Pag-unawa sa Ugnayan ng Diyos at Pagmamahal sa Kapwa PDF
Document Details
Uploaded by ProficientFallingAction1190
Tags
Related
Summary
Ang dokumentong ito ay isang tekstong Tagalog na tumatalakay sa ugnayan ng tao sa Diyos at ang pagmamahal sa kapwa. Tinalakay din ang mga konsepto ng espiritwalidad at kahulugan ng buhay.
Full Transcript
UGNAYAN SA DIYOS AT PAGMAMAHAL SA KAPUWA Naranasan mo na bang magmahal? Kung naranasan mo na ito, ano ang iyong naging pakiramdam? Naging masaya ka ba o kakaiba ang iyong pakiramdam? Tila hindi mo napapansin ang paglipas ng oras sapagkat doon umiikot ang iyong mundo. Sa pagmamahal, binubuo an...
UGNAYAN SA DIYOS AT PAGMAMAHAL SA KAPUWA Naranasan mo na bang magmahal? Kung naranasan mo na ito, ano ang iyong naging pakiramdam? Naging masaya ka ba o kakaiba ang iyong pakiramdam? Tila hindi mo napapansin ang paglipas ng oras sapagkat doon umiikot ang iyong mundo. Sa pagmamahal, binubuo ang isang maganda at malalim na ugnayan sa taong iyong minamahal. Sa ugnayang ito, nagkakaroon ng pagkakataon ang dalawang tao na magkausap, magkita, at magkakilala. Ito ay nagsisimula sa simpleng palitan ng usapan at maaaring lumalim kung patuloy ang kanilang ugnayan. Mas nagiging maganda at makabuluhan ang ugnayan kung may kasama itong pagmamahal. Ano ang pagmamahal? Ito ay isang birtud kung saan naipamamalas ng isang tao ang kaniyang lubos na kaligayahan at kagustuhang kalingain ang taong mahalaga para sa kaniya. Maipapakita ang pagmamahal sa pamamagitan ng bukal na pag-aalaga at pag-aruga sa pamilya o kapuwa. PINAGKUNAN: https://www.rappler.com/voices/thought-leaders/perspirational-speaker-story-everything-is-ordinary-except-love Mula sa pagmamahal ay nagbabahagi ang tao ng kaniyang sarili sa iba. Naipakikita niya ang kaniyang pagiging kapuwa. Sa oras na magawa ito ng tao, masasalamin sa kaniya ang pagmamahal niya sa Diyos dahil naibabahagi niya ang kaniyang buong pagkatao, talino, yaman, at oras nang buong-buo at walang pasubali. Ito ang makapagbibigay ng kahulugan sa kaniyang buhay. Ito rin ang makasasagot ng dahilan ng kaniyang pag-iral sa mundong ito. PAGHAHANAP NG KAHULUGAN NG BUHAY Naitanong mo na ba sa iyong sarili ang kahulugan ng buhay para sa iyo? Ang buhay ay maituturing na isang paglalakbay. Sa paglalakbay na ito ay kailangan ng tao ang makakasama upang maging magaan ang kaniyang paglalakbay. Una, paglalakbay kasama ang kapuwa at ikalawa, paglalakbay kasama ang Diyos. Ngunit tandaan, hindi sa lahat ng oras ay magiging banayad ang paglalakbay, maaaring maraming beses na madapa, maligaw, mahirapan, o masaktan; ngunit ang mahalaga ay huwag bibitiw o lalayo sa iyong mga kasama. Anumang hirap o balakid ang maranasan sa daan, mahalagang harapin ito na may determinasyon na marating ang pupuntahan. PINAGKUNAN: https://www.instagram.com/ewordpower/ Hindi maaaring paghiwalayin ang paglalakbay kasama ang kapuwa at ang paglalakbay kasama ang Diyos dahil makikita ng tao sa mga ito ang kahulugan ng kaniyang buhay. Kung siya ay patuloy na maniniwala at magbubukas ng puso at isip sa katotohanan ay may dahilan kung bakit siya umiiral sa mundo. Dapat palaging tandaan na ang bawat isa ay may personal na misyon sa buhay. ESPIRITWALIDAD AT PANANAMPALATAYA: DAAN SA PAKIKIPAG-UGNAYAN SA DIYOS AT KAPUWA Ang tao ang pinaka-espesyal sa lahat ng nilikha dahil hindi lamang katawan ang ibinigay sa kaniya ng Diyos kundi pinagkalooban din siya ng espiritu na nagpapabukod- tangi at nagpapakawangis sa kaniya sa Diyos. Ngunit ang nagpapakatao sa tao ay ang kaniyang espiritu na kinaroroonan ng persona. Ang persona, ayon kay Scheler ay, “ang pagka-ako” ng bawat tao na nagpapabukod-tangi sa kaniya. Kaya’t ang espiritwalidad ng tao ay galing sa kaniyang pagkatao. Ito ay lalong lumalalim kung isinasabuhay niya ang kaniyang pagiging kalarawan ng Diyos at kung paano niya minamahal ang kanyang kapuwa. Kaya’t ang tunay na diwa ng espiritwalidad ay ang pagkakaroon ng mabuting ugnayan sa kapuwa at ang pagtugon sa tawag ng Diyos na may kasamang kapayapaan at kapanatagan sa kalooban. Ang espiritwalidad ay nagkakaroon ng diwa kung ang espiritu ng tao ay sumasalamin sa kaibuturan ng kaniyang buhay kasama - ang kaniyang kilos, damdamin, at kaisipan. Kaya’t anuman ang relihiyon ng isang tao, ang espiritwalidad ang pinakarurok na punto kung saan niya nakakatagpo ang Diyos. Ang tao ay naghahanap ng kahulugan ng kaniyang buhay. Mula sa kaniyang pagtatanong kung bakit siya umiiral. Sa harap ng mga pagsubok o problema na kaniyang pinagdaraanan, marahil nagtatanong ang tao kung may Diyos bang makapagbibigay ng kasagutan sa kaniyang mga pagtatanong. Dito kailangan niya ang pananampalataya. Ang pananampalataya ay ang PINAGKUNAN: https://www.himalayaninstitute.org/wisdom-library/what-is- spirituality-what-is-religion/ personal na ugnayan ng tao sa Diyos. Isa itong malayang pasiya na alamin at tanggapin ang katotohanan ng presensiya ng Diyos sa kaniyang buhay at sa pagkatao niya. Isa itong biyaya na maaaring Malaya niyang tanggapin o tanggihan. Sa pananampalataya, naniniwala at umaasa ang tao sa mga bagay na hindi nakikita. Sa aklat ng Hebreo sinasabi na, “Ang pananampalataya ang siyang kapanatagan sa mga bagay na inaasam, ang kasiguruhan sa mga bagay na hindi nakikita.” (Hebreo 11:1) Ibig sabihin, nagiging panatag ang tao dahil siya ay naniniwala at nagtitiwala sa Diyos kahit pa hindi niya ito nakikita at mula rito, nararanasan niya ang kapanatagan, ang tunay na kaginhawahan at kaligayahan. Sa pananampalataya, itinatalaga ng tao ang kaniyang paniniwala at pagtitiwala sa Diyos. Inaamin niya ang kaniyang limitasyon at kahinaan dahil naniniwala siyang anuman ang kulang sa kaniya ay pupunuan ng Diyos. Ang pananampalataya, tulad ng pagmamahal ay dapat ipakita sa gawa. Ito ay ang pagsasabuhay ng tao sa kaniyang pinaniniwalaan. Kung kaya’t, ang pananampalataya ay hindi maaaring lumago kung hindi isinasabuhay para sa kapakanan ng kapuwa. Naipapahayag ng tao ang kaniyang pananampalataya sa Diyos sa pamamagitan ng aktuwal na pagsasabuhay nito. Wika nga ni Apostol Santiago sa Bagong Tipan, “Ang pananampalatayang walang kalakip na gawa ay patay” (Santiago 2:20). Ibig sabihin, ang mabuting kilos at gawa ng tao ang siyang matibay na nagpapakita ng kaniyang pananampalataya. Naipahahayag ang pananampalataya ng tao kahit ano pa man ang kaniyang relihiyon - maging Kristiyanismo, Islam, Buddhismo o iba pa. Naririto ang iba’t-ibang uri ng relihiyon. Pananampalatayang Kristiyanismo. Itinuturo nito ang buhay na halimbawa ng pag- asa, pag-ibig, at paniniwalang ipinakita ni Hesukristo. Ang ilan sa mga mahalagang aral nito ay ang sumusunod: a. Ang Diyos ay nasa ating lahat sa bawat pagkakataon ng ating buhay. Nangangahulugang kasama ng tao ang Diyos sa bawat sandali ng kaniyang buhay. b. Tanggapin ang kalooban ng Diyos na may kagaanan at likas na pagsunod. Ang pagtanggap na ito ay nagmula sa pagkakaroon ng tiwala sa Diyos sa bawat oras at pagkakataon. Laging humingi ng pagpapala sa Diyos upang makagawa ng kabutihan. c. Magmahalan at maging mapagpatawad sa bawat isa. Maging mapagpakumbaba at ialay ang sarili sa pagtulong sa kapuwa. Pananampalatayang Islam. Ito ay itinatag ni Mohammed, isang Arabo. Ang mga banal na aral ng Islam ay matatagpuan sa Koran, ang Banal na Kasulatan ng mga Muslim. Sa bawat Muslim, ang kaniyang pananampalataya ay aktibo sa lahat ng araw at panahon ng kaniyang buhay habang nabubuhay siya. Ito ay dahil sa Limang Haligi ng Islam, na dapat na isakatuparan. Dahil dito, ang Muslim ay laging buhay ang pananampalataya upang maisakatuparan ang limang haliging ito. Ito ay ang sumusunod: 1. Ang Shahadatain (Ang Pagpapahayag ng Tunay na Pagsamba). Ayon sa mga Muslim, walang ibang Diyos na karapat-dapat pag-ukulan ng pagsamba maliban kay Allah at kay Mohammed na Kaniyang Sugo. Ito ay nangangahulugan ng pagsamba sa Iisang Diyos at di pagbibigay o pagsasama sa Kaniyang kaisahan. 2. Ang Salah (Pagdarasal). Sa Islam, ang pamumuhay ay isang balanseng bagay na pangkatawan at pang-espiritwal. May limang takdang pagdarasal sila sa araw- araw. Ito ay paraan upang malayo sila sa tukso at kasalanan. 3. Ang Sawm (Pag-aayuno). Ito ay obligasyon ng bawat Muslim na may sapat na gulang at kalusugan ng katawan tuwing buwan ng Ramadhan. Ang pag-aayuno para sa kanila ay isang bagay na pagdisiplina sa sarili upang mapaglabanan ang tukso na maaaring dumating sa buhay. 4. Ang Zakah (Itinakdang Taunang Kawanggawa). Ang Zakah ay hindi lamang boluntaryong pagbibigay sa mga nangangailangan kundi isang obligasyong itinakda ni Allah. Ito ay hindi lamang naglalayon ng pagtulong sa kapuwa kundi paglilinis sa mga kinita o kabuhayan upang ibahagi sa kanilang kapuwa Muslim. 5. Ang Hajj (Pagdalaw sa Meca). Ang bawat Muslim, lalaki at babae, na may sapat na gulang, mabuting kalusugan at kakayahang gumugol sa paglalakbay ay nararapat na dumalaw sa banal na lugar ng Meca, ang sentro ng Islam sa buong mundo. Pananampalatayang Buddhismo. Ayon sa Buddhismo, ang paghihirap ng tao ay nag-uugat sa kaniyang pagnanasa. Ang pagnanasa ay nagbubunga ng kasakiman, matinding galit sa kapuwa, at labis na pagpapahalaga sa materyal na bagay. Ito ang nakatuon sa aral ni Sidhartha Gautama o ang Budha, na isang dakilang mangangaral ang mga Budhismo. Si Gautama ay kinikilala ng mga Budhista na isang naliwanagan. May apat na katotohanan na naliwanagan kay Sidharta Gautama, ang Budha (ibig sabihin “The Enlightened One”): 1.Ang buhay ay dukha (kahirapan, pagdurusa). 2.Ang kahirapan ay bunga ng pagnanasa (‘taha’). 3.Ang pagnanasa ay malulunasan. 4.Ang lunas ay nasa walong landas (8 Fold Path) – tamang pananaw, tamang intensiyon, tamang pananalita, tamang kilos, tamang kabuhayan, tamang pagsisikap, tamang kaisipan, tamang atensiyon. Siya ay nagbahagi ng kaniyang kabatiran upang tumulong sa mga may kamalayang nilalang na wakasan ang pagdurusa sa pamamagitan ng pagtatanggal ng kamangmangan, sa pamamagitan ng pag-unawa at pagkita sa nakasalalay na pinagmulan at pag-aalis ng pagnanasa upang makamit ang pinakamataas na kaligayahan, ang nirvana. Ang pagkamit ng pinakamataas na kaligayahan ang nagbibigay kahulugan sa kanilang buhay. Binibigyan nila ng pagpapahalaga ang kabutihang panloob at mataas na antas ng moralidad. Pinapabuti rin nila ang kanilang pagkatao sa pamamagitan ng pag-iwas sa mga materyal na bagay. Sa tatlong relihiyon na nabanggit, iisa lamang ang makikita at ipinapahayag at ito ay ang sinasabi sa Gintong Aral (Golden Rule): “Huwag mong gawin sa iba ang ayaw mong gawin nila sa iyo”. Ibig sabihin: Anuman ang gawin mo sa iyong kapuwa, ginagawa mo sa iyong sarili. Naipapahayag ang pananampalataya sa Diyos sa pamamagitan ng relihiyon. Maaaring iba’t iba ang relihiyon at ang pamamaraan ng pagsasabuhay ng pananampalataya, mahalagang igalang ang mga ito. Magkakaiba man ang turo o aral ng bawat isa, ang mahalaga ay nagkakaisa sa iisang layuning magkaroon nang PINAGKUNAN:https://gaslightcreative.com/giving-back- malalim na ugnayan ang tao sa Diyos at kapuwa. blog/do-onto-others-quote/ Ang pananampalataya ay dapat ding alagaan upang mapanatili ang ningas nito. Katulad ng dalawang tao na nagmamahalan, kailangang alagaan nila ang kanilang ugnayan upang mapanatili ito. Naririto ang ilan sa mga dapat gawin upang mapangalagaan ang ugnayan ng tao sa Diyos. 1.Panalangin – Ito ay paraan ng pakikipag-ugnayan ng tao sa Diyos. Sa pananalangin, ang tao ay nakapagbibigay ng papuri, pasasalamat, paghingi ng tawad, at paghiling sa Kaniya. Kung hindi natutupad ang hinihiling sa panalangin, huwag agad panghinaan ng pananampalataya dahil may dahilan ang Diyos kung bakit hindi Niya ibinibigay ito sa tao. Maaaring hindi pa ito dapat mangyari, o di kaya’y maaaring makasama ito sa taong humihiling. 2.Panahon ng Pananahimik o Pagninilay – Sa buhay ng tao, napakahalaga ang pananahimik. Ito ay makatutulong upang ang tao ay makapag- isip at makapagnilay. Mula rito mauunawaan ng tao ang tunay na mensahe ng Diyos sa kaniyang buhay. Makatutulong ito upang malaman ng tao kung ano ang ginagawa niya sa kaniyang paglalakbay, kung saan siya patutungo. 3.Pagsisimba o Pagsamba – Anuman ang pinaniniwalaan ng tao, mahalaga ang pagsisimba o pagsamba saan man siya kaanib na relihiyon. Ito ang makatutulong sa tao upang lalo pang lumawak ang kaniyang kaalaman sa Salita ng Diyos at maibahagi ito sa pamamagitan ng pagsasabuhay ng kaalaman na napulot sa pagsisimba/pagsamba. 4.Pag-aaral ng Salita ng Diyos – Upang lubos na makilala ng tao ang Diyos, nararapat na malaman ang Kaniyang mga turo o aral. Tulad ng isang tao na nais makilala nang lubos ang taong kaniyang minamahal, inaalam niya ang lahat ng impormasyon ukol dito. Hindi lubusang makikilala ng tao ang Diyos kung hindi siya mag-aaral o magbabasa ng Banal na Kasulatan o Koran. 5.Pagmamahal sa Kapuwa – Hindi maaaring ihiwalay sa tao ang kaniyang ugnayan sa kapuwa. Ito ang isang dahilan ng pag-iral ng tao, ang mamuhay kasama ang kapuwa. Hindi masasabi na maganda ang ugnayan ng tao sa Diyos kung hindi maganda ang ugnayan niya sa kaniyang kapuwa. Mahalagang maipakita ng tao ang paglilingkod sa kaniyang kapuwa. 6.Pagbabasa ng mga aklat tungkol sa espiritwalidad – Malaki ang naitutulong ng pagbabasa ng mga babasahin na may kinalaman sa espiritwalidad. Ito ay nakatutulong sa paglago at pagpapalalim ng pananampalataya ng isang tao. Mula sa iba’t ibang paraan, napalalalim ng tao ang kaniyang ugnayan sa Diyos. Kaya’t dito ay makikita ng tao na hindi maaaring ihiwalay ang espiritwalidad sa pananampalataya. Ang espiritwalidad ng tao ang pinaghuhugutan ng pananampalataya at ang pananampalataya naman ang siyang nagpapataas ng espiritwalidad ng tao. Dito ay nagkakaroon nang malalim na ugnayan ang Diyos at ang tao. ANG PAGMAMAHAL SA DIYOS AT KAPUWA ANG TUNAY NA PANANAMPALATAYA Paano ka ba magmahal? Naitanong mo na ba ito sa iyong sarili? Paano mo minamahal ang Diyos at ang iyong kapuwa? Pamilyar ka ba sa dalawang pinakamahalagang utos? Ito ay ang: Ibigin mo ang Diyos nang buong isip, puso, at kaluluwa at ibigin mo ang iyong kapuwa tulad ng iyong sarili. Ang magmahal ang pinakamahalagang utos. Sinasabi sa Juan 4:20, “Ang nagsasabi na iniibig ko ang Diyos, subalit napopoot naman sa kaniyang kapatid ay isang sinungaling. Kung ang kapatid na kaniyang nakikita ay hindi niya magawang ibigin, paano niya maiibig ang Diyos na hindi niya nakikita?” Tunay nga ang sinasabi ng pahayag na ito. Masasabi lamang ng tao na siya ay nagmamahal sa Diyos kung nagmamahal siya sa kaniyang kapuwa. Hindi ito madali, ngunit isa itong hamon para sa lahat dahil kung anuman ang ginawa natin sa ating kapuwa ay sa Diyos natin ginagawa. Kilala mo ba si Mother Teresa ng Calcutta? Nakita sa kaniya ang maIalim na ugnayan sa Diyos sa pamamagitan ng paglilingkod sa mga tao na hindi katanggap- tanggap sa lipunan tulad ng mga pulubi sa lansangan, mga may sakit na ketong, mga matatandang maysakit na iniwan ng kanilang pamilya, at marami pang iba. Sila ay inalagaan at tinulungan, pinakain at minahal ni Mother Teresa na walang hinihintay na anumang kapalit. Sinabi ni Mother Teresa: Paano mo nalalaman na nagmamahal ka? Ito ang tunay na pagmamahal, ang magmahal na walang hinihintay na anumang kapalit kahit na nahihirapan o nagsasakripisyo ay PINAGKUNAN: http://pacemstudio.com/portraits-of-saints/ nagmamahal pa rin. Ganyan ang ipinakitang pagmamahal ni Mother Teresa - isang pagmamahal na ang hinahanap ay makita ang Diyos sa piling ng kapuwang pinaglilingkuran. Kaya’t mapapatunayan lamang ng tao na minamahal niya ang Diyos kung minamahal niya ang kaniyang kapuwa. Mayroon tayong tinatawag na Apat na Uri ng Pagmamahal ayon kay C.S. Lewis. 1. Affection – Ito ay ang pagmamahal bilang magkakapatid, lalo na sa mga magkakapamilya o maaaring sa mga taong nagkakilala at naging malapit o palagay na ang loob sa isa’t isa. 2. Philia – Ito ay pagmamahal ng magkakaibigan. Mayroon silang iisang tunguhin o nilalayon na kung saan sila ay magkakaugnay. 3. Eros – Ito ay pagmamahal batay sa pagnanais lamang ng isang tao. Kung ano ang makapagdudulot ng kasiyahan sa kaniyang sarili. Halimbawa: Mahal mo siya dahil maganda siya. Ito ay tumutukoy sa pisikal na nais ng isang tao. 4. Agape – Ito ang pinakamataas na uri ng pagmamahal. Ito ay ang pagmamahal na walang kapalit. Ganyan ang Diyos sa tao. Patuloy na nagmamahal sa kabila ng mga pagkukulang at patuloy na pagkakasala ng tao ay patuloy pa rin Niyang minamahal dahil ang TAO ay mahalaga sa Kaniya. Kung gayon, ang bawat isa sa atin ay inaanyayahan na tularan ang Diyos. Sikapin natin na mahalin ang ating kapuwa dahil ito ang palatandaan ng pagmamahal natin sa Diyos na Lumikha.