Document Details

InvigoratingCamellia

Uploaded by InvigoratingCamellia

Saint Jude Catholic School

Jose P. Rizal

Tags

Filipino literature El Filibusterismo Rizal Tagalog literature

Summary

This is a chapter from the novel *El Filibusterismo*, by Jose Rizal. The chapter details the events on a boat on the Pasig River. It describes people and social issues prevalent at the time and emphasizes themes like cultural clashes and social inequality.

Full Transcript

Sa Kubyerta sang umaga ng Disyembre, ang bapor Tabo ay mabagal at hirap na hirap sa pagsalunga sa mauliuling agos ng ilog Pasig sakay ang maraming taong patungo sa lalawigan ng Laguna. Tulad ng bilog na panalok ang hugis ng bapor Tabo na pinagha...

Sa Kubyerta sang umaga ng Disyembre, ang bapor Tabo ay mabagal at hirap na hirap sa pagsalunga sa mauliuling agos ng ilog Pasig sakay ang maraming taong patungo sa lalawigan ng Laguna. Tulad ng bilog na panalok ang hugis ng bapor Tabo na pinaghanguan ng pangalan nito. Sa kabila ng pinturang puti na nakakulapol sa katawan, marusing pa rin itong pagmasdan bagama't nagmumukhang maharlika dahil sa kabagalan. Kahit na ganoon, tinitingnan pa rin siya sa lugar na yaon nang may pagmamahal, marahil dahil sa ang pangalan niya'y Tagalog at taglay ang pag-uugaling Indio. 4 st o gn Ang mapalad na bapor ay katutubong Pilipino! Mapagkakamalan ang sasakyang ito na daong ng pamahalaan, at ginawa sa pamamahala ng mga prayle at mayayaman. A Malamig at maaliwalas ang araw na nagpapakinang sa tubig ng ilog at ang simoy ng hangin ay nagpapagalaw sa mga kawayang tumutubo sa magkabilang pampang. Ang maputing katawan ng bapor ay nagbubuga ng makapal at maitim na usok. Sa bawat sandali'y sumisipol na tila haring nag-uutos nang pabulyaw. Dahil sa ingay, hindi magkarinigan ang mga sakay na karamiha'y mga Indio, Tsino, at mga mestisong nagsisiksikan sa pagitan ng mga kalakal at kargamento. Lahat ng masalubong ay waring ibig sagasaan tulad ng salambaw (mga yayat na gamit sa pangingisda). Kung minsa'y panatag sa paglalayag ang barko ngunit walang ano-ano'y nayuyugyog at nawawalan ng panimbang ang mga pasahero. EIFilibusterismo ni Jose P. Rizal Sa ibaba ng kubyerta, nagsungaw ang mga kayumangging mukha, maiitim na ulo, mga Indio, mga Tsino, at mga mestisong nagsisiksikan kasama ang lulang mga kalakal at kaban. Sa itaas naman ng kubyerta at sa ilalim ng habong na nagbibigay-lilim sa kanila'y nangakaupo sa mga maginhawang silyon ang ilang manlalakbay na nakasuot-Europeo, mga prayle, at mga kawani na ang bawat isa'y humihithit ng tabako samantalang nagmamasid sa mga tanawin. Parang di nila napupuna ang paghihirap ng kapitan at mga marinero na maiwasan ang mga balakid sa ilog. Ang kapitan ng barko ay isang taong kagalang-galang, may edad na. Dati siyang batang marinero na noong kaniyang kabataa'y naglakbay na sa malalawak na karagatan, lulan ng matutuling sasakyang-dagat, at ngayong matanda na, kailangan ng lalong pag-iingat at pagmamasid upang maiwasan ang kaliit-liitang mga panganib. Ang kapita'y tulad ng isang beteranong matapos mamuno sa mga kawal sa mapanganib na pakikidigma'y naging tagapag-alaga na lamang ng isang batang sumpungin, matigas ang ulo, at tamad! Si Donya Victorina, ang tanging ginang na nakaupo sa pangkat ng mga Europeo, ang siyang makapagsasabi kung ang bapor Tabo ay tamad at sumpungin. Si Donya Victorina ay nerbiyosa kaya nagbibitiw ng mga panlalait sa mga Indiong sakay ng mga kasko, mga bangka, at mga balsa ng niyog, mga naglalaba, at nagsisipaligong nakayayamot sa kaniya dala ng kanilangkasayahanatkaingayan.Do nga, marahil ang Tabo ay lalakad nangnapakahusaykungwalang mga Indio sa mundo. Hindi niya nababatid na ang nagpapaandar ng barko ay mga Indio at 99 na bahagdan ng mga pasahero'ymga Indio. Siya ma'y Indio rin kung kakaskasin ang mga kolorete sa kaniyang mukha at hindi susuotan ng ipinagmamalaking báta. Nang umagang yaon, inis na inis si Donya Victorina sapagkat di siya pinapansin ng mga pasahero. Naroon ang tatlong prayleng naniniwala na ang buong daigdig ay lalakad nang pabaligtad sa araw na sila'y lumakad nang matuwid. Naroon ang di marunong mapagod na si Don Custodio, magaling mag-isip at maghain ng kaniyang mga panukala; ang manunulat na si Ben- Zayb na naniniwalang siya lamang ang nag-iisip sa Maynila. Naroon ang kanonigong si Padre Irene na namumukod sa mga pari sanhi ng kaniyang mukhang namumula at may ilong na hugis Hudyo. Pinatangkad ang kaniyang tindig ng tabas ng kaniyang sutanang sutla at maraming butones. Naroon din ang isang napakayamang mag-aalahas, si Simoun, na pinaniniwalaang tagapayo at malakas ang kapit sa Kapitan Heneral. Maligayang nag-uusap ang mga sakay at di pansin ang isang Pilipinang nagtatakwil sa kaniyang pagka-Pilipina at nagpapatina ng buhok upang ito'y pumula. Tinatawag din siyang isang Joba ng sinomang makaharap. Umiinit lalo ang kaniyang ulo tuwing maririnig ang pautos na sigaw ng kapitan. 2 Kabanata l:Sa Kubyerta "Baborp! Estriborp!" Kasabay ng mabilis na pagtukod ng mga marinero sa kanilang mahabang tikin upang maiwasan ang pagbangga ng barko. Sa ganitong sitwasyon, ang daong ng pamahalaa'y nawawala ang pagkapagong t nagmumukhangalimango sapag-usadsa tuwing malalapit sapanganib. "Kapitan, bakit gumagawi ang mga timonel sa dakong iyon?" ang nayayamot na tanong ni Donya Victorina. "Bakit hindi tulinan pa ang takbo ng makina?" dagdag ng Donya. "Sapagkat tayo po'y sasadsad sa malawak na bukiring iyan," ang sagot ng Kapitan sabay nguso sa malawak na bukirin. Tanyag sa kapuluan si Donya Victorina dahil sa kaniyang ugaling may kasagwaan. Sa kabila ng kapintasan, pinagtitiisan siya ng mga kausap sa mga pagtitipon dahil sa kaniyang pamangking si Paulita Gomez, isang napakagandat napakayamang dalaga na ulila sa amat ina. Si Donya Victorina ang naging tagapangasiwa sa kaniya-isang matandang dalaga na nagpakasal sa isang Kastilang nagngangalang Don Tiburcio de Espadaña. Labinlimang taon nang may asawa, may pusod na peluka at nakasuot ng damit na halos Europeo. Ang kaniyang lubos na hangarin ay ang magpaka-Europea, kayat mula sa araw ng kaniyang kasal ay unti-unti niyang natamo ang hangaring mabago ang kaniyang anyo. Sa kabila ng mga taon mula nang makasal, ang pilantod na asawa'y nakapagtiis sa mga pananakit at pag-aalipusta ng donya. Isang araw ay hindi na nakatiis ang lalaki at hindi inaasahang hambalusin siya ng saklay nito. Nawalan ng malay si Donya Victorina at nang siya'y mahimasmasan, nakatakas na ang asawa. Ang lalaki'y nasindak sa kaniyang pagbubuhat ng kamay. Lumulan sa unang sasakyang natagpuan, lumipat sa unang bangkang nakita sa ilog, at ang Ulises na Pilipino ay nagpagala-gala sa bawat bayan, lalawigan, at sa iba't ibang pulo. Tumanggap ng balita ang ginang na ang asawa'y nasa lalawigan ng Laguna at nagtatago sa isang bayan, at dahil dito'y pupuntahan niya upang akitin sa tulong ng kaniyang tininang mapulang buhok. Si Ben-Zayb, ang manunulat na mukhang prayle, ay nakikipagtalo sa isang batang pari na mukha namang artilyero. Kapwa sila malakas magsalita, nagkukukumpas, itinataas ang kanilang bisig, ibinubuka ang mga kamay, pumapadyak, tumutukoy sa mga nibel, sa mga baklad ng isda, sa ilog ng San Mateo, sa mga kasko, sa mga Indio, at sa iba't iba pang ikinatutuwa ng mga nakikinig at ikinayayamot naman ng isang Pransiskanong may edad na, napakapayat, at isang matikas na Dominikano na waring nanlilibak ang ngiti. Ang payat na Pransiskano'y nakisabad upang mamagitan sa pagtatalo. "Nalalaman mo ba kung sino ang mga pantas sa mga agham, Ben-Zayb?" ang sabi ng Pransiskano sa tinig na parang nanggagaling sa yungib. Ito'y di halos kumilos sa kaniyang upuan at halos di ikinukumpas ang kaniyang mga EIFilibusterismo ni Jose P. Rizal yayat na kamay. "Nariyan sa lalawigan ang Puente del Capricho na ginawa ng isa naming kapatid. Hindi natapos sapagkat ang mga taong pantas sa agham ay naniniwala sa kanilang mga teorya, pumintas sa tulay na ito na diumano'y di matatag at may kahinaan. Ngunit tingnan ninyo't ang tulay na iya'y nakikipaglaban sa mga baha at lindol." "Iyan nga ang talagang sasabihin ko, puñales!" bulalas ng paring mukhang artilyero na napasuntok nang makailan sa palababahan ng silyang kawayan. "Iyan ang Puente del Capricho at ang mga taong pantas sa mga agham. Iyan ang ibig kong sabihin, Padre Salvi, puñales!" Ang prayleng payat at marumi na si Padre Salvi, ay nagpatuloy sa gitna ng katahimikan. "Hindi ibig sabihin nito'y wala kang gaanong katwiran na tulad ni Padre Camorra, 'paring mukhang artilyero, ang sama ay nasalawa." "Mangyari'y wala ni isa mang maayos na lawa sa lupaing ito," ang sabad ni Donya Victorina. Nagkatinginan ang mga nag-uusap ngunit mabilis na sumagot ang mag-aalahas na si Simoun. "Ang lunas ay napakadali," ang sabi niya na may puntong Ingles na may halong Amerikano sa Timog. "Nagtataka ako kung bakit wala ni sinomang nakaisip nito." 2. Lahat ay napatingin sa kaniya. Ang mag-aalahas ay isang lalaking matangkad, yayat, at may kayumangging kulay. Nakasuot ng damit-Ingles. Maputi ang buhok, taliwas sa kaniyang maitim na balbas, na nagpapatingkad ng kaniyang pagkamestiso. Lagi niyang suot ang isang malaking salamin na kulay asul attumatakip sa malaking bahagi ng kaniyang mukha. Dahil sa kaniyang suot na Ang pulóng itoy hindi na muling salamin sa mata ay nagmumukha maghihíimagsik, bigyan man sila ng siyang bulag o may sakit sa mata. Nakapanimbang at nakabuka ang maramíng gawain at patawan ng dalawang paa at nakapamulsa ang matataas na buwis.." kamay sa tsaleko. Simoun "Ang lunas ay napakadali at walanggastosna malaki."get Sinasabi sa lipunan sa Maynila na ang lalaking ito ang siyang nakapangyayari sa Heneral, at ang lahat ay nagpapalagay na ang lunas ay malapit nang maisakatuparan. Pati na si Don Custodio ay napalingon. xL "Humukay ng isang matuwid na kanal buhat sa bunganga ng ilog Pasig hanggang sa labasan at daraan sa Maynila. Magbukas ng isang bagong ilog at tabunan ang dating ilog Pasig. Makatitipid ng upa, mapaiikli ang daraanan at maiiwasan ang pagtaas ng buhangin na nagiging sanggá sa ilog." Nakalitosalahatangpanukalang ito.iE senl Kabanata IS.Kubyerta "Isang panukalang yankee," ang puna ni Ben-Zayb na nais mabigyang kasiyahan si Simoun. Lumagi nang mahabang panahon sa Hilagang Amerika ang mag-aalahas. Ang lahat ay nagpapalagay na ang panukalang ito ay kakaiba. Tanging ang liberal na si Don Custodio ang nag-akalang dapat salungatin ang isang panukalang di nagmula sa kaniya. "Sa panukalang ito'y napakaraming kuwalta ang magugugol at marahil ay mapipilitan tayong sumira ng mga kabayanan." "Puwes, sumira!" ang sagot ni Simoun. "At ang salaping ibabayad sa mga manggagawa?" "Huwag silang bayaran. Gamitin ang mga bilanggo at bihag..." "Hindi makasasapat, G. Simoun!" "Kung hindi sasapat, ang taong-bayan, ang mga bata, binata, at mga matatanda'y pagawain. Sa halip na 15 araw ng sapilitang paggawa ay pagawin sila ng tatlo, apat o limang buwang ukol sa pamahalaan. Bukod dito, pilitin ang bawat isa na magdala ng pagkain at kani-kanilang kasangkapan." Nasisindak na luminga-linga si Don Custodio upang tingnan kung may nakarinig na Indio. Sa kabutihang-palad, ang naroróon ay mga magsasaka, at dalawang timonel na waring abalang-abala gawa ng paliko-likong ilog. "Ngunit, G. Simoun..." si 9 "Huwag ninyong lokohin ang inyong sarili, Don Custodio," ang patuloy ni Simoun. "Sa ganyang paraan lamang naisasakatuparan ang malaking gawain, sa munting gugol. Sa ganyang paraan nayari ang malalaking piramide ng Ehipto, ang lawang Moeris, at ang Coliseo sa Roma. Lahat ay ginawa sa pamamagitan ng latigo ng pamahalaan." "G. Simoun, ang ganyang mga paraa'y maaaring magbunga ng paghihimagsik," ang puna ni Don Custodio. "Nag-alsa na ba kahit minsan ang bayang Ehipto? Maging ang mga bilanggong Hudyo laban sa mapagkawanggawang si Tito? Nabasa ba ninyo ang kasaysayan?" Si Don Custodio ay nakalimot sa sarili at tumugon. "Pero hindi na kayo kaharap ng mga taga-Ehipto at ng mga Hudyo." "Ang lupaing ito'y hindi miminsang naghimagsik laban sa sapilitang paggawa," ang dugtong ng Dominikano. "Matagal na ang panahong yaon," ang tugon ni Simoun na tumatawa nang tuyot. "Ang mga pulóng ito'y hindi na muling maghihimagsik, bigyan man sila ng maraming gawain at patawan ng matataas na buwis... Hindi ba ninyo pinupuri sa akin, Padre Salvi," ang tanong niya sabay baling sa payat na Pransiskano, "ang bahay at ang pagamutan sa Los Baños na ngayo'y kinaroroonan ng kaniyang Kamahalan ay mula sa sapilitang paggawa ng mamamayan doon?" t: EIFilibusteriemoni Jose f. Rizal Iginalaw ni Padre Salvi ang kaniyang ulo at tuminging namamangha sa nagtatanong. "Hindi ba sinabi ninyo sa akin na ang dalawang gusali'y itinayo sa pamamagitan ng pagpilit sa mga taong mula sa iba't ibang bayan na gumawa roon sa ilalim ng kapangyarihan ng isang mangmang? Malamang na ang Puente del Capricho ay itinayo sa gayon ding paraan. At magsabi kayo, naghimagsik ba ang bayang ito?" "Sila'y nagsipag-alsa na noong araw... ang nakaraan ay dapat gawing panuntunan!" pagsasalita ng Dominikano. "Hindi, hinding-hindi!" ang patuloy ni Simoun habang umaakmang manaog sa kamarote. "Ang nasabi ay nasabi na. At kayo, Padre Sibyla, huwag kayong bumanggit ng mga pangangatwirang pawang katunggakan. Bakit naririto kayong mga prayle kung maaaring maghimagsik ang bayan?" ang pagtatapos ni Simoun. Yaon ang kauna-unahang pagkakataong siya, na Vice-Rector ng Unibersidad, ay napagsabihang nagsasalita ng mga kabalbalan. Si Don Custodio ay nagkulay luntian; sa alinmang pulong na kaniyang dinaluhan ay di siya nakatagpo ng gayong kalaban. Iyo'y kalabisan. "Isang mulatong Amerikano!" ang naibulalas niya nang paungol. "Indiong Ingles!" ang puna ni Ben-Zayb sa mahinang tinig. "Amerikano ang sabi ko sa inyo," ang payamot na tugon ni Don Custodio. "Iya'y nasabi sa akin ng Kaniyang Kamahalan. Siya'y isang mag-aalahas na kaniyang nakilala sa Habana at sa aking hinala ay nagbigay sa kaniya ng katungkulan at nagpahiram ng kuwalta. Kaya nga upang makaganti ng utang na loob ay isinama rito upang mabigyan ng pagkakataong madagdagan ang kaniyang kayamanan sa pamamagitan ng pagtitinda ng mga brilyanteng huwad, ano'ng malay natin! Siya'y isang taong napakawalang utang na loob na matapos makuha ang kuwalta ng mga Indio ay ibig pang... Hu!" at tinapos ang pagsasalita na sinabayan ng pagkumpas ng kamay na makahulugan. Walang sinomang nakapangahas makisali sa ganitong mga parinig. Si Don Custodio lamang ang maaaring makipagtalo sa Kaniyang Kamahalan. "Ang ginoong ito, palibhasa'y isang Amerikano, ay tiyak na nagpapalagay na tayo'y tumutukoy sa mga Indio sa Amerika... at talakayin ang mga bagay na ito sa isang bapor pa naman! Ipag-utos pilitin at gipitin ang mga tao. Iyan ang nagpayo na magpadala ng ekspedisyon sa Carolinas at ng kampanya sa Mindanao na siyang magbibingit sa atin sa karumal-dumal na karukhaan... at siya ang nagkusang tumulong sa pagyari ng crucero (sasakyang pandigma), ano ang malay ng isang mag-aalahas, kahit na anong yaman at galing niya sa pagyari ng mgasasakyang-dagat?" Ang lahat ng ito'y sinąsabi ni Don Custodio sa pilit na tinig para sa katabing si Ben-Zayb. Ang kanonigong si Padre Irene ay ngumingiti ng isang Kabanata I: Sa Kubyerta ngiting may pag-aalinlangan na halos ikinukubli sa pamamagitan ng kamay na inihahaplos sa kaniyang ilong. "Sinasabi ko sa iyo, Ben-Zayb," ani Don Custodio samantalang inaalog ang bisig ng manunulat, "ang lahat ng sama rito ay nagmumula sa hindi pagsangguni sa mga ginoong naninirahan sa lupaing ito nang mahabang panahon. Isang panukalang mula sa matatamis na salita at lalong-lalo na ng isang guguling malaking halaga ay nakabubulag at tinatanggap kaagad." Ganyan nga marahil, ang sa palagay ni Ben-Zayb ay dapat niyang isinagot bilang isang mamamahayag. "Tingnan ninyo, bago simulan ang mga gawain sa daungan ay nagharap ako ng isang tunay na panukalang walang gastos, kapakipakinabang, matipid, at maisasagawa upang linisin ang mahabang wawa sa Laguna (Barra de la Laguna). Hindi ito pinagtibay sapagkat wala nito sa lawa. Nakakita na ba kayo ng kapahamakang katulad niyan?" "At maaari bang malaman kung ano iyan?" Halos hindi ibig ipaalam ni Don Custodio ang panukalang ito dahil nagdamdam siya sa di pagkakaroon ng mga kasang-ayon sa kaniyang mga pasaring laban kay Simoun. Kapag walang panganib ay ibig ninyong ako'y magsalita? At kapag mayroon naman ay di kayo kumikibo? Iyan ang kaniyang sasabihin. Ngunit mawawalan siya ng isang mabuting pagkakataon at ang panukala, yayamang di maaaring isagawa, ay maipaalam at mahangaan man lamang. "Nakakita na ba kayo ng mga pato?" "Sa palagay ko, nakabaril kami ng mga iyan sa lawa," ang sagot ni Ben-Zayb. "Hindi, hindi ako tumutukoy sa mga patong bundok. Iyong mga maaamo ang tinutukoy ko, yaong inaalagaan sa Pateros at sa Pasig At nalalaman ba ninyo kung ano ang kanilang kinakain?" Hindi ito nalalaman ni Ben-Zayb, ang tanging ulong nag-isip--hindi siya nag-aaksaya ng panahon sa ganitong hanapbuhay. "Mga susóng maliliit, tao kayo, mga susóng malilit!" ang tugon ni Padre Camorra. "Hindi kailangang maging Indio upang iya'y malaman, sapat na ang pagmamasid." "Tama, mga susóng malilit!" ang ulit ni Don Custodio na iginagalaw ang hintuturo. "At alam ba ninyo kung saan kinukuha ang mga susóng maliliit na iyan?" Ito'y hindi rin nalalaman ng ulong nag-iisip. "Kung ang mga taong itinira ninyo sa lupaing ito'y kasintagal ng sa akin, malalaman ninyo na ang mga susóng malilit ay kinukuha sa wawa. Sagana at kahalo ng buhangin ang mga susóng ito." "At ang iyong panukala?" EIFilibusterismo ni Jose P. Rizal "lyan ang ipaliliwanag ko. Pipilitin kong ang lahat ng bayangmagkakatab ay mag-alaga ng pato at makikita ninyo kung paanong ang mga hayop na ito sa kanilang sarili, ay mapalalalim ang wawa sa pamamagitan ng panginginai ng susóng maliliit." Si Don Custodio ay nagbuka ng dalawang bisig at nasisiyahang tumingi sa mga nakikinig sa kaniyani isa man sa kanila ay walang nakaisip ng ganito "Mapahihintulutan ba ninyo akong sumulat ng isang lathalain tungko sa bagay na iyan?" ang tanong ni Ben-Zayb. "Ang lupaing ito'y di gaanong nakapag-iisip." "Pero, Don Custodio," sabad ni Donya Victorina na kumendeng-kendeng at kumiling-kiling "Kung lahat ay mag-aalaga ng mga pato, darami ang mga balot. Ay, nakapandidiri! Mabuti pa'y matabunan na ang wawakaysa magkaroon ng maraming nakadidiring balot," wika ni Donya Victorina. Gabay sa Pag-aaral Payamanin Natin A. Lagyan ng nawawalang titik ang mga patlang upang mabuo ang kasingkahulugan ng mga salitang may salungguhit. 1. Hirap sa pagsalunga ang bapor sa alon. p---b-n n 2. Masagwa ang pagkakulapol ng pintura sa barko. |p-g--p-h-d 3. Mapanlibak ang ngiti niya. olu w t TeistW thot -P--- k 8 Kabanata l:Sa Kubyerta 4. Mulato ang kulay ni Simoun. k-y–m–-8- 5. Ang wawa ay di dapat sirain. -ung ga ng -lo. B. Isalin sa wika ng inyong rehiyon o lugar ang katumbas ng mnga salitang binigyan ng kahulugan sa pagsasanay A. Isulat ito sa kuwaderno at gamitin sa pangungusap. Pag-usapan Natin la isguiimisds zin otk & epsIt:dit.uEm sr thrt! Sagutin ang sumusunod na mga tanong. 1. Bakit tinawag ang bapor na "daong ng pamahalaan?" 2. Bakit inihalintulad sa isang alimango ang "daong ng pamahalaan?" -Ano ang nais ipahiwatig ni Rizal tungkol sa takbo ng pamahalaan at usad ng Plipinas noon? 3. Bakít walang pasaherong Indio (Pilipino) sa kubyerta maliban kay Donya Victorina? EJ Filibusterismo ni Jose P. Rizal 4. Ano ang pakay ni Donya Victorina sa pagpunta sa Laguna? 5. Sino si Simoun? Ilarawan ang kaniyang katauhan. 6. Ano-ano ang reaksiyon ng mga kausap ni Simoun sa kaniyang panukala> 7. Sa iyong palagay, may katwiran ba si Simoun sa ibinigay niyang panukala? Pangatwiranan ang iyong sagot. 8. Ano ang nais ipakahulugan ni Simoun nang sabihing, "Ang pulong ito'y hindi na muling maghihimagsik, bigyan man sila ng maraming gawain at patawan ng matataas na buwis...?" Pahalagahan Natin Sagutin at ipaliwanag ang sumusunod. 1. Ipaliwanag: "Lahat ay ginagawa sa pamamagitan ng latigo ng pamahalaan." 2. Ano ang nais ilahad ni Rizal sa kalagayan ng mga Pilipino noon kaugnay ng sapilitang paggawa? Kabanata I:S Kubyerta 3. Anong karapatan ang nilalabag dito? May ganito bang kalagayan sa kasalukuyan? Ano ang katangian ni Donya Victorina na hindi nararapat sa isang Pilipina? 4. Makabubuti ba sa panahon ngayon ang panukala ni Simoun na gumawa ng tuwid na kanal mula sa Lawa ng Bai hanggang Look ng Maynila? Bakit? Pagpapatibay sa Aralin A. Punan ang bawat patlang ng wastong sagot. 1. Pangalang. ang bapor Tabo at "taglay" nito ang pag- uugaling Indio. 2. Itinuturing na ang bapor dahil sa mabagal na pag- usad nito. 3. Tinalikdan ni ang pagiging Pilipino upang matawag na babaeng Europea. 4. Si ang paring Pransiskano na payat at nanlilimahid. 5. Ang paring mukhang artilyero ay si, 6. Ang paring Dominikano at Vice-Rector ng unibersidad ay si 7. Ang mag-aalahas ay si EIFilibusterismo ní Jose P. Rizal 8. Ang tawag ni Don Custodio kay Simoun ay 9. Si ang nagsasabing siya lamang ang nag-iisip sa Maynila. 10. Ang tauhang nasusuklam sa mga balot ay si B. Magbigay ng konsepto o ideyang kaugnay ng salitang nasa loob ng kahon. TABO Kabanata I: Sa Kubyerta C. Ilarawan ang paligid ng lawa habang naglalakbay ang bapor. lugnay Natin Talakayin sa klase: 1. Ipinahiwatig ni Rizal na usad alimango ang Pilipinas noon, paano mo ito iuugnay sa ngayon? 2. Sino-sino ang dapat sisihin sa mabagal na pagpapatupad ng mga gawaing pambayan? Bakit? Karagdagang Ganwain Isagawa ang pagsasanay. 1. Magpangkat ang klase at magsagawa ng impormal na pagtatalo. 2. Piliin kung alin sa mga panukala nina Simoun at Don Custodio ang nararapat sundin upang mapabilis ang paglalakbay. Shabanala Sa Ilalim ng Kubyerta a ibaba ng kubyerta ay iba naman ang nangyayari. Nakaupo sa mga bangko at maliliit na luklukang kahoy ang mga pasahero, katabi ng mga maleta, tampipi, at mga bakol, mga ilang hakbang lamang ang layo sa mainit na makina at sa gitna ng sarisaring amoy ng mga tao at mabahong langis, naroon ang makapal na taong sakay. Ang ilan ay tahimik na nagmamasid ng tanawin sa magkabilang pampang, may mga nagsusugal, nakikipag-usap sa gitna ng kalatog ng pala, ugong ng makina, bulwak ng tubig na nahahalukay at waring paswit ng bapor. Sa isang sulok ay nakahigang animo'y patay, nagsisitulog o nagtatangkang makatulog ang mga mangangalakal na Tsino--nangahihilo, namumutla, at naliligo sa pawis. Naroon din ang ilang kabataan, karamihan ay nagsisipag-aral na makikilala ayon sa maayos na pananamit na lubharng maputi. Nangag-uusap na masaya dahil sa nalalapit nilang pagbabakasyon. Naroong magtalo ukol sa galaw ng makina na parang ginugunita ang kanilang napag-aralan sa pisika, naroong paligiran nila ang mga batang kolehiyala, at bulungan ng mga nakatatawa at nakapagpapatakip sa kanilang mga mukha ng kanilang pamaypay. Gayon ma'y may dalawang estudyarnte na sa halip na harapin ang ganoong mga gawain ay nasa dakong proa at nakikipagtalo sa isang matanda n, ngunit malakas pa't tuwid ang tindig. Ang isang estudyante'y si Basilio, nag- aaral ng medisina, kilala sa mahusay na panggagamot, at kahanga-hangang pagpapagaling sa mga may sakit. Ang isa naman na may malakit malusog EIFilibusterismo ni Jose P. Rizal na katawan, bagama't mas bata kaysa una ay si Isagani. Isa siyang maka nakatapos sa Ateneo at may ugaling kakaiba, parating walang kibo at biha, malungkutin. Ang kausap nila'y si Kapitan Basilio na namilí sa Mavnilla "Si Kapitan Tiago ay tulad pa rin ng dati," ang sabi ni Basilio nai na iling- iling pa. "Ayaw po niyang pagamot kaninoman. Sa payo ng kung sinong tao'y pinapunta ako sa San lyong mga tao sa una, kapag Diego, di-umano'y upang tingnan nagmungkahi ka ng isang bagay, ang kaniyang bahay, ngunit ang totoo'y upang siya'y mapag-isa at iniisip kaagad ay balakid sa halip makahithit ng apyan." na kabutihan Ang sinasabing kung sinong tao ay si Padre Irene na matalik na I RI lsaganí kaibigan at tagapayo ni Kapitan Tiago sa mga huling araw nito. "Ang apyan ay isang salot ng bagong panahon," ang sagot ng kapitan. "Kilala rin ng matatanda ang apyan datapwa'twalangnagpakalabisngpaghitit niyan noong una. Ito'y gamot lamang noon. Ang mga Tsino lamang angmay bisyo nito. Ang mga Tsino, ang mga Tsino na hindi nakakaalam ng isamang Latin! At kung pinag-aralan lamang ni Kapitan Tiago si Ciceron!" "Magbalik tayo sa pinag-uusapang Akademya ng Wikang Kastila," ang wika ni Kapitan Basilio. "Tinitiyak kong hindi itomaisasakatuparan." "Maisasakatuparan po," ang tugon ni Isagani, "hinihintay na lamang namin ang pahintulot, kung hindi ngayon ay bukas. Niregaluhan na namin si Padre Irene ng dalawang kabayong kastanyo, siya ang nangako sa amin na makikipagkita sa Heneral." "Sasalungatin iyan ni Padre Sibyla!" "Bayaan ninyong salungatin! Kaya nga naririto iyan sa bapor ay para makipagkita sa Heneral na nasa Los Baños," ang wika ni Basilio at pasuntok na pinagtama ang dalawang kamay. "Makakuha man kayo ng pahintulot, saan naman kayo kukuha ngsalaping gugugulin?" "Mayroon na po, aambag ng sikapat ang bawatestudyante." "At ang mga magtuturo?" "Mayroon na rin po. Ang kalahati'y Pilipino at ang kalahati'yKastila." "At ang paaralan?" "Ang mayamang si Macaraig ay nag-alok ng isa sa kaniyang mgabahay. Napapaniwala at napatango ng pagsang-ayon si Kapitan Basilio. Naihanda nang lahat ng mga estudyante ang kailangan. ind "Kung sa bagay, hindi masama ang panukalang iyan, ngayong hind na mapag-aralan ang Latin, ay pag-aaralan naman ang wikang Kastila. 16 3

Use Quizgecko on...
Browser
Browser