HEKASI 4: Ang Klima at Panahon sa Pilipinas (Mother Goose Special School System) PDF
Document Details
Uploaded by PrudentBiedermeier
Mother Goose Special School System, Inc.
2023
Tags
Summary
Ang dokumentong ito ay naglalaman ng impormasyon tungkol sa klima at panahon sa Pilipinas. Tinalakay dito ang mga salik na nakakaapekto sa klima ng bansa, tulad ng lokasyon, altitude, hangin, at katubigan. Mababasa rin dito ang tag-ulan at tag-araw sa bansa.
Full Transcript
Mother Goose Special School System, Inc. Aralin 4: HEKASI IV 1st TRIMESTER ANG KLIMA AT PANAHON SA PILIPINAS SANGGUNIAN Blg. 4 Panahon o weather - kondisyon ng...
Mother Goose Special School System, Inc. Aralin 4: HEKASI IV 1st TRIMESTER ANG KLIMA AT PANAHON SA PILIPINAS SANGGUNIAN Blg. 4 Panahon o weather - kondisyon ng atmospera sa isang lugar sa loob ng ilang oras. Klima- pangkalahatang kalgayan ng atmospera sa isang lugar sa mahabang panahon. Ang Pilipinas ay may klimang tropikal. Ang tag-araw ay nagsisimula ng Disyembre at nagtatapos ng Mayo. Ang tag-ulan ay nagsisimula ng Hunyo at nagtatapos ng Nobyembre. Ang Pilipinas ay isang bansang insular dahil napaliligiran ito ng malalaking anyong tubig. Mga Salik na Nakakaapekto sa Klima 1. Latitud o Lokasyon ng lugar sa mundo 2. Altitude o taas ng lugar 3. Temperatura – tumutukoy sa init o lamig ng isang bagay o lugar. 4. Hangin Hanging Habagat (Southwest Monsoon) Mula sa Timog-Kanluran ng Pilipinas ang malamig na hanging ito. Nararamdaman sa buwan ng Mayo hanggang Setyembre. Dala nito ang ulan at bagyo sa bansa. Hanging Amihan (Northeast Monsoon) Mula sa China at Siberia ang malamig na hanging ito. Nararanasan sa buwan ng Nobyembre hanggang Pebrero. 5. Katubigan 6. Dami ng ulan El Niño– tumutukoy sa pag-init ng tubig sa bahagi ng Karagatang Pasipiko. Ito ay nagdudulot ng tagtuyot. La Niña– ang paglamig ng tubig sa bahagi ng Karagatang Pasipiko. Ito ay nagdudulot ng pag-ulan. Richter Scale- panukat na ginagamit upang tukuyin ang lakas ng lindol. MGSSSI: School Year 2022-2023 Mother Goose Special School System, Inc. Hazard Map – ipinapakita ng mapang ito ang mga lugar kung saan posibleng magbaha. Geohazard mapping – upang matukoy ang mga mapanganib na lugar sa bansa. Nagbibigay ng impormasyon tungkol sa nakaambang panganib sa mga tao bunga ng lokasyon ng kanilang tirahan. Pacific Ring of Fire – tumutukoy sa mga lugar na kung saan ay nakararanas ng palagiang paglindol at pagsabog ng bulkan. Ang mga ito ay nakapalibot sa Karagatang Pasipiko. PAGASA – Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration Mga Babala ng Bagyo Babala Bilang 1 – sa loob ng 36 na oras, inaasahan ang pagdating ng hanging may lakas na 60 kilometro bawat oras. Kailangang maging handa sa mga mangyayari. Babala Bilang 2 – sa loob ng 24 oras, inaasahang darating ang hanging may lakas na 60 hanggang 100 kph. Babala Bilang 3 – sa loob ng 12 hanggang 18 oras, inaasahang darating ang hanging may lakas na 100 kph. Babala Bilang 4 – sa loob ng 12 oras o di kaya’y mas maaga pa, darating ang bagyong may lakas na 185 kph. Ang bagyo ay lubhang mapanganib. MGSSSI: School Year 2022-2023