Ekonomiks-LM-Yunit-2-2 PDF

Summary

This document is about economics, specifically demand and supply, elasticity, market structures, and government intervention. It also includes several questions about these concepts. These questions are about the relation between prices and demand, with concepts like price elasticity of demand and supply.

Full Transcript

DEPED COPY Yunit II 101 DEPED COPY 102 PANIMULA AT MGA GABAY NA TANONG Ang pag-aaral ng Ekonomiks ay nahahati sa dalawang pangunahing sangay: ang microeconomics (microeconomics) at makroekonomiks (macroeconomics). Layunin ng mga ito na maunawaan ang ekonomiks sa pamamagitan n...

DEPED COPY Yunit II 101 DEPED COPY 102 PANIMULA AT MGA GABAY NA TANONG Ang pag-aaral ng Ekonomiks ay nahahati sa dalawang pangunahing sangay: ang microeconomics (microeconomics) at makroekonomiks (macroeconomics). Layunin ng mga ito na maunawaan ang ekonomiks sa pamamagitan ng maliit (micro) at malawak (macro) na dimensiyon ng ekonomiya. Kung kaya’t ang pag-aaral nito ay lubhang mahalaga para sa atin sapagkat ang anumang pagbabago sa galaw ng ekonomiya, maging sa usaping lokal o internasyonal man, ay may malaking epekto sa atin bilang mga tao na may pangangailangang dapat matugunan. Kaugnay ng pagtugon sa ating pangangailangan, naitanong mo na ba sa iyong sarili kung paano mo ito maisasakatuparan? Saan ka makakakuha ng mga ito? Sa puntong ito, malaking usapin ang apat na pangunahing katanungang pang-ekonomiko: 1) Ano-ano ang produktong ipoprodyus? 2) Gaano karami ang ipoprodyus? 3) Paano ito ipoprodyus? at 4) Para kanino ito ipoprodyus?. Ang mga katanungang pang- DEPED COPY ekonomikong ito ang siyang pinagmumulan kung bakit ang konsepto ng demand at supply sa ekonomiks ay nagaganap at ang mabisang mekanismo para maunawaan ang takbo nito ay ang interaksiyon ng mga ito sa pamamagitan ng pamilihan. Ang pangunahing pokus ng modyul na ito ay ang ugnayan at interaksiyon ng demand at supply, elastisidad, at pamilihan at iba’t ibang estruktura nito, at ang ug- nayan ng pamilihan at pamahalaan. Dahil dito, ikaw bilang bahagi ng pambansang ekonomiya ay mahalagang masuri at matuklasan mo kung paano naaapektuhan ang pangangailangan at kagustuhan ng sambahayan at bahay-kalakal tungo sa pagtamo ng pambansang kaunlaran. PAMANTAYAN SA PAGKATUTO Pamantayang Pangnilalaman Pamantayan sa Pagganap Naipamamalas ng mag-aaral Ang mga mag-aaral ay kritikal ang pag-unawa sa mga pangunahing na nakapagsusuri sa mga pangunahing kaalaman sa ugnayan ng puwersa kaalaman sa ugnayan ng puwersa ng demand, supply, at sistema ng ng demand, supply, at sistema ng pamilihan bilang batayan sa matalinong pamilihan bilang batayan sa matalinong pagdedesisyon ng konsyumer at pagdedesisyon ng konsyumer at bahay- bahay-kalakal tungo sa pagtamo ng kalakal tungo sa pagtamo ng pambansang pambansang kaunlaran. kaunlaran. Sa araling ito, inaasahan na matutuhan mo ang sumusunod: » Nailalapat ang kahulugan ng demand sa pang-araw- araw na pamumuhay ng bawat pamilya ARALIN 1: » Nasusuri ang mga salik na nakaaapekto sa demand DEMAND » Matalinong nakapagpapasya sa pagtugon sa mga pagbabago ng salik na nakaaapekto sa demand 103 ARALIN 2: » Naiuugnay ang tugon ng mga mamimili sa pabago- ELASTISIDAD NG bagong presyo ng mga produkto at serbisyo batay sa DEMAND (PRICE konsepto ng price elasticity of demand ELASTICITY OF » Naiisa-iisa at nasusuri ang iba’t ibang uri ng elastisidad DEMAND) ng demand » Nasusuri ang mga salik na nakaaapekto sa supply ARALIN 3: » Matalinong nakapagpapasya sa pagtugon sa mga SUPPLY AT pagbabago ng salik na nakaaapekto sa supply ELASTIDIDAD NG » Naiuugnay ang tugon ng mga mamimili sa pabago- SUPPLY bagong presyo ng mga produkto at serbisyo batay sa (PRICE ELASTICITY konsepto ng price elasticity of supply OF SUPPLY) » Naiisa-iisa at nasusuri ang iba’t ibang uri ng elastisidad ng supply » Naipaliliwanag ang interaksiyon ng demand at supply DEPED COPY ARALIN 4: sa kalagayan ng presyo at ng pamilihan INTERAKSIYON » Nasusuri ang mga epekto ng shortage at surplus sa NG DEMAND AT presyo at dami ng kalakal at paglilingkod sa pamilihan SUPPLY » Naimumungkahi ang paraan ng pagtugon/kalutasan sa mga suliraning dulot ng kakulangan at kalabisan » Naipaliliwanag ang kahulugan ng pamilihan » Napahahalagahan ang bahaging ginagampanan ARALIN 5: ng pamilihan sa pagtugon sa pang-araw-araw na ANG PAMILIHAN AT pangangailangan ng mga tao MGA ESTRUKTURA » Nauunawaan ang konsepto ng estruktura ng pamilihan NITO » Nasusuri ang iba’t ibang estruktura/sistema ng pamilihan na tumutugon sa maraming pangangailangan ng mga tao » Napapangatwiranan ang kinakailangang pakikialam ARALIN 6: at regulasyon ng pamahalaan sa mga gawaing UGNAYAN NG pangkabuhayan sa iba’t ibang estruktura ng pamilihan PAMILIHAN AT upang matugunan ang pangangailangan ng mga PAMAHALAAN mamamayan 104 GRAPIKONG PANTULONG SA ARALIN MAYKROEKONOMIKS SAMBAHAYAN BAHAY-KALAKAL PAMILIHAN DEPED COPY IBA’T IBANG DEMAND SUPPLY ESTRUKTURA INTERAKSIYON NG DEMAND AT SUPPLY PAUNANG PAGTATAYA Basahin at unawain ang sumusunod na pahayag/katanungan. Bilugan ang titik ng tamang sagot. (K) 1. Isa sa mahalagang elemento na sinusuri sa pag-aaral ng microeconomics ay ang konsepto ng demand na idinidikta o nagmumula sa mga konsyumer. Alin sa sumusunod ang tamang pagpapakahulugan sa konsepto ng demand? A. Ito ay tumutukoy sa mga produktong kahalili ng mga pangangailangan ng isang konsyumer. B. Ito ay tumutukoy sa dami ng produkto na handa (willing) at kayang (able) bilhin ng mga konsyumer sa iba’t ibang halaga o presyo. C. Ito ay tumutukoy sa kabuuang dami ng produkto na mabibili sa bawat presyo kung ang konsyumer ay makakabili ng lahat ng kanilang pangangailangan. D. Ito ay tumutukoy sa dami ng produkto na handa at kayang bilhin ng prodyuser sa iba’t ibang presyo. 105 (P) 2. Ayon sa batas ng demand, alin sa sumusunod na pahayag ang malinaw na magpapaliwanag ng graph tungkol sa ugnayan ng presyo at demand ng mga konsyumer? PRESYO 2 1 DAMI 2 4 A. Kaunti ang mabibili ng mga konsyumer kapag mataas ang presyo B. Maraming mabibili ang mga konsyumer kapag mataas ang presyo C. Habang tumataas ang presyo, bumababa ang demand ng mga konsyumer D. Habang tumataas ang presyo, tumataas ang demand ng mga DEPED COPY konsyumer (U) 3. Kapag ang kurba ng demand ay gumagalaw mula itaas, pababa, at pakanan o downward sloping, ito ay nagpapahiwatig ng ___________________. A. walang kaugnayan ang demand sa presyo B. hindi nagbabago ang presyo ayon sa demand C. negatibong ugnayan ng presyo sa dami ng demand D. positibong ugnayan ng presyo sa dami ng demand (U) 4. Ang ganap na di-elastikong demand ay mayroong coefficient na zero. Ibig sabihin walang nagaganap na pagtugon ang quantity demand kahit pa tumaas ang presyo. Ano ang ipinapahiwatig nito? A. may mga produkto tayong madaling hanapan ng pamalit kaya kahit tumaas ang presyo nito makabibili pa rin tayo ng alternatibo para dito. B. kapag ang produkto ay labis na tumaas ang presyo at hindi naman masyadong kailangan maaari ng ipagpaliban muna ang pagbili nito. C. may mga produkto na kahit mataas ang presyo ay kailangan mong bilhin sapagkat wala itong pamalit. D. may mga produktong walang epekto sa atin kahit hindi natin ito bilhin. (U) 5. Si Juanito ay nakagawian ng bumili ng bananacue tuwing recess. Nang minsang tumaas ng tatlong piso ang paborito niyang bananacue, hindi na muna siya bumili at sa halip ay naghanap na lamang ng ibang mabibili sa canteen. Ano ang ipinahihiwatig ng demand ni Juanito para sa bananacue? A. ang demand sa bananacue ay hindi-elastiko sapagkat si Juanito ay tumugon ng malaki sa pamamagitan ng pagbabawas ng demand para sa bananacue. B. ang demand sa bananacue ay elastiko sapagkat si Juanito ay tumugon ng malaki sa pamamagitan ng pagbabawas ng demand para sa bananacue. 106 C. ang demand sa bananacue ay unitary sapagkat ang dami ng ibabawas na demand sa bananacue ay kasing dami ng demand sa pamalit na bananacue ni Juanito. D. ang demand sa bananacue ay ganap na hindi-elastiko dahil hindi makakatagal si Juanito na hindi kumain ng bananacue sa loob ng isang linggo. (K) 6. Sa ekonomiks, pinag-aaralan kung paano matutugunan ang walang katapusang pangangailangan ng tao. Ang gawaing ito ay tungkulin ng prodyuser. Ano ang tawag sa dami ng produkto na handa at kayang ipagbili ng mga prodyuser? A. demand C. produksiyon B. ekwilibriyo D. supply (P) 7. May patahian si Aling Noemi ng mga kumot at punda ng unan sa Cagayan De Oro. Noon ay nakagagawa lamang siya ng 5 pirasong kumot at 10 pirasong DEPED COPY punda ng unan sa isang araw. Ngunit nang gumamit siya ng hi-speed sewing machine ay halos magtriple ang kaniyang produksiyon kaya ibinaba niya ang presyo. Piliin ang grapikong paglalarawan sa pagbabagong ito? A. C. B. D. (U) 8. Upang masabing supply, kailangang may kagustuhan at kakayahan na ipagbili ng prodyuser ang isang uri ng produkto. Halimbawa, may 30,000 lata ng sardinas ang kailangan sa pamilihan. Ayon sa datos, mayroong 10 kompanya ng sardinas ngunit sa bilang na ito, 6 lamang ang nais gumawa ng kabuuang 20,000 lata ng sardinas kung ipagbibili ito sa presyong Php10.00. Batay sa pahayag, ilan ang maitatalang supply ng sardinas? A. 6 C. 20,000 B. 10 D. 30,000 (K) 9. Malaki ang papel ng pamahalaan upang mapanatili ang katatatagan ng presyo sa pamilihan. Alin sa sumusunod ang nagpapaliwanag nito? A. Panghuhuli sa illegal vendors na nagkalat sa paligid B. Pagtatakda ng price ceiling at floor price upang magkaroon ng gabay 107 sa presyo ng mga bilihin C. Pagtataguyod ng mga batas sa pangangalaga sa karapatan ng mga konsyumer D. Patuloy na panghihikayat sa mga maliliit na negosyante na palawakin pa ang negosyo (K) 10. Kung ang presyo ng isang pangunahing produkto ay labis na mataas at hindi na makatarungan para sa mga konsyumer dahil sa mapang-abusong gawi ng mga may-ari ng prodyuser, gumagawa ng hakbang ang pamahalaan upang matugunan ito. Nakikialam ang pamahalaan sa pagpepresyo sa pamilihan. Ano ang tawag sa patakaran ng pagtatakda ng pinakamataas na presyo ng mga produkto o serbisyo? A. price ceiling C. market clearing price B. floor prices D. price support DEPED COPY (P) 11. Ang presyong mababa sa ekwilibriyo ay ipinatupad ng pamahalaan upang mabigyang-proteksiyon ang mga mamimili. Ano ang magiging epekto sa pamilihan kung ang pamahalaan ay magpapatupad ng price ceiling na Php1? Gamitin ang graph sa ibaba upang masagutan ang katanungan. A. Sa pagpapatupad ng price ceiling, ang pamilihan ay makararanas ng ekwilibriyo B. Ang pagpapatupad ng price ceiling ay makapagdudulot ng disekwilibriyo sa pamilihan. Ito ay lilikha ng shortage na 12 yunit ng produkto C. Ang pagpapatupad ng price ceiling ay makapagdudulot ng disekilibriyo sa pamilihan. Ito ay lilikha ng surplus na 6 na yunit ng produkto D. Walang mangyayaring shortage at surplus sa pamilihan sapagkat mabisa ang polisiya ng pamahalaan. (P) 12. Ano ang nais ipakita ng tsart sa ibaba para sa konsyumer at prodyuser sa pagtatakda ng price control/price support ng pamahalaan? Nais ng pamahalaan na 108 DEPARTMENT OF TRADE AND INDUSTRY (DTI) PAMILIHAN PRICE CONTROL PRICE SUPPORT KONSYUMER MALIIT NA PRODYUSER AT MAGSASAKA A. kontrolin ang presyo ng mga bilihin sa pamilihan B. maipakita ng pamahalaan ang kanilang pagtupad sa tungkulin C. matamo ang layunin ng ekwilibriyo DEPED COPY D. tulungan ang konsyumer at maliit na prodyuser (U) 13. Nagaganap ang ekwilibriyo sa pamilihan kapag sa iisang presyo pantay ang dami ng quantity demand sa quantity supply. Sa kalagayang ito, ano ang implikasyon ng pagkakaroon ng ekwilibriyo sa pamilihan? A. Sa presyong ekwilibriyo, parehong masaya ang konsyumer at prodyuser sapagkat ang dami ng nais bilhin ng mga konsyumer ay kasindami ng nais ibenta ng mga prodyuser. B. Sa presyong ito, may labis na supply sapagkat maaaring magtaas ng presyo ang mga prodyuser upang tumaas ang kita. C. Sa presyong ito, parehong nasiyahan ang konsyumer at prodyuser sapagkat tumaas man ang presyo, kaunti na lamang ang bibilhin ng mga konsyumer. D. Sa presyong ito, hindi masaya ang konsyumer dahil ang labis na demand ay hindi napupunan ng labis na supply. (U) 14. Alin ang nagpapaliwanag kung bakit mahal ang bulaklak na rosas sa tuwing sasapit ang Araw ng mga Puso? A. Dahil sa okasyon, tumataas ang demand ng mga konsyumer sa rosas kaya lumilipat ang kurba ng demand sa kanan na nagreresulta sa pagtaas ng presyo nito. B. Dahil sa tuwing sasapit ang Araw ng mga Puso, nagkakasundo na ang mga konsyumer at prodyuser na itaas ang presyo sapagkat pareho naman silang nakikinabang dito. C. Tanggap ng mga konsyumer ang pagtaas ng presyo ng rosas tuwing sasapit ang Araw ng mga Puso sapagkat hindi matatawaran ang kasiyahang natatamo ng mga konsyumer sa pagbibigay ng rosas sa kanilang mga mahal sa buhay. D. Tuwing sasapit ang Araw ng mga Puso, itinatago ng mga prodyuser ang panindang bulaklak upang lalong tumaas ang presyo nito. 109 (K) 15. Lahat tayo ay kinikilala bilang mga konsyumer na may mga pangangailangan subalit hindi lahat ay may kakayahang maging prodyuser o gumawa ng mga produkto o serbisyo na tutugon sa ating mga pangangailangan. Ano ang tawag sa lugar kung saan ang mga konsyumer at prodyuser ay nagtatagpo at nagkakaroon ng palitan sa pamamagitan ng itinakdang presyo ng mga produkto? A. department store C. talipapa B. pamilihan D. tiangge (P) 16. Alin sa sumusunod na larawan ang industriyang hindi kabilang sa estrukturang oligopolyo? A. B. C. D. DEPED COPY Pinagkunan: http://3.bp.blogspot.com/-sKmZsEUVBLI/UoLK7dyZI3I/AAAAAAAAJ88/FxkWDVS2f_8/s1600/telcoph+logo.png Retrieved on: November 7, 2014 http://4.bp.blogspot.com/-xEQmgJXTrRw/Uml0-KcEoII/AAAAAAAAAAw/pxoQqzcIxUs/s1600/Shell- Logo.jpg Retrieved on November 7, 2014; http://2.bp.blogspot.com/-S-wo-MsJijQ/T8kX87eYv3I/AAAAAAAAACo/Yv_hI-kHjeg/s1600/ LunaJ_caltex.jpg Retrieved on November 7, 2014 http://bigbasket.com/media/uploads/p/l/161754_1-tide-plus-detergent-powder.jpg Retrieved on November 7, 2014 Para sa bilang 17 suriin ang sumusunod na larawan. Pinagkunan: http://m.abante-tonite.com/issue/dec2013/pictures/t-27-08-2.jpg Retrieved on November 7, 2014; http://media.philstar. com/images/pilipino-star-ngayon/bansa/20140917/pork-separate-from-non-pork-products-3.jpg Retrieved on: November 7, 2014; https://i1.ytimg.com/vi/GQXyH2XOcD8/hqdefault.jpg Retrieved on: November 7, 2014; https://i1.ytimg.com/vi/KhKdagSq1dc/hqdefault. jpg Retrieved on: November 7, 2014 (P) 17. Batay sa iyong pagsusuri, sa anong estruktura ng pamilihan nabibilang ang mga larawang nasa itaas? A. monopolyo C. ganap na kompetisyon B. oligopolyo D. monopolistikong kompetisyon 110 (P) 18. Kung iyong susuriin ang dalawang dayagram ng estruktura ng pamilihan sa ibaba, alin sa dalawang ito ang sa tingin mo ay may kakayahan na itakda ang presyo sa pamilihan? MONOPOLYO MONOPSONYO Iisa ang Kayang Kailangan Iisa ang Prodyuser hadlangan ng produkto konsyumer ang kalaban at serbisyo Walang pamalit Walang ibang na produkto at maaring bumili ng serbisyo produkto at serbisyo DEPED COPY A. monopolyo, sapagkat walang pamalit ang mga produkto B. monopsonyo, sapagkat iisa lamang ang konsyumer C. pareho lamang sapagkat ang mga katangian ng dalawang estrukturang ito ay kabilang sa hindi ganap na kompetisyon. D. wala ni isa man sa dalawang anyo ng pamilihan sapagkat ang pagbili naman ng produkto at serbisyo ay nasa desisyon pa rin ng konsyumer (U) 19. Ang pamilihang may ganap na kompetisyon ang sinasabing pinakamodelong estruktura ng pamilihan dahil sa dami ng nagbebenta o dami ng konsyumer. Ang sumusunod ay katangian ng estrukturang ito maliban sa A. malayang kalakalan sa bilihan B. may kakaibang produkto C. maraming prodyuser at konsyumer D. malayang paggalaw ng mga sangkap pamproduksiyon (U) 20. Ang pamilihan ay sinasabing may ganap na kompetisyon kapag ang sinumang prodyuser ay walang kapangyarihan na palitan o baguhin ang presyo sa pamilihan. Paano nakatutulong ang ganap na kompetisyon sa pamilihan? A. sumisigla ang kompetisyon sa pamilihan dahil marami ang konsyumer at prodyuser B. napapababa ng prodyuser ang kalidad ng kanilang produkto C. nakakakuha ng malaking tubo ng mga prodyuser D. hindi nakakahikayat sa mga prodyuser na magpasok ng produkto 111 PANIMULA Ang araling ito ay nakatuon sa pag-aaral ng demand bilang isa sa mga batayang kaisipan sa ekonomiks. Tinalakay sa naunang yunit na ang efficient na pagpili at paggamit ng mga pinagkukunang-yaman ang diwa sa pag-aaral ng asignaturang ito. Sa yunit na ito, ipakikilala ang dalawang mahalagang konsepto sa ekonomiks, ang demand at supply.Sa pag-aaral ng demand, malalaman mo bilang isang mamimili kung paano maipakikita ang kagustuhan at kakayahang bumili ng mga produkto at serbisyo bilang tugon sa iyong pangangailangan. Matututuhan mo rin sa araling ito ang mga salik na nakaaapekto sa demand at kung paano ito nagbabago dahil sa presyo. May inihandang mga gawain na tataya sa iyong mga kaalaman hinggil sa aralin. Inaasahang ikaw ay mahihikayat na pagyamanin ang iyong kaalaman at maunawaan DEPED COPY kung paano ang demand at mga konsepto nito ay makatutulong sa matalinong pagdedesisyon ng konsyumer at prodyuser tungo sa pambansang kaunlaran. ARALIN 1: DEMAND ALAMIN Matapos mong mapag-aralan ang konsepto ng produksiyon, mga salik nito, at ang mga organisasyon ng negosyo sa naunang mga aralin, sa bahaging ito naman ay iyong tutuklasin ang tungkol sa konsepto ng demand. Upang higit na maging masaya at makabuluhan ang bahaging ito ay simulan mong sagutin ang mga susunod na gawain. Gawain 1: BILI AKO NO’N, BILI AKO N’YAN Suriin ang nilalaman ng bubble thought na nasa kabilang pahina at sagutan ang mga Pamprosesong Tanong: 112 Pamprosesong Tanong: DEPED COPY 1. Ano-ano ang ipinahihiwatig ng mga bubble thought? 2. Anong konsepto sa ekonomiks ang inilalarawan sa bubble thought? Gawain 2: JUMBLED LETTERS Ayusin ang mga ginulong letra sa puzzle box upang maibigay ang hinihinging kasagutan sa mga gabay na tanong. Maaari mong balikan ang iyong mga napag-aralan sa mga naunang aralin upang madali mong masagot ang katanungang nakapaloob dito. Kung maisasaayos mo nang tama ang mga letra sa puzzle ay may mabubuo kang salita sa unang kolum nito. 1. A P Y G O D I R E M A 2. N I M E S O K O K 3. W A M O L S 4. A K Y O S N L A O 5. S O N G O Y E 6. T R I D I S B U S O Y N Mga Gabay na Tanong: 1. Ano ang tawag sa pag-aaral tungkol sa uri, kalidad, at balangkas ng populasyon? 2. Anong sangay ng agham panlipunan ang tungkol sa efficient na pagpili at paggamit ng mga pinagkukunang-yaman? 3. Sino ang isa sa bumuo ng teorya hinggil sa herarkiya ng pangangailangan ng tao? 4. Ano ang tawag sa pamamaraan ng paglalaan ng takdang dami ng pinagkukunang-yaman ayon sa pangangailangan at kagustuhan ng tao? 113 5. Ito ay tumutukoy sa anumang gawaing pang-ekonomiya na ang layunin ay magkamit ng kita o tubo. 6. Ano ang katawagan sa pamamaraan ng pagbabahagi ng kabuuang yaman o kita ng lipunan sa bawat indibidwal o sa mga salik ng produksiyon tulad ng lupa, paggawa, kapital at entrepreneurship? Pamprosesong Tanong: 1. Anong salita ang nabuo mula sa unang hanay pababa? 2. Ano ang iyong paunang pagkaunawa sa salitang demand? Sa susunod na bahagi ay sasagutan mo ang isang tsart upang inisyal na masukat ang iyong nalalaman tungkol sa konsepto ng demand. DEPED COPY Gawain 3: I – R – F (Initial-Refined-Final Idea) Chart Isulat sa unang kolum (Alam ko ngayon) ng tsart ang iyong sagot sa tanong na nasa kahon. Paano ang demand at mga konsepto nito ay makatutulong sa matalinong pagdedesisyon ng konsyumer at prodyuser tungo sa pambansang kaunlaran? Alam Ko Ngayon Nadagdag Kong Kaalaman Ito Na Ang Alam Ko Matapos mong maibigay ang iyong mga paunang kaalaman tungkol sa paksang demand at ang mga salik na nakaaapekto rito, ihanda ang iyong sarili para sa susunod na bahagi ng aralin. Ito ay upang higit mong maunawaan ang malawak na konsepto ng demand. PAUNLARIN Matapos matiyak ang iyong inisyal na kaalaman, inaasahan sa bahaging ito na mas lalawak pa ang iyong kaalaman at pang-unawa tungkol sa konsepto ng demand. Basahin ang mga teksto at isagawa ang mga nakahandang gawain na makatutulong upang iyong masagot kung paano makatutulong sa paggawa ng matalinong pagdedesisyon ng konsyumer at prodyuser ang kaalaman sa puwersa ng demand sa pagkamit ng pambansang kaunlaran. Halina’t simulan natin ang mga gawain! ! 114 ANG KONSEPTO NG DEMAND May mga pangangailangan ang tao na dapat matugunan upang mabuhay. Ang demand ay tumutukoy sa dami ng produkto o serbisyo na gusto at kayang bilhin ng mamimili sa iba’t ibang presyo sa isang takdang panahon. Batas ng Demand Isinasaad ng Batas ng Demand na mayroong inverse o magkasalungat na ugnayan ang presyo sa quantity demanded ng isang produkto. Kapag tumaas ang presyo, bumababa ang dami ng gusto at kayang bilhin; at kapag bumaba ang presyo, tataas naman ang dami ng gusto at kayang bilhin (ceteris paribus). Ang ceteris paribus ay nangangahulugang ipinagpapalagay na ang presyo lamang ang salik na nakaaapekto sa pagbabago ng quantity demanded, habang ang ibang salik ay hindi nagbabago o nakaaapekto rito. Ayon sa Batas ng Demand, sa tuwing ikaw at ang iyong DEPED COPY pamilya ay magdedesisyon na bumili ng isang produkto o serbisyo, ang presyo ang inyong pangunahing pinagbabatayan. Sa bawat pagbili mo sa tindahan, itinatanong mo muna ang presyo bago ka magdesisyon kung ilan ang iyong bibilhin. May dalawang konseptong nagpapaliwanag kung bakit may magkasalungat o inverse na ugnayan sa pagitan ng presyo at quantity demand. Ang unang konseptong magpapaliwanag dito ay ang substitution effect. Ipinahahayag nito na kapag tumaas ang presyo ng isang produkto, ang mga mamimili ay hahanap ng pamalit na mas mura. Sa gayon, mababawasan ang dami ng mamimiling gustong bumili ng produktong may mataas na presyo dahil maghahanap sila ng mas mura. Halimbawa, kung mahal ang ballpen maaring bumili ng lapis na mas mura. Ang ikalawa ay ang income effect. Ito ay nagpapahayag na mas malaki ang halaga ng kinikita kapag mas mababa ang presyo. Kapag mababa ang presyo ng bilihin, mas mataas ang kakayahan ng kita ng tao na makabili ng mas maraming produkto. Kapag tumaas naman ang presyo, lumiliit naman ang kakayahan ng kaniyang kita na maipambili. Lumiliit ang kakayahan ng kita na makabili ng mga produkto o serbisyo kaya mababawasan ang dami ng mabibiling produkto. Demand Schedule Higit na mauunawaan ang konsepto ng demand sa pamamagitan ng demand schedule. Ang demand schedule ay isang talaan na nagpapakita ng dami na kaya at gustong bilhin ng mga mamimili sa iba’t ibang presyo. Makikita sa susunod na pahina ang halimbawa ng demand schedule. 115 Demand Schedule para sa Kendi Presyo bawat piraso Quantity Demanded Php 5 10 4 20 3 30 2 40 1 50 0 60 Ang schedule na makikita sa talahanayan ay tumutukoy sa quantity demanded para sa kendi sa iba’t ibang presyo. Halimbawa, sa halagang piso (Php1.00) bawat piraso ng kendi, limampu (50) ang dami ng gusto at kayang bilhin ng mamimili. Sa presyong dalawang piso (Php2.00) bawat piraso, apatnapung (40) piraso naman ang DEPED COPY gusto at kayang bilhin ng mga mamimili. Kung tataas pa ang presyo at maging limang piso (Php5.00) ang bawat piraso, magiging sampu (10) na lamang ang magiging demand sa kendi. Malinaw na ipinapakita ang magkasalungat na ugnayan ng presyo at quantity demanded ng kendi para sa mamimili. Maliban sa demand schedule, maipakikita rin ang ugnayan ng presyo sa quantity demanded sa pamamagitan ng isang dayagram o graph. Ito ay tinatawag na demand curve. Ito ay isang grapikong paglalarawan ng ugnayan ng presyo at quantity demanded. Demand Curve Ang graph sa itaas ay batay sa demand schedule na nasa talahanayan. Kung ilalapat sa graph ang iba’t ibang kombinasyon ng mga presyo at quantity demanded ay mabubuo ang demand curve para kendi. Halimbawa, sa punto A na ang presyo ay limang piso (Php5), sampu (10) ang dami ng kendi na gusto at handang bilhin ng mamimili; sa punto B na ang presyo ay apat na piso (Php4), dalawampu (20) ang dami ng kendi na gusto at handang bilhin ng mamimili. Kung tutuntunin ang mga puntong ito hanggang punto F ay makabubuo ng isang kurbang pababa o downward sloping curve. Ang kurbang ito ay nagpapakita ng salungat na ugnayan sa pagitan ng presyo at sa dami ng gusto at kayang bilhin ng mamimili. Halimbawa, ang paggalaw 116 ng kurba mula punto A papuntang punto B, makikita na sa pagbaba ng presyo mula limang piso (Php5) pababa ng apat na piso (Php4), ang demand sa kendi ay tataas ng sampung (10) piraso. Kapag ang presyo naman ay tumaas ng piso makikita sa graph na bumababa ang quantity demanded sa sampung (10) piraso. Paggalaw ng Demand (Movement along the Demand Curve) DEPED COPY Ipinapakita sa graph ang paggalaw sa demand curve. Mangyayari ang paggalaw ng demand curve kung ang salik na nakaaapekto ay ang sariling presyo ng produkto. Kung ang presyo ng kendi ay bumaba mula Php5 sa Php4, makikita sa graph na lilipat ang punto mula A patungong B. Kung tataas naman ang presyo mula Php2 patungong Php3, lilipat ang punto mula C patungong D. Demand Function Ang demand function ay ang matematikong pagpapakita sa ugnayan ng presyo at quantity demanded. Maaari itong ipakita sa equation sa ibaba: Qd = f (P) Ang Qd o quantity demanded ang tumatayong dependent variable, at ang presyo (P) naman ang independent variable. Ibig sabihin, nakabatay ang Qd sa pagbabago ng presyo. Ang presyo ang nakapagpapabago sa dami ng handa at kayang bilhin ng mga mamimili. Isa pang paraan ng pagpapakita ng demand function ay sa equation na: Qd = a - bP Kung saan: Qd = quantity demanded P = presyo a = intercept (ang bilang ng Qd kung ang presyo ay 0) b = slope= ∆Qd ∆P Nagpapakita ang slope ng pagbabago sa quantity demanded sa bawat pisong pagbabago sa presyo. 117 Upang mapatunayan na ang datos sa demand schedule sa itaas at ang demand function ay iisa, suriin at pag-aralan ang kompyutasyon sa ibaba. Demand Function mula sa Demand Schedule para sa kendi: Qd = 60 – 10P Kapag ang P = 1 Qd = ? Kapag ang P = 5 Qd = ? Qd = 60 – 10P Qd = 60 – 10P Qd = 60 – 10 (1) Qd = 60 – 10(5) Qd = 60 – 10 Qd = 60 – 50 Qd = 50 piraso Qd= 10 piraso Gamit ang demand function ay maaaring makuha ang dami ng quantity demanded kung may given na presyo. I-substitute ang presyo na piso sa variable na P at i-multiply ito sa slope na -10. Ang makukuhang sagot ay ibabawas sa 60. Mula rito ay makukuha ang sagot na 50 na quantity demanded. Sa ikalawang halimbawa DEPED COPY naman ay Php5 ang presyo kaya ang naging quantity demanded ay 10. Gawain 4: COMPLETE IT! Kompletuhin ang mga katawagan at konseptong tinutukoy ng sumusunod na pangungusap. Isulat ang mga tamang letra sa patlang upang mabuo ang salita. 1. _ _ _ A _ _ tumutukoy sa dami ng produkto at serbisyong gusto at kayang bilhin ng mga mamimili. 2. _ _ _ A _ _ _ _ _ _ A _ _ nagsasaad na mayroong magkataliwas na ugnayan sa pagitan ng presyo at quantity demanded. 3. _ _ _ _ A _ _ D _ _ _ _ _ grapikong paglalarawan ng presyo at quantity demanded. 4. _ _ _ E _ _ _ _ _ _ I _ _ _ ipinagpapalagay na ang presyo lamang ang salik na nakaaapekto sa pagbabago ng quantity demanded, habang ang ibang salik ay hindi nagbabago. 5. _ N _ _ _ _ _ _ _ _ _ T nagpapahayag na mas malaki ang halaga ng kinikita kapag mas mababa ang presyo. Gawain 5: DEMAND READING Lagyan ng () ang kolum ng sang-ayon, kung naniniwala ka na tama ang pahayag ukol sa konsepto ng demand at lagyan naman ng (X) ang kolum ng Hindi- sang ayon kung hindi ka naniniwala. 118 Pahayag Sang-ayon Di-sang ayon 1. Ang demand ay tumutukoy sa dami ng produkto o serbisyo na gusto at kayang bilhin ng mamimili sa iba’t ibang presyo sa isang takdang panahon. 2. Ang ugnayan ng presyo at quantity demanded ay maaaring ipakita gamit ang demand schedule, demand curve, at demand function. 3. Ayon sa Batas ng Demand, ang presyo at quantity demanded ay mayroong tuwirang relasyon. 4. Ang ceteris paribus assumption ay ginagamit upang ipagpalagay na ang presyo lamang ang salik na nakaaapekto sa pagbabago ng quantity demanded habang ang ibang salik ay hindi nagbabago o DEPED COPY nakaaapekto rito. 5. Ang income effect ay nagpapahayag na kapag tumaas ang presyo ng isang produkto, ang mga mamimili ay hahanap ng mas murang pamalit dito. Gawain 6: I3: I-DEMAND, ITALA, at IKURBA Ipagpalagay na katatapos lamang ng inyong klase sa P.E. Nagkataong may tinda sa kantina na buko juice. Ilang baso ng buko juice ang handa at kaya mong bilhin sa presyong Php6, Php8, Php10 hanggang Php14 kada baso? Itala ito sa kolum ng Qd. Ilagay sa talahanayan ang dami ng quantity demanded sa bawat presyo upang mabuo ang demand schedule. Ipagpalagay na ang demand function mo ay Qd = 50 - 2P. Pagkatapos nito ay ipakita ito sa pamamagitan ng paggawa ng demand curve at sagutan ang mga pamprosesong tanong sa ibaba. Demand Schedule para sa baso ng Buko Juice Presyo Bawat Quantity Baso (Php) Demanded 6 8 10 12 14 119 Pamprosesong Tanong: 1. Ilan ang quantity demanded sa presyong Php6.00? 2. Ano ang naging pagbabago sa quantity demanded nang tumaas ang presyo mula Php8.00 papuntang Php14.00? Ipaliwanag ang sagot. 3. Ipaliwanag sa sariling pangungusap ang isinasaad ng batas ng demand batay sa nabuo mong demand schedule at demand curve. Gawain 7: MAG-COMPUTE TAYO! Mula sa datos na nasa ibaba, kompletuhin ang talahanayan upang maipakita ang demand schedule. A. Demand Function: Qd = 300 – 20P DEPED COPY P Qd 1 200 6 100 15 B. Demand Function: Qd = 750 – 10P P Qd 600 30 300 60 0 Iba Pang Salik na Nakaaapekto sa Demand Maliban sa Presyo Maliban sa presyo, may iba pang mga salik na nakaaapekto sa demand. Ang pagsusuri sa mga salik na ito ay mahalagang malaman upang higit na maging matalino sa paggawa ng desisyon. Kita- Ang pagbabago sa kita ng tao ay maaaring makapagpabago ng demand para sa isang partikular na produkto. Sa pagtaas ng kita ng isang tao, tumataas ang kaniyang kakayahan na bumili ng mas maraming produkto. Gayundin naman, sa pagbaba ng kita, ang kaniyang kakayahang bumili ng produkto ay nababawasan. Kapag dumadami ang demand sa mga produkto dahil sa pagtaas ng kita, ang mga produktong ito ay maituturing na normal goods. Sa kabilang banda, inferior 120 goods naman ang tawag sa mga produktong tumataas ang demand kasabay sa pagbaba ng kita. Ipagpalagay na ang karneng baka ay normal good para kay Alena. Sa pagtaas ng kita ni Alena ay tataas din ang kaniyang demand sa karneng baka. Kapag bumaba naman ang kita ni Alena, bababa rin ang demand niya para dito.Ipagpalagay naman na ang sardinas ay inferior good para kay Alena. Sa pagtaas ng kaniyang kita ay bababa ang kaniyang demand para sa sardinas. Sa pagbaba naman ng kaniyang kita, tataas ang kaniyang demand para dito. Panlasa- Karaniwang naaayon sa panlasa ng mamimili ang pagpili ng produkto at serbisyo. Kapag ang isang produkto o serbisyo ay naaayon sa iyong panlasa, maaaring tumaas ang demand para dito. Kung naaayon ang pandesal sa iyong panlasa bilang pang-almusal, mas marami ang makakain mo nito kesa sa ensaymada. Dami ng Mamimili- Maaari ding magpataas ng demand ng indibidwal ang tinatawag DEPED COPY na bandwagon effect. Dahil sa dami ng bumibili ng isang produkto, nahihikayat kang bumili. Halimbawa, kapag ang isang bagay ay nauuso, napapagaya ang marami na nagdudulot ng pagtaas ng demand. Halimbawa, dahil nauuso ngayon ang smartphone, marami sa mga mamimili ang gustong makisabay sa uso kaya marami ang demand nito. Presyo ng magkaugnay na produkto sa pagkonsumo – Masasabing magkaugnay ang mga produkto sa pagkonsumo kung ito ay komplementaryo o pamalit sa isa’t isa. Ang mga komplementaryo ay mga produktong sabay na ginagamit, ibig sabihin hindi magagamit ang isang produkto kung wala ang complement nito. Magkaugnay ang dalawa sapagkat anumang pagbabago sa presyo ng kaugnay na produkto ay tiyak na may pagbabago sa demand ng komplementaryong produkto. Halimbawa, sa kaso ng kape at asukal, kapag bumaba ang presyo ng kape ay tataas ang demand sa asukal. Kung tumaas naman ang presyo ng kape ay bababa ang demand sa asukal. Kapag ang ugnayan ng presyo ng isang produkto ay negatibo o taliwas sa sa demand para sa isang produkto, masasabing magkaugnay ang mga ito. Tinatawag itong produktong komplementaryo (complementary). Samantala, ang pamalit (substitute) ay mga produktong maaaring magkaroon ng alternatibo. Ang tubig o juice ay maaaring pamalit sa softdrinks sapagkat pareho itong pamatid-uhaw. Ipagpalagay natin na tumaas ang presyo ng softdrinks. Dahil dito, bababa ang quantity demanded ng softdrinks. Kasabay nito, tataas naman ang demand para sa juice. Kung ang pagtaas ng presyo ng isang produkto ay magdudulot ng pagtaas ng demand ng isang produkto, masasabing ang mga produktong ito ay pamalit sa isa’t isa (substitute goods). Ang iba pang halimbawa ng pamalit ay kape at tsa, keso, at margarine. Inaasahan ng mga mamimili sa presyo sa hinaharap- Kung inaasahan ng mga mamimili na tataas ang presyo ng isang partikular na produkto sa susunod na araw o linggo, asahan na tataas ang demand ng nasabing produkto sa kasalukuyan 121 habang mababa pa ang presyo nito. Halimbawa, ibinalita na may paparating na bagyo at tuwirang tatama sa Gitnang Luzon, na isa sa pangunahing pinagmumulan ng bigas sa bansa, inaasahan na magkukulang ang dami ng bigas sa pamilihan at tataas ang presyo nito. Kaya ang mga mamimili ay bibili na ng marami habang wala pa ang bagyo at mababa pa ang presyo. Sa kabilang banda, kung inaasahan ng mga mamimili na bababa ang presyo ng isang produkto, hindi na muna bibili ng marami ang mga tao sa kasalukuyan. Maghihintay na lamang sila na bumaba ang presyo bago bumili ulit ng marami. Ang Paglipat ng Demand Curve (o Shifting of the Demand Curve) Paglipat ng Demand Curve Paglipat ng Demand Curve sa Kanan sa Kaliwa DEPED COPY Ang graph ay nagpapakita ng paglipat ng kurba ng demand. Ang pagtaas ng demand ay makapagdudulot ng paglipat ng kurba ng demand sa kanan. Mangyayari ang paglipat ng demand sa kanan kung ang mga pagbabago ng salik na hindi presyo ay nakapagdulot ng pagtaas ng demand. Ang pagbaba ng demand ay makapagdudulot ng paglipat ng kurba ng demand sa kaliwa. Mangyayari ang paglipat ng demand sa kaliwa kung ang mga pagbabago ng salik na hindi presyo ay nakapagdulot ng pagbaba ng demand. Matalinong Pagpapasya sa Pagtugon sa mga Pagbabago ng mga Salik na Nakaaapekto sa Demand Batay sa ating talakayan, mayroon pang ibang mga salik na maaaring makapagpabago sa demand maliban sa presyo. Papaano kaya tayo matalinong makatutugon sa pagbabagong dulot ng mga salik na ito? 122 1. Kapag may pagtaas sa kita, maging matalino sa paggasta nito. Matutong pagplanuhan nang mabuti ang paggastos at unahin ang mahahalagang bagay na dapat bilihin. 2. Maghanap ng alternatibo o pamalit sa mga produktong may mataas na presyo. Maraming mapagpipiliang produkto sa mababang presyo sa iba’t ibang pamilihan. Ang anumang pagbabago sa mga nasabing salik ay may kaakibat na epekto sa mga mamimili. Ang matalinong pagtugon ng mga mamimili sa mga nagbabagong salik ay napakahalaga. Gawain 8: GRAPHIC ORGANIZER Punan ang graphic organizer sa ibaba at sagutin ang mga pamprosesong tanong: DEPED COPY Pamprosesong Tanong: 1. Ano–ano ang salik na nakakaimpluwensiya sa demand? 2. Alin sa mga salik ang makapagdudulot ng paggalaw sa demand curve? Sa paglipat ng demand curve? Paano naiiba ang salik na presyo sa ibang salik? 3. Ano ang katangian na dapat taglayin ng isang mamimili sa pagtugon sa pagbabago sa mga salik ng demand? Gawain 9: DEMAND UP, DEMAND DOWN! Ipakita ang pagbabagong magaganap sa demand para sa isang produkto batay sa mga pagbabago ng sumusunod na salik. Isulat sa patlang ang ↑ kung tataas ang demand at ↓ kung bababa ang demand. _____ 1. Bandwagon effect, mabilis na pagdami ng populasyon (potensyal na demand) _____ 2. Paglaki ng kita (nakatuon sa normal goods) 123 _____ 3. Pagbaba ng kita (nakatuon sa inferior goods) _____ 4. Pagiging lipas sa uso ng isang produkto _____ 5. Inaasahan ng mga mamimili na tataas ang presyo _____ 6. Pagbaba ng presyo ng produktong komplementaryo _____ 7. Pagtaas ng presyo ng produktong pamalit _____ 8. Inaasahan ng mga mamimili na bababa ang presyo _____ 9. Pagtaas ng presyo ng produktong komplementaryo _____ 10.Pagbaba ng presyo ng produktong pamalit Gawain 10: SA KANAN O SA KALIWA? Gamit ang mga sitwasyong nakalahad sa talahanayan, suriin at ipaliwanag ang maaaring maging epekto o kahihinatnan ng demand sa produkto. Gumuhit ng graph na lilipat sa kanan kung dadami ang demand at graph na lilipat sa kaliwa kung DEPED COPY bababa ang demand. Produkto Sitwasyon Graph 1. bigas Pananalasa ng malakas na P bagyo sa malaking bahagi D ng Luzon. Q 2. gasolina Patuloy na pagtaas ng P presyo ng gasolina sa D pandaigdigang pamilihan. Q 3. bakuna laban Pagdeklara ng outbreak ng P sa tigdas tigdas ng Kagawaran ng D Kalusugan sa maraming lugar sa bansa. Qd 4. cellphone load Kabi-kabilang unlitext P at unli call promo ng D mga telecommunication companies sa bansa. Q 5. corned beef Pagtaas ng kita P (ipagpalagay D na normal goods) Q 124 Gawain 11: I-R-F (Initial, Revised, Final) CHART Isulat sa ikalawang kolum ang sagot sa tanong na nasa loob ng kahon. Paanong ang demand at mga konsepto nito ay makatutulong sa matalinong pagdedesisyon ng konsyumer at prodyuser tungo sa pambansang kaunlaran? Alam Ko Ngayon Nadagdag Kong Kaalaman Ito Na Ang Alam Ko Matapos mong mapalalim ang iyong kaalaman ukol sa demand at ang mga salik nito, maaari ka nang tumungo sa susunod na bahagi ng aralin. Ihanda mo ang iyong sarili para sa mas malalim na pag-unawa ng konsepto ng demand. DEPED COPY PAGNILAYAN Sa bahaging ito ng aralin, ikaw ay tutungo na sa malalim na pag- unawa sa ating aralin. Kinakailangan ang iyong masusing pagsusuri, sariling pagbabalangkas at pag-oorganisa ng konsepto, at aktibo at produktibong pakikilahok sa mga talakayan at pangkatang gawain. Sa pagtatapos ng araling ito ay bubuuin natin ang kasagutan sa tanong na kung paanong ang demand at mga konsepto nito ay makatutulong sa matalinong pagdedesisyon ng konsyumer at prodyuser tungo sa pambansang kaunlaran. Gawain 12: BALITA–NALYSIS Basahin at unawain ang mga balita na nasa ibaba. Pagkatapos ay sagutan ang mga pamprosesong tanong. Mas Mataas na Buwis sa Sigarilyo, Makapagliligtas ng 27M Buhay Ang mas mataas na presyo ng sigarilyo, bunsod ng pagtaas ng buwis na ipapataw sa mga manufacturer, ay makapagliligtas ng mahigit 27 milyong buhay sa limang bansa sa Asia, ayon sa pagaaral ng Asian Development Bank na inilabas nitong Martes. Ayon sa ADB, ang pagtaas sa presyo ng sigarilyo ng 25 hanggang 100 porsiyento ay magpapababa ng bilang ng maninigarilyo sa Pilipinas, China, India, Thailand, at Vietnam ng halos 67 milyon. 125 Tinukoy ng ADB na ang 50 porsiyentong karagdagan sa presyo ng sigarilyo ay nangangahulugan ng pagtaas ng buwis ng 70 hanggang 122 porsiyento na makalilikom ng $24 billion sa karagdagang “Aggressive tobacco control via higher taxation enhances overall economic welfare,” ayon sa pagaaral ng ADB. Bukod sa madadagdagan ang kita ng gobyerno, binigyang diin din sa pag- aaral na ang paghimok sa mga naninigarilyo na itigil ang bisyo dahil sa kamahalan nito ay magreresulta sa mas mataas na productivity at mababawasan ang gastusing pangkalusugan. Kung hindi mapipigilan o masusugpo, maaaring umabot sa 267 milyong naninigarilyo ang mamamatay sa sakit na dulot nito sa limang bansa sa Asia, ayon sa pag-aaral. – PNA/ Xinhua Pinagkunan:http://www.balita.net.ph/2012/11/16/mas-mataas-na-buwis-sa-sigarilyo-makapagliligtas-ng-27m-buhay/ Retrieved on: November 15, 2014 DEPED COPY Anti-Smoking Ban, Paiigtingin sa Paaralan Upang maprotektahan ang kapakanan at kalusugan ng mga estudyante laban sa masamang epekto ng paninigarilyo, pinaigting ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang anti-smoking campaign malapit sa mga eskwelahan sa Metro Manila. Nirerepaso ng MMDA ang mga umiiral na ordinansa sa mga lungsod ng Metro Manila para sa mas mahigpit na pagpapatupad ng kampanya kontra paninigarilyo. Maglulunsad din ng anti-smoking information drive ang MMDA sa mga paaralan, na madalas may nahuhuhuling naninigarilyo ang mga estudyante sa high school at makikipag-ugnayan ang ahensiya sa mga opisyal ng eskuwelahan, Department of Health (DoH) at non-government organization. Noong Hunyo 6, nagpakalat ang MMDA ng apat na grupo upang sitahin ang mga nagtitinda ng sigarilyo o mas kilala sa tawag na Takatak Boys, gayundin sa mga tindahang malapit sa paaralan. Huhulihin din ang mga naninigarilyo sa Maynila, Caloocan City, Quezon City at iba pang lungsod sa Metro Manila hanggang sa Hunyo 21.Pagmumultahin ng Php500 ang mga mahuhuli sa unang pagkakataon, o papatawan ng walong oras na community service ang walang pambayad.Bumuo rin ng isang task force ang MMDA upang i-monitor ang mga establisimiyento at tinderong lalabag sa Republic Act 9211 o Tobacco Regulation Act. Sinabi ni MMDA Chairman Francis Tolentino na patuloy ang pagbabawal sa mga cigarette vendor malapit sa eskwelahan at ipaiiral ang 100-meter radius ban sa sigarilyo buhat sa paaralan alinsunod sa nasabing batas.- Bella Gamote Pinagkunan:https://www.balita.net.ph/2013/06/11/anti-smoking-ban-paiigtingin-sa-paaralan/ Retrieved on: November 18, 2014 126 Pamprosesong Tanong: 1. Batay sa mga artikulo, ano ang dalawang paraan ng pamahalaan upang mabawasan ang bilang ng mga naninigarilyo? 2. Sa iyong palagay, ang pagpapataw ba ng mataas na buwis ay makatutulong sa pagbaba ng demand para sa sigarilyo? Bakit? 3. Paano makaaapekto ang anti-smoking ban sa pagbabawas ng demand sa sigarilyo? 4. Alin sa dalawang artikulo ang nagpapakita ng salik ng demand na epekto ng presyo? Alin naman ang salik na hindi epekto ng presyo? 5. Sa iyong palagay, alin sa dalawang pamamaraan ang mas mabisang paraan sa pagbabawas ng dami ng naninigarilyo? Ipaliwanag ang iyong sagot. Gawain 13: FOLLOW-UP CAMPAIGN DEPED COPY Makibahagi sa iyong pangkat sa pagbuo ng isang signage ukol sa pagbabawal ng paninigarilyo sa paaralan. Sa isang pahina, ipaliwanag ang kaugnayan ng pagbabawas sa mga bagay tulad ng sigarilyo sa pagkakaroon ng isang matalinong desisyon. Tingnan sa ibaba ang halimbawa ng signage upang makabuo ng kaisipan ukol sa gagawin. THIS IS A SMOKE FREE SCHOOL SMOKING PROHIBITED Pinagkunan: http://retropilipinas.blogspot.com/2012/02/yosi-kadiri-department-of-healthshttp://www.seton.com/school-zone-signs- smoke-free-sp161.html Retrieved on: November 19, 2014 Gawain 14:T-SHIRT DESIGN Magdisenyo ng t-shirt na may temang “Ang Pagiging Matalinong Mamimili: Susi sa Pagtamo ng Pambansang Kaunlaran”. Isulat sa kahon ang paliwanag tungkol sa mabubuong disenyo. Maging gabay sa paggawa ng disenyo ang rubrik. Paliwanag: ____________________________________________________________ _______________________________________________________________________ _______________________________________________________________________ _______________________________________________________________________ _______________________________________________________________________ 127 RUBRIK SA PAGDISENYO NG T-SHIRT Nakuhang Pamantayan Deskripsyon Puntos Puntos Binigyang-pansin ang pagpapahalaga sa pagiging matalino Kaangkupan sa at mapanagutang mamimili na 25 Tema susi sa pagtamo ng pambansang kaunlaran. Akma sa tema ang mga aspekto ng Detalye ng disenyo ukol sa ugnayan ng pagiging 25 disenyo matalinong mamimili sa pagtamo ng pambansang kaunlaran. Nagpakita ito ng natatanging disenyo Orihinalidad at gamit ang pagiging malikhain at 25 Pagkamalikhain angkop na mga kagamitan DEPED COPY Mahusay na naipaliwanag ang bawat Pagpapaliwanag aspekto ng disenyo na angkop sa 25 tema ng gawain Kabuuang Puntos 100 Gawain 15: I-R-F (Initial, Revised and Final) CHART Sa bahaging ito ay muli mong sagutin ang katanungang nasa kahon at isulat ito sa ikatlong kolumn ng tsart upang malaman ang kabuuang kaalaman na iyong natutuhan sa araling ito. Paanong ang demand at mga konsepto nito ay makatutulong sa matalinong pagdedesisyon ng konsyumer at prodyuser tungo sa pambansang kaunlaran? Alam Ko Ngayon Nadagdag Kong Kaalaman Ito Na Ang Alam Ko MAHUSAY! Napagtagumpayan mo nang isagawa ang mga gawain. Transisyon sa susunod na aralin Tinalakay sa araling ito ang konsepto ng demand, ang ugnayan ng demand sa presyo at ang mga salik na nakaaapekto dito. Mahalaga ang masusing pagsusuri ng demand. Ito ang nagiging batayan ng isang konsyumer sa pagkakaroon ng matalinong desisyon sa pagkonsumo ng produkto at serbisyo at maaaring makatulong upang sumigla ang ekonomiya tungo sa pagtamo ng pambansang kaunlaran. Samantala, ang susunod na aralin ay may kinalaman pa rin sa konsepto ng demand. Ang pokus ng araling susunod ay ang pagsukat ng pagtugon ng mga mamimili sa pagbabago ng presyo. Ito ay tumutukoy sa konsepto ng elastisidad ng demand. 128 PANIMULA Maraming salik ang nakapagpapabago sa demand at isa na rito ang presyo. Kung marunong tayong magsuri, magiging matalino ang ating pagtugon dito. Subalit pare-pareho kaya ang pagtugon ng tao sa pagbabago ng presyo ng iba’t ibang uri ng produkto? Masusukat kaya natin ang mga naging pagtugon ng mamimili? Bakit kaya mahalagang masukat ang kanilang mga naging pagtugon? Ang mga nabanggit na katanungan ay masasagot gamit ang price elasticity of demand. Inaasahang maiuugnay ang tugon ng mamimili sa pabago-bagong presyo ng mga produkto at serbisyo batay sa konsepto ng price elasticity of demand. Sa iyong pagpapatuloy sa kabuuan ng araling ito, ikaw ay haharap sa mga tekstong makapagbibigay ng impormasyon at mga mapanghamong gawain na may layuning magdulot sa iyo ng kaalaman. DEPED COPY ARALIN 2: PRICE ELASTICITY OF DEMAND ALAMIN Matapos mong matutuhan ang mga konsepto ng demand at ang mga salik nito, tutuklasin mo naman sa bahaging ito ang tungkol sa price elasticity of demand upang higit na maging makabuluhan at mapukaw ang iyong interes, halina’t simulan mo munang gawin at sagutin ang mga susunod na gawain. Gawain 1: I-SHOOT SA BASKET Basahin at suriin ang sitwasyon na nasa loob ng kahon at isagawa ang nakapaloob na gawain Sitwasyon: Nagkaroon ng higit sa 10 bahagdan ng pagtaas sa presyo ng mga produkto at serbisyo na nakalista sa ibaba. Sa kabila nito, walang pagbabago sa suweldo mo. Ilagay sa basket ang mga produkto at serbisyong bibilhin mo pa rin kahit tumaas ang presyo nito. bigas alahas serbisyo ng koryente cellphone softdrinks gamot load chocolate pamasahe sa dyip Pinagkunan: http://clublabicolandia.wordpress.com/2012/08/19/3rs-reducerecyclereuse- and-native-basket-aka-as-bayong-campaign/Retrieved on: November 19, 2014 129 Pamprosesong Tanong: 1. Ano ang iyong naging basehan sa pagpili ng mga produkto at serbisyong ito? 2. Nahirapan ka ba sa pagpili ng mga produktong ilalagay sa basket? Ipaliwanag. 3. Ano-ano ang produktong mas malaki ang kabawasan sa pagkonsumo kaugnay ng pagtaas sa presyo? 4. Anong konsepto sa ekonomiks ang sumusukat sa mga pagbabagong ito? Gawain 2: A-R GUIDE (Anticipation-Reaction Guide) Alamin kung gaano na ang iyong kaalaman sa paksang tatalakayin. Isulat sa unang kolum ang SA kung ikaw ay sang-ayon sa pahayag at HSA naman kung hindi sang-ayon. Matapos Bago ang DEPED COPY PAHAYAG ang Talakayan Talakayan 1. Ang price elasticity of demand ay sumusukat sa pagtugon ng quantity demanded sa pagbabago ng presyo. 2. Kapag mas malaki ang pagtugon ng bahagdan ng pagbabago ng presyo kaysa sa bahagdan ng pagbabago ng quantity demanded, ang uri ng elastisidad ay elastiko. 3. Ang mga produktong inumin tulad ng softdrinks, juice, at tubig ay mga produktong price elastic dahil marami itong pamalit. 4. Kapag mas malaki ang pagtugon ng pagbabago ng quantity demanded kaysa sa bahagdan ng pagbabago ng presyo, ang uri ng elastisidad ay di-elastiko o inelastic. 5. Ang mga produkto at serbisyo na lubhang kailangan ng mga tao sa araw-araw tulad ng bigas, koryente, at tubig ay di-elastiko. 6. Ang unitary ay halimbawa ng elastisidad na pareho ang naging pagtugon ng bahagdan ng pagbabago ng quantity demanded at presyo. 7. Sa uring elastiko, kaya sensitibo ang quantity demanded sa pagbabago ng presyo ay dahil ang produkto ay maraming pamalit o kaya ay isang luho o hindi naman masyadong kailangan. 8. Ang mga produkto o serbisyo na may ganap na di- elastikong o inelastic demand ay mga produktong walang pamalit. 130 Matapos mong maorganisa ang iyong mga paunang kaalaman tungkol sa paksang price elasticity of demand, ihanda ang iyong sarili para sa susunod na bahagi ng aralin. Ito ay upang higit mong maunawaan ang mas malalim na konsepto ng elastisidad ng demand. PAUNLARIN Matapos mong malaman ang mga paunang impormasyon tungkol sa paksa, ngayon naman ay iyong lilinangin ang mga kaisipan/kaalamang ito sa tulong ng mga teksto at mga gawain na sadyang inihanda upang maging sanggunian mo ng impormasyon. Ang pinakatiyak na layunin ng bahaging ito ay matutuhan mo bilang mag-aaral ang mahahalagang konsepto tungkol DEPED COPY sa presyong elastisidad ng demand. Sa pamamagitan ng mga inihandang gawain at teksto, inaasahang magagabayan ka sa pagsagot ng katanungan na kung paano nauugnay ang pagbabago ng presyo sa price elasticity ng demand ng kalakal at paglilingkod. Halina’t umpisahan mo sa pamamagitan ng unang gawain na nasa ibaba. PRICE ELASTICITY OF DEMAND Ito ang paraan na ginagamit upang masukat ang pagtugon at kung gaano ang magiging pagtugon ng quantity demanded ng tao sa isang produkto sa tuwing may pagbabago sa presyo nito. Nalalaman ang tugon ng mamimili sa tuwing may pagbabago sa presyo ng mga produkto at serbisyo gamit ang formula na nasa ibaba. ɛd = %∆Qd %∆P Bahagdan ng pagbabago sa QD o %∆Qd ang tumatayong dependent variable at ang bahagdan sa pagbabago sa presyo o %ΔP naman ang independent variable. Nangangahulugan ito na ang demand elasticity ay palaging negatibo dahil ang Qd ay may salungat (inverse) na relasyon sa presyo. Para mas maayos ang interpretasyon, gagamitin natin ang absolute value ng formula nito. Kung saan: ɛd = price elasticity of demand %ΔQd = bahagdan ng pagbabago sa Qd %ΔP= bahagdan sa pagbabago sa presyo 131 Gamit ang mid-point formula ang %∆Qd at ang %∆P ay makukuha sa pamamaraang: ɛd = %∆Qd %∆P %∆Qd %∆P = __Q2 – Q1_ x 100 = _ P2 - P1 _ x 100 Q1 + Q2 P1 + P2 2 2 Halimbawa: Q1 = 100 P1 = 60 Q2 = 200 P2 = 50 %∆Qd %∆P = _200 – 100_ x 100 = _50 – 60 x 100 DEPED COPY 100 + 200 60 + 50 2 2 = 100 x 100 = -10 x 100 300 110 2 2 = 100 x 100 = -10 x 100 150 55 %ΔQd = 66.67% %ΔP = -18.18% ɛd = %∆Qd = 66.67% = | -3.67| elastic %∆P -18.18% Sundan lamang ang mid-point formula upang makuha ang sagot. Ang unang kukunin ay ang %∆Qd, alamin mula sa given kung alin ang Q1 at Q2 at gamitin na ang formula rito. Pagkatapos ay kunin din ang %ΔP, alamin kung alin ang P1 at P2 at gamitin na ang formula nito. Ang sagot sa %∆Qd ay i-divide sa nakuhang %ΔP para makuha na ang coefficient ng elasticity. Sa bawat isang bahagdan ng pagtaas ng presyo, may mga sitwasyon na mas malaki sa isang bahagdan ang ibinababa ng quantity demanded ng mga mamimili. Ibig sabihin, ang produktong ito ay hindi gaanong mahalaga o kaya ay maraming pamalit kaya puwede na munang hindi bilhin. Sa kabilang banda, may mga pagkakataon naman na mas maliit sa isang bahagdan ang ibinababa ng quantity demanded ng mga mamimili. Nangangahulugan ito na ang produkto ay mahalaga o kaya ay limitado ang mga pamalit kaya malamang ay bibilhin pa rin ito ng mga mamimili. Kaugnay nito, tunghayan ang talahanayan sa ibaba upang maunawaan ang iba’t ibang uri ng price elasticity of demand at ang gawi ng mamimili ayon sa pagbabago ng presyo ng mga produkto at serbisyo. 132 PRICE ELASTICITY OF DEMAND Uri ng Halimbawa ng Kahulugan Elastisidad Produkto 1. Elastic Ang demand ay masasabing price elastic Ang halimbawa ng kapag mas malaki ang naging bahagdan produktong price elastic ay %∆Qd > %ΔP ng pagtugon ng quantity demanded kaysa mga produktong maraming sa bahagdan ng pagbabago ng presyo. malapit na substitute. Isa |∊| > 1 Sa maliit na bahagdan ng pagbabago sa na rito ay softdrinks. Kapag presyo, ang mga mamimili ay nagiging tumaas ang presyo nito, sensitibo sa pagbili. Halimbawa, ang marami ang maaaring ipalit price elasticity of demand ay 1.2. Ibig ng mamimili. Maaaring sabihin, sa bawat isang bahagdan ng bumili ng ibang brand ng pagbabago sa presyo ay may katumbas softdrinks o kaya ay bumili na 1.2 na bahagdan ng pagbabago ng na lamang ng juice, bottled quantity demanded. Ang pagiging sensitibo water, o sago at gulaman. DEPED COPY ng quantity demanded sa pagbabago Isa pang halimbawa ng ng presyo ay maaring ipaliwanag ng price elastic na demand sumusunod: ay mga produktong hindi a. Maaaring marami ang substitute pinaglalaanan ng malaki sa isang produkto. sa badyet sapagkat hindi b. Ang mga produkto ay hindi naman ito masyadong pinaglalaanan ng malaki sa kailangan. badyet sapagkat hindi naman ito masyadong kailangan. 2. Inelastic Ang demand ay masasabing price inelastic Ang halimbawa ng mga kapag mas maliit ang naging bahagdan produktong price inelastic ng pagbabago ng quantity demanded ay ang mga pangunahing |∊| < 1 kaysa sa bahagdan pagbabago ng presyo. pangangailangan at Ipinahihiwatig nito na kahit malaki ang mga produktong halos bahagdan ng pagbabago sa presyo, walang substitute. Kapag ang mga mamimili ay hindi sensitibo sa tumaas ang presyo ng pagbili. Halimbawa, ang price elasticity produkto o serbisyo ay of demand ay 0.5. Ibig sabihin, sa bawat halos walang pagbabago isang bahagdan ng pagbabago sa presyo sa quantity demanded. ay may katumbas na 0.5 na bahagdan Ang halimbawa ng ng pagbabago ng quantity demanded. serbisyong price inelastic Ang hindi pagiging sensitibo ng quantity ay koryente at tubig. demanded sa pagbabago ng presyo ay Mahirap mawala ang maaaring ipaliwanag ng sumusunod: mga ito sa pang-araw- araw na pamumuhay, kaya kahit magmahal o a. Halos walang malapit na substitute tumaas ang presyo ng sa isang produkto. mga ito, maliit na maliit lamang ang magiging b. Ang produkto ay pangunahing bahagdan ng pagbaba pangangailangan. ng quantity demanded sa mga ito. 133 3. Unitary Pareho ang bahagdan ng pagbabago ng o Unit presyo sa bahagdan ng pagbabago ng Elastic quantity demanded. |∊|= 1 Nangangahulugan ito na anumang 4. Perfectly pagbabago sa presyo ay magdudulot elastic ng infinite na pagbabago sa quantity demanded. Ipinapakita rito na sa iisang |∊| = ∞ presyo, ang demanded ay hindi matanto o mabilang. Nangangahulugan ito na ang quantity 5. Perfectly demanded ay hindi tumutugon sa DEPED COPY Inelastic pagbabago ng presyo. Ang produktong Demand ito ay lubhang napakahalaga na kahit anong presyo ay bibilhin pa rin ang |∊| = 0 kaparehong dami. Maliban sa elastic at inelastic, may iba pang degree ang elastisidad. Ito ay ang unitary, perfectly elastic, at perfectly inelastic. Ipinapakita sa unitary na magkapareho ang bahagdan ng pagbabago ng presyo at quantity demanded. Ang coefficient ng unitary elastic demand ay 1. Walang tiyak na halimbawa ang ganitong degree ng elastisidad. Ipinapakita naman sa perfectly elastic na kahit walang nagbago sa presyo ay may pagtugon pa rin ang mga mamimili. Hindi malalaman ang dami ng pagtugon dito kaya ang coefficient ng elasticity nito ay infinite (∞). Walang tiyak na halimbawa ang ganitong degree ng elastisidad. Ipinapakita naman sa perfectly inelastic na kahit anong pagbabago sa presyo ay walang magiging pagtugon ang mga mamimili dito. Ibig sabihin, sa kahit na anong presyo ay bibili pa rin ng eksaktong dami. Dahil sa walang pagtugon na naganap, ang coefficient ng elasticity nito ay 0. Tulad ng unitary at perfectly elastic, wala ring tiyak o eksaktong sitwasyon o halimbawa ang perfectly inelastic. Maituturing na pinakamalapit na halimbawa nito ay ang mga produktong may kinalaman sa mga produkto at serbisyo na pansagip-buhay tulad ng insulin sa mga may diabetes, chemotherapy sa mga may kanser at dialysis para sa mga may malalang sakit sa bato. Gawain 3: MAG-COMPUTE TAYO! Suriin ang sitwasyong nasa susunod na pahina. Gamit ang formula, kompyutin ang price elasticity of demand at tukuyin kung anong uri ng price elasticity ito. 134 Coefficient Uri ng SITWASYON Elasticity 1. Mayroon kang ubo at sipon. Ang gamot na nakagagaling sa iyo ay nagkakahalaga dati ng Php10 bawat isang piraso at bumili ka ng 10 piraso. Ngayon ang presyo ay Php15 bawat piraso. Bumili ka na lamang ng 8 piraso. 2. Sa halagang Php30 ay nakabili ka ng 2 bareta ng nakaugaliang brand ng sabon. Nang bumaba ang presyo nito sa Php25, nakabili ka ng 5 bareta ng sabon. 3. Tumaas ang halaga ng paborito mong fishball mula ₵.50 tungong Php1 bawat isa. Sa dati mong binibili na 20 piraso, ngayon ay 10 piraso na lamang ang DEPED COPY iyong binibili. 4. Si Mang Erning ay may sakit na diabetes. Kailangan niya ng gamot na insulin batay sa takdang dosage na inireseta ng kaniyang doktor. Tumaas ang presyo nito mula Php500 kada 10 ml. vial tungong Php700 bawat 10ml vial. Walang magawa si Mang Erning kundi bilhin ang iniresetang dosage ng doktor. Gawain 4: CHART ANALYSIS! Basahin ang sitwasyon sa ibaba at sagutan ang mga tanong. Ang demand schedule sa ibaba ay nagpapakita ng demand ng mga negoyante na naka base sa Maynila at Cebu at ng mga bakasyonista para sa tiket sa eroplano. Presyo Quantity Demanded Quantity Demanded ng ng mga negosyante mga bakasyonista Php1,500 3 100 950 Php2,000 3 000 750 Php2,500 2 900 550 Pamprosesong Tanong: 1. Sa pagtaas ng halaga ng tiket sa eroplano mula Php2,000 sa Php2,500 ano ang price elasticity of demand para sa mga: a. negosyante? b. bakasyonista? 2. Bakit magkaiba ang price elasticity ng negosyante sa mga bakasyonista? Ipaliwanag. 135 Gawain 5: A-R GUIDE (Anticipation-Reaction Guide) Sagutin ang pangatlong kolum sa pamamagitan ng pagsulat ng SA kung sumasang-ayon sa pahayag, at HSA naman kung hindi sumasang-ayon sa pahayag. Bago ang PAHAYAG Matapos ang Talakayan Talakayan 1. Ang price elasticity ng demand ay sumusukat sa pagtugon ng quantity demanded sa pagbabago ng presyo. 2. Kapag mas malaki ang pagtugon ng bahagdan ng pagbabago ng presyo kaysa sa pagbabago ng bahagdan ng quantity demanded, ang uri ng elasticity ay elastic. DEPED COPY 3. Ang mga produktong inumin tulad ng softdrinks, juice, at tubig ay mga produktong elastic dahil marami itong pamalit. 4. Kapag mas malaki ang pagtugon ng pagbabago ng bahagdan ng quantity demanded kaysa sa pagbabago ng bahagdan ng presyo, ang uri ng elasticity ay elastic. 5. Ang mga produkto at serbisyo na lubhang kailangan ng mga tao sa araw-araw tulad ng bigas, koryente, at tubig ay inelastic. 6. Ang unitary ay halimbawa ng elasticity na pareho ang naging pagtugon ng bahagdan ng pagbabago ng quantity demanded at presyo. 7. Sa elastic, kaya sensitibo ang quantity demanded sa pagbabago ng presyo ay dahil ang produkto ay maraming pamalit o kaya ay isang luho o hindi naman masyadong kailangan. 8. Ang mga produkto o serbisyo na may perfectly inelastic demand ay mga produktong walang pamalit. 136 PAGNILAYAN Sa bahaging ito ng aralin ay palalawakin at pagtitibayin mo bilang mag-aaral ang mga nabuo mong kaalaman ukol sa elasticity. Kinakailangan ang mas malalim na pagtalakay sa katuturan ng elastisidad upang maihanda ang iyong sarili sa pagsasabuhay ng iyong mga natutuhan. Gawain 6: PICTO-POSTER Tinalakay sa araling ito ang tungkol sa price elasticity of demand. Ngayon ay bibigyan mo ng pagpapahalaga ang mga produktong ito sa pamamagitan ng paggawa DEPED COPY ng poster na magpapakita ng “Mga Pamamaraan sa Pagtitipid ng Elektrisidad at Tubig”. Ang bawat grupo ay gagawa ng dalawang poster, isa para sa pagtitipid ng koryente at isa ay para naman sa pagtitipid ng tubig. Iguguhit ito sa isang puting cartolina. Rubrik sa Pagpupuntos ng Poster Pamantayan Paglalarawan Puntos Nilalaman Wasto ang impormasyon. Naglalaman ng pangunahing 10 kaparaanan sa pagtitipid ng koryente at tubig. Presentasyon Mahusay na naipahahatid ang mensahe ng kahalagahan 10 ng pagtitipid ng koryente at tubig. Pagkamalikhain Mahusay ang pagkakalatag ng disenyo at mga larawan 10 na lubhang kaakit-akit sa mga tumitingin. KABUUANG PUNTOS 30 Binabati kita dahil nakamit mo ang mahahalagang kaalaman ukol sa konsepto ng price elasticity of demand. Nagawa mo ring ilapat sa pang-araw- araw na pamumuhay ang iyong natutuhan. Marami ka bang natutuhan sa mga gawain? Nakita mo ba ang kahalagahan nito sa pang araw-araw mong pagpili at paggawa ng desisyon? Magaling! 137 Transisyon sa Susunod na Aralin Binigyang diin sa araling ito ang konsepto ng price elasticity of demand at ang epekto nito sa presyo ng produkto at serbisyo. Sa isang pampamilihang ekonomiya, dalawa ang nagtatakda ng presyo. Ang demand ay kalahating bahagi lamang sa pag-alam ng magigiging presyo ng bilihin. Ang isang bahagi naman ay tumutukoy sa halaga na nais ng nagbebenta ng produkto at serbisyo. Ang kagustuhan at kakayahan ng nagbebenta ng produkto at serbisyo ay bibigyang- katuturan ng konsepto ng supply. Ang susunod na aralin ay tatalakay sa konsepto ng supply, ang mga salik na nakaaapekto rito, at ang ugnayan nito sa presyo ng produkto at serbisyo. Ang mga ito ay makatutulong upang magkaroon ng matalinong pagdedesisyon tungo sa pambansang kaunlaran. PANIMULA DEPED COPY Sa nakaraang aralin, napag-aralan mo ang tungkol sa demand bilang isa sa mahahalagang bahagi ng pamilihan na nakatuon sa mamimili. Subalit, hindi magiging ganap ang takbo ng pamilihan kung wala ang prodyuser. Sila ang nagtutustos at bumubuo ng mga produkto at serbisyo sa pamilihan. Kung ang pag-aaral ng demand ay nakatuon sa mga mamimili. Ang aralin namang ito ay nakatuon sa supply, mga produkto, at serbisyo. Tulad ng naging pagtalakay sa aralin tungkol sa demand, tutuklasin natin ang ugnayan ng presyo at supply gamit ang tatlong pamamaraan sa pagtuturo ng ekonomiks. Magsasagawa rin ng mga kasanayan ukol sa mga salik na nakaaapekto sa supply. Inaasahan na ikaw ay mahihikayat na pagyamanin ang iyong kaalaman at maunawaan kung paanong ang konsepto ng supply ay makatutulong sa matalinong pagdedesisyon ng prodyuser tungo sa pambansang kaunlaran. ARALIN 3: SUPPLY ALAMIN Sa bahaging ito ng aralin, pagtutuunan ng pansin ang mga prodyuser. Sa pag-aaral ng supply, malalaman natin ang kahandaan at kakayahan ng mga prodyuser upang matugunan ang kagustuhan at pangangailangan ng mga konsyumer. Tutuklasin mo ang mga salik na nakaaapekto rito at kung paano ito nagbabago dahil sa presyo at iba pang salik. May iba’t ibang mga gawain na inihanda na tataya sa iyong kaalaman. Inaasahang mahihikayat kang mapagyaman ang iyong kaalaman at maunawaan ang kahalagahan ng supply sa interaksiyon ng konsyumer at prodyuser tungo sa pambansang kaunlaran. 138 Gawain 1: THREE PICS: ONE WORD Kompletuhin ang word puzzle ng bawat susuriing larawan. Matapos nito ay pag-ugnay-ugnayin ang inilalahad ng bawat larawan upang mabuo ang hinihinging konsepto. Pumili ng mga letra upang mabuo ang salita o konsepto. DEPED COPY (KONSEPTO) U N G P E L Y P A B S M Pamprosesong Tanong: 1. Ano-ano ang salitang nabuo mula sa mga larawan? 2. Anong konsepto ang mabubuo mo batay sa mga larawan? 3. Paano mo maiuugnay ang mabubuong konsepto sa mga prodyuser? 139 Gawain 2 : GO NEGOSYO! Suriin ang pag-uusap ng dalawang prodyuser at sagutin ang pamprosesong tanong sa ibaba. Sa palagay ko, iyan ang Ang presyong semento pinakamatalinong ay tumaas sa nakalipas desisyon! na tatlong buwan at mukhang magpapatuloy Sapat pa naman pa ang pagtaas nito sa ang ating susunod na taon. mga salik ng produksiyon kung Sa palagay mo dapat ba magtataas tayo ng tayong magdagdag ng output. DEPED COPY produksiyon? Pamprosesong Tanong: 1. Tungkol saan ang paksang pinag-uusapan ng dalawang prodyuser? 2. Batay sa usapan, ano ang reaksiyon ng isang prodyuser kapag tumataas ang presyo? 3. Sa iyong hinuha, ano ang relasyon ng pagtaas ng presyo ng mga produkto sa pagdagdag ng produksiyon? Sa susunod na bahagi ay sasagutan mo ang graph ng kaalaman upang inisyal na masukat ang iyong nalalaman tungkol sa konsepto ng supply. Gawain 3: KNOWLEDGE ARROW Simulan mo ang paglilinang ng iyong kaalaman sa araling ito sa pamamagitan ng pagsagot ng tanong na nasa loob ng kahon na nasa susunod na pahina. Isulat mo sa bahaging “simula” ang iyong sagot. Samantala, ang bahaging “gitna” at “katapusan” ay sasagutan mo sa iba pang bahagi ng araling ito. 140 Paano makatutulong ang konsepto ng supply sa matalinong pagdedesisyon ng prodyuser tungo sa pambansang kaunlaran? DEPED COPY PAUNLARIN Sa bahaging ito ay matututuhan at mauunawaan mo ang mahahalagang impormasyon at kaisipan ukol sa konsepto ng supply, ugnayan ng presyo at dami ng supply, at mga salik na nakaiimpluwensiya rito. Inaasahang magkakaroon ka ng kaalaman tungkol sa gawi at pagpapasya ng mga prodyuser sa mga pagbabago ng salik na nakaaapekto sa supply. Simulan na ang paglinang! ANG KONSEPTO NG SUPPLY Bilang tugon sa maraming pangangailangan ng tao, nabibigyan ng pagkakataon ang mga prodyuser na lumikha ng mga produkto at magkaloob ng serbisyo upang kumita. Ang supply ay tumutukoy sa dami ng produkto o serbisyo na handa at kayang ipagbili ng mga prodyuser sa iba’t ibang presyo sa isang takdang panahon. Batas ng Supply Isinasaad ng Batas ng Supply na mayroong direkta o positibong ugnayan ang presyo sa quantity supplied ng isang produkto. Kapag tumataas ang presyo, tumataas din ang dami ng produkto o serbisyo na handa at kayang ipagbili. Kapag bumababa ang presyo, bumababa rin ang dami ng produkto o serbisyo na handa at kayang ipagbili (ceteris paribus). Ayon sa Batas ng Supply, sa tuwing ang mga prodyuser ay magdedesisyon na magprodyus ng produkto o magkaloob ng serbisyo, ang presyo ang kanilang pangunahing pinagbabatayan. Ipinapakita ng batas na ito na ang presyo ng produkto 141 o serbisyo sa pamilihan ang pangunahing batayan ng prodyuser sa paglikha. Dahil dito, higit ang kanilang pagnanais na magbenta nang marami kapag mataas ang presyo. Supply Schedule Higit na mauunawaan ang konsepto ng supply sa pamamagitan ng supply schedule. Ang supply schedule ay isang talaan na nagpapakita ng dami ng kaya at gustong ipagbili ng mga prodyuser sa iba’t ibang presyo. Makikita sa ibaba ang supply schedule. Supply Schedule ng Kendi Presyo (piso bawat piraso) Quantity Supplied Php5 50 4 40 DEPED COPY 3 30 2 20 1 10 0 0 Ang iskedyul na makikita sa talahanayan ay tumutukoy sa quantity supplied para sa kendi sa iba’t ibang presyo. Halimbawa, sa halagang piso (Php1.00) bawat piraso ng kendi, sampu (10) lamang ang dami ng handa at kayang ipagbili ng mga prodyuser. Sa presyong (Php2.00) bawat piraso, dalawampung (20) piraso naman ang handa at kayang ipagbili ng mga prodyuser. Kung tataas pa ang presyo at maging limang piso (Php5.00) bawat piraso ang kendi, kapansin-pansing magiging 50 ang magiging supply para dito. Malinaw na ipinapakita ang direktang ugnayan ng presyo at quantity supplied ng kendi para sa prodyuser. Maliban sa supply schedule, maipakikita rin ang ugnayan ng presyo sa quantity supplied sa pamamagitan ng isang dayagram o graph, ito ay tinatawag na supply curve. Ito ay isang grapikong paglalarawan ng ugnayan ng presyo at quantity supplied. Supply Curve 142 Ang graph sa itaas ay batay sa supply schedule na nasa talahanayan. Kung ilalapat sa graph ang iba’t ibang kombinasyon ng mga presyo at quantity supplied ay mabubuo ang supply curve para dito. Halimbawa, sa punto B ang presyo ay piso (Php1), sampu (10) ang dami ng kendi na gusto at handang ipagbili ng prodyuser; sa punto C na ang presyo ay dalawang piso (Php2), dalawampu (20) ang dami ng kendi na gusto at handang ipagbili ng prodyuser. Kung tutuntunin ang mga puntong ito hanggang punto F ay makabubuo ng isang kurbang pataas o upward sloping curve. Ang kurbang ito ay nagpapakita ng direktang ugnayan sa pagitan ng presyo at sa dami ng gusto at handang ipagbili ng mga mamimili. Ang paggalaw sa kurba mula punto B papunta ng punto C ay nagpapakita sa pagtaas ng supply ng sampung (10) piraso ng kendi. Kapag ang presyo naman ay bumaba ng piso makikita sa graph na bumababa ang quantity supply sa sampung (10) piraso. Paggalaw sa Supply Curve o Movement Along the Supply Curve DEPED COPY ∆P Ipinapakita sa graph sa itaas ang paggalaw sa supply curve. Mangyayari ang paggalaw sa supply curve kung ang salik na nakaaapekto ay ang sariling presyo ng produkto na nagbabago. Kung ang presyo ng kendi ay tumaas mula Php1 tungong Php2, makikita sa graph na lilipat ang punto B sa punto C. Kung bababa naman ang presyo mula Php5 tungong Php4, ang punto F ay lilipat sa punto E. Supply Function Ang isa pang paraan ng pagpapakita ng ugnayan ng presyo at quantity supplied ay sa pamamagitan ng supply function. Ang supply function ay ang matematikong pagpapakita ng ugnayan ng presyo at quantity supplied. Maaari itong ipakita sa equation sa ibaba: Qs = f (P) Ang Qs o quantity supplied ang tumatayong dependent variable, at ang presyo (P) naman ang independent variable. Ibig sabihin, nakabatay ang Qs sa pagbabago ng presyo. Ang presyo ang nakapagpapabago sa dami ng handa at kayang ipagbili ng 143 mga prodyuser. Isa pang paraan ng pagpapakita ng supply function ay sa equation na: Qs = c + bP Kung saan: Qs= dami ng supply P = presyo c = intercept (ang bilang ng Qs kung ang presyo ay 0) d = slope = ∆Qs ∆P Nagsasaad kung ang relasyon ng P at Qs ay positive o negative. Nagpapakita ang slope ng pagbabago sa dami ng supply sa bawat pisong pagbabago sa presyo. DEPED COPY Upang mapatunayan na ang datos sa supply schedule sa itaas at ang supply function ay iisa, suriin at pag-aralan ang kompyutasyon sa ibaba: Supply Function mula sa Supply Schedule para sa kendi: Qs = 0 + 10P. Kapag ang P = 1 Qs= ? Kapag ang P = 10 Qs=? Qs = 0 + 10P Qs = 0 + 10P Qs = 0 + 10(1) Qs = 0 + 10(5) Qs = 0 + 10 Qs = 0 + 50 Qs = 10 piraso Qs = 50 piraso Gamit ang supply function ay makukuha ang dami ng quantity supplied kung may given na presyo. I-substitute ang presyo na piso sa variable na P at I-multiply ito sa slope +10, ang makukuhang sagot ay idadagdag sa 0 (intercept). Mula dito ay makukuha ang sagot na 10 na quantity supplied. Sa ikalawang halimbawa, ang presyo na 5 ay i-multiply sa 10. Ang naging quantity supplied ay 50. Gawain 4: I- GRAPH MO! Ilipat sa graph ang mga punto na makikita sa supply schedule sa kaliwa upang mabuo ang supply curve. Presyo (Php) Quantity Bawat Piraso Supplied 10 50 15 100 20 150 25 200 30 250 144 Pamprosesong Tanong: 1. Ano ang quantity supplied sa presyong Php30? 2. Ano ang nangyari sa quantity supplied nang bumaba ang presyo sa Php10? Ipaliwanag. 3. Paano inilalarawan ng supply curve ang batas ng supply? Gawain 5: SU-DA-KU (SURI, DATOS, KURBA) Nalalapit na ang pagsisimula ng klase sa buwan ng Hunyo, kaya inaasahan ang pagtaas ng presyo ng school supplies partikular na ang kuwaderno. Gamit ang supply function na Qs= 0 + 50P at itinakdang presyo sa ibaba, bumuo ng hypothetical na iskedyul na magpapakita ng iyong desisyon kung ilang kuwaderno ang handa mong ipagbili. Matapos ito ay i-plot ang iskedyul upang mabuo ang supply curve. Iskedyul ng supply para sa notebook bawat piraso DEPED COPY Presyo (Php) Dami ng ng notebook ibebenta 21 18 15 12 9 Pamprosesong Tanong: 1. Ano ang iyong pangunahing dahilan para lumikha ng maraming produkto at serbisyo? 2. Kung ikaw ay isang negosyante/nagbebenta, ano ang dapat mong isaalang- alang maliban sa kumita? Ipaliwanag. Gawain 6: MAG-COMPUTE TAYO! Kompyutin ang sumusunod na talahanayan gamit ang datos na nasa ibaba. A. Supply Function na Qs = 0 + 5P Presyo (Php) Qs 2 20 6 40 10 145 B. Supply Function: Qs = -100+20P Presyo (Php) Qs 5 100 15 300 25 Gawain 7: MAG-LEVEL-UP KA! Lagyan ng () ang tapat ng kolum na sang-ayon kung naniniwala ka na tama ang pahayag ukol sa konsepto ng supply at ang () sa tapat ng kolum kung hindi DEPED COPY sang-ayon. Pahayag Sang-ayon Di-sang ayon 1. Ang supply ay tumutukoy sa dami ng produkto o serbisyo na handa at kayang ipagbili ng mga prodyuser sa takdang presyo at panahon. 2. Ang ugnayan ng presyo at quantity supplied ay maaring ipakita gamit ang supply schedule, supply curve, at supply function. 3. Ayon sa Batas ng Supply, ang presyo at quantity supplied ay may di-tuwirang relasyon. 4. Ang slope ng supply function ang nagtatakda kung ang ugnayan ng presyo at supply ay positibo o negatibo. 5. Ang ceteris paribus assumption ay nagsasaad na ang ugnayan ng presyo at supply ay may magkasalungat na relasyon. 146 Iba pang mga Salik na Nakaaapekto sa Supply Maliban sa presyo, may iba pang salik na nakaaapekto sa supply. Ang pagsusuri ng mga salik na ito ay mahalagang malaman upang higit na maging matalino sa paggawa ng desisyon ang mga prodyuser. (1) Pagbabago sa Teknolohiya Karaniwan na ang modernong teknolohiya ay nakatutulong sa mga prodyuser na makabuo ng mas maraming supply ng produkto. Dahil dito, maaaring bumaba ang halaga ng produksiyon na lalong hihikayat sa mga prodyuser na dagdagan ang kanilang supply. (2) Pagbabago sa Halaga ng mga Salik Produksiyon Ang paggawa ng produkto ay nangangailangan ng iba’t ibang salik gaya ng lupa, paggawa, kapital, at entrepreneurship. Sa bawat pagtaas ng presyo DEPED COPY ng alinmang salik, mangangahulugan ito ng pagtaas sa kabuuang gastos ng produksiyon kaya maaaring bumaba ang dami ng mga produkto o serbisyo na handa at kayang ipagbili ng mga prodyuser. Sa kabilang banda, ang pagbaba ng presyo ng alinmang salik ay magdudulot din ng pagbaba ng kabuuang gastos sa produksiyon kaya’t inaasahan ang pagdami ng supply. (3) Pagbabago sa Bilang ng mga nagtitinda Ang salik na ito ay maihahalintulad din sa bandwagon effect sa demand. Kung ano ang mga nauusong produkto ay nahihikayat ang mga prodyuser ng mag prodyus at magtinda nito. Halimbawa, dahil nauuso ang pagtitinda ng siomao, milkshake at toasted siopao, mas marami ang nahihikayat na magtinda ng kaparehong produkto. (4) Pagbabago sa Presyo ng kaugnay na produkto Ang mga pagbabago sa presyo ng isang produkto ay nakaaapekto sa quantity supplied ng mga produktong kaugnay nito. Halimbawa, ang magsasaka ay nagtatanim ng palay at mais. Sa panahon na mas mataas ang presyo ng mais, magaganyak siyang gamitin ang kabuuang lupa bilang taniman ng mais. Ito ay magdudulot ng pagbaba sa supply ng bigas at pagtaas ng supply ng mais. (5) Ekspektasyon ng Presyo Kung inaasahan ng mga prodyuser na tataas ang presyo ng kanilang produkto sa madaling panahon, may mga magtatago ng produkto upang maibenta ito sa mas mataas na presyo sa hinaharap. Ang kondisyong ito ay tinatawag na hoarding na nagbubunga ng pagbaba ng supply sa pamilihan. Halimbawa, may paparating na bagyo na tatama sa Gitnang Luzon na isa sa mga pinagmumulan ng supply ng bigas sa bansa. May ilang mapagsamantalang negosyante na magtatago ng kanilang supply dahil sa inaasahang pagtaas sa presyo ng produkto. Kapag nangyari na ang inaasahang pagtaas ng presyo ng bigas, muli nilang ilalabas sa pamilihan ang mga itinagong bigas. 147 Ang Paglipat ng Supply Curve o Shifting of the Supply Curve DEPED COPY Ang graph sa itaas ay nagpapakita ng paglipat ng kurba ng supply. Ang pagtaas ng supply ay makapagdudulot ng paglipat ng kurba ng supply sa kanan. Mangyayari ang paglipat ng kurba ng supply sa kanan kung ang mga pagbabago ng salik na hindi presyo ay nakapagdulot ng pagtaas ng supply. Ang pagbaba ng supply ay makapagdudulot ng paglipat ng kurba ng supply sa kaliwa. Mangyayari ang paglipat ng supply sa kaliwa kung ang mga pagbabago ng salik na hindi presyo ay nakapagdulot ng pagbaba ng supply. Matalinong Pagpapasya sa Pagtugon sa mga Pagbabago ng mga Salik na Nakaaapekto sa Supply Ang mga pagbabago sa salik ng supply ay may epekto sa magiging kahihinatnan ng negosyo. Dapat alam ng prodyuser kung papano tutugon sa pagbabago ng mga naturang salik. 1. Ang pagtaas ng gastusin sa produksiyon ay nagreresulta sa pagtaas ng presyo ng produkto. Hahantong naman ito sa pagbaba ng demand. Ang pagtaas ng gastos ng produksiyon ay matutugunan sa pamamagitan ng efficient na pamamaraan. Ibig sabihin sa kakaunting salik na gagamitin ay makabubuo ng maraming produkto. 2. Ang pagpasok sa negosyo ay malaking pakikipagsapalaran. Upang maging matagumpay, kailangang pagtuunan ng masusing pag-aaral ang pamamalakad nito. Malaki ang maitutulong ng paghingi ng payo sa mga eksperto upang maging matatag ang negosyo. 3. Ang pagkakaroon ng sapat na kahandaan sa anumang balakid sa negosyo ay napakahalaga. Dapat maging handa sa anumang inaasahang balakid tulad ng natural na kalamidad at krisis sa ekonomiya upang hindi maapektuhan ang produksiyon. 148 4. Iwasan ang pagsasamantala lalo na sa panahon ng kagipitan o kakulangan. Ito ay lalo lamang magpapalala ng sitwasyon. Dapat isipin ng mga negosyante ang kapakanan ng nakararami lalo na ng mga konsyumer na hindi kayang abutin ang mataas na presyo. Gawain 8: GRAPHIC ORGANIZER Isulat sa loob ng kahon ang angkop na salik upang mabuo ang organizer. Supply DEPED COPY Pamprosesong Tanong: 1. Ano ang dalawang pangunahing salik na nakaiimpluwensiya sa supply? 2. Bukod sa sariling presyo, ano-ano pa ang mga salik na nakaaapekto sa supply? 3. Paano nakaiimpluwensiya ang mga pagbabago sa salik ng supply sa desisyon ng mga prodyuser ukol sa dami na gagawing produkto? Gawain 9: ARROW ‘IKA MO? Suriin ang mga sitwasyon sa ibaba. Lagyan ng R ang patlang kung lilipat pakanan ang supply curve at L kung pakaliwa naman. _____1. Hindi muna ibinenta ni Aling Nery ang kaniyang panindang bawang ngayon sa pag- aakalang tataas pa ang presyo nito sa susunod na linggo. _____2. Nagpalit ng bagong modelo at mas malaking kalan si Tita Bernice para sa kaniyang karinderya. _____3. Mabili ang mga produkto mula sa ukay-ukay kaya nagdesisyon ang magkaibigang Fe at Mina na pasukin na rin ang negosyo. _____4.Bumibili si Tito Francisco ng tatlong rolyo ng balat ng hayop upang gawing sapatos. Tumaas ang presyo kada rolyo ng balat ng hayop mula sa dating Php6,000 at umabot na ngayon ng Php9,000 kada rolyo. _____5. Malakas na negosyo ngayon ang pagtitinda ng malunggay pandesal sa pamilihan, kaya si Mang Roel ay nahikayat na magbenta ng nasabing produkto. 149 Gawain: 10 EX-BOX (Explain Inside the Box) Ipakita sa pamamagitan ng graph ang naging epekto ng pagbabago ng mga salik sa supply ng isang produkto. Iguhit ang supply curve na lumipat sa kanan kung dumami ang supply at iguhit naman ang kurba na lumipat sa kaliwa kung ito ay bumaba. Lagyan ito ng arrow kung saan ang direksyon ng pagbabago. Ilagay ang paliwanag sa kolum na inilaan para rito. Produkto Sitwasyon Graph Paliwanag P S Karagdagang subsidiya ng 1. Palay pamahalaan para sa mga magsasaka DEPED COPY Qs P S Pagtaas ng presyo 2. Sapatos ng balat na gamit sa paggawa ng sapatos Qs P S Inaasahan ng mga nagbebenta ng asukal 3. Asukal na tatas ang presyo nito sa susunod na linggo. Qs P S Makabagong 4. Tilapia at teknolohiya sa Bangus pagpaparami ng tilapia at bangus Qs P S Pagtaas ng presyo ng 5. Manufactured salik sa paggawa ng goods manufactured goods Qs 150 P S Inaasahan ng mga prodyuser na bababa 6. Patis at Toyo ang presyo ng patis at toyo sa susunod na linggo. Qs Makalumang P S pamamaraan ng pagtatanim ng palay 7. Bigas ang sinusunod ng nakararaming magsasaka sa bansa. Qs P S Sunod-sunod na DEPED COPY 8. Produktong kalamidad tulad ng Agrikultural bagyo at banta ng El Niño. Qs Matalinong Pagpapasya sa Pagtugon sa mga Pagbabago ng mga Salik na Nakaaapekto sa Supply Ang mga pagbabago sa salik ng supply ay may epekto sa kahihinatnan ng negosyo. Alam dapat ng prodyuser kung papano tutugon sa pagbabago ng mga naturang salik. 1. Ang pagtaas ng gastusin sa produksiyon ay nagbubunga ng pagtaas sa presyo ng produkto. Hahantong naman ito sa pagbaba ng demand ng mamimili. Ang pagtaas ng gastos sa produksiyon ay matutugunan sa pamamagitan ng efficient na pamamaraan. Ibig sabihin, sa kakaunting salik na gagamitin ay makabubuo ng maraming produkto. 2. Ang pagpasok sa negosyo ay malaking pakikipagsapalaran. Upang maging matagumpay, kailangang pagtuunan ng masusing pag-aaral ang pamamalakad nito. Malaki ang maitutulong ng paghingi ng payo sa mga eksperto upang maging matatag ang negosyo. 3. Ang pagkakaroon ng sapat na kahandaan sa anumang balakid sa negosyo ay napakahalaga. Dapat maging handa sa anumang in

Use Quizgecko on...
Browser
Browser