Paano Masisigurado ang Etika sa Pagsulat ng Resume at Liham-Aplikasyon PDF

Summary

Ang dokumentong ito ay tumatalakay sa mga prinsipyo at gabay sa pagsulat ng mga opisyal na liham at resume. Ang mga halimbawa at kahalagahan ng mga korespondensiya ay tinalakay din sa materyal.

Full Transcript

Paano masisigurado ang etika sa pagsulat ng resume at liham- aplikasyon? 1.Nabibigyang kahulugan ang mga terminong akademiko na may kaugnayan sa korespondensiya opisyal; 2.Natutukoy ang mga katangian ng mahusay na korespondensiya opisyal; 3.Nakasusulat ng korespondensiya opisyal na batay s...

Paano masisigurado ang etika sa pagsulat ng resume at liham- aplikasyon? 1.Nabibigyang kahulugan ang mga terminong akademiko na may kaugnayan sa korespondensiya opisyal; 2.Natutukoy ang mga katangian ng mahusay na korespondensiya opisyal; 3.Nakasusulat ng korespondensiya opisyal na batay sa maingat,wasto at angkop na paggamit ng wika. Ang komunikasyon sa 1. pamamagitan ng palitan ng mga nakasulat na liham ay tinatawag na korespondensiya. Ang pagpapaalam sa ating 2. mga kaibigan,kamag-anak,at iba pang mahal sa buhay ang ating nararamdaman at naiisip sa pamamagitan ng tinatawag nating personal na korespondensiya. Ang mga nasa opisina o nasa iba 3. pang lugar ng pagtatrabaho ay nagsusulat din at tumatanggap sa kanilang araw-araw na transaksiyon ng tinatawag na korespondensiya opisyal o business correspondence. Mga halimbawa ng 4. korespondensiya opisyal: 1.liham na ipinapadala ng isang kompanya sa mga tagasuplay ng mga material na kakailanganin sa negosyo; 2.tugon na liham na matatanggap ng opisina mula sa tagasuplay; 3.Liham ng mga kliyenteng 5. nagtatanong ng presyo,kalidad at iba pang impormasyon tungkol sa produkto o serbisyo ng kompanya; 4.liham pasasalamat; 5.liham imbitasyon 6.liham panghihikayat Kabilang din dito ang Memorandum 6. o dokumentong karaniwang mula sa pamunuan na nagsasaad ng mga paalala,isyu sa organisasyon at aksiyong kailangang gawin, at iba pang bagay na may kinalaman sa organisasyon. 1.Ano-ano ang mga kaibahan 7. ng personal na korespondensiya sa korespondensiya opisyal? 2.Paano mo ihahambing ang liham sa memorandum? Kahalagahan ng 8. korespondensiya opisyal: 1.Madali at epektibong paraan ng pagpapahatid ng impormasyon; 2.Nakatutulong sa pagpapanatili ng ugnayan; Kahalagahan ng 8. korespondensiya opisyal: 3.Ginagamit upang lumikha at magpatatag ng ugnayan ng mga negosyante,empleyado,kliyente at iba pang may interes sa organisasyon o kompanya; 4.Nagsisilbing permanenting record at ebidensiya; 5.Nakatutulong sa paglago ng kompanya. Ano ang mahalagang ideyang pwedeng mabuo sa mga kahalagahan ng korespondensiya opisyal? Mahalagang Ideya 10. Ang korespondensiya opisyal ay dokumentong hindi lamang nagdadala ng mensahe,bagkus nagpapanatili ito ng ugnayan,lumikha at nagpapatatag ng relasyon,at nagsisilbing record at ebidensiya, 1.Ano sa palagay mo ang 11. pinakamahalagang gamit ng korespondensiya opisyal? Bakit mo ito nasabi? 2.Sa iyong palagay,sa paanong paraan naman nakasisira ng relasyon ang korespondensiya opisyal? 3.Ano-ano ang mga kahalagahan ng 12. korespondensiya opisyal? Bukod sa mga nabanggit na ano ang maidadagdag mo? 4.Ano-ano ang mga nawawala o nasasayang kapag gumamit ng makalumang paraan ng pangangalap ng impormasyon? Pagsulat ng korespondensiya 13. opisyal: a)kailangan ang pag-iingat sa pagsulat; b)kailangan isiping mabuti kung ano ang lalamanin; c)anong format isusulat Makakatulong sa pagsulat ang mga 14. sumusunod na tanong(Learning for Empowerment and Development 2009): 1.Ano ang layunin ng isusulat na liham o memo? 2.Sino ang magbabasa nito? 3.Ano-anong mga ideya ang iyong 15. isasama sa liham o memo? 4. Paano mo gagawing organisado ang mga ideya? Paano mo gagawing organisado 16. ang mga ideya? A)Maaaring gumamit ng academic format; B)Upfront format; C.Soft-approach format Ang academic format ay karaniwang 17. a) naglalaman ng background;introduksiyon na naglalaman ng suliranin at saklaw;katawan na naglalaman ng facts,argumento,detalye at ebidensiya,at kongklusyon o rekomendasyon na naglalahad ng mga resulta at mungkahing aksiyon. Gamit ito sa akademya o sa paghahanap ng trabaho. Balangkas ng Academic format: 17. b). Background. Introduksiyon (suliranin,saklaw). Katawan (mga fact, argumento, detalye,ebidensiya).Kongklusyon o Rekomendasyon (resulta,mungkahing aksiyon) Gamit ang upfront format sa mga 18.a) liham na humihiling.Dito hindi na kailangan pang himukin ang pinadadalhan dahil siguradong “oo” ang kanilang sagot.Sa pormat na ito nasa unang pangungusap ang pangunahing puntos. 18.b )Karaniwang ayos ng Upfront format:.Mensahe(pangunahing ideya, kongklusyon).Rekomendasyon (aksiyon).Paliwanag (mga fact,detalye,elaborasyon.Reiterasyon(pag-uulit ng kongklusyon at inaasahang aksiyon) Ang soft approach format 19. naman ay ginagamit kapag inaasahang negatibo ang magigingtugon ng pinadalhan.Sa pagsulat nito kailangang panatilihin ang Magandang ugnayan sa tatanggap ng liham. Mga element ng soft-approach 20. format:.Atensyon (pagpuri o pagbibigay-loob).Interes (detalye ng problema, benepisyo o para sa mambabasa).Gustong mangyari (paglalahad ng inaasahang mangyayari,mga material na makapaghihimok sa mambabasa).Aksiyon (malinaw na pagpapahayag ng aksiyon,petsa,benepisyo sa mambabasa) 1.Paano ilalahad ang layunin sa isinulat na liham o memo? 2.Bakit mahalagang kilalanin ng magsusulat ng korespondensiya opisyal ang magbabasa o mga magbabasa nito? 3.Kailan karaniwang ginagamit ang academic format,unfront format,soft- approach sa pagsulat ng korespondensiya opisyal? Takdang Aralin:Sagutan ang tanong isulat sa ½ crosswise na yellow pad paper. Paano nagiging magkatulad at magkaiba ang academic format,unfront format, soft- approach sa pagsulat ng korespondensiya opisyal?

Use Quizgecko on...
Browser
Browser