FILIPINO SA PILING LARANG PDF
Document Details
STI
Tags
Summary
Ang dokumentong ito ay isang handout na nagpapaliwanag ng iba't ibang uri ng pagsulat sa Filipino, kasama ang mga katangian at kahalagahan nito. Sinaklaw nito ang teknikal, referensyal, dyornalistik, at akademikong pagsulat. Nakapaloob din ang halimbawa at gamit ng bawat uri at prinsipyo ng sulatin.
Full Transcript
SH1673 Ang Pagsulat, Teorya, at Konsepto Ang Pagsulat Ang pagsulat ay ang pagsalin sa papel o sa ano mang kasangkapang maaaring magamit na mapagsasalinan ng mga nabuong salita, simbolo, larawan ng tao, o grupo ng tao sa layuning maipahiwatig ang kanyang kaisip...
SH1673 Ang Pagsulat, Teorya, at Konsepto Ang Pagsulat Ang pagsulat ay ang pagsalin sa papel o sa ano mang kasangkapang maaaring magamit na mapagsasalinan ng mga nabuong salita, simbolo, larawan ng tao, o grupo ng tao sa layuning maipahiwatig ang kanyang kaisipan. (Mendoza & Romero, 2013). Ang Katangian ng Pagsulat Ayon kay Cruz, et al. (2010), ang wastong pagsulat ay kinakapalooban ng mga katangian. Ang mga ito ay: a. Malinaw b. Wasto c. Astetiko d. Maayos Ano nga ba ang Teorya? Ang teorya ay grupo ng mga konsepto na binuo upang maipaliwanag ang mga pangyayari na hindi pa hustong napag-aaralan. Kinakailangang ito ay may ebidensiya at sapat na katibayan upang mapagnilay-nilayan. (Engler, 2014) *Si Lev Vygotsky ay isang sikolohistang Ruso na nag pasimula ng Sociocultural theory. Naniniwala siya na ang pakikipaghalubilo sa kapwa ay may malaking kontribusyon sa paglago ng isang bata patungo sa kanyang pagtanda. Naniniwala din siya na ang lengguwahe at mga salita ay susi upang maging ganap ang pagkatao ng isang indibidwal. Pic. 1. Lev Vygostsky (verywell.com) Mga Sanggunian: (n.d.). Retrieved from http://wwiiletters.blogspot.com/ Angeles, C., et al. (2011). Pagbasa at pagsulat tungo sa pananaliksik batayan at sanayang-aklat sa filipino 2. Malabon City: Mutya Publishing House. Cruz, B., et al. (2010). Filipino 2: Pagbasa at pagsulat sa masining na pananaliksik sa antas tersaryo. Manila. Mindshapers Co., Inc. Mendoza Z., et al. (2012). Pagbasa at pagsulat sa iba’t ibang disiplina sa antas tersarya. Manila. Rex Bookstore,Inc. 01 Handout 1 *Property of STI Page 1 of 1 SH1673 Mga Uri ng Pagsusulat I. Ano ang Teknikal na Pagsusulat? Ito ay isang uri ng tekstong ekspositori na nagbibigay ng impormasyon para sa komersyal o teknikal na layunin. Lumilikha ang manunulat ng dokumentasyon para sa teknolohiya, medisina, batas, resipi sa pagluluto, siyensiya o agham, at bokasyunal. (Cruz, et al., 2010) Ano-ano ang mga uri ng Teknikal na Pagsusulat? - mga batas na nilalathala - mga dyornal pangmedikal - resipi ng pagkain - iitiketa ng gamot - instruksyon ng mga gamit Kadalasan ito ay kinapapalooban ng pagsasaliksik at matagalang pag-aaral. Ang isang resipi ng pagkain ay masasabi nating isang teknikal na lathalain dahil ito ay kinapapalooban ng pag-aaral at pananaliksik lalo na sa timbang at dami ng rekados na gagamitin. May iba’t ibang klase ng putahe at pamamaraan ng pagluluto. Paminsan-minsan ay isinasatitik ang mga resipi na napaglipasan ng panahon upang mabasa at masundan ang proseso at upang matikman ng mga mambabasa sa kasalukuyan. II. Ano ang Refererensyal na Pagsusulat? Ang referensyal na pagsusulat ay may kaugnayan sa malinaw at wastong paglalahad ng isang paksa. Ito ay nagpapaliwanag at nagbibigay datos at impormasyon sa mambabasa. Layunin ng uri ng pagsusulat na ito ay ang mailahad ang katotohanan, wastong paggamit ng isang kasangkapan, o para makabuo ng isang maganda at obhetibong konklusyon (Deguiñon, 2011). Ano-ano ang mga uri ng Referensyal na Pagsusulat? - teksbuk - ulat panlaboratoryo - manwal - feasibility study III. Ano ang Dyornalistik na Pagsusulat? Ito ay ang pagsulat na pampalimbagan. Maaring balita, lathalain, editorial, balitang pampalakasan, anunsyo, o mga advertisements sa isang pahayagan. Ang Dyornalistik na lathalain ay kailangan magsaad ng pawang katotohanan, may pagkaobhetibo at walang pinapanigan. Kadalasan ay naglalaman ito ng mga artikulong pumupukaw sa ating human interest mga makasaysayang datos, mga pang politika at makaagham na pagaanalisa, pananawagan, at mga payanam sa ibang mga personalidad. 02 Handout 1 *Property of STI Page 1 of 2 SH1673 Ano-ano ang mga uri ng Dyornalistik na Pagsusulat? - pahayagan - anunsyo - tabloid IV. Ano ang Akademik na Pagsusulat? (Mendoza & Romero, 2012) Ito ay isang pagsulat na naglalayong linangin ang mga kaalaman ng mga mag-aaral kaya ito ay maari din tawagin na intelektwal na pagsulat. Ilan sa mga halimbawa nito ay ang tesis, pamanahong papel, ulat pang laboratoryo at iba pa. May sinusunod itong istriktong kumbensyon. At kadalasan ito ay isinasailalim sa masusing pagbabatikos mula sa mga eksperto. Ito ay ginagawa upang maisaayos ang datos, impormayson, at nilalaman ng sulatin. Sa madaling salita, ito ay dumadaan sa sinasabi nating defense. Kaakibat ng pangakademikong pagsusulat ay ang mahabang pagsasaliksik. (Canaria, 2013) Mayroong tatlong (3) konsepto ang akademikong pagsusulat. Ito ay ang mga sumusunod: 1. Ang akademikong pagsulat ay ginagawa ng mga iskolar at para sa mga iskolar. 2. Ang akademikong pagsulat ay nakalaan sa mga paksa at mga tanong na kinagigiliwan ng akademikong komunidad. 3. Ang akademikong pagsulat ay dapat maglahad ng importanteng argumento. Ano-ano ang mga uri ng Akademik na Pagsusulat? - akademikong sanaysay - pamanahong papel - feasibility study - tesis - disertaysyon - bibliograpiya - book report - position paper - panunuring pampanitikan - policy study Mga Sanggunian: Canaria, K. (2013, July 16). Uri ng pagsulat. Retrieved December 8, 2014, from https://prezi.com/9p0ok62j5nk_/uri-ng-pagsulat/ Cruz, B., et al. (2010). Filipino 2: Pagbasa at pagsulat sa masining na pananaliksik sa antas tersaryo. Manila. Mindshapers Co.,Inc. Deguiñon, E. (2011, June 13). Teknikal na filipino. Retrieved December 8, 2014, from http://teknikalnafilipino.blogspot.com/2011/06/teknikal-na-filipino.htm Mendoza, Z., & Romero, M. (2012). Pagbasa at pagsulat sa iba't ibang disiplina sa antas tersarya. Manila: Rex Bookstore. 02 Handout 1 *Property of STI Page 2 of 2 SH1673 Ang Pagsusulat ng Teknikal-Bokasyunal na Lathalain (Bandril & Villanueva, 2016) I. Ano ang Teknikal-Bokasyunal na Sulatin? Ang teknikal-bokasyunal na pagsulat ay may kinalaman sa larangan ng agham, teknolohiya, kalusugan, inhenyera, at iba pa. Karaniwan ng sulating teknikal ay may katiyakan sa nilalaman at eksakto ang datos at impormasyon. Katulad ng nasasaad sa unang mga linggo ng ating talakayan, ang mga sulating kagaya nito ay kinapapalooban ng mataimtimang pagsisiyasat at pagsasaliksik. Dapat lang sakto at tama ang mga proseso na isinasaad dito lalo na pagdating sa mga manwal. Mahalaga na malinaw na nailalarawan ang mga hakbang at alituntunin upang madali itong sundan. Importante din na ang balarila ay tama, ang bantas ay akma, at gumagamit ng mga salitang madaling maintindihan ng karamihan. Ang sulating teknikal-bokasyunal ay naglalayong magbigay impormasyon sa mambabasa. II. Layunin Mayroong tatlong (3) layunin ang pagsusulat ng pangteknikal-bokasyunal na lathalain at ito ay ang mga sumusunod: 1. Makapagbigay-kaalaman - Ang pagsusulat ng mga lathalaing pangteknikal-bokasyunal ay nagpapaliwanag at nagpapaunawa ng isang bagay, paniniwala, idilohiya, pagbibigay direksyon, at proseso. 2. Makapag-analisa at makapagisip ng mga pangyayari at ang maaring implikasyon nito - Isa sa mga kagandahan ng pagsusulat ng teknikal-bokasyunal na lathalain ay ang pagkakaroon nito ng isang matagalang pagsasaliksik. Sa ganitong paraan, nakakasigurado tayo na ang datos ay tama at hindi minadali. Sinusubukan nitong ipaliwanag at bigyang linaw ang mga sanhi kung bakit bigo ang isang plano, pag-aaral, disenyo, at iba pa. Sa pag- aanalisa ay nalalaman natin na mayroong maaring ibang solusyon sa mga nakitang problema. 3. Makaimpluwensiya - Layunin din nito ang maimpluwensiyahan ang karamihan, hindi sa maling paraan, kung hindi sa pagtanggap ng bagong teknolohiya, bagong paniniwala, na iboto ang isang kandidato sa eleksyon, ipagbigay alam ang bagong tayong restawran, o bumili ng bagong produkto. Pic.1 Mga lumang brochure ng Mac Computers (systemfolder.wordpress.com) 03 Handout 1 *Property of STI Page 1 of 2 SH1673 III. Gamit Maraming pwedeng paggamitan ang teknikal-bokasyunal na sulatin: 1. Bilang batayan sa desisyon ng mga ehekutibo at mga may-ari ng mga pribadong kumpanya. 2. Bilang batayan sa desisyon ng mga ehekutibong pulitiko at mambabatas sa gobyerno. 3. Pagbibigay ng tagubilin at proseso. 4. Magpaliwanag ng pamamaraan ng paggamit. 5. Bilang anunsyo. 6. Ipagbigay alam ang makabagong produkto. 7. Ipagbigay alam ang mga serbisyo ng isang indibidwal, kumpanya, o gobyerno. 8. Makalikha ng proposal. Sanggunian: Bandril, L. & Villanueva, V. (2016). Pagsulat sa filipino sa piling larangan (isports at teknikal- bokasyunal). Quezon City: Vibal Group Incorporated. 03 Handout 1 *Property of STI Page 2 of 2 SH1673 ANG MGA SULATING TEKNIKAL- bokasyunal sa sulatin at halos pareho lamang sa mga BOKASYUNAL: KATANGIAN AT makasining na lathalain. Ngunit ano nga ba ang pagkakaiba? KAHALAGAHAN I. Katangian a. Walang bahid ng emosyon b. Purong impormasyon lamang ang binibigay Nalaman natin na may mga layunin ang mga bawat c. Hindi nagbibigay-aliw ang sulating teknikal- sulatin. Maraming klase ng sulatin kung tutuusin. Ngunit bokasyunal ano nga ba ang kaibahan ng teknikal-bokasyunal na sulatin at ano ang mga katangian nito? III. Mahusay na sulating teknikal-bokasyunal a. Higit na naglalaman ng impormasyon Iba’t iba ang pamantayan sa kahit anong sulatin at b. Walang bahid ng emosyon lathalain. Ngunit kakaiba ang isang sulating teknikal- c. May sinusunod na proseso bokasyunal. Dahil ito ay kailangan may bigat sa d. Gumagamit ng deskripsyon ng mekanismo pagbibigay ng impormasyon at kailangan totoo ang datos. e. Gumagamit ng sanhi’t bunga Sa totoo lamang ay hindi ito masyadong binabasa sa f. May katangiang maghambing at pumuna ng kadahilanan na din na karamihan ng sulating ito ay may pagkakaiba kahabaan o at hindi naman talaga nakakaengganyo g. May kakayahang magbigay ng interpretasyon basahin. Ang bigat ngayon ng pagaanyaya sa mambabasa ay nasa kamay ng manunulat. Ano nga ba ang mga II. Kahalagahan katangian ng mahusay na pagkakasulat na lathalaing teknikal-bokasyunal? Importante ang teknikal-bokasyunal na pagsusulat sa napakaraming disiplina simula sa larangan ng agham at a. Madaling unawain ng mambabasa pati na din ng sining. Ang mga industriya ngayon ay b. Madaling makita ng mambabasa ang layunin ng gumagamit ng mga teknikal-bokasyunal na mga sulatin artikulo bilang manwal o lathalaing tumutulong sa training ng mga c. Naibabahagi ng maayos at may pagkakasunod-sunod empleyado. ukol sa paksang isinulat d. May klarong obhetibo Ang teknikal-bokasyunal na pagsusulat ay nagsisilbing e. Gumagamit ng etikang pamantayan at hindi naninira introduksyon sa pagsusulat ng mga iba pang sulatin gaya ng katayuan ng ibang tao, ideya, produkto, o kompanya ng nobela, tula, at iba pang malalalim at makasining na lathalain. Ang mga prinsipyo ng pagsusulat ng teknikal- 04 Handout 1 *Property of STI Page 1 of 2 SH1673 Larawan 1. Isang manwal na may kamalian sa gramatika. (hardware.slahdot.com) Sanggunian: Bandril, L., & Villanueva, V. (2016). Pagsulat sa filipino sa piling larangan (isports at teknikal-bokasyunal). Quezon City: Vibal Group Incorporated. 04 Handout 1 *Property of STI Page 2 of 2 SH1673 Hakbang sa Pagsulat ng Sulating Akademik at 5. Specifications – Ito ay isang uri ng sulatin na nagbibigay Teknikal-Bokasyunal ng sukat, itsura ng estraktura, kulay at iba pa. 6. Resume- Ito ay isang sulatin na nagpapakilala ng isang I. Uri at Kinapapalooban aplikante na naghahanap ng trabaho sa isang kumpanya. Ang teknikal na lathalain ay dapat lamang na tiyak, 7. Ulat-Teknikal – Ito ay nagbibigay analisis sa isang may tuon, sigurado, at hitik sa impormasyon. Hangga’t sitwasyon, kaso, paksa, at iba pa. maaari, ang isang manunulat ng teknikal na lathalain ay may kakayahang gumamit ng mga salitang maiintindihan II. Mga Hakbang sa Teknikal na Pagsulat ng karamihan. May abilidad siyang gawing kaayaaya ang Lingid sa kaalaman ng lahat, maaring makapagsulat ang mga salitang makaagham o teknikal sa mga mambabasa. sinuman ng isang lathalaing teknikal kahit kakaunti ang Ang pahina ay isa sa mga importanteng elemento ng pagsasanay. Ang kagandahan ng pagsulat ng teknikal ay may isang sulating teknikal-bokasyunal. Ang disenyo ay dapat pamamaraang pupuwedeng gamitin upang ito ay maisaayos. angkop sa paksa. Wasto dapat ang pagpili ng bullet points, Narito ang pamamaraan: disenyo ng font, laki ng font, mga larawan, dayagram, 1. Pagpaplano – Importanteng malaman kung sino ang charts, at iba pa. target na babasa ng iyong sulatin at ano ang layunin ng Ang teknikal na pagsusulat ay sumasaklaw sa lathalain. maraming uri at anyo depende sa target na mambabasa. 2. Nilalaman – Alamin ang dapat na nilalaman ng Siyasatin ang mga halimbawa ng mga sulating teknikal na lathalaing isusulat. Importante na malaman mo din kung araw-araw natin nababasa at nakakasalamuha: saan hahanap ng mga impormasyon. Marapat lamang na 1. Instruksyon ng pagsasagawa – Ito ay nagbibigay ng mga magsaliksik ng maigi at kumpletuhin ang datos at salain proseso kung paano gamitin ang isang kagamitan. itong mabuti bago gamitin. Kadalasan itong may mga litrato. Importante ang tamang 3. Pagsulat – Isulat ang bawat burador o draft at irebyu ng pagbibigay ng impormasyon dahil kung magkakamali ay husto. maaring maging sanhi ito ng pagkasira ng kagamitan. 4. Lokalisasyon – Alamin kung may mga terminong 2. Proposal – Ito ay isang sulatin na naglalaman ng metodo, kailangan isalin sa Filipino. Unawain na may mga layunin, gawain, at obhetibo ng isang proyekto. salitang Ingles na walang salin sa Filipino. 3. E-mails at Memorandum – Ito ay mga sulatin na Rebyu – Sikaping malaman ang kahinaan at kalakasan ng iyong karaniwang ginagamit sa iba’t ibang kalakaran. naisulat. Ayusin ang balarila, baybayin at iba pang detalye. 4. Press releases – Ito ay isinasagawa para sa anumang Sanggunian: anunsiyo na pampubliko.. Inilalathala ito ng isang Bandril, L., & Villanueva, V. (2016). Pagsulat sa filipino sa kumpanya upang ipagbigay at ipakilala ang kanilang piling larangan (isports at teknikal-bokasyunal). Quezon produkto o serbisyo. City: Vibal Group Incorporated. 05 Handout 1 *Property of STI Page 1 of 1