GNED 11 PDF: Mga Sanggunian at Pagsusuri ng Impormasyon

Summary

Ang dokumentong ito ay isang presentasyon o dokumento na may kinalaman sa pagsusuri ng mga impormasyon, at mga sanggunian. Naglalahad ito ng mga uri ng sanggunian, pagbubuod, pag-uugnay-ugnay ng mga impormasyon.

Full Transcript

Week 2-4 Wika Ang wika ay palatadaan ng pagkakaroon ng identidad ng isang bayan. Kapag ginagamit sa edukasyon, nakatutulong ng malaki sa pagpapalalim sa mga ideya ng pagmamahal sa bayan at pagpapahalaga sa kasaysayan. Ang panitikan at wika ay mahalagang bahagi ng karanasan ng est...

Week 2-4 Wika Ang wika ay palatadaan ng pagkakaroon ng identidad ng isang bayan. Kapag ginagamit sa edukasyon, nakatutulong ng malaki sa pagpapalalim sa mga ideya ng pagmamahal sa bayan at pagpapahalaga sa kasaysayan. Ang panitikan at wika ay mahalagang bahagi ng karanasan ng estudyanteng nagdaan sa isang paaralan. Ang wika ay nag-uugnay sa estudyante sa kaniyang pamilya, komunidad na kaniyang pinanggalingan, sa kahapon at bayan. Pahayag ng Anti- Filipino PAGTALAKAY - DE LA SALLE UNIVERSITY Ang pahayag na ito ay bahagi ng pahayag ng Departamento ng Filipino ng De La Salle University-Manila sa Paggunita sa Buwan ng Wikang Pambansa noong Agosto 2014. Dapat bigyang-diin na hindi sapat na maging opsyonal na wikang panturo lamang ang wikang Filipino sapagkat alam naman nating mas nakakiling sa Ingles ang sistemang pang-edukasyon sa Pilipinas. Ang intelektwalisasyon ng wikang Filipino sa iba’ t ibang larangan ay matitiyak lamang kung may asignaturang Filipino na may inter/multidisiplinaring disenyo sa kolehiyo. Ang wikang Filipino ang wika ng mga ordinaryong mamamayan sa mga komunidad na ating pinaglilingkuran. Ang pagbura sa espasyo ng wikang Filipino sa mga kolehiyo sa Pilipinas ay tiyak na may negatibong epekto sa espasyo nito sa ibang bansa. Malinaw na hindi simpleng usapin ng pagsasalba sa trabaho ng mga guro ang adbokasiyang ito. Ang adbokasiyang ito’ y pagsasalba sa kolektibong identidad, sa salamin ng ating kultura, sa daluyan ng diskursong pambansa, at pagtataguyod ng nasyonalistang edukasyon. ATENEO DE MANILA UNIVERSITY May apatnapung taon na mula nang itatag ang Kagawaran ng Filipino kaakibat ang Patakarang Bilingguwal ng Pamantasang Ateneo De Manila, bagay na pinanghahawakan namin upang isulong ang edukasyong multilingguwal, multidisiplinaryo, at multikultural. Hindi lamang midyum ng pagtuturo ang Filipino. Isa itong disiplina. Lumilikha ito ng sariling larang ng karunungan na nagtatampok sa pagka-Filipino sa anumang usapin sa loob at labas ng akademya. Dapat maging mapagmatyag laban sa mga tao at institusyong ginagamit ang kasalukuyang isyung pangwika upang itangi ang sarili at kanilang mga interes. Kailangang balikan ang konstitusyunal na responsabilidad ng Estado na itaguyod ang “ pangangalaga, pagpapayaman, at dinamikong ebolusyon ng isang pambansang kulturang Pilipino. UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES Departamento ng Filipino at Panitikan ng Pilipinas Kolehiyo ng Arte at Literatura Unibersidad ng Pilipinas, Diliman CHED Sentro ng Kahusayan sa Panitikan CHED Sentro ng Kahusayan sa Filipino 18 Hunyo 2014. Ang panukala ng CHED Memorandum Order No. 20, Series of 2013 ay paglapastangan sa pagpapahalaga sa kasaysayan, karunungan, at diwa ng kasarinlang mahabang panahong ipinaglaban at nilinang ng mga naunang salinlahi ng mga Filipino. Ang kunwa’ y paglalatag ng mga kursong GE na maaaring ituro kapwa sa Filipino at Ingles ay lilikha lamang ng kompetisyon sa dalawang wika. Ang bagong GE curriculum ay tahasang pagbabalewala sa kasaysayan ng wikang pambansa. Ang Wikang Filipino ay Identidad ng Filipino. Pananaw at kamalayan ang wikang Filipino. Sariling wika rin ang pinakamabisang daluyan para mapalaganap ang dunong-bayan at kaalamang pinanday sa akademya. Ang pagtatanggal ng siyam na yunit ng Filipino sa kolehiyo ay isang anyo ng karahasang-pangkamalayan. Mga Argyumento ng Tanggol Wika Pagpoproseso ng Impormasyon Para sa Komunikasyon 1. Pagpili ng Batis (Sources) ng Impormasyon Ang mga batis ng impormasyon o sanggunian ay makakategorya sa tatlo: (ang pang-apat ay hindi kategorya kung hindi isang uri ng lokasyon o midyum ng hanguan). Ang hangganan ng bawat kategorya ay hindi gaanong malinaw, ngunit ang pagkilala sa bawat isa ay makakatulong sa pagpapalaganap ng mga impormasyon o datos. Paglalarawan nina Booth, et al. (2008) sa nasabing batis ng impormasyon: 1. Hanguang Primarya – ang pinagmulan ng mga dokumento mula sa panahon o taong pinaksa, bagay-bagay, mapa at maging kasuotan. Bibihirang makasulat ng papel nang hindi gumagamit ng hanguang primarya. 2. Hanguang Sekondarya – ito ang mga ulat na gumagamit ng mga datos mula sa hanguang primarya. Ito ay sinulat para sa mga iskolarli o propesyonal na mambabasa. Ito ay binabasa ng mga mananaliksik upang hindi mapag-iwanan sa kanilang mga larangan na magagamit upang patotohanan o pabulaanan ang mga datos. Ito rin ay magagamit upang suportahan ang isang argumento. Paglalarawan nina Booth, et al. (2008) sa nasabing batis ng impormasyon: 3. Hanguang Tersyarya – kinapapalooban ng mga aklat at artikulo na lumalagom at nag-uulat tungkol sa mga naunang hanguan para sa pangkalahatang mambabasa. Ito ay nagmumula sa mga ensayklopidya at mga publikasyon sa sirkulasyong pang masa. Ito ay magagamit upang maging pamilyar sa uri ng paksa. 4. Hanguang Elektroniko – ang internet ay dati nang hindi naging matibay na paraan ng pananaliksik ngunit sa panahong ito ang mga mananaliksik na mismo ang nagiging daan para ang internet at mga elektronikong impostmasyon ay maging kapakipakinabang at maging matibay na hanguan. Ang mga ay abeylabol na rin. 2. Pagbabasa at Pagpili ng Impormasyon Sa mga larangan ng Araling Literari, Sining at Kasaysayan, ang mga hanguang primarya ay ang mga orihinal na akda tulad ng talaarawan, manuskrito, imahen, pelikula, skrip ng pelikula, rekording, paglalapat ng musika sa pelikula at iba pa. Nagbibigay ang mga ito ng mga datos sa anyong salita, imahen at tunog na magagamit bilang ebidensyang pangsuporta sa mga katwiran. Ang hanguang sekondarya, ay ang mga iskolarling aklat at artikulong isinusulat ng/para sa ibang mananaliksik. Gumagamit sila ng mga datos mula sa hanguang primarya upang suportahan ang pahayag ukol rito. 3. Pagbubuod at Pag-uugnay-ugnay ng Impormasyon Pagbubuod Ang pagbubuod ay ginagamit upang iulat ang impormasyon o datos na nagmumula sa hanguan. Ang pangunahing punto ang siya lamang maaaring iugnay sa argumento ng buod. Ang buod ay mas maikli sa orihinal dahil hindi detalyado at kumpleto ang mga ideya. Tuwing nagbubuod sa akademikong papel ay hindi kailangnag saklawin ang lahat-lahat ng nasa hanguan o maging ng bahaging binubuod. Madalas, iyon lamang naguugnay sa argumento ang sinasaklaw ng buod nang hindi tinatanggal ang mga krusyal na puntong maaaring magpabago sa pagkakaunawa ng tagapakinig/mambabasa sa sinabi sa hanguan (Turabian, 2008) Halimbawa ng buod: Ang Coronaviruses ay isang malaking pamilya ng mga virus na maaaring magdulot ng sakit mula sa karaniwang sipon hanggang sa mas malubhang sakit tulad ng Middle East Respiratory Syndrome (MERS-CoV) at Severe Acute Respiratory Syndrome (SARS-CoV). Ang bagong coronavirus (nCoV) ay isang bagong uri na hindi pa nakilala sa mga tao. Maraming mga coronavirus ang natural na nakakahawa sa mga hayop, ngunit ang ilan ay maaari ring makahawa sa mga tao. Ang mga coronavirus ay naisip na kumalat sa hangin sa pag-ubo/pagbahing at malapit na personal na pakikipag-ugnay, o sa paghawak ng mga kontaminadong bagay o ibabaw at pagkatapos ay sa paghawak ng bibig, ilong, o mata. Pag-uugnay-ugnay Mahalaga na Makita ang mga koneksyon ng mga impormasyon na mahihinuha. Ito ay upang maipaliwanag ng maigi ang ugnyana ng bawat detalye sa impormasyong nais ipakita o isulat. Kailangan ring makita ang proseso, sanhi at bunga, problema at solusyon, pagkakasunod-sunod, lebel at iba pa. Ang nirerekomendang gamitin upang maipakita ang proseso at galaw ng impormasyon ay sa pamamagitan ng. Narito ang mga halimbawa: Ito ay ginagamit upang ipakita ang mga bagay na natutunan na at mga nais pang matutunan. Alam na Nais matutunan Natutunan Saan nagmula ang Corona Paano naipapasa ang Sa pamamagitan ng Virus? virus o sakit sa ibang pagbahing at tao paglalabas ng mga maliliit na particles mula sa respirataryong bahagi. Ito ay ginagamit upang ipakita ang pagkakapareho at pagkakaiba ng mga nakalap na impormasyon. Anti-Duterte Pro-Duterte Parehas mamamayan at Ang pangulo ay hindi Maayos ang pamama- may karapatan sa Pilipinas maayos ang lakad ng pangulo sa Pilipinas pamamalakad Sa Pilipinas 3. Ito ay gianagamit upang malaman ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari mula simula hanggang dulo. Si Tipkalong ay hindi Nag-ipon ng pagkain nag-impok ng pagkain at Umulan ng malakas at Naawa si langgam at ang langgam tuluyan nang nagutom nagutom si tipaklong binigyan niya rin ito Ito ay ginagamit upang maipakita ang pagkakasubod-sunod ng mga pangyayari mula sa simula, gitna at wakas. Ito ay maihahalintulad sa itsura ng isang hagdan Nauna si pagong sa dulo at siya ang nanalo Napag-isipan niya na magpahinga munba Malapit na sa dulo ng karera si kuneho dahil siya ay nauuna Pumayag si pagong at nagsimula ang karera Niyaya ni kuneho si pagong na makipag karera sa kanya Ito ay ginagamit upang maipakita ang pagkasunod-sunod ng mga pangyayari o panahon. Ang mga pangyayaring ito ay madalas na totoo at nangyayari. Litrato Telepono Pagsulat Radyo at Tv Wika Printing Kompyuter at Internet 200,000 – 300,000 B.C. A.D. 1 500 A.D. 1 800 A.D. 1 900 100,000 B.C. Media Timeline (Dominick, 1999) Ito ay ginagamit upang ipakita ang mga pangyayaring bumubuo sa banghay. Ito rin ay ginagamit upang ilahad ang mga importanteng detalye sa isang kwento tulad ng tauhan at tagpuan. Pangunahing tauhan Tomboy Bahay eskwelahan Tagpuan Pangyayari Pagtitiis pagtatapat awa Gahasa bugbog api lungkot Tunggalian Kakalasan Kulong magmamakaawa pagpapatawad Ginagamit upang ilarawan ang daloy ng mga pangyayari ng mga hakbang at proseso Online Examination Registration Enrollment Application Ginagamit upang ilarawan ang mga ugnayan ng konsepto o ideya Ipinapakita ang sentro at mga kasapi ng ideya na sumusuportang konsepto CAVITE LAGUNA BATANGAS CALABARZON RIZAL QUEZON 10. Ito ay ginagamit upang ipakita ang mga impormasyon ng sanhi at bunga SANHI BUNGA Pagsusunog ng mga puno Patuloy na pag-init ng mundo Paggamit ng fish bombing Pagkaubos ng maliliit na isda Ilegal na pagmimina Pagkasira ng mga bundok Mausok na mga planta Pag-init ng mundo Ginagamit upang ipakita ang pangunahin at sumusuportang ideya Ginagamit upang ipakita ang hierkiya sa isang organisasyon o grupo Ito ay ginagamit upang paghiwalayin ang mga katotohanan at opinion na impormasyon Katotohanan Opinyon Naging Presidente si Marcos sa loob ng Karamihan sa mga nagawa ni Marcos dalawang dekada ay nagustuhan ng mga Pilipino Ang dating pangulong Marcos ay namatay Buhay pa ang dating pangulong at priniserba ang katawan Marcos at pinaniniwalaang nasa Hawaii lamang ito Tumakbo ang anak nitong si Bong Bong Pinaniniwalaang ito ay dinaya at Marcos sa pagkabise presidente naging dahilan ng kanyang pagkatalo 4. Pagbubuo ng Sariling Pagsusuri Batay sa Impormasyon Ang pagpili ng impormasyon ay kailangang alamin kung ano ang totoo sa hindi. Sa panahon ngayon kasama ang impluwensya ng teknolohiya ay kailangang pag-aralan ang impormasyon bago ito gamitin. Sa impormasyong kailangan ng tao nagliparan narin ang mga impormasyong hindi totoo o kalahating totoo. Ang impormasyong nakikita, nababasa, naririnig at nanggagaling lalo na sa hanguang elektroniko ay kailangang hindi agad tinatanggap at inaalam munang mabuti kung ito ay ‑ at. Upang ito ay magawa kailangan ng kritikal nap ag-iisip at pag-uusisa. Inilahad sa librong Kontekstuwalisadong Komunikasyon sa Filipino ni Bernales (2019) ang iminumungkahi ni Holan (2014) ang pagsusuri ng impormasyon sa artikulo niyang ang mga sumusunod: 1. Hingan ng ebidensya ang sino mang maghahayag ng. Ito ang pinakaunang gagawin. Madalas may mga taong magsasabi na ang kanilang ideya at impormasyon ay totoo ngunit kung pag-aaralan ng maigi ito ay gawa-gawa o kasinungalingan lamang. Humingi ng ebidensya sa nasabing impormasyon. 2. Maghanap ng natuklasan ng iba pang na nauna. Bihira ang mga impormasyong ganap sa unang ng isang Dapat na alaming mabuti ang mga ebidensya ng impormasyon. Maghanap ng mga bagong ideya at iba pang anggulo sa isyu o konsepto na gustong makita sa paksa. 3. I-Google. Masasabing marami ang gumagamit ng isa ito sa mga sikat na upang makahanap ng mga impormasyon at ebidensya. Ito ay malawak at napakaraming impormasyon ang makikita rito. Ngunit gaya ng ibang elektroniko kailangan pa rin na gamitin ang kritikal na pag-iisip sa pagtitimbang ng mga impormasyon na kukunin sa ‑. Inilahad sa librong Kontekstuwalisadong Komunikasyon sa Filipino ni Bernales (2019) ang iminumungkahi ni Holan (2014) ang pagsusuri ng impormasyon sa artikulo niyang ang mga sumusunod: 4. Maghanap sa Ito ay parte ng internet na hindi paimbabaw na paghahanap. Madalas itong nangangahulugang mga at Ito rin ay kadalasang may ngunit may mga libre pa rin at komersyal na maaring gamitin. 5. Maghanap ng mga ekspertong may iba pang pananaw. Ang mga eksperto ang isa sa mga makakatulong sa pagbibigay ng mga impormasyon lalo na kung ang ideya na iyong hinahanap ay kanila nang pinag-aralan ng matagal. Isa sa mga na pagkukunan ng impormasyon ay ang mga eksperto, sapagkat mayroon rin silang sariling pananaw sa mga isyu at impormasyon na nais malaman ng isang manananaliksik. Inilahad sa librong Kontekstuwalisadong Komunikasyon sa Filipino ni Bernales (2019) ang iminumungkahi ni Holan (2014) ang pagsusuri ng impormasyon sa artikulo niyang ang mga sumusunod: Magbasa ng mga Aklat. Ang mga aklat ay isa rin sa na maaaring magbigay ng mga impormasyon na totoo dahil ito ay nailathala at nasuri ng mabuti bago ito tuluyang ilabas sa publiko. Ang pagbabasa ay nakakatulong rin upang lumawak at lalo pang mapahusay ang kaalaman ng isang tao. 7. May iba pa ba? Ang pagsasaliksik ay ang proseso ng pabalik-balik sa naunang pinag-aralan at nadiskubre. Gaya ng ibang mga paghahanap ng impormasyon maari mong balikan ang mga naunang proseso para malaman kung ang imposrmasyon na iyong hinahanap ay totoo at maaring gamitin upang mapahusay pa ang isang ideya. Dagdagan kung mayroon pa at patuloy na pag-aralan ito. (Mga Sanggunian) Kontekstuwalisadong Komunikasyon sa Filipino ni Rolando A. Bernales at mga kasapi

Use Quizgecko on...
Browser
Browser