Ulat na Isinulat, Pamantasan ng Lungsod ng Maynila
Document Details
Uploaded by Deleted User
Pamantasan ng Lungsod ng Maynila
2024
Amparo, Joyce T. Bautista, Shaina Mariz C. Borromeo, Blu Rain F. Ranay, Juan Percival V.
Tags
Summary
Ang ulat na ito ay naglalaman ng mga introduksyon sa interdisiplinaryong dulog sa pagbasa at pagsulat. Naglalaman ito ng mga hakbang sa pagbasa gaya ng persepsyon, komprehensiyon, reaksyon, at asimilasyon. Bukod dito, naglalaman din ito ng mga proseso ng inverse at bottom-up cognitive process at ang mga subskills ng pagbasa, tulad ng prediksyon, skimming, pagbabasa ng gist, intensive reading, extensive reading at scanning.
Full Transcript
PAMANTASAN NG LUNGSOD NG MAYNILA Gen. Luna Corner Muralla St., Intramuros, Manila, 1002 Metro Manila Bachelor of Science in Real Estate Management 1-2 Interdesiplinaryong Pagbasa at Pagsulat BATAYANG KAALAMAN SA INTERDISIPLINARYONG DULOG SA PAGBASA...
PAMANTASAN NG LUNGSOD NG MAYNILA Gen. Luna Corner Muralla St., Intramuros, Manila, 1002 Metro Manila Bachelor of Science in Real Estate Management 1-2 Interdesiplinaryong Pagbasa at Pagsulat BATAYANG KAALAMAN SA INTERDISIPLINARYONG DULOG SA PAGBASA AT PAGSULAT Ipinasa nina: Amparo, Joyce T. Bautista, Shaina Mariz C. Borromeo, Blu Rain F. Ranay, Juan Percival V. Ipinasa kay: Gng. Krystal Joyce P. Blasco Setyembre 20, 2024 I. BALANGKAS NG PAKSA Mga Nilalaman: Interdisiplinaryong Dulog sa Pagbasa at Pagsulat Inverse Cognitive Process Mga Subskill ng Pagbasa at Pagsulat Ang Ugnayang Pagbasa at Pagsulat II. INTERDISIPLINARYONG DULOG SA PAGBASA AT PAGSULAT INTERDISIPLINARYONG DULOG SA PAGBASA AT PAGSULAT Ang pagbasa ay proseso ng pagkokonstrak ng kahulugan mula sa tekstong nakasulat. Isa itong komplikadong kasanayan na nangangailangan ng ilang magkakaugnay na hanguan ng impormasyon. Hakbang sa Pagbasa ayon kina Gray at Bernales, et al., (2001) 1. Persepsyon - Ito ay pagkilala sa mga nakalimbag na simbolo. - Ang persepsyon sa pagbasa ay tumutukoy sa pagkilala at pagtukoy sa mga nakalimbag na simbolo o letra. Ito ang unang hakbang sa proseso ng pagbasa, kung saan kinikilala ng mambabasa ang mga titik, salita, at iba pang simbolo upang mabigyan ito ng kahulugan. Ang tamang persepsyon ay mahalaga dahil ito ang pundasyon ng mas malalim na pag-unawa sa binabasa. 2. Komprehensyon - Ito ay pagunawa sa mga nakalimbag na simbolo o salita. - ang komprehensyon ay ang susunod na mahalagang hakbang sa proseso ng pagbasa. Dito, binibigyang kahulugan ang mga salitang nabasa batay sa konteksto, naipong kaalaman, at karanasan ng mambabasa upang lubos na maunawaan ang mensahe ng teksto. Ang layunin ng komprehensyon ay hindi lamang malaman kung ano ang sinasabi ng mga salita, kundi maunawaan din ang kabuuang diwa ng teksto. 3. Reaksyon - Ito ay kaalaman sa pagpasiya o paghatol ng kawastuhan, kahusayan, pagpapahalaga, at pagdama ng teksto. - Ang reaksyon sa pagbasa ay tumutukoy sa pagbibigay ng pasiya o paghuhusga sa binasa, kung ito ba ay makatotohanan, wasto, mahusay, at kung paano ito nakaaapekto sa mambabasa. Kasama rito ang pagsusuri sa kalidad ng impormasyon, pananaw, at istilo ng pagkakasulat ng teksto, pati na rin ang pag-alam kung gaano ito kapaki-pakinabang o makabuluhan. Sa puntong ito, ang mambabasa ay hindi lamang nauunawaan ang teksto kundi nagbibigay na rin ng personal na reaksyon, damdamin, at pagpapahalaga sa nilalaman nito. 4. Asimilasyon - Ito ay kaalaman sa pagsasanib o paguugnay o paggamit ng mambabasa sa kanyang dati at mga bagong karanasan sa buhay. - Sa prosesong ito, ginagamit ng mambabasa ang natutunan mula sa teksto at iniuugnay ito sa mga nakaraang karanasan o alam na, upang makabuo ng mas malalim na pag-unawa. - Ang asimilasyon ay mahalaga dahil dito nagiging makabuluhan at personal ang pagbasa. Ang mga ideya mula sa teksto ay hindi lamang basta nauunawaan, kundi nagiging bahagi na ng kabuuang kaalaman at pananaw ng mambabasa. Sa ganitong paraan, ang pagbabasa ay nagiging mas makabuluhan at may epekto sa pang-araw-araw na buhay. III. INVERESE COGNITIVE PROCESS Inverse Cognitive Process : Ang inverse cognitive process sa pagbabasa at pagsusulat ay tumutukoy sa paraan kung saan ang pag-unawa sa isang paksa o konsepto ay nabubuo sa pamamagitan ng pagbabaliktad ng karaniwang lohikal na daloy ng impormasyon. Ang Karaniwang proseso ng pag-iisip ay nagsisimula muna sa pagbabasa ng mga teksto at pagtatasa ng mga ideya, na sinusundan ng pagsusulat o pagpapahayag ng sariling pananaw o interpretasyon. Ngunit, Sa inverse cognitive process, ang pagsusulat o pagpapahayag ng sariling ideya muna ang ginagawa, at mula rito, nagkakaroon ng mas malalim na pag-unawa sa mga kaugnay na konsepto sa pagbabasa. Narito ang dalawang proseso ng inverse cognitive process: Pagbabasa: (Bottom-up process) Sa pagbabasa tinatawag itong Bottom-up process dahil pinapatunayan nito na ang pagkatuto sa pagbasa ay nagsisimula sa pagkilala sa mga titik, salita, parirala at pangungusap bago malaman ang kahulugan ng teksto. ( sa madaling salita ang bottom up process - ay Binibigyang-pansin muna ng mambabasa ang mga detalyeng nakikita bago makabuo ito ng isang kabuuang pag-unawa sa teksto. ) Ang mambabasa ay isang pasib na partisipante lamang sa proseso ng pagbasa, dahil ang tanging tungkulin niya ay ulitin ang lahat ng mga detalyeng nakasaad tekstong kanyang binabasa. Pagsulat: (Top-down process) - Napatunayan na ang pag-unawa ay hindi nagsisimula sa teksto kundi sa mambabasa (up) patungo sa teksto (down). Sa pagsulat, nagsisimula ang manunulat mula sa kabuuang ideya o layunin, at ipinapahayag ito sa mas maliit na mga yunit tulad ng mga pangungusap, parirala, at mga salita. - Ito ay nangyayari dahil ang mambabasa ay gumagamit ng kanyang mga dating kaalaman at ng konseptong nabuo sa kanyang isipan mula sa kanyang mga karanasan at pananaw sa paligid. Proseso ng manunulat at mambabasa: 1. Mambabasa: Graphic Surface Structure Ang unang proseso sa pagbabasa ay ang graphic surface structure. Ito ay tumutukoy sa pisikal o visual na anyo ng teksto. Dito, ang mambabasa ay nakatuon sa mga nakikitang simbolo o titik sa pahina. Conceived Surface Structure Ang hakbang na ito ay tumutukoy sa interpretasyon ng utak sa grapikong anyo ng teksto. Ang halimbawa nito ay tuwing tayo ay may nababasang salitang "bahay," natutukoy natin ang kahulugan nito bilang isang lugar na tirahan. Deep Structure Sa hakbang n ito, kinikilala ng mambabasa ang mga relasyon ng mga salita (katulad ng pang-uri, pandiwa, paksa) at paano ito bumubuo ng isang lohikal na pangungusap o kaisipan. Meaning Ang mambabasa ay nag-uugnay ng konteksto at personal na interpretasyon sa binabasang teksto. Ang mambabasa ay nagsisimulang makuha ang mas malalim na kahulugan mula sa teksto, kabilang ang mga metapora, simbolismo, at kontekstwal na kahulugan. Knowledge Ito ang pinakamataas na antas ng proseso ng pagbabasa. Dito, isinasama ng mambabasa ang natutunan mula sa binasa sa kanyang personal na kaalaman o worldview. Ito ang yugto kung saan nagiging bahagi ng mas malawak na kaalaman ng isang indibidwal ang mga impormasyon mula sa binasa. Nagiging pundasyon ito ng kritikal na pag-iisip at patuloy na pagkatuto. 2. Manunulat: Knowledge kung saan ang manunulat ay gumagamit ng mga nalalaman o impormasyong nakalap mula sa iba't ibang karanasan, kagaya ng pagbabasa, pag-aaral, o pananaliksik. Nangunguna ito sapagkat walang mabubuong ideya kung walang malalim na pag-unawa o impormasyon ang manunulat. Meaning Ang meaning ang nagbibigay-linaw sa layunin ng pagsusulat. Ito ay kaalaman na kinikilala at isinasaayos upang magkaroon ng direksyon ang isinusulat. Deep Structure Ito ay abstrak na representasyon ng sintaktik na istruktura ng isang pangungusap. Sa madaling salita, Ito ay ang lohikal ng isang pangungusap na hindi agad nakikita sa pagkakaayos ng mga salita sa surface structure. Ang deep structure ay mahalaga upang masigurong may malinaw na direksyon ang pagsusulat. Conceived Surface Structure Ito ay paraan kung paano iniisip o pinaplano ng manunulat ang pagkakabuo ng pangungusap sa kanilang isipan bago nito isulat. Dito naipapakita kung paano ipapahayag ang mga ideya, alin ang dapat unahin, at paano ilalagay ang bawat bahagi ng teksto. Graphic Surface Structure Ito ay tumutukoy sa pisikal na anyo ng pangungusap na nakikita ng mambabasa. Dito na makikita ang buong produkto ng pagsusulat mula sa kaalaman hanggang sa aktwal na pagsasakatuparan nito. 4. Fragmented Curriculum Development at Isolated Skill Structure: - Ang fragmented curriculum development at isolated skill structure ay konsepto na tumutukoy sa paraan ng pagtuturo kung saan ang mga kasanayan tulad ng pagbabasa at pagsulat ay tinuturo bilang magkahiwalay na proseso. - Sa loob ng klasrum, at lalo na sa language arts at kolehiyo, madalas na nakikita ang pagbabasa at pagsulat bilang magkaibang entity o kasanayan. - Ngunit, ilang mga edukador na hindi sumasang-ayon sa ideya na ang pagbabasa at pagsulat ay magkahiwalay na kasanayan. Sa halip, sinasabi nila na ang dalawang kasanayan na ito ay dapat pantay at maaaring pagsamahin dahil pareho silang mahalaga at magkaugnay sa pagkatuto ng isang tao. - Kagaya na lamang ng sinabi ni taylor, ang mga subskill ng pagbabasa at pagsulat ay magkaugnay at pareho lamang. kaya maaaring magamit ang mga ito nang sabay. Ideya at Kasanayan ng pagsusulat at pagbabasa: Ideya Ito ay tumutukoy sa pangunahing kaisipan o paksang nais ipahayag sa isang teksto. Ito ang sentro ng anumang sulatin o binabasang akda, kung saan umiikot ang lahat ng impormasyon. Suporta sa Ideya Tumutukoy ito sa kakayahan ng manunulat o mambabasa na magbigay ng mga detalye o ebidensya upang suportahan ang pangunahing ideya ng isang teksto. Ang suporta sa ideya ay mahalaga upang maging malakas ang argumento ng isang akda. Koherens ng Pangungusap Ang koherens ay tumutukoy sa maayos na pagkakaugnay-ugnay ng mga ideya sa loob ng isang pangungusap o talata. Mahalaga ito upang malinaw at madaling maintindihan ng mambabasa ang mensahe ng teksto. Paghihinuha Tumutukoy ito sa kakayahang gumawa ng konklusyon o hinuha batay sa impormasyon na hindi direkta naibibigay sa teksto. Halimbawa nito ay Kung ang teksto ay hindi direktang nagsasabi na malungkot ang isang karakter, ngunit inilarawan na umiiyak ito, makakagawa ang mambabasa ng hinuha na ang karakter ay nakararanas ng lungkot. Organisasyon ng ideya Ang mahusay na pagkakaayos ng mga ideya ay mahalaga sa parehong pagsusulat at pagbabasa upang magkaroon ng malinaw na mensahe. Sa pagsusulat, ito ang nagpapakita ng lohikal na daloy ng mga impormasyon; sa pagbabasa, ito ang tumutulong sa mambabasa na masundan ang lohika ng may-akda. Kaibahan ng katotohanan at opinyon Ito ay may kakayahang makilala kung alin ang ebidensya o datos (katotohanan) at alin ang personal na pananaw (opinyon). Nakakatulong ito sa mambabasa na malaman kung alin ang mga bahagi ng teksto na base sa aktwal na impormasyon at alin ang naglalaman ng sariling pananaw ng manunulat. Patern ng pagkakaayos Tumutukoy ito sa iba't ibang paraan ng pag-aayos ng mga ideya, tulad ng sunod-sunod, sanhi at bunga, o paghahambing. Ang wastong pattern ng pagkakaayos ay nakakatulong upang malinaw na mailahad ang mensahe at makatulong sa mambabasa na mas madali itong maunawaan. Konklusyon mula sa ideya Ito ay ang pagbuo ng konklusyon batay sa mga pangunahing ideya ng teksto. Sa pagbasa, ito ang kakayahan ng mambabasa na magbigay ng kabuuang interpretasyon mula sa mga ipinahayag na ideya. Konklusyon mula sa detalye Ang konklusyon mula sa detalye ay ang kakayahang magbuo ng mga palagay o desisyon batay sa mga partikular na impormasyong inilatag. Sa pagbasa, at pagsusulat mahalaga ang pagsusuri sa mga ebidensya at detalye upang makabuo ng tamang konklusyon. Ugnayang kosatib ⁃ Pang huli ay ang ugnayang kosatib. Ang ugnayang kosatib ay tumutukoy sa relasyon ng sanhi at bunga, na mahalaga sa parehong pagbasa at pagsulat. IV. MGA SUBSKILL NG PAGBASA AT PAGSULAT Mga Subskill ng Pagbasa 1. Prediksyon – Pagtatangkang hulaan ang kahulugan ng teksto matapos basahin ang ilang bahagi para makabuo ng isang ideya. Diba pag nagbabasa tayo ng header o titulo sa balita maiintindihan na agad natin kung tungkol saan ang tatalakayin nito. Ganun lang ang ibig sabihin ng prediksyon. Kahit hindi kumpletong teksto yung mabasa natin, nagkaka ideya na tayo. 2. Skimming – Mabilisang pagbasa upang makuha ang kabuuang ideya o diwa ng teksto. Eto naman kunyari nag apply ka sa isang organisasyon o unibersidad. Syempre magbibigay yan ng email kung nakapasok ka ba o hindi. Minsan nag sskim na tayo para malaman agad kung nakapasok tayo diba? Ganyan ang skimming. 3. Pagbabasa ng Gist – Pagkuha ng pinakamahalagang bahagi o diwa ng teksto, nakatuon sa mga pangunahing impormasyon. Ang magandang halimbawa naman nito ay kapag nag sscroll tayo sa social media tulad ng fb o tiktok, tapos kunyari may mababasa tayong “Ang mga magandang epekto at benepisyo ng pagtulog nang maaga…” syempre agad nating maiintindihan na ang post ay tungkol sa kalusugan at kahalagahan ng pagtulog. Wag kayong malilito sa Prediksyon at Pagbabasa ng Gist dahil ang Predisyon ay ang paghula ng kahulugan ng teksto upang makabuo ng isang ideya at ang Pagbasa ng Gist naman ay pagkuha ng pinakamahalagang bahagi ng teksto, nakatuon sa mga pangunahing impormasyon. 4. Scanning– Nakapokus sa paghahanap ng tiyak na impormasyon o detalye sa teksto. Ang halimbawa naman rito ay nag sscan ka ng resibo sa grocery dahil nais mong malaman ang eksaktong halaga ng binili mong produkto. Ano ba ang ipinagkaiba nito sa Skimming? Ginagamit ang Skimming kapag may nais kang alamin na ideya sa teksto ngunit ayaw mong basahin ang kabuuan. Samantalang, ang Scanning ay nakapokus ka sa paghahanap ng tiyak na impormasyon. Kunyare sa resibo ng grocery hinahanap mo magkano yung nabili mong gulay, dedma sa iba mong binili kasi nakapokus ka na alamin ang presyo lamang ng gulay. 5. Masinsing Pagbasa (Intensive Reading) – Maingat at masusing pagbasa upang lubos na maunawaan ang nilalaman ng teksto. Pag inom ng pills o medikasyon - tulad na lamang ng birth control. Bago inumin binabasa ang manual para malaman ang mga epekto nito kung sakaling iinumin. Yan ang masinsing pagbasa, dapat na basahin nang mabuti at suriing mabuti. 6. Pag-unawa sa Mga Ipinahihiwatig – Pagtukoy sa mga nakatagong kahulugan mula sa talasalitaan o pananaw ng manunulat. Guest speaker o sa mga article na nababasa natin tulad ng (balita) - hindi nila sinasabi ng direktahan ang pagiging bias ng politiko, ngunit sa tono o sa kung papaano nila ito isinulat ay napagtanto mong may kinakampihan ito. 7. Masaklaw na Pagbasa (Extensive Reading) – Pagbasa ng buong teksto upang makuha ang kabuuang mensahe at layunin. Ito ay karaniwang ginagamit sa mga mahahabang akda o babasahing hindi kailangan ng pagsusuri ng bawat detalye. Katulad ng pagbasa ng isang buong nobela ginagawa ito upang maintindihan ang tema at kuwento. Mga Subskill ng Pagsulat 1. Mekaniks – Tumutukoy sa tamang pagbaybay ng mga salita, wastong paggamit ng mga bantas, at iba pang teknikal na aspeto ng pagsusulat. Sa pagsulat ng isang sanaysay, kapag ginamit mo nang tama ang mga bantas tulad ng tuldok, kuwit, at tuldok-kuwit sa bawat pangungusap at sinugurado mong tama ang baybay ng mga salita, pasok ito sa isang subskill ng pagsulat na tinatawag na Mekaniks. 2. Organisasyon – Pagsasaayos ng mga salita, paggamit ng talasalitaan at mga idyoma, at pagbubuo ng malinaw na mga talata, paksa, at kaisahan ng mga ideya. Eto rin kapag nagsusulat ka ng sanaysay, tapos may malinaw na simula, katawan, at wakas at ang bawat talata ay konektado, nagpapakita ito ng Organisasyon. 3. Sintaks – Pag-aaral ng wastong istruktura ng mga pangungusap at pagsasama-sama ng mga salita upang makabuo ng lohikal na parirala o pangungusap. Ang halimbawa naman rito ay kapag nagsusulat ng liham. Lahat naman siguro tayo dito nakapag sulat na ng liham noh. Diba pag nagsusulat tayo ng liham dapat tama ang pagkakaayos ng pangungusap, wasto ang estruktura ng mga salita, at tamang pagkakasunod-sunod ng mga bahagi ng pangungusap. 4. Balarila o Gramatika – Pagtalakay sa mga tuntunin ng wika, kasama na ang mga uri ng salita, tamang pagbubuo, at wastong paggamit ng mga ito sa pagsulat. Halimbawa Si Shaina ay nag-aral araw-araw. Si Shaina ay nag-aaral araw-araw. Diba mas tamang pakinggan yung pangalawa? Kasi ang pangalawa ay magkatugma ang pandiwa at pangalan sa pangungusap. 5. Nilalaman – Paglikha ng malinaw, magkakaugnay, at lohikal na ideya na nagpapakita ng orihinalidad at pagiging organisado sa kabuuan ng sulatin. Ang halimbawa naman rito ay pag gumagawa tayo ng pananaliksik o research paper ang bawat ideya ay malinaw at lohikal na nakaayos. Mula sa pagpapakilala ng paksa hanggang sa mga argumento. 6. Pagbuo ng mga Ideya at Pagrebisa – Proseso ng paglikha ng mga konsepto sa pagsulat, paggawa ng mga draft, at pagsasaayos o pagrebisa ng mga ito upang mapabuti ang sulatin. Diba bago ipasa ang iyong sanaysay dapat gumagawa ka muna ng unang draft at sinusuri mo ang mga ideya. Syempre pagtapos, ieedit mo ang ilang mga talata, maaaring may tinanggal ka o idinagdag o pwede ring may inayos ka na hindi klarong bahagi para mas mapabuti ang iyong sulatin. Batay sa mga inilahad na kahulugan at subskill, masasabi na ang kasanayang pagsulat ay itinuturing na isang proseso dahil bago pa man magsimula ang aktwal na pagsusulat, dumaraan ang isang manunulat sa puspusang paghahanda at preparasyon. Tandaan nyo, Bawal tayo magsulat nang biglaan o mabilisan lalo na kung may gusto tayong patunayan sa isinusulat natin; ito ay nangangailangan ng sapat na panahon upang makabuo ng isang malinaw, maayos, at makabuluhang akda. Upang maging epektibo ang proseso ng pagsusulat, kinakailangan ng isang sistema na tutugon sa mga pangangailangan ng manunulat. Kabilang dito ang pagtatanong upang malinawan ang layunin, pagpaplano para maayos ang daloy ng ideya, pagbabalangkas upang mabuo ang istruktura ng sulatin, at pagrebisa upang matiyak ang pagiging tama, lohikal, at organisado ng akda. Ang lahat ng ito ay mahalagang hakbang sa pagkamit ng matagumpay na sulatin. V. ANG UGNAYANG PAGBASA AT PAGSULAT PAGBASA - Pagtanggap sa pamamagitan ng pag tugon ng damdamin at kaisipan sa mga titik at simbolo na kalimbas sa pahina. Isa itong pagtuklas sa iba’t ibang larangan. PAGSULAT - Pagsasalin sa papel o sa ano mang kasangkapan na maaring magamit na mapagsasalinan ng mga nabuong salita, simbolo, at ilustrasyon ng isang tao o mga tao na layuning makapagpahayag ng kanilang kaisipan. Bakit tayo Nagbabasa? - Nagbabasa tayo upang matuto, palawakin ang ating kaalaman, at maunawaan ang mundo sa ating paligid. Sa pamamagitan ng pagbabasa magkakaroon tayo ng bagong pananaw at mas malalim na pag-unawa sa iba’t ibang karanasan at ideya. Bakit tayo Nagsusulat? - Sapagkat nais nating isulat ang ating saloobin, naiisip, at nais nating maiparating sa mga mambabasa. Itinuturing ni Pearson (1985) ang ugnayang pagbasa at pagsulat bilang “ Nag-iisang pinakamahalagang pagbabago sa pagtuturo ng wika” Napatunayan sa pag-aaral nina Noyce at Christie (1989) na mabisa ito sa pagtuturo kung pag-uugnayin. Paano ang pagbuo ng Ugnayang Pagbasa at Pagsulat Nakatuon ang pagbasa at pagsulat sa wikang pasulat. Paliwanag: Dahil dito umiinog ang parehong kakayahan. Sa Pagbasa iniintindi ng tao o mag-aaral ang mga nakasulat na salita, habang sa pagsulat, siya ay gumagawa ng mga teksto o salita, dahil dito parehong nakatuon sa pag-unawa at pagpapahayag ng mga ideya sa anyo ng simbolo o letra, ang dalawang kasanayan ay hindi maaaring paghiwalayin sa konteksto ng wikang pasulat. Ang literasi ay kakayahang makabasa at makasulat. Paliwanag: Ang literasi o pagiging literado ay nangangahulugang kakayahang parehong makabasa at makasulat. Upang maituring na ganap na literado, kinakailangan ang kasanayan sa pag-unawa ng nakasulat at pagpapahayag ng ideya sa pagsulat.. Magkakasama sa pamamagitan ng kahulugan at gawain pampagtuturo ng pagbasa at pagsulat. Paliwanag: Kailangan sa pagtuturo, laging magkasama ang pagbasa at pagsulat dahil parehong nakatuon ang mga ito sa pag-unawa at pagpapahayag ng kahulugan. Ang layunin ay pag-ugnayin ang dalawang kasanayan upang mapaunlad ang mga kabuuang literasi ng mga mag-aaral. Gawaing pangkaisipan at magkakaugnay ang sentro ng pag-iisip. Paliwanag: Ang pagbasa at pagsulat ay parehong nangangailangan ng aktibong pag-iisip. Sa pagbasa, sinusuri at inuunawa ng utak ang nilalaman ng teksto, habang sa pagsulat, ginagamit nito ang mga ideya at impormasyon para lumikha ng makabuluhang teksto. Ang dalawang kasanayang ito ay magkaugnay dahil parehong umaasa sa parehong proseso ng pag-iisip para sa pagbuo at pagproseso ng impormasyon. Nangangailangan ng kritikal na pag-iisip. Paliwanag: Ang pagbasa at pagsulat ay parehong nangangailangan ng kritikal na pag-iisip para sa mas epektibong pagpapahayag at pag-unawa ng mga ideya. Syempre mahalaga ang pag-iisip nang kritikal sa dalawang aspeto upang mapabuti ang pag-unawa at komunikasyon. Nagagamit ang kritikal na pag-iisip sa pagbasa at pagsulat. Paliwanag: Sa pagbasa, ginagamit ang kritikal na pag-iisip para suriin ang kredibilidad ng impormasyon at bisa ng impormasyon. Sa pagsulat, ang parehong kasanayan ay tumutulong sa pagbuo ng malinaw at maayos na impormasyon, pagsusuri ng nilalaman at pagpapabuti ng kalidad ng pagsulat. Limang Saklaw na Nag-Uugnay sa Pagbasa at Pagsulat Kaalaman sa Impormasyon Paliwanag: Ito ay tumutukoy sa kakayahan ng Isang tao na maunawaan at maproseso ang iba’t ibang uri ng datos na kanilang natatanggap. Kabilang dito ang pag-unawa sa mga detalye, pagpapaliwanag ng kahulugan, at paggamit ng impormasyon sa praktikal na paraan.. Kaalaman sa Istruktural Paliwanag: Ito ay tumutukoy sa pag-unawa ng estruktura at anyo ng teksto tulad ng balangkas, pagkakasunod-sunod ng mga ideya, at gramatikal na bahagi ng mga pangungusap. Mahalaga ito sa pagpapabuti ng kasanayan sa pagbasa at pagsulat dahil nakakatulong ito sa mabisang pagbuo at pagsusuri ng nilalaman. Kaalaman sa Transaksyonal Paliwanag: Tumutukoy sa pag-unawa ng layunin at konteksto ng komunikasyon sa pagitan ng mga tao. Kasama dito ang pag-intindi sa kung paano ang mga teksto ay ginagamit para sa tiyak na layunin, tulad ng pakikipag-ugnayan, pag-aayos ng impormasyon, o paglalapit ng ideya. Kaalaman sa Aestetiko Paliwanag: Ito naman ay tumutukoy sa pag-unawa at pagpapahayag sa mga elementong artistiko at pandamdamin ng teksto. Kasama dito ang pag-aaral ng istilo, tono, at iba pang aspeto na nagpapaganda at nagpapayaman sa karanasan ng pagbasa at pagsulat. Kaalaman sa Proseso Paliwanag: Ito ay tumutukoy sa pag-unawa sa mga hakbang at estratehiya na kailangan upang epektibong maka pagbasa at makasulat. Kabilang dito ang mga teknik sa pag-unawa ng nilalaman, organisasyon ng mga ideya, at pagrebisa ng teksto upang mapabuti ang kalidad ng pagsulat at pagbasa. Napatunayan sa pag-aaral ni Kelly (1990) na ang mga mag-aaral na naka pagsusulat ng tungkol sa kanilang binasang akda ay higit na nauunawaan ang kanilang binabasa. Paliwanag: Ayon sa pag-aaral ni Kelly noong 1990, mas malalim ang pag-unawa ng mga mag-aaral sa kanilang binasa kapag naka pagsulat sila ng kanilang mga saloobin at interpretasyon tungkol sa kanilang binasa. Ang pagsulat ay tumutulong sa kanila na masuri ang mga detalye ng akda at magkaroon ng mas malinaw na pag-unawa sa nilalaman nito, kapag sila ay nakaka pagsulat tungkol sa aklat na kanilang nabasa ay kanilang natutunan ang proseso ng pagkakasunod-sunod na yunit ng wika. Nalilinang nila ang mga kasanayan sa: Encoding at Decoding Pagsulat ng pangungusap Paglinang ng talata Pagsulat ng higit na mahabang seleksyon Ang Kahalagahan ng Ugnayang Pagbasa at Pagsulat Nagiging masigla ang pagkatutong literasi Nagaganap ang pagkatuto Nalilinang ang aspeto ng pag unawa Naihahanda ang mga mag-aaral sa daigdig na naghihintay sa kanila MGA SANGGUNIAN: https://www.coursehero.com/file/77289839/FILIPINO-MIDTERMS-REVIEWERpdf/ https://www.studocu.com/ph/document/pamantasan-ng-lungsod-ng-maynila/interdisip linaryong-pagbasa-at-pagsulat-tungo-sa-mabisang-pagpapahayag/ipp-notes-1-ipp-note s/25774155 https://studylib.net/doc/25630476/inter-filipino-midterm-compress