Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino (KOMFIL) Past Paper PDF
Document Details
Uploaded by Deleted User
Tags
Related
- Reviewer Filipino 11 Unang Markahan PDF
- Filipino Bilang Wika ng Komunikasyon sa Kolehiyo at Mas Mataas na Antas PDF
- Opening Prayer and Questions on Filipino Language Development PDF
- Kontekstuwalisadong Komunikasyon sa Filipino: Lecture Notes PDF
- PAGTATAGUYOD NG WIKA SA MATAAS NA ANTAS (2)
- Fili 101 (Yunit 1) PDF
Summary
This document, a chapter of a larger Filipino language textbook, explores the role of the Filipino language in higher education. It discusses the reasons behind keeping Filipino as a subject in higher education in the Philippines. The document also gives an account of the work done by the Tanggol Wika group.
Full Transcript
KONTEKSTWALISADONG KOMUNIKASYON SA FILIPINO (KOMFIL) MGA ARALIN: Kabanata I: ANG PAGTATAGUYOD NG WIKANG PAMBANSA SA MAS MATAAS NG ANTAS NG EDUKASYON AT LAGPAS PA Panimula Bakit inaalis/inalis ang FILIPINO sa NEW GE...
KONTEKSTWALISADONG KOMUNIKASYON SA FILIPINO (KOMFIL) MGA ARALIN: Kabanata I: ANG PAGTATAGUYOD NG WIKANG PAMBANSA SA MAS MATAAS NG ANTAS NG EDUKASYON AT LAGPAS PA Panimula Bakit inaalis/inalis ang FILIPINO sa NEW GENERAL EDUCATION CURRICULUM(NGEC) ng bansa? Mahaba at masalimuot ang pakikibaka para sa wika at bayan. Nitong mga nakalipas na panahon, ang pakikibakang ito ay lalo pang umigting at umiigting (Bernales, et al., 2019) A. Ang Pakikipaglaban para sa Wikang Filipino sa Kasalukuyang Panahon: Ang Papel ng Alyansa ng mga Tagapagtanggol ng Wikang Filipino ( Tanggol Wika) at Pambansang Samahan sa Linggwistika at Literaturang Filipino (PSLLF) PSLLF at Tanggol Wika- magkabalikat sa paggigiit na manatili ang Filipino bilang sabjek at bilang wikang panturo sa antas tersyarya. Taong 2013 – sa taong ito sinimulang ipaglaban ng mga iskolar, guro, mag-aaral at mga nagmamahal sa wikang Filipino sa pangunguna ng Tanggol Wika ang pananatili ng Filipino bilang asignatura sa antas kolehiyo. 1. Mga Kaganapan sa Pakikipaglaban ng Wikang Filipino - CHED MEMO ORDER (CMO) Blg. 20, Serye 2013 – sa bisa nito wala na ang Filipino bilang sabjek sa Kolehiyo - Kom. Patricia Licuanan – ang lumagda sa CMO, na noo’y Punong Komisyoner ng CHED MGA ASIGNATURANG MANANATILING ITUTURO SA KOLEHIYO (2018-2019, simula ng pagtuturo ng mga ito) Pag-unawa sa Sarili /Understanding the Self Pagpapahalaga sa Sining / Art Appreciation Mga Babasahin Hinggil sa Kasaysayan ng Siyensiya, Teknolohiya at Lipunan / Science, Pilipinas / Readings in Philippine History Technology and Society Ang Kasalukuyang Daigdig / The Malayuning Komunikasyon / Purposive Contemporary World Communication Matematika sa Bagong Daigdig / Mathematics Etika / Ethics in the Modern World 1 Mga Unibersidad at Institusyong Pangwika na Naglabas ng Resolusyon PSLLF National Teacher’s College Pamantasang De La Salle-Maynila Mindanao State University – Iligan institute of Technology Unibersidad ng Pilipinas - Manila KATAGA Unibersidad ng Santo Tomas Technological University of the Philippines FEU League of Filipino Students SAN BEDA COLLEGE Alliance of Concerned Teachers ANAKBAYAN National Commission for Culture and the Arts 2. Mga Paninindigan ng PSLLF ng Pananatili ng Filipino sa Antas Kolehiyo SAPAGKAT , sa kasalukuyang kalakaran sa antastersyarya ay may anim (6) FILIPINO sa batayang edukasyon; SAPAGKAT, sa antas tersyarya nagaganap at lubhang nalilinang ang intelektuwalisasyon ng FILIPINO sa pamamagitan ng pananaliksik, malikhaing pagsulat, pagsasalin, pasalitang pangmadla at kaalamang pangmidya; SAPAGKAT, sa antas na ito ng karunungan, higit na dapat mapaghusay ang gamit at pagtuturo ng / sa FILIPINO dahil na rin sa mga kumukuha ng mga kurso sa pagtuturo at mga kaugnay na kurso; SAPAGKAT, dahil sa pagpapaunlad ng K-12 Basic Education Curriculum, mawawala na sa antas tersyarya ang FILIPINO at sa halip ay ibababa bilang bahagi ng mga baitang 11 at 12; SAPAGKAT, ang panukalang PURPOSIVE COMMUNICATION na bahagi sa batayang Edukasyon sa tersyarya ay hindi malinaw kung ituturo sa Ingles o Filipino; SAPAGKAT, ang panukalang tatlumpu’t anim (36) na yunit ng batayang edukasyon mula sa Komisyon sa Lalong Mataas na Edukasyon (CHEd) ay minimum lamang kung kaya’t maaari pang dagdagan hanggang anim (6) pang yunit. 3. Mga Mahahalagang Argumento kung Bakit Dapat Manatili ang FILIPINO Bilang Asignatura sa Kolehiyo (PSLLF) UNA, nilinaw ng PSLLF na ang patakarang bilinggwal na ipinatupad sa pamamagitan ng Department Order No. 25 Series of 1974 ng Department of Education,Culture andSports (DECS) ay ngayo’y operatibo at may bisa mula baitang 4 hanggang antas tersyarya. Alinsunod sa kautusan, kinakailangang gamiting wikang panturo ang Filipino sa mga sumsusunod: a. social studies/social sciences b. music c. arts d. physical education e. home economics f. practical arts g. character education 2 IKALAWA, nanindigan ang PSLLF na ang pagpapapalawak sa paggamit ng FILIPINO bilang wikang panturosa kolehiyo ay alinsunod din sa Artikulo IV, Seksyon 3 ng 1987 Konstitusyon. IKATLO, nilinaw ng PSLLF mas dapat ituro ang FILIPINO sa kolehiyo sapagkat sa panahon ng patuloy globalisasyon at ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Integration, nararapat lamang na patibayin ng mga Pilipino ang sariling wika at panitikan, upang makapag-ambag ang mga ito sa proyekto ng global at rehiyonal na integrasyong sosyo-kultural. 4. Ang Pagkakatatag ng TANGGOL WIKA HUNYO 21, 2014 -Panahon nang itatag ang Tanggol Wika DAHILAN; - Ang kawalang-aksyon ng CHEd at upang patatagin ang boses ng mga nagtatanggol sa wika na ang pawang miyembro ay mga guro mula sa iba’t ibang unibersidad gaya ng mga sumusunod; 1. DLSU 3. UP-D 5. UST 2. ADMU 4. PUP 5. Mga Panawagan ng TANGGOL WIKA a. Panatilihin ang pagtuturo ng asignaturang Filipino sa bagong General Education Curriculum (GEC) sa kolehiyo; b. Rebisahin ng CHEd Memo Order 20, Series of 2013; c. Gamitin ang wikang Filipino sa pagtuturo ng iba’t ibang asignatura; at d. Isulong ang makabayang edukasyon. Abril 15, 2015 – sa pangunguna ni Dr. BIENVENIDO LUMBERA at ng mahigit 100 na mga propesor at iskolar - Isang malaking bigwas ang ginawang hakbang ng Tanggol Wika na sinuportahan ng mga propesor, at iskolar mula sa iba’t ibang unibersidad nang magsampa sila ng iba’t ibang kaso sa Kataas-taasang Hukuman o Korte Suprema sa bansa. Maliban pa sa mga kilos-protesta, nagpapirma rin ng petisyon ang Tanggol Wikana nilagdaan ng humigit-kumulang 700,000 na mag-aaral, guro, iskolar at nagmamahal sa wikang Filipino mula sa iba’t ibang unibersidad at sektor ng lipunan Abril 21, 2015- naglabas ang Korte Suprema ng Temporary Restraining Order. Kinatigan ng nasabing hukuman ang mga argumentong nakatala sa nasabing petisyon. 2018 - tatlong taon matapos mailabas at maipatupad ang TRO laban sa CMO Bilang 20, Serye 2013 ay tinanggal na ito ng Korte Suprema at tuluyan nang binura ang asignaturang Filipino at Panitikan sa antas kolehiyo. 3 Sa artikulong Supreme Court Declares K to 12 Program Constitutional ni Mike Navallo ay ganito ang nakasaad; A key contention raised by petitioners was the exclusion of Filipino and Panitikan subjects from the college curriculum. The Supreme Court initially issued in April 2015 a temporary restraining order to stop the implementation of CHED MEMO Order No. 20, the circular which revised the general curriculum in colleges and universities. But the top court lifted the TRO upon finding that the order is constitutional. It said changes in the general education curriculum were implemented to ensure that there were no duplications of subjects from elementary and high school to college. It added that CMO No. 20 only provided for minimum standards and that professors could always add more subjects as part of their academic freedom. Tanggol Wika – nanawagan sa bawat unibersidad sa Pilipinas na lumikha ng mga asignatura sa Filipino – batay sa naging desisyon ng Korte Suprema na nagbibigay-laya pa rin sa mga unibersidad na magdagdag ng mga asignatura gaya ng Filipino habang wala pa ang pinal na desisyon ng Korte Suprema tungkol sa motion for reconsiderationna isinampa noong Nobyembre 2018. Samantala, inihain nina ACT Teachers Partylist Rep. Antonio Tinio at Rep France Castro sa kongreso ang Panukalang Batas Bilang 8954 o Batas na Nagtatakda ng Hindi Bababa sa Siyam (9) na yunit ng Asignaturang Filipino noong Enero 30, 2019. Marso 5, 2019 ay pinagtibay na ( denied with finality) ng Korte Suprema ang desisyon nitong tanggalin ang mga asignaturang Panitikan at Filipino sa antas kolehiyo. Batay sa inilabas na desisyon ng nasabing korte ukol sa motion for reconsideration ay walang substansyal na argumentong inihain ang Tanggol Wika at iba pang petisyuner upang mapanatili ang mga nasabing asignatura. Ayon sa nasabing Alyansa, mabuting palawakin pa ng nasabing korte ang pananaw nito at isaalang-alang ang diwa ng Konstitusyon (Bernales, et al. 2019). B. Kahalagahan ng Filipino Bilang Disiplina at Wika ng Edukasyon at Komunikasyon sa Pilipinas Panimula Lubhang malayo na ang narating ng wikang pambansa, ang Filipino, mula nang ito ay kilalanin bilang wikang Pambansa, wika ng komunikasyon at edukasyon ng Pilipinas na nasasaad sa 1987 Konstitusyon o Saligang Batas ng bansa. Hindi rin lingid sa lahat ang katotohanang maraming pinagdaanang suliranin ang Filipino bilang isang wikang akademiko tulad ng patingin ng mababa sa kakayahan nito at sa kakulangan/kawalan ng political will sa pagpapaunlad nito. 1. Mga Pag-aaral sa Kakayahan ng Filipino bilang Disiplina at Wika ng Edukasyon UP-DILIMAN (1968-1969) - Sinimulang gamitin ang wikang Filipino bilang wikang panturo - Nagsimula bilang eksperimento sa kolehiyo ng Sining at Agham (Departamento ng Pilosopiya, Sosyolohiya, Kasaysayan) - Napatunayan na higit na nakauunawa ang mga mag-aaral ng kanilang mga pinag- aaralan, madali man o malalim na konsepto - Napatunayan sa isinagawang eksperimento na higit na epektibo ang pagtuturo ng Agham- Panlipunan gamit ang wikang Filipino sapagkat higit na nagkakaunawaan ang mga mag-aaral at guro (Tiamson-Rubin, 1993: mula sa Bernales, et al., 2019) 4 Pamantasang De La Salle- Maynila - Dr. Emerita S. Quito – pinangunahan nito ang pagsasa-Filipino ng pagtuturo ng Pilosopiya bunsod na isang pangyayari noong magpunta siya sa Vienna taong 1962. Ateneo De Manila - Padre Roque Ferriols, S.J – siya ang nanguna sa pagtuturo ng Pilosopiya gamit ang wikang Filipino sa naturang pamantasan. - Nakapaglathala din siya ng mga babasahin sa Pilosopiya na nasusulat sa wikang Filipino. - 2. Ilang Mahahalagang Argumento Kung Bakit Dapat Manatili ang Filipino Bilang Wika ng Edukasyon At Asignatura Sa Kolehiyo at sa Mas Mataas na Antas (San Juan, 2018) a. Ang FILIPINO ay DISIPLINA, ASIGNATURA, bukod na LARANGAN NG PAG- AARAL at hindi simpleng WIKANG PANTURO lamang. b. Para maging epektibong wikang panturo ang Filipino, kailangang ituro ito at linangin din ito bilang asignatura. c. Sa ibang bansa, may espasyo rin sa kurikulum ang sriling wika bilang asignatura, bukod pa sa pagiging wikang panturo nito. d. Pinag-aaralan din sa ibang bansa ang Filipino – at may potensyal itong maging nangungunang wikang global – kaya lalong dapat itong pag-aralan sa Pilipinas. e. Multilinggwalismo ang kasanayang akma sa siglo 21. f. Hindi PINAUNLAD, hindi NAPAUNLAD at hindi MAPAPAUNLAD ng pagsandig sa WIKANG DAYUHAN ang EKONOMIYA ng bansa. 5 Kabanata 2: MGA GAWING PANGKOMUNIKASYON NG MGA PILIPINO PANIMULA ESENSYAL ang kakayahan sa mahusay na komunikasyon para sa lahat ng tao. Mahalaga ito sa pang-araw- araw na pamumuhay ng bawat isa. Mahalaga ito maging sa mga ordinaryong mamamayan at higit itong mahalaga sa mga propesyunal sa pagganap sa kanilang trabaho. Dahil sa halagang ito ng komunikasyon, kinakailangang maging mahusay ang bawat isa sa lahat ng pagkakataong siya’y nasasangkot sa mga komunikatibong sitwasyon (Bernales, et al., 2016). BALIK-ARAL: KAHULUGAN AT KAHALAGAHAN NG KOMUNIKASYON Kahulugan ng KOMUNIKASYON PANIMULA Komunikasyon – isang gawaing kinakaharap araw-araw ng bawat isa -magmula sa pagsilang hanggang sa pananatili sa mundo, nagaganap ang pakikipagkomunikasyon ETIMOLOHIYA NG SALITA Komunikasyon – communis (latin) o common (English) o karaniwan (Filipino) Ayon sa aklat nina Bernales, et al (2016)., narito ang ilang pagpapakahulugan sa komunikasyon batay sa mga sumususunod na eksperto: Louis Allen (1958) - Ang KOMUNIKASYON ay kabuuang ginagawa ng tao kung nais niyang lumikha ng unawaan sa isip ng iba na kinasasangkutan ng patuloy na pakikipag-usap, pakikinig at pag-unawa. Keith Davis (1967) - Ang komunikasyon ay isang proseso ng pagpapasa at pag-unawa sa impormasyon mula sa isang tao patungo sa kanyang kapwa. Newman at Summer (1977) - Ang komunikasyon ay pagpapalitan ng impormasyon, ideya, opinyon, o maging opinyon ng mga kalahok sa proseso. Birvenu (1987) - Ang komunikasyon ay isang proseso ng pagpapasa ng nararamdaman, ugali, kaalaman, paniniwala at ideya sa pagitan ng mga nabubuhay na nilalang. Keyton (2011) - Ang komunikasyon ay isang pagkakaunawaan sa pagitan ng mga kalahok sa prosesong ito. 6 MGA DAHILAN NG PAKIKIPAGKOMUNIKASYON NG TAO (Adler, et al., 2010: mula kay Bernales, et al., 2019) a. Pangangailangan upang makilala ang sarili - komunikasyon – malaking tulong upang mahubog ang pagkatao b. Pangangailangang makisalamuha o makihalubilo bukod pa daan ang komunikasyon upang ganap na makilala ang sarili ng isang tao, nagsisilbi rin itong daluyan upang matagpuan nito ang mga bagay na may kaugnayan sa kanyang buhay sa hinaharap. c. Pangangailangang praktikal - maaaring hindi magawa o maisakatuparan ang iba’t ibang bagay kung walang komunikasyon gaya lamang ng simpleng paghahanap sa isang lugar na hindi mo pa napundtahan at iba pa. Tipo ng Komunikasyon a. Pormal at impormal na komunikasyon. Ang pormalidad at impormalidad ng komunikasyon ay maaaring tayain batay sa ekspektasyon sa magaganap na proseso at sa kung sino-sino at paano maisasagawa ang prosesong ito. Mga salik na dapat isaalang-alang; 1. Uri ng wikang gagamitin ( pormal- pino, matalino at ayon sa rehistro ang wika ng mga partisipant) -Direkta o di-maligoy na at seryosong tono na pagpapahayag. (pormal at impormal) 2. balangkas ng komunikasyon Tumutukoy ang balangkas sa pagkakasunuod-sunod ng mga segment ng komunikasyon. Pormal – depinido o tiyak ang balangkas Impormal – may laya b. Berbal at ‘di-berbal na komunikasyon Berbal – ginagamitan ng salita ( sa mga rally – mga nakasulat sa banner) Di-berbal – di ginagamitan ng salita gaya ng senyas, ng pagtaas ng kamao, pagkakapit-bisig at iba pa. 7