Mga Programang Panlipunan ng Pamahalaan ng Pilipinas (Module Notes) PDF
Document Details
Uploaded by TrustedJasper2516
Tags
Summary
Ang dokumentong ito ay nagpapakita ng mga programang panlipunan ng pamahalaan ng Pilipinas. Kasama dito ang mga programa sa kalusugan, edukasyon, at ekonomiya. Nilalayon nitong mapabuti ang kalagayan ng mga mamamayan sa Pilipinas.
Full Transcript
Name: [ ] **MGA PROGRAMANG PANLIPUNAN NG PAMAHALAAN NG PILIPINAS** **Mga Programang Pangkalusugan ng Pamahalaan** Malaki ang ambag ng malusog na mamamayan sa ekonomiya ng bansa. Kung ang mga tao ay malusog, sila ay mas produktibo sa trabaho at mas makapag-iisip nang mabuti upang mas mapaganda ang...
Name: [ ] **MGA PROGRAMANG PANLIPUNAN NG PAMAHALAAN NG PILIPINAS** **Mga Programang Pangkalusugan ng Pamahalaan** Malaki ang ambag ng malusog na mamamayan sa ekonomiya ng bansa. Kung ang mga tao ay malusog, sila ay mas produktibo sa trabaho at mas makapag-iisip nang mabuti upang mas mapaganda ang gawain. Mas malaki rin ang pagkakataon nilang lumahok sa edukasyon at pagsasanay. Ang Kagawaran ng Kalusugan o Department of Health (DOH) ang pangunahing ahensiyang pangkalusugan sa Pilipinas. Tungkulin nitong siguraduhing nabibigyan ng mga serbisyo sa pampublikong kalusugan ang lahat ng mga mamamayan. Narito ang mga programa ng DOH: 1. **[Universal Health Care Law. ]** - Ang batas na ito ay naglalayong gawing miyembro ang lahat ng mga Pilipino ng National Health Insurance Program o NHIC. Ang mga miyembro ng NHIC ay makakukuha ng iba\'t ibang pangangalagang medikal, dental, mental, at iba pang aspekto ng kalusugan. 2. **[Doctors to the Barrios (DTTB).]** - Ito ay naglalayong makapagpadala ng mga doktor sa malalayong lugar sa Pilipinas na halos hindi nakatatanggap ng tulong medikal o suporta. 3. **[National Safe Motherhood Program]** - Ang layunin nito ay masigurado ang ligtas na pagbubuntis at panganganak ng kababaihan. 4. **[Expanded Program on Immunization (EPI). ]** - Tinitiyak ng programang ito na ang mga sanggol o bata at ina ay may akses sa mga inirerekomendang bakuna. Ang mga bakuna sa mga sakit na tuberculosis, poliomyelitis, diphtheria, tetanus, pertussis, at tigdas ay kasama sa programa ng EPI. 5. **[Micronutrient Supplementation Program. ]** - Ito ay tumutugon sa kakulangan ng nutrisyon sa Pilipinas. Nakatuon ang programa sa pagbibigay ng mga bitamina at mineral sa mga sanggol o bata at kanilang ina. Naglalayong bawasan ng programang ito ang pagkamatay ng ina at mga batang nasa limang taong gulang pababa dahil sa kakulangan sa nutrisyon. **Mga Programang Pang-Edukasyon ng Pamahalaan** Ang lipunang may mataas na antas ng edukasyon ay nagkakaroon ng mas mababang antas ng krimen, mas mahusay na pangkalahatang kalusugan, at mas aktibong pakikilahok sa mga gawaing pansibiko. Ito ay dahil inihahanda ng edukasyon ang isang indibidwal sa mga maaaring pagdaanan nito sa buhay. Ang Kagawaran ng Edukasyon o Department of Education (DepEd) ang ahensiyang nangangasiwa sa lahat ng mga pampubliko at pribadong paaralan sa bansa. Pinananatili nito ang isang komprehensibong Sistema ng edukasyon na may layuning maging instrument ng pambansang kaunlaran. Narito ang ilan mga programa ng DepEd: 1. **[K to 12 Program o Enhanced Basic Education Act of 2013. ]** - Ayon sa batas na ito, ang mga mag-aaral ay kailangang dumaan sa kindergarten, anim na taon sa elementarya, apat na taon sa junior high school, at dalawang taon sa senior high school. Ito ay isinabatas upang makasabay ang sistema ng edukasyon ng bansa sa mundo at mapahusay ang mga batayang kasanayan ng mga mag-aaral. 2. **[Day Care Centers. ]** - Sa ilalim ng Batas Republika Blg. 6972, binibigyang- mandato nito ang pamahalaan na magtayo ng isang day care center sa bawat barangay. Ang mga day care center ay itinatag upang tumulong sa pagbuo ng mga kasanayan at mabuting pag-uugali ng mga batang may edad tatlo hanggang anim na taon. 3. **[Indigenous Peoples Education (IPEd) Program. ]** - Ito ay tugon ng DepEd sa karapatan ng mga katutubo sa edukasyon. Sinisigurado nitong ang natututuhan ang mga katutubo ay naaayon sa kanilang konteksto o pamumuhay at iginagalang ang kanilang mga pagkakakilanlan. 4. **[Alternative Learning System. ]** - Ito ay nagbibigay ng mga pagkakataon para sa mga out-of-school youth and adult (OSYA) o mga tumigil na ipagpatuloy ang kanilang pag-aaral. Layon nitong mabigyan ng basic at functional literacy ang mga nais magpatuloy ng pag-aaral upang magkaroon sila ng kasanayang kanilang magagamit sa paghahanapbuhay sa hinaharap. 5. **[Philippine Cultural Education Program (PCEP). ]** - Kasama rin sa pagpapabuti ng edukasyon ng mga Pilipino ang paghubog ng mga mamamayang maalam sa kultura. Kasama sa isinasagawa ng programa ay ang paglalahok ng pag-aaral ng kultura sa mga paaralan. Ito ay upang mas makilala ng mga Pilipino ang kanilang pamanang kultura. **Mga Programang Pang-ekonomiya, Pang-imprastraktura, at Panlipunan ng Pamahalaan** Tungkuling ng pamahalaan na matulungan ang mga Pilipinong mahihirap. Kaya naman, may mga programa itong naglalayong maiangat ang kanilang pamumuhay at kalagayang panlipunan. Ang mga ito ay nagbibigay ng iba't-ibang pagkakataon na magkaroon ng hanapbuhay at mapagkakakitaan ang mga pamilyang Pilipino Ang National Economic and Development Authority (NEDA) ang ahensiya ng pamahalaan na responsable sa pagpapaunlad at pagpaplano ng ekonomiya. Kasama sa pagpapaunlad ng ekonomiya ang paggawa ng iba\'t ibang mga imprastruktura i ng mga daan, tulay, at pagpapabuti ng transportasyon. Ang Kagawaran ng Kagalingang Panlipunan at Pagpapaunlad o Department of Social Welfare and Development (DSWD) naman ang nagpapatupad ng mga programa sa kapakanang panlipunan na may layuning iangat ang kondisyon ng pamumuhay ng mahihirap, kabataan, kababaihan, taong may kapansanan, at matatanda. Narito ang ilan sa mga programang pang-ekonomiya at panlipunan ng pamahalaan: 1. **[Philippine Development Plan 2023-2028. ]** - Ito ay nagbibigay ng gabay tungo sa kaunlaran ng Pilipinas sa kabila ng mga hamon at isyung kinahaharap ng bansa. Ang pangkalahatang layunin nito ay lumikha ng mas maraming trabaho, bawasan ang kahirapan, at magtatag ng isang ingklusibo at matatag na lipunan. 2. **[Build Better and More Program. ]** - Ito ay naglalayong makamit ang isang ginintuang panahon ng imprastruktura sa Pilipinas. Ito ay gagawin sa pamamagitan ng pagtatayo ng mga daan at tulay na mas magpapadali ng koneksiyon ng mga lugar sa Pilipinas para sa mas mabilis na transportasyon. 3. **[Free Wi-Fi for All. ]** - Upang magkaroon ng akses sa internet ang maraming Pilipino, inilunsad ng Department of Information and Communications Technology (DICT) ang programang Free Wi-Fi for All para magkaroon ng libreng akses sa internet ang publiko. 4. **[Agricultural Credit and Financing Program. ]** - Para naman matulungan ang mga magsasaka, naglunsad ang Kagawaran ng Agrikultura ng programang pagpapautang at tulong pinansiyal para sa mga magsasaka, mangingisda, manggagawa, at negosyante sa sektor ng agrikultura. 5. **[TVET Program. ]** - Ito ay programa para sa pagpapaunlad ng Technical- Vocational Education and Training (TVET) ng mga Pilipinong may interes sa technical at vocational na trabaho sa ilalim ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA). 6. **[Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps). ]** - Ito ay programang tumutulong sa mahihirap na pamilya na mapabuti ang kanilang kalusugan, nutrisyon, at edukasyon. Ito ay nagbibigay ng pera sa mahihirap upang maibsan ang kanilang pangangailangan. 7. **[Kapit Bisig Laban sa Kahirapan - Comprehensive and Integrated Delivery of Social Services (KALAHI-CIDSS). ]** - Ito ay inisiyatiba ng DSWD sa mahihirap na kanayunan upang itaguyod ang pakikilahok ng mga tao sa pamamahala. Binibigyan nito ng kapangyarihan ang mga komunidad sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng pagkakataong matukoy ang kanilang problema at magmungkahi ng mga solusyon at magpatupad nito. 8. **[Social Pension Program for Indigent Senior Citizens. ]** - Ito ay probisyong nasa ilalim ng Senior Citizens Act of 2010. Layunin nitong magbigay ng karagdagang tulong sa matatanda sa pamamagitan ng pagbibigay ng limandaang piso ng pamahalaan kada buwan. 9. **[Supplementary Feeding Program. ]** - Ito ay nagbibigay ng karagdagang pagkain sa mga batang kasalukuyang pumapasok sa mga day care center tuwing oras ng kanilang pahinga. Ang mga benipisaryo nito ay ang mga batang tatlo hanggang apat na taong gulang. **Mga Programang Pangkalikasan ng Pamahalaan** Kinikilala ng pamahalaan ang malaking epekto ng pagbabago ng klima. Kaya naman, nagpatupad ito ng mga programa upang mapangalagaan ang kalikasan. Ang Kagawaran ng Kapaligiran at Likas na Yaman o Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang ahensiyang nangangalaga at namamahala sa kapaligiran at likas na yaman ng bansa. Narito ang ilan sa mga programang pangkalikasan ng pamahalaan: 1. **[Clean Air Program]** - Ito ay may layuning makamit at mapanatili ang kalidad ng hangin alinsunod sa National Air Quality Guidelines for Criteria Pollutants sa buong Pilipinas 2. **[Clean Water Program]** - Nilalayong nitong mapabuti ang kalidad ng tubig ng mga priyoridad na ilog at iba pang kritikal na anyong-tubig sa bansa. - Kasama sa programang ito ang pagsubaybay sa mga industriyang naglalabas ng polusyon sa tubig at rehabilitasyon ng mga estero at ilog 3. **[Solid Waste Management Program]** - Tinutulungan ng programang ito ang local na pamahalaan sa pagbuo ng planong may kinalaman sa solid waste management. Kasama rin dito ang pagsasara at rehabilitasyon ng mga dumpsite at pagtatatag ng mga materials recovery facility. 4. **[Enhanced National Greening Program]** - Ito ay programa ng Forest Management Bureau (FMB) na naglalayong magtanim ng mga puno sa mahigit 7.1 milyong ektarya ng nasirang kagubatan. 5. **[Enhanced Biodiversity Conservation]** - Ito ay may layuning pangalagaan ang mga hayop at halaman sa bansa. **Mga Programang Panseguridad, Pangkapayapaan, at Kaayusang Pampubliko ng Pamahalaan** Ang pamahalaan ang tumitiyak sa kaayusan at kaligtasan ng publiko. Ito ay may mga ahensiyang may kakayahang tugunan ang suliranin ng bansa sa iba't-ibang klase ng krimen. Ang Philippine National Police (PNP) ay ang pambansang puwersa ng pulisiya na nagpapanatili ng kaayusang pampubliko at seguridad ng mga mamamayan. Narito ang ilan sa mga programang panseguridad at pangkapayapaan ng pamahalaan: 1. **[National Emergency Hotline Number at National Citizen's Complaint Hotline Number]** - Ito ay mga programa ng pamahalaan na mas mapadadali ang paghingi ng tulong ng mga mamamayan sa pamamagitan ng isang tawag lamang. - National Emergency Hotline Number: - National Citizen's Complaint Hotline Number: 2. **[Philippine National Police -- Anti Cybercrime Group]** - Ito ang nagpapatupad ng batas ma may kaugnayan sa mga cybercrime (teknolohiya at internet). 3. **[Anti-Drug Operations]** - Ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) and ahensiyang nagpapatupad ng batas tungkol sa ilegal na droga. - Ang PDEA ay naghahanap ng mga nagbebenta at gumagamit ng ilegal na droga at kanila itong inaaresto. 4. **[Legally-binding Code of Conduct (COC) hinggil sa Usapin sa West Philippine Sea]** - Ang pagkakaroon ng COC ay isang diplomatikong paraan ng paglutas sa suliranin ng pambansang teritoryo ng Pilipinas - Noong 2017 Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit, nagkasundo ang Tsina at Pilipinas na magsagawa ng negosasyon ng dalawang panig.