Kakayahang Komunikatibo Ng Mga Pilipino Module PDF
Document Details
Uploaded by StylizedPyramidsOfGiza
University of San Carlos
Niza Dichos-Lirasan
Tags
Related
- GEE-KKF Kontekstuwalisadong Komunikasyon sa Filipino PDF
- FIL101: KOMUNIKASYON SA AKADEMIKONG FILIPINO Modyul 5: Pakikinig at Pagsasalita PDF
- Modyul sa Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino PDF
- KOM-Kakayahang-komunikatibo-ng-mga-Pilipino PDF
- KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO - LESSON 2.2 PDF
- ARALIN 2-3 Kakayahang Pangkomunikatibo PDF
Summary
This module discusses communication skills in the Filipino language. It explores different types of communication, verbal and nonverbal cues, and cultural considerations. The module details the importance of understanding communication nuances for effective communication.
Full Transcript
ABM ---------- --------------------------------------------- **1.01** **PAKSA** **Kakayahang Komunikatibo Ng Mga Pilipino** *Inihanda ni: Niza Dichos-Lirasan* ---------- --------------------------------------------- +-----------------------------------------------...
ABM ---------- --------------------------------------------- **1.01** **PAKSA** **Kakayahang Komunikatibo Ng Mga Pilipino** *Inihanda ni: Niza Dichos-Lirasan* ---------- --------------------------------------------- +-----------------------------------------------------------------------+ | *Sa Module na ito ay inaasahang:* | | | | a. Natutukoy ang mga angkop na salita, pangungusap ayon sa konteksto | | ng paksang napakinggan sa mga balita sa radyo at telebisyon | | | | b. Nabibigyang kahulugan ang mga salitang ginamit sa talakayan | | | | c. Napipili ang angkop na mga salita at paraan ng paggamit nito sa | | mga usapan o talakayan batay sa kausap, pinag-uusapan, lugar, | | panahon, layunin, at grupong kinabibilangan | | | | d. Nahihinuha ang layunin ng isang kausap batay sa paggamit ng mga | | salita at paraan ng pagsasalita | +-----------------------------------------------------------------------+ **Introduction:** - Nakapanood na ba kayo ng talk show sa telebisyon? Ano ang obserbasyon ninyo sa daloy ng kanilang pag-uusap? - Nakaranas na ba kayong magsulat ng liham para sa kaibigan? Ano ang naging reaksyon niya? - Nakarinig ka na ba ng isang drama sa radyo? Nagustuhan mo ba? Bakit? **Talakayan:** Ang mabisang pakikipagkomunikasyon ng mga Pilipino ay nangangailangan ng isang tagapagsalita na may mabuting pag-unawa sa lingguwistika o gramatika, sosyolingguwistika, at sosyo-kultural na aspekto ng wikang Filipino. Ang pag-unawang ito ay magdudulot sa atin ng tamang paggamit ng wika sa tamang konteksto para sa tamang layunin at nang maituturing tayo na may kakayahang pangkomunikatibo. Ano ang **Komunikasyon**? Ito ay **proseso** ng pagpapadala at pagtanggap ng mga mensahe sa pamamagitan ng mga simbolikong *cues* na maaaring **Berbal** o **Di-berbal.** A. May tatlong uri ng proseso ng komunikasyon: 1. Intrapersonal -- ito ay tumutukoy sa komunikasyong pansarili. 2. Interpersonal -- Ito ay tumutukoy sa komunikasyong nagaganap sa pagitan ng dalawa tao o sa pagitan ng isang tao at maliit na pangkat. 3. Komunikasyong Pampubliko -- ito ay tumutukoy sa komunikasyong nagaganap sa pagitan ng isa at malaking pangkat ng tao. B. Sangkap at Proseso ng Komunikasyon a. Nagpapadala ng mensahe -- Ito ay tumutukoy sa tao o pangkat ng mga taong pinagmulan ng mensahe. Sa nagpapadala nagaganap ang prosesong *encoding.* b. Mensahe -- Ito ay maaaring mensaheng berbal o di-berbal c. Daluyan ng mensahe -- ito ay maaaring daluyang sensori o institusyunal d. Tagatanggap ng mensahe -- Ito ay tumutukoy sa tumatanggap ng mensahe. Dito nagaganap ang prosesong *decoding.* e. Tugon o *feedback* -- Ito ang inaasahang sagot na maaaring mauri sa tatlo: Tuwirang tugon, Di-tuwirang tugon at Naantalang tugon f. Sagabal sa komunikasyon -- ito ang tinatawag sa Ingles na *communication noise o filter.* Bawat proseso ng komunikasyon ay maaaring magkaroon ng potensyal na sagabal. Ito ang mga bagay-bagay na maaaring makasagabal sa mabisang komunikasyon. Ito ay mauri sa apat: 1. Semantika -- Halimbawa nito ay ang pagkakaroon ng isang salita ng dalawa o higit pang kahulugan o pangungusap na hindi tiyak ang kahulugan. 2. Pisikal -- Halimbawa nito ay ang mga distraksyon sa paligid, biswal, teknikal na may kaugnayan sa *sound system.* 3. Pisolohikal -- Halimbawa nito ay ang may kapansanan sa paningin, pandinig o pagsasalita o may karamdaman sa katawan. 4. Sikolohikal -- Halimbawa nito ay *biases*, *prejudices*, ang pagkakaiba-iba ng kultura. **Komunikasyong Di-Berbal** Sa komunikasyon ay hindi lagging berbal ang ginagamit, hindi pasulat o paslita. May mga pagkakataong kinakailangan ang paggamit ng di-berbal sapagkat mas inilalantad ang kalagayang emosyunal ng tao at nililinaw nito ang kahulugan ng mensahe. 1. Oras (*Chronemics*) 2. Espasyo (Proxemics) 3. Katawan (Kinesics) 4. Pandama (Haptics) 5. Simbulo (Iconics) 6. Mata (Opthalmics) 7. Vocalics 8. Kulay 9. Paralanguage **Mga Konsiderasyon sa Mabisang Komunikasyon** Sa nagdaang talakayan ay nabanggit na ang wika ay hindi lamang pinipili kundi kailangan din itong isaayos upang maging mabisa ang komunikasyon. Kaya si Dell Hymes ay nagmungkahi kung paano dapat isaayos ang paggamit ng wika. Ginamit niya ang akronim na S.P.E.A.K.I.N.G upang isaalang-alang ang ilang konsiderasyon sa mabisang komunikasyon. S etting (Saan nag-uusap?) P articipants (Sino ang kausap?) E nds (Ano ang layunin sa Pag-uusap) A ct Sequence (Paano ang takbo ng usapan?) K ey (Pormal ba o Impormal ang usapan?) I nstrumentalities (Ano ang midyum ng usapan?) N orm (Ano ang paksa ng usapan?) G enre (Nagsasalay ba? Naglalarawan? Naglalahad? O Nangangatuwiran? **Interaktibong Gawain: Pangkatang Gawain** A. Magsaliksik sa mga kakayahang komunikatibo: 1. Kakayahang Lingguwistik o Gramatikal 2. Kakayahang Sosyolingguwistik 3. Kakayahang Estratehikal at Pragmatik 4. Kakayahang Diskorsal B. Maghanda para sa Pasulit *Sanggunian: Phiasarra Publishing House* *Phoenix Publishing House* *Mutya Publishing House*