Pagpapatawad at Pakikipagkasundo (ESP Lesson 1-4) PDF

Summary

Ang dokumentong ito ay naglalaman ng mga impormasyon tungkol sa pagpapatawad at pakikipagkasundo. Tinatalakay dito ang kahalagahan ng pagpapatawad sa sariling kapayapaan at relasyon sa kapwa. Mapapansin din ang pagtalakay sa dalawang uri ng pagpapatawad, desisyonal at emosyonal na pagpapatawad, pati na rin sa pakikipagkasundo.

Full Transcript

Pagpapatawad. Ito ay isang pasya na may kamalayan upang ilabas ang mga damdamin ng hinanakit o pagnanais na maghiganti laban sa isang taong nanakit sa iyo. Ang pagpapatawad ay kadalasang ibinibigay sa isang taong ayaw patawarin o hindi karapat-dapat ng kapatawaran (Forgiveness Counseling Guide, n.d....

Pagpapatawad. Ito ay isang pasya na may kamalayan upang ilabas ang mga damdamin ng hinanakit o pagnanais na maghiganti laban sa isang taong nanakit sa iyo. Ang pagpapatawad ay kadalasang ibinibigay sa isang taong ayaw patawarin o hindi karapat-dapat ng kapatawaran (Forgiveness Counseling Guide, n.d.). Bakit sinasabing ang pagpapatawad ay pagpapalaya sa sarili? Nangangahulugan ito na hindi mo alintana kung ang nagkasala ay karapat- dapat patawarin o kung nais mong patawarin. Ikaw ay handa na pakawalan ang pagnanasang maghiganti sa taong nanakit sa iyo at magpatuloy na lang sa iyong buhay. Ang kapatawaran ay hindi kailangang tanggapin ng nagkasala o aminin ang nangyari. Ang pagpapatawad ay tungkol sa IYO, sa kalayaan mo. Dalawang Uri ng Pagpapatawad 1. Desisyonal na Pagpapatawad. Ito ang pagbuo ng desisyon na huwag panghawakan ang pagkakasala laban sa isang tao, at upang ibalik ang relasyon bago naganap ang pagkakasala. Ang pagpapatawad na ito ay madaling gawin kapag ang mga kaibigan at mahal sa buhay ay nakagagawa ng maliliit na pagkakamali. Halimbawa: pagkalimot sa kaarawan o anibersaryo, pagiging huli sa pagdating 2. Emosyonal na Pagpapatawad. Ito ay mas mahirap ngunit maaari rin itong maging mas malalim at mas matagal. Ang emosyonal na pagpapatawad ay binubuo ng pagbabago ng mga iniisip at nararamdaman sa isang taong nakasakit sa iyo mula sa negatibo (galit, sama ng loob, mapaghiganti) hanggang sa neutral o maging positibo. Ang emosyonal na pagpapatawad ay hindi nangangahulugan na ang masasakit na pagkilos o gawa ng isang tao ay nakalimutan; sa halip, sa paglipas ng panahon, ito ay nagbibigay-daan sa iyo na palitan ng postibong damdamin ang mga negatibong damdamin na nauugnay sa memorya ng mga naganap. Pakikipagkasundo. Ito nangyayari kapag ang emosyonal na pagpapatawad ay naganap na at ang magkabilang panig ay napagkasunduan na muling itayo at ibalik ang kanilang relasyon. Posibleng ganap na patawarin ang isang tao, nang hindi nalilimutan ang pagkakasala o pagpapanumbalik ng relasyon. Ang pagpapatawad ay tungkol sa isang taong nagbibigay ng regalo ng pagpapatawad sa pamamagitan ng pagbabago ng kaniyang sariling mga iniisip at damdamin sa ibang tao. Ang pagkakasundo naman ay tungkol sa dalawang tao na muling nagtatayo ng tiwala at nagbabago ng kanilang mga pag-uugali sa isa't isa upang maibalik ang isang relasyon (Forgiveness Counseling Guide, n.d.). Pagpapakumbaba. Ang pagpapatawad at pagkakasundo ay magagawa kung paiiralin ang pagpapakumbaba. Ito ay isang mahalagang katangian na nagpapahayag ng ating kababaang-loob at pagkilala sa ating mga limitasyon. Ito ay pagtanggap na lahat ng tao ay may kahinaan, na lahat tayo ay nagkakamali, nagkakasala, at walang sinumang matuwid. Ito ay hindi tanda ng kahinaan, kundi ng malasakit sa iba at pagsasabing tayo’y umaasa sa tulong at awa ng Diyos. Ang katotohanang ito ang magpapalaya sa isang tao upang magpatawad. Sabi nga ng isang mangangaral na ang pagpapatawad ay pagbubukas ng pinto upang palayain ang isang tao at sa huli mahihinuha mo na ikaw pala ang tunay na lumaya sa pagkakabilanggo. Kahalagahan ng Pagpapatawad at Pakikipagsundo sa Kapuwa ng may Kababaang-loob. Ang pagpapatawad at pakikipagkasundo ay mahalagang aspekto ng pagpapalago ng isang tao. Sa pagpapatawad, nagbibigay tayo ng paumanhin sa mga taongnagkasalasaatin at nagpapakita ng kabutihan ng loob. Sa pamamagitan nito, nakatutulong tayo sa pagpapalaya ng sarili natin mula sa sama ng loob, galit, at iba pang negatibong emosyon. Sa kabilang banda, ang pakikipagkasundo ay nagbibigay-daan sa pagkakaroon ng positibong relasyon sa iba. Sa pamamagitan ng pakikipagkasundo, nabubuo ang pagtitiwala at pagpapalagayang-loob sa isa’t isa. Mahalaga rin ang pagpapatawad at pakikipagkasundo sa pagpapalago ng isang komunidad. Sa pamamagitan ng pagpapatawad at pakikipagkasundo, nabubuo ang pagkakaisa at pagkakapatiran sa loob ng isang komunidad. Ang kababaangloob ay pagiging bukas sa pagkakamali at pagtanggap na tayo rin ay hindi perpekto. Ito ay pagiging handa na humingi ng tawad at magpatawad nang walang pag- aalinlangan. Sa kababaang-loob, nagiging mas malapit tayo sa ating kapuwa at mas nagiging mapagmalasakit sa kanilang damdamin. Sa pagpapatawad at pakikipagkasundo na may kababaang-loob, nagiging mas maligaya tayo at nagkakaroon tayo ng mas matibay na ugnayan sa pamilya at kapuwa. Sa kabilang dako, ang hindi pagpapatawad ay maaring magdulot ng pagkabugnutin, stress, at kabigatan sa damdamin. Ito ay maaring makaapekto rin sa mental health. Ayon sa World Health Organization (2022), isa sa mga salik na nakaaapekto sa kalusugan ng isipan ay ang sosyal at sikolohikal na aspekto ng pagkatao. Ang hindi pagpapatawad ay maaaring magdulot ng negatibong epekto sa kalusugan ng isang tao. Ayon sa mga pag-aaral, ang hindi pagpapatawad ay maaaring magdulot ng stress, galit, at depresyon. Ang mga ito ay maaaring magdulot ng iba’t ibang mga sakit sa katawan tulad ng sakit sa puso, kanser, at iba pang mga sakit sa kalusugan. Sa kabilang banda, ang pagpapatawad ay maaaring magdulot ng positibong epekto sa kalusugan ng isang tao. Ayon sa mga pag-aaral, ang pagpapatawad ay maaaring magdulot ng pagbaba ng stress, pagtaas ng antas ng kaligayahan, at pagpapabuti ng kalusugan ng puso. Sa kabuuan, mahalaga ang pagpapatawad hindi lamang sa kalusugan ng isang tao kundi pati na rin sa kaniyang buong pagkatao. Kilos ng Pagpapatawad at Pakikipagkasundo Walang sinoman ang perpekto dito sa mundo. Lahat ng tao ay nagkakamali at nakagagawa ng mga kilos na nakakasakit sa damdamin ng iba, kaya’t bilang isang nilalang ng Diyos, tungkulin nating magpatawad sa iba gaya ng pagpapatawad ng Diyos sa atin sa ating mga nagawang kasalanan sa Kaniya. Ito ay para maging maayos din ang ating relasyon sa mga taong nakapaligid sa atin. Madalas, nahihirapan tayong magpatawad sa iba dahil hindi natin alam kung paano ito gagawin. Si Everett Worthington, isang eksperto sa larangan ng pagpapatawad ay lumikha ng modelo ng pagpapatawad na tinawag niyang REACH. Ito ay binubuo ng limang (5) hakbang. Ang R ay para sa recall. Ito ang pag-alala sa kaganapan nang obhektibo at pagkilala sa mga naramdamang sakit at galit kaakibat ng pangyayari. Ang E aypara sa empathize. Ito ay ang pag-unawa sa nangyari mula sa pananaw ng taong nagkasala. Unawain ang mga kaganapang posibleng kinakaharap ng nagkasala noong nagawa niya ang kasalanan o pagkakamali. Ang A ay para sa altruistic na regalo ng pagpapatawad. Ito ay ang pagpili na ihandog sa nagkasala ang kaloob na pagpapatawad. Ito man ay nararapat, hinihingi o hindi ng nagkasala. Ang pagpapatawad ay hindi tungkol sa nagkasala, ngunit tungkol sa pagpiling palayain ang nagkasala mula sa iyong galit at sakit. Alalahanin ang isang pagkakataon na nakasakit ka ng ibang tao at pinatawad. Pagkatapos, ialay ang regalong ito sa taong nagkasala sa iyo. Ang pagpapatawad na ibinigay ng Diyos sa tao ay ang pinakamagandang regalo na natangggap natin. Hindi nararapat para sa makasalanang nilalang pero ipinagkaloob Niya pa rin. Ang C ay para sa commitment o pangako sa iyong sarili na magpatawad na alam ng publiko. Ito ay pagsasabi sa kapamilya, kaibigan, at iba pa na pinapatawad mo na ang nagkasala. Makatutulong itong paalalahanan ka at panindigan ang desisyon. Halimbawa, sumulat ng liham ng kapatawaran (ipapadala mo man ito o hindi), sumulat sa isang journal, sabihin sa isang pinagkakatiwalaang kaibigan, o kung magagawa mo, sabihin sa taong nagkasala sa iyo. Ang H ay para sa hold on o paghawak sa pagpapatawad. Ito ang paninindigan at pagtayo sa desisyon na magpatawad, maramdaman man muli ang sakit o galit. Ang pagpapatawad ay hindi paglimot. Ang mga alaala ng pagkakamali at damdamin ay lalabas muli. Paalalahanan ang iyong sarili na nagpasya kang magpatawad. Sa pakikipagkasundo naman, itanong sa sarili ang dalawang katanungan: 1. Nais ko ba talagang makipagkasundo sa taong nakasakit sa akin? May mga pagkakataong mas makabubuting wakasan na lang ang relasyon kesabalikan ito dahil maaaring mas masaya at payapa ang buhay kung wala ito. Maaari ring ayaw na ng kabilang panig o hindi pa handa sa pakikipagkasundo. 2. Ligtas at makabubuti ba para sa akin na ipagkasundo ang relasyong ito? Kung ang taong nanakit sa’yo ay hindi ligtas kasama (tulad ng isang indibidwal na emosyonal, pasalita, o pisikal na mapang-abuso) o puwedeng magdulot ng hindi malusog na pag-iisip, damdamin, at paguugali sa iyong buhay, maaaring ang pakikipagkasundo ay hindi matalinong desisyon. Ang pagkakasundo ay nangangailangan na ang magkabilang panig ay handang baguhin ang kanilang mga pag-uugali sa isa't isa at muling buoin ang tiwala. Kung ang taong nanakit sa iyo ay hindi payag o hindi kayang gumawa sa proseso ng pagkakasundo, maaaring mas matalinong desisyon ang magpatawad lang at magpatuloy na sa kaniya-kaniyang huhay. Kung napagdesisyunang makipagkasundo, maaaring gamitin ang modelo na ito. Isiping nasa magkabilang panig ng tulay at parehong handang gawin ang bawat hakbang ng pakikipagkasundo. Habang nagpapatuloy kayo sa proseso ng pagkakasundo, kayo ay humahakbang patungo sa isa't isa at magtatagpo sa ikalimang hakbang. 1. Manindigan. Ito ang unang hakbang ng pagkakasundo, kung saan ang magkabilang panig ay parehong naninindigan na makikipagkasundo sa isa't isa. 2. Magpasya. Ang dalawang panig ay dapat magpasya kung, paano, at bakit nila nais na maayos ang relasyon. Ito ang unang hakbang tungo sa pagkakasundo. 3. Pag-usapan. Sa puntong ito, kailangang pag-usapan ng magkabilang panig ang tungkol sa mga paglabag na nagawa nila laban sa isa't isa. Maaaring parehong maramdaman ng dalawa na sila ang biktima at ang nagkamali ay ang isa. Sa pamamagitan ng mahinahong pagsasalita at may pagpapakumbaba, tapat, at lantarang pagpapahayag ng kanilang mga hinanakit, maaaring patawarin ang isa't isa at magpatuloy sa susunod na hakbang. 4. Paglilinis/Pag-alis ng mga nakakasira. Sa puntong ito ng proseso, kailangan ng magkabilang panig na mangako sa "pag-detox" ng relasyon sa pamamagitan ng pag-aalis ng mga negatibong gawi ng pakikipagugnayan sa isa't isa (pagiging mapanuri, depensiba, makasarili, mapagmataas, atbp.) at negatibo o nakakasakit na pag-uugali tungo sa isa't isa at magtakda ng malinaw na mga inaasahan para sa magiging anyo ng bagong nabuong relasyon. 5. Pagtalaga ng sarili. Pagkatapos ng mga naunang hakbang, kailangang parehong italaga ang sarili sa pagbuo ng relasyon sa pamamagitan ng pag-unawa sa damdamin ng isa't-isa, pagbawas sa mga negatibong emosyon o nakakasakit na salita, at pagpapalago ng positibong emosyon

Use Quizgecko on...
Browser
Browser