FIL 1 ARALIN 1-2 PDF
Document Details
Uploaded by UnwaveringSupernova
Notre Dame of Marbel University
Tags
Summary
These lecture notes from Notre Dame of Marbel University cover the subject of Filipinolohiya. They detail introductory concepts, core course requirements, and grading systems. The lectures center around understanding concepts and discussions of Filipino culture, language, and identity related concepts.
Full Transcript
Kaya ba nating unawain ang Pilipino? 8 million 12% adult population subscribers sa Youtube 75,000 years viewing time 4 million views “if you are raised without knowing what real justice feels like, you might mistake a great many things for justice. Yes, even...
Kaya ba nating unawain ang Pilipino? 8 million 12% adult population subscribers sa Youtube 75,000 years viewing time 4 million views “if you are raised without knowing what real justice feels like, you might mistake a great many things for justice. Yes, even instant, mob, radio- show justice. And yes, maybe even violence.” 4.0 Percent unemployment rate ayon sa Labor Force Survey Dropout rate in universities, colleges at 35.15% in SY 2023-2024, says CHEd UTANG NA LOOB magiliw hiya tampo “bahala na” syndrome pakikiramdam malasakit Kaya ba talaga nating unawain ang Pilipi Bakit kailangang unawain ng Pilipino ang kaniyang sarili? Paano uunawain ng Pilipino ang kaniyang saril NOTRE DAME OF MARBEL UNIVERSITY LANGUAGE DEPARTMENT Nilalaman ng Kurso NOTRE DAME OF MARBEL UNIVERSITY LANGUAGE DEPARTMENT Pangangailangan ng Kurso 01 Pananaliksik 02 Pag-uulat 03 Indibidwal/Pangkatang Pagsusulit 04 Takdang aralin 05 Panggitna at Pinal na Eksaminasyon NOTRE DAME OF MARBEL UNIVERSITY LANGUAGE DEPARTMENT Sistema ng Paggrado NOTRE DAME OF MARBEL UNIVERSITY LANGUAGE DEPARTMENT HU U? Pangalan Edad Tunog ng paboritong hayop NOTRE DAME OF MARBEL UNIVERSITY LANGUAGE DEPARTMENT Mga Tuntunin sa Klase Oras Atendans Special Quiz/ Special Exam Komunikasyon NOTRE DAME OF MARBEL UNIVERSITY LANGUAGE DEPARTMENT Template ng chat: 01 Bumati 02 Magpakilala 03 Ilahad ang concern/s 04 Magpasalamat NOTRE DAME OF MARBEL UNIVERSITY LANGUAGE DEPARTMENT Hi, Ma’am. X Magandang umaga po, Ma’am. Ako po pala si Juan Dela Cruz, estudyante niyo sa WKL 2 7:30-900 TTH. Gusto ko Pwede po lang po sanang itanong kung kailan po mag-ask? ako maaaring magpa-consult sa subject niyo. Maraming salamat po. Ma’am? PILIIN ANG MATUTO. FILIPINOLOHIYA Aralin 1 NOTRE DAME OF MARBEL UNIVERSITY LANGUAGE DEPARTMENT LAYUNIN Nauunawaan ang konteksto at kahulugan ng Filipinolohiya. Nakapagbibigay ng kahalagahan ng Filipinolohiya sa pagbuo ng nasyon, sa edukasyon, at sa iba pang larangan. NOTRE DAME OF MARBEL UNIVERSITY LANGUAGE DEPARTMENT Emotion check Kung magiging propesor lamang ako sa aking bayan, pag-iibayuhin ko ang mga pag-aaral tungkol sa Pilipinas na maihahalintulad sa nosce te ipsum (kilalanin ang sarili) na nagbibigay ng totoong konsepto ng sarili at nag-uudyok sa lahat ng bayan na gumawa ng kadakilaan. –Rizal kay Blumentritt, 1887 NOTRE DAME OF MARBEL UNIVERSITY LANGUAGE DEPARTMENT Kailangang pag-aralan ang mga katanungang may kinalaman sa inyong bayan. Ang kaalaman ay kapangyarihan. Tayo lamang ang tanging makagagagap ng kaalaman ukol sa ating bayan, sapagkat nauunawaan natin kapwa ang mga wika, maging ang mga lihim ng taumbayang kasa-kasama natin sa paglaki... –Rizal sa mga kapwa Propagandista, 1889 (sipi kay Jose 54) NOTRE DAME OF MARBEL UNIVERSITY LANGUAGE DEPARTMENT Paglingon sa adhikain ni Rizal Pinagsisimula kay Rizal ang kamalayang Pilipinista, at kaakibat nito’y ang artikulasyon ng pag-aaral at pagkilala ng/sa sarili bilang integral at pundamental na bahagi ng kabansaan Nabigong Association Internationale des Philippinistes (AIP) sa Europa noong 1889. NOTRE DAME OF MARBEL UNIVERSITY LANGUAGE DEPARTMENT Paglingon sa adhikain ni Rizal § Ang pag-aaral sa Pilipinas ay dapat maging “isang pag- aaral...ng kaniyang mga anak sa konteksto ng kaniyang kaisahan at identidad” (“a study of Filipinas by her sons in view of her unity and identity”) (Rizal sa Salazar 306). Pagsasabansa= pag-unawa sa sarili (self understanding) at sariling pagtatakda (self-definition) 2 pangunahing hakbang: Pagkomentaryo sa Sucesos de las Islas ni Antonio de Morga (1609) Pagsapi sa La Solidaridad NOTRE DAME OF MARBEL UNIVERSITY LANGUAGE DEPARTMENT Pagsasakatuparan ng adhikain ni Rizal § Itinatag ang “Pilipinolohiya” sa UP Dalubhasaan ng Agham Panlipunan at Pilosopiya (DAPP o CSSP) 1989. isang eskuwela ng kaisipan at programang doktoradong nagpunyaging bumalikwas mula sa masyadong tuon sa kanluraning modelo, paradigma, kaisipan, at metodolohiya ng noo’y“maka-Amerikanong Philippine Studies”(Covar, “Pagtatataya”). § Pinuna ang umiiral na “Philippine Studies” bilang isang “araling pang-erya” (area studies) na tumitingin sa Pilipinas bilang isang larang lamang ng “unibersal” NOTRE DAME OF MARBEL UNIVERSITY LANGUAGE DEPARTMENT Paradigm shift: Dekada 60-70 Nagsilbing palabinhian ang dalawang larang na ito ng mga kaisipan at pagkilos para sa muling pagpopook (recontextualization) at muling pagdadalumat (reconceptualization) ng Philippine Studies patungong “Araling Pilipino” at “Pilipinolohiya” nang malaunan. “kilusang indihenisasyon”/ “pagsasakatutubo” o “pagsasa-Pilipino” ng akademya (Bautista) NOTRE DAME OF MARBEL UNIVERSITY Pilipinisasyon sa halip na pagsasakatutubo (Salazar) LANGUAGE DEPARTMENT Sapagkat hindi lamang sa pakikipagtunggali at pagpapalaya mula sa dominasyon ng “Iba” natatapos ang paninindigan. Kasarinlan, isang matatag na tindig sa kakanyahan ang namamayaning tunguhin, umano, ng Pilipinisasyon. Nakatuon ito sa Pilipino bilang paksa, Filipino bilang wika ng pananaliksik at talastasang akademiko, at higit sa lahat, may saysay o kabuluhan para sa mga Pilipino (Rodriguez-Tatel 141). Paano magiging makabuluhan? Pag-uugat sa sariling realidad–kasaysayan, lipunan at kalinangan Paggamit ng sariling wika sa pamantasan Ayon kay Salazar, “pagsasawikang-P/Filipino ng edukasyon, lalo na sa mga unibersidad sa pangunguna ng UP” (“Panayam” 29). Ano ba ang P/Filipinolohiya? NOTRE DAME OF MARBEL UNIVERSITY LANGUAGE DEPARTMENT KAHULUGAN FILIPINOLOHIYA Filipino- maaaring mamamayan ng Pilipinas at/o kabilang sa lahing Filipino - katawagan sa ating wikang pambansa lohiya - sistematikong pag-aaral NOTRE DAME OF MARBEL UNIVERSITY LANGUAGE DEPARTMENT Samakatuwid, ang Filipinolohiya ay sistematikong pag-aaral ng: 1. Pilipinong kaisipan 2. Pilipinong kultura 3. Pilipinong lipunan NOTRE DAME OF MARBEL UNIVERSITY LANGUAGE DEPARTMENT KAISIPAN, KULTURA, AT LIPUNANG FILIPINO Ang F/Pilipinong kaisipan, F/Pilipinong kultura at F/Pilipinong lipunan ay bunga ng karanasang F/Pilipino. Ang tao, bilang Homo sapiens, ay may kaisipan, kultura at lipunan. Ang kaisipan, kultura at lipunan ay siyang ugat na basihan ng homonisasyon o pagkatao. Iba-iba ang pagkatao, at isa na dito ang pagka-Filipino. NOTRE DAME OF MARBEL UNIVERSITY LANGUAGE DEPARTMENT Madaling maging tao, mahirap ang magpakatao. NOTRE DAME OF MARBEL UNIVERSITY LANGUAGE DEPARTMENT Madaling maging tao, mahirap ang magpakatao. magpaka-Filipino NOTRE DAME OF MARBEL UNIVERSITY LANGUAGE DEPARTMENT Bakit kailangan ng Filipinolohiya sa akademikong disiplina? NOTRE DAME OF MARBEL UNIVERSITY LANGUAGE DEPARTMENT KAHALAGAHAN NG FILIPINOLOHIYA 1. Ang Pilipinolohiya ay makapagbibigay ng mga tunay na katutubong kamulatan at kamalayan sa kaugaliang Pilipino. 2. Palutangin ang mga tunay na kaugalian, puso at kalooban ng mga Pilipino. NOTRE DAME OF MARBEL UNIVERSITY LANGUAGE DEPARTMENT mapalaya ang Pilipinong kaisipan, kultura, at lipunan. JMJ MARIST BROTHERS NDMU NOTRE DAME OF MARBEL UNIVERSITY FIRST SEMESTER, A.Y. 2024-2025 Pagkataong Pilipino Aralin 2 JMJ MARIST BROTHERS NDMU NOTRE DAME OF MARBEL UNIVERSITY FIRST SEMESTER, A.Y. 2024-2025 DR. PROSPERO COVAR Si Propesor Prospero R. Covar ay nagtapos ng AB Sociology at MA Sociology sa Unibersidad ng Pilipinas at ng PhD Anthropology mula sa University of Arizona, Estados Unidos. Kilala bilang pangunahing tagapagtaguyod ng Pilipinolohiya, larangan hinggil sa kaisipan, kultura at lipunang Pilipino, nagretiro si Prop. Covar sa Pamantasan noong 1999 pagkaraan ng apatnapung taong paglilingkod dito. JMJ MARIST BROTHERS NDMU NOTRE DAME OF MARBEL UNIVERSITY FIRST SEMESTER, A.Y. 2024-2025 METAPORA NG KATAWAN AT BANGA sa putik nagbuhat ang banga, ang tao ay sa putik rin naman nagmula. Ang katawan ng tao ay parang isang banga – may labas, loob, at lalim. JMJ MARIST BROTHERS NDMU NOTRE DAME OF MARBEL UNIVERSITY FIRST SEMESTER, A.Y. 2024-2025 PAGKATAONG PILIPINO: LABAS, LOOB, AT LALIM JMJ MARIST BROTHERS NDMU NOTRE DAME OF MARBEL UNIVERSITY FIRST SEMESTER, A.Y. 2024-2025 MUKHA AT ISIPAN Bawat bahagi ng mukha ay may sari-sariling kakanyahan: noo, kilay, pilik-mata, mata, ilong, bibig, labi, dila, ngipin, nguso, baba, at pisngi. JMJ MARIST BROTHERS NDMU NOTRE DAME OF MARBEL UNIVERSITY FIRST SEMESTER, A.Y. 2024-2025 MUKHA AT ISIPAN Malapad ang noo Salubong ang kilay malagkit ang tingin Nakatutunaw ng tingin Maduming bibig JMJ MARIST BROTHERS NDMU NOTRE DAME OF MARBEL UNIVERSITY FIRST SEMESTER, A.Y. 2024-2025 MUKHA AT ISIPAN Ang isipan na katambal ng mukha ang siya ko naman pag-uukulan ng pansin. Nakaugnay sa utak ang isipan. Ang isip ang pinagmumulan ng diwa, kamalayan, ulirat, talino, at bait. Sa pag-iisip din nakasalalay ang pang-unawa. Ang pag-iisip na ito ay hindi lamang nahahayag sa kanyang intensyon kundi lalong higit sa kanyang pagkilos at gawa. JMJ MARIST BROTHERS NDMU NOTRE DAME OF MARBEL UNIVERSITY FIRST SEMESTER, A.Y. 2024-2025 MUKHA AT ISIPAN Ang kilos ng isang tao ay masasabi nating pino, magaspang, garapal, magaslaw, makatao, maka-Dios, at makabayan. Ang mga ito ay kapahayagan ng pagkatao. JMJ MARIST BROTHERS NDMU NOTRE DAME OF MARBEL UNIVERSITY FIRST SEMESTER, A.Y. 2024-2025 DIBDIB AT PUSO JMJ MARIST BROTHERS NDMU NOTRE DAME OF MARBEL UNIVERSITY FIRST SEMESTER, A.Y. 2024-2025 DIBDIB AT PUSO JMJ MARIST BROTHERS NDMU NOTRE DAME OF MARBEL UNIVERSITY FIRST SEMESTER, A.Y. 2024-2025 DIBDIB AT PUSO Ang pag-aasawa sa mga Pilipino ay tinutukoy na pag- iisang dibdib at hindi pag-iisang puso. JMJ MARIST BROTHERS NDMU NOTRE DAME OF MARBEL UNIVERSITY FIRST SEMESTER, A.Y. 2024-2025 DIBDIB AT PUSO Sa kanluranin ang puso ang kaugnay ng buhay. Ang pagtibok ng puso ay tanda ng buhay, hindi tulad natin na ang buhay ay nakaugnay sa pagsanib ng kaluluwa at pagkalagot ng hininga. JMJ MARIST BROTHERS NDMU NOTRE DAME OF MARBEL UNIVERSITY FIRST SEMESTER, A.Y. 2024-2025 DIBDIB AT PUSO matabang puso Masayang-masaya pusong bato Hindi nakararamdam ng awa walang puso Walang awa isapuso isadamdamin mahabaging puso Mapagmahal, mahabagin JMJ MARIST BROTHERS NDMU NOTRE DAME OF MARBEL UNIVERSITY FIRST SEMESTER, A.Y. 2024-2025 TIYAN AT BITUKA Ang pariralang malaki ang tiyan ay maaaring mangahulugan ng: busog, matakaw, may bulate sa tiyan, o mapagkamkam. Ang katambal nito na maliit o walang tiyan ay maaaring: gutom, mahirap, o kulang sa kain. Ang bitukang sala-salabid naman ay nangangahulugan ng buhay na punong-puno ng balakid. Ito’y naglalarawan ng kalagayan ng pagkatao. JMJ MARIST BROTHERS NDMU NOTRE DAME OF MARBEL UNIVERSITY FIRST SEMESTER, A.Y. 2024-2025 SIKMURA AT ATAY Ang sikmurang masama ay nangangahulugan ng di- mabuting pakiramdam. Ang mahapding sikmura o nangangasim ay nangangahulugan na hindi matanggap ang isang bahay. Malakas ang sikmura ng isang tao kung natatanggap niyang lahat, lalo na yaong karimarimarim na bagay o pangyayari JMJ MARIST BROTHERS NDMU NOTRE DAME OF MARBEL UNIVERSITY FIRST SEMESTER, A.Y. 2024-2025 SIKMURA AT ATAY Sa kabuuan ang sikmura ay may kinalaman sa pagduwal o pagsusuka o di matanggap ng sikmura ang pagkaing nilulon. Ang sikmura ay bahagi ng katawan na ginagamit na pantantiya ng damdamin, pag-iisip, kilos, at gawa ng ibang tao JMJ MARIST BROTHERS NDMU NOTRE DAME OF MARBEL UNIVERSITY FIRST SEMESTER, A.Y. 2024-2025 SIKMURA AT ATAY Sa katutubong pamayanan, ang atay ay ginagamit na panawas sa mambubunong upang matamo ang magiging kapalaran ng isang desisyon gaya halimbawa kung itutuloy ang pagdaraos ng pishit o pangangaso. Ito ay may kinalaman sa kulay ng atay. Ang madilaw na atay ay nangangahulugan na magiging matagumpay ang isagawang balak; ang maitim na atay ay sakuna ang susuungin. Gayundin, ang taong maitim ang atay ay walang pakundangan sa kaniyang ginagawa JMJ MARIST BROTHERS NDMU NOTRE DAME OF MARBEL UNIVERSITY FIRST SEMESTER, A.Y. 2024-2025 LABAS- KATAWAN LALIM- ? JMJ MARIST BROTHERS NDMU NOTRE DAME OF MARBEL UNIVERSITY FIRST SEMESTER, A.Y. 2024-2025 LABAS- KATAWAN LALIM- KALULUWA AT BUDHI JMJ MARIST BROTHERS NDMU NOTRE DAME OF MARBEL UNIVERSITY FIRST SEMESTER, A.Y. 2024-2025 PAGKATAONG PILIPINO: LABAS, LOOB, AT LALIM JMJ MARIST BROTHERS NDMU NOTRE DAME OF MARBEL UNIVERSITY FIRST SEMESTER, A.Y. 2024-2025 KALULUWA AT BUDHI Tag. kaluluwa; Buhat sa salitang “duwa” o Bk. Hlg. Sb. Sl kalag; two. Kpm. kaladua; dalawa ang kalagayan nito: Ibg. ikarwa; karururua; una ay ang tambalan ng Ilk. kararua; kaluluwa at katawan, at ang Mar. aroak; Png. pangalawa ay ang kamarerwa; Ng. kaelwa; pansariling kalagayan ng Al. Png. kadua; kaluluwa. JMJ MARIST BROTHERS NDMU NOTRE DAME OF MARBEL UNIVERSITY FIRST SEMESTER, A.Y. 2024-2025 KALULUWA AT BUDHI Kapag namamatay ang tao,ang kaniyang kaluluwa ay yumayao o pumapanaw. Kumakalag/Humihiwalay ang kaluluwa sa katawan. Sumalangit Nawa, ang “nawa” ay kaluluwa. JMJ MARIST BROTHERS NDMU NOTRE DAME OF MARBEL UNIVERSITY FIRST SEMESTER, A.Y. 2024-2025 KALULUWA AT PAGKATAONG PILIPINO Tambalang kategorya: 1. maganda/pangit na kaluluwa 2. matuwid/ halang na kaluluwa 3. dalisay/ maitim na kaluluwa JMJ MARIST BROTHERS NDMU NOTRE DAME OF MARBEL UNIVERSITY FIRST SEMESTER, A.Y. 2024-2025 kaluluwa- ang nagpapagalaw ng buhay budhi- humuhusga sa buhay na naganap na -umuusig, umuukilkil, -hindi kapares ng konsensiya, JMJ MARIST BROTHERS NDMU NOTRE DAME OF MARBEL UNIVERSITY FIRST SEMESTER, A.Y. 2024-2025 Ang budhi, katulad ng kaluluwa ay laganap sa buong katauhan ng pagkatao, sa ilalim o kaibuturan. Tulad ng loob, hindi natin maapuhap o maipuwesto ang mga ito sa parte ng ating katawan. JMJ MARIST BROTHERS NDMU NOTRE DAME OF MARBEL UNIVERSITY FIRST SEMESTER, A.Y. 2024-2025 Ang talaban ng kaluluwa at budhi sa isang dako, at loob at labas sa kabilang ibayo, ang siyang kinasasadlakan ng pagkatao na may iba’t ibang damdamin, isipan, kilos at gawa.