Document Details

InvigoratingCamellia

Uploaded by InvigoratingCamellia

Saint Jude Catholic School

Jose P. Rizal

Tags

El Filibusterismo Jose Rizal Filipino Literature Kabanata 2

Summary

Ang dokumento ay ang Kabanata 2 ng El Filibusterismo ni Jose P. Rizal. Tinatalakay nito ang mga pangyayari sa ilalim ng kubyerta ng bapor at ang mga karakter na sina Basilio at Isagani. Inilalarawan ng dokumento ang pakikipag-usap ng mga tauhan at ang iba't ibang pananaw ukol sa mga isyu ng lipunan. Tinalakay rin ang Akademya ng Wikang Kastila.

Full Transcript

Kokanals 2 Sa Ilalim ng Kubyerta a ibaba ng kubyerta ay iba naman ang nangyayari. Nakaupo sa mga bangko at maliliit na luklukang kahoy ang mga pasahero, katabi ng mga maleta, tampipi, at mga bakol, mga ilang hakbang lamang...

Kokanals 2 Sa Ilalim ng Kubyerta a ibaba ng kubyerta ay iba naman ang nangyayari. Nakaupo sa mga bangko at maliliit na luklukang kahoy ang mga pasahero, katabi ng mga maleta, tampipi, at mga bakol, mga ilang hakbang lamang ang layo sa mainit na makina at sa gitna ng sarisaring amoy ng mga tao at mabahong langis, naroon ang makapal na taong sakay. Ang ilan ay tahimik na nagmamasid ng tanawin sa magkabilang pampang, may mga nagsusugal, nakikipag-usap sa gitna ng kalatog ng pala, ugong ng makina, bulwak ng tubig na nahahalukay at waring paswit ng bapor. Sa isang sulok ay nakahigang animo'y patay, nagsisitulogo nagtatangkang makatulog ang mga mangangalakal na Tsino-nangahihilo, namumutla, at naliligo sa pawis. Naroon din ang ilang kabataan, karamihan ay nagsisipag-aral na makikilala ayon sa maayos na pananamit na lubhang maputi. Nangag-uusap na masaya dahil sa nalalapit nilang pagbabakasyon. Naroong magtalo ukol sa galaw ng makina na parang ginugunita ang kanilang napag-aralan sa pisika, naroong paligiran nila ang mga batang kolehiyala, at bulungan ng mga nakatatawa at nakapagpapatakip sa kanilang mga mukha ng kanilang pamaypay. Gayon ma'y may dalawang estudyante na sa halip na harapin ang ganoong mga gawain ay nasa dakong proa at nakikipagtalo sa isang matanda na, ngunit malakas pa't tuwid ang tindig. Ang isang estudyante'y si Basilio, nag- aaral ng medisina, kilala sa mahusay na panggagamot, at kahanga-hangang pagpapagaling sa mga may sakit. Ang isa naman na may malakit malusog EJFilibusterismo ni Jose P. Rizal na katawan, bagama't mas bata kaysa una ay si Isagani. Isa siyang makata, nakatapos sa Ateneo at may ugaling kakaiba, parating walang kibo at lubhang malungkutin. Ang kausap nila'y si Kapitan Basilio na namilí sa Maynila. "Si Kapitan Tiago ay tulad pa rin ng dati," ang sabi ni Basilio na iling- iling pa. "Ayaw po niyang pagamot kaninoman. Sa payo ng kung sinong tao'y pinapunta ako sa San lyong mga tao sa una, kapag Diego, di-umano'y upang tingnan nagmungkahi ka ng isang bagay, ang kaniyang bahay, ngunit ang inisip kaagad ay balakid sa halip totoo'y upang siya'y mapag-isa at na kabutihan." iri-sagani makahithit ng apyan." Ang sinasabing kung sinong tao ay si Padre Irene na matalik na kaibigan at tagapayo ni Kapitan Tiago sa mga huling araw nito. "Ang apyan ay isang salot ng bagong panahon," ang sagot ng kapitan. "Kilala rin ng matatanda angapyan datapwat walang nagpakalabis ng paghitit niyan noong una. Ito'y gamot lamang noon. Ang mga Tsino lamang ang may bisyo nito. Ang mga Tsino, ang mga Tsino na hindi nakakaalam ng isa mang Latin! At kung pinag-aralan lamang ni Kapitan Tiago si Ciceron!" "Magbalik tayo sa pinag-uusapang Akademya ng Wikang Kastila" ang wika ni Kapitan Basilio. "Tinitiyak kong hindi ito maisasakatuparan." "Maisasakatuparan po," ang tugon ni Isagani, "hinihintay na lamang namin ang pahintulot, kung hindi ngayon ay bukas. Niregaluhan na namin si Padre Irene ng dalawang kabayong kastanyo, siya ang nangako sa amin na makikipagkita sa Heneral." "Sasalungatin iyan ni Padre Sibyla!" "Bayaan ninyong salungatin! Kaya nga naririto iyan sa bapor ay para makipagkita sa Heneral na nasa Los Baños," ang wika ni Basilio at pasuntok na pinagtama ang dalawang kamay. "Makakuha man kayo ng pahintulot, saan naman kayo kukuha ng salaping gugugulin?" "Mayroon na po, aambag ng sikapat ang bawat estudyante." "At ang mga magtuturo?" "Mayroon na rin po. Ang kalahati'y Pilipino at ang kalahati'y Kastila." "At ang paaralan?" "Ang mayamang si Macaraig ay nag-alok ng isa sa kaniyang mga bahay." Napapaniwala at napatango ng pagsang-ayon si Kapitan Basilio. Naihanda nang lahat ng mga estudyante ang kailangan. "Kung sa bagay, hindi masama ang panukalang iyan, ngayong hindi na mapag-aralan ang Latin, ay pag-aaralan naman ang wikang Kastila. ¢16> Kabanata 2:Sa |lalim ng Kubyerta Diyan makikilala, tukayo, na tayo'y lumalakad nang paurong. Nang panahon namin, nag-aaral kami ng Latin sapagkat ang aklat ay nasusulat sa Latin. Ngayon, nag-aaral kayo ng kaunting Latin, wala naman kayong mga aklat na Latin. Samantalang ang inyong mga aklat ay Kastila hindi naman itinuturo ang Kastila." Pagkasabi nito'y lumayong nagmamalaki na wari'y emperador na Romano. "Iyong mga tao sa una, kapag nagmungkahi ka ng isang bagay, inisip kaagad ay balakid sa halip na kabutihan. Ibig nilang makuha ang lahat na parang bola ng bilyar, makinis at mabilog" ang puna ni Isagani. "Kabagang yata iyan ng amain mo," ani Basilio. "Ano nga pala ang sabi ng amain mo ukol kay Paulita?" Namula si Isagani. "Sinermunan ako sa pagpili ng mapapangasawa. Sinabi kong walang kapantay si Paulita sapagkat maganda, mayaman, marunong, masayahin. Lahat na yata ay nasa kaniya na, pero may isang Tiya na napakasungit," natatawang sagot ni Isagani. Natawa rin si Basilio. Nasabi rin ni Isagani na nagpapatulong ang Donya sa paghahanap sa asawa. Sa bahay ng amain ni Isagani nagtatago si Don Tiburcio. Iyan ang dahilan kung bakit ayaw umakyat sa kubyerta ng matalino niyang amain. Nilalayuan niya si Donya Victorina. Sa lalapit sa kanila si Simoun, na kapapanaog lamang. Ipinakilala ni Basilio si Isagani. Sinabi niyang magkalapit lamang ang bayan nila dahil ito'y tagakabilang baybayin lamang. Hinarap ni Simoun si Isagani at kinumusta ang kanilang lalawigan. Itinanong kung totoong ang mga tao roo'y hindi makabili ng alahas dahil sa karalitaan, na siyang ikinainis ng binata.1 "Hindi nga po bumibili sapagkat hindi naman kailangan," ang matabang na tugon ni lsagani. Napangiti si Simoun. At sinabing huwag sana niyang ikasama ng loob ang bagay na iyon, sapagkat hindi niya ibig na makasakit ng damdamin. Kaya lamang, batid niya ang kalagayan ng isang lalawigan dahil sa ang mga kura doon ay mga Pilipino. At sa ikalulusog ng lalawigan ay inanyayahan ni Simoun na uminom ng serbesa ang dalawang binata. Sumama ang loob ni Simoun nang tumanggi ang dalawa, kaya't binanggit niya ang winika ni Padre Camorra na ang pag-inom ng maraming tubig ang sanhi ng kawalan ng sigla ng mga tao sa Pilipinas. Napuna ni Basilio na nagpormal si Isagani. "Sabihin ninyo kay Padre Camorra, na makabubuti sa kaniya ang pag-inom ng tubig sa halip na serbesa upang makaiwas sa tsismis ng mga relihiyoso," wika ni Basilio. lto'y dinugtungan pa ni Isagani. "At sabihin din ninyo sa kaniya na ang tubig ay matamis at naiinom, ngunit lumulunod sa alak at serbesa at pumapatay ng apoy. Kapag pinainit EI Filibusterismo ni Jose P. Rizal ay kumulo, at kapag pinagalit ay nagiging malawak na dagat at maaaring magwasak ng sangkatauhan at magpayanig sa mundo." Napansin ang paghanga ni Simoun, ngunit itinanong niya kung kailan magiging singaw at kung kailan magiging dagat ang tubig, sapagkat baką itanong din sa kaniya ni Padre Camorra. Sumagot si Isagani, "Kapag pinaini ng apoy at kapag ang maliliit at watak-watak na ilog ay nagkaisang bumuhos dulot ng kasawian sa banging hinuhukay ng tao," ang sagot ni Isagani. "Huwag, G. Simoun," ang dugtong ni Basilio at idinaan sa biro angusapan. "Ang mabuti pa'y ulitin ninyo sa kaniya ang tulang ito ni lsagani:" Tubig kami, sabi ninyo, kayo'y apoy: Sundin kayo, kung gusto ninyong gayon! Mamumuhay tayong sama-sama sa katahimikan At nang dingas tayo ay makitang di-nagbabangay Sa talisik ng agham tayo'y pinagbuklod Sa mga kalderong may init na kulob. Ni wala ngang galit, walang dahas. Gawin tayongsingaw na panlimang sangkap- Buhay at liwanag, kilusan sa pag-unlad. "Ang makinay wala pa, at ang lahat ay pangarap lamang" biglang sagot ni Simoun at saka iniwan ang dalawa nang walang paalam. "Bakit mapusok ka ngayon?" tanong ni Basilio. "Aywan ko, para akong natatakot sa taong iyan," ang sagot ni Isagani. "Hindi mo ba siya kilala? Siya ang madalas tawaging Kardenal Moreno, sapagkat tagapayo ng Kapitan Heneral." "Totoo?" ang pamanghang tanong ni Isagani. "Ganyan ang naririnig ko sa mga taong pumupuri sa kaniya kapag nakaharap, at kapag nakatalikod, siya'y minumura." "Dinadalaw rin ba niya si Kapitan Tiago?" ". ang tubig ay matamis at naiinom, ngunit lumulunod sa alak at serbesa - at pumapatay ng apoy. Kapag pinainit ay kumukulo at nagigingsingaw, atkapag pinagalit ay nagiging malawakna dagat at maaaringmagwasak ng sangkatauhan at magpayanig sa mundo. -lsagani Kabanata 2: Sa lalin ng Kubyerta "Oo, una niyang dinalaw iyan nang dumating dito kaya napaghinalaan na magiging kaagaw siya sa mana. Kakausapin siguro niya ang Kapitan Heneral upang alamin ang tungkol sa wikang Kastila." Isang utusan ang nagsabi kay Isagani na siya'y ipinatatawag ng kaniyang amain. Si Padre Florentino ay isa sa mga sakay ng bapor na nooy nagmamasid sa magagandang tanawing nadaraanan. Palibhasa'y pinagpipitaganan kaya lagi siyang pinagpupugayan ng mga lalaki. Ang paring ito'y hindi mapagmataas, hindi nahihiyang makihalo sa ibang tao, maayos at malumanay na tumutugon sa mga nagpupugay sa kaniya. Ang ikinaiba niya sa ilang mga paring Indio ay ang pagpapahalaga sa kaniyang karangalan at kabanalan ng kaniyang tungkulin. Mababakas ang simple niyang buhay at kapanatagan ng loob at may iniingatan siyang kasaysayan. Siya'y anak ng isang mayaman, at nabibilang sa mataas na lipunan sa Maynila. Dahil sa panata ng kaniyang ina, na kaibigan ng arsobispo, ay pinilit siyang magpari. Lahat ng dahilan at paraan ay kaniyang ginawa, at sinabi pang siya'y may katipan. Ngunit hindi siya dininig ng ina hanggang mapilitan siyang mag-aral ng pagpapari at natapos niya ito sa gulang na 25 taon. Buong karingalan niyang idinaos ang una niyang misa. Pagkalipas ng ilan pang araw ay namatay ang kaniyang inang masaya kaya't lahat ng yaman at pag-aari ay naiwan sa kaniya. Ang lahat ng biyayang ito'y hindi nakapagpatighaw sa sugat ng kaniyang damdamin. Ilang linggo bago niya isinagawa ang unang misa ay nag-asawa ang kaniyang katipan, na sa sama ng loob ay hindi na namili ng lalaking nakataling puso. Ito na ang pinakamatinding dagok ng kapalaran sa kaniyang buhay, at naging gabay niya sa pagiging mabuting pari. Nang maganap ang kaguluhan noong 1872, nangamba siyang baka makatawag ng pansin ang kaniyang parokya dahil sa malaking kinikita nito. Dahil dito, humingi siya ng pahintulot na magretiro. Namuhay siya nang tahimik sa lupaing minana sa kaniyang ina. Dito niya inaruga at pinalaki si Isagani, na kaniyang pamangkin, ngunit sa mga makakating dila, si Isagani raw ay anak niya sa dating katipan nang ito'y mabiyuda. Ang iba nama'y nagsasabing anak sa pagkadalaga ng isa niyang pinsan na taga-Maynila. Nakita ng kapitan ng bapor si Padre Florentino, at pilit na pinaakyat sa kubyerta upang makahalubilo ng iba pang mga sakay. Hindi siya nakatanggi kaya't ipinasabi sa pamangking huwag pakikita sa kapitan para hindi na ito anyayahan pa. "Ayaw lamang niyang makausap ako ni Donya Victorina," ang bulong ni Isagani. 19> EIFilibusterismo ni Jose P. Rizal Gabay sa Pag-aaral Payamanin Natin A. Pilin at salungguhitan ang titik na kasingkahulugan ng salita sabavs bilang. 1. kubyerta a. ibabaw ng barko c. ilalim ng barko b. gitna ng barko d. dulo ng barko 2. manlalakbay a. turista 5 2h c. biyahero b. pasahero d. dayuhan 3. tukayo 2h hia. kaibigan b. c. kalahi kapangalan d. katulad 24.apyaneltkahd d LÀRO a. damo c. sigarilyo 31it b. gamot d. bawal na gamot 5. balakid o1a. problema C. painL-lie* ASb1b. hadlanghgig d. harang B. Isalin sa wika ng inyong rehiyon o lugar ang katumbas ng mgasalitang binigyan ng kahulugan sa pagsasanay A. Isulat ito sa kuwaderno at gamitin sa pangungusap. 20]> Kabanata 2: Sa |lalim ng Kubyerta Pag-usapan Natin itshtrygnst Sagutin ang sumusunod na mga tanong. 1. Ilarawan ang kalagayan ng mga pasahero sa ilalim ng kubyerta. 2. Ano ang ipinagkaiba ng mga pasahero sa ibabaw at ilalim ng kubyerta? 52 3. Bakit napangiti si Simoun sa sinabi ni Isagani na kaya di namimili ng alahas ang mga kababayan niya'y dahil hindi nila ito kailangan? 4. Ano ang diwa ng tula ni Isagani na binigkas ni Basilio? 5. Bakit punong-puno ng pag-asa ang kabataan na ipagkakaloob ang kanilang kahilingang magkaroon ng Akademya ng Wikang Kastila? 6. Saan nagugumon si Kapitan Tiago? Bakit? EIFilibusterismo ni Jose P. Rizal Pahalagahan Natin Basahin ang mga talinghaga at sagutin ang mga tanong kaugnay ng mgaito, 1. "Ang tubig ay matamis at naiinom, ngunit lumulunod sa alak at serbet at pumapatay ng apoy. Kapag pinainit ay kumukulo, at kapag pinagalit ay nagiging malawak na dagat at maaaring magwasak ng sangkatauhan at magpayanig sa mundo." a. Paano mo ito iuugnay sa damdamin ng mga bayani noon? b. Maiuugnay mo rin kaya ito sa damdamin ng mga kabataan sa kasalukuyan? Ipaliwanag. 2. "Ang apyan ay salot ng bagong panahon." a. Bakit bagong panahon? lugnay mo ito sa kasalukuyan.o b. Ano-ano ang hindi magandang naidudulot ng apyan sa lipunang s dooPilipinongayon?lua C. Paano ito masusugpo ng pamahalaan? d. Paano makatutulong sa pamahalaan ang mga magulang at ang komunidad laban sa ipinagbabawal na droga? Kabanata 2:Sa |lalimng Kubyerta Pagpapatibay sa Aralin A. Bilugan ang wastong sagot sa loob ng kahon. 1. Ang mga pasaherong nasa ilalim ng kubyerta Pilipino at Tsino Kastila at Amerikano Amerikano at Pilipino Hapones at Tsino 2. Ang prayleng niregaluhan ng dalawang kabayong kastanyo Padre Sibyla Padre Irene Padre Camorra Padre Salvi 3. Ang kaibigan at tagapayo ni Kapitan Tiago Padre Camorra Padre Salvi Padre Sibyla Padre Irene 4. Bansang ang bisyo ay apyan Pilipino Europeo Tsino Kastila 5. Ang kagalang-galang na matandang kausap ng dalawang estudyante Kapitan Tiago Kapitan Basilio Kapitan ng barko Padre Florentino 6. Akademya na pinapangarap ng mga estudyante Akademya ng Wikang Ingles Akademya ng Wikang Kastila Akademya ng Wikang Filipino Akademya ng Wikang Pranses 23 EIFilibusterismo ní Jose P. Rizal 7. Ang prayleng salungat sa pagkakaroon ng Akademya ng Wika kang Kastila sa Pilipinas Padre Camorra Padre Salvi Padre Sibyla Padre Irene 8. Ang nag-alok ng bahay para sa akademyang nilalakad ng mg estudyante Padre Irene LMacaraig Basilio Isagani 9. Ang paring Pilipino na ipinatawag sa silong ng kubyerta Padre Camorra Padre Florentino Padre Irene Padre Martin 10. Ang iba pang tawag kay Simoun ayon kay Basilio Kardenal Moreno Tagapayo mulatong Amerikano Yankee B. Ilahad ang kahinaan at kalakasang ipinamalas ng bawat tauhan. Isagani Basilio Kahinaan Kalakasan Kahinaan Kalakasan e24 Kabanata 2.Sa |lalim ng Kubyerta Simoun Kapitan Basilio Kahinaan Kalakasan Kahinaan Kalakasan Karagdagang Gawain A. Magsaliksik tungkol sa apyano opyum. Saan ito nanggaling? Paano ito nakarating sa Pilipinas? Noong panahon ng mga Kastila, may batas bang nagbabawal sa paggamit nito? Ipinaiiral ba? lugnay sa Pilipinas sa kasalukuyan ang batas na ipinaiiral kaugnay ng paggamit ng apyan o opyum. Talakayin ang mga nasaliksik sa klase. B. Isagawa ang mga pagsasanay. 1. Gumawa ng iskrip ng sagutan nina Isagani at Simoun sa ilalim ng kubyerta. Isadula ito sa klase. 2. Iguhit ang hitsura ng ilalim ng kubyerta at sumulat ng maikling paglalarawan tungkol dito. Ipasa ito sa guro. 3. Magsagawa ng dula-dulaan ng kampanya laban sa droga na isinasagawa sa inyong pamayanan o rehiyon. 25> OA M

Use Quizgecko on...
Browser
Browser