Mga Epekto ng Climate Change (Tagalog) PDF
Document Details
Uploaded by Deleted User
Tags
Related
Summary
Ang dokumento ay naglalaman ng mga impormasyon tungkol sa klima, global warming, green house effect, at ang epekto nito sa agrikultura. Mayroon ding mga impormasyon tungkol sa mga pagbabago sa klima ng tropiko at subtropiko. Kasama rin ang mga batas at programa para sa mga hamon sa pagbabago ng klima.
Full Transcript
Ap reviewer Climate Change- Ang kabuoan at malawakang pagbabago sa klima ng mga rehiyon -Kabilang dito ang mga elemento ng panahon kagaya ng temperatura, ulan, halumigmig, hangin, kaulapan, at niyebe Global Warming- ang mabilis na pagtaas ng klima na dulot ng, mga natural na salik ng mundo gree...
Ap reviewer Climate Change- Ang kabuoan at malawakang pagbabago sa klima ng mga rehiyon -Kabilang dito ang mga elemento ng panahon kagaya ng temperatura, ulan, halumigmig, hangin, kaulapan, at niyebe Global Warming- ang mabilis na pagtaas ng klima na dulot ng, mga natural na salik ng mundo greenhouse effect- ang pag-init ng ibabaw ng Daigdig at ang kalawakang kalapit nito dahil sa pagdami ng mga gas tulad ng halumigmig (water vapor), methane, nitrous oxide, at carbon dioxide. Joseph Fourier, ang atmospera ng Daigdig ay nakaiipon ng init tulad ng isang greenhouse Svante August Arrhenius- ang temperatura sa Daigdig ay tataas dahil sa dumaraming carbon dioxide mula sa pagsusunog o paggamit ng fossil fuels. Ito ay dahil sa pagdami ng mga pagawaan na epekto ng Rebolusyong Industriyal. Charles David Keeling- ang carbon dioxide ng daigdig ay tumaas ng 35% kaysa noong bago nagkaroon ng Rebolusyong Industriyal. Posibleng epekto mula sa green house effect: 1\. Pagbabago ng ecosystem na natural at agrikultural 2\. Paglaganap ng mga sakit ng tao at ng hayop 3\. Pagbabago sa klima kasama na ang pagdami ng mga kalamidad Carbon dioxide- paghinga ng mga tao at hayop Methane- Galing ito sa nabubulok na basura. Nitrous oxide- natural na nabubuo sa lupa at tubig Halo carbon- pinakamabilis sa lahat sa pag-ipon ng init ay ang mga halocarbon na may epektong 1,000 beses kaysa sa carbon dioxide. Epekto ng global warming: 1\. Pagbabago ng init at ulan sa mundo 2\. Pagbabago sa ecosystem at biodiversity 3\. Pagkatunaw ng mga yelo sa dagat (glaciers) at pagtaas ng tubig sa mga karagatan 4. Mas mapaminsalang mga bagyo Iba\'t iba ang epekto ng global warming at climate change lalong-lalo na sa agrikultura: Tagsibol - napaaga at tumagal ang panahon ng pagtatanim Tropiko at Subtropiko - tumagal ang tagtuyot -nagutom ang mga pamayanang agrikultural Mainit na klima - nagbunga ng pagdami ng lamok na Anopheles na nagdadala ng virus ng malaria. Nutrisyon - sa pagbaba ng produksiyon ng mga pagkain. Pag-init ng panahon - heat wave Rio Earth Summit noong 1992- maraming bansa at organisasyonng pandaigdig ang nagpulong upang aharapin at bawasan ang epekto nito \- nabuo ang United Nations Framework Convention on Climate Change (UNFCCC) United Nations Framework Convention on Climate Change (UNFCCC) - bawasan ang pagtaas ng temperatura na dahilan ng climate change Kyoto Protoco- l na nagtakda ng porsyento ng gas emissions na dapat ibawas nang bawat bansa. \- mula sa UNFCCC Convention of Parties (COP)- pinakamataas na tagagawa ng desisyon ng kumbensyon Climate Change Commission- isang komisyon na pinamumunuan ng pangulo ng Pilipinas. REPUBLIC ACT NO. 9729 (kilala bilang Climate Change Act of 2009) Pag tugon sa climate change: Republic Act no. 8435 (Agriculture and fisheries modernization act of 1997)- Ang batas na ito ay naglalayong mapabuti ang modernisasyon ng industriya ng agrikultura at pangingisda para sa ikapagpapaunlad nito habang isinasaalang-alang ang likas-kayang kaunlaran o sustainable development. R.A no. 8749 (PHILIPPINE CLEAN AIR ACT OF 1999)- Isa itong batas na naglalaman ng komprehensibong polisiya at programa ukol sa pagkamit at pananatili ng malinis na hangin para sa mga PIlipino R.A no. 9003 (Ecological solid waste management act of 2000)- batas na nagsasaad ng pagkakaroon ng isang programang magpapatupad sa tamang pagbbukod- bukod at pamamahala ng basura. -Programa sa ilalim ng Ecological Solid Waste Management - Pagbili ng mga produktong maaari pang magamit muli - Pagbabago sa proseso at mga materyales na ginagamit sa paggawa ng produkto - Eco labelling - Pagkontrol sa paggamit maging pag-angkat ng mga produktong mahirap marecycle - Pagkuha muli ng mga mareresiklong gamit. R.A no. 9275 ( Philippine clean water act of 2004) - batas na ito ay naglalayong maisaayos ang mga pamamaraan sa pagsasakatuparan ng pangangalaga at proteksiyon sa pinagkukunan ng tubig kaalinsunod na rito ang pagkakaroon ng holistic na pambansang programa para sa mas mataas na kalidad ng pangangalaga ng tubig. R.A no. 9512 (National Environmental awareness and education act of 2008)- pagkakaroon ng integrasyon ng iba't ibang ahensiya ng gobyerno di lamang ang ahensiya na may kinalaman sa edukasyon EMPLEYO 2.3 milyon ang mga Overseas Filipino Workers (OFWs) ang naghahanapbuhay sa ibang bansa sa pagitan lamang ng Abril hanggang Setyembre 2018. Mga Katangian ngManggagawang Pilipino: 1. Marunong sa kanilang trabaho 2. Marunong makisama 3. Madaling makibagay 4. Mabilis matuto 5. Masipag 6. Maasikaso sa pamilya 7. Magiliw at palakaibigan Empleyo sa pilipinas: 1. Employed- mga taong iniulat na may trabaho, nagtatrabaho, o kaya naman ay may negosyo 2. At work- mga taong nagtrabaho kahit isang oras lamang sa panahon ng survey 3. With a job or business but not at work- may trabaho o negosyo ngunit hindi nagtrabaho sa tukoy na panahon dahil sa mga pangyayaring panandalian 4. Industriya- uri ng negosyo o ang lugar kung saan nagtatrabaho ang isang tao 5. Labor force- Popuiasyon ng tao na 15 taong gulang o higit pa. Kabilang dito yaong mga may trabaho at walang trabaho 6. Underemployed- mga taong nagtatrabaho na nais magkaroon ng karagdagang oras ng trabaho maliban sa kanilang kasalukuyang gawain 7. Underemployed Invisibly- mga taong may trabahong full time ngunit gusto pa ng dagdag na trabaho 8. Underemployed visibly- taong may trabahong mababa sa 40 oras sa linggong kinuha ang impormasyon at gusto pa ng dagdag na oras ng trabaho 9. Unemployed-kabilang dito ang mga taong may 15 taong gulang o higit pa na walang trabaho LME (Labor Market Effiicency) tungkol sa paglalagay ng mga manggagawa kung saan mas epektibo sila sa pag-angat ng ekonomiya. NEDA (National Economic and Development Authority)- pagganda ng ekonomiya ng isang bansa ay maaaring nangangahulugan ng gumagandang empleo na magreresulta sa pagkakaroon ng pagtaas ng pinagkakakitaan ng pamilyang Pilipino. National Wages and Productivity Commission (NWPC) - ahensiya ng pamahalaang kakabit ng Department of Labor and Employment (DOLE). -Binuo ito noong 1989 sa bisa ng Republic Act No. 6727 o ang tinatawag na Wage Rationalization Act. Mga Soft Skills na Hinahanap ng mga Kompanya: 1\. Etika sa pagtatrabaho 2\. Pakikitungo at pakikipagkapwa 3\. Marunong sa komunikasyon 4\. Socioemotional na kasanayan 5\. Pakikipagtulungan 6\. Pagkakaroon ng mga makabagong ideya 7\. Wastong paggawa ng desisyon 8\. Malikhaing paglutas ng problema 9\. Kagalingan sa pagpaplano 10\. Magaling mag-organisa 11\. Kakayahang mamuno 12\. Bukal sa kaloobang matuto 13\. May inisyatiba 14\. May kakayahang kayanin ang stress 15\. Mahusay na pamamahala ng mga gawain Dahilan ng unemployment: 1\. Di tugmang edukasyon sa kailangan ng labor market (educational mismatch) 2\. Frictional unemployment 3\. Bilang ng nakatapos ng kurso 4\. Kakulangan sa talento at kasanayan Mga solusyon sa kawalan ng trabaho: 1\. Pantay na oportunidad sa mga pamayanang rural at urban 2\. Ugnayan ng edukasyon at empleo 3\. Suporta ng pamahalaan sa negosyo 4\. Gawing makabuluhan sa lipunan ang edukasyon 5\. Sistema sa pagpapalaganap ng impormasyon ukol sa labor market Kagawaran ng Paggawa o Department of Labor and Employment (DOLE) - kagawarang namamahala sa paggawa at pagpapatupad ng mga polisiya at programa ng pagserbisyo sa mga manggagawang Pilipino. Bureau of Local Employment- siyang naglalayong mapabuti ang kalagayan ng paggawa sa bansa sa pamamagitan ng pagtulong sa mga naghahanap ng trabaho at mga kompanya na siya namang nagbibigay ng trabaho. online placement facilitation- sa pamamagitan ng Public Employment Service Office (PESO) ng DOLE ang nagsisilbing daan para sa mas mabilis na pagtugon sa pangangailangan ng bawat Pilipino na naghahangad ng trabaho at para naman sa mga kompanya na siya namang nagbibigay ng trabaho. Ang Labor Code of the Philippines (Presidential Decree No. 442)-isang kalipunan ng mga polisiya ng pamahalaan na nagtatakda ng mga patakaran ukol sa paggawa at kagalingan ng mga manggagawa mula sa simula ng empleo hanggang sa katapusan ng pagiging empleado. End of contracts (ENDO)- tumutukoy sa sistemang pag tatapos ng kontrata ng itinakdang panahon ng pag t trabaho