Aralin 20620-20 Tekstong Persuweysib PDF
Document Details
Uploaded by CongratulatoryRecorder6120
BCNHS
Tags
Summary
This is a Filipino lesson plan focused on persuasive writing, exploring different propaganda devices used in advertisements and political campaigns. The document discusses various persuasive techniques, including examples and exercises.
Full Transcript
TEKSTONG PERSUWEYSIB PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK LINGGO BLG. 8 | IKATLONG MARKAHAN Pinakamahalagang Kasanayang Pampagkatuto (MELC) Naiuugnay ang kaisipang nakapaloob sa binasang teksto sa sarili, pamilya, komunidad, bansa at daigdig. ...
TEKSTONG PERSUWEYSIB PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK LINGGO BLG. 8 | IKATLONG MARKAHAN Pinakamahalagang Kasanayang Pampagkatuto (MELC) Naiuugnay ang kaisipang nakapaloob sa binasang teksto sa sarili, pamilya, komunidad, bansa at daigdig. BALIK-ARAL ◤ ▪ Ano ang tekstong prosidyural? Magbigay ng mga halimbawa ng tekstong prosidyural. ▪ Anu-ano ang mga katangian tekstong prosidyural? ◤ PANIMULA Ang mga sumusunod ay mga tagline ng mga kilalang patalastas na makikita sa telebisyon. Anong produkto kaya ang tinutukoy nila? “Bida ang Saya!” “Hari ng Padala” “I-bottomless ang saya!” “We find ways.” PROPAGANDA DEVICES ◤ Ang panghihikayat sa taong bumili ng isang produkto o iboto ang isang kandidato ay isang bagay na dapat masusing pinag-iisipan. Kung mapapansin, ang mga patalastas sa telebisyon, sa diyaryo ay kinakailangang nakapupukaw ng atensyon upang mapansin. Ang mga eksperto sa likod ng mga propagandang ito ay may mga ginagamit na propaganda device. ◤ NAME CALLING Ito ay ang pagbibigay ng hindi magandang taguri sa isang produkto o katunggaling pulitiko upang hindi tangkilikin. Karaniwang ginagamit ito sa mundo ng pulitika. Halimbawa: ang pekeng sabon, bagitong kandidato, trapo (traditional politician) GLITTERING GENERALITIES ◤ Ito ay maganda at nakasisilaw na pahayag ukol sa isang produktong tumutugon sa mga paniniwala at pagpapahalaga ng mambabasa. Halimbawa: “Mas makakatipid sa bagong Tide. Ang inyong damit ay mas magiging maputi sa Tide puting-puti. Bossing sa katipiran, bossing sa kaputian!” ◤ TRANSFER Ang paggamit ng isang sikat na personalidad upang mailipat sa isang produkto o tao ang kasikatan. Halimbawa: “Ipinagpatuloy ko ang sinimulan ni FPJ.” – Grace Poe; “Manny Pacquiao, gumagamit ng ALAXAN kapag nasasaktan.” ◤ TESTIMONIAL Kapag ang isang sikat na personalidad ay tuwirang nag-endorso ng isang tao o produkto. ◤ PLAIN FOLKS Karaniwan itong ginagamit sa kampanya o komersiyal kung saan ang mga kilala o tanyag na tao ay pinalalabas na ordinaryong taong nanghihikayat sa boto, produkto o serbisyo. CARD STACKING ◤ Ipinakikita nito ang lahat ng magagandang katangian ng produkto ngunit hindi binabanggit ang hindi magandang katangian. Halimbawa: “Ang instant noodles na ito ay nakakapagbuklod ng pamilya, nakatitipid sa oras, mura na, masarap pa.” ◤ BANDWAGON Panghihikayat kung saan hinihimok ang lahat na gamitin ang isang produkto o sumali sa isang pangkat dahil ang lahat ay sumali na. Halimbawa: “Buong bayan ay nag-e-LBC Peso Padala na!” PAGSASANAY ◤ ◤ PLAIN FOLKS ◤ ◤ TESTIMONIAL ◤ ◤ CARD STACKING ◤ GLITTERING GENERALITIES ◤ ◤ ◤ BANDWAGON ◤ ◤ TRANSFER Tukuyin ang ginamit na propaganda device sa mga sumusunod na patalastas. Tukuyin ang binababanggit na Propaganda Device sa mga sumusunod na pahayag. _____ 1. Ang pagbansag sa isang pulitiko na palpak, inutil, traydor. _____ 2. Isang patalastas ng dishwashing liquid na pinapakita nila na ang mga tao sa iba’t ibang parte ng Pilipinas ay gumagamit nito sa paghuhugas ng pinggan dahil ito ay epektibo sa pagtanggal ng sebo. _____ 3. Isang kandidato para sa pagka- senador ay nagkakamay habang kumakain upang ipakita na siya ay galling din sa hirap. _____ 4. “Mag-smile sa buhay, mag-Coke araw-araw!” _____ 5. Ang pag-endorso nina Coco Martin at Angel Locsin sa Mang Inasal. TEKSTONG PERSUWEYSIB ANG TEKSTONG PERSUWEYSIB Layunin ng isang tekstong persuweysib ang manghikayat o mangumbinsi sa babasa ng teksto. Isinusulat ang tekstong persuweysib upang mabago ang takbo ng isip ng mambabasa at makumbinsi na ang punto ng manunulat, at hindi sa iba, ang siyang tama. Hinihikayat din nito ang mambabasa na tanggapin ang posisyong pinaniniwalaan o ineendorso ng teksto. ANG TEKSTONG PERSUWEYSIB May subhetibong tono sapagkat malayang ipinahahayag ng manunulat ang kanyang paniniwala at pagkiling tungkol sa isang isyung may ilang panig. Taglay nito ang personal na opinion at paniniwala ng may-akda. Ang ganitong uri ng teksto ay ginagamit sa mga iskrip para sa patalastas, propaganda para sa eleksyon, at pagrerekrut para sa isang samahan o networking. Tatlong Paraan ng Panghihikayat ayon kay Aristotle, isang Griyegong Pilosopo 1. Ethos – Ito ay tumutukoy sa kredibilidad ng isang manunulat. Dapat makumbinsi ng isang manunulat ang mambabasa na siya ay may malawak na kaalaman at karanasan tungkol sa kanyang isinusulat, kung hindi ay baka hindi sila mahikayat na maniwala rito. Dapat maisulat nang malinaw at wasto ang teksto upang lumabas na hitik sa kaalaman at mahusay ang sumusulat. Ang paraan ng pagsisipi ng sanggunian ay maaaring makatulong sa pagpapatibay ng kredibilidad. 2. Pathos – Tumutukoy ito sa gamit ng emosyon o damdamin upang mahikayat ang mambabasa. Ayon kay Aristotle, karamihan sa mga mambabasa ay madaling madala sa kanilang emosyon. Ang paggamit ng pagpapahalaga at paniniwala ng mambabasa ay isang epektibong paraan upang makumbinsi sila. 3. Logos – Ito ay tumutukoy sa gamit ng lohika upang makumbinsi ang mambabasa. Kailangang mapatunayan ng manunulat sa mga mambabasa na batay sa impormasyon o datos na kanyang inilatag ang kanyang pananaw o punto na dapat siyang paniwalaan. Gayunman, isa sa mga madalas na pagkakamali ng mga manunulat ang paggamit ng ad hominem fallacy, kung saan, ang manunulat ay sumasalungat sa personalidad ng katunggali at hindi sa pinaniniwalaan nito. Halimbawa ng Tekstong Persuweysib ◤ Basahin ang isang halimbawa ng tekstong Persuweysib. Ang tekstong ito ay isa sa apat na liham na isinulat ni Mary Jane Fiesta Veloso habang siya ay nasa bilangguan ng Republika ng Indonesia. Isa siya sa mga nasa death row ng nasabing pamahalaan dahil sa pagkasangkot niya sa isang kaso. “ ◤ ◤ ◤ 1. Ano ang ipinaglalaban ng may-akda? 2. Ano ang nais niyang mangyari? 3. Ano ang paraan ng panghihikayat na kanyang ginamit upang makumbinsi ang kanyang mga mambabasa? 4. Paano mo maiuugnay ang mensahe ng teksto sa iyong sarili, sa pamilya, sa pamayanan at sa daigdig?