Aralin 1: Tekstong Impormatibo PDF

Summary

This document is a Tagalog lesson plan on informative texts. It covers different types including cause and effect, comparison, definitions, and classifications. It explains the elements and styles of writing.

Full Transcript

Aralin 1 : Tekstong Impormatibo Ano ang kahulugan ng Tekstong Impormatibo? Ang tekstong impormatibo ay isang uri ng pagpapahayag na ang layunin ay makapagbigay ng impormasyon. Naglalahad ito ng malinaw na paliwanag sa paksang tinatalakay. Sinasagot nito ang mga tanong na ano, kailan, saan,...

Aralin 1 : Tekstong Impormatibo Ano ang kahulugan ng Tekstong Impormatibo? Ang tekstong impormatibo ay isang uri ng pagpapahayag na ang layunin ay makapagbigay ng impormasyon. Naglalahad ito ng malinaw na paliwanag sa paksang tinatalakay. Sinasagot nito ang mga tanong na ano, kailan, saan, sino at paano. Sa ibang terminolohiya, tinatawag din itong Iba’t-ibang Uri ng Tekstong Impormatibo Mayroong iba’t-ibang uri ang tekstong impormatibo batay sa kung ano ang estraktura ng pagkakalahad nito. Ito ay maaring maglahad ng sanhi at bunga, paghahambing, pagbibigay ng depinisyon, at paglilista ng klasipikasyon. Sanhi at bunga Uri ng tekstong impormatib na naglalahad ng ugnayan ng mga pangyayari. Nagpapakita ito ng direktang relasyon sa pagitan ng bakit nangyari ang pangyayari (sanhi) at kung ano ang naging resulta nito (bunga). Ito ay nagpapaliwanag sa kung paano nakaapekto ang mga pangyayari sa nakaraan sa mga kaganapan sa kasalukuyan at maging sa hinaharap. Paghahambing Ito naman ay nagpapakita ng pagkakaiba o pagkakatulad sa pagitan ng kahit anong bagay, konsepto, at maging pangyayari. Pagbibigay ng depinisyon Sa ganitong uri ng tekstong impormatibo, ipinapaliwanag ng manunulat ang kahulugan ng isang salita, terminolohiya, o konsepto. Paglilista ng Klasipikasyon Sa tekstong ito, ang malawak na paksa ay hinahati sa iba’t-ibang kategorya upang magkaroon ng sistema ang talakayan. Sa uring ito ng teksto, ang manunulat ay nag- uumpisa sa paglalahad ng kahulugan ng paksa sa pangkalahatan, pagkatapos ay hahatiin ito batay sa uri o klasipikasyon nito. Mga Elemento ng Tekstong Impormatibo 1) Layunin ng may Akda- Nilalahad dito ang pangunahing ideya sa pamamagitan ng paglalagay ng pamagat. 2) Pangunahing Ideya- dito dagling inilalahad ang pangunahing ideya sa tekstong impormatibo. Ginagamit nito Organizational Markers upang makita at mabasa agad ng mambabasa ang pangunahing ideya. 3) Pantulong na kaisipan- makatulong mabuo sa isipan ng mga mambabasa ang pangunahing 4. Mga Estilo sa Pagsusulat, Kagamitan, Sangguniang magtatampok sa mga bagay na binibigyan-diin: a) Paggamit ng mga nakalarawang representasyon- paggamit ng larawan, diagram o chart. b) Pagbibigay diin sa mga mahahalagang salita- pag bold ng letra, gawing italic o ang paglalagay ng guhit sa mga salita. Upang mabigyan diin ang mahahalagang salita. c) Pagsusulat ng mga Talasanggunian- paglalagay ng credits upang mapatunayan ang totoo (Bibliography) Maramin g Salamat!

Use Quizgecko on...
Browser
Browser