Puberty Stage PDF
Document Details

Uploaded by FancierSunflower
Tags
Summary
Ang dokumentong ito ay tungkol sa puberty stage, tinatalakay ang mga pisikal, pangkaisipan, at emosyonal na pagbabago sa panahon ng pagdadalaga at pagbibinata. Nagbibigay din ng gabay sa mga pag-uugali at pag-aalaga sa sarili.
Full Transcript
Puberty Stage - ito ang tawag sa panahon ng pagdadalaga at pagbibinata - ito ay nagyayari mula ika-10 hanggang 15 taong gulang **Mga Pisikal na pagbabago sa panahon ng pagdadalaga at pagbibinata:** 1.Pagkitid ng baywang ng mga babae 2.Pag-umbok ng dibdib at paglaki ng balakang ng mga babae...
Puberty Stage - ito ang tawag sa panahon ng pagdadalaga at pagbibinata - ito ay nagyayari mula ika-10 hanggang 15 taong gulang **Mga Pisikal na pagbabago sa panahon ng pagdadalaga at pagbibinata:** 1.Pagkitid ng baywang ng mga babae 2.Pag-umbok ng dibdib at paglaki ng balakang ng mga babae 3.Pagkakaroon ng buwanang daloy o regla ng mga babae 4.Paglaki ng boses para sa mga lalake 5.Paglitaw ng Adam's apple sa mga lalake 6.Pagtubo ng bigote at balahibo sa binti at dibdib sa mga lalake 7.Pagtangkad at pagtaas ng timbang 8.Pagtubo ng buhok sa kili-kili at maselang bahagi ng katawan 9.Pagiging malangis ng mukha at pagkakaroon ng taghiyawat o pimples **Pagbabagong Pangkaisipan sa panahon ng puberty stage:** 1.pag-unawa ng tama at mali 2.pagkakaroon ng pangarap sa buhay 3.nakakapag-isip ng simpleng solusyon sa problema 4.pagiging maalalahanin sa iba **Mga kinahihiligan sa panahon ng puberty stage:** 1.nahihilig sa sports gaya ng basketball, volleyball, badminton, footbll at iba pa 2.nahihilig kumanta, sumayaw at umarte 3.humahanga sa mga artista at manlalaro 4.nahihilig manood ng mga palabas sa telebisyon 5.nawiwiling magbasa ng nobela 6.nahihilig gumuhit, magluto at gumawa ng mga handicraft **Mga pagbabago sa damdamin sa panahon ng puberty stage:** 1.nagkakaroon ng crush 2.nagiging matampuhin 3.nagiging palaayos sa sarili 4.pagseselos kung minsan **Mga pagbabago sa pakikipagkapuwa sa panahon ng puberty stage:** 1.pagkakaroon ng maraming kaibigan 2.nakikisali sa mga gawaing pang-grupo 3.nagiging bukas ang kaisipan sa opinyon ng iba 4.nagiging masayahin at palabiro 5.gustong kasama lagi ang mga kaibigan 6.marunong makisalamuha sa kapuwa Menarche - ito ang tawag sa unang regla ng mga nagdadalaga Buwanang Daloy o Regla - nagtatagal ng 3 to 7 araw at inaabot ng 25 to 29 na araw bag muling datnan ng buwanang daloy **Mga dapat gawin sa panahon ng Regla:** 1.maligo araw-araw 2.magpalit ng kasuotang panloob 3.gumamit ng sanitary napkin 4.kumain ng masustansiyang pagkain 5.matulog at magpahinga nang wasto 6.mag-ehersisyo 7.maging pino kung kumilos Pagtutuli - ito ay isang normal na gawaing nagyayari sa mga batang lalaki upang mapanatili ang kalinisan sa ari ng lalake **Mga dapat gawin ng isang bagong tuli:** 1.magsuot ng maluwag na shorts o palda 2.lumakad at kumilos nang dahan-dahan 3.sundin ang tamang oras ng pag-inom ng gamot 4.manatili muna sa loob ng bahay 5.linisin ang sugat upang maiwasan ang impeksiyon **Pagharap sa mga pagbabago sa panahon ng pagdadalaga at pagbibinata:** 1.Kung ikaw ay may oily skin at tinutubuan ng mga taghiyawat, maghilamos o maglinis ng mukha araw-araw at magpakonsulta sa ***dermatologist*** kung kinakailangan. 2.Kung kapansin-pansin ang pagbigat ng iyong timbang, magpakonslta sa isang doctor o ***dietician.*** 3.Kung pawisan ang iyong katawan at kilikili, magpalit ng damit kung basa na ng pawis at maari rin maglagay ng ***deodorant*** sa kilikili. **Mga dapat tandaan upang makaiwas sa panunukso:** 1.Magsabi sa mga magulang at manghinig ng payo sa mga nakatatanda tungkol sa tunay na nararamdaman 2.Iwasan ang manakit ng damdamin ng iba. Huwag maging bully. 3.Iwasan ang panunukso dahil ito ay isang uri ng verbal bullying 4.Maging huwaran o modelo sa kapwa mag-aaral. Maging maayos sa pananalita, pagkilos at pananamit. **Mga paraan upang mapanatili ang kaayusan sa sarili:** 1.ugaliing mag-ehersisyo 2.kumain nang wasto 3.panatilihin ang tamang timbang para maiwan ang ***obesity*** o labis na timbang 4.matulog ng 9 oras 5.magsepilyo ng ngipin pagkatapos kumain 6.magpalit ng malinis na damit at salawal pagdating sa bahay 7.maligo araw-araw 8.gumamit ng malinis na panyo o bimpo 9.huwag manghiram ng personal na kagamitan gaya ng suklay **Mga kagandahang asal na dapat isabuhay ng mga kabataan:** 1.maging magalang sa mga magulang, guro at mga nakatatanda 2.matutong magpasalamat 3.gumamit ng po at opo 4.kung hihiram ng gamit ng iba ay matutong magpaalam muna 5.magsabi ng iyong tunay na nararamdaman sa mga magulang at guro 6.laging tandaan ang mga mahahalagang araw o selebrasyon gaya ng kaarawan, anibersaryo, mother's day, father's day, teacher's day at iba pa 7.magsuot ng maayos at disenteng kasuotan 8.maging palakaibigan, ngunit matutong pumili ng mababait na kaibigan **Mga dapat tandaan sa pagpili ng damit o kasuotan:** 1.kailangang angkop ang iyong kasuotan sa lugar o okasyong pupuntahan (pangsimba, pampasyal, pang party, pampaaralan) 2.piliin ang mga disenyo at yari ng damit a.damit na may patayong linya -- para sa hindi katangkaran at bilugan ang katawan b.damit na may pahalang na linya -- para sa matatangkad at balingkinitan c.para sa mga babaeng may malaking katawan, piliin ang mga bestidang mahaba at masikip ang baywang d.para sa mga babaeng payat, piliin ang kasuotang may malalaking disenyo at bahagyang maluwang **Wastong pangangalaga ng kasuotan:** 1.maging maingat sa pag-upo 2.ilagay sa tamang lagayan ang mga damit na nagamit na 3.tanggalin agad ang mga mantsa 4.tahiin ang mga damit na may punit at tastas 5.huwag piliting isuot ang mga masisikip na damit 6.ilagay sa malinis na lagayan ang mga malilinis na damit 7.iihiwalay ang lagayan ng mga damit at mga kasuotang panloob gaya ng panty, bra, brief, sando, medyas 8.itikop ang mga damit na nilabhan at ilagay sa hanger ang mga blusang may kuwelyo, polo at pantalon 9.plantsahin ang mga damit bago ilagay sa loob ng kabinet **Wastong paraan ng pamamalantsa:** 1.Ihanda ang mga gamit gaya ng plantsa, kabayo, tubig na nasa ***sprinkler***, hanger at iba pa 2.Unang plantsahin ang mga pang-alis, uniporme at polo. Isunod ang t-shirt, pantalon at pambahay. Ihuli ang mga panyo at mga panloob na kasuotan. Gamit ang sprinkler, bahagyang basain ng tubig ang damit bago plantsahin upang madaling matanggal ang gusot nito. 3.Sundin ang antas ng init ng plants ayon sa uri ng tela. 4.baliktarin ang bestida, blusa at polo bago plantsahin. Unahin ang kuwelyo, manggas, harap at likod ng damit. 5.Ayusin muna ang pleats at bulsa bago padaanan ng plantsa 6.ilagay sa hanger ang mga polo, blusa at slacks na pantalon at itago sa aparador o kabinet 7.tiklupin ang mga pambahay at itago sa drawer 8.iligpit ang mga kagamitan pagkatapos magplantsa 9.iwasang magbasa agad ng kamay pagkatapos magplantsa upang maiwasan ang pagkapasma **Wastong paraan ng paglalaba:** 1.Ihiwalay ang mga puti sa may kulay na damit 2.Tingnan ang mga bulsa at tanggalin ang mga laman nito 3.Basain at bahagyang kusutin ang mga damit upang maalis ang mga dumi 4.Ibabad ang mga putting damit sa pulbos na sabo at itabi o ikula sa araw 5.Sabunin ang mga may kulay na damit at kusuting mabuti ang maruruming bahagi 6.Banlawang mabuti upang maalis ang bula at dumi ng damit 7.Ulitin ang pagbabanlaw ng hanggang tatlong beses o higit pa 8.Baliktarin ang damit at isampay 9.Isunod na labhan ang mga puting damit 10.Tiklupin ang mga tuyong damit **Pagkukumpuni ng mga sirang damit** 1.Pagkakabit ng butones, hook and eye at awtomatik 2.Pagsusulsi -- ito ay ginagawa para ayusin ang napunit na damit 3.Pagtatagpi -- ito ay pag-ayos ng nabutas na damit, maari itong tagpian ng tela na kakulay ng damit **Mga mabuting dulot ng maayos na tindig:** 1.Ang mga buto at mga kasukasuan ay nagkakahanay upang ang mga kalamnan ay magamit nang maayos. 2.Nakakapagbigay ito ng matikas na kaayuan. 3.Nagpapakita ito ng tiwala sa sarili. 4.Maiiwasan ang pananakit ng likod at kalamnan. 5.Maiiwasan ang pangangalay at pagod ng kalamnan. 6.Maiiwasan ang baluktot na tindig. **Maayos na pag-upo:** 1.Ilapat ang mga paa sa sahig. 2.Ang mga tuhod ay mas mababa kaysa baywang. 3.Isandal ang likod nang tuwid sa likurang bahagi ng upuan. 4.Hayaang nakapahinga ang mga balikat at kamay. 5.Iwasang umupo sa iisang posisyon upang hindi mangalay. **Maayos na pagtayo:** 1.Ang bigat ng katawan ay dapat nasa sakong ng paa. 2.Ang mga tuhod ay bahagyang nakatiklop. 3.Hayaang nakababa ang mga kamay sa magkabilang gilid. 4.Tumayo nang tuwid at ituwid din ang mga buto sa likod. 5.Bahagyang ipasok ang tiyan. 6.Dapat ay taas noo habang naglalakad. **Maayos na pagtulog:** 1.gumamit ng malabot at katamtamang taas ng unan 2.iwasang matulog nang nakabaluktot 3.Maglagay ng unan s pagitan ng mga binti kung nais matulog nang nakatagilid 4.Kung matutulog nang nakatihaya ay maglagay ng unan sa ilalim ng tuhod 5.Iwasang gumamit ng matigas at sobrang taas na unan upang maiwasan ang pangangalay ng leeg **Wastong pagbubuhat mula sa lapag:** 1.Bago magbuhat, siguraduhing matatag ang kapit ng mga paa upang hindi mabuwal o matumba 2.Itiklop ang tuhod at panatilihing tuwid ng likod bago magbuhat 3.lumapit sa bubuhating gamit, higpitan ang kalamnan sa tiyan at simulang magbuhat gamit ang mga kalamnan at lakas sa binti 4.Tumayo at lumakad nang tuwid habang nagbubuhat