Kasaysayan ng Wikang Pambansa PDF
Document Details
Uploaded by BlamelessLead3646
Daraga National High School
Tags
Related
- Kasaysayan ng Wikang Pambansa Course Material PDF
- Kasaysayan ng Wikang Pambansa sa Pagpapatibay ng Pilipinong Identidad PDF
- Filipino bilang Wikang Pambansa: Modyul 2 (PDF)
- Kasaysayan ng Wikang Filipino (2nd & 3rd Parts) PDF
- Bulacan State University ARP 101 Filipino Bilang Wikang Pambansa PDF
- Kasaysayan ng Wika - Filipino 1 PDF
Summary
Ang dokumentong ito ay isang timeline ng mga pangunahing kaganapan sa kasaysayan ng wikang pambansa ng Pilipinas. Tinatalakay nito ang mga batas, kautusan, at proklamasyon na may kaugnayan sa pag-unlad at pagpapatatag ng Filipino na wika. Kasama rin ang mga tungkulin at gawain ng Surian ng Wikang Pambansa.
Full Transcript
# KASAYSAYAN NG PAG-UNLAD NG WIKANG PAMBANSA “Mahalaga ang tunay na pagpapaunlad ng wikang pambansa upang mapabilis ang kolektibong partisipasyon ng sambayanang Pilipino sa sosyo-ekonomikong pag-unlad at pagbuo ng nasyon.." - Wilfrido Villacorta ## Ang Pilipinas ay isa sa mga bansang may pinakamar...
# KASAYSAYAN NG PAG-UNLAD NG WIKANG PAMBANSA “Mahalaga ang tunay na pagpapaunlad ng wikang pambansa upang mapabilis ang kolektibong partisipasyon ng sambayanang Pilipino sa sosyo-ekonomikong pag-unlad at pagbuo ng nasyon.." - Wilfrido Villacorta ## Ang Pilipinas ay isa sa mga bansang may pinakamaraming dayalekto. Mahigit sa 400 na iba't-ibang dayalekto o wikain ang ginagamit. Bawat rehiyon ay may sari-sariling wika o mga wikain. Sa kadahilanang ito, nagkaroon tuloy tayo ng suliranin sa pakikipag-ugnayan sa isa't-isa, pagkakabuklod at pagkakaisa. Ayon kay Bisa, et.al., 1983, "Kung tutuusin hindi sana tumagal nang mahigit 330 taon ang ating pagkakaalipin kung noon pa mang unang taon ng pananakop ay may isa nang malawak na wikang nauunawaan at ginagamit ng mga nakararaming Pilipino." Sa kadahilanang ito, pinagsumikapan ng mga magigiting nating ninuno na magkaroon tayo ng isang wikang pambansa at patuloy itong nililinang hanggang sa kasalukuyan. ## Ang pag-unlad ng ating wikang pambansa ay nasasalamin sa mga batas, kautusan, at proklamasyon na ipinalabas ng iba't-ibang tanggapang pampamahalaan na may malaking kaugnayan sa ating wikang pambansa. # Mahahalagang Batas, Kautusan at Proklamasyon ## SALIGANG BATAS NG PILIPINAS | Taon | Pangyayari | Pangulong Nagpatupad | |---|---|---| | 1935 | Saligang Batas ng Pilipinas, nagtadhana tungkol sa Wikang Pambansa | - | | 1936-1937 | Paglikha ng Surian ng Wikang Pambansa at Pinagtibay ng Batasang Pambansa ang Batas Komonwealth Blg.184 | Manuel L. Quezon | | 1937 | Paghirang ng mga kagawad ng Surian ng wikang Pambansa | Manuel L. Quezon | | 1940 | Pagpapahintulot sa Paglimbag ng Diksyunaryo at Gramatika ng Wikang Pambansa (Abril 1, 1940) | Ramon Magsaysay | | 1954 | Pagdiriwang ng Linggo ng Wikang Pambansa taon-taon | Ramon Magsaysay | | 1959 | Salitang Pilipino ang Gagamitin | Jose E. Romero | | 1967 | Lahat ng gusali, edipisyo at tanggapan ng Pamahalaan ay papangalanan na sa Pilipino | Ferdinand E. Marcos | | 1968 | Ang mga Letterhead ng mga Kagawaran, tanggapan at sangay ng pamahalaan ay nasusulat sa Pilipino | Rafael M. Salas | | 1969 | Ang mga pinuno at empleyado ng pamahalaan ay kailangang dumalo sa mga seminar sa Pilipino na idinaraos ng Surian ng Wikang Pambansa. | Ernesto M. Maceda | | 1970 | Pagtalaga ng Tauhang mamahala sa lahat ng komunikasyon sa Pilipino | Alejandro Melchor | | 1971 | Pagdiriwang ng Linggo ng Wikang Pambansa | Ferdinand E. Marcos | | 1972 | Pagsalin ng Saligang Batas sa Mga Wikang sinasalita ng karamihan | Ferdinand E. Marcos | | 1973 | Saligang Batas, Artikulo XIV, Seksyon 3 | Ferdinand E. Marcos | | 1974 | Pagpapatupad ng Patakarang Edukasyong Bilingguwal | Juan L. Manuel | | 1978 | Paglagda ng Kautusang Pangministri Blg.22 | Juan L. Manuel | | 1986 | Pagkilala sa Wikang Pambansa-Proklamasyon Blg.19 | Corazon C. Aquino | | 1987 | Pinagtibay ang Bagong Konstitusyon ng Pilipinas sa Artikulo XIV, Sek.6-9 | Corazon C. Aquino | | 1988 | Kautusang Tagapagpaganap Blg. 335 | Corazon C. Aquino | | 1990 | Kautusang Pangkagawaran Blg.21 | Isidro Cariño | | 1996 | CHED Memorandum Blg.59 | - | | 1997 | Ang Buwan ng Agosto ay magiging Buwan ng Wikang Filipino | Fidel V. Ramos | | 2001 | Ipinalabas ng Komisyon ng Wikang Filipino ang 2001 Revisyon ng Ortografiyang Filipino at Patnubay sa Ispeling ng Wikang Filipino | - | | 2006 | Pagsususpinde ng Komisyon ng Wikang Filipino sa 2001 Revisyon ng Ortografiyang Filipino at Patnubay sa Ispeling ng Wikang Filipino. | - | | 2009 | Tuluyan nang isinantabi ang 2001 Revisyon ng Ortografiyang Filipino at Patnubay sa Ispeling ng Wikang Filipino. | - | ## Tungkulin ng Patakarang Edukasyong Bilingguwal: 1. Pahusayin ang pagkatuto sa pamamagitan ng dalawang wika (Ingles at Filipino) upang matamo ang mataas na uri ng edukasyon. 2. Palaganapin ang Filipino bilang wi ka ng literasi. 3. Paglinang at pagpapayabong ng Filipino bilang lingguwistikang sagisag ng pambansang pagkakaisa at pagkakilanlan. 4. Patuloy na intelektuwalisasyon ng wikang Filipino. 5. Sa isang banda, pananatilihing wikang internasyonal para sa Pilipino ang Ingles at bilang di-eksklusibong wika ng agham at teknolohiya. ## "Ang Kongreso ay gagawa ng mga hakbang tungo sa pagpapaunlad at pagpapatibay ng isang wikang pambansa na batay sa isa sa mga umiiral na katutubong wika" ( Seksyon 3, Artikulo XIV) Itinagubilin ni Pang. Manuel 1. Quezon ang paglikha ng Surian ng Wikang Pambansa na gumawa ng isang pag-aaral ng mga wikang Katutubo sa Pilipinas, sa layuning makapagpaunlad at makapagpatibay ng isang wikang panlahat na batay sa isang wikang umiiral. (Oktubre 27, 1936) ## Tungkulin at Gawain ng Surian ng Wikang Pambansa: 1. Pag-aaral ng mga pangunahing wika na ginagamit ng may kalahating milyong Pilipino man lamang. 2. Paggawa ng paghahambing at pag-aaral ng talasalitaan ng mga pangunahing dayalekto. 3. Pagsuri at pagtiyak sa ponetika at ortograpiyang Pilipino. 4. Pagpili ng katutubong wika na siyang magiging batayan ng wikang pambansa na dapat umaayon sa (a) pinakamaunlad at mayaman sa panitikan, (b) wikang tinatanggap at ginagamit ng pinakamaraming Pilipino. Noong Enero 12, 1937, hinirang ni Pang. Quezon ang mga Kagawad na bubuo ng Surian ng wikang Pambansa alinsunod sa tadhana ng Seksyon 1, Batas Komonwealth Blg.184, sa pagkakasusog ng Batas Komonwealth Blg. 333. Kalaunan sina Hadji Butu at Filemon Sotto ay pinalitan ng Pang. Quezon sa kadahilanang ang una'y pumanaw at ang huli'y tumanggi dahil sa kapansanan. Dahil dito hinirang na Kagawad si Lope K. Santos (Tagalog); Jose I. Zulueta (Pangasinan); Zoilo Hilario (Kapampangan); at Isidro Abad (Visayang Cebu). Kalaunan, nang si Lope K. Santos ay nagbitiw na sa kanyang tungkulin, si Iñigo Ed. Regalado ang ipinalit na kagawad ng SWP. Hunyo 18, 1937- Pinagtibay ang Batas ng komonwealth Blg.333, na nagsusog sa ilang seksyon ng Batas ng Komonwealth Blg.184. Nobyembre 9, 1937- Ang Surian ng Wikang Pambansa ay nagpatibay ng isang resolusyon na roo'y ipinapahayag na ang Tagalog ay siyang halos lubos na nakatutugon sa mga hinihingi ng Batas Komnowealth Blg.184 kaya't itinagubilin ng Pangulo ng Pilipinas na iyon ay pagtibayin bilang saligan ng Wikang Pambansa. Disyembre 30, 1937- Alinsunod sa tadhana ng batas ng Komonwealth Blg.184, sa pamamagitan ng Kautusang Tagapagpaganap Blg.134 ay ipinahayag ng Pangulong Quezon ang Wikang Pambansa ng Pilipinas na batay sa Tagalog. ## Sanggunian: - Jocson, Magdalena et.al 2014. Komunikasyon sa Akademikong Filipino. - Journal of the Constitutional Commission, 1986. - Malicsi, Jonathan, 2013. Gramar ng Filipino. - http://kwf.gov.ph - https://www.slideshare.net/RichelleSerano/kasaysayan-ng-wikang-pambansa - https://www.coursehero.com/file/p42gagb/1959 - Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino-K to 12 Baitang 11