Batayang Kaalaman sa Pagsulat PDF
Document Details
Uploaded by Deleted User
Tags
Summary
Ang dokumento ay naglalaman ng impormasyon tungkol sa batayang kaalaman sa pagsulat, partikular sa akademikong pagsulat. Ito ay sumasaklaw sa mga prinsipyo, estruktura, at istilo ng pagsulat.
Full Transcript
BATAYANG KAALAMAN SA PAGSULAT ============================= *-Roger, 2005* -------------- -*Goody, 1987* -------------- -*Fischer, 2001* ---------------- - Masistema ang pagsulat dahil ginagabayan ito ng mga ***batas sa gramatika***. - Ang pagsulat ay nakadepende sa wika. ***Kung walang...
BATAYANG KAALAMAN SA PAGSULAT ============================= *-Roger, 2005* -------------- -*Goody, 1987* -------------- -*Fischer, 2001* ---------------- - Masistema ang pagsulat dahil ginagabayan ito ng mga ***batas sa gramatika***. - Ang pagsulat ay nakadepende sa wika. ***Kung walang wika, walang pagsulat***. - ***Arbitraryo*** ang mga sistema ng pagsulat. - Ang pagsulat ay isang paraan ng **pagrerekord at pagpepreserba ng wika.** - Ang pagsulat ay simbolong **kumakatawan sa kultura at tao**. - Ang pagsulat ay isang ***pangangailangan***. - Nagsusulat ang tao hindi lamang upang magpahayag ng saloobin at bumuo at magpatatag ng mga ugnayan,bagkus ay **upang mapabuti ang sarili**. - Maliban sa mga ito, nagsusulat din ang tao upang tugunan ang mga ***[akademiko at] [propesyonal na pangangailangan]***. **AKADEMIKONG PAGSULAT** ***[(intelekwal na pagsulat)]*** -Isa itong uri ng pagsulat na kailangan ang mataas na antas ng pag-iisip. Ang ***mahusay na manunulat*** ng akademikong teksto ay may mapanuring pag-iisip sapagkat may kakayahan siyang; - Mangalap ng impormasyon o datos. - Mag-organisa ng mga ideya. - Mag-isip ng lohikal. - Magpahalaga sa orihinalidad at inobasyon. - Magsuri at gumawa ng sintesis. +-----------+-----------+-----------+-----------+-----------+-----------+ | | ***Akadem | t - | | ***Person | ang | | | ikong | | | al | | | | Pagsulat* | | | na | ang at | | | ** | | | Pagsulat* | | | | | | | ** | ay ang | +===========+===========+===========+===========+===========+===========+ | | - Uri | | | - Maaar | | | | ng | | | ing | | | | pagsu | | | impor | | | | la | | | mal | | | | na | | | wika | | | | kaila | | | nito. | | | | ngan | | | | | | | ng | | | - Maaar | | | | mataa | | | i | | | | s | | | ding | | | | at | | | magaa | | | | mapan | | | n | | | | uring | | | | | | | na | | | | | | | | | | | | | | | | | - Madal | | | | | | | as | | | | - Porma | | | malig | | | | l | | | oy | | | | ang | | | pagla | | | | wika | | | lahad | | | | dito. | | |. | | | | | | | | | | | - Hitik | | | | | | | sa | | | | | | | impor | | | | | | | masyon. | | | | | | | | | | | | | | - Hindi | | | | | | | malig | | | | | | | oy | | | | | | | ang | | | | | | | paksa | | | | | | |. | | | | | +-----------+-----------+-----------+-----------+-----------+-----------+ - Ayon kay ***Cecilia Austera et al. 2009***, ang pagsulat ay isang *[kasanayang naglulundo ng]* - Ayon naman ***kay Edwin Mabilin et al. (2012),*** ito ay isang pambihirang *[gawaing pisikal at] [mental]* ANG PAGSUSULAT ============== - Ito ay **nagsisilbing libangan** sapagkat sa pamamagitan nito ay naibabahagi nila sa iba ang kailang mga ideya sa kaisipan sa paraang kawili-wili o kasiya-siya para sa kanila. - Ayon kay ***Mabilin (2012),*** ang pagsusulat ay isang **pagpapahayag ng kaalamang kailanman ay hindi maglalaho sa isipan** ng mga bumasa at babasa. Layunin ng Pagsulat ------------------- 1. Masasanay ang **[kakayahang mag-organisa.]** 2. Malinang ang **[kasanayan sa pagsusuri ng mga] [datos.]** 3. Mahuhubog ang kaisipan ng mga mag -- aaral sa **[mapanuring pagbasa].** 4. Mahihikayat at mapauunlad ang kakayahan sa **[matalinong paggamit ng aklatan.]** 5. [Magdudulot ito ng kasiyahan sa **pagtuklas ng mga**] **[bagong kaalaman.]** 6. Magdudulot ito ng [kasiyahan sa **pagtuklas ng mga**] **[bagong kaalaman.]** 7. Malilinang ang **[kasanayan sa pangangalap ng] [mga impormasyon.]** Mga Gamit o Pangangailangan sa Pagsulat --------------------------------------- 1. **WIKA-** Ito magsisilbing behikulo upang maisatitik ang mga kaisipan, kaalaman, damdamin, karansan, impormasyon, at iba **pang nais ilahad ng isang taong nais sumulat.** 2. **PAKSA-** Ito ang magsisilbing pangkalahatang iikutan ng mga ideyang dapat mapaloob sa akda. 3. **LAYUNIN-** Ito ang magsisilbing gabay sa paghahabi ng mga datos o nilalaman ng iyong isusulat. 5 PAMAMARAAN NG PAGSULAT ------------------------ 1. Maaaring gumamit ng ***paraang impormatibo*** kung saan ang [pangunahing layunin nito ay magbigay ng] [impormasyon] o kabatiran sa mambabasa. 2. Ang ***paraang ekspresibo*** kung saan ang manunulat ay [naglalayong magbahagi ng sariling opinyon,] [paniniwala, ideya, obserbasyon, at kaalaman] hinggil sa tiyak isang tiyak na paksa batay sa kanyang sariling karanasan o pag- aaral. 3. Ang **pamamaraang naratibo** kung saan ang [pangunahing layunin nito ay ang magkwento o] [magsalaysay] ng mga pangyayari batay sa magkakaugnay at tiyak na pagkakasunod sunod. 4. **Pamamaraang deskriptibo** kung saan ang [pangunahing pakay ng pagsulat ay maglarawan] ng mga katangian, anyo, hugis, ng mga bagay o pangyayari batay sa Nakita, narinig, natunghayan, naranasan at nasaksihan 5.**Pamamaraang argumentatibo** kung saan ang pagsulat ay [naglalayong manghikayat o mangumbinsi] sa mga mambabasa. Madalas ito ay naglalahad ng proposisyon at mga isyu ng argumentong pagtalunan o pag- usapan. MGA URI NG PAGSULAT (6) ======================= 1. **MALIKHAING PAGSULAT-** Pangunahing layunin nitong maghatid ng aliw, mapukaw ng damdamin, at makaantig sa imahinasyon at isipan ng mga mambabasa. 2. **TEKNIKAL NA PAGSULAT-** Ito ay ginagawa sa layuning pag-aralan ang isang proyekto o kaya naman ay bumuo ng isang pag-aaral na kailangan para lutasin ang isang problema o suliranin. 3. **PROPESYONAL NA PAGSULAT-** Ito ay may kinalaman sa mga sulating may kinalaman sa isang tiyak na larangang natutuhan sa akademya o paaralan. 4. **DYORNALISTIK NA PAGSULAT-** Ito ay sulating may kaugnayan sa pamamahayag. 5. **AKADEMIKONG PAGSULAT-** Ito ay isang intelektuwal na pagsulat. Ang gawaing ito ay nakatutulong sa pagpapataas ng kaalaman ng isang indibidwal sa iba't-ibang larangan. Layunin nitong maipakita ang resulta ng pagsisiyasat o ng ginagawang pananaliksik. 6. **REPERENSIYAL NA PAGSULAT-** Layunin ng sulating ito na bigyang-pagkilala ang mga pinagkunang kaalaman o impormasyon sa paggawa ng konseptong papel, tesis at disertasyon. **Katangiang Dapat Taglayin ng Akademikong Pagsulat** - **OBHETIBO-** Kailangang ang mga datos na isusulat ay [batay sa kinalabasan ng ginawang] [pag-aaral at pananaliksik.] - **PORMAL-** [Iwasan ang paggamit ng mga] [salitang kolokyal o balbal.] Sa halip gumamit ng pormal na madaling mauunawaan ng mambabasa. - **MALIWANAG AT ORGANISADO-** Ang talata ay kinakailangang kakitaan ng [maayos na] [pagkakasunod-sunod at pagkakaugnay-ugnay] [ng mga pangungusap.] Ito ay mahalagang magkaroon ng kaisahan. - **MAY PANININDIGAN-** Mahalagang mapanindigan ng sumusulat ang paksang nais niyang bigyang-pansin o pag-aralan. Hindi maganda ang magpabago-bago ng paksa. - **MAY PANANAGUTAN-** Ang mga ginamit na mga sanggunian ng mga nakalap ng datos o impormasyon ay dapat na bigyan ng [nararapat] [na pagkilala]. Mga Hulwaran sa Akademikong Pagsulat ------------------------------------ 1. **[Depinisyon] -** pagbibigay ng katuturan sa konsepto o termino. 2. **[Enumerasyon] -** pag- uuri o pagpapangkat ng anuman na nabibilang sa isang uri o klasipikasyon. 3. **[Pagsusunod - sunod]** -- kronolohiya ng mga pangyayari o proseso. 4. **[Pagtatambis ng Paghahambing at Pag-iiba-]** pagtatanghal ng pagkakatulog o pagkakaiba ng mga tao. 5. **[Sanhi at Bunga-]** paglalahad ng mga dahilan ng pangyayari o bagay at ang kaugnayan na epekto nito. 6. **[Problema at Solusyon-]**pagalalahad ng mga suliranin at pagbibigay ng mga posibleng lunas sa mga ito. 7. **[Kalakasan at kahinaan-]** paglalahad ng positibo at negatibong katangian ng isa o higit pang bagay, sitwasyon, o pangyayari. Anyo ng Akademikong Sulatin --------------------------- ***1. Kritik-*** ito ay isang detalyadong pagsusuri ng mga merito, kalakasan at kahinaan, katotohanan, kagandahan, at iba pang aspekto ng isang akdang iskolarli, akdang pampanitikan, o likhang-sining. ***Halimbawa:*** ### - rebyu ng pelikula **2. Manwal-** ito ay isang kalipunan ng mga punto sa paggamit ng isang kasangkapan, pagpapairal ng isang proseso, at iba pa. ### Halimbawa ***-Manwal sa paggamit ng isang smartpho***ne. **[3. Ulat-]** ito ay kalipunan ng mahahalagang datos na ibinabahagi sa isang pangkat o organisasyon. 5. **[Balita -]** ito ay isang artikulong naglalaman ng mahahalagang pangyayari na ngayon lamang naganap at mahalagang malaman ng madla. 6. **[Editoryal -]** ito ay isang artikulong nagpapahayag ng sariling pananaw ng patnugot tungkol sa isang napapanahong isyu. 7. **[Encyclopedia-]** ito ay isang sangguniang aklat na naglalaman ng masusing impormasyon tungkol sa isang paksa. 8. **[Tesis-]** ito ay isang saliksik na ginagawa ng isang mag-aaral sa kolehiyo o sa antas masterado bilang bahagi ng mga kahingian sa kaniyang programa.Karaniwan itong naglalaman ng panimula, mga kaugnay na pag-aaral at literatura, metodolohiya, presentasyon ng mga datos, rekomendasyon,at talasanggunian. 9. **[Disertasyon-]** ito ay isang saliksik na ginagawa ng mag-aaral sa antas doktorado bilang ambag niya sa larangan. 10. **[Papel- Pananaliksik -]** ito ay isang saliksik na binubuo ng ilang pahina na inilalathala sa isang dyornal o binabasa sa isang kumperensiya. 11. **[Rebyu ng mga Pag-aaral -]** ito ay pagbasa at pagsususri ng iba\'t ibang saliksik o pag-aaral upang matukoy ang mga paksang hindi pa gaanong nagagawan ng pag-aaral;ang mga kaalamang di nagtutugma sa mga ito; at ang mga temang karaniwan sa mga ito. 12. **[Pagsasalin-]** ito ay pagtutumbas ng isang teksto mula simulaang lengguwahe papunta sa tunguhang lengguwahe na may pagsasaalang- alang sa nilalaman, estruktura, estilo, at kultura 13. **[Anotasyon ng bibliograpiya]** -ito ay tala ng mga sanggunian na nagbibigay ng isang talatang paglalarawan o pagtataya sa bawat isa. 14. **[White Paper]** -isa itong papel na masusing tumatalakay sa isang suliranin at sa solusyong makatutugon dito.Ginagamit ito upang mahikayat ang mga mambabasa na tangkilikin ang solusyon, produkto, o serbisyong inihahain. 15. **[Autobiography-]** ito ay talambuhay ng isang tao na siya mismo ang sumulat. 16. **[Memoir-]** ito ay isang salaysay na nakatuon sa tiyak na yugto ng buhay ng tao. 17. **[Konseptong papel -]** ito ay isang papel na nagpapaliwanag ng panukalang saliksik o panukalang proyekto,lalo na kung hinihingan ito ng pagsang-ayon o ng pondo. 18. **[Mungkahing saliksik-]** ito ay panukalang saliksik na karaniwang naglalaman ng panimula, mga kaugnay na pag-aaral at literatura, at metodolohiya. **Tungkulin ng Feasibility Study**\ Tungkulin nitong pag-aralan o suriin mabuti ang pangkalahatang kalagayan ng mga bagay, tao o sitwasyong nakakaaapekto sa isang negosyo bago maipatupad ang anumang aksiyon o proyekto. **Wika ng Feasibility Study**\ Ang pagsulat nito ay isang kompleks na gawaing nangangailangan ng maingat at masusing pananaliksik. Mahalagang angkop ang wikang gagamitin sa pagsulat nito. Ito ay teknikal na sulating nilalapatan ng pormal na wikang teknikal. **Bahagi ng Feasibility Study** 1. **Deskripsyon ng Negosyo**\ Marapat na ilarawan ang uri ng negosyong nais pasukin sa bahaging ito, ano ang tiyak na panawag dito at sino ang mag-oorganisa nito. 2. **Deskripsyon ng Produkto o Serbisyo**\ Dito inilalarawan anong uri ng produkto o serbisyo ang nais ibahagi. 3. **Layunin**\ Sa bahaging ito mababasa kung kailan sisimulan ang negosyo at sino ang makikinabang sa mga nakatalang tiyak na mga layunin sa pagtatayo ng negosyo. 4. **Pagtutuos at Paglalaan ng Pondo**\ Itala sa bahaging ito ang pondong inilaan sa negosyo at kung ano ang mga partikular na gastusin ang paglalaanan nito. 5. **Pagsusuri ng Lugar**\ Tukuyin ang tiyak na marketplace na pagtatayuan ng negosyo na sa iyong palagay ay naaangkop na mapabilang ang produkto. 6. **Mga Mapagkukunan ng Supply**\ Mapagkukunan ng suplay ng mga hilaw materyales. 7. **Mamamahala**\ Magkaroon ng paghahati-hati ng gawain sa pamamagitan ng pagtatakda ng mga tiyak na tao sa bawat gawain o posisyong bahagi ng negosyo. 8. **Pagsusuri ng Kikitain**\ Ipakita ang arawan o buwanang kikitain ng negosyo at sulitin kung ito ay sasapat sa gastusin o puhunan. 9. **Estratehiya ng Pagbebenta**\ Paraan ng paglulunsad ng negosyo, kung paano ito maipakikila sa mamimili ng magaan para sa kostumer at negosyo. 10. **Dalo ng Proseso**\ Dito matutunghayan ang takbo ng pamamahagi ng produkto at serbisyo kung paano ito sisimulan ng tagapaglunsad upang makarating sa kostumer. 11. **Mga Rekomendasyon**\ Mahalagang gumawa o sumulat nito upang matulungan ang negosyante sa pagdedesisyon kung dapat bang ituloy o hindi ang negosyo. 12. **Maglakip ng Formularyo sa Apendise**\ Ilakip ang pormularyong kailangan sa pagpapatayo ng negosyo, business permits at iba pa kung kinakailangan. **BIONOTE** **Ano ang BIONOTE?** ✔ Gamit ang punto de vistang "*pangatlong panauhan"*. Impormatibong talata na nagpapaalam sa mga mababasa kung sino o ano-ano na ang mga nagawa bilang propesyonal. - Isang uri ng lagom na ginagamit sa pagsulat ng *personal profile* ng isang tao. - Inilalahad dito ang iba pang impormasyon tungkol sa isang tao na may kaugnayan sa paksang tinatalakay sa papel, trabahong ibig pasukan, o nilalaman ng iyong blog o website. - Iba ang bionote sa talambuhay at autobiography. - Iba rin sa biodata at curriculum vitae. **Bakit nagsusulat ng BIONOTE?** ⮚ Nagsusulat tayo ng bionote upang ipaalam sa iba hindi lamang ang ating karakter kundi maging ang ating kredibilidad sa larangang kinabibilangan. Ito ang paraan upang ipakilala ang sarili sa mga mambabasa. Nagsisilbi rin *marketing tool.* **Mga Katangian ng Mahusay na BIONOTE** - Maikli ang nilalaman. - Gumamit ng pangatlong panauhang pananaw. - Kinikilala ang mambabasa. - Gumagamit ng baligtad na tatsulok. - Nakatuon lamang sa mga angkop na kasanayan o katangian. - Binabanggit ang degree kung kailangan. - Maging matapat sa pagbabahagi ng impormasyon. - Layunin ng bionote na maipakilala ang sarili sa madla sa pamamagitan ng pagbanggit ng mga personal na impormasyon tungkol sa sarili at naging mga nagawa o ginagawa sa buhay. - Karaniwan ay isang talata lamang na naglalahad ng mga kuwalipikasyon at kredibilidad ng isang indibidwal sa larangang kinabibilangan. - Ito ay impormatibong talata na nagpapaalam sa mga mambabasa kung sino ka o ano ang mga nagawa mo bilang propesyunal. (ang ibang reviewer ay ginawa ni ma'am jiselle (bionote, batayang kaalaman)