Lider at Tagasunod: Kapwa Mahalaga PDF
Document Details
Uploaded by HardierMoldavite232
Sto. Tomas National High School
Tags
Summary
Ang dokumentong ito ay isang presentasyon tungkol sa kahalagahan ng mga lider at tagasunod sa isang pangkat. Binibigyang-diin nito ang mga katangian ng isang mapanagutang lider, gaya ng inspirasyon, pagiging modelo, at pagiging punongtagapaglingkod sa mga kasapi ng team. Naglalaman din ito ng mga gabay na katanungan ukol sa liderato at mga gawain upang mapag-aralan ang tungkulin ng lider at tagasunod.
Full Transcript
# Lider at Tagasunod: Kapwa Mahalaga ## Lider at Tagasunod - **Lider:** Ang taong namumuno o nangunguna sa isang pangkat ng tao. - **Tagasunod:** Ang taong sumusunod at nagsasakilos sa mga layunin ng lider. ## Grupo/Pangkat Ang isang pangkat ay binubuo ng mga taong nagkakasama at nagtutulungan u...
# Lider at Tagasunod: Kapwa Mahalaga ## Lider at Tagasunod - **Lider:** Ang taong namumuno o nangunguna sa isang pangkat ng tao. - **Tagasunod:** Ang taong sumusunod at nagsasakilos sa mga layunin ng lider. ## Grupo/Pangkat Ang isang pangkat ay binubuo ng mga taong nagkakasama at nagtutulungan upang makamit ang isang layunin. ## Kahalagahan ng Lider at Tagasunod Mahalaga sa isang pangkat ang pagkakaroon ng isang ugnayang may kapayapaan at pagkakaisa. Ang tagumpay ay nakasalalay sa pamumuno ng lider. ## Mga Katangian ng Mapanagutang Lider Kung nais mo na magkaroon ng positibo at pangmatagalang epekto at impluwensya sa mundo, kailangan linangin at pagsumikapan ang maging mas mabuting lider at ang mabuting pamumuno. ## Pamumunong Inspirasyunal, Transpormasyonal, at Adaptibo Ayon kay Dr. Eduardo Morato (2007): ### Pamumunong Inspirasyunal - Nagbibigay ng inspirasyon at direksyon. - Nagsisilbing modelo at halimbawa. - Ipinalalagay ang kaniyang sarili na punongtagapaglingkod (servant leader). Halimbawa: - Martin Luther King - Mother Teresa - Mahatma Gandhi ### Pamumunong Transpormasyonal - May kakayahan siyang gawing kalakasan ang mga kahinaan at magamit ang mga karanasan upang makamit ang mithiin ng pangkat. - Umaalalay sila bilang mentor upang magkaroon ng sapat na kaalaman at kasanayan ang kaniyang mga kasama upang mapaunlad ng mga ito ang kanilang sarili at maabot ang kanilang pinakamataas na potensyal. ### Pamumunong Adaptibo - Ibinabatay sa sitwasyon ang istilo ng pamumunong adaptibo. - Mayroon siyang mataas na emotional quotient (EQ) at personalidad na madaling makakuha ng paggalang. ## Mga Prinsipyo ng Pamumuno Ang sumusunod na prinsipyo ng pamumuno ang ipinatutupad ng *The Royal Australian Navy: Leadership Ethic (2010)* upang ang lider ay maging mapanagutan. 1. Maging sapat ang kaalaman at kasanayan. 2. Kilalanin at ipagpatuloy ang pagpapaunlad ng sarili. 3. Maging mabuting halimbawa. 4. Tanggapin at gampanan ang tungkulin. 5. Kilalanin ang mga tagasunod at kasapi ng pangkat, pangalagaan at ipaglaban ang kanilang karapatan. 6. Ilahad ang layunin at ang direksyong tatahakin sa pagkakamit ng layunin. 7. Kilalanin at paunlarin ang potensyal ng bawat kasapi na maging lider. 8. Gumawa ng mga pagpapasiyang makatwiran at napapanahon. 9. Turuan ang mga tagasunod ng paggawa nang sama-sama at magbigay ng mga pagkakataon upang subukin ang kanilang kakayahan. ## Sagutin Mo Nga? - May Facebook o Instagram account ka? - Ilan na nasundan mo? - Ilan na ang followers mo? Kadalasan, ang mga sikat at hinahangaang artista at mang-aawit ang maraming followers o taga-sunod. Halimbawa: - Daniel Padilla (4.55M followers) - Anne Curtis-Smith (8.21M followers) - Noynoy Aquino (2.89M followers) - Maine Mendoza (2.34M followers) - Alden Richards (2.36M followers) Ano kaya ang katangiang mayroon sila at sila ay sinusundan? Ikaw, masasabi mo bang Lider ka o Tagasunod? ## Mahalagang Tanong: - Bakit mahalaga na maunawaan at gampanan ang aking tungkulin bilang lider at tagasunod? - Ano ang maaari kong maibahagi sa lipunan bilang mapanagutang lider at tagasunod? ## Bakit Mahalaga na Pag-aralan ang Tungkol sa Pagiging Lider at Tagasunod? 1. Kahalagahan ng pagiging mapanagutang lider at tagasunod. 2. Katangian ng mapanagutang lider at tagasunod. 3. Isagawa ang mga ankop na kilos upang mapaunlad ang kakayahang maging mapanagutang lider at tagasunod. ## Pagtataya **Panuto:** Sagutin nang may katapatan ang bawat pahayag upang masukat ang kakahayang maging mapanagutang lider at tagasunod. Suriin at tayahin ang sariling kakayahan kung ang mga pahayag ay ginagawa mo palagi, madalas, paminsan-minsan, o hindi kailanman. Lagyan ng Tsek (✔) ang iyong sagot batay sa kasalukuyang kalagayan ng iyong kakayahan sa pamumuno at pagsunod. Isulat sa kuwaderno ang iyong sagot. | Mga Pahayag | Palagi (3) | Madalas (2) | Paminsan-minsan (1) | Hindi kailanman (0) | |-------------------------|------------|-------------|-----------------------|---------------------| | Sapat ang aking kaalaman at kasanayan upang mamuno. | | | | | | Patuloy ang pagpapaunlad ko sa aking sariling kakayahan sa pamumuno. | | | | | | Ako ay isang mabuting halimbawa sa aking kapwa kabataan. | | | | | | Tinatanggap ko at ginagampanan ko ang aking tungkulin bilang lider. | | | | | | Kinikilala ko ang mga kasapi ng pangkat, pinangangalagaan at ipinaglalaban ko ang kanilang kapakanan. | | | | | | Inilalahad ko ang layunin ng pangkat at ang direksyong tatahakin sa pagkakamit nito. | | | | | | Kinikilala ko at tinutulungang paunlarin ang potensyal ng bawat kasapi na maging lider din. | | | | | | Gumagawa ako ng mga pagpapasiyang makatwiran at napapanahon. | | | | | | Tinuturuan ko ang mga tagasunod ng paggawa nang sama-sama at nagbibigay ako ng pagkakataon upang subukin ang kanilang kakayahan. | | | | | | Nagbibigay ako ng nararapat na impormasyon sa mga kasapi ng pangkat. | | | | | | Gumagawa ako ng aksyong tugma sa ipinatutupad ng lider. | | | | | | Aktibo akong nagpapasiya upang makatulong sa pagsasakatuparan ng gawain ng pangkat. | | | | | | Nagpapakita ako ng interes at katalinuhan sa paggawa. | | | | | | Ako ay maaasahan at may kakayahang gumawa kasama ang iba upang makamit ang layunin. | | | | | | Kinikilala ko at iginagalang ang awtoridad ng lider. | | | | | | Alam ko ang aking pananagutan sa maaaring ibunga ng aking mga kilos at gawa | | | | | | Aktibo akong nakikilahok sa mga gawain ng pangkat. | | | | | | Kritikal kong sinusuri ang ipinagagawa ng lider kung ito ay makatutulong upang makamit ang mabuting layunin ng pangkat. | | | | | | Malaya kong ipinahahayag nang may paggalang ang aking opinyon kapag gumagawa ng pasiya ang pangkat. | | | | | | Pumipili ako ng isang mapanagutang lider nang may katalinuhan. | | | | | **Interpretasyon ng Iskor:** | Iskor | Interpretasyon | |-------|-----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------| | 51-60 | Wala nang hahanapin pa. Maaari kang makatulong upang maging gabay at mapagsanggunian ng iba sa kanilang paglinang ng kasanayan sa pamumuno at pagiging tagasunod. Ang iyong kakayahan sa pamumuno at pagiging tagasunod ay kahanga-hanga at dapat tularan! | | 41-50 | Kinakikitaan ka ng pagsusumikap na maging isang mapanagutang lider at tagasunod. Maaaring ibahagi ang kasanayan. Ipagpatuloy ang pagbabahagi ng sarili sa kapwa! | | 16-40 | Mayroong pagsusumikap na malinang ang kakayahan sa pamumuno at pagiging tagasunod. Ipagpatuloy! | | 15 pababa | Nagbibigay ng kaligayahan at kapanatagan ang maging isang mapanagutang lider at tagasunod. Magkaroon ng pagsusumikap at sumangguni sa taong maaaring makatulong sa iyo upang mapaunlad ang iyong kakayahan sa pamumuno at pagiging tagasunod. | ## Gawain 1 **Panuto:** Magtala ng limang salita o grupo ng salita na maiuugnay mo sa salitang LIDER O TAGASUNOD. Isulat sa kuwaderno ang iyong sagot. <p align="center"><img src = "https://encrypted-tbn0.gstatic.com/images?q=tbn:ANd9GcRQmJ5W2o7yV8X0U8l76G9K91n4X9L_04l48w&usqp=CAU"></p> ## Gawain 2 **Panuto:** 1. Itala ang mga pagkakataon na naging kasapi ka ng mga samahan o pangkat, maaaring sa loob ng paaralan (hal. Mapeh Club, Student Council, etc.) o sa labas ng paaralan (hal. Sangguniang Kabataan, Basketball Team) 2. Ilagay kung ano ang iyong katungkulan o kasalukuyang katungkulan. maaaring mong dagdagan ang talaan. | Mga Samahan o Pangkat na Aking Sinalihan | Ang Aking Katungkulan | |-----------------------------------------|-------------------------| | Halimbawa: | | | 1. Group 2 - pangkatang gawain sa EsP | 1. Lider - Pangulo | | 2. Student Council | 2. Lider - Kalihim Kasapi - | | 3. Dance Troupe (elementarya) | 3. Tagasunod | | Ikaw naman: | | | 1. | | | 2. | | | 3. | | | 4. | | | 5. | | ## Gabay na Tanong **Panuto:** 1. Suriin ang mga tungkuling ginagampanan mo sa mga samahang iyong kinabi- bilangan. Ano ang mas marami, ang iyong pagiging lider o ang pagiging tagasunod? 2. Alin sa mga kinabibilangan mong samahan ang labis mong pinahahalagahan? Bakit? 3. Ano ang iyong tungkulin sa nabanggit na samahan? Paano mo tatayahin ang antas ng iyong pagganap sa iyong tungkulin? (Mula 1 hanggang 10; iskor na 1 kung pinakamababa at 10 kung pinakamataas). Ipaliwanag ang iskor na ibinigay. 4. Ano sa palagay mo, ang dapat mo pang gawin upang mapaunlad ang pagganap mo sa mga tungkuling kasalukuyang nakaatang sa iyo? ## Ang Mapanagutang Pamumuno at Pagiging Tagasunod <p align="center"><img src = "https://encrypted-tbn0.gstatic.com/images?q=tbn:ANd9GcR_L9yK_jG7-uK76z0n2S_5XgY36uN4J83i7w&usqp=CAU"></p> Lider ka ba o Tagasunod? Kung walang tagasunod, walang halaga ang pagiging lider. Minsan, mayroon na ngang lider at may tagasunod, hindi pa rin magkasundo at nagkakaroon ng suliranin sa pakikipag-ugnayan sa pangkat. Alalahanin mo na ang pagkakaroon ng isang ugnayang may kapayapaan at pagkakaisa ay isa sa mga paraan upang malinang ang iba't ibang aspeto ng iyong pagkatao tungo sa iyong pagiging ganap. Kung ikaw ay magiging mapanagutang lider at tagasunod, ano ang maaari mong maibahagi sa pangkat o lipunang iyong kinabibilangan? ## Kahalagahan ng Pamumuno at ng Lider <p align="center"><img src = "https://encrypted-tbn0.gstatic.com/images?q=tbn:ANd9GcR43S81o9kH_c9A7aQyV481T9S8i35521B-R8w&usqp=CAU"></p> Maaaring maisulong ng isang lider ang katuparan ng isang layuning makatarungan o pagsira sa dignidad ng kaniyang kapwa, matupad lang amng mga layuning makasarili. ## Ang Mabuting Lider, ayon kay Lewis (1998) ay: - naglilingkod, - natitiwala sa kakayahan ng iba (upang maging lider din) - nakikinig at nakikipag-ugnayan nang maayos sa iba - magaling magplano at magpasiya - nagbibigay ng inspirasyon sa iba - patuloy na nililinang ang kaalaman at kasanayan upang patuloy na umunlad - may positibong pananaw, - may integridad - mapanagutan, - handang makipagsapalaran - inaalagan at iniingatan ang sarili, at mabuting tagasunod. ## Ayon kay Dr. Jack Weber ng University of Virginia, makikilala ang kahusayan ng pagiging lider: - sa kilos ng mga taong kaniyang pinamumunuan. - kung ang mga taong nakapaligid sa kaniya ay punong-puno ng inspirasyon dahil sa mga ipinakita niya bilang lider ## Ang Kahalagahan ng Pagiging Tagasunod Ayon kay **Barbara Kellerman** ng Harvard University (nabanggit sa www.leadershipkeynote.net), "nakagagawa at naisasakuparan ng epektibong grupo ng tagasunod ang layunin ng samahan." ## Mga Paraang Dapat Linangin ng Mapanagutang Lider at Tagasunod Upang Magtagumpay ang Pangkat Ang pagkakaroon ng di maayos na ugnayan sa pagitan ng lider at tagasunod ay nakahahadlang sa pagkakaroon ng isang makatwiran na pagpapasiya tungo sa pagkamit ng layunin ng pangkat. Kadalasan, ang pagkakaroon ng magkaibang istilo ng pagpapasiya at pagkawala ng tiwala ang nagiging suliranin ng pangkat. Nangangailangan ang pangkat ng matatag at nagtutulungang lider at tagasunod. ## Magtatagumpay ang Pangkat Kung Mapanagutang Gagampanan ng Bawat Isa (Lider at Tagasunod) ang Kani-Kaniyang Tungkulin, sa Pamamagitan Ng: 1. pakikipag-ugnayan at pagpapahayag ng opinyon nang malinaw at may paggalang. 2. pakikinig at pag-unawa sa mga ideya ng ibang kasapi. 3. pagiging handa sa mga pagtitipon at pakikilahok nang aktibo sa mga gawain. 4. pagsuporta sa mga kasapi at gawain ng pangkat. 5. pagbabahagi ng mga impormasyon, karanasan, at kaalaman sa ibang kasapi. 6. kusang pagtulong sa ibang kasapi ng pangkat upang matapos ang gawain. 7. pag-unawa at pagtugon sa mga pagbabagong kinahaharap ng pangkat. 8. paglutas ng suliranin na kasama ang ibang kasapi. ## Ang Tungkulin ng Tagasunod o Follower 1. Gumagawa siya ng aktibong pagpapasya upang makatulong sa pagsasakatuparan ng mga gawaing pangkat. 2. Nagpapakita siya ng interes at katalinuhan sa paggawa. 3. Siya ay maaasahan at may kakayahang gumawa kasama ang iba upang makamit ang layunin. 4. Kinikilala niya ang awtoridad ng lider at nagpapataw siya ng limitasyon sa kaniyang mga kilos, pagpapahalaga, mga opinion, at pananagutan sa maaaring ibunga ng kaniyang gawa (Kelly, 1992). ## Ibinahgi Rin ni Kelly (1992) ang Mga Antas ng Pagiging Tagasunod (Levels of Followership). Ayon sa kaniya, marapat na tayo ay maging ulirang tagasunod upang masabing ginagampanan natin nang mapanagutan ang ating tungkulin. Ang limang antas ay batay sa iskor sa dalawang component: paraan ng pag-iisip (kung kritikal o hindi) at pakikilahok (aktibo o hindi). Basahin at suriin kung ano ang uri at antas ng iyong pagiging tagasunod: | Antas ng Pagiging Tagasunod | Paraan ng Pag-iisip (kritikal - hindi kritikal) | Pakikilahok (aktibo - hindi aktibo) | |--------------------------------|-------------------------------------------------|-----------------------------------------| | Uliran | Mataas | Mataas | | Hiwalay | Mataas | Mababa | | Umaayon | Mababa | Mataas | | Pragmatiko (Praktikal) | Nasa gitna | Nasa gitna | | Pasib (Hindi Aktibo) | Mababa | Mababa | ## Mga Kasanayang Dapat Linangin ng Isang Ulirang Tagasunod (Kelly, 1992). Nababahagi ito sa tatlong malalawak na kategorya: 1. **Kakayahan sa trabaho (****job skills****).** Malilinang ito sa pamamagitan ng pagkakaroon ng **focus**, **komitment**, **pagsusumikap** na maragdagan ang kagalingan sa paggawa, at pagkakaroon ng **kusang pagtulong** sa kinabibilangang pangkat. 2. **Kakayahang mag-organisa (****organizational skills****).** Malilinang ito sa pamamagitan ng pagkilala at pagpapalago ng pakikipag-ugnayan sa mga kasama sa pangkat. iba pang samahan at sa mga namumuno. 3. **Mga pagpapahalaga (****values component****).** Malilinang ito ng isang ulirang tagasunod kung paiiralin niya ang isang mabuti,