note s/25774155 https://studylib.net/doc/25630476/inter-filipino-midterm-compress PAMANTASAN NG LUNGSOD NG MAYNILA Gen. Luna Corner Muralla St., Intramuros, Manila, 1002 Metro Manila Bachelor of Science in Real Estate Management 1-2 Interdisiplinaryong Pagbasa at Pagsulat TEORETIKAL NA MODELO SA PAGBASA AT PAGSULAT Ipinasa nina: Concha, Nicolas Rose L. Cudia, Sheena Mae B. Flores, Shandy Mhae P. Ipinasa kay: Gng. Krystal Joyce. Blasco-Hidalgo Setyembre 27 , 2024 Kahalagahan ng Teorya na Modelo sa Pagbasa at Pagsulat Ito ay tumutukoy sa mga modelo na inilathala upang ipaliwanag kung paano dumadaloy ang impormasyon sa loob ng isang tao at sa pakikipag-ugnayan sa iba. Intrapersonal - Ito ay ang pakikipag-usap sa sarili. Ito ay tumutukoy sa pag-uusap ng isang indibidwal katulad na lamang sa replektibong pag-iisip o kaya ay kapag pinakikiramdaman ang paggalaw ng sarili. Interpersonal – Ito ay ang pakikipag-usap sa ibang tao. Ito rin ay ang pakikipagtalastasan sa iba’t-ibang indibidwal tungkol sa iba’t-ibang mga paksa. I. BALANGKAS NG PAKSA Mga nilalaman: Cognitive Processing Model Dual Coding Model Integrated Reading and Writing Socio-Cognitive Socio-Cognitive Theory Model Transactional Model II. COGNITIVE PROCESSING MODEL Ang Cognitive Processing Model o tinatawag ding "Information Processing" ay tumutukoy sa mga nangyayari sa pagitan ng pag-input at pag-output ng impormasyon. Hindi lang ito isang teorya kundi isang "generic name" na naglalarawan sa mga cognitive processes tulad ng atensyon, persepsyon, storage, at retrieval ng kaalaman. Tatlong bahagi ng Information Processing Model na iminungkahi ni Atkinson and Shiffrin - Sensory Memory - Short-Term Memory - Long-Term Memory 1. Sensory Memory - Ang sensory memory ay ang unang hakbang sa pag proseso ng impormasyon. Dito, ang mga stimulus mula sa ating pandama, tulad ng tunog, kulay at amoy, ay nanatili sa napakaikling panahon. Karaniwan ay isa o dalawang segundo. Halimbawa: Kapag may nakita kang magandang eksena, ngunit hindi nakatuon ang iyong atensyon dito ay agad na itong mawawala sa sensory memory mo. Kaya, kailangan mong bigyang pansin upang mapunta sa next stage o tinatawag na short-short term memory (STM). 2. Short-Term Memory (STM) - Ang short-term memory o panandaliang memorya, ay ang kakayahang mag-imbak at makapag-proseso ng impormasyon sa loob ng maikling panahon. - Limitado lamang ang kakayahan nito sa pag-imbak ng impormasyon at ang iba sa mga impormasyong ito ay tumatagal lamang nang ilang segundo hanggang sa ilang minuto sa ating isipan. Halimbawa: Kapag may nagbigay ng kanilang numero sa iyo, matatandaan mo ito saglit upang ma-dial at pag hindi mo na ito kailangan, posibleng mawala na rin ito sa ating isipan, at ito ay ang tinatawag nating Short-Term Memory. 3. Long-Term Memory (LTM) - Ang long-term memory ay kabaliktaran ng short-term memory, ito ay may mas malaking kapasidad kumpara sa Short-Term Memory - Ito ay nakapag iimbak ng impormasyon sa ating isipan ng mas mahabang panahon, maaari itong mag mula sa isang oras hanggang sa maging panghabangbuhay. Halimbawa: Kapag naghahanda ka para sa darating na pagsusulit, paulit-ulit mong binabalikan at inaaral ang mga aralin upang ikaw ay makasagot sa mga katanungan sa pagsusulit. Mas lalong tumatagal ang isang impormasyon sa ating isipan dahil sa ating pag-aaral o paghahanda, ang mga impormasyong iyong inaral ay nagiging long-term memory (LTM) III. DUAL CODING MODEL Ang dual coding model ay iminungkahi ni Allan Paivio. Ang dual coding ay ang paraan ng pagproseso ng indibidwal sa berbal at di-berbal na mga impormasyon ng magkahiwalay ngunit magkaugnay na sistema. Sa madaling salita, ito ay ang proseso na tumutulong sa pag-iimbak ng impormasyon sa ating isipan sa pamamagitan ng salita at imahe. Halimbawa: Kapag nagtuturo ang iyong guro, habang siya ay nagsasalita tungkol sa isang paksa ay may kasabay siyang pinapakita na larawan kaugnay ng paksa. IV. INTEGRATED READING AND WRITING MODEL Sabay ang proseso ng pagbasa at pagsulat. Makikita na ang literasiya ay nasusukat sa lawak ng kakayahan magsulat at magbasa ng isang tao. Ito ay ang karaniwang gamit sa sistema ng edukasyon at pinapakita din ng modelong ito na ang pagbasa at pagsulat ay laging magkaugnay. Apat na bahagi ng Integrated And Writing Model - Pre-reading - Post-reading - Pre-writing/Low Stakes Writing - High Stakes Writing 1. PRE-READING - Ay isang proseso ng pagtuklas at paunlarin ang kritikal na pag-iisip at kakayahan sa pagsusuri. Ang pamamaraang ito ay hindi lamang pagpapahusay sa kanilang pag-unawa ngunit nagbibigay-daan din sa kanila na gumawa ng makabuluhang koneksyon sa pagitan ng teksto at ang kanilang sariling mga karanasan 2. POST-READING - Ay ang pinagsama-samang mga ideya base sa nilalaman o layunin ng napiling paksa. 3. PRE-WRITING/LOW STAKES WRITING - Impormal na pagsulat upang makabuo at magbigay linaw ng mga ideya. 4. HIGH STAKES WRITING - Pormal na pagsulat, at naka balangkas na paksa o tema. V. SOCIO-COGNITIVE Kakayahan ng isang indibidwal na alalahanin at unawain ang mga impormasyong nakalap sa pamamagitan ng pakikisalamuha. Ang pag-unawa sa mga kilos at reaksyon ng iba ay nagbibigay sa atin ng mga aral at impormasyon kung paano tayo dapat kumilos sa iba't ibang sitwasyon. VI. SOCIO-COGNITIVE THEORY MODEL Ang teorya ng sosyo-kognitibo (Social Cognitive Theory) ay unang nakilala bilang Social Learning Theory (SLT) ay ginawa ni Albert Bandura noong 1960. Ipinakita ang impluwensiya ng karanasan, mga taong nakasalamuha at kapaligiran sa pagkatuto ng isang tao sa pamamagitan ng ‘’panunuod’’ at panggagaya. Isa sa mga halimbawa ng ipinakita ni Albert Bandura ay ang Bobo Doll Experiment. Triadic Reciprocal Causation Model - Ito ay ang mas pinagyaman at pinagsamang dalawang modelo na iminungkahi ni Albert Bandura. - Bawat elemento ng modelong ito ay may epekto sa isa’t isa at sa isang indibidwal, tulad ng mga elemento na pag-uugali, mga personal na katangian, at ang kapaligiran. Tatlong bahagi ng Triadic Reciprocal Causation Model - Pag- uugali ng isang indibidwal - Mga personal na katangian ng isang indibidwal - Kapaligiran ng isang indibidwal 1. Pag-uugali ng isang indibidwal - Ito ay ang pag-uugali na ipinapakita ng isang indibidwal tungo sa bawat kilos o aksyon na kanyang ginagawa. 2. Mga Katangian ng isang indibidwal - Dito sa personal traits pumapasok ang tinatawag na “trait theories”, sinasabi nito na kung ang isang indibidwal ay masipag, mahiyain, at may iba pang pag-uugali ay maaari itong makaapekto sa pag-uugali ng isang indibidwal. Halimbawa: Ang isang indibidwal ay likas na mausisa, kaya mas nahihikayat siyang magbasa ng libro. Dahil dito mas natututo siya kung paano sumulat at magbasa dahil may mga ideya siyang nakukuha rito. 3. Kapaligiran ng isang indibidwal - Sa yugtong ito pumapasok ang “Behaviorism” o pag-uugali, sinasabi rito na maaaring magkaroon ng malaking epekto ang kapaligiran at personal na karanasan sa pag-uugali ng isang indibidwal. Halimbawa: Kapag nasa iisang lugar ang indibidwal, katulad ng paaralan o kaya ay sa bahay, mas nahihikayat itong magbasa at sumulat dahil sa mga gantimpala na matatangap nito mula sa isang lugar. VII. TRANSACTIONAL MODEL Ito ay isang interaktibong modelo na gamit ng dalawa o higit pang indibidwal sa pakikipag komunikasyon nang sabay. Parehong nagpapadala at tumatanggap ng impormasyon ang bawat partido. Limang bahagi ng Transactional Model - Sender at receiver - Channel - Message o Mensahe - Channel feedback - Field of experience 1. SENDER AND RECEIVER: - Ang sender ay ang indibidwal na nagpapadala ng mensahe. Sila ang nag-iisip o nag-aayos ng impormasyon na nais nilang iparating. - Ang receiver ay ang tumatanggap ng mensahe. Sila ang nag-sasalin at nag-aanalisa ng impormasyong ipinadala ng sender. 2. CHANNEL - Ito ay paraan o midyum na ginagamit upang maipadala ang mensahe mula sa sender patungo sa receiver. - Maaaring ito ay berbal tulad ng pagsasalita or ‘di-berbal, tulad ng paggalaw. - Ang channel ay mahalaga dahil nakakaapekto ito sa kung paano mauunawaan ang mensahe na ipinahahatid ng isang individual. 3. MESSAGE O MENSAHE - Ang message ay ang impormasyon o ideya na ipinapadala mula sa sender patungo sa receiver. - Maaaring ito ay nasa anyo ng salita, larawan, o simbolo. - Ang mensahe ang sentro ng komunikasyon, dahil ito ang nilalaman na nais ipahayag o iparating ng isang individual. 4. CHANNEL FEEDBACK: - Ang channel feedback ay ang reaksyon o tugon ng receiver sa mensahe na ipinadala ng sender. Ito ay maaaring nasa anyo ng salita, galaw, o kahit mga ekspresyon ng mukha. - Ang feedback ay mahalaga dahil nagbibigay ito ng impormasyon sa sender kung paano maunawaan ng receiver ang mensahe, at makatutulong ito upang mapabuti ang komunikasyon sa hinaharap. 5. FIELD OF EXPERIENCE: - Ang field of experience ay ang kabuuan ng mga kaalaman, karanasan, at kultura ng sender at receiver. - Naka-aapekto ito sa paraan ng kanilang pag-unawa at interpretasyon ng mensahe. MGA SANGGUNIAN: https://www.studypool.com/documents/13541313/reviewer-in-filipino-teoritikal-n a-modelo-sa-pagbasa-at-pagsulat-mga-teorya-sa-pagbasa-at-pagsulat https://pressbooks.library.torontomu.ca/communicationnursing/chapter/transactio n-model-of-communication/ https://pdfcoffee.com/mga-teoretikal-na-modelo-ng-pagsulat-ng-pagbasadocx-pdf -free.html | https://pdfcoffee.com/ipp-reviewer-3-pdf-free.html https://pdfcoffee.com/mga-teoretikal-na-modelo-ng-pagsulat-ng-pagbasadocx-pdf -free.html https://www.greelane.com/tl/science-tech-math/mga-agham-panlipunan/informati on-processing-theory-definition-and-examples-4797966 https://pressbooks.library.torontomu.ca/communicationnursing/chapter/transactio n-model-of-communication/ PAMANTASAN NG LUNGSOD NG MAYNILA General Luna Corner Muralla St, Intramuros, Manila, 1002 Metro Manila Interdisiplinaryong Pagbasa at Pagsulat tungo sa Mabisang Pagpapahayag Mga Teorya at Propeso sa Pagbasa at Pagsulat Ipinasa nina: Iringan, Matthew Frederic D. Jacobe, Krizia B. Manrique, Danica Grace C. Martinez, Alexandra S. Ipinasa kay: Gng. Krystel Joyce P. Blasco Balangkas ng paksa: I. Mga layunin II. Ano ang pagsulat? III. Ano ang pagbasa? IV. Tradisyunal na pagtingin sa pagbasa (Dole, 1971) V. Simpleng pagtingin sa pagbasa (Gough and Tunner, 1986) VI. Modernong pagtingin sa pagbasa VII. Konklusyon VIII. Mga sanggunian I. Mga layunin: Ipakilala ang tradisyunal na pagtingin sa pagbasa, simpleng pagtingin sa pagbasa at modernong pagtingin sa pagbasa. Maipaliwanag ang konsepto ng pagtingin sa pagbasa, simpleng pagtingin sa pagbasa at modernong pagtingin sa pagbasa. Magkaroon ng mas malalim na pag-unawa sa pagtingin sa pagbasa, simpleng pagtingin sa pagbasa at modernong pagtingin sa pagbasa. II. Ano ang pagsulat? Ang pagsulat ay masistemang paggamit ng mga grapikong marka na kumakatawan sa espisipikonh lingguwistikong pahayag. (Rogers, 2005) Ang pagsulat ay sistema ng permanente o malapermanenteng pananda na kumakatawan sa mga pahayag. (Daniels and Bright, 1996) Komprehensib ang pagsulat sapagkat bilang isang makrong kasanayan pangwika, inaasahang masusunod ng isang manunulat ang maraming tuntuning kaugnay nito. (Xing at Jim, 1989) III. Ano ang pagbasa? Ang pagbasa ay isa sa lima na kasanayan pangwika. Ito ay pagkilala at pagkuha ng mga ideya at kaisipan sa mga nakalimbang na simbolo. Ito ay proseso ng pag-unawa sa mga mensaheng nais ibahagi ng may akda sa babasa ng kanyang isinulat. Ang gawaing ito ay isang pangkaisipang hakbang tungo sa pagkilala pagpapakahulugan at pagtataya sa mga isinulat na akda. Dagdag pa sa kasanayang pang-wika ay ang pagsasalita, pakikinig at, panonood. IV. Tradisyunal na pagtingin sa pagbasa (Dole, 1971) Tulad din ng metodolohiya sa pagtututo, ang mga teorya sa pagbasa ay nagkaroon din ng kanilang paglilipat (shifting) at transisyon. Nagsimula sa tradisyunal na pananaw na nakapokus sa mga nakalimbag na anyo ng teksto at lumipat patungo sa kognitibong pananaw na nagpapalakas sa papel ng pagkakaroon ng kaalamang a priori o background knowledge bilang karagdagan na kung ano ang ipinapakita sa nakalimbag na pahina. Ang mga pananaw na nabanggit ay humantong sa tinatawag na metakognitibong pananaw na sa ngayon ay nauuso. Nakabase ito sa kontrol at manipulason na kung saan ang mambabasa ay maaaring magtaglay sa akto ng pagkokomprehend ng teksto. Sinasabi nila Dole et.al. (1991) na ang mambabasa ay nagtataglay ng set ng mga subskill na naayos sa order na herarkikal na sa kalaunan ay hahantong sa sekwensyal na pagtataguyod ng komprehensyong kakayanan. Ang mga mambabasa ay pasibong tagatanggap ng mga impormasyon sa teksto. Ang kahulugan ay nananahan sa teskto at ang mambabasa ay kailangang ireprodus ang kahulugan. Ayon kay to Nunan (1991), ang pagbasa sa ganitong pananaw ay, kinapapalooban lamang ng pagdedekowang serye ng mga nakasulat na simbolo sa kanilang katumbas sa anyong pandinig sa paghahangad na mabigyang katuturan ang teksto. Tinawag niya ang prosesong ito bilang panana na 'bottom-up' sa pagbasa. Si McCarthy (1999) ay tinawag ang ganitong pananaw bilang proseso ng 'outide-in' sa pagbibigay turing sa ideya na may kahulugang nananahan sa nakalimbag na pahina at iniinterapret ng mga mambabasa na kanila namang isinasaloob (take in). Teoryang Bottom-Up Ipinahayag ni Dole at iba pa (1991), ang tradisyonal na pagbasa o mas kilala sa tawag na Bottom-Up Theory ay isinasagawa sa pamamagitan ng hiyarkiya ng magkakasunod- sunod na kakayahang pampag-unawa. Ang mga mambabasa ay pasibong tagatanggap ng mga impormasyon ng teksto. Bubuo ng kahulugan ang mambabasa ayon sa taglay na kahulugan ng teksto. Ibinahagi at pinatunayan naman ni Nunan noong 1991, na ang pagbasa sa aspetong ito ay usapin lamang ng decoding o pag-unawa sa mga nakalimbag na simbolo upang magkaroon ito ng kahulugan. V. Simpleng pagtingin sa pagbasa (Gough and Tunner, 1986) Ang Simpleng Pagtingin sa Pagbasa ay iminungkahi ng mga mananaliksik na sina Philip Gough at William unmer noong 1986. Ito ay binuo upang magkasundo ang pagtatalo ng "The Reading Wars" noong 1980s, sa pagitan ng mga tagapagtaguyod ng pagproseso ng bottom up (decoding) at ang mga sumusuporta sa pagproseso ng top down (language comprehension). Sa pamamagitan ng isang pormula, ipinakita nila Gough at Tunner ang dalawang proseso na maaaring nakasalalay sa isa't isa habang nagbabasa: ang pagkilala sa salita (decoding) at pag-unawa sa wika (language comprehension). Ang pormula ng Simpleng Pagtingin sa Pagbasa ay binubuo ng tatlong bahagi: Decoding (D) x Language Comprehension (LC) = Reading Comprehension (RC) Ipinapakita sa pormulang ito na ang marka ng reading comprehension ng mag-aaral ay maaaring mahulaan kung alam ang mga kakayahan sa decoding at language comprehension. Depinisyon ng Reading Comprehension, Decoding at Language Comprehension Reading Comprehension: Ang "Reading Comprehension" o Pagbasa nang may pag- unawa, ito ay ang kakayahang iproseso ang tekstong binasa at maunawaan ang kahulugan nito. Kapag nagbasa ang isang tao ng isang teksto ay nakikibahagi siya sa isang kumplikadong hanay ng mga prosesong kognitibo. Kasabay nito ang paggamit ng kanyang kamalayan at pag-unawa sa mga ponema (mga mahalagang yunit ng tunog na nagpapakita ng kaibahan ng isang salita mula sa iba pang salita) ponograpiya (koneksiyon sa pagitan ng mga titik at tunog at ang ugnayan sa pagitan ng mga tunog, letra at salita) at kakayahang maunawaan o mabuo ang kahulugan mula sa teksto. Ayon sa Simpleng Pagtingin sa Pagbasa, ang pagbasa nang may pag-unawa ay resulta ng mga kasanayan at kaalaman na maaari nating hatiin sa dalawang kategorya: pag-decode at pagka-unawa sa wika. Decoding: Ang decoding ay tinutukoy bilang "mahusay na pagkilala sa salita" (Hoover & Gough, 1990). Ang kahulugan na ito ay lampas sa tradisyunal na kahulugan ng pag- decode bilang ang kakayahang mag-tunog ng mga salita batay sa mga patakaran ng ponograpiya. Ang kahulugan ng pag-decode ay lumalawak upang isama ang mabilis at tumpak na pagbabasa ng mga pamilyar at hindi pamilyar na mga salita sa parehong mga listahan at konektadong teksto (Gough & Tunmer, 1986) o Kinikilala natin ang mga simbolo o letra sa salita. o Ayon sa prinsipyo ng Alpabetiko, ang bawat simbolong ito na tinatawag nating graphemes ay may katumbas na tunog na tinatawag nating phonemes o ponema. Language Comprehension: "Language Comprehension" o Pagkaunawa sa wika, ito ay nabigyan ng maraming katawagan o pangalan sa iba't ibang mga pag-aaral, kabilang ang pag-unawa sa lingguwistika, pakikinig nang may pag-unawa, at pag-unawa. Ang lahat ng mga salitang ito ay tinukoy bilang ang kakayahang makakuha ng kahulugan mula sa mga sinasalitang salita kapag sila ay bahagi ng mga pangungusap o iba pang diskurso. Ang mga kakayahan ng Language Comprehension ay sumasaklaw sa "tumutugon na bokabularyo (receptive vocabulary), pag-unawa sa gramatika (grammatical understanding), at pag-unawa sa diskurso" (Catts, Adlof, & Weismer, 2006). Ang pagkaunawa sa wika ay hindi nakakamit sa mga kasanayan ngunit sa mga prosesong kognitibo na mahirap ituro dahil ito ay batay sa lumalagong kaisipan. Mga mahahalagang puntos sa Simpleng pagtingin sa pagbasa: Ang mahusay na kakayanan sa pagbasa nang may pag-unawa ay maaari lamang makamit kung ang parehong kasanayan sa pag-decode at kakayahan ng pag-unawa sa wika ay malakas. Dapat turuan ang mga mag-aaral na mag-decode nang dalubhasa nang maaga. Kapag ang mga mag-aaral ay maaaring maka-decode nang mahusay, ang kanilang mga kakayahan sa pagbabasa nang may pag-unawa ay katumbas ng kanilang mga kakayahan sa pag- unawa sa wika. Dapat bigyan ang mga mag-aaral ng matibay na kaalaman sa nilalaman sa iba't-ibang antas upang magkaroon sila ng sapat na kakayahan sa pag-unawa sa wika. Ang pagtulong sa mga hirap na mambabasa ay epektibo lamang kapag tinugunan nito ang tiyak na kahinaan ng mag-aaral, na maaaring sa pag-decode sa pag-intindi sa wika, o pareho. Ang pagtatasa o pagsusuri at pagtuturo ng kasanayan sa pag-decode at pag-unawa sa wika ay magkahiwalay, bagaman ang pareho'y kinakailangan upang makamit ang pagbasa nang may pag-unawa. Mga kahirapan sa pagbabasa (Reading Difficulties): 1. Kahinaan sa pag-unawa sa wika- May sapat na kasanayan sa pag-decode ngunit mahina na kakayahan sa pag-unawa sa wika. Ang isang halimbawa nito ay isang mag- aaral na hyperlexic. 2. Kahinaan sa pagde-decode- May sapat na pag-unawa sa wika ngunit mahina na kasanayan sa pag-decode. Ang isang halimbawa nito ay isang mag-aaral na dyslexic. 3. Mga kahinaan sa parehong aspeto- Parehong may kahinaan sa kakayahan ng pag- unawa sa wika at kasanayan sa pag-decode. Ito ay tumutukoy sa mga mag-aaral na garden variety. VI. Modernong pagtingin sa pagbasa Makabagong Pagtingin sa Pagbasa (Identity Theory) – May kinalaman ang teoryang ito sa sariling interpretasyon ng mambabasa sa pamamagitan ng pamamagitan ng lenteng sariling pagkakakilanlan o identidad ng tao sa tekstong nabasa. Sa ganitong paraan, masasabing ang pagbasa ay isang masalimuot na proseso sapagkat nasasankot dito ang maraming kasanayan. Nakatutuklas ng marami kaalaman at karunungan tutugon sa kanyang pangangailangang pang kabatiran sa ibat ibang disiplina tulad ng agham, panitikan, teknolohiya, at iba pa. Para hindi mapag-iwanan ng nagbabagong panahon gawa ng mga makabagong teknolohiya ng nagsusulputan ngayon. ang pagbasa ay dumaraan din sa proseso ng pagbabago. Sa paglipas ng panahon, mula sa tradisyunal ng pagkikilala sa mga nakalimbag na salita hanggang sa pag -unawa sa mga ito. Sa kasalukuyang pananaw, ang pagbabasa ay hindi lamang isang aktibidad na nababalot sa pagmumungkahi ng teksto bagkus isang pagninilay-nilay at pakikiramdam ng ideya at karanasan na pwedeng makuha mula rito. Ayon kay Somerville et al., ang pagbabasa ay responsable para sa pagpapalawak ng kaalaman, pagbuo ng mas kumpletong pang- unawa sa mundo, at pag-unlad ng mas malawak na perspektibo. Ang ating kamalayan at pananaw ay pinuno ng ating pagbabasa. VII. Konklusyon Ang pagbasa ay kinasasangkutan ng komplikadong integrasyon ng mga kasanayan. Ang maalam na mambabasa ay tila nagmumukhang madali lamang ang naturang proseso, ngunit ang pagtuturo ng pagbasa sa lahat ng mag-aaral ay nangangailangan ng sistematikong pagtuturo, kapwa pagbasa ng salita at, komprehensyon. VIII. Mga sanggunian o RheaBautista. (2023, March 29). mga teorya sa pagbabasa o Pamantasan ng Lungsod ng Maynila (2023) simpleng pagsalin sa pagbasa o Marc Jairrp Gajudo (2021, October 17) tradisyunal na pagtingin sa pagbasa PAMANTASAN NG LUNGSOD NG MAYNILA General Luna Corner Muralla St. Intramuros, Manila, 1002 Metro Manila Interdisiplinaryong Pagbasa at Pagsulat: IPP 0010 - 20 Proseso ng Pagsulat Ipinasa nila: Mora, Marth Kyle R. Penoliar, Luiza Venice V. Pestaño, Nathalie Nichole I. 1 A. Talaan ng Nilalaman 1. Introduksyon 2. Layunin ng Pagsulat 3. Mga proseso ng pagsulat 4. Mga halimbawa ng proseso ng pagsulat B. Introduksyon Pagsulat - Pagsasalin sa papel o sa anumang kasangkapang maaaring magamit na mapagsasalinan ng mga nabuong salita, simbolo, at ilustrasyon ng isang tao sa layuning maipahayag ang kanyang kaisipan. - Ang pagsulat ay isang proseso na may maraming dimensyon. Hindi tayo basta sumusulat; nagiging posible lamang ang pagsulat kapag ang mga tamang elemento ay maayos na pinagsama sa sistematikong paraan. Ang kakayahan ng isang mag-aaral na lumikha ng mga pahayag ay nakabatay sa kanilang bisa at kasensitibidad, na nag-uudyok sa mga mambabasa na mag-isip, kumilos, at makaramdam ng kasiyahan (Badayos, 2013). - Isa sa pinakamahirap hasaing kasanayan sa komunikasyon. - Isang komplikadong proseso na nangangailangan ng sapat na panahon upang maging mahusay rito. C. Mga Layunin sa Pagsulat Ekspresibo - Layon nitong maipahayag ang sariling pananaw, kaisipan at damdamin sa pangyayari. ○ Halimbawa: dyornal, talaarawan, personal na liham at pagtugon sa ilang isyu. Transaksyunal - Kontrolado ang paraan ng pagsulat dahil pormal ang istilo ng pagsulat na kailangang sundin. Ginagamit para sa layuning panlipunan o pakikipag-ugnay sa ibang tao sa lipunan. ○ Halimbawa: balita, artikulo, talambuhay, patalastas Impormatibong Pagsulat (Expository) - Naka-pokus ito sa paksang tinatalakay ○ Halimbawa: pagsulat ng report ng obserbasyon, encyclopedia, balita, at teknikal o business report na may layuning magbigay ng impormasyon. 2 Mapanghikayat na Pagsulat (Persuasive) - Naglalayong makumbinsi ang mambabasa tungkol sa isang katwiran, opinyon, o paniniwala. Ang pangunahing pokus nito ay makumbinsi o maimpluwensyahan ng awtor ang mambabasa. ○ Halimbawa: pagsulat ng konseptong papel, editoryal, sanaysay, at talumpati na may layuning mapanghikayat. Malikhaing Pagsulat - Ginagawa ng mga manunulat ng mga akdang pampanitikan Pagpapahayag ng kathang isip, imahinasyon, ideya, at damdamin. ○ Halimbawa: maikling katha, nobela, tula, dula, at iba pang malikhain o masining na akda. D. Proseso ng Pagsulat ➔ Ang proseso ng pagsulat ay hindi lamang nakatuon sa aktwal na pagsulat. Kabilang dito ang pag-iisip, pagtalakay, pagbabasa, pagpaplano, pagsulat, pag-edit, at muling pagsusulat ng nilikhang akda. Ang pagsulat ay isang paulit-ulit na proseso ng pagsusulat at muling pagsusulat hanggang sa makamit ang pinal na anyo ng sulatin. ➔ Pabalik-balik na daloy na proseso ➔ Bakit ito isang pabalik-balik na daloy na proseso? Dahil ang pagsulat ay hindi linear; madalas na kinakailangan ang muling pagbalik sa mga naunang hakbang tulad ng brainstorming, pag-oorganisa, at pagsusuri. Ang pabalik-balik na daloy ng proseso ng pagsulat ay mahalaga upang matiyak na ang mensahe ay maayos na nailalahad at ang sulatin ay umabot sa inaasahang kalidad. ➔ Prewriting → Drafting → Revising → Editing → Final Document Prewriting Bago sumulat Sa prosesong ito ay nag-iisip ang manunulat ng paksang kanyang isusulat, paglikha ng mga ideyang kaugnay ng paksang kanyang isusulat, paglikha ng mga ideyang kaugnay ng paksang napili, pangangalap ng mga impormasyon, pagtukoy ng mga istratehiyang gagamitin sa pagsulat, pag-oorganisa ng mga datos o pagbabalangkas ng mga ideyang nabuo. Sa paglikha ng mga ideya ay maaaring gumamit ng mind mapping. Pag-iisip ng paksang isinusulat Pangangalap ng impormasyon 3 Pag-oorganisa ng mga datos o pagbabalangkas ng mga ideyang nabuo. Sa loob ng prewriting, mayroon itong iba’t ibang pamamaraan, tulad ng: Malayang Pagsulat (Freewriting) - Pagsusulat ng mga pangungusap o parirala na tuloy-tuloy hanggang makabuo ng burador. Pagtatanong (Questioning) - Ang mga katanungang nabubuo ay maaaring panggalingan ng mga ideya at detalye na posibleng magamit sa pagsusulat. Paglilista (Listing) - Kinokolekta ang mga ideya at detalye na may kaugnayan sa paksang susulatin mula sa nabuong burador. Pagkaklaster (Clustering) - Isa sa mga pamamaraan na maaaring pagmulan ng magandang materyal para sa teksto Pagbabalangkas - sa pamamagitan nito, maaaring tayain ang sariling gawa, kung meron pa bang kakulangan ang bubuuing teksto. Halimbawa ng Prewriting: Brainstorming mind mapping Drafting Ito ang pagsulat ng unang burador, hindi dapat mawala ang momentum sa pagsulat sa bahaging ito, dito isusulat lahat ang ideyang papasok sa isipan, hindi muna inaalala ang maling grammar, baybay ng mga salita, estruktura ng pangungusap at pagbabantas, dahil babalikan ang mga ito pagkatapos sumulat. Habang Sumusulat Pagsulat ng unang burador Dito isinusulat ang ideyang papasok sa isipan Hindi muna inaalala ang grammar, baybay ng mga salita, estruktura ng pangungusap at pagbabantas. Halimbawa ng Drafting: Pagsulat ng unang bersyon ng sanaysay 4 Revising Pagkatapos sumulat Kawili-wili ang mga pangunahing ideyang inilahad Pagbasa muli sa burador nang makailang ulit, sa layunin na mapabuti at mahubog ang dokumento. Sinusuri ng manunulat ang istraktura ng mga pangungusap at lohika ng presentasyon mula sa simula, katawan, at wakas. Maaaring magbawas o magdagdag ng ideya. Halimbawa ng Revising: Pag-aayos ng ideya Pagdagdag ng detalye Mga dapat isaalang-alang sa pagrerebisa: Kohirens - kakayahang maipakita ang ugnayan ng mga ideya Kaisahan - malinaw na magkakaugnay ang mga ideya at umiikot sa isang sentral na ideya Empasis - naka haylayt o binibigyang-diin ang mahalagang salita o punto Kasapatan - sapat ang mga detalye, paliwanag, at ebidensya para suportahan ang paksang tinalakay Kasanayan sa pangungusap - pag-oobserba sa estraktura ng gramar na ginamit -tamang bantas, ispeling at pormat. Editing Sa bahaging ito iwinawasto ang mga posibleng pagkakamali sa pagpili ng mga salita, ispeling, grammar, gamit at pagbabantas. Huling yugto sa proseso ng pagsulat bago maiprodyus ang pinal na dokumento. Sa editing, dapat tiyakin na: Ang bawat salita at pangungusap ay naghahatid ng tamang kahulugan. Nabibigyang pansin ang nilalaman Pagkakabuo ng sulatin Wastong gamit ng mga salita Pagwawasto ng gramatika Ispeling Kumbensyon sa pagsulat 5 Dito pinapalinaw ang mga ideya. Ginagawa ito upang suriin ang teksto at nilalaman para matiyak ang kawastuhan, kalinawan at kayarian ng katha na madaling maunawaan ng mambabasa. Halimbawa ng Editing: Pagwawasto ng gramatika at batas Pagwawasto ng baybay Pagsasaayos ng malaking titik Final Document Pinal na kopya o dokumento. Huling bersyon ng isang sulatin na isusumite matapos ang mga hakbang ng pagsusulat. Halimbawa ng Final Document: Aprubradong research o thesis na tapos nang irebisa. Matapos ang pinal na dokumento, maaari rin na mayroong koneksyon ang paglalathala sa proseso ng pagsulat. - Ang Paglalathala ay pakikibahagi ng nabuong sulatin sa mga target na mambabasa. Kabilang sa gawaing ito ang mga sumusunod: 1. Paglalathala ng mga piling sulatin sa pahayagang pangkampus 2. Pagbabasa sa harap ng klase at pakikinig sa pagbasa ng iba 3. Paggawa ng isang buklet, album o portfolio ng mga naisulat 4. Eksibit o pagdidispley sa bulletin board ng mga naisulat. Bakit sumusulat? 1. Pagpapahayag ng Saloobin 2. Pagbabahagi ng Kaalaman 3. Pagtuturo 4. Paglikha 5. Pagsusuri 6. Pagpapalawak ng Isip 6 - “Ang isang manunulat ay hindi lamang tagasulat; siya ay tagapagpahayag ng mga saloobin at damdamin ng lipunan.” - Lualhati Bautista E. Pagsusulit - https://forms.gle/Ao4ya2ieR6SzsYG88 7 Mga Sanggunian Studocu. (2022, October 28). Lecture 5 Proseso NG Pagsulat - PAGSULAT Ang pagsulat ay isang multidimensyonal na proseso. Hindi - Studocu. Retrieved September 30, 2024, from https://www.studocu.com/ph/document/pamantasan-ng-lungsod-ng-maynila/interdisip linaryong-pagbasa-at-pagsulat-tungo-sa-mabisang-pagpapahayag/lecture-5-proseso-n g-pagsulat/39409134 Facebook. (2018, February 21). WIKApedia. Retrieved September 30, 2024, from https://www.facebook.com/wikapediaph/posts/wastong-gamit-ng-ng-at-nang/1824221 207611182/ Studocu. (n.d.). ANG Proseso NG Pagsulat - ANG PROSESO NG PAGSULAT Isang proseso ang pagsusulat. Prosesong may - Studocu. https://www.studocu.com/ph/document/university-of-southern-mindanao/malikhaing- pagsulat/ang-proseso-ng-pagsulat/35073593 AriesFlores. (2022, August 31). 1.Katuturan, Layunin at Kahalagahan ng Pagsulat.pptx [Slide show]. SlideShare. https://www.slideshare.net/slideshow/1katuturan-layunin-at-kahalagahan-ng-pagsulat pptx/252771637 8 PAMANTASAN NG LUNGSOD NG MAYNILA General Luna Corner Muralla St, Intramuros, Manila, 1002 Metro Manila Interdisiplinaryong Pagbasa at Pagsulat tungo sa Mabisang Pagpapahayag MGA URI NG PAGSULAT Ipinasa nina: Regoso, Angela Nhicole D. Remedio, Ian Vencent R. Ipinasa kay: Gng. Krystel Joyce P. Blasco Oktubre 11, 2024 A. Balangkas ng paksa: I. Depinisyon ng Pagsulat II. Akademikong Pagsulat III. Teknikal na Pagsulat IV. Dyornalistikong Pagsulat V. Propesyonal na Pagsulat I. ANO NGA BA ANG KAHULUGAN NG PAGSULAT? Ang pagsulat ay isang proseso ng paglilimbag ng mga impormasyon. Gumagamit ito ng maayos na gramatika upang makagawa ng sulatin na puno ng impormasyon at madaling maintindihan ng mga mambabasa. Ayon kay Rogers (2005), ang pagsulat ay masistemang paggamit ng grapikong marka na kumakatawan sa mga partikular na pahayag. Sa madaling salita, ito ay hindi lamang basta sulat; ito ay isang sining na nagbibigay-buhay sa ating mga ideya at saloobin. II. AKADEMIKONG PAGSULAT Ang akademikong pagsulat ay isang uri ng pagsulat na gumagamit ng wasto at pormal na paraan ng pagpapahayag ng mga argumento batay sa ebidensya. Karaniwang ginagawa ito sa paaralan o unibersidad bilang bahagi ng mga gawain sa klase, tulad ng mga ulat, pamanahong papel, pananaliksik, at sanaysay. Mahalaga ang akademikong pagsulat sa pagbuo ng kritikal na pag-iisip at kakayahang magsuri. Tumutulong ito sa mga estudyante at mananaliksik na maipahayag ang kanilang mga ideya sa isang makabuluhan at sistematikong paraan. Bukod dito, nagbibigay ito ng pagkakataon para sa pagkatuto at pag-unlad sa kanilang larangan. Layunin (Ayon sa sanaysay ng editorial team, 2023) 1. Magbigay alam - Magpakita sa mambabasa ng impormasyon tungkol sa isang tiyak na paksa. 2. Magpaliwanag - Ang pagpapaliwanag sa isang komplikadong paksa ay nakakatulong upang maunawaan ang isang materyal sa pamamagitan ng paghati- hati sa maliit na piraso. 3. Manghikayat - Hikayatin ang mga mambabasa na magpatibay ng isang tiyak na pananaw o kumilos sa isang isyu. 4. Maging argumentatibo - Nakikipagtalo gamit ang ebidensya na nakalap upang suportahan ang opinyon. Mga Pangunahing Katangian 1. Pormal at Obhetibo Ang tono ng akademikong pagsulat ay pormal. Iwasan ang mga balbal o kolokyal na salita. Obhetibo rin ito, na nangangahulugang base ito sa mga facts o datos at hindi sa mga personal na opinyon o damdamin. Ito ay nag-iwas sa mga impormal na salita at emosyonal upang maipahayag ang mensahe nang may kaayusan. 2. Organisado May malinaw na estruktura, na may simula (introduksyon), gitna (katawan o diskusyon), at wakas (konklusyon). Mahalaga ang organisasyon upang maging madaling maintindihan at sundan ang mga ideya. Ito ay ginagamit natin tuwing tayo ay nagsusulat nang nasa maayos na pagkasunod-sunod. Nagbibigay-daan ito para sa mas epektibong komunikasyon sa pamamagitan ng malinaw na paglalahad ng mga ideya. 3. May Sanggunian Gumagamit ito ng mga sanggunian mula sa mga mapagkakatiwalaang sources, tulad ng mga libro, journal, at iba pang akda. Mahalaga ang paglalagay ng ebidensya upang suportahan ang mga argumento o ideya sa sulatin. Atin silang kinukuha o inilalagay sa ating mga pananaliksik hindi lamang para ilahad ang kanilang impormasyon kundi upang magbigay respeto at suporta sa ideya. Iba’t Ibang Uri ng Akademikong Pagsulat 1. Ekspositori Magbigay ng impormasyon o magpaliwanag ng isang konsepto, ideya, o proseso. Mahalaga ito sa pagtulong sa mambabasa na maunawaan ang iba't ibang impormasyon nang mas epektibo. 2. Persuasive Hikayatin o kumbinsihin ang mambabasa na tanggapin ang pananaw o opinyon ng manunulat. Sa pamamagitan ng tamang estruktura at epektibong mga argumento, nagagawa nitong makuha ang atensyon at suporta ng mambabasa. 3. Sintetiko Pinagsasama-sama ang iba't ibang impormasyon mula sa iba't ibang pinagkukunan upang makabuo ng kabuuang pananaw o paniniwala. Ang sintetiko na pagsulat ay mahalaga sa akademikong konteksto dahil nagbibigay ito ng mas malalim na pag-unawa sa mga paksa. 4. Analitikal Suriin ang isang paksa, isyu, o teksto sa pamamagitan ng pagbibigay ng masusing pagsusuri at paghihimay sa bawat bahagi nito. Sa pamamagitan ng masusing pagsusuri, naipapahayag nito ang mga bagong pananaw at natutuklasan sa mga komplikadong paksa. 5. Kritikal Magsagawa ng masusing pagsusuri at pagbibigay ng sariling pagsusuri at opinyon batay sa masusing pag-aaral. Sa pamamagitan ng masusing pagsusuri at pagtatasa, nakatutulong ito sa pagbuo ng mas balanseng pananaw at nag-aambag sa mga diskurso sa iba't ibang larangan. Layunin nito hindi lamang maipaliwanag kundi maipakita rin ang mga pagkukulang o kalakasan ng isang paksa. 6. Replektibo Nakasentro sa sariling karanasan at repleksyon ng may-akda tungkol sa isang partikular na paksa o karanasan. Isang estilo na naglalayong magbigay ng personal na pagsusuri at pagninilay sa mga karanasan, ideya, o emosyon. Ito ay nakatuon sa proseso ng pag-iisip at pag- unawa sa mga kaganapan at damdamin. III. TEKNIKAL NA PAGSULAT Ang pagsulat na ito ay nakatuon sa mga sulatin na may kaugnayan sa komersyo at trabaho. Tumutugon ito sa pangangailangan ng mga mambabasa at manunulat, nag-aalok ng impormasyon na makakatulong sa pagresolba ng mga komplikadong suliranin. Mahalaga ang pagsulat na ito sa iba't ibang larangan tulad ng industriya, agham, teknolohiya, at negosyo, kung saan kritikal ang tamang paggamit ng mga datos at mga proseso. Layunin 1. Magbigay direksyon at impormasyon - Nagbibigay ito ng mga hakbang at alituntunin na magagamit ng mga mambabasa upang magawa ang isang partikular na gawain. 2. Magbigay linaw at solusyon - Nakatuon ito sa pagbibigay-linaw sa mga teknikal na problema sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga solusyon. 3. Magpaliwanag ng proseso - Inilalahad dito ang mga hakbang o proseso upang maunawaan ng mga mambabasa kung paano gumagana ang isang sistema o proseso. Mga Pangunahing Katangian 4. Komprehensibo Direktang ipinapahayag ang impormasyon sa pinakamalinaw at pinakamaikling paraan upang hindi maging malabo ang mensahe. Ito ay mahalaga upang maiwasan ang kalituhan. Hindi kailangang pahabain ang sulatin sa mga hindi kinakailangang detalye; sa halip, pinipili lamang ang mga mahahalagang impormasyon. 5. Walang Emosyonal na Apela Nakatuon ito sa impormasyon at mga katotohanan kaysa sa emosyon ng mambabasa. Hindi ito gumagamit ng mga emosyonal na salita o pagsasalaysay. Sa ganitong paraan, ang mambabasa ay maaaring tumuon sa mga importanteng impormasyon nang hindi naaapektuhan ng damdamin. 6. Tiyak at Eksakto Gumagamit ng mga eksaktong termino at impormasyon upang maiwasan ang pagkalito sa mambabasa. Mahalagang malinaw ang bawat detalye. Iniiwasan dito ang mga ambigwidad at mga generalisasyon upang maiwasan ang pagkalito ng mga mambabasa. Malinaw na nilalahad ang bawat detalye para sa mabilis na pag-unawa. Iba’t Ibang Uri ng Akademikong Pagsulat 1. User Manual Nagbibigay ng mga instruksyon kung paano gamitin o i-operate ang isang produkto o kagamitan. Karaniwang detalyado ang mga hakbang sa paggamit, paglilinis, at pag-aayos ng produkto. May kasamang mga babala, diagram, at mga paglalarawan upang mas madaling maunawaan ng mambabasa. 2. Assembly Manual Naglalaman ito ng mga detalyadong hakbang kung paano pagsasama-samahin ang mga bahagi ng isang produkto. Karaniwang gumagamit ito ng mga ilustrasyon at diagram na nagpapakita ng bawat hakbang upang mapadali ang proseso ng pagpupulong. Minsan, kasama rin ang mga tool at materyales na kinakailangan sa pagpupulong. 3. Scientific Paper Ang scientific paper ay isang pormal na ulat ng pananaliksik sa larangan ng agham o medisina. Karaniwang naglalaman ito ng metodolohiya, mga resulta, pagsusuri, at konklusyon mula sa isang pag-aaral o eksperimento. Ang layunin nito ay upang ipaalam ang mga bagong tuklas sa akademikong komunidad o mga propesyonal sa industriya. 4. White Paper Karaniwang ginagamit sa industriya at negosyo, ang white paper ay isang ulat na naglalayong magbigay ng impormasyon tungkol sa isang produkto, teknolohiya, o serbisyo at ipakita ang mga benepisyo nito. Tumutulong ito sa mga negosyo na magbigay ng solusyon sa isang partikular na problema at makapagbigay ng mga rekomendasyon para sa mga mambabasa na may interes sa paksa. IV. DYORNALISTIKONG PAGSULAT Ang Dyornalistikong Pagsulat ay isang uri ng pagsulat na ginagamit sa pamamahayag. Layunin nito na maghatid ng mga balita at impormasyon sa publiko sa isang malinaw, tumpak, at obhetibong paraan. Sa pamamagitan ng pagsulat na ito, inaasahang makapagbigay ng kamalayan ang mga tao tungkol sa mahahalagang pangyayari sa kanilang paligid – sa lipunan, gobyerno, negosyo, at iba pang larangan. Ang Dyornalistikong Pagsulat ay mahalaga sa pagtuturo sa mga tao ng kasalukuyang kalagayan at sitwasyon sa mundo, at tumutulong sa pagbuo ng opinyon at kritikal na pag- iisip. Layunin 1. Magmulat ng kaisipan - Layunin ng manunulat na buksan ang isipan ng publiko tungkol sa iba’t ibang isyu sa lipunan. Ito ay naglalayong magbigay ng impormasyon na maaaring hindi pa nila alam, o kaya’y pagyamanin ang kanilang pag-unawa sa isang paksa. 2. Maging tagapagtanggol ng katotohanan - Ang pangunahing tungkulin nito ay ihatid ang katotohanan, kaya’t mahalaga na maging mapanuri at masigasig ang isang manunulat sa paghahanap ng wastong impormasyon. 3. Magbigay ng aliw - Sa pamamagitan ng mga artikulo tungkol sa showbiz, sports, at iba pang nakakaaliw na paksa, natutulungan ang mga mambabasa na magkaroon ng kaalaman habang sila ay nag-eenjoy. Ang magaan na aspeto ng dyornalistikong pagsulat ay nagbibigay ng pahinga sa mga mambabasa mula sa mga mabibigat na balita. Proseso o Pormat Karaniwang sinusunod ang Inverted Pyramid Format, kung saan ang pinakamahalagang impormasyon ay nasa itaas o unahan ng artikulo. Ang layunin ng ganitong pormat ay upang mabigyan agad ng impormasyon ang mga mambabasa nang hindi nila kailangang basahin ang buong artikulo. Ang pormat ay sumusunod sa mga pangunahing tanong ng balita: Sino? - Mahalaga ang mga detalye tungkol sa mga taong kasangkot upang magkaroon ng personal na koneksyon ang mga mambabasa sa istorya. Ano? - Dapat malinaw na ipahayag ang isyu o pangyayaring sakop ng balita. Saan? - Ang detalye ng lokasyon ay nagbibigay ng konteksto sa balita at maaaring makapukaw ng interes kung ito ay malapit sa mambabasa. Kailan? - Ang wastong oras at petsa ay nagbibigay ng kaangkupan sa balita, lalo na kung ito ay tumutukoy sa mga kasalukuyang pangyayari. Bakit? - Ang pagpapaliwanag sa dahilan ay makakatulong upang mas maunawaan ng mga mambabasa ang konteksto ng balita. Paano? - Ang pagsasalaysay sa proseso ng pangyayari ay nagdadagdag ng lalim at konteksto sa balita. INVERTED PYRAMIT FORMAT: Mga Pangunahing Katangian 1. Pagiging Obhetibo Mahalaga na ang dyornalistikong pagsulat ay maging obhetibo, ibig sabihin ay walang pinapanigan at nagpapakita lamang ng totoo at tumpak na impormasyon. Dapat na mapanatili ng manunulat ang pagiging neutral upang maiwasan ang pagkiling sa isang panig o opinyon. Ang pagiging obhetibo ay nagpapatibay sa kredibilidad ng manunulat at ng publikasyon. 2. Makatarungan at Balanse Ang dyornalistikong pagsulat ay nararapat na sumunod sa prinsipyo ng katarungan at balanseng pagbabalita. Dapat bigyang-pansin ng manunulat ang lahat ng mga partido sa isang usapin at tiyaking hindi nangingibabaw ang isang panig. Ito ay upang masiguro na ang mga mambabasa ay nagiging makatarungan din sa pagbuo ng kanilang opinyon. 3. Klaro at Tama Ang pagiging malinaw at tama sa mga detalye ng balita ay mahalaga upang hindi malito ang mambabasa at maiwasan ang pagkalat ng maling impormasyon. Ang bawat detalye ay kailangang mapag-aralan at ma-verify bago ito ilathala. Ang mga estadistika at iba pang impormasyon na ipapahayag ay dapat na tama at wastong sinasaliksik. Iba’t Ibang Uri ng Akademikong Pagsulat 1. Balita (News Reports) Tumutukoy sa mga artikulo na naglalaman ng mga mahahalagang pangyayari na may kinalaman sa publiko. Layunin nitong magbigay ng agarang impormasyon tungkol sa mga pangyayari sa paligid ng mambabasa, mula sa mga lokal na balita hanggang sa mga internasyonal na isyu. Kadalasang saklaw ng balita ang mga pangyayari sa politika, ekonomiya, kalusugan, at iba pang aspeto ng pamumuhay. Mahalaga na ang balita ay napapanahon, kaya't ito ay regular na ina-update upang maging kapaki-pakinabang sa mga mambabasa. 2. Editorial Writing Ang editorial ay isang anyo ng dyornalistikong pagsulat na naglalaman ng pananaw o opinyon ng manunulat o ng editoryal na board ng isang publikasyon. Layunin nitong makapagbigay ng diskurso at hikayatin ang mambabasa na magkaroon ng sariling pananaw sa isyung tinalakay. Ang mga argumento na binibigay ay karaniwang sinusuportahan ng ebidensya at mga halimbawa upang mas mapatibay ang pahayag. Mahalaga ang papel ng editorial sa pagbibigay ng opinyon at sa pagbuo ng kolektibong pananaw ng komunidad. 3. Lathalain Isang mas malalim na anyo ng dyornalistikong pagsulat. Nilalaman nito ang mga kwento na kadalasan ay personal o malikhaing pagsasalaysay ng isang pangyayari. Maari rin itong magbigay ng impormasyon tungkol sa isang paksa sa mas malalim at mas detalyadong paraan. Kabilang dito ang mga paksang hindi karaniwang saklaw ng mga balita, tulad ng mga personal na kwento, kwento ng tagumpay, mga natatanging personalidad, at iba pa. Dahil mas malaya ang porma ng lathalain, ito ay maaaring magkaroon ng mas maraming naratibong elemento na magbibigay aliw sa mambabasa. 4. Photojournalism Isang natatanging uri ng dyornalistikong pagsulat na gumagamit ng mga larawan bilang pangunahing midyum ng pagpapahayag. Layunin nito na makapagbigay ng visual na representasyon ng isang pangyayari, na kadalasan ay sinasamahan ng mga caption o maikling paliwanag. Mahalaga ang papel ng photojournalism sa pagpapakita ng mga kwento sa pamamagitan ng mga larawan, sapagkat ang isang litrato ay maaaring makapagdala ng mga emosyon at makapagpukaw ng damdamin ng mga mambabasa. V. PROPESYONAL NA PAGSULAT Ang propesyonal na pagsulat ay isang uri ng pagsulat na ginagamit sa mga lugar ng trabaho at iba pang propesyunal na gawain. Layunin nitong maghatid ng malinaw, maayos, at tumpak na impormasyon na kinakailangan sa iba’t ibang propesyonal na sitwasyon. Ang pagsulat na ito ay naka-focus sa pagtugon sa mga pangangailangan ng mga mambabasa nito sa isang propesyonal na konteksto, tulad ng sa negosyo, edukasyon, at pamahalaan. Kabilang dito ang iba't ibang anyo ng dokumentasyon na mahalaga sa pag-uulat, pagtatala ng mga kasunduan, at pakikipagkomunikasyon. Layunin 1. Paglikha ng dokumentasyon - Layunin nito ang lumikha ng mga dokumentong magpapatunay ng mga transaksyon, kasunduan, at iba pang mahahalagang usapin sa loob ng isang organisasyon o propesyonal na setting. 2. Pagpapaunlad - Ginagamit upang magbigay ng mga rekomendasyon o mungkahi para sa pagpapabuti ng sistema, proseso, o serbisyo. Mahalaga ang detalyadong pagsisiyasat at analisis upang makabuo ng epektibong mga plano para sa ikauunlad ng isang organisasyon o industriya. 3. Pagsusuri - Layunin ng propesyonal na pagsulat na magsagawa ng masusing pagsusuri para makagawa ng mga konklusyon o desisyon batay sa mga ebidensiyang nakalap. Kabilang dito ang feasibility studies, risk assessments, at market analysis. 4. Pagtuturo o Pagsasanay - Ginagamit din ang propesyonal na pagsulat upang makapagbigay ng mga instruksyon at pagsasanay. Halimbawa nito ang mga training manuals, instruction guides, at mga policy documents na tumutulong sa mga empleyado o miyembro ng organisasyon na maging mas produktibo at epektibo sa kanilang mga tungkulin. Mga Pangunahing Katangian 1. Malinaw at Maiksi Mahalaga na ang propesyonal na pagsulat ay maikli at tuwiran. Kinakailangang ipahayag ang mensahe nang walang paligoy-ligoy. Gamit ang prinsipyo ng "Don't use three words when you can say something in one," mahalagang maging maigsi upang maiwasan ang kalituhan at mas mabilis maihatid ang impormasyon. 2. Research-based Ang mga dokumentong propesyonal ay karaniwang nakabatay sa mga datos at ebidensiya mula sa mga mapagkakatiwalaang mapagkukunan. Nangangailangan ito ng masusing pananaliksik, kung saan ang mga impormasyon ay maaaring galing sa mga akademikong journal, eksperto, at iba pang mga materyal na may kredibilidad. Ang ganitong pagsulat ay nagpapakita ng katumpakan at pagiging maaasahan ng impormasyon. 3. Naaayon sa Batas Dapat isaalang-alang ang mga batas at regulasyon na umiiral sa larangan ng isinulat na dokumento. Ito ay lalo nang mahalaga sa mga dokumentong may legal na implikasyon tulad ng mga kontrata, proposals, at memorandum. Sa ganitong paraan, natitiyak na walang paglabag sa mga tuntunin ng batas at masiguro na ang interes ng lahat ng partido ay protektado. Iba’t Ibang Uri ng Akademikong Pagsulat 1. Reports Ang mga ulat ay isang detalyado at sistematikong pagsasalaysay ng impormasyon o datos. Karaniwang ginagamit sa negosyo, edukasyon, at iba pang propesyonal na larangan. Nagsisilbi itong basehan para sa mga desisyon ng mga nasa pamunuan at nagbibigay rin ng insight para sa pagsusuri ng mga resulta ng iba't ibang aktibidad o proyekto. 2. Memorandum Ginagamit ang memorandum upang maghatid ng anunsyo, paalala, o mga pagbabago sa mga patakaran ng isang organisasyon. Layunin nitong magbigay ng mahalagang impormasyon o direktiba sa mga miyembro ng isang grupo o institusyon. Dahil dito, mahalagang maikli, malinaw, at tuwiran ang bawat mensahe na ipinaparating. 3. Business Letters Ginagamit sa pormal na komunikasyon sa loob ng propesyonal na mundo. Madalas itong ginagamit sa mga pag-aplay sa trabaho, pag-transaksyon sa mga kliyente, o pagpapahayag ng mga opisyal na intensyon. Kinakailangan nitong sundin ang wastong anyo at estilo, tulad ng pagkakaroon ng introduction, body, at closing, upang maging propesyonal at maayos ang dating nito sa mga tumatanggap. 4. Proposals Mga dokumento na naglalayong magmungkahi ng proyekto, solusyon, o plano para sa isang partikular na gawain o problema. Layunin nito na makumbinsi ang mga pinuno o stakeholders na tanggapin ang mga ideya at solusyon na inilahad sa proposal, kaya't mahalaga ang detalyadong pagpapaliwanag, mga datos, at praktikal na aplikasyon. 5. Resume Isinusulat ang resume upang ipakita ang mga kwalipikasyon, karanasan, at mga kasanayan ng isang indibidwal na nag-aaplay sa isang posisyon. Kadalasan, may mga bahagi ang resume tulad ng personal na impormasyon, edukasyon, karanasan sa trabaho, at mga kasanayan na mahalaga sa trabahong nais makuha. Ito ay nagpapakita ng mga kakayahan ng aplikante na maaaring maging batayan para sa hiring process. 6. Contracts Ang mga kontrata ay mga legal na dokumento na naglalaman ng mga kasunduan sa pagitan ng dalawang partido. Mahalaga ang eksaktong mga termino at kondisyon dahil may legal na obligasyon ang bawat panig na sundin ang mga nakasaad dito. Kadalasang kinakailangan ang pirma ng lahat ng sangkot upang maging opisyal at balido ang kasunduan. B. Mga Sanggunian: ✓ https://www.scribd.com/document/673845422/dyornalistik-na-pagsulat-g4 ✓ https://www.scribd.com/document/441418565/fil-report-propesyonal-na-pagsulat ✓ https://www.slideshare.net/slideshow/pangkat-2pptx/263259397 ✓ https://www.sanaysay.ph/akademikong-pagsulat/ ✓ https://alamatnimanor.blogspot.com/2020/09/akademikong- pagsulat.html?lr=1727271288824 ✓ https://www.tagaloglang.com/pagsulat/ ✓ https://appwrk.com/types-of-technical-writing ✓ https://www.squibler.io/learn/writing/technical-writing/ ✓ https://www.coursehero.com/file/77556221/TEKNIKAL-NA-PAGSULATdocx