Ang Pilipinas sa Asya: Isang Gabay sa Pamahalaang Demokratiko PDF
Document Details
![GleefulTanzanite707](https://quizgecko.com/images/avatars/avatar-8.webp)
Uploaded by GleefulTanzanite707
Tags
Related
- Mga Patakaran at Balangkas ng Pamahalaang Amerikano sa Pilipinas PDF
- Ang Pamana ng Rome (Batas at Pamahalaan) PDF
- Balangkas ng Pamahalaang Kolonyal ng Amerika sa Pilipinas PDF
- Mga Patakaran at Programa ng Pamahalaan PDF
- Tugon ng Pamahalaan Tungkol sa Karahasan at Diskriminasyon PDF
- Mga Programang Panlipunan ng Pamahalaan ng Pilipinas (Module Notes) PDF
Summary
Ang dokumento ay naglalahad ng mga prinsipyo ng pamahalaang demokratiko sa Pilipinas, kasama na ang mga karapatan ng mamamayan at ang mga pundasyon ng sistemang pampulitika, kasama rin ang iba't ibang aspekto ng pamahalaan ng Pilipinas. Itinuturing itong isang gabay na nagbibigay ng impormasyon sa paksa.
Full Transcript
## Ang Pilipinas sa Asya Sa Asya, ang Pilipinas ay isa sa mga bansang sumusuporta at nagpapatupad ng pamamahalang demokratiko. May kalayaan ang bawat mamamayan sa pagpili ng kanilang mga lider at kanilang kinatawan sa Kongreso, sa pamamahayag, at pagpili ng relihiyon. Ito ay ilan lamang sa mga p...
## Ang Pilipinas sa Asya Sa Asya, ang Pilipinas ay isa sa mga bansang sumusuporta at nagpapatupad ng pamamahalang demokratiko. May kalayaan ang bawat mamamayan sa pagpili ng kanilang mga lider at kanilang kinatawan sa Kongreso, sa pamamahayag, at pagpili ng relihiyon. Ito ay ilan lamang sa mga prinsipyo ng pamahalaang demokratiko. Bilang bahagi ng isang demokratikong bansa, ano ang mga bagay na malaya mong nagagawa? ## Paghuhukay ng Kaalaman Sa Artikulo II, Seksiyon 1 ng 1987 Saligang Batas ng Pilipinas, sinasabi na ang bansa ay isang estado na may pamahalaang republika at demokratiko. Ano kaya ang ibig sabihin nito at paano ito ipinatutupad sa bansa? ## Balangkas ng Pamahalaan ng Pilipinas Ang pamahalaan ng Pilipinas ay maituturing na isang demokratiko, republika, presidensiyal, at unitary. * **Demokratiko** - Ang Pilipinas ay naniniwala na ang ganap na kapangyarihan ng pamahalaan ay nasa kamay ng mga mamamayan. Sila ang may karapatan sa pagpapasiya kung ano ang makabubuti sa buong bansa. Maganda man ang prinsipiyong ito ngunit mahirap itong ipatupad lalo na kung ang bilang ng mga mamamayan ay milyon-milyong katao. * **Republika** - Ang pagiging republika ay paraan kung paano maipatutupad nang maayos ang demokrasya sa bansa. Dahil na rin sa dami ng mga mamamayan, ang pagpapasiya sa pagtugon ng pangangailangan ng bansa ay ipinagkakatiwala sa mga kinatawan o representative sa pamamagitan ng halalan. Inihahalal din ang pinuno ng mga kinatawan. Sa Pilipinas, ang mga kinatawan ang bumubuo sa dalawang sangay ng pamahalaan, ang ehekutibo at lehislatibo. Ang kapangyarihan ng ehekutibo at lehislatibo ay hindi ganap. Sila ay sumusunod sa kanilang mga tungkulin na itinakda sa Saligang Batas ng Pilipinas. Kaya naman ang Pilipinas ay maaaring tawaging Constitutional Republic. Kung mayroong hindi pagkakasunduan tungkol sa tamang pag-intindi sa mga sinasabi ng Saligang Batas, ang sangay hudikatura ang siyang magpapasiya tungkol dito. Mahalaga na ang bawat sangay ay may kalayaan sa maaaring impluwensiya ng ibang mga sangay lalo na sa panghihimasok sa tungkulin ng mga ito sa isa't isa. * **Presidensiyal** - Ang pinuno ng mga inihalal na kinatawan ay ang presidente. Siya ang pangulo ng pamahalaan at ng bansa o estado. Siya rin ang pinuno ng sangay ehekutibo. Ang kanyang kapangyarihan ay hiwalay sa sangay lehislatibo at sangay hudikatura. Ito ay alinsunod sa prinsipyo ng separation of powers. Ito ay ipinatutupad upang maiwasan na mangibabaw ang isang ## Bokabularyo * **korupsiyon (corruption)** - katiwalian; pag-abuso sa kapangyarihan para sa sariling kapakanan * **pag-abuso (abuse)** - pagsamantala * **pagsasakdal (indictment)** - paghahabla; pagdemanda * **gọi (goal)** - layunin; puntahin * **alituntunin (principle; regulation; rule)** - batas; utos * **matamasa (to enjoy; to experience)** - maranasan * **nalinang (developed)** - pagpapaunlad ng kalagayan