Filipino 10 Quarter 2 Exam PDF
Document Details
Uploaded by FastestGrowingIdiom
2024
Tags
Related
- Periodical Test for Grade 4 Filipino (Deped Corner)
- Filipino 8 2nd Preliminary Exam PDF
- Q2 TOS Filipino 10 Past Paper PDF
- Reviewer AP Math English MAPEH PDF
- Filipino 6 2nd Quarter Exam (2017-2018) - SABANG ELEMENTARY SCHOOL - PDF
- Ikatlong Markahang Pagsusulit sa Filipino 5 (2022-2023) - St. Paul College
Summary
This document is a Filipino 10 exam paper from the 2nd quarter of 2024. It contains multiple-choice questions along with a short excerpt from a Filipino story. The document includes questions about different literary devices from the story excerpts.
Full Transcript
Iskor REGIONAL UNIFIED QUARTERLY ASSESSMENT (RUQA) SY 2024-2025 Ikalawang Markahan – Filipino 10 Pangalan:_____________________________________ Seksiyon: _________________________ PANGKALAHATANG PANUTO. Basahi...
Iskor REGIONAL UNIFIED QUARTERLY ASSESSMENT (RUQA) SY 2024-2025 Ikalawang Markahan – Filipino 10 Pangalan:_____________________________________ Seksiyon: _________________________ PANGKALAHATANG PANUTO. Basahin at unawain nang mabuti ang bawat seleksyon/tanong at bilugan ang titik na katumbas ng iyong sagot. Napagpasiyahan nina Thor at Loki na maglakbay patungo sa Utgaro, lupain ng mga higante, ang kalaban ng mga diyos sa Norse. Kinaumagahan, sila ay naglakbay sakay ng karwahe na hinihila ng dalawang kambing. Naglakbay sila hanggang sa makita nilang ang natutulog na si Skymir isang uri ng higante na naninirahan sa kakahuyan. Sa tuwing umiinit ang ulo ni Thor at habang si Skrymir ay natutulog, pinupukpok niya ng kanyang maso ang ulo nito upang ito ay magising. Dinala ni Skrymir sina Thor kay Utgaro-Loki ang hari ng mga higante. Nakipagpaligsahan sila dito upang malaman kung gaano kalakas sina Thor, ngunit sa kasamaang palad ay natalo sina Thor sa lahat ng paligsahan na kanilang sinalihan. Ngunit ang totoo nito ay nilinlang lang sila ni Utgaro-Loki dahil walang kapantay ang kanyang lakas at ayaw ni Utgaro na may makatalo sa kanya. Nang matapos na ang mga paligsahan. Si Thor ay muling lumisan at ipinagpatuloy ang kaniyang paglalakbay hanggang sa makabalik sa Thruovangar, ang mundo ng mga diyos. Buod ng Mitolohiyang Sina Thor at Loki sa Lupain ng Higante 1. Ano ang nais iparating ng may-akda sa panlilinlang ni Utgaro-Loki sa paligsahan nila ni Thor? A. Ang tao ay likas na mandaraya. B. Dapat maging patas tayo sa lahat ng panahon. C. May mga taong ayaw magpalamang sa kanilang kapwa. D. Ayaw ni Utgaro-Loki na ipakitang mahina siya sa kanyang nasasakupan. 2. Bakit natalo sina Thor at Loki kahit mayroon silang taglay na lakas na di- pangkaraniwan? A. Nilinlang sila ng kanilang kalaban sa upang matalo. B. Gumamit kasi ang kalaban ng patibong upang manghina sila. C. Nagpatalo si Thor dahil alam niyang panalo na sila sa labanan. D. Lumisan sina Thor at Loki sa lupain ng higante dahilan ng kanilang pagkatalo.. Ngayon pong araw na ito, gaya po ng ginagawa ko araw-araw, gumigising po ako ng alas singko ng umaga. Umiigib ako ng tubig sa isang balon na malapit sa amin. Napakahirap pong balansehin ang mabibigat na banga sa aking ulo. Pagkatapos po ay naghanda na ako ng almusal at inihain ko po iyon sa pamilyang pinaglilingkuran. Medyo nahuli nga po ako ng paghahain ng almusal, kaya pinalo po ako ng aking amo ng sinturon. Halaw mula sa Dagli “Ako Po’y Pitong Taong Gulang” 3. Sa kasalukuyang panahon, kanino mo maihahalintulad ang karanasan ng bata sa teksto? A. Jane, alila ng pamilyang minahal siya nang lubusan. B. Mary, pinag-aaral ng amo niyang malulupit sa kanya. C. Ann, pinagmamalupitan ng magulang kaya lumayas na lang. D. Kate, minahal kahit hindi naman kadugo ng among pinagsisilbihan. 4. Ano ang iyong naging reaksiyon matapos basahin ang kuwento? A. Maaring mangyari sa mga bata ang karanasan ni Amelia. B. Puwedeng maangkla ang karanasan ng mga batang pinagmalupitan. C. May mga batang pinagkaitan ng kanilang karapatan at napilitang magbanat ng buto. D. Ang mga bata ay nararapat lamang maging hasa sa mga gawaing pambahay upang masanay sila sa mga ito. Si Purita ay naghahanapbuhay sa Dubai. Araw-araw kapit-bisig na pinapanalangin ng kaanak ni Purita ang tiyak na kaligtasang ng kanilang ilaw ng tahanan. Kahapon lang ay nakauwing ligtas ang balikbayan ng pamilya. Maging ang mga kapitbahay ay nasiyahan sa pag-uwi ni Purita dahil ang lahat ay may mga pasalubong kahit tig-iisang tsokolate man lamang. 5. Mula sa lupon ng mga salita sa ibaba, alin rito ang ginamitan ng collocation? A. Kaligtasan, kapit-bisig, tig-iisa, pasalubong B. Araw-araw, pinapanalangin, balikbayan, tiyak C. Hanapbuhay, balikbayan, kapitbahay, kapit-bisig D. Nakauwi, ilaw ng tahanan, naghahanapbuhay, nasiyahan 6. Anong salita ang maaring idugtong sa salitang hanap upang mabuo ang kahulugan na pagbabanat ng buto? A. Gulo B. yaman C. buto D. buhay 7. Anong salitang ang mabubuo kapag nais mong ipakahulugan ay uri ng isda? A. Dalagang bukid C. isdang ginto B. Isdang sisiw D. matanglawin Umibig si Samson kay Delilah na naging dahilan ng kaniyang pagbagsak. Nalaman ng mayaman at makapangyarihang mga Philistino ang kanilang ugnayan. Binigyan nila ng maraming salapi ang babae upang makipagsabwatan sa kanila. Nais nilang malaman ang sekreto ni Samson kung saan nagmumula ang kanyang pambihirang lakas. Halaw mula sa “Ang Pakikipagsapalaran ni Samson” 8. Sa binasang teksto, anong pangungusap ang ginamitan ng pokus ng pandiwang tagaganap? A. Nais nilang malaman ang sekreto ni Samson. B. Umibig si Samson kay Delilah na naging dahilan ng pagbagsak niya. C. Binigyan nila ng maraming salapi ang babae upang makipagsabwatan sa kanila. D. Nalaman ng mayaman at makapangyarihang mga Philistino ang kanilang ugnayan. 9. Sa binasang teksto, anong pangungusap ang ginamitan ng pokus ng pandiwang layon? A. Nais nilang malaman ang sekreto ni Samson. B. Umibig si Samson kay Delilah na naging dahilan ng pagbagsak niya. C. Binigyan nila ang babae ng maraming pera upang umanib sa kanila. D. Nalaman ng mayaman at makapangyarihang mga Philistino ang kanilang ugnayan. 10. Ano ang paksa sa pangungusap na “Nais nilang malaman ang sekreto ni Samson”? A. Malaman B. Nais C. Sekreto D. nila 11. Anong kultura ng bansang Inglatera ang ipinakikita sa dula kung saan hindi maaaring mag-ibigan sina Romeo at Juliet? A. Ang pagdaraos ng engrandeng kasiyahan o party. B. Mataas na pagpapahalaga sa pag-ibig o pagmamahal. C. Ang tunggalian o alitan sa pagitan ng mga angkan. D. Kailangan ng pahintulot ng magulang sa pag-ibig ng mga anak. 12. Ang paglapit nina Romeo at Juliet sa simbahan sa tuwing mayroon silang problema ay nagpapakita ng pagiging.. A. maka-Diyos B. madasalin C. mapagmahal D. matapat 13. Ano ang ibig sabihin ng “ayatin kita” sa salitang Ilokano? A. inaalala kita B. miss kita C. mahal kita D. aakayin kita 14. Vamos! Gagayak na ang mga maralita sa gagawing pakikibaka. Ano ang ipinapakahulugan ng salitang nakasulat sa higit na maitim sa pangungusap? A. laban B. tara na C. umpisahan D. unang-una 15. Anong damdamin ang ipinahihiwatig sa pahayag na “Ipinaputol ko at ipinagbili ko Hindi ba gusto mo rin ako kahit putol na ang aking buhok”, ang wika ni Della. A. pag-aalala B. pagkainis C. pagtataka D. pagtatampo 16. Anong katangian ng pangunahing tauhan ang nangingibabaw sa pahayag na, “Itonaman ay hahaba muli, huwag ka sanang magagalit ha”? A. maunawain B. mahinahon C. mapagmahal D. mapagkumbaba Juliet: Huwebes ng umaga! Ako’y namamangha sa pagmamadali Ako’y pakakasal sa isang taong di pa man nanliligaw Hay ama at ina ko, isang salita ko sana’y dinggin Di ako nagmamalaki ngunit nagpapasalamat Di maipagmamalaki ang kinapopootan ng lahat O, matamis kong ina huwag akong talikuran O kung hindi ay ihanda ang aking kamang pangkasal Sa madilim na libingan kay Tybalt na hinihigan, Ako’t tutungo kay Padre Laurence na silid Upang ikumpisal ang kay Tatay na ikinagalit. Ikaanim na Yugto ng Sintahang Romeo at Juliet 17. Anong kultura ang lutang sa ikaanim na yugto ng Romeo at Juliet? A. Maging mapanalangin sa pagpili ng mapapangasawa. B. Ang pagpili ng mapapangasawa ang karapatan ay nasa nagmamahal. C. Sa pag-aasawa, angkan ang pumipili ng magiging katipan ng dalaga o binata. D. Maging mapag-imbot sa karapatang hindi maibigay ng mga magulang sa kanyang mga anak. 18. Anong damdamin ang namayani s aiyo matapos mong maintindihan ang kulturang nabasang teksto? A. pagkaawa B. pagkabagot C. pagkalito D. pag-iimbot Ikinalungkot ng aming paaralan ang nangyaring pagkamatay ng isang guro buhat sa stress. Dahil dito naging tampulan ng tukso ngayon ang pagpapaliwanag ng punongguro sa sinapit ng nasabing guro. Ang paaralan ang pinagkukunan ng pang-agdong buhay ng pamilyang nasawi. Tanging ang ilaw ng tahanan lamang ang kanilang inaasahan para mabuhay. 19. Mula sa nabasang teksto, anong pangungusap ang ginamitan ng pokus ng pandiwang pinaglalaanan? A. Ikinalulungkot ng aming paaralan ang pagkamatay ng isang guro. B. Naging tampulan ng tukso ang punongguro sa pagpapaliwanag sa nangyari. C. Tanging ang ilaw ng tahanan lamang ang kanilang inaasahan para mabuhay. D. Ang paaralan ang pinagkukunan ng pang-agdong buhay ng pamilyang nasawi. 20. Mula sa nabasang teksto, anong pangungusap ang ginamitan ng pokus ng pandiwang kagamitan? A. Ikinalulungkot ng aming paaralan ang pagkamatay ng isang guro. B. Naging tampulan ng tukso ang punongguro sa pagpapaliwanag sa nangyari. C. Tanging ang ilaw ng tahanan lamang ang kanilang inaasahan para mabuhay. D. Ang paaralan ang pinagkukunan ng pang-agdong buhay ng pamilyang nasawi. Kailangang magkaisa ang sambayanang Pilipino para umunlad ang ating bansa. Nais ng pamahalaan na tulungan ang mga mamamayan bagaman ito’y nangangailangan ng masusing pag-aaral. Tayong mga mamamayan ay dapat magsikap upang umunlad ang bayan. Libu-libong mamamayan ang nangangailangan ng tulong at kalinga ng pamahalaan kaya’t hindi natin dapat balisahin ang namumuno nito. Buksan natin ang ating isipan sa mga bagay na makabuluhan sa atin. Halaw mula sa talumpati ni Manny Villar “ Kahirapan: Hamon sa Bawat Pilipino 21. Ano ang ipinapahiwatig ng pahayag na, tayong mga mamamayan ay dapat magsikap upang umunlad ang bayan? A. Nakadepende ang kinabukasan ng bayan sa kaniyang pamahalaan. B. Kailangang tumulong ang mga mamamayan sa pagtataguyod ng kaunlaran. C. Dapat magkaisa ang namumuno at ang pinamumunuan upang umunlad ang bayan. D. Kailangang mag-isip, kumilos at makisangkot ang mga mamamayan sa pagpapaunlad ng bayan. 22. Ano ang layunin ng tekstong iyong nabasa? A. magbigay impormasyon C. mangaral B. manghikayat D. manuligsa 23. Anong damdamin ang namayani sa tekstong binasa? A. galit B. pagkaawa C. pagpupursige D. poot 24. May uwang sa puwit ang batang iyan kaya laging napagsabihan. Ano ang ibig sabihin ng salitang may salungguhit? A. napakadaldal B. napakaingay C. napakalikot D. napakaliksi 25. Sa pagsahod ng tulisan niya raw ako babayaran. Ano ang ibig sabihin ng salitang nakasalungguhit? A. Sa susunod na araw C. kinabukasan B. Hindi mangyayari D. pagsapit ng dilim 26. Tumakas ang kanyang kulay nang makitang may ibang kasama ang kanyang asawa. Ano ang kahulugang mabubuo mula sa nakasalungguhit na pahayag? A. nangitim B. namutla C. namula D. nangintab Naniniwala ako na ang Matatag Curriculum ay may potensyal na baguhin ang ating sistema ng edukasyon para sa ikabubuti. Sa tamang pagpaplano, sapat na suporta at pagtutulungan, maari nating malampasan ang mga hamong kinakaharap nito. Sa pamamagitan ng tiyak na mayroong pagbabagong maihahatid ang Matatag Curriculum. 27. Ano ang nais mangyari ng may-akda mula sa nabasang talumpati? A. Magtulungan ang Pilipino upang magpatupad ang Matatag Curriculum. B. Magkaroon ng tiyak na hakbang upang labanan ang hamong bumabalakid sa Matatag Curriculum. C. Maging panatag ang mga mamamayan na mayroong tumutuligsa sa pagpapatupad ng Matatag Curriculum. D. Malalampasan din natin lahat ng hamon sa buhay magtiwala lamang at ito ay darating sayo lalong-lalo na sa usaping Matatag Curriculum. 28. Sa iyong palagay, paano mo palalawakin ang mga pangungusap? A. Sa pamamagitan ng pagbuo ng mga talata, saknong, taludtod at parirala. B. Sa pamamagitan ng paglalagay ng mga pananda tulad ng tandang pananong, tuldok at kudlit. C. Sa pamamagitan ng paggamit ng mga morpema, bantas, ponema at mga pangngalang pantangi. D. Sa pamamagitan ng pagdagdag ng mga parirala, pang-uri, pang-abay, panuring, ingklitik atbp. 29. Ang Pilipinas ay sagana sa likas na yaman. Ano ang nararapat idagdag upang mapalawak ang pangungusap? A. kaya dapat natin itong mahalin. B. kaya dapat natin itong pakinabangan. C. kaya huwag itong ipagbili sa mga dayuhan. D. kaya dapat natin itong linangin at pakaingatan. Ibig mong mabatid, ibig mong malaman Kung paano kita pinakamamahal? Tuturan kong ang lahat ng mga paraan, Iisa-isahin, ikaw ang bumilang. Kasinlaya ito ng mga lalaking Dahil sa katwira’y hindi paaapi, Kasingwagas ito ng mga bayaning Marunong umingos sa mga papuri. 30. Sa unang mga saknong ng tula na iyong nabasa, ilang sukat ang bawat taludtud? A. 12-11-13-12 B. 13-12-12-11 C. 12-12-12-12 D. 10-11-12-13 31. Anong elemento ng tula ang ipinamalas sa linyang kasingwagas ito ng mga bayaning marunong umingos sa mga papuri. A. Pagmamalabis B. Pagsasatao C. Pagtutulad D. Pagwawangis 32. Tukuyin ang magiging bunga ng pagkakaroon ng tunay na pag-ibig. A. Kaluwalhatian sa kanyang pag-ibig. B. Kalungkutan sa puso ng taong umiibig. C. Kasaganahan ng kanyang buhay dulot ng pag-ibig. D. Kasiyahan at pagiging kontento sa puso ng taong umiibig. 33. Paano ipinamalas ng may-akda ang masidhing pagmamahal sa kaniyang tula? A. Sa pamamagitan ng pagpaparamdam ng pagmamahal sa aalayan ng tula. B. Sa pamamagitan ng paggamit ng mga simbolismo na nagpapatingkad sa diwa ng tula. C. Sa pamamagitan ng paggamit ng mga salitang talinghaga na tagos sa puso ng bumabasa. D. Sa pamamagitan ng paggamit ng larawan ng pag-ibig na nakakaantig sa bawat puso ng bumabasa. Naging malaki ang kaniyang mga gastos kaysa kaniyang inaasahan. Laging gayon para kay Jim. Sa kaniyang Jim. Maraming oras ang ginugol niya sa pag-iisip ng isang magandang pang- aginaldo kay Jim. Isang pang-aginaldong maganda, pambihira at yari sa pilak – yaong maaari nang sabihing karapat dapat ariin ni Jim. Kagyat siyang pumihit at nilisan ang bintana at humarap sa salamin. Nagniningning ang kaniyang mga mata, datapwa’t dalawampung segundong nawalan ng kulay ang kaniyang pisngi. Maliksi niyang inilugay nang puspusan ang kaniyang buhok. Ang mag-asawang James at Della Dillingham Young ay may dalawang ari-ariang ipinagmamalaki nila nang labis. Ang isa’y gintong relos ni Jim na minana niya sa kaniyang ama at sa ama ng kaniyang ama. Ang isa pa ay ang buhok ni Della. Maingat na bumaba si Della mula sa mesang kaniyang kinauupuan at lumapit kay Jim. “Jim, mahal ko,” ang wika niya, “huwag mo sana akong masdan nang papaganyan. Ipinaputol ko ang aking buhok at ipinagbili sapagkat hindi na ako makatatagal pa hanggang sa isang Pasko kung hindi kita mabibigyan ng isang aginaldo. Ito nama’y hahaba uli – huwag ka sanang magagalit ha, ha? Talagang kinailangang gawin ko iyon. Malakas namang humaba ang aking buhok. Hala, sabihin mong Maligayang Pasko, Jim at tayo’y magsaya. Hindi mo nalalaman kung gaano kaganda ang aginaldong binili ko para sa iyo.” “Pinutol mo ang iyong buhok?” ang tanong ni Jim na parang naghihirap ng pagsasalita. “Ipinaputol ko at ipinagbili,” ang wika ni Della. “Hindi ba gusto mo rin ako kahit na putol ang aking buhok?” 34. Ihambing ang regalong ibibigay nina Jim at Della sa isa’t isa at ang regalong pipiliin ng nakararami. Ito ay. A. mahal at maganda B. magara at dekalidad C. walang katulad at mahal D. ari-ariang pinagmamalaki nila nang labis 35. Kung ikaw si Della, ibebenta mo rin ba ang iyong buhok? Bakit? A. Hindi, dahil ito lang ang meron ako. B. Oo, dahil gusto ko rin ang maiksing buhok. C. Hindi, dahil wala akong pakialam sa kanya. D. Oo, dahil mahal ko si Jim at ang buhok ay tutubo rin ulit. 36. Ano ang nais ihatid ng may-akda sa mambabasa sa aksyon ng dalawa? Ipinakita nila na. A. sarili lamang ang iniisip nila. B. mahalagang may matanggap sila sa pasko. C. tanggap nilang mawala ang mahalagang bagay para sa ikaliligaya ng kabiyak. D. mas kailangan ng bawat isa ng mga bagay na magpapaganda sa kanilang pagkatao. Gaya ng alam na ninyo, ang mga Mago ay mga taong marurunong – napakarurunong – at sila ay nagdala ng mga alay sa Sanggol sa sabsaban. Sila ang may imbento ng pagbibigay ng mga aginaldo kung Pasko. Palibhasa’y marurunong, pihong ang kanilang mga alay sa Sanggol ay may magagandang kahulugan, marahil ay yaong maaaring ipakipagpalitan kung sakaling magkakapareho. At dito’y pinaginutan kong isalaysay sa inyo ang simpleng kasaysayan ng dalawang hangal na bata na nakatira sa isang abang tahanan, na buong talinong nagsakripisyo para sa isa’t isa kahit na mawala ang lalong mahalagang ari-ariang ipinagmamalaki ng kanilang tahanan. Ngunit parang huling paalala sa marurunong ng ating kapanahunan, dapat sabihin dito na sa lahat ng nagbigay ng aginaldo, ang dalawang ito ay siyang pinakamarunong. Sa lahat ng nagbigay at tumanggap ng aginaldo, sila ang pinakamarunong. Sila ang pinakamarunong sa lahat ng dako. Sila ang mga Mago. 37. Paano mo maihahambing ang tatlong Mago sa mag-asawang Jim at Delia, kaugnay sa pagbibigayan? A. Sila ay parehong makatotohanan sa pagbibigayan. B. Kapwa sila may pinagdaanan kaya sila ay nagbigay. C. Ang tatlong Mago ay nagbigay lang dahil sila’y inutusan. D. Mas lamang sina Jim at Delia kung magbigay para sa minamahal. 38. Anong salita ang may katumbas na kahulugan sa salitang “ Mago” Bakit ito magkaugnay? A. Sanggol, dahil may sanggol na isinilang. B. Aginaldo. dahil ito ang ibinigay ni Jim at Delia. C. Sakripisyo, dahil ang nagsakripisyo sila upang makapagbigay. D. Marurunong, dahil sila ang nagbigay ng aginaldo sa bagong silang na sanggol. 39. Ano ang nais ihatid ng may-akda sa mambabasa? A. Natutuwa ang nakatanggap ng aginaldong ibinigay. B. Ang tumanggap lamang ng aginaldo ang mga marurunong. C. Basta Pasko, lahat tayo’y magbigayan kung tayo ay bibigyan din. D. Ang lahat ng nagbigay at tumanggap ng aginaldo ay pinakamarunong. 40. “Hindi ba maganda, Jim? Ikinabahala ni Delia ang magiging sagot ni Jim. Hinalughog ko ang buong bayan para lamang makita ko iyan. Pihong matitingnan mo na ngayon ang oras kahit makasandaang beses maghapon. Akina ang relos mo. Tingnan ko lamang kung gaano kaganda kung maikabit na ang kadena.” Sa mga pahayag na binasa, alin ang nasa pokus sa sanhi? A. “Hindi ba maganda, Jim? B. Ikinabahala ni Delia ang magiging sagot ni Jim. C. Hinalughog ko ang buong bayan para lamang makita ko iyan. D. Tingnan ko lamang kung gaano kaganda kung maikabit na ang kadena.” 41. “Jim, mahal ko,” ang wika niya, “huwag mo sana akong masdan nang papaganyan. Ipinaputol ko ang aking buhok at ipinagbili sapagkat hindi na ako makatatagal pa hanggang sa isang Pasko kung hindi kita mabibigyan ng isang aginaldo. Ito nama’y hahaba uli – huwag ka sanang magagalit ha, ha? Ikinalungkot ni Delia ang naging reaksyon ni Jim. Sa binasang talata, alin ang pangungusap na nasa pokus sa sanhi? A. “Jim, mahal ko,” ang wika niya. B. Ipinaputol ko ang aking buhok at ipinagbili. C. Ikinalungkot ni Delia ang naging reaksyon ni Jim. D. Ito nama’y hahaba uli – huwag ka sanang magagalit ha, ha? 42. Alin sa mga pahayag sa ibaba ang hindi kabilang sa mga paraan ng pagbabalita? A. paghahanda sa sarili C. alamin ang tamang detalye B. huwag basta-basta magsalita D. huwag masyadong lakasan ang boses 43. Kung nakaririnig ka na may paparating na malakas na bagyo, ano ang hindi mo dapat gawin? A. Maglalagi sa bahay, manonood ng telebisyon upang alamin ang kalagayan ng ating bayan. B. Pupunta sa kapitbahay at makibalita tungkol sa paparating na sakuna upang makapaghanda. C. Iligpit ang mga gamit, mag-imbak ng mga pagkain at pagsama-samahin ang buong pamilya. D. Magpakatatag, huwag maniwala sa naririnig dahil kung minsan may mga balita na hindi totoo. 44. Nakikinig ka sa SOCA ng inyong siyudad ito ay patungkol sa libreng edukasyon at tirahan ng mga estudyanteng miyembro ng 4Ps. Bilang estudyante, alin dito ang hindi nararapat? A. Matutuwa dahil sa wakas magkatotoo na ang iyong mga pangarap sa buhay B. Malulungkot dahil hindi ka miyembro ng 4Ps at hindi mo mapapakinabangan ang biyaya. C. Magagalit dahil hindi naman lahat tinutupad ng ilang mga lideres ang kanilang mga pangako. D. Manghihinayang dahil malapit ka nang magtatapos sa pag-aaral saka pa dumating ang biyaya. 45. Ano ang pinakamabisang naidudulot ng social media? A. sa mga bata at matatanda B. nagpapasaya sa taumbayan C. nakasisira sa kinabukasan ng mga bata D. nagbibigay ng impormasyon sa mga mamamayan 46. Isang daan upang makipagkaibigan at makipag-usap sa mga taong nasa malayong lugar. A. Social Interaksiyon C. Social Media B. Socialization D. Social mobilization 47. Ito ay isang klase ng social media kung saan nakakokonekta ka sa mga tao sa buong daigdig. A. Facebook C. Social Networking Sites B. Messenger D. Instagram Ang Harry Potter and Sorcerer’s Stone (Philopher’s Stone) ay unang libro ni J.K. Rowling mula sa serye ng Harry Potter. Sinasabing ang nobelang ito ay naghatid kay Rowling ng kasikatan bilang isang mahusay na manunulat sa buong mundo. Isinapelikula ito noong 2001 na idinirek ni Chris Columbus at ibinahagi ng Warner Bros. Picture. Pinagbibidahan ito nina Daniel Radcliffe bilang Harry Potter, Rupert Grin bilang Ron Weasley at Emma Watson bilang Hermione Granger. Tinatayang umabot sa $980 milyon ang kinita nito na naging worldwide box office hit at kinilala sa iba’t ibang award-giving bodies tulad ng Academy Awards. Totoong magaling ang pagkakasulat ng iskrip. Ang kasaysayan nito ay inilahad sa pamamagitan ng malalim na pananaliksik at pag-iisip. Buhay na buhay ang pelikula kung saan nakatulong ng malaki ang kulay na nakaangkop sa kapaligirang kinunan ng kamera bagaman hindi rin maiiwasan ang pagkakaroon ng larawang kulang sa ilaw Ang nobela ay itinuturing na makulay, mayaman at makabuluhang anyo ng panitikang tuluyan. Binubuo ito ng mga yugto na nagsasalaysay ng mga kawing- kawing na pangyayari ng buhay ng mga tao na bukod sa nagbibigay-aliw ay nagpapakilos at pumupukaw sa damdamin at kamalayan ng mga mambabasa. Sa nobela, maraming pangyayari ang inilalahad, samantalang sa maikling kuwento, iisang pangyayari lamang ang inilalahad. 48. Batay sa iyong nabasa, ano ang pagkakatulad ng nobela at pelikula? A. Magkasinghaba B. parehong may direktor C. Magkatulad ng bahagi at elemento nito D. pareho ang panitikang ito sa mga tauhang gumanap 49.. Itali ni Santiago ang kanyang lanseta sa puluhan ng isang sagwan. Ano ang ibig ipakahulugan ng lanseta? A. bangka B. maliit na kutsilyo C. salapang D. tali 50. Ginawa niya iyon habang kipkip ang timon at nakatapak sa tela ng layag. Ano ang kahulugan ng salitang may salungguhit? A. hawak B. itinaas C. itinapon D. iwinagayway ________________________________________________________________________ Binabati kita! Natapos mo ang pagsusulit!