Yunit 1 Korespondensiya Opisyal PDF
Document Details
Uploaded by TimelyCoral7733
Bb. Rhea Jane M. Bautista
Tags
Summary
Ang dokumento ay isang gabay tungkol sa mga opisyal na korespondensiya sa wikang Filipino. Inilalarawan nito ang mga batas at regulasyon na may kaugnayan sa mga opisyal na komunikasyon. Ito rin ay nagbibigay ng impormasyon tungkol sa mga iba't ibang format at bahagi ng isang liham.
Full Transcript
FIL 103 Bb. Rhea Jane M. Bautista Yunit 1 Korespondensiya...
FIL 103 Bb. Rhea Jane M. Bautista Yunit 1 Korespondensiya Opisyal Unang Bahagi : Korespondensiya Opisyal Ang Mga Batas Kaugnay sa Wikang Filipino at Korespondensya Opisyal Ang Konstitusyon ng 1987 ng Republika ng Pilipinas Atikulo XIV seksyon 6-9. Sek. 6. Ang wikang Pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nalilinang, ito ay dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na mga wika ng Pilipinas at sa iba pang mga wika. Alinsunod sa mga tadhana ng batas at sang-ayon sa nararapat na maaring ipasya ng Kongreso, dapat magsagawa ng mga hakbangin ang Pamahalaan upang ibunsod at puspusang itaguyod ang paggamit ng Filipino bilang midyum ng opisyal na komunikasyon at bilang wika ng pagtuturo sa sistemang pang edukasyon. Sek. 7. Ukol sa mga layuni ng komunikasyon at pagtuturo, ang mga wikang opisyal ng Pilipinas ay Filipino at hangga’t walang ibang itinadhana ang batas, Ingles. Ang mga wikang panrehiyon ay pantulong na mga wikang opisyal sa mg arehiyon at magsisilbi na pantulong na mga wikang panturo roon. Pat itaguyod nang kusa at opsyonal ang Kastila at Arabic. Sek. 8. Ang Konstitusyong ito ay dapat ipahayag sa Filipino at Ingles at dapat isalin sa mga pangunahing wikang panrehiyon, Arabic at Kastila. Sek. 9. Dapat magtatag ang Kongreso ng isang komisyon ng wikang Pambansa na binubuo ng mga katawan ng iba’t ibang rehiyon at mga disiplina na magsasagawa, mag-uugnay at magtataguyod ng mga pananaliksik sa Filipino at iba pang mga wika para sa kanilang pag- papaunlad, pagpapalaganap at pagpapanatili. 1.1. ATAS TAGAPAGPAGANAP BLG. 335 Malacañang Inilagda ng Pangulo ng Pilipinas Atas Tagapagpaganap Blg. 35 Nag-aatas sa lahat ng mga kagawaran/ kawanihan/ opisina/ ahensya/ instrumentaliti ng pamahalaan na magsagawa ng mga hakbang na kailangan para sa layuning magamit ang filipino sa opisyal na mga transaksyon, komunikasyon at korespondensya. SAPAGKAT itinadhana ng Konstitusyon ng 1987 na “ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino”; na “samantalang nalilinang, ito ay dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na wika ng Pilipinas at sa iba pang mga wika”; at ukol sa “mga layunin ng komunikasyon at pagtuturo, ang mga wikang opisyal ng Pilipinas ay Filipino at hangga’t walang itinatadhana ang batas, Ingles”; at SAPAGKAT sa pamamagitan ng puspusang paggamit ng wikang Filipino sa opisyal na mga transaksyon, komunikasyon at korespondensya sa mga opisina ng pamahalaan ay lalong mauunawaan at mapapahalagahan ng sambayanang Pilipino ang mga programa, proyekto at mga gawain ng pamahalaan sa buong bansa, at sa gayon ay magsisilbing instrumento ng pagkakaisa at kapayapaan para sa pambansang kaunlaran. DAHIL DITO, AKO, SI CORAZON C. AQUINO, Pangulo ng Pilipinas, ay nag-aatas sa lahat ng mga kagawaran/kawanihan/instrumentaliti ng pamahalaan na magsasagawa ng mga sumusunod na hakbang: 1. Magsakatuparan ng mga hakbang para sa paggamit ng Filipino sa opisyal na komunikasyon, transaksyon at korespondensya sa kani-kanilang opisina, maging nasyonal at local; 2. Magtalaga ng isa o higit pang tauhan, ayon sa pangangailangan, sa bawat tanggapan upang mangasiwa sa mga komunikasyon at korespondensya na nasusulat sa Filipino; 3. Isalin sa Filipno ang mga pangalan ng opisina, gusali at edipisyong publiko, at mga karatula ng lahat ng opisina at mga dibisyon nito o instrumentaliti ng mga iyon at, kung nanaisin, ilagay sa ibaba nito sa maliliit na letra ang tekstong Ingles; 4. Isa-Filipino ang “Panunumpa sa Katungkulan” ng lahat ng mga pinuno at tauhan ng pamahalaan; 5. Gawing bahagi ng programa ang mga pagsasanay ukol sa pagpapaunlad pantauhan ng bawat opisina ang kasanayan sa paggamit ng Filipino sa mga komunikasyon at korespondensya opisyal. Upang maisakatuparan ang gayong mga layunin, inaatasan ang Linangan ng mga Wika sa Pilipinas na bumuo at magsagawa ng programa at mga proyekto na sumasaklaw sa: 1) kampanyang pang-impormasyon tungkol sa kahalagahan at kabuluhan ng wikang Filipino bilang epektibong instrumento ng pambansang pagkakaisa at pagpapaunlad, 2) Pagsasalin sa Filipino ng Atas Tagapagpaganap na ito, gayundin ng mga katawagang pampamahalaan upang maging sangguniang babasahin ng lahat ng opisina, 3) pagsasanay ng lahat ng mga pinuno at tauhan ng pamahalaan, 3) pagmomonitor ng implementasyon ng Atas na ito at pagrereport sa pana-panahon ng progreso ng implementasyon sa Tanggapan ng Pangulo ng Pilipinas, sa pamamagitan ng Kagawaran ng Edukasyon, Kultura at Isports, at 5) pagsasagawa ng iba pang mga istratehiya para sa puspusang implementasyon ng mga layunin at Atas na ito. Kaugnay nito, inaawtorisahan ang Linangan ng mga Wika sa Pilipinas na sangguniin at hingan ng suporta ang lahat ng mga kagawaran/ kawanihan/ opisina/ ahensya/ instrumentaliti ng pamahalaan, nasyonal at local. Pinawawalang-bisa ng Atas Tagapagpaganap na ito ang Atas Tagapagpaganap Blg. 187 na may petsang Agosto 6, 1969. Inilagda sa Lungsod ng Maynila, ngayong ika-25 ng Agosto sa taon ng Ating Panginoon, labinsiyam na raan at walumpu’t walo. (Lgd) CORAZON C. AQUINO Pangulo ng Pilipinas 1. Pagsulat ng Liham Ang pagsulat ng liham ay isang paraan ng pakikipagtalastasan na isinagawa sa pamamagitan ng limbag na mga salita. Ang isang liham ay katulad din ng personal na pakikipag-usap na kababakasan ng tunay na personalidad ng taong sumusulat. Mababatid din sa liham kung ang sumusulat ay matamang nag-isip at malinaw na nakapagpahayag ng kanyang tunay na damdamin sa pamammagitan ng mga mapitagan at magagalang na pananalita. Maganda ang impresyon sa liham kapag sumulat ay gumagamit ng wastong pahayag ng kanyang ideya, pumili ng mga makahulugang pananalita, napamalas ng sapat na kaalaman sa bagay na nais niyang ihatid at gumagamit ng sariling istilo sa pagsulat na madaling maunawaan ng bumabasa. Karaniwang Mungkahi Tungo sa Mahusay na Pagsusulat 1. Ituon ang iyong pag-iisip. (Center your thinking) 2. Organisahin ang inyong iniisip. (Organize your thinking) 3. Tiyakin ang iyong pag-iisip (Specify your thinking) 4. Ilahad nang malinaw ang iyong mga ideya o kaisipan. (Present your thoughts clearly) 2. Mga Katangian ng Liham Madaling makapaghanda ang sinuman ng isang liham, maging ito’y liham na pormal o di-pormal , subalit iilan lamang ang mapipili at maituturing na mahusay ang pagkakahanda. Ang pangunahing dahilan nito ay ang kakulangan sa bisa ng liham. Mahalagang isiping kailangang laging maging pormal at mabisa ang pagsulat ng liham pantanggapan. Nangangailangan ito ng pagiiging maayos ng ideyang nais ipahatid sa sinusulatan. Elementong dapat taglayin ng isang liham: 1. Malinaw (Clear) Una sa lahat, hatiin ang mga pahayag ng mga bagy-bagay na hangad ipabatid sa liham. Iplano ang ppagkakasunod-sunod ng mga ideyang ipapaloob. Pagkatapos ay suriin kung mahusay ang pagkakapahayag ng bawat ideya. Hindi dapat maging mahaba o maligoy ang liham. Higit na epektibo ang maiikling pangungusap. Tandaan na nag kasimplihan ay daan sa madaling pang-unawa. 2. Wasto (Correct) Laging isaisip ang anumang liham na nangangailangan ng katugunan ay dapat magtaglay ng lahat ng angkop at tiyak na impormasyon. Bago sumulat, dapat alamin muna ang mga kailangan at ihanda ang mga ito nang naayon sa kani- kanilang prayoridad. Tiyaking wasto ang bawat pahayag o impormasyon bago ito isulat. Ang wastong pagpapahayag at balarila ay napakapundamental sa kapuri- puring pagsulat ng liham o ng ano mang uri ng panulat. Mahalaga ring isaalang- alang ang tamang pagbabantas. 3. Buo ang kaisipan (Complete Idea) Pagsama-samahin ang lahat ng kailangang impormasyon sapgkat kapag nakaligtaang itala ang isang bagay na kailangan ng sumusulat, lalabas na kapos o may pinsala sa pangunahing sangkap ang liham. Upang maging kasiya-siya ang tugon ng sinusulatan, dapat na uanng-unang nakasisiya o sapat ang isinasaad sa liham ng sumusulat. 4. Magalang (Courteous) Napakahalaga ng himig (tone) ng pagpapahayag. Kasinghalaga ito ng wika. Hindi dapat mabakas sa sulat ang pagkabigla, pagkamagagalitin, o pagkawala ng kagandahang asal. Makatatawag-pansin ang pagkamagalang, kaya’t agad nakukuha ang tugon o reaksyon sa liham. Naipakikita at naipadarama ng mga Pilipino ang iba’t ibang uri ng pagiging magalang nila sa pamamagitan ng kanilang pananalita. 5. Maikli (Concise) Sikapin ang bawat salitang isusulat ay makatutulong sa pagpapatid ng nais sabihin sa nililihaman. Iwasan ang paglalakip ng mga detalyeng walang kabuluhan. Ito’y isa lamang pag-aaksya ng panahon at nakapapawi interes ng nililihaman. 6. Kombersasyonal (Conversational) Masasabing mahusay ang pagkakasulat ng isang liham kapag ang bumabasa nito’y parang personal na kausap ng sumulat. Sabihan sa natural na pamamaraan ang nais iparating nang sa gayon ay higit na maging epektibo ang pagkakaunawaan. Gumamit ng sariling pananalita at iwasan ang pagkamaligoy. Ilahad nang makatotohanan ang mga ideya at paniniwala. Iwasan ang pagkamonotono sa paggamit ng panghalip na “Ako” na karaniwang ipinoposisyon sa simula ng pangungusap. 7. Mapitagan (Considerate) Pakatimbangin ang anumang nais ipahayag ng sumusulat. Bigyang-diin ang mensaheng nagbibigay-interes sa sinusulatan o bumabasa. Sikaping maging mapagbigay sa lahat ng pagkakataon nang sa gayon ay maipadama ang pagtitiwala at kabutihang-loob. 1.2. Pangkalahatang Uri ng Liham/Korespondensiya Liham Pantanggapan at Liham Pangangalakal Ang liham papantanggapan ay tumutukoy sa mga liham na ginagamit sa tanggapang pampamahalaan at/o pribado na ang paksa ay hinggil sa anumang transaksyon o mga isyu sa loob at labas ng mga tanggapang nabanggit. Ang liham pangangalakal ay tumutukoy sa mga ugnayang pasulat sa pagitan ng mga establisyemento pangkalakalan, publiko man o pribado. 1.3.Bahagi ng Liham 1. Pamuhatan – ang bahaging ito ay binubuo ng pangalan at tirahan ng nagpadala ng liham Dalawang Uri ng Pamuhatan ▪ Makaluma o Kumbensyunal - Nagsisimula sa 3 or 4 na espasyo mula sa pinakaitaas ng istesyunari sa gawaing kanan. Kung tahasang tuwid na palugit ang gagamitin, inienkowd ito sa gawing kaliwa at ang unang titik sa unang linya ang magsisilbing gabay sa pinakalinya ng kabuuan ng liham. Kung nakapasok na palugit naman ang gagamitin, tigtatatlo ang pasok ng bawat linya mula sa unang linya. Hal. 322 Homesville Subdivision Stewart Street Makati, Metro Manila Abril 1, 1989 45 Laong-Iaan Street Caloocan City Philippines Abril 3, 1985 64 Plaridel Street Guinto Subdivision Galas, Quezon City – 2801 28 Setyembre 1985 ▪ Makabagong Pamuhatan - Binubuo ng ulong-pagkilala at ng petsa. Ang ulong-pagkilala ay kadalasang matatagpuan sa dulong itaas ng gitna ng istesyunari. Mula rito ay 2 o 4 na espasyo bago ang petsa. Hal. SSMJ-Iligan Vinyl Corporation Your Choice of the best Vinyl Products Tibanga National Highway, Iligan City Tel. No. (063) 227-1222; Fax. (063) 227-4888 24 Pebrero 2009 2. Patunguhan – nilalaman ng bahaging ito ang kumpletong pangalan, katungkulan, at tanggapan ng taong padadalhan ng liham at tirahan ng indibiduwal o establisyimento na padadalhan ng liham. Kadalasa’y tatlong linya ang sinasaklaw ng patunguhan, ang una ay naglalaman ng pangalan ng titulo; ang ikalawa’y ang bilang ng kalye at sona o distrito at ikatlo’y ang bayan, lalawigan at bansa. Ang mga sumusunod ay nakamihasnan nang gamitin sa liham pangangalaka: 1. Ginoo, Ginoong ________, G. ________, - ginagamit kung tumutukoy sa isang lalaki, may asawa o wala, walang ibang natatanging titulo o kaya’y hindi alam ng sumusulat ang tiyak na titulo ng lalaking sinusulatan. 2. Binibini – tumutukoy sa isang dalagang hindi tiyak ang titulo. 3. Ginang tumutukoy sa isang may-asawa at walang tiyak na titulong pang-akademiko o inaangkop sa kanyang propesyon. 4. Dr. – isang pagdadaglat sa sinuman, babae o lalaki, na nakatapos ng pinakamataas na digri ng edukasyon sa medisina o panitik at sining. Ito ang taguri sa pagiging espesyalisto sa alimmang larangan ng siyensya, sining at pangkatauhan.\ 5. Propesor, Prop., - tumutukoy sa sinumang guro, babae o lalaki sa isang pamantasan, kolehiyo o unibersidad. 6. Kagalang-galang, Kgg.- tumutukoy sa apelyido ng opisyal. Kung buong pangalan ang babanggitin, maari itong daglatin. 7. Pastor, Ministro, Reberendo – tumutukoy sa isang lider ng isang sekta o iglesya. Mga Halimbawa: Jose S. Sarmiento – binata Ginoong Sarmiento – hindi kasali ang pangalan Bb. Purita B. Purificacion – dalaga Bb. Purificacion – hindi kasali ang pangalan Gng. Meriam V. Santos – babae, may-asawa Gng. Santos – kasali ang pangalan Prop. Corazon G. Flores – guro sa MSU Prop. Flores – hindi kasali ang pangalan Dr. Jesusa T. Blanco – siruhano Teofisto V. Blanco Ph. D. – Tiyak na titulo Kgg. Mario MAdlang-awa – senador sa Bulacan Pastor Teoderico Salvio – Baptist Reberendo Leoncio Esquibel – pari sa parokya Sta. Rita Ministro Daniel Tanoy – Iglesia ni Kristo Ang Kagalang-galang Dr. Colmeneres – hindi kasali ang pangalan 3. Bating Panimula – ito ay pagbati sa liham na wari’y nagsasabing “Kumusta ka” o “Magandang Umaga”. Ito rin ang naghuhudyat kung kailangan magiging pormal o di- pormal ang pangbating pangwakas.Tutuldok ang ginagamit na bantas upang maghimig pormla, ngunit kuwit naman ang ginagamit kung pamilyar ka sa iyong sinusulatan. Iba’t ibang paraan ng pagbati: Ukol sa Lalaki Ukol sa Babae Ginoo Binibini/Ginang Mahal kong Ginoo Mahal kong Binibini/Ginang Mga Kaginoohan Mahal na Binibining Mahal na Ginang Mga Binibini/Ginang Ang pinakapormal na anyo ay Ginoo: Binibini: o Ginang: Kung nais mong mabawasan ang pagkapormal na himig, maaaring sabihing Mahal kong Binibining ________: o Ginoong ________: Ngunit kung ayaw mong banggitin pa ang apelyido, sabihin na lamang na Mahal na Ginoo:, Mahal na Binibini:, o Mahal na Ginang. Ang pangmaramihan nito ay ang paggamit ng mga sa unahan. IBA’T IBANG HALIMBAWA NG BATING PAMBUNGAD sa isang senador - Kgg. Manuel D. Cassas Konggreso ng Maynila Maynila, Pilipinas Mahal na Ginoo: isang opisyal na sundalo -..................... Tanggapan ng Punong Kuwarter Sandatahang lakas ng Pilipinas Kampo Krame Ginoo: isang prinsipal - Ang Prinsipal Mataas na Paaralan ng Rizal Caniogan, Pasig, Metro Manila Mahal na Ginang: isang kumpanya - H.E. Heacock and Aruego Quiapo, Maynila Mga Kaginoohan: isang partnership - Aruego, Torres and Aruego 987 Nicanor Reyes Street Sampalok, Maynila sa isang P.O. Box - P.O. Box 33 Maynila Kaginoohan: sa Tagapagtala registrar - Ang Tagapagtala Mindanao State University Lungsod ng Marawi Mahal na Ginoo: sa iang siruhano - Dr. Imaculada T. domingo Ospital ng Maynila Maynila, Pilipinas Mahal na Dr. Domingo: 4. Ang Katawang ng Liham – ang katawan ng liham ay naglalahad ng/o nagsasalaysay tungkol sa paksa ng isang liham at matatagpuan ang aktuwal na mensahe. Ang bahaging ito ay matatagpuan sa pagitan ng bating pambungad at bating pangwakas. Kailangang ito ay madaling basahin at unawain. Nagsisimula ito sa dalawang espasyo buhat sa bating panimula at at nagwawakas na may dalawang bago ang bating pangwakas. Dapat pantay ang kaliwang palugit sa linya patunguhan. Ang kaliwang palugit ay hindi nararapat kumulang sa isa at kalahating dali 1 ½ ang lapad. Nasa katawan ng liham ang pinakamahalagang bahagi nito. Naririto ang pangunahing impormasyon inihahatid para sa sinusulatan. Kung tayo ay magbabasa ng mga sulat na inihanda ng mga sanay na sa mga ganitong gawain, mapapansin natin ang tatlong bahagi ng diwang isinasaad sa katawan ng liham: a. Ang panimula na naglalaman ng maikling pahayag sa layon o pakay ng liham; b. Ang katawan na naglalaman ng detalyeng paliwanag hinggil sa pakay ng liham; c. Ang dulong bahagi na karaniwang huling talataan na nagsasaad kung ano ang inaasahang aksyon sa ipinapadalang liham. Dahil dito, madalas nating napapansin ang pagkakaroon ng tatong talataan kahit na maikli ang liham. Narito ang ilang mga katangian ng isang mabisang katawan ng liham. Halaw mula sa aklat nina Matienzo at Matienzo (2000). 1. Dapat na maging magalang ang unang pangungusap 2. Dapat na ipakilala nito ang punong diwa ng liham 3. Dapat ipakita nito ang petsa ng naunang sulat (kung mayroon) upang mai-refer ito sa bumabasa sa kinauukulang file. 4. Dapat magppakita ng aksyon para sa kabutihan ng sinusulatan. 5. Snakdnklasn 6. Sfmsdklfa 5. Ang Bating Pangwakas – ito ay tradisyunal na pamamaalam ng sumulat,. Isinusulat ito pagkatapos ng dalawang espasyong awat mula sa huling linya ng huling talata. Ang bating pangwakas ay sumsusunod sa himig ng bating pambungad. Uwit ang ginagamit pagkatapos itong isulat o makinilyahin/makinilya. Mga halimbawa: Bating Pambungad Bating Pangwakas Ginoo: Lubos na gumagalang, Binibini: Taos-pusong sumasainyo, Ginoong ________: Sumasainyong lubusan, Mahal na Ginoong: Lubos na gumagalang, Mahal na Ginoong _________: Gumagalang ng labis, Mahal na Binibini: Sumasainyo, Mahal na Ginoong Reyes: Tapat na sumasainyo, Mahal kong Binibining Uy: Matapat na sumasainyo, Mahal na Ginoong Rodriguez: Sumasainyo, 6. Ang Lagda – ang lagda ay nagpakilala ng kung sino ang sumusulat. Kaya masasabing kasinghalaga ito ng alin mang bahagi ng sulat. Itinatagubilin na ang lagda ng lumiham ay lagyan ng minakilyang pangalan, at kailangang sa tintaang lagda. Ito’y nagpapakilalang kapangyarihan at pananagutan niya sa nilalaman ng liham. Ang layunin nito’y magpatunay sa lahat ng pahayag na napapaloob sa isang liham. Nagtatakda ito ng tungkuling nararapat niyang panindigan ng lahat ng mga mababasa roon. Ito ang isinusuulat pagkatapos ng apat na espasyong pagitan mula sa bating pangwakas. Ilang mga halimbawa: Lubos na sumasainyo (Lgd.) MARIANO F. LAGAR Pangulo, Sangay Promosyon Tapat na sumasainyo, (Lgd.) VIVENCIO T. AGAYAY Tagapangulo, Sangay Pananaliksik Gumagalang, (Lgd.) VICTORIO D. MAUNAT Tagamasid Pampurok ng Rizal 7. Ilang karagdagang bahagi; a. Linya ng Panawag-Pansin May mga pagkakataong, ang isang liham na ipinapadala sa isang kumpanya ay ipinatuturol lamang sa isang partikular na tao. Sa ganitong pagkakataon ang linya ng panawag-pansin ay ginagamit. b. Linya ng paksa Ginagamit ito upang ang dahilan o paksa ay matukoy sa pagkakasulat. Nakababawas ang paggamit nito sa tungkuling ipaliwanag sa unang panimulang talata ang dahilan ng pagkakasulat ng liham. c. Linya ng Sanggunian - Dito, may pagkakataong mahalagang gamitin ang mga bilang sa mga tala. Upang mapadali ang paghahanap ng mga kaso o agarang makatugon sa isang nagsulat ng liham na humihingi ng sanggunian bilang o rekord ng isang produkto o pananaliksik. d. Linya ng Tagapamagitan Dito isinasaalang-alang ang “tagapamagitan” o tsanel bilang protokol o sunud-sunod na daluyan ng komunikasyon. 1.4. Ang Paghuhulog at Paggawa ng Duplikasyon Ginagawa ito kapag ang liham ay ipinadala hindi sa pamamagitan ng koreo at may mga karagdagang kopya. Ito ay nararapat lamang banggitin sa tulong ng inisyal na ini-encode sag awing kaliwa ng palugit na may dalawang espasyo pababa mula sa mga inisyal ng nag-encode at nagdikta. 1.5. Mga Uri ng Liham a. Liham na humihiling ng Mapapasukan ( Application Letter ) Ito ay ang liham na madalas gamitin ng mga kabataang katatapos lamang ng pag-aaral na naghahanap ng trabaho. b. Liham Pagtatanong (Letter of Inquiry) Ito ay maaaring nagtatanong o humuhingi ng opinyon o mag-aanyaya. Tinatawag din nito ng pansin ng sinulatan sa mahalagang isyu na nais hingan ng tulong ng sumulat. Bago man tatapusin ang liham, ay maaaring mag-iwan ng benepisyong matatamo kung sasagutin agad ang tanong. c. Liham na humihingi ng Reserbasyon (Reservation Letter) Ito ay liham na maikling-maikli lamang, kung kaya, kailangan ang mas ibayong ingat sa pagpili ng salitang gagamitin. Ito ay madalas na humuhingi ng kumpirmasyon o kaya’y unahan ng kumpirmasyon upang lalong magkaroon ng bisa ang hinihinging reserbasyon ng sumulat. d. Liham ng Pagbibitiw ( Resignation Letter ) Pinakamahalaga sa liham na ito ang sanhi o dahilan ng empleyado kung bakit siya aalis, petsa ng hindi niya pagpasok sa trabaho at mga salitang nagpapahalaga sa karanasang natamo sa iiwanang kompanya. Ang liham na ito ay walang itinakdang haba o ikli ng pagpapahayag sa pagsulat. e. Liham- Pagtanggap Ipinahahayag sa liham na ito ang pagsang-ayon, kumpirmasyon o desisyong magsimulang magtrabaho bilang empleyado sa isang establisyemento. Dito, kailangang nakasaad sa ganitong liham ang : tiyak na bagay na tinatanggap, petsa sa pagtanggap at petsa sa pagsisimula ng trabaho , talaan ng mga bagay na dapat isaalang- alang gaya ng suweldo, posisyon at lugar ng pagtatrabahuhan. e. Liham Pagtanggi Dito, kailangan ang higit na pagpili ng angkop at mabisang salita sa pagsulat ng liham na ito. Isaalang-alang dito ang hindi makasakit ng damdamin ang anumang salitang bibitawan ng sumulat. Sa halip, ay ang damdamin ng kasiyahan ang dapat iiwan sa sinomang babasa para mapanatili ang maayos at magandang palagayan sa pagitan ng kawani at kanyang pinuno. g. Liham na Nangongolekta / Naniningil Ang liham na ito ay isang mahalagang hakbang sa pagbuo ng partnership sa isang indibidwal o kompanya. Ito ay maaaring magsilbing paalala sa nakalimot, nalingat o di pumapansin ng pagtugon sa kanilang obligasyong pananalapi. Ang mga sumusunod ay isinasaalang-alang sa pagsulat ng ganitong liham; magalang na pananalita, malinaw at mabisang salitang humuhikayat ng kagandahang loob, detalyadong tala ng pagkakautang at paunang pasasalamat. h. Liham Pagsang-ayon Sa liham na ito, nararapat na maging tiyak sa bagay na sinang-ayunan. Iwasan ang maligoy na pananalita at mahahabang pangungusap. Hindi mapapalitan ng anomang pahayag ang maikli at payak na mga salitang nagbibigay ng isang kahulugan lamang. i. Liham Rekomendasyon Dito, kailangan ang lalong pagiging magalang, sapagkat, ito ay kumakatok sa puso ng hinihingian ng rekomendasyon. Pinahahalagahan dito ang mga sumusunod ; iwasan ang mga salitang may higit sa isang kahulugan , tiyakin ang mga datos bago isagawa ang liham – rekomendasyon para di mapahiya sa kinauukulan, maging tiyak sa pangalan, panggitnang apelyido at apelyido ng susulatan. j. Liham-Paghirang Ito ay ang liham na labis ang pagkapormal. Tanging ang mga nasa kapangyarihan lamang ang maghirang, maaaring magbalangkas ng ganitong sulatin dahil may kalakip itong benepisyong pananalapi at tungkulin. Isinasaalang-alang dito ang pagtiyak ng pangalan at kwalipikasyon ng hihirangin, tiyakin ang saklaw na panahon mula sa araw ng simula hanggang sa pagwawakas nito, at titiyakin ang posisyong itatadhana. k. Liham Pasasalamat Naipamamalas sa liham na ito ang katapatan at kagandahang loob ng taong sumulat. 1.6. Pambungad na Liham Ang resume ay hindi lamang maaaring mag-isa. Kailangang kalakip nito ang liham pambungad. Ito ay maikli lamang na may layuning magbigay ng paunang salita tungkol sa resume. Ang mga sumusunod ay dapat na maisaalang-alang sa liham na ito ; a.) Ito ay nagpapakilala ng kagalang-galang na pagkatao; b.) Tinutukoy nito ang mahalagang kakayahan at kahandaan sa gawain ng isang aplikante; c.) Ito ay nagtutulay sa maaliwalas na pakikipagtalastasan sa kompanyang nais pasukan ng aplikante. 1.7. Ang Pormat ng Liham Pangangalakal Sa aspektong ito, kailangan munang bigyan ng pansin ang ilang mga pangangailangan na nagsisilbing pundasyon upang maingat na mabuo ang balangkas o pormat ng anumang liham, pantanggapan man o pangangalakal. Sa isang liham, mahihinuha na ang balangkas kung dapat pag-ukulan ng seryosong atensyon ang nilalaman ng liham o hindi. At isa pa, dapat ding maging maingat ang susulat sa porma ng balangkas na kanyang gagamitin. 1.8. Ang Istesyuneri Ito ay kadalasang nagpapatingkad ng magandang impresyon. Ito rin ay nagsisilbing magandang puhunan sa mga isasagawang transaksyon sa hinaharap. Ang uri ng papel na gagamitin ay nararapat na magtataglay ng mataas na kalidad sa pagsulat ng liham pangangalakal. Ang angkop na gagamiting papel ay isang busilak na puti, walang guhit at may tamang kapal na papel. Kumbaga, hindi kailangang manipis ang papel upang maiwasan ang madaling pagkalukot. Ang mga neutral na kulay ng papel gaya ng kayumanggi, abo, asul luntian at dilaw ay naghahatid ng kasiya-siyang damdamin. Ang pangunahing layunin nito ay ang paghahatid nito ng tiyak na damdamin. Mapapansing, ang ipinapadalang resulta ng pagkuha ng eksamen sa serbisyo sibil at iba pang eksameng pampropesyunal ay may kulay na papel na nasa loob ng sobreng may bintana. Samakatuwid, ang karaniwang ginagamit ay ang istesyunering may sukat na 8x11 dali sa maraming tanggapan. Ang hinating sukat na 8x5 ½ ay akma o angkop pangdokumento kaya ito ay mainam sa pakikipag-ugnayang pantanggapan o pandepartamento. 1.9. Ang Sobre Ang kaangkupan ng sobre ay mahalaga rin sa kulay ng papel na gagamitin sa isang liham. Ang pamantayan sa sukat komersyal na sobre ay 6 ½ x 3 5/8 dali, samantalang ang opisyal na sukat naman ay 91/2 x4 1/8 dali. Ang bahaging kaliwang dulong itaas ng sobre ay dapat magtaglay ng parihabang impormasyon hinggil sa tirahan ng sumulat. Subali ang pinakamakabagong tanggapan, ang pinakatakip ng sobre ay ang nilalagyan ng pamuhatan at ginagawang sanggunian ng isang kliyente. May sobre ring may bintana na tinatawag na window envelope. Ito ay karaniwang ginagamit ng mga ahensiyang pampamahalaan gaya ng Pambansang Sentro ng Pagsusulit (National Testing Center) at ang Komisyon ng Regulasyon ng Pilipinas ( Philippine Regulation Comission ) upang maipatalastas ang grado o iskor na natamo sa eksaminasyong pampropesyon gaya ng medisina, inhinyerya, guro, nars at iba pa. Sa pamamagitan ng ganitong sobre, mas napadadali ang pagpapadala ng mga resulta sa kinauukulan. 1.10. Ang Ulong Pagkilala / Letter Head Ang pangunahing layunin nito ay upang magpatalastas. Kinakailangang ipakilala ng impormasyong ito ang tanggapan, institusyon o indibidwal. Dagdag pa, kailangan ding ipabatid nito sa mambabasa ang tiyak na tirahan at lokasyon ng tanggapan. May pagkakataon din naman ana ang logo at sambitlain (motto) ng kumpanyang ipinatatalastas ay isinasama. Sa ngayon, maliban sa bilang ng telepono, makikita rin dito ang cellphone number, e-mail add blg. ng fax at iba pa. Ang ikalawang layunin nito ay bilang palamuti. Ito ay kinakailangan ding magdagdag sa pang-akit sa balangkas ng liham. Ito ay tumatayo ring anunsyo o adbertisment ng mga produksyon at paglilingkod ng kumpanya. Ang mga sumusunod ay isinasaalang-alang sa Ulong-Pagkilala ; 1. Pangalan (indibiduwal), tanggapan, kumpanya 2. Tirahan / lokasyon (kabilang dito ang numero ng kalsada, sona, distrito, bayan at lalawigan, bansa) 3. Zip code 4. E-mail address 5. Cellphone number 6. Fax Number 7. Tel. No. 8. Sambitlain / islogan 9. Logo 10. Mga hanay ng produkto o mga larawan nito 11. Kalikasan ng establisyemento 12. Disenyo o tatak ng tanggapan 1.11. Ang Laman ng Liham Ang nilalaman at kabuuang ayos ng liham sa isang pahinang papel ay lumilikha ng paghanga. Ang aktuwal na inilalahad ng liham ay kumakatawan sa larawan, samantalang ang apat na palugit ay tumutugon sa kuwadro. 1.12. Ang Palugit Kapag ang ulong-pagkilala ay wala sa istesyuneri, ang palugit sa itaas at sa ibaba ay dapat magkatulad. Subalit, kung mayroon man, ang palugit sa itaas sa pagitan ng ulong pagkilala ng unang encode na aytem ay dapat maging mas malapad kaysa sa palugit sa ibaba. Karaniwan, ang sukat ng palugit sa ibaba ay 1 dali. Samantalang, 11/2 dali naman ang sukat ng palugit na nasa gawing kaliwa ng liham at 1 dali naman sa kanan. Ang sumusunod na panukatan ay itinagubilin sa isang liham pangangalakal ; Haba ng liham Haba ng Linya Espasyo sa pagitan ng petsa at adres sa liham Mas kakaunti sa 50 salita 40 10 espasyo Mula 50 hanggang 100 salita 40 8 espasyo Mula 100 hanggang 150 na salita 40 6 espasyo Mula 150 hanggang 250 salita 40 4 espasyo Mula 250 hanggang 350 salita 40 2 espasyo 1.13. Ang Pormat sa mga Palugit at Pag-eespasyo sa Liham Ulong-pagkilala ___________________ ___________________ 2-4 espasyo Petsa __________________ 2-8 espasyo Patunguhan _____________________ _____________________ 2 espasyo Bating Panimula _____________________ 2 espasyo Katawan ng Liham _________________________________________________________________________ _________________________________________________________________________ __________________________ 2 espasyo __________________________________________________________________________ __________________________________________________________________________ __________________________ 4 espasyo Bating Pangwakas, ___________________ 4 espasyo Pangalan at Lagda ____________________ 4 na espasyo 1.14. Ang Pinid at Malayang Bantas Maaaring magtataglay ng pinid o malayang bantas ang patunguhan. Ang mga bantas ay batay lamang sa kung mayroong kuwit o tuldok sa dulo ng linya at hindi ang anomang bantas sa loob ng linya. Nararapat na mayroong kuwit sa pagitan ng mga ngalan ng lungsod ng bayan, baryo at lalawigan at sa pagitan ng mga bilang at ngalan ng buwan at taon. Subalit walang kuwit sa pagitan ng buwan at araw. Kapag ginagamit ang anyong pinid, mayroong tuldok sa dulo ng linya ng patunguhan, petsa at pamuhatan. Samantalang kuwit naman ang ginagamit sa iba pang linya bago ito. Halimbawa: Pinid na Bantas Agosto 19, 2019 J-Johnston Street Baliwasan, Zamboanga City Western Mindanao State University Baliwasan Normal Road, Zamboanga City __________________ : ______________________________________________________________________________ ______________________________________________________________________________ ______________________________________________________________________________ _____________________________________. ______________________________________________________________________________ ______________________________________________________________________________ ______________________________________. Lubos na gumagalang , (Lgd.) MARCELINA R. SUAREZ, EdD. Head, Supply Office Kapag Malaya naman, walang bantas sa dulo ng huling linya ng patunguhan, pamuhatan at lagda. Dangan at nananatili ang kuwit sa pagsulat ng petsa at adres at sa dulo ng linya ng bating pangwakas. Halimbawa Agosto 19, 2019 J-Johnston Street Baliwasan Zamboanga City Western Mindanao State University Baliwasan Normal Road Zamboanga City __________________ : ______________________________________________________________________________ ______________________________________________________________________________ ______________________________________________________________________________ ____________________________________. ______________________________________________________________________________ ______________________________________________________________________________ ____________________________________. Lubos na gumagalang , (Lgd.) MARCELINA R. SUAREZ, EdD. Head, Supply Office 1.15. Mga Uri ng Pormat ng Liham Pangangalakal at Liham Pantanggapan 1. Nakapasok (Indented) -bawat linya sa pamuhatan at patunguhan ay nakapasok ng tatlong espasyo. Ang simula ng una ng talata ng katawan ng liham ay katapat ng huling linya ng patunguhan. ANg bating pangwakas ay kalinya ng petsa. Nakapasok ang lagda ng tatlong espasyo pakanan mula sa unang titik ng bating pangwakas. Laging nakasulat o nakalimbag ang lagda na malaking titik. Halimbawa: Ulong-Pagkilala o Pamuhatan ____________________________ ____________________________ Petsa _____________ Patunguhan __________________ ____________________ ____________________ Bating Pambungad ______________________ Katawan ng liham _________________________________________________________________ _________________________________________________________________________ _________________________________________________________________________ ____________________________ _________________________________________________________________ _________________________________________________________________________ _________________________________________________________________________ ____________________________ Bating Pangwakas, __________________ LAGDA __________________ Notasyon 2. Tuwid (Block) - mula sa palugit sa kaliwa na 11/2 dali, ang tuwid na anyo ay magdaragdag pa ng 1 dali. Simula rito, lahat ng bahagi ng liham ay maaari nang i-encode na magkakatapat maliban sa petsa , bating pangwakas at lagda. Ang petsa at ang bating pangwakas ay dapat magkalinya. Ang unang titik ng bating pangwakas at unang titik ng lagda ay magkatapat din. Laging nakasulat o nakalimbag ang lagda na malaking titik. Halimbawa : Ulong-Pagkilala o Pamuhatan ____________________________ ____________________________ Petsa _____________ Patunguhan __________________ ____________________ ____________________ Bating Pambungad ______________________ Katawan ng liham _________________________________________________________________________ _________________________________________________________________________ _________________________________________________________________________ ____________________________ _________________________________________________________________________ _________________________________________________________________________ _________________________________________________________________________ ____________________________ Bating Pangwakas, __________________ LAGDA __________________ Notasyon 3. Tahasang Tuwid ( Full Block ) - mula sa palugit sa kaliwa na 11/2 dali, ang tahasang tuwid na anyo ay magdaragdag pa ng 1 dali. Simula rito, lahat ng bahagi ng liham ay maaari nang i-encode na magkakatapat. Halimbawa : Ulong-Pagkilala o Pamuhatan ____________________________ ____________________________ Petsa ___________________ Patunguhan ____________________ ____________________ ____________________ Bating Pambungad ______________________ Katawan ng liham _________________________________________________________________________ _________________________________________________________________________ _________________________________________________________________________ ____________________________ _________________________________________________________________________ _________________________________________________________________________ _________________________________________________________________________ ____________________________ Bating Pangwakas, _______________________ LAGDA _______________________ Notasyon 4. Bahagyang Tuwid ( Semi Block ) - ang kaibahan lamang nito sa anyong Modified na tuwid ay iisa- nakapasok ng apat na espasyo ang simula ng bawat talata sa katawan ng liham. Halimbawa : Ulong-Pagkilala o Pamuhatan ____________________________ ____________________________ Petsa ________________ Patunguhan ____________________ ____________________ ____________________ Bating Pambungad ______________________ Katawan ng liham _________________________________________________________________ _________________________________________________________________________ _________________________________________________________________________ ____________________________ _________________________________________________________________________ _________________________________________________________________________ _________________________________________________________________________ ____________________________ Bating Pangwakas, _______________________ LAGDA _______________________ Notasyon 5. Nakabitin - ang anyong ito ay maihahalintulad sa nakapasok o indented maliban sa isamg aspekto – ang ikalawang linya at mga susunod pang linya ng bawat talata sa katawan ng liham ay nakapasok ng 5 espasyo. Gayundin ang makikita sa pamuhatan , Patunguhan at Lagda. Halimbawa : Ulong-Pagkilala o Pamuhatan ____________________________ ____________________________ Petsa ___________________ Patunguhan ____________________ ____________________ ____________________ Bating Pambungad ______________________ Katawan ng liham _________________________________________________________________________ _________________________________________________________________ _________________________________________________________________ ____________________________ _________________________________________________________________________ _________________________________________________________________ _________________________________________________________________ ____________________________ Bating Pangwakas, _______________________ LAGDA _______________________ Notasyon 6. Memorandum na Estilo- estilong napakapormal na madalas ginagamit sa mga transaksyong kailangang bigyan ng agarang pansin. Magkapantay ang linya ng petsa at lagda. Hindi na kailangan ang Bating Panimula at Bating Pangwakas. Parehong matatagpuan sag awing kaliwa ang Pamuhatan at Patunguhan. Halimbawa : Ulong-Pagkilala o Pamuhatan ____________________________ ____________________________ ____________________________ Petsa ___________________ Mula kay : ____________________ Para kay :____________________ PAKSA : ____________________ _________________________________________________________________________ _________________________________________________________________________ _________________________________________________________________________ _________________________________________________________________________ ____________________________ _________________________________________________________________________ _________________________________________________________________________ _________________________________________________________________________ _________________________________________________________________________ ____________________________ LAGDA _______________________ 1.16. Mga Halimbawa ng Liham sa Iba’t ibang Pormat 1. Nakapasok na Anyo (Indented ) Built-Rite Paint Trade Center Upper Calarian, National Road, Zamboanga City Tel. No. ( 062 ) 983 -0769 ; Fax (062) 984 - 5777 Pebrero 14, 2019 Rodrigo E. Sta. Teresa P.O. Box 3678 Lungsod Zamboanga Mahal na G. Sta.Teresa: Kalakip po nito ay ang brochure ng mga pintura na inyo pong hinihiling sa inyong liham noong Disyembre 20, 2018. Makikita ninyo sa brochure ang presyo ng bawat brand at kulay ng pintura na maaari niyong pagpipilian. Kung sakali mang makapagpasya na kayo sa brand at kulay ng pintura na nais ninyo, mangyari po lamang na imemensahe kami bago dumating buwan ng ika-28 ng Pebrero 2019 upang maaabutan pa po ninyo an gaming promo period. Salamat po sa inyong walang humpay na pagtatangkilik sa aming produkto. Sumasainyo (Lgd.) RICARDO S. DALISAY Punong Pansangay 2. Tahasang Tuwid ( Full block ) Built-Rite Paint Trade Center Upper Calarian, National Road, Zamboanga City Tel. No. ( 062 ) 983 -0769 ; Fax (062) 984 – 5777 Pebrero 14, 2019 Rodrigo E. Sta. Teresa P.O. Box 3678 Lungsod Zamboanga Mahal na G. Sta.Teresa: Kalakip po nito ay ang brochure ng mga pintura na inyo pong hinihiling sa inyong liham noong Disyembre 20, 2018. Makikita ninyo sa brochure ang presyo ng bawat brand at kulay ng pintura na maaari niyong pagpipilian. Kung sakali mang makapagpasya na kayo sa brand at kulay ng pintura na nais ninyo, mangyari po lamang na imemensahe kami bago dumating buwan ng ika-28 ng Pebrero 2019 upang maaabutan pa po ninyo an gaming promo period. Salamat po sa inyong walang humpay na pagtatangkilik sa aming produkto. Sumasainyo (Lgd.) RICARDO S. DALISAY Punong Pansangay 3. Bahagyang Tuwid na Anyo ( Semi block ) Built-Rite Paint Trade Center Upper Calarian, National Road, Zamboanga City Tel. No. ( 062 ) 983 -0769 ; Fax (062) 984 – 5777 Pebrero 14, 2019 Rodrigo E. Sta. Teresa P.O. Box 3678 Lungsod Zamboanga Mahal na G. Sta.Teresa: Kalakip po nito ay ang brochure ng mga pintura na inyo pong hinihiling sa inyong liham noong Disyembre 20, 2018. Makikita ninyo sa brochure ang presyo ng bawat brand at kulay ng pintura na maaari niyong pagpipilian. Kung sakali mang makapagpasya na kayo sa brand at kulay ng pintura na nais ninyo, mangyari po lamang na imemensahe kami bago dumating buwan ng ika-28 ng Pebrero 2019 upang maaabutan pa po ninyo an gaming promo period. Salamat po sa inyong walang humpay na pagtatangkilik sa aming produkto. Sumasainyo (Lgd.) RICARDO S. DALISAY Punong Pansangay 4. Nakabiting Anyo ( Hanging Style ) Built-Rite Paint Trade Center Upper Calarian, National Road, Zamboanga City Tel. No. ( 062 ) 983 -0769 ; Fax (062) 984 – 5777 Pebrero 14, 2019 Rodrigo E. Sta. Teresa P.O. Box 3678 Lungsod Zamboanga Mahal na G. Sta.Teresa: Kalakip po nito ay ang brochure ng mga pintura na inyo pong hinihiling sa inyong liham noong Disyembre 20, 2018. Makikita ninyo sa brochure ang presyo ng bawat brand at kulay ng pintura na maaari niyong pagpipilian. Kung sakali mang makapagpasya na kayo sa brand at kulay ng pintura na nais ninyo, manhyari po lamang na imemensahe kami bago dumating buwan ng ika-28 ng Pebrero 2019 upang maaabutan pa po ninyo an gaming promo period. Salamat po sa inyong walang humpay na pagtatangkilik sa aming produkto. Sumasainyo (Lgd.) RICARDO S. DALISAY Punong Pansangay 5. Tuwid na Anyo ( Block ) Built-Rite Paint Trade Center Upper Calarian, National Road, Zamboanga City Tel. No. ( 062 ) 983 -0769 ; Fax (062) 984 – 5777 Pebrero 14, 2019 Rodrigo E. Sta. Teresa P.O. Box 3678 Lungsod Zamboanga Kalakip po nito ay ang brochure ng mga pintura na inyo pong hinihiling sa inyong liham noong Disyembre 20, 2018. Makikita ninyo sa brochure ang presyo ng bawat brand at kulay ng pintura na maaari niyong pagpipilian. Kung sakali mang makapagpasya na kayo sa brand at kulay ng pintura na nais ninyo, manhyari po lamang na imemensahe kami bago dumating buwan ng ika-28 ng Pebrero 2019 upang maabutan maaabutan pa po ninyo an gaming promo period. Salamat po sa inyong walang humpay na pagtatangkilik sa aming produkto. Sumasainyo (Lgd.) RICARDO S. DALISAY Punong Pansangay