FIL1-REVIEWER-MIDTERM PDF

Summary

This is a Filipino language reviewer for a quiz on communication. It covers topics like gossiping, truth vs. gossip, formal discussions, and methods of communication, and provides definitions and explanations for terms like 'umpukan' and 'talakayan'.

Full Transcript

**FIL 1 REVIEWER FOR QUIZ** **MODULE 6** **MGA GAWING PANGKOMUNIKASYON NG MGA PILIPINO** - **TSISMISAN** - Ang **tsismis** ay tinukoy bilang pinag-uusapan at sinusuri ang isang tao kapag hindi sila naroroon. Ngunit maaari naming gamitin ang tsismis upang malaman ang tungkol sa mga al...

**FIL 1 REVIEWER FOR QUIZ** **MODULE 6** **MGA GAWING PANGKOMUNIKASYON NG MGA PILIPINO** - **TSISMISAN** - Ang **tsismis** ay tinukoy bilang pinag-uusapan at sinusuri ang isang tao kapag hindi sila naroroon. Ngunit maaari naming gamitin ang tsismis upang malaman ang tungkol sa mga alituntunin ng pag-uugali sa mga grupo ng panlipunan at maging mas malapit sa bawat isa. - Gaya ng lahat ng bansa, mahilig magtsismisan ang mga Pilipino, ngunit may mas negatibo na konotasyon ng salitang tsismis kumpara sa ingles na katumbas nito na '**gossip**'. - Ang **gossiper** ay tumutukoy lamang sa tao na mahilig makipagkwentuhan o magkalat ng sikreto ng iba, samantalang ang tismosa ay kilala bilang sinungaling at mapag-imbento ng kwento. Paminsan minsan lamang kung magsabi ng katotohanan ang mga tsismosa, at kung oo naman ang mga kwento ay madalas na exaggerated. - **TSISMIS VS KATOTOHANAN** - Malungkot man sabihin ngunit mas pinipili ng mga Pilipino ang mga tsismis kaysa sa katotohanan. Kahit na may mga mangilan ngilan na hindi naniniwala sa mga tsismis na naririnig nila, marami pa rin ang naniniwala sa mga '**alternative facts'**. - Kakaonti lamang ang mga tao na nagtatanong ng totoong nangyari sa taong pinaguusapan, at mas kakaonti pa ang mga tao na sumusubok na tingnan kung tama ang impormasyon na kanilang nasasagap. - **Legal na aksyon** - Mukha mang simpleng bagay ang pangtsitsismis, ito ay maaaring makasama kung sumobra. Maaari itong makasira ng reputasyon ng isang tao at lubhang makaapekto sa kalagayan ng pinag-uusapan. - Ang mga tsismis na naglalayong makasakit ng tao at nakahahahamak ng dignidad ay itinuturing na paninirangpuri, at may mga legal na aksyon na maaaring gawin upang labanan ito at ipagtanggol ang sarili gaya ng pagsampa ng kasong **libel**(written) o **slander**(verbally). - **Kumonekta sa iyong tagapakinig** - Ang mabisang tsismis ay umaasa hindi lamang sa nilalaman at sa mga paksang kasangkot kundi pati na rin sa paghahatid. Mahalagang ipahayag ang mga benepisyo ng impormasyong ibinabahagi mo at ipaliwanag ang iyong pangangatwiran. - Bukod pa rito, ang pagpapahayag ng iyong mga emosyonal na tugon ay maaaring magsulong ng mas malakas na koneksyon sa iyong madla at mabawasan ang mga masamang reaksyon. Sa pamamagitan ng pagbabahagi ng iyong mga damdamin, maaari mo ring bigyan ng inspirasyon ang iyong mga tagapakinig, na hinihikayat silang makisali sa mga katulad na pag-uugali. - **UMPUKAN** - Ang ibig sabihin ng "**umpukan**" ; ay ang paggawa ng tao ng isang maliit na grupo o pangkat, pagtitipon ng mga tao para sa isang okasyon o pangyayari o sa anong kadahilanan. - Ginagamit din ang "**umpukan**" ; para ilarawan ang kakapalan o karamihan ng tao sa isang grupo o pangkat. - May mgaumpukan na impormal ang talakayan kung saan ang mga tao ay nagpapalitan ng kuru-kuro o opinyon tungkol sa isang bagay o paksa. - Isang pang halimbawa ng umpukan ay ang pakikipagtalo o debate, na maaaring kaswal na usapan lamang, o maaari rin namang pormal na pakikipagtalo. - Dito makikita natin ang mga tao ay may kanyakanyang katwiran batay sakanilang mga opinyon. - **TALAKAYAN** - o Ito ay isang karaniwang gawain sa loob ng klase. Sa pamamagitan ng pagtatalakayan, nahahasa ang kakayahan ng mga mag-aaral sa pagsasalita, pagpapaliwanag at pangangatwiran. - **Uri ng Pagtatalakayan** - **Impormal na Talakayan** - Ito ay malayang pagpapalitan ng kuru-kuro hinggil sa isang paksa at walang pormal na mga hakbang na sinusunod. Ito ay binubuo ng lima hanggang sampung katao. - **Pormal na Talakayan** - Nakabatay sa tiyak na mga hakbang, may tiyak na mga taong mamamahala at mamumuno ng talakay. Nakahanda ang mga sa kanilang paglalahad, pagmamatuwid o pagbibigay ng kuru-kuro. - **Mga Uri ng Pormal na Talakayan** - **Panel Discussion** - Binubuo ng tatlo o apat na kasapi at isang pinuno na umuupo sa harapan ng mga tagapakinig**.** - **Simposyum** - kahawig ng panel discussion pero it ay meroong tiyak na paksang tatalakayin ng bawat kasapi sa panel. - **Lecture - (Forum o Panayam)** - ito ay isang malaking pagtitipon sa ilalim ng mga pinunong maglalahad ng mahalagang suliranin. maaaring maglahad at magtalakay ng maraming paksa at pagkatapos ay malayang pagtatanong upang linawin ang paksang tinalakay. - Ang **talakayan o debate dayalogo** ay isinasagawa upang linawin ang mga hindi pagkakaunawaan at maitaguyod ang katotohanan. Mahalaga ang maayos na paggamit ng salita, malinaw na pagtatanghal ng mga ebidensya, at pag-iwas sa mga agam-agam sa pananaw at paniniwala - **Bakit kailangan ng tao ang Talakayan?** - Ang hindi pagkakaunawaan sa pananampalataya at mga ideya ay likas na bahagi ng buhay ng tao mula pa noon hanggang ngayon. Kailangan ang tamang patnubay upang maiwasan ang hidwaan. Ang talakayan ay mahalaga upang mapatunayan at mapanatili ang katotohanan gamit ang maaasahang ebidensiya, na dapat ibahagi nang tapat at may tapang ng lahat ng kalahok. - **PANGKATANG TALAKAYAN** - **Impormal na Debate o Pagtatalo** - Karaniwang isinagawa sa loob ng klase kapag may napapanahong isyung pinag-uusapan. Wala itong mga tuntuning sinusunod at malayang makapagsasalita ang lahat tungkol sa panig na gusto nilang pangatwiraan. - **Formal na Debate** - Kontrolado ng mga mahigpit na tuntunin at alintuntunin ang debating ito. May dalawa itong pangkat ng mga magtatalo para sa panig afirmatibo o negatibo. Magpapalitan sila ng talion batay sa ilalahad na matitibay na katwiran at katibayan. - **PAGBABAHAY-BAHAY** - Ang pagbabahay-bahay ay isang gawain na nagpupunta sa iba't ibang lugar at tirahan upang magsiyasat ng mga bagay-bagay na maaaring makakuha ng impormasyon. - Halimbawa, ng pagbabahay-bahay ay ang background investigation sa taong nais bumili ng kotse o mag-loan ng malaking halaga. Nagsasagawa sila ng interview upang makakuha ng iba pang impormasyon, at ma-beripika kung totoo ang lahat ng iyong isinulat sa kanilang application form. - Katulad na lamang, halimbawa, ang pagbabahay-bahay ng mga pulis sa isang barangay upang magsagawa ng random drug test. Naging kalakaran din noon ang pagbabahay-bahay upang magpakilala at magbenta ng mga bagong produkto. - **PULONG-BAYAN** - Ito ay pagpupulong ng mga taong naninirahan sa isang bayan upang pagusapan ang mga suliranin, hakbang at maging ang mga inaasahang pagbabago. - Ito ay pamamaraan ng mga Pilipino upang mapagusapan nang maayos ang mga bagay-bagay. - Dito maaaring sabihin ng mga kalahok ang kanilang saloobin. Lahat ay binibigyan ng pagkakataon makapagsalita. - Ito ay pangkomunikasyon na pamamaraan ng mga Pilipino. **MODULE 7** **MGA TIYAK NA SITWASYONG PANGKOMUNIKASYON** - **Forum, Lektyur, Seminar** - Ang bawat pagpupulong ng **forum** ay nilikha bilang tugon sa mga partikular na prayoridad, paksa, at interes ng mga kalahok. Kung saan maaari kang umalis at asahan na makakita ng mga tugon sa mga mensahe na iyong naiwan. Ito ay isang malaking pagtitipon sa ilalim ng mga pinunong maglalahad ng mahalagang suliranin. Maaaring maglahad at magtalakay ng maraming paksa at pagkatapos ay malayang pagtatanong upang linawin ang paksang tinalakay. - Ang **lektyur** ay nagbibigay ng orihinal na ideya at mga pagtuturo na nagmula sa materyal na nakikita sa libro. - May malaking kaibahan ang **seminar** sa lektyur dahil may ibat-ibang kahulugan, pormat at outline ang bawat isa. Ang lektyur ay tumatukoy sa malit na klase at may isang tagapagsalita,samantalang ang seminar naman ay programa ay may partikular na outline at pormat na sinusunod sa isang aktibidad. Ang pagtuturo or talakayan ay naka-ayon sa tinalagang speaker o tagapagsalita sa isang programa. - **Worksyap** - Ang **worksyap** ay isang masinsinang pag - aaral ukol sa isang paksa ng isang grupo o grupo ng mga tao. Ang ilan sa mga talentong nalilinang sa isang workshop ay pag - arte, pagsasayaw, pag - awit, pagsasalita, at pag - aaral ng iba't ibang lenggwahe tulad ng ingles, espanyol, mandarin, at iba pa. Ito ay karaniwang pinamumunuan ng mga eksperto na sya ring nagiging tapagsalita o tagapagturo sa worksyap. - **Symposium at Kumperensya** - Ang **symposium** ay tila isang maliit na bersyon ng kumperensya. Tinatalakay rin dito ang isang partikular na isyu o usapin. Karaniwan ay mga eksperto sa isyu ang nagsasama-sama at nagtatalakay ng kanilang mga ideya sa symposium. - **Kumperensya** Ito naman ang tawag sa malaking bersyon ng symposium. Ang kumperensya marahil ang pinakamalaking bersyon ng pagpupulong. Ito ay pinupuntahan hindi lamang ng eksperto kundi ng mga nais aralin ang paksang tinatalakay. Mas marami rin ang inaaasahang dumalo rito. Maaari rin na may iba't ibang pagpupulong na nakapaloob sa isang kumperensya. - **Roundtable at Small Group Discussion** - Ang **Roundtable at Small Group Discussions** ay parehong uri ng talakayan kung saan ang mga kalahok ay nag-uusap tungkol sa partikular na paksa. Sa **Roundtable at Small Group Discussions**, ang lahat ng mga kalahok ay binibigyan ng pagkakataon upang talakayin ang kani-kanilang opinyon o saloobin tungkol sa paksa o usapin. Karaniwang ginagawa ang parehong uri ng talakayan sa akademya o kaya naman sa pananaliksik na nangangailangan ng partisipasyon ng mga pangkat na kasama sa sinusuri. - **Kahalagahan ng Roundtable at Small Group Discussions** - Ang parehong uri ng talakayang ito ay halos may pagkakapareho sa kahalagahan tulad ng mga sumusunod: - Naririnig ang panig ng bawat kalahok - Nagkakaroon ng malawak at bukas na pag-iisip ng bawat panig - Naibabahagi ang mga opinyon o saloobin tungkol sa paksa o usapin - **Kondukta ng Pulong/Miting/Asembliya** - Ang pag-oorganisa ng pulong ay mahalaga upang ito ay maging epektibo at mabisa. Kailangang alam din natin ang mga elemento sa pagbuo ng isang organisadong pulong upang maging maayos ang daloy nito. - **Ang apat na Elemento ng isang organisadong pulong**: 1. **Pagpaplano o Planning Layunin ng Pagpupulong**: - Pagpaplano para sa organisasyon - Pagbibigay impormasyon, agenda o mga bagay na dapat ipaalam sa mga kasapi. - Konsultasyon o mga bagay na dapat isangguni sa mga miyembro. - Paglutas ng problema o solusyon - Pagtatasa o ebalwasyon sa mga nakaraang pulong. 2. **Paghahanda o Arranging** - Tagapangulo o Pangulo (Presiding Officer) - Kalihim (Secretary) - Mga Kasapi sa Pulong (Members) - **Mga dapat isaalang-alang sa pagsusulat ng katitikan ng pulong** - Pag-uusapan/Tatalakayin (Agenda of the Meting) - Pagbubukas ng pulong (date, day, and place of meeting) - Pagbasa at pagsang-ayon sa katitikan ng nakaraang pulong (reading te minutes of the previous meeting) - Pagtatalakay ng ibang paksa na may kinalaman na nakaraang pulong (Pending Matters) - Pinakamahalagang paguusapan (bussiness/agenda of the day) - Ibang paksa (other matters) - Pagtatapos ng meeting (adjourment) 3. **Pagpoproseso o Processing** - Quorum - Consensus - Simpleng mayorya - 2/3 majority 4. **Pagtatala o Recording** - Ang Pagsulat ng Minutes o Tala sa Pulong Mga bahagi ng Minutes - Simula - Atendans - Talakayan - Pagtatapos - Paraan ng Pagsulat ng katitikan o Minutes ng Pulong - Mga Mahahalagang Papel Sa Pulong - Pinuno (Chairperson) - Secretary - Mga Kasapi sa Pulong (Members of the meeting) - **Mga Dapat Iwasan Sa Pulong** - Malabong Layunin Sa Pulong - Bara-bara sa Pulong - Pagtalakay sa napakaraming bagay - Pag-atake sa indibidwal - Pag-iwas sa problema - Kawalan ng pagtitiwala sa isa't-isa - Masamang kapaligiran ng pulong - Hindi tamang oras ng pagpupulong - **Pasalitang Pag-uulat sa Maliit at Malaking Pangkat** - Ang **pasalitang pag-uulat sa maliit** **at malaking pangkat** ay isang uri ng pagsasalaysay sa harap ng mga tao o tagapakinig. Nagkakaiba lamang ang mga ito sa liit o dami ng mga tagapakinig. Subalit ang ibayong paghahanda at kaalaman ng isang tagapagsalita ay marapat na maipamalas sa oras ng pag-uulat. - **Mga Gabay sa Maayos ng Pag-uulat** - Kinakailangang may sapat at kakayahang makasagot sa lahat ng kinakailangan ng mga tagapakinig batay sa paksa. - Ang paksang iuulat ay dapat naaayon sa pagkakasunod-sunod at naihahayag ng buong linaw sa mga tagapakinig. - Hiniling din ang tamang lakas ng boses para sa gagawing pag-uulat. - Mahalagang angkop ang kasuotan na gagamitin sa gagawing pag-uulat. - Higit sa lahat ang tiwala at kompyansa sa sarili ay lubos na hinihingi sa gagawing pagpapahayag ng ulat maliit o malaki mang pangkat ito. - **Programa sa Radyo at Telebisyon** - Tinutukoy ng **telebisyon at radyo** ang mga uri ng midya o daluyan ng mga impormasyon at komunikasyon na nagpapakita ng mga gumagalaw na larawan at mga tunog na naglalakbay sa ere. - Kadalasang ginagamit ang mga ito sa pagpapahayag ng mga saloobin at nakakaapekto sa opinyon ng isang partikular na grupo ng mga tao. - **Video Conferencing** - Ang isang **kumperensya ng video** ay isang paraan ng live at visual na komunikasyon sa pagitan ng mga tao na magkalayo ang lokasyon. Mula sa simpleng pagpapakita ng mga imahe at teksto, hanggang sa mas komplikadong pagpapakita ng live na video at magandang audio sa iba\'t ibang lokasyon.. - **Komunikasyon sa Social Media** - Ang **social media** ay may positibong epekto sa mga mag-aaral sa pamamagitan ng pagtibay ng relasyon sa mga kaibigan, paghahanap ng bagong kaibigan, at pagpapanatili ng komunikasyon sa mga dating kaibigan. Mahalaga na may limitasyon sa paggamit ng social media at hindi dapat kalimutan ang iba pang mahahalagang bagay sa buhay bukod sa teknolohiya. **Module 8 - KOMUNIKASYONG DI-BERBAL** - Ito ay isang karaniwan at lahat ng uri o kapamaraanan ay ginagamit upang ipahayag ang mensahe, ng hindi ginagamitan ng salita. - Gumagamit ng Kilos o Galaw ng Katawan - Ayon kay **Albert Mehrabian** **(1971) 93%** ng mensaheng ipinahahatid ng tao sa kanyang kapwa ay di -- verbal na komunikasyon. - Ayon kay **E. Sapir** Ang di -- verbal na komunikasyon ay isang detalyado at lihim na kodigo na hindi nakasulat ngunit nauunawaan ng lahat. **IBA'T IBANG ANYO NG DI-VERBAL NA KOMUNIKASYON** 1. **Kinesika (Kinesics)** - Pag -- aaral ng kilos at galaw ng katawan. May kahulugan ang paggalaw na iba't ibang bahagi ng ating katawan. Hindi man tayo nagsasalita, ngunit sa pamamagitan ng ating kilos ay naipapahiwatig naman natin ang mensaheng gusto nating iparating sa iba. **GALAW NG KATAWAN NA GINAGAMIT SA DI-VERBAL NA KOMUNIKASYON** A. **Ekspresyon ng Mukha** Nagpapahayag ng pagiging masaya kung siya ay naka ngiti, malungkot kung umiiyak, nakasimangot kung galit o naiinis, tulala kung naguguluhan o nabigla at ang ultimong paglabas ng dila ay may mga kahulugang ipinapahayag. B. **Galaw ng Mata** Nagpapakita ng katapatan ng isang tao, nag -- iiba ang mensaheng ipinahahayag batay sa tagal, direksyon at kalidad ng kilos ng mata. C. **Kumpas** Ang kamay at ang galaw ng katawan ay maraming bagay at kapamaraanang magagawa katulad ng pagsenyas, pagsang-ayon o pagtutol, magpakita ng kasiyahan o papuri, pananakit, paghingi ng paumanhin o makikipag-alitan,mga pagpapakita ng karamdamang pisikal, emosyonal at marami pang iba. Ang anumang sinasabi ng isang tao ay naipahahayag na may kasamang kumpas at nakatutulong ito sa mabisang paghahatid ng mensahe. D. **Tindig o Postura** Tindig pa lamang ng isang tao ay nakapagbibigay na ng hinuha kung anong kalseng tao ang iyong kaharap o kausap. 2. **Proksemika (Proxemics)** - Pag-aaral ng komunikatibong gamit ng espasyo, isang katawagang binuo ni Edward T. Hall (1963), isang antropologo. Maaaring ang mga kalahok sa komunikasyon ay nasa pampublikong lugar tulad ng isang nagtatalumpati sa harap ng kanyang mga estudyante o maaari ring isang karaniwang paguusap sa pagitan ng dalawang magkaibigan. 3. **Pandama o Paghawak (Haptics)** - Ito ay isa sa pinaka-primitibong anyo ng komunikasyon. Minsan, ito ay nagpapahiwatig ng positibong emosyon. Nangyayari ito sa mga taong malapit sa isa't isa gaya ng mga magkakaibigan o magkakapalagayang-loob. Halimbawa: -Pagyakap --Paghaplos. 4. **Paralanguage Mga di-linggwistikong tunog na may kaugnayan sa pagsasalita** - Tumutukoy ito sa tono ng tinig (pagtaas at pagbaba), pagbigkas ng mga salita o bilis ng pagsasalita. Kasama rin sa bahaging ito ang pagsutsot, buntung-hininga, ungol at paghinto. - Ang anumang sinasabi natin mensaheng nais nating ipahatid ay kailangang angkop sa pagbigkas ng mga salita o pangungusap. 5. **Katahimikan/Hindi Pag-imik** - Ang pagtahimik o hindi pag-imik ay nagbibigay ng oras o pagkakataon sa tagapagsalita na makapag-isip at bumuo at mag-organisa ng kanyang sasabihin. Sa pagtahimik o di pagimik, inihahanda ng tagatanggap ang mahalagang mensahe na sasabihin pa ng tagapagsalita. May mga taong ginagamit ding sandata ang katahimikan para masaktan ang kalooban ng iba. Ginagamit din itong anyo ng pagtanggi o pagkilala sa kakaibang damdamin ng isang tao sa ibang tao. **MGA EKSPRESYONG LOKAL** - Ang **ekspresyong lokal** ay ang likas at ordinaryong wika na naiiba sa anyo at gamit sa lohika at iba pang uri ng pilosopiya. - Ito ay mga parirala o pangungusap na ginagamit ng× mga tao sa pagpapahayag ng damdamin o pakikipagusap na ang kahulugan ay hindi ang literal na kahulugan ng bawat salita at hindi maiintindihan ng mga ibang taong hindi bihasa sa lenggwahe. - Ito rin ang nagbibigay ng kaibahan sa ibang wika. - **Halimbawa**: Manigas ka! Bahala na si Batman. (Bahala na.) Malay mo. Sayang. (Sayang naman.) Hay naku. Susmaryosep! Anak ng \_\_\_\_\_! **Module 9 - "Sitwasyong Pangwika sa iba Pang Anyo ng Kulturang Popular"** - Isa sa katangian ng wika ang pagiging malikhain. Sa patuloy na paglago ng wika ay umuusbong ang iba\`t ibang paraan ng malikhaing paggamit dito dala na rin sa impluwensya ng mga pagbabagong pinanalaganap ng media. **Flip-Top** - Ito\`y pagtatalong oral na isinasagawa nang pa-rap. Nahahawig ito sa balagtasan dahil ang mga bersong nira-rap ay magkakatugma bagama\`t sa Flip-Top ay hindi nalalahad o walang malinaw na paksang pagtatalunan. Kung ano lang ang paksang sinimulan ng naunang kalahok ay siyang sasagutin ng kanyang katunggali. **Pick-up Lines** - May mga nagsasabing ang Pick-up lines ay **makabagong bugtong** kung saan may tanong na sinasagot ng isang bagay na madalas maiugnay sa pag-ibig at iba pang aspekto ng buhay. Sinasabing nagmula ito sa boladas ng mga binatang nanliligaw na nagnanais magpapansin, magpakilig, magpangiti, at magpa-ibig sa dalagang nililigawan. Kung may mga salitang angkop na nakapaglalarawan sa pick-up lines masasabing ito\`y nakakatuwa, nakapagpapangiti, nakakikilig, cute, cheesy at masasabirin corny. Ito ay madalas na makikita sa Facebook wall, Twitter at iba pang social media network. **Hugot Lines** - Ang hugot lines, kaiba sa pick-up lines ay tinatawag dig love lines o love quotes. Ito ay isa pang patunay na ang wika ay malikhain. Hugot lines ang tawag sa mga linya ng pag-ibig na nakakakilig, nakakatuwa, cute, cheesy o minsa\`y nakakainis. Karaniwang nagmula ito sa linya ng ilang tauhan sa pelikula o telebisyong nagmarka sa puso\`t isipan ng manonood subalit madalas nakagagawa rin ng sarili nilang (hugot lines) ang mga tao depende sa damdamin o karanasang pinagdaraanan nila sa kasalukuyan. Minsan ang mga ito\`y nakasulat sa Filipino subalit madalas, Taglish ang gamit na salita sa mga ito. **Sitwasyong Pangwika sa Text** - Sa pagpapadala at pagtanggap ng **SMS (Short Messaging System)** na lalong kilala bilang text message o text ay isang maalagang bahagi ng kominikasyon sa ating bansa. Kaya naman tinagurian tayong **Texting Capital of the World** higit na itong popular kaysa sa pagtawag sa telepono dahil mas mabilis at masmura ito kesa sa tawag. Mas komportable din kung nakasulat ito kesa sabihin ng harapan o sa pamamagitan ng tawag. **Sitwasyong Pangwika sa Social Media at sa Internet** - Sa panahong ito nabibilang na lang sa daliri ang mga taong wala ni isang social media account tulad ng Facebbok, Twitter, Instagram at iba pa. Maging ang mga nakakatanda ay sumusunod sa uso at nagkakaroon ng social life sa pamamagitanm ng social media. Marami ang pagtuturing ditto na isang biyaya dahil nagiging daan ito ng pagpapadali ng kominikasyon sa pagitan ng magkakaibigan o sa mahal mo sa buhay na malayo sa isa\`t isa. Dito rin mas napapadali ang pag hahanap ng impormasyon tungkol sa mga bagay na iyong ginagawa gayundin ang pagpapadali ng mensahe sa iba sa loob lang ng maikling oras o panahon. **Sitwasyong Pangwika sa Kalakalan** - Wikang Ingles parin ang higit na ginagamit sa boardroom ng malalaking kompanya gayundin sa multinational companies at Business Process Outsourcing (BPO) o call centers pero sa sangay ng production line at pagawaan wikang Filipino parin ang kanilang ginagamit guyundin sa mga mall, restaurant, mga pamilihan, palengjke at maging sa direct selling. **Sitwasyong Wika sa Pamahalaan** - Sa bias ng Ats **Tagapagpaganap Blg, 335, Serye ng 1988** na nag-aatas sa lahat ng mg kagawaran, kawanihan, opisina, ahensya at instumentaliti ng pamahalaan na magsasagawa ng mga hakbang na kailangan para sa layuning magamit ang Filipino sa opisyal na mga transaksyon, komunikasyon, at korespondensiya, upang maging malawak ang paggamit ng wika sa iba\`t ibang antas at sangay ng pamahalaan Ito ang malaking kontribusyon ni dating pangulong Corazon Aquino sa pag papalaganap ng wikang Filipino sa pamahalaan at sinundan ito ng kanyang anak na si dating pangulong Nonoy Aquino III sa pag sasabi sa kanyang SONA na gamiting opisyal sa lahat ng pulong ang wikang Filipino para maintindihan ng mga ordinaryong mamamayan n gating bansa. **Sitwasyong Pangwika sa Edukasyon** - Ayon sa itinatandhana ng K-12 Basic Education Curriculum sa mababang paaralan (K hanggang grade 3) ay unang wika ang kanilang gagamitin bilang medium ng pagtuturo at bilang hiwalay na asignatura. Sa mas mataas na antas ay nananatiling bilingual kung saan wikang Ingles at Filipino ang gagamiting panturo. **Register o Barayti ng Wikang Ginagamit sa Iba\`t ibang Sitwasyon** - Ang mga barayting ito ay ginagamit sa iba\`t ibang sitwaysyon pangwika. Isa sa mga uri ng sosyolek ang nais bigyan din dito ang paggamit ng mga jargon o mga terminong kaugnay ng mga trabaho o iba\`t ibang hanapbuhay o larangan. **Module 10 - Mga napapanahong isyu** **KORAPSYON** - Hindi mawawala kahit kailan ang **Korapsiyon** sa ating bansa maari lang itong mabawasan ngunit hindi ito nawawala. - Sapagkat tayo rin ang pumipili ng taong magnanakaw sa atin. Hindi sa lahat ng pagkakataon ay nagiging tapat sila sa ating bayan. **ANO ANG KABAN NG BAYAN? PARA SAAN ITO?** - Ang kaban ng bayan ay nangangahulugang ay kayaman ng bayan kung saan dito nilalagay ang mga buwis na naibibyad ng mga tao. - Ginagamit ito upang matustusan ang pangangailangan ng isang bansa upang makapagtaguyod ng mga proyekto na mapapaunlad ng ating bans **BAKIT NAGKAROON NG KORAPSYON?** - Nagkakaroon ng korapsyon sa ating pamahalaan dahil sa pansariling interest at pangangailang pinansiyal. - Minsan kung sino pa ang nasa mataas na posisyon sa gobyerno ay sila pa ang gumagawa nito. - Dahil hindi sila natatakot na mahuli dahil sila ay may kapangyarihan at maari nilang takutin kung sino man ang magsusuplong sa kanilang masamang gawain sa awtoridad. **(Anne Marie 2011).** - Ang korapsyon ay nakaugat na sa sistema ng pulitika dito sa Pilipinas. - Napakatagal na panahon na na kaakibat ng salitang "pulitika" ang "korapsyon." - Hindi kaila sa atin na kapag naririnig natin ang salitang "pulitika" at "gobyerno", pumapasok at pumapasok pa rin ang salitang "**korapsyon**." **ANO ANG EPEKTO NG KORAPSYON?** - Ang pagpapalala ng kahirapan sa ating bansa. - Naghahadlang sa pag-unlad ng bansa. - Ang pagkawala ng tiwala ng mga tao sa mga na sa itaas. **PAANO NINANAKAW ANG KABAN NG BAYAN?** - Dahil nga sila ang nakaupo nagagawa nila kung ano gusto nila, Nagkakaroon ng mga sabwatan sa pagnanakaw sa kayaman ng bayan, dahan dahan nila pinagnanakawan upang dumami ang kanilang mga kayamanan. - Habang patagal ng patagal palaki rin ng palaki ang sabwatan sa pagnanakawan. **PAANO MATATANGGAL ANG KORAPSYON?** - Ang korapsyon ay wala sa malaking sistema kundi matatagpuan sa indibidwal na tao. - Ang bawat isa sa atin ay may "**potency**" o kakayahan para magkaroon ng korapsyon. - Lahat tayo ay may pananagutan sa sugat sa sistema na ito. - Ang simpleng pagbibigay ng lagay para makalusot at mapabilis ang transaksyon, ang simpleng pagkuha ng office supplies, ang simpleng paglapastangan sa public property, ito ay maliit na form ng corruption. - Ang pagsugpo sa korapsyon ay hindi lamang nakasalalay sa iisang tao. - Tayong lahat ay may kakayahan na sumugpo sa korapsyon. - Kung lahat ay magtutulungan, kung lahat ay magbabago sa indibidwal na lebel, kung lahat ay magiging bantay laban sa korapsyon, mawawala at masusugpo ang korapsyon. **KONSEPTO NG BAYANI** - Kahit walang batas na nagpapahayag kung paano nagiging bayani ang isang Pilipino, mayroong iilang pamantayan na tumutukoy sa kwalipikasyon ng isang makasaysayang tao upang hirangin siya bilang bayani ng Pilipinas. **ANG NATIONAL HEROES COMMISSION AY GINAWA ANG MGA SUMUSUNOD NA CRITERIA:** - Ang mga bayani ay ang mga may konsepto ng bansa, at nagnanais at nakikipagpunyagi para sa kalayaan ng bansa. - Ang mga bayani ay ang mga may konsepto ng bansa, at nagnanais at nakikipagpunyagi para sa kalayaan ng bansa. - Ang mga bayani ay nakakatulong sa kalidad ng buhay at tadhana ng isang bansa. - Ang mga bayani ay bahagi ng pagpapahayag ng mga tao. - Iniisip ng mga bayani ang hinaharap, lalo na ng mga susunod na henerasyon. - Ang pagpili ng mga bayani ay nagsasangkot sa buong proseso na gumawa ng isang partikular na tao bilang isang bayani. **NOONG NOBYEMBRE 15, 1995, PINILI NG TEKNIKAL NA KOMITE NG NATIONAL HEROES COMMISSION ANG SIYAM NA MAKASAYSAYANG PILIPINO BILANG PAMBANSANG BAYANI NG** **PILIPINAS.** **DR. JOSE RIZAL** - Ang pambansang bayani ng pilipinas na lumaban sa mga kastila sa pamamagitan ng kaniyang mga nobelang noli me tangere at el filibusterismo noong panahon ng pananakop ng espanya sa bansa. **ANDRES BONIFACIO** - Siya ay isang pilipinong rebolusyonaryo at bayani na nagtatag ng kataastaasan kagalanggalang na katipunan ng mga anak ng bayan (kkk) o katipunan, isang lihim na lipunan na nakatuon sa pakikipaglaban sa mga espanyol na sumakop sa pilipinas. **APOLINARIO MABINI** - Siya ay kilala bilang dakilang paralitiko at utak ng rebolusyon. Isa siya sa mga bumuhay ng la liga filipina na siyang nagbigaysuporta sa kilusang pangreporma. **EMILIO AGUINALDO** - Pinamunuan niya ang pwersa ng pilipinas sa unang laban sa espanya noong mga huling taon ng rebolusyong pilipino (1896-1898), at pagkatapos ay sa digmaang espanyolamerikano (1898), at sa laban sa estados unidos sa panahon ng digmaang pilipino-amerikano (1899- 1901). **GABRIELA SILANG** - Ang matapang na asawa ng lider ng ilokanong maghihimagsik na si diego silang. Kasunod ng pagkamatay ng kanyang asawa, pinamunuan niya ang grupo sa himagsikan laban sa mga kastila. **JUAN LUNA** - Isang pilipinong pintor at bayani. Kilala siya para sa kanyang larawang spoliarium, isang dibuho ng pagkaladkad ng mga bangkay ng mga natalong gladyator sa colosseum sa roma. Ang nakakabagbag-damdaming eksenang ito ay maaring itulad sa mga kasawian ng mga pilipino sa ilalim ng espanya. **MARCELO H. DEL PILAR** - Isang propagandista at satiristang rebolusyonaryong pilipino. Sinikap niyang itaguyod ang makabayang sentimyento ng mga ilustradong pilipino, o burgesya, laban sa imperyalismong espanyol. **MELCHORA AQUINO** - Rebolusyonaryong pilipino na kilala bilang "tandang sora" dahil sa kanyang edad. Siya ay kilala rin bilang "ina ng Katipunan" "ina ng himagsikan" at "ina ng balintawak" para sa kanyang mga kontribusyon. **SULTAN KUDARAT** - Ang ika-7 sultan ng maguindanao mula 1619 hanggang 1671. Sa panahon ng kanyang paghahari, matagumpay niyang nilabanan ang mga pagsalakay ng espanyol at hinadlangan ang pagkalat ng katolisismo ng roma sa isla ng mindanao.

Use Quizgecko on...
Browser
Browser