RETORIKA REVIWER PDF
Document Details
Uploaded by Deleted User
Tags
Related
- MASINING NA PAGPAPAHAYAG/RETORIKA: KATUTURAN AT KALIGIRAN Filipino 3 PDF
- Aralin 1 - Retorika PDF
- MASINING NA PAGPAPAHAYAG/RETORIKA: KATUTURAN AT KALIGIRAN PDF
- Pagpapahayag ng Ideya sa Matalinhagang Istilo PDF
- Pagpapahayag ng Ideya sa Matalinhagang Istilo (PDF)
- GE 14: Retorika/Masining na Pagpapahayag (PDF)
Summary
Ang dokumentong ito ay isang pagsusuri sa Retorika, isang larangan ng pag-aaral na nakatuon sa epektibong komunikasyon, pasalita man o pasulat. Binibigyang-diin nito ang mga katangian, kasaysayan, at mga yugto ng Retorika. Sinasaklaw din nito ang mga konsepto tulad ng gramatika at paggamit ng mga salita.
Full Transcript
Ang Retorika ay galing sa salitang Griyego na RHETOR na nangangahulugang guro o maestro na mananalumpati o orador. Ito ay kaalaman sa mabisang pagpapahayag, pasalita man o pasulat. Mabisa sapagkat maayos, malinaw, maengganyo, at magandang pakinggan o basahin ang pagsasabi. Ayon kay P...
Ang Retorika ay galing sa salitang Griyego na RHETOR na nangangahulugang guro o maestro na mananalumpati o orador. Ito ay kaalaman sa mabisang pagpapahayag, pasalita man o pasulat. Mabisa sapagkat maayos, malinaw, maengganyo, at magandang pakinggan o basahin ang pagsasabi. Ayon kay Plato, ang Retorika ay “art of winning the soul”. Ayon din kay Cicero, ito ay pagpapahayag na dinisenyo upang makapanghikayat. Sinabi rin ni Aristotle na ang Retorika ay pagtuklas ng lahat ng abeylabol na paraan ng panghihikayat. At tama rin ang sinabi ni Quintillian na ang Retorika ay sining ng mahusay na pagsasalita. KATANGIAN NG RETORIKA Ang retorika ay simbolikal –ang mga simbolo ay kinakatawan ng mga letra, imahe o kaya’y kumpas na may ipinararating na ideya o kaya nama’y natatagong kahulugan. Ang retorika ay nagsasangkot ng mga tagapakinig Lumalabas lamang ang paggamit ng retorika kapag nag-usap o nagkaroon ng instensyon ang dalawang tao na magpalitan ng impormasyon. Maaaring intensyon ng retor na magbigay ng impormasyon o manghikayat ng mga tagapakinig Ang retor at ang mga tagapakinig ay dapat nagkakaintindihan sa mga simbolong kanilang ginagamit. Ang wika o mga salita ay dapat naiintindihan ng tagapakinig. Mas magkakaintindihan ang Ilokano kung ang kausap ay ang kapwa Ilokano, kaysa ang Ilokano at isang Maranao Ang retorika ay nakabatay sa panahon. –ang gumagamit nito ay nangungusap sa wika ng ngayon, hindi ng bukas o kahapon. Ang iba pang sangkap ng retorika tulad ng paksa at paraan ay laging naiimpluwensyahan ng kasalukuyang panahon. Baguhin mo ang panahon at magbabago rin ang retorika.. Ang retorika ay mapagkunwari o mapagmalabis na paggamit ng wika Sa ilalim ng mga tayutay, malimit nag awing bahagi ng pahayag ang personipikasyon at hyperbole. Nilalayon nitong tumalon mula sa realidad sa mapaglarong mundo ng imahinasyon ng awdyens. Unang Yugto KLASIKAL NA RETORIKA Homer – Kinilala ng mga Griyego bilang Ama ng Oratoryo. 510 B.C. – Itinatag ang demokratikong institusyon sa Athens. Sophist - Pangkat ng mga guro / Faculty Protagoras – Kauna-unahang Sophist, nagsagawa ng pag-aaral sa wika at itinuro sa kanyang mga mag-aaral. Corax – sinasabing aktwal na tagapagtatag ng Retorika bilang isang agham. Mga Iba pang Sophist ng Retorika: Tisias ng Syracuse – mag-aaral ng Corax Gorgias ng Leontini – nagpunta sa Athens noong 427 B.C. Thrasymachus ng Chalcedon – nagturo rin sa Athens Antiphon – una sa itinuturing na Ten Attic Orators. - kauna-unahang nagsanib ng teorya at praktika ng Retorika. Isocrates – dakilang guro ng oratoryo noong ikaapat na siglo BC. - nagpalawak sa sining ng Retorika upang maging isang pag-aaral ng kultura at pilosopiya na may layuning praktikal. Plato – isang pilosopong Griyego. Aristotle – isang pilosopong Griyego na tumutol sa teknikal na pagdulog sa Retorika. Cicero at Quintillian – itinuturing na mga dakilang maestro ng praktikal na Retorika. Ikalawang Yugto GITNANG PANAHON/MIDYIBAL AT RENASIMYENTO - sa yugtong ito, ang Retorika ay naging isang sabjek ng trivium (3 preliminary subjects) ng Pitong Liberal na Sining sa mga unibersidad. Pitong Liberal na Sining: Aritmitik, Astronomi, Retorika, Dyometri, Musika, Gramar, Lohika. Mga Pangunahing Awtor sa Midyibal na Retorika: Martianus Capella – awtor ng isang ensayklopidya ng Pitong Liberal na Sining. Flavius Magnus Aurelius Cassiodorus – isang historyan na tagapagtatag ng mga monastery. San Isidore – mula sa Seville, isang Kastilang Arsobispo. Tatlong nangungunag “Artes” sa ikalawang yugto: Paggawa ng Sulat - Pagsesermon / Tuwirang Pangangaral - Paglikha ng Tula Panahon ng Renasimyento (ika-14 hanggang ika-17 na siglo) Mga Klasikal na Manunulat: Aristotle - Cicero - Quintillian Sa ika-16 na siglo nakilala sina: Pierre de Courcelles - Andre de Tonquelin Ikatlong Yugto : MODERNONG RETORIKA Sikat na akda: Lectures on Rhetoric (1783) – ni Hugh Blair at Richard Whately - Semantiks – isang agham ng linguistika. Ang pinakamahalagang paaralan ng retorika sa panahong ito ay ang University of Edinburgh na ang puno ng departamento ng Retorika at ng Belles Lettres ay ang paring presbiteryo na si Hugh Blair. Sa kanyang aklat na “Sermon” inilahad niya kung paano mamumuhay nang praktikal at may moral bilang isang tao. Ang kanya ring gawa ay nagging gabay ng mga kabataan sa praktikal na pagsulat ng komposisyon. Ang gabay na ito ang nagging daan upang tawagin si Blair na “the first great theorist of written discourse”. Kenneth Burke -Ayon sa kanyang pananaw ang Retorika ay ginagamit ng tao upang tugunan ang suliranin at tukuyin ang magkatulad na katangian at interes ng mga bagay. Higit na napalawak ang saklaw ng retorika bilang di-direktang pamamaraan ng pagtukoy ng pagkakakilanlan. PERELMAN, CHAIM -Ipinanganak noong Mayo 20, 1912 sa bansang Poland. Kilala siya sa kanyang akda na The New Rhetoric. Dito sinasabi niya na angrasyonal na nagpapaikot sa isang argumento ay maaaring kunin sa ‘Rhetorical Theory’ at dapat isaalang-alangang tagapakinig at ang kanilang ‘values’. EDWIN BENJAMIN BLACK - October 26, 1929 (sa Houston, Texas). Pilosopiya sa University of Houston. Master of Arts in Rhetoric and Public Address sa Cornell University. Minor in Philosophy and Social. Rhetorical Criticism: A study in Method(1965). Neo-Aristotellian FRANCIS BACON - Binigyang-kritiko niya ang mga panghihimok na higit ang pagpapahalaga sa estilo kaysa sa bigat ng usapin, paksa ng talakay, kabutihan ng argumento, paglalahad ng paksa at ang lalim ng paghuhusga. Upang pagbutihin ang estilo ng pagpapahayag, iminungkahi ang paggamit ng simpleng mga salita hangga't maaari. – Pinanganak siya noong ika-5 ng Mayo, 1897 sa Pittsburgh, Pennysylvania. Siya ay isang retorisyan, pilosopo at makata. Ilan sa kanyang mga akda ay ang Language as Symbolic Action (1896), A Rhetoric of Motives (1950), A Grammar of Motives (1945) at Counterstatement (1931). Inilarawan niya ang retorika bilang “ang gamit ng wika bilang simbolo na paraan ng panghihikayat sa kooperasyon ng buhay na natural at ayon sa simbolo.” MARSHALL MCLUHAN - Isang Canadian philosopher ng Communication Theory and Public Intellectual na ipinanganak noong July 21, 1911. Ang kanyang mga likha ay naging tanyag lalo na sa pag-aaral ng Media Theory at sa pagkakaroon ng practical application sa advertising at television industries. Naging kilala din ang kanyang sinulat na “The Medium is the Message” , “Global Village” at ang pagpredict ng World Wide Web 30 years bago ito maimbento. Ang kanyang impluwensya ay nagsimula noong 1970s. ang kanyang mga akda ay mayaman sa mga salitang nagpapalawak ng imahinasyon, may tugmaan at may talinghaga. Si Mcluhan ay tulad ng isang sophist na may angking husay sa paghahabi ng mga salita. Siya ay namatay noong December 30, 1980 ngunit nagpatuloy pa din siyang controversial sa academic circles. I.A. RICHARDS STEPHEN TOULMIN - Siya ay isang pilosopong Briton, awtor at edukador. Ang kanyang naging kontribusyon sa larangan ng retorika ay ang “The Toulmin Model of Argumentation”, ang dayagram na naglalaman ng mga magkakaugnay na elemento sa pag-aanalisa ng argumento. Nakipagtulungan siya kay Albert R. Jonsen upang isulat ang “The Abuse of Casuistry: A History of Moral Reasoning” (1988), na naglalahad sa pagreresolba ng mga suliranin sa usaping moral. Isa sa kanyang pinakahuling gawa ay ang “Cosmopolis: The Hidden Agenda of Modernity” (1990), ay tiyakang tumuligsa sa pagbaba ng pagtingin sa moralidad dahil sa pag-usbong ng modernong agham. Layunin sa Maretorikang Pagpapahayag Maakit ang interes ng kausap na tutok ang atensyong makinig sa sinasalita. Masanay sa pagsasalitang may kalakasang dating ang gilas, may mapamiling kaangkupan at panlasa ang ginagamit na salita, at kalinawan ang bigkas Maliwanag na mapaintindi ang mga sinasabi Maikintal sa isip at damdamin ng kausap ang diwa ng sinasabi; at Maiaplay sa sarili ng tagapakinig ang nakuhang mensahe. Kakayahang Linggwistika -Ang bawat aspektong pang wika (ponolohiya, morpolohiya at sintaksis) ay masusing pinag- aaralan, sa gayon, ang paggamit ng wika, ang pinakainstrumento sa pagpapahayag, ay magiging matatas, masining at mabisa Kakayahang Komunikatibo -Bukod sa maingat, maayos at masinop na paggamit ng wika, ang matalino, maguniguni at masinop na paggamit ng wika, ang matalino, maguniguni at malikhaing pagsasabuhay nito sa bawat sitwasyong kinalalagyan ng tao ay napangyayaring matagumpay Mga Kanon ng Retorika Imbensyon – invenire o to find. Nakatuon sa kung ANO ang sasabihin. Pagsasaayos / Arrangement – Nakatuon sa pagkakasunod-sunod ng isang akda. 1. introduksyon (exordium) 2. paglalahad (narration) 3. dibisyon (partition) 4. patunay (confirmatio) 5. reputasyon (refutation) 6. konklusyon (peroratio) Istayl – nauukol sa masining na ekspresyon ng mga ideya. Nakatuon sa kung PAANO ito sasabihin. Memori– Nakatuon sa pagkakaroon at paggamit ng mnemonics o memory aids. Deliberi – pampublikong presentasyon ng diskurso, pasalita man o pasulat. Magiging matagumpay dahil sa pagkakaroon ng exertatio (practices/exercises). Sangkap ng Mabisang Pagpapahayag ETHOS - Kung paanong ang “karakter” o kredibilidad” ng tagapagsalita ay nakaiimpluwensya sa tagapakinig/awdyens para ikunsidera na kapani-paniwala ang kanyang sinasabi. PATHOS - ang paggamit ng emosyon ng tagapagsalita upang mahikayat ang tagapakinig/awdyens na mabago ang kanilang desisyon. Nang-aakit ang kanyang pananalita gamit ang emosyon. LOGOS - ito ay ang paggamit ng katwiran/rason upang bumuo ng mga argumento. Ang apela sa logos (logos appeal) ay maaaring maipakita sa paggamit ng istadistika/istatistiks, matematika, lohika (logic) at objectivity. KAIROS - ito ay ang paggamit ng natatanging oras at panahon sa pagbibigay ng argumento para maging matagumpay. “Timeliness of an Argument”. Tao/Mga Tao. Tumutukoy ito sa mga tao o lipunang makikinig o di- kaya’y babasa ng isinulat o ipinahayag ng manunulat. Ang bawat ipinahahayag, oral man o berbal ay tiyak na may patutunguhan sa tulong ng pokus ng talakay. Kasanayan ng manunulat. Kung walang kasanayang pansarili ang manunulat mahirap magkaroon ng sining ang mabisang pahayag. Ang kasanayan sa pagpapahayag ay denebelop 3.Wika. Ang wika ay sadyang mnakapangyarihan. Nagagawa nitong maging kilala at hinahangaan ang isang tao dahil sa kagalingan nitong gamitin ang wika. 4. Kultura. Malaki ang kinalaman ng kultura sa pagpapaunlad ng sinabi o ipinahayag dahil anumang gampanin ng isang mamamayan, tuwina ito’y saklaw ng kulturang kinabibilangan. Kabilang dito ang mga pinaniniwalaan, mga tradisyon, wika, awit at iba pa. 5. Sining. Kumakatawan ito sa taglay na galing o talino ng manunulat o mananalita sa larangan ng pagsasalita o pagsusulat. Pumapasok dito ang taglay na pagkamalikhain ng taong gumagawa ng masining na pahayag. 6. Iba Pang Larangan. Ngunit ang retorika ay hindi lamang eksklusibo sa larangan ng Wika, Sining, Pilosopiya at Lipunan. Sino mang tao, saan mang larangan ay may pagnanasang maging mabisa sa pagpapahayag. Kahalagahang Pangkomunikatibo - Ano man ang ating iniisip o nadarama ay maaari nating ipahayag sa pasalita o pasulat na paraan upang maunawaan ng iba pang tao. Kahalagahang Panrelihiyon - Salita ang puhunan ng mga pari at ministro ng alin mang sekta ng relihiyon sa kanilang pagpapalaganap ng pananampalataya. Nakasalalay sa kanilang makarismatikong tinig, malinaw at madaling maintindihang pananalita at maengganyong pagsasalita ang tagumpay ng kanilang misyon at mismo bilang relihiyosong lider. Kahalagahang Pampanitikan - Sa isang manunulat, ang kanyang tagumpay sa pagsusulat ay nasa paggamit niya ng mga salita. Dapat ang gamit niyang wika at ang istilo ng kanyang pagpapahayag sa kanyang mga akda ay parang buhay na tubig na natural na sumisibol at dumadaloy sa personalidad ng kanyang mga tauhan at sa kapaligirang kanilang ginagalawan. Kahalagahang Pang-ekonomiya Kahalagahang Pangmedia - Ang mga artista sa teatro, telebisyon at pelikula, gayundin, ang mga personalidad sa iba’t ibang media ay nakararating sa rurok ng kanilang tagumpay sa pamamagitan ng mga katangi-tangi nilang pagsasalita at mga kaakit- akit nilang boses na humuhubog sa kanilang personalidad para makilala ng madla. Kahalagahang Pampulitika - Maraming batikang pulitiko ang namumuhunan sa maretorikang pagpapahayag. Sa sandal ng kanilang pangangampanya, kapanapanabik ang pagbibitiw nila ng mga pananalita, lalo’t naglalaman ng mga platapormang mapangako sa mga kalagayang naghihintay ng pagbabago. ANG GRAMATIKA AT RETORIKA The difference between the right word and the almost right word is the difference between lightning and a lightning bug. -Mark Twain Ang Gramatika ay bahagi ng Linggwistika na pinag-aaralan ang hanay ng mga patakaran at alituntunin na namamahala sa isang wika. Ang salitang “gramatika” ay galing sa wikang Latin na gramatika, at ito naman ay mula sa Greek γραμματική (grammatiqué), na nagmula sa γράμμα (gramma), na nangangahulugang 'titik', o 'nakasulat'. Ito ay nahahati sa tatlong bahagi: 1. Ponetika o Ponolohiya – pag-aaral sa mga tunog ng bawat titik o ng salita at ang organisasyong pangwika ayon sa pagkakabigkas. 2. Morpolohiya - responsable para sa pagtatasa ng istraktura ng mga salita; at kung paano ang pagkakabuo ng mga salita. 3. Syntax – pag-aaral sa pagkakabuo ng mga pangungusap na may kahulugan gamit ang mga salita. Ang gramatika ay isang espesyalisadong disiplina. Ang masusing pag-aaral nito ay komplikado at nangangailangan ng mahabang panahon. Ang mga kaalaman at kasanayan sa gramatika ay ating naiaaplay sa ano mang diskurso, maaaring pasalita o pasulat. Malaking tulong ang gramatika upang mas maintindihan at maunwaan ang ating pagpapahayag. PAGPILI NG WASTONG SALITA Ang kalinawan ng pahayag ay nakasalalay sa mga salitang gagamitin. Kinakailangang angkop ang mga salita sa kaisipan at sitwasyong ipapahayag. May mga pagkakataon na ang mga salitang tama naman ang kahulugan ay lihis o hindi angkop na gamitin. WASTONG GAMIT NG MGA SALITA NANG ang gamitin bilang pangatnig sa mga hugnayang pangungusap at katumbas ito ng “when” sa Ingles. Halimbawa: Tulog na ang mga bata nang dumating ang kanilang ina. NANG ang gamitin sa gitna ng dalawang salitang-ugat na inuulit. Halimbawa: tapon nang tapon, kuha nang kuha, kanta nang kanta. NANG ang gamitin kapag nagmula sa na at inaangkupan ng ng at inilagay sa pagitan ng pandiwa at ng pang-abay. (Sumasagot sa tanong na Paano?) Halimbawa: Nangaral nang mahinahon si Miss Reyes. NG ang gamitin bilang pananda sa tuwirang layon ng pandiwang palipat. (ng + Ano?) Halimbawa: Nag-aaral siya ng karate. NG ang gamitin bilang pananda ng actor o tagaganap ng pandiwa sa tinig balintiyak. (ng + Sino?) Halimbawa: Tinulungan ng binata ang matanda sa pagtawid. NG ang gamitin kapag nagsasaad ng pagmamay-ari ng isang bagay o katangian. (ng + Kanino?)Halimbawa: Ang pera ng bayan ay kinurakot. KUNG ang gamitin bilang pangatnig na panubali at ito’y ginagamit sa hugnayang pangungusap. Katumbas ito ng “if” sa Ingles. Halimbawa: Malulutas ang mga problema natin kung magsasama-sama at magtutulong-tulongan tayo. KONG ay nanggaling sa panghalip na panaong ko at inaangkopan lamang ng ng. Katumbas ito ng “I” o “my” sa Ingles. Halimbawa: Gusto kong matutong mag-drive. MAY ang gamitin kapag sinusundan ng pangalan. Halimbawa: Ang ngiti ay may ligayang dulot sa pinagbibigyan nito. MAY kapag sinusundan ng pandiwa. Halimbawa: May pupuntahan ka ba mamaya? MAY kapag sinusundan ng pang-uri. Halimbawa: May mahabang buhok si Olga. MAYROON ang gamitin kapag may napapasingit na kataga (ingklitik) sa salitang sinusundan nito. Halimbawa: Mayroon pa bang natirang ulam? MAYROON ang gamitin bilang panagot sa tanong na may. Halimbawa: May pasok ka ba? – Mayroon MAYROON ang gamitin kung nangangahulugan ng pagka-maykaya sa buhay. Halimbawa: Siya ay nagpanggap na mayroon sa kanilang paaralan. SUBUKIN ay nangangahulugan ng pagsusuri o pagsisiyasat sa uri, lakas o kakayahan ng isang tao o bagay. Halimbawa: Ating subukin ang bisa ng lotion na ito. SUBUKAN ay nangangahulugan ng pagtingin upang malaman ang ginawa ng isang tao o mga tao. Halimbawa: Susubukan natin siya para malaman natin kung saan siya pupunta. PAHIRIN ay nangangahulugang pag-alis o pagpawi ng isang bagay. Halimbawa: Pahirin mo ang iyong pawis sa noo. PUNASIN kapag may tatanggaling tiyak na bagay sa bagay na tatanggalan ng kung ano. Halimbawa: (Punasin mo ang uling sa iyong pisngi.) OPERAHIN– kung binanggit ang tiyak na parte ng katawan. Halimbawa: Ooperahin ang mga mata ni Leo bukas. OPERAHAN – kapag mismong tao ang tinutukoy. Halimbawa: Inoperahan na si Leo kanina. DIN AT DAW - ang gamitin kung ang sinusundang salita nito ay nagtatapos sa katinig. Halimbawa: Masakit daw ang kaniyang ulo. RIN AT RAW - ang gamitin kung ang sinusundang salita nito ay nagtatapos sa patinig at malapatinig na “w” at “y”. Halimbawa: Si Vanessa ay katulad mo ring masipag. SUNDIN– to follow an advice Halimbawa: 1. Sundin mo ang mga utos niya sa ‘yo. SUNDAN – to follow where one is going, or what one does. Halimbawa: 1. Sinusundan niya ang mga palabas sa T.V. PAGBUO NG PANGUNGUSAP 1. Tiyakin ang timbang na ideya sa loob ng pangungusap. Di-timbang: Matapos magsitangis ay agad na nagbalot ng gamit ang mga napaalis na iskwater. Timbang: Matapos nagsitangis ay agad na nagsibalot ng gamit ang mga napaalis na iskwater. 2. Gawing parallel o pantay ang pangungusap. Di- parallel: Ang pag-eehersisyo at masustansyang pagkain ay mahalaga sa pagpapabuti ng katawan. Parallel: Ang pag-eehersisyo at pagkain ng masustansyang pagkain ay mahalaga sa pagpapabuti ng katawan. 3. Gawing nagkakaisa ang mga aspektong pandiwa. Di-nagkakaisa: Nagsialis at nagsisiuwi na ang mga panauhin ko kanina. Nagkakaisa: Nagsialis at nagsiuwi na ang mga panauhin ko kanina. Nagsialisan at nagsiuwian na ang mga panauhin ko kanina. 4. Iwasan ang pagsasama-sama ng maraming kaisipan. Maraming kaisipan: Ang pagsasayaw gaya rin ng paglalaro ng mga bata ng taguan kung gabing walang buan at ang pagdadama ng mga lalaking walang magawa at nagpapalipas ng oras sa pagupitan ay tunay na nakaaaliw. May isang kaisipan: Ang pagsasayaw at paglalaro ng taguan ng mga bata tuwing gabing walang buwan ay tunay na nakaaaliw. TO BE CONTINUE SA PPT: PAGE 33