Edukasyon sa Pagpapakatao - Ikalawang Markahan - Modyul 17: Kapuwa, Sino Sila? - Modyul PDF

Summary

Ang dokumentong ito ay naglalaman ng isang modyul sa Edukasyon sa Pagpapakatao para sa mga mag-aaral sa ikawalong baitang. Mayroong mga modyul na talakay tungkol sa kahalagahan at mga paraan ng pakikipagkapuwa-tao, kasama ang mga gawain sa pagninilay at pagsusulit. Ang publikasyon ay para sa taong 2020.

Full Transcript

8 Edukasyon sa Pagpapakatao Ikalawang Markahan - Modyul 17: Kapuwa, Sino Sila? CO_Q2_ESP8_Module17 Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikawalong Baitang Alternative Delivery Mode Ikalawang Markahan – Modyul 17: Kapuwa, Sino Sila? Unang Edisyon, 2020 Isinasaad...

8 Edukasyon sa Pagpapakatao Ikalawang Markahan - Modyul 17: Kapuwa, Sino Sila? CO_Q2_ESP8_Module17 Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikawalong Baitang Alternative Delivery Mode Ikalawang Markahan – Modyul 17: Kapuwa, Sino Sila? Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad. Ang mga akda (kuwento, seleksyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito. Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran. Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul Manunulat: Rashiel Joy F. Lepaopao Editor: Emelinda L. Raza, Mark Lorenz C. Luib Tagasuri: Elizabeth Ysulan, Michael C. Paso, Mark Lorenz C. Luib Judith E. Ecoben, Jezzine F. Salar, Victor A. Odtohan M. Lillo, John Rey C. Clarion, Julita C. Flores, Anie A. Dagohoy Tagaguhit: Alim V. Eviota, Jubell C. Cababat, Gilbert H. Japay, Adonis P. Umipig Jay S. Mateo, Merlinda W. Malimit Tagalapat: Nerissa G. Ga, Mark Lorenz C. Luib Tagapamahala: Francis Cesar B. Bringas Isidro M. Biol, Jr. Maripaz F. Magno Josephine Chonie M. Obseῆares Lope C. Papeleras Michael C. Paso Juan Jr. L. Espina Inilimbag sa: ________________________________ Department of Education – Caraga Region Office Address: Teacher Development Center J.P. Rosales Avenue Butuan City, Philippines 8600 Telefax No.: (085) 342-5969 email address: [email protected] 8 Edukasyon sa Pagpapakatao Ikalawang Markahan–Modyul 17: Kapuwa, Sino Sila? Paunang Salita Ang Self-Learning Module o SLM na ito ay maingat na inihanda para sa ating mag-aaral sa kanilang pag-aaral sa tahanan. Binubuo ito ng iba’t ibang bahagi na gagabay sa kanila upang maunawaan ang bawat aralin at malinang ang mga kasanayang itinakda ng kurikulum. Ang modyul na ito ay may inilaang Gabay sa Guro/Tagapagdaloy na naglalaman ng mga paalala, pantulong o estratehiyang magagamit ng mga magulang o kung sinumang gagabay at tutulong sa pag-aaral ng mga mag-aaral sa kani- kanilang tahanan. Ito ay may kalakip na paunang pagsusulit upang masukat ang nalalaman ng mag-aaral na may kinalaman sa inihandang aralin. Ito ang magsasabi kung kailangan niya ng ibayong tulong mula sa tagapagdaloy o sa guro. Mayroon ding pagsusulit sa bawat pagtatapos ng aralin upang masukat naman ang natutuhan. May susi ng pagwawasto upang makita kung tama o mali ang mga sagot sa bawat gawain at pagsusulit. Inaasahan namin na magiging matapat ang bawat isa sa paggamit nito. Pinapaalalahanan din ang mga mag-aaral na ingatan ang SLM na ito upang magamit pa ng ibang mangangailangan. Huwag susulatan o mamarkahan ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit lamang ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay. Hinihikayat ang mga mag-aaral na makipag-ugnayan agad sa kanilang guro kung sila ay makararanas ng suliranin sa pag-unawa sa mga aralin at paggamit ng SLM na ito. Sa pamamagitan ng modyul na ito at sa tulong ng ating mga tagapagdaloy, umaasa kami na matututo ang ating mag-aaral kahit wala sila sa paaralan. Alamin Binabati kita! Napagtagumpayan mo ang Unang Markahan. Tatahakin mo na ngayon ang Ikalawang Markahan. Huwag kang kabahan dahil tutulungan ka sa modyul na ito na maunawaan ang aralin at mapalawak ang iyong kaalaman sa pagkilala sa mga taong nakapaligid sa iyo. Natanong mo ba ang iyong sarili kung sino-sino ang maituturing mong kapuwa? Madalas ang itinuturing nating kapuwa ay mga magulang, kamag-anak at kaibigan sapagkat sila ang ating sumbungan at karamay sa hirap man o ginhawa ngunit alam mo bang maliban sa mga kamag-anak ay maituturing din natin na kapuwa ang mga tao sa ating paligid? Ayon kay Virgilio Enriquez, ama ng Sikolohiyang Pilipino naipakikita ang pakikipagkapuwa sa bukal na pagbabahagi ng sarili sa iba. Ibig sabihin, kung ang tao ay nakagawa ng mabuti sa ibang tao, ito ay maituturing niyang pakikipagkapuwa. Bilang kabataan, mahalagang malaman at matukoy ang iyong kapuwa hindi lamang sa loob, kundi, maging sa labas ng tahanan upang maipakita sa kanila ang pagrespeto, pagpapahalaga at pagsaludo sa mga simpleng bagay na kanilang ginagawa sa pang-araw-araw na pamumuhay. Sa modyul na ito, mas higit mong makikilala ang iyong kapuwa at mas malinang pa ang iyong kakayahan, kaalaman at kasanayang pampagkatuto na: a. Natutukoy ang mga taong itinuturing niyang kapuwa. (EsP8PIIa-5.1) Inaasahang matatamo rin sa modyul na ito ang sumusunod na layunin: a. Nalalaman ang iba’t ibang mukha ng kapuwa sa lipunan b. Nakalilikha ng adbokasiyang nanghihikayat sa pagpapatatag ng pakikipagkapuwa. c. Napahahalagahan ang pagkakaroon nang mabuting ugnayan sa kanyang kapuwa 1 CO_Q2_ESP8_Module17 Subukin Maraming Pagpipilian: Panuto: Basahing mabuti ang bawat tanong o sitwasyon at piliin ang tamang sagot. Titik lamang ang isulat sa sagutang papel. 1. Bakit itinuturing na unang kapuwa ang magulang? A. nagsisilbing gabay sa ating buhay B. may malaking impluwensiya sa lipunan C. naghubog sa pagbasa, pag-uugali at pagpapahalaga D. unang tao na nakasasalamuha mula pagkaluwal sa atin bilang tao 2. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang nagpapakita ng pakikipagkapuwa? A. si Toni na nagpahiram ng pera kay Alex na may kasamang interes B. si Joey na nag-alok ng tulong sa kaniyang kasamahan na napilayan C. si Bryan na masugid na manliligaw ni Lisa noong una pa lamang silang magkakilala D. si Rosa na laging masama ang tingin kay Lennie habang naglalakad sa pasilyo ng paaralan 3. Sino ang pangalawang magulang na umaalalay sa paghubog nang buong pagkatao ng isang indibidwal? A. guro B. kaibigan C. kapitbahay D. magulang 4. Sila ang kapuwa sa lipunan na nagsisilbing tagapagtaguyod sa pangunahing pangangailangan ng mga tao tulad ng bigas at prutas? A. bombero at kapulisan B. tindera at manggagawa C. alkalde at mga opisyales D. magsasaka at mangingisda 5. Alin sa mga sumusunod ang matatawag na unang kapuwa? A. kaibigan at kaaway B. kakilala at kapitbahay C. kapatid at kamag-anak D. kakwentuhan at kakulitan 2 CO_Q2_ESP8_Module17 6. Sino ang nagpapanatili ng kalinisan sa mga kabahayan, lansangan at pamayanan? A. ate at kuya B. tindera at tindero C. street sweepers at fruit vendors D. basurero at street sweepers 7. Alin sa mga sumusunod ang tagapagtaguyod ng batas sa pamayanan? A. health workers at medical staff B. tindero at tindera sa pamayanan C. opisyales ng barangay at lungsod D. mayayaman at mahihirap sa bayan 8. Sino ang namamahala ng kaayusan at nagpatutupad ng curfew sa pamayanan? A. guro at mag-aaral B. kapatid at pinsan C. doktor at health workers D. barangay tanod at kapulisan 9. Alin sa mga sumusunod ang tumutukoy sa pagtugon sa pangangailangan na makipag–ugnayan sa iba, pakiramdam na kailangan ng tao ng makakasama, at mapabilang sa isang pangkat? A. pakikialam B. pakikibagay C. pakikilahok D. pakikipagkapuwa 10. Ikaw ay bagong lipat lamang sa Cagdianao National High School gayunman madali kang nakilala ng iyong mga kaklase dahil palagi kang sumasagot sa oral recitation. Kinaibigan ka ng iyong kaklaseng si Heart na isang sikat na mananayaw sa inyong paaralan. Ang buong akala mo ay tapat ang kanyang pakikitungo sa iyo pero nilapitan ka lang pala niya upang tulungan siya sa kanyang mga hindi pa natatapos na proyekto. Ipagpapatuloy mo pa ba ang pakikipagkaibigan sa kanya? A. oo, dahil pareho kaming may kailangan sa isa’t isa B. hindi, dahil marami akong sariling proyekto na dapat tapusin C. oo, dahil naniniwala akong bawat isa ay may pag-asang magbago at ganoon din si Heart D. hindi, dahil mapagsamantalang tao si Heart at hindi ito mabuting pag-uugali ng isang tao 3 CO_Q2_ESP8_Module17 11. Magkasunod na nawala ang iyong mga magulang at masakit ito sa kalooban mo dahil nag-iisa ka na lang at walang ibang matatakbuhan. Sino sa mga pagpipiliang kapuwa ang lalapitan mo? A. mga dati mong kaklase B. mga malalapit na kaibigan C. mga malalapit na kapit-bahay D. mga malalapit na kamag-anak 12. Gusto mong talunin sa patimpalak ang iyong kaibigan na si Maria dahil kahit na malapit kayo sa isa’t isa ay kinaiinggitan mo ang kanyang mga nakamit na tagumpay sa buhay. Batay sa sitwasyon, naipakikita ba ng tauhan ang mabuting pakikipagkapuwa? A. hindi, dahil nangingibabaw ang pagiging makasarili nito B. hindi, dahil magiging balakid ka sa mata ng iyong kaibigan C. oo, dahil ang pakikipagkapuwa ay hindi basehan ang materyal na bagay D. oo, dahil wala namang kinalaman ang paligsahan sa pakikipagkapuwa tao 13. Napansin ni Rhea na matamlay ang kanyang kaklase at tila ito ay may pinagdaanan. Paano maipakikita ni Rhea ang pagiging mabuting kapuwa? A. iinisin at pagtatawanan B. babalewalain lang na parang hindi nakikita C. lalapitan at tatanungin kung kailangan ng karamay D. pagsasabihang huwag dalhin ang problema sa paaralan 14. Kumain si Arthur sa isang karinderya at may nakita siyang isang pulubi sa tapat ng bintana kung saan ito kumakain. Napansin niyang nakatitig ito sa kanyang kinakain. Bumili si Arthur ng pagkain at binigay ito sa pulubi. Paano niya naipakita ang pagiging mabuting kapuwa sa pulubi? A. pagmamahal sa kaaway B. pagkakaroon ng malasakit C. pagtaboy dahil ito ay madungis D. pagmamayabang dahil sa agwat ng estado sa buhay 15. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang naglalarawan sa taong maituturing na kapuwa? A. taos-pusong namigay ng libreng pagkain para sa mga frontliners sa barangay B. laging may bitbit na camera para sa vlog sa tuwing nagsagawa ng tutorial activity sa mga bata C. nagboluntaryo sa isang outreach program dahil ito ay kahilingan sa asignatura sa Edukasyong Pagpapakatao D. namigay ng libreng gamot sa mga kapitbahay dahil nakatambak lang ang mga ito at malapit nang “ma-expire” 4 CO_Q2_ESP8_Module17 Aralin 1 Kapuwa, Sino Sila? “Kapuwa tulad mo’y dalawa ang mukha Magpunla ng kabutiha’t kalulugdan ka Kung masama, umasang ibabalik din ang dusa Pag-isipan ang ipupunla nang may matawag kang kapuwa!” -Sipi mula sa tulang Kapuwa, Sino Sila? Ngayon, may inihanda akong gawain na mag-uugnay sa iyo sa nakaraang modyul bilang tanda na may lubos kang pagkatuto. Alam kong kayang-kaya mo ito kaibigan! Ngayon pa lang ay binabati na kita. Balikan Gawain 1: Pusuan Mo! Panuto: Basahin at iguhit ang kung ang sitwasyon ay nagsasagawa ng gawaing angkop sa panlipunan at pampulitikal na papel ng pamilya. Isulat ang sagot sa sagutang papel. 1. Paglahok sa mga bayanihan sa komunidad 2. Pagpapaaral sa mga anak sa gustong paaralan 3. Pagpapabaya sa anak na malulong sa bisyo 4. Pangangalaga sa kapaligiran 5. Pagsunod sa mga frontliners sa checkpoint 6. Hindi pagsasauli ng sukli sa magulang. 7. Pagsusuot ng facemask kung lalabas ng bahay 8. Pagbibigay ng pagkain at tulong sa kapitbahay 9. Pagkalaban sa mga opisyales ng barangay 10. Pangangalaga sa karapatan ng bawat kasapi ng pamilya 5 CO_Q2_ESP8_Module17 Tuklasin Gawain 2: Pagnilayan Mo! Panuto: Basahin at unawain ang tula. Pagkatapos, pagnilayan ang mga gabay na tanong. Kapuwa, Sino Sila? Ni: Rashiel Joy F. Lepaopao Tao’y sadyang ‘di mapag-isa Kalinga ng kapuwa’y hinahanap sa tuwina Katropa, kaaway maging ‘di kakilala Sumbungan sa lungkot at ligaya. Kadugo’t kasangga subok na’t maaasahan Walang iba! Magulang, kapatid mo’t pinsan Katoto sa haba ng panahon, kritisismo rin kung minsan Kumakaway mga kapitbahay mo’t kaibigan. Kung may iniinda, sa doktor ikonsulta Kung may nang-aabuso, sa pulis magreklamo ka Kung dunong ang nais, sa guro magpaturo na Marami pa sila, sa’yong kapuwa sumaludo ka! Karamay ang kapuwa sa hirap man o ginhawa Sa gitna ng sakuna hatid nila’y bigas at de lata Mambabatas at opisyales ng lipuna’y abala Nang kaginhawaa’t kapayapaan ay matamasa. Kapuwa tulad mo’y dalawa ang mukha Magpunla ng kabutiha’t kalulugdan ka Kung masama, umasang ibabalik din ang dusa Pag-isipan ang ipupunla nang may matawag kang kapuwa! Gabay na tanong: 1. Ano ang ipinahiwatig ng tula? 2. Sino-sino ang maituturing mo na kapuwa? 3. Paano nakatutulong ang ating kapuwa sa paghubog ng ating pagkatao? 4. Bilang kabataan, matutukoy mo ba ang iyong kapuwa? 6 CO_Q2_ESP8_Module17 Suriin Ano ang ipinahihiwatig ng tula sa bahaging Tuklasin? Tama! Ipinahihiwatig ng tula na ang tao ay napalilibutan ng kanyang kapuwa. Sino-sino ang maituturing nating kapuwa? Magaling! Maituturing na kapuwa ang lahat ng taong nakapaligid sa atin. Bilang kabataan, matutukoy mo ba ang iyong kapuwa? Mahalaga ang pagtukoy at pagkilala sa mga tao na itinuturing nating kapuwa dahil ito ang simula ng paglinang sa intelektwal, panlipunan, pangkabuhayan at political na aspekto ng ating pagkatao. (Agapay, 1991) Bilang kabataan, sino-sino ang maaari mong matawag na kapuwa? Kadugo mo ba, mga kaibigan o hindi kakilala? Lahat sila ang mga taong maituturing na kapuwa. Masasabi natin na ang salitang kapuwa ay ang mga taong nakapaligid sa atin na handang makisaya, dumamay at makidalamhati sa lahat ng situwasyon at panahon. Sila rin ang nagsisilbing inspirasyon at nagbibigay-aral sa buhay. Sa tulong ng ating kapuwa, mas nagiging madali ang buhay sapagkat napupunan nila ang mga ibang pansariling pangangailangan na hindi kaya ng ating sariling kakayahan tulad ng pagkain, tulong pinansyal, maging moral at espiritwal na suporta. Maaaring positibo o negatibo ang hatid nito sa ating sarili at sa kanilang buhay. Ang mga sumusunod ay maituturing nating kapuwa: A. Pamilya Ang ating magulang, kapatid at maging kamag-anak ay matatawag na unang kapuwa. Sila ang mga unang taong nakikita, nakakasalamuha at nakikipag-ugnayan sa atin mula nang tayo’y isilang. Sa piling ng ating pamilya, una tayong natuto sa maraming bagay katulad na lamang ng pagpapaunlad sa ating sarili tulad ng pagsusulat, pagbabasa, maging ang ating pag-uugali at pagpapahalaga ay hinubog ng sari-sariling pamilya. Sila rin ang ating sandalan sa oras ng problema at kagipitan. B. Ordinaryong mamamayan Habang tayo ay tumatanda, lumalawak din ang ating pakikipagkapuwa. Sa pamayanan nakikilala natin ang ating mga kapit-bahay at kaibigan na nakasasalamuha natin sa araw-araw maging ito man ay hindi natin kakilala na kumokompleto sa ating mga pangangailangan at nagbibigay tulong sa kahit na anong paraan o pagkakataon. Maging ang ating mga kaaway ay itinuturing din natin na kapuwa sapagkat sila ang mga taong nagbibigay aral at nag-uudyok sa atin upang mas maging mabuti sa buhay at ibang tao. 7 CO_Q2_ESP8_Module17 C. Iba’t ibang sektor sa lipunan Kung babalikan natin ang tula sa bahaging Tuklasin, ipinakilala ang kapuwa sa iba’t ibang sektor ng lipunan. Mula sa alkalde at opisyales ng pamahalaan, pulis, bombero, at iba pa na tagapagtaguyod ng kaligtasan at katiwasayan sa pamayanan, mga guro na tagahubog ng dunong, doktor na tagapagligtas ng may karamdaman, taong simbahan na nagpapatatag sa ating pananampalataya, manggagawa, street vendors, basurero, mangingisda at magsasaka na nagtataguyod sa pang-araw-araw nating pangangailangan. Sa pangkalahatan, matatawag nating kapuwa ang lahat ng taong kabilang sa isang pamayanan. Bilang tao kailangan nating tandaan na uunlad lamang ang ating pakikipagkapuwa kung magtatanim tayo ng kabutihan sa ating kapuwa. Halimbawa ang isang biktima ng kalamidad, nararapat lamang na tulungan siya kahit sa pinakasimpleng paraan tulad ng pagbibigay ng pagkain o mga damit. Sa totoong buhay, hindi lamang ikaw ang nangangailangan sa iyong kapuwa, maging ikaw ay kinakailangan at maaaring magsilbing tanglaw sa buhay ng iba. Laging isaisip ang huling saknong ng tula sa bahaging Tuklasin. Kapuwa tulad mo’y dalawa ang mukha Magpunla ng kabutiha’t kalulugdan ka Kung masama, umasang ibabalik din ang dusa Pag-isipan ang ipupunla nang may matawag kang kapuwa! 8 CO_Q2_ESP8_Module17 Pagyamanin Gawain 3: Hanap-Kapuwa Panuto: Gamit ang mga katumbas na simbolo ng bawat letra, tukuyin kung sino- sino ang mga itinuturing mong kapuwa sa lipunan. Isulat ang sagot sa sagutang papel. A B C D E F G H I J K L M N O P Q R S T U V W X Y Z                           Halimbawa: P U L I S                                                                Iginuhit ni: Alim V. Eviota 9 CO_Q2_ESP8_Module17 Gawain 4. Kailangan Natin ang Isa’t isa! Panuto: Hanapin sa hanay B ang kaugnay na konsepto ng bawat larawan na nasa hanay A. Isulat ang titik ng iyong sagot sa sagutang papel. Hanay A Hanay B 1. a. pasahero Iginuhit ni: Alim V. Eviota 2. b. doktor Iginuhit ni: Alim V. Eviota c. tindera 3. d. basurero Iginuhit ni: Alim V. Eviota 10 CO_Q2_ESP8_Module17 4. e. magsasaka Iginuhit ni: Alim V. Eviota 5. f. kasambahay Iginuhit ni: Alim V. Eviota 11 CO_Q2_ESP8_Module17 Gawain 5. Sa Aking Pakikipagkapuwa Panuto: Punan ang mga detalye sa talahayanan. Sa unang hanay, isulat sa talahanayan kung sino ang itinuturing mong kapuwa. Sa pangalawang hanay, ipaliwanag kung bakit sila itinuturing na kapuwa at sa pangatlong hanay, ilahad paano mo maipapatuloy ang magandang ugnayan at pakikipagkapuwa sa kanila. Isulat ang sagot sa sagutang papel. Paano mo Pangalan ng Taong Bakit mo sila maipagpapatuloy ang Itinuturing mong maituturing na magandang ugnayan at Kapuwa kapuwa? pakikipagkapuwa? 1. 2. 3. 4. 5. 12 CO_Q2_ESP8_Module17 Isaisip Gawain 6: 3-2-1 Panuto: Ilahad at isulat sa graphic organizer ang mga hinihinging kasagutan batay sa araling tinalakay. Isulat ang sagot sa sagutang papel. Kaalamang nakuha sa aralin 3 Kaalamang nais ibahagi 2 Tanong na gumugulo sa isipan 1 sasaaralin Batayan sa Pagtataya: 9-10 puntos - Nailahad nang maigi ang mga pangunahing konsepto ng paksa. 7-8 puntos - nailahad pero may kulang ng isang konsepto 4-6 puntos - Hindi masyadong nailahad ang konsepto ng paksa 1-2 puntos - nakapagpahayag ng ideya pero malayo sa konsepto ng paksa 13 CO_Q2_ESP8_Module17 Isagawa Gawain 7: Kilala Kapuwa! Panuto: Sa pamamagitan ng slam note, tukuyin at itala ang iyong mga itinuturing na kapuwa. Isulat ang kasagutan sa patlang ng iyong sagutang papel. Ako at ang aking Kapuwa Pangalan: _______________________________ Edad: _________ Paaralan: _____________________________ Taon/Pangkat: ________ Guro: ___________________________________ Magulang: 1. _________________________ 2. ____________________________ Kapatid 1. _________________________ 2. ____________________________ Matalik/malapit na kamag-anak 1. _________________________ 2. ____________________________ Bff (Best Friend Forever) 1. _________________________ 2. ____________________________ Karagdagang Impormasyon: Punong Baranggay: ____________________________________ Alkalde ng Lungsod: ____________________________________ Doktor ng Pamilya/Lungsod: ____________________________ Dentista ng pamilya/Lungsod: ___________________________ Batayan sa Pagtataya: 9-10 puntos - Nailahad nang maigi ang mga pangunahing konsepto ng paksa. 7-8 puntos - nailahad pero may kulang ng isang konsepto 4-6 puntos - Hindi masyadong nailahad ang konsepto ng paksa 1-2 puntos - nakapagpahayag ng ideya pero malayo sa konsepto ng paksa 14 CO_Q2_ESP8_Module17 Tayahin Maraming Pagpipilian: Panuto: Basahing mabuti ang bawat tanong o sitwasyon at piliin ang tamang sagot. Titik lamang ang isulat sa sagutang papel. 1. Magkasunod na nawala ang iyong mga magulang at masakit ito sa kalooban mo dahil nag-iisa ka na lang at walang ibang matatakbuhan. Sino sa mga pagpipiliang kapuwa ang lalapitan? A. mga dati mong kaklase B. mga malalapit na kaibigan C. mga malalapit na kapit-bahay D. mga malalapit na kamag-anak 2. Gusto mong talunin sa patimpalak ang iyong kaibigan na si Maria dahil kahit na malapit kayo sa isa’t isa ay kinaiinggitan mo ang kanyang mga nakamit na tagumpay sa buhay. Batay sa sitwasyon, naipakikita ba ng tauhan ang mabuting pakikipagkapuwa? A. hindi, dahil nangingibabaw ang pagiging makasarili nito B. hindi, dahil magiging balakid ka sa mata ng iyong kaibigan C. oo, dahil hindi basehan ang materyal na bagay ng pakikipagkapuwa D. oo, dahil wala namang kinalaman ang paligsahan sa pakikipagkapuwa tao 3. Napansin ni Rhea na matamlay ang kanyang kaklase at tila may pinagdadaanan ito. Paano maipakikita ni Rhea ang pagiging mabuting kapuwa? A. linisin at pagtatawanan B. babalewalain lang na parang hindi nakikita C. lalapitan at tatanungin kung kailangan ng karamay D. pagsasabihang huwag dalhin ang problema sa paaralan 4. Kumain si Arthur sa isang karinderya at may nakita siyang isang pulubi sa tapat ng bintana kung saan ito kumakain. Napansin niyang nakatitig ito sa kanyang kinakain. Bumili si Arthur ng pagkain at binigay ito sa pulubi. Paano niya naipakita ang pagiging mabuting kapuwa sa pulubi? A. pagmamahal sa kaaway B. pagkakaroon ng malasakit C. pagtaboy dahil ito ay madungis D. pagmamayabang dahil sa agwat ng estado sa buhay 15 CO_Q2_ESP8_Module17 5. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang naglalarawan sa taong maituturing na kapuwa? A. taos-pusong namigay ng libreng pagkain para sa mga frontliners sa barangay B. laging may bitbit na camera para sa vlog sa tuwing nagsagawa ng tutorial activity sa mga bata C. nagboluntaryo sa isang isang outreach program dahil ito ay kahilingan sa asignatura sa Edukasyong Pagpapakatao D. namigay ng libreng gamot sa mga kapitbahay dahil nakatambak lang ang mga ito at malapit nang “ma-expire” 6. Bakit itinuturing na unang kapuwa ang magulang? A. unang tao na nakasasalamuha mula pagkaluwal sa atin bilang tao B. unang nagdidisiplina sa mga anak C. may malaking impluwensiya sa lipunan D. naghubog sa pagbasa, pag-uugali at pagpapahalaga 7. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang nagpapakita ng pakikipagkapuwa? A. si Toni na nagpahiram ng pera kay Alex na may kasamang interes B. si Joey na nag-alok ng tulong sa kaniyang kasamahan na napilayan C. si Bryan na masugid na manliligaw ni Lisa noong una pa lamang silang magkakilala D. si Rosa na laging masama ang tingin kay Lennie habang naglalakad sa pasilyo ng paaralan 8. Sino ang pangalawang magulang na umaalalay sa paghubog sa buong pagkatao ng isang indibidwal? A. guro B. kaibigan C. kapitbahay D. magulang 9. Sila ang kapuwa sa lipunan na nagsisilbing tagapagtaguyod sa pangunahing pangangailangan ng mga tao tulad ng bigas at prutas? A. bombero at kapulisan B. tindera at manggagawa C. alkalde at mga opisyales D. magsasaka at mangingisda 10. Alin sa mga sumusunod ang matatawag na unang kapuwa? A. kaibigan at kaaway B. kakilala at kapitbahay C. kapatid at kamag-anak D. kakwentuhan at kakulitan 16 CO_Q2_ESP8_Module17 11. Alin sa mga sumusunod ang tumutukoy sa pagtugon sa pangangailangan na makipag–ugnayan sa iba, pakiramdam na kailangan ng tao ng makakasama, at mapabilang sa isang pangkat? A. pakikialam B. pakikibagay C. pakikilahok D. pakikipagkapuwa 12. Ikaw ay bagong lipat lamang sa Cagdianao National High School gayunman madali kang nakilala ng iyong mga kaklase dahil palagi kang sumasagot sa oral recitation. Kinaibigan ka ng iyong kaklaseng si Heart na isang sikat na mananayaw sa inyong paaralan. Ang buong akala mo ay tapat ang kanyang pakikitungo sa iyo pero nilapitan ka lang pala niya upang tulungan siya sa kanyang mga hindi pa natatapos na proyekto. Ipagpapatuloy mo pa ba ang pakikipagkaibigan sa kanya? A. oo, dahil pareho kaming may kailangan sa isa’t isa B. hindi, dahil marami akong sariling proyekto na dapat tapusin C. oo, dahil naniniwala akong bawat isa ay may pag-asang magbago at ganoon din si Heart D. hindi, dahil mapagsamantalang tao si Heart at hindi ito mabuting pag-uugali ng isang tao 13. Sino ang nagpapanatili ng kalinisan sa mga kabahayan, lansangan at pamayanan? A. ate at kuya B. tindera at tindero C. street at fruit vendors D. basurero at street sweepers 14. Alin sa mga sumusunod ang tagapagtaguyod ng batas sa pamayanan? A. health workers at medical staff B. tindero at tindera sa pamayanan C. opisyales ng barangay at lungsod D. mayayaman at mahihirap sa bayan 15. Sino ang namamahala ng kaayusan at nagpatutupad ng curfew sa pamayanan? A. guro at mag-aaral B. kapatid at pinsan C. doktor at health workers D. barangay tanod at kapulisan 17 CO_Q2_ESP8_Module17 Karagdagang Gawain Gawain 8: I-Adbokasya! Panuto: Pumili at gumawa ng isang adbokasiya na nagsusulong at naghihikayat ng mabuting pakikitungo sa kapuwa upang magkakaroon ng isang matiwasay na pamayanan. Ang adbokasiya ay maaaring sa pamamagitan ng sumusunod: Tula (para sa mga walang gadgets at internet) Powerpoint Presentation Vlog (Maaaring iskrip ng vlog kung walang cellphone) Social media post Rubriks sa I-Adbokasya! Mga Pamantayan 5 4 3 2 Nakagamit ng elektronikong paraan/talento sa pagsulong ng adbokasya. Maaring tula, PPT, Vlog (iskrip) o social media post Malinaw na naipahayag ang layunin at tunguhin ng adbokasya sa mabuting pakikitungo sa kapuwa May hikayat sa madla/sa mambabasa ang nilalaman ng adbokasya Kabuuan: Batayan sa Pagmamarka: 5 - Napakahusay at nasunod ang lahat ng pamantayan. 4 - Mahusay at nasunod ang pamantayan. 3 - Hindi gaanong mahusay at may 2 pamantayan ang hindi nasunod. 2 - Hindi nasunod ang mga pamantayan. 18 CO_Q2_ESP8_Module17 CO_Q2_ESP8_Module17 19 Tayahin 1. D 2. A 3. C 4. B 5. A 6. D 7. B 8. A 9. D 10. C 11. D 12. C 13. D 14. C 15. D Gawain 3: Subukin MADRE Balikan PARI Gawain 1: GURO 1. D ALKALDE 2. B 1. 3. A KAMAG-ARAL BOMBERO 2. 4. D RESCUER 3. x 5. C PINSAN 4. 6. D KAPATID 5. 7. C Gawain 4: 6. x 8. D 1. B 9. D 2. C 7. 10. C 3. A 8. 11. D 4. F 9. x 12. A 5. E 10. 13. C Gawain 5: 14. B Maaring magkakaiba ang 15. A kasagutan Susi sa Pagwawasto Sanggunian Aklat Bognot, Regina et.Al. 2014. Edukasyon sa Pagpapakatao Modyul para sa mag-aaral. 5th Floor Mabini Building. Meralco Avenue, Pasig City. 20 CO_Q2_ESP8_Module17 Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa: Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR) Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600 Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985 Email Address: [email protected] * [email protected]

Use Quizgecko on...
Browser
Browser