G2 LM ESP Q3 Aralin 3 (Tagalog) PDF
Document Details
Uploaded by PromisedPigeon2983
Tags
Related
- Araling Panlipunan Modyul 6 PDF
- Filipino sa Piling Larang | Aralin 1: Akademya at Kasanayang Akademiko PDF
- Review Quarter 1 Filipino 11 PDF
- Filipino 10 - Ikalawang Markahan - Modyul 14: Ang Matanda at Ang Dagat PDF
- M1_Q1_ FILIPINO Filipino Past Paper PDF
- Filipino sa Piling Larang (Tech-Voc) Q1 Week 1 PDF
Summary
This document is a learning material on expressing gratitude for rights. It contains questions and activities for students to reflect on and demonstrate their gratitude for their rights. It is likely part of a Filipino curriculum for grade 2.
Full Transcript
Salamat sa Karapatan! Naipagpasalamat mo na ba ang iyong karapatang tinatamasa? Sa araling ito ay mas higit mong pasasalamatan ang mga taong nagbibigay sa iyo ng iyong mga karapatan. Wow, Galing Naman! Masayang-masay...
Salamat sa Karapatan! Naipagpasalamat mo na ba ang iyong karapatang tinatamasa? Sa araling ito ay mas higit mong pasasalamatan ang mga taong nagbibigay sa iyo ng iyong mga karapatan. Wow, Galing Naman! Masayang-masaya si Carla nang dumating mula sa paaralan. Niyakap niya ang kanyang ina na kasalukuyang nagluluto. “Inay, nakakuha po ako ng 20 mataas na marka sa pagsusulit, napuri ako ng aking guro”. Tuwang-tuwa ang ina ni Carla. “Binabati kita, anak. Sige magpalit ka na ng damit at tayo‟y kakain na.” Nakita ni Carla na ang kanyang nanay ay naghanda ng masustansyang pagkain para sa kanilang hapunan. “Wow, ang sarap naman n‟yan, inay. Maraming salamat po.” Pag-usapan natin 1. Bakit nagpasalamat si Carla sa kanyang ina? 2. Ayon sa inyong binasa, anong mga karapatan ang naibibigay sa kanya? 3. Sino ang nagbibigay nito sa kanya? 4. Nararanasan mo rin ba ang mga karapatang nararanasan ni Carla? 5. Nagpapasalamat ka ba sa nagbibigay sa iyo ng iyong mga karapatan? Paano mo ito ginagawa? 21 Balikan ang mga nakaraang aralin at sabihin kung alin sa mga nakalarawan ang iyong tinatamasang karapatan. Sino ang nagbigay sa iyo ng mga karapatang ito? Bakit mo ito dapat ipagpasalamat sa kanila? 22 Ating Tandaan Dapat tayong magpasalamat para sa mga karapatang ating tinatamasa. Maipakikita natin ang ating pasasalamat kung tayo ay sumusunod sa kanilang payo. Gawain 1 Bumuo ng apat na pangkat. Magpakita ng inyong pasasalamat para sa mga karapatang tinatamasa sa pamamagitan ng mga gawaing nakasaad sa bawat pangkat. Ipakita ang inyong output sa loob ng tatlong minuto. Pangkat 1 - Gumawa ng isang sulat pasasalamat para sa mga karapatang nakakamit. Isulat ito sa loob ng isang puso. Pangkat 2 - Magsadula ng isang eksena na nagpapakita ng pasasalamat para sa karapatang tinatamasa. Pangkat 3 - Ikuwento kung paano ninyo tinatamasa ang inyong karapatan. Maaari itong gamitan ng puppet. Pangkat 4 - Gumawa ng isang dasal upang magpasalamat para sa karapatang tinatamasa. Isulat ito sa isang kartolina. 23 Pangkatin sa apat ang klase at gumawa ng isang kuwentong larawan na nagpapahayag ng pagpapasalamat sa mga karapatang iyong nararanasan. Dugtungan ang unang larawan sa kahon. 24 Pumili ng isang karapatang nararanasan mo ngayon na gustong-gusto mong ipagpasalamat. Kumuha ka ng iyong kapartner at ikuwento mo ito. Maaari mo rin itong ikuwento sa harap ng iyong klase. Matapos mong ikuwento, gumawa ng isang kard na nagpapahayag ng iyong pasasalamat sa kanya. Sa iyong papel, sumulat ng isang kuwento na tumutukoy sa mga karapatang iyong tinatamasa. Isulat kung kanino mo ito dapat ipagpasalamat, bakit mo ito dapat ipagpasalamat at kung paano mo siya / sila pasasalamatan. Pasasalamat ay mula sa puso, Para sa mga karapatang laging natatamo. 25