Aralin 6: Talumpati ni Grace Poe at Patalastas para sa Pelikulang Heneral Luna PDF
Document Details
Uploaded by OptimisticComposite6084
Top Link Global College
Tags
Summary
Ang dokumento ay naglalaman ng mga tala ng talumpati ni Grace Poe at patalastas para sa pelikulang Heneral Luna. Kasama rin sa dokumento ang mga katanungan para sa mga mag-aaral. Ito ay mukhang mga materyales sa pagtuturo.
Full Transcript
Aralin 6: Talumpati ni Grace Poe at Patalastas para sa Pelikulang Heneral Luna TALUMPATI Ang talumpati ay isang buod ng kaisipan o opinyon ng isang tao na pinababatid sa pamamagitan ng pagsasalita sa entablado para sa mga pangkat ng mga tao. Layunin nitong humikayat, tumugon, man...
Aralin 6: Talumpati ni Grace Poe at Patalastas para sa Pelikulang Heneral Luna TALUMPATI Ang talumpati ay isang buod ng kaisipan o opinyon ng isang tao na pinababatid sa pamamagitan ng pagsasalita sa entablado para sa mga pangkat ng mga tao. Layunin nitong humikayat, tumugon, mangatwiran, magbigay ng kaalaman o impormasyon at maglahad ng isang paniniwala. I.Talumpati ni Senator Grace Poe Nang Magdeklarang Tatakbo sa Pagkapanggulo (bahagi lamang) Kulang po ang aking panahon ngayon upang ilahad ang kabuoan ng aking mga mithiin at adhikain. Sa mga susunod na araw, ihahain ko po ang isang komprehensibong programa na naka-sentro sa simpleng prinsipyo at paniniwala: Walang maiiwang Pilipino at walang maiiwang lugar sa Pilipinas. Sabay-sabay tayong aangat at sama-sama tayong uunlad! Noong tumakbo ang tatay ko, minaliit siya, sinabi na wala siyang karanasan, at hindi siya Pilipino. Ngunit buong tapang niyang hinarap ang hamon at di niya inurungan ang pagkakataon na tumulong na mapabuti ang buhay ng kapwa-Pilipino. Ang kanyang katapatan, tapang at kabaitan ay naging inspirasyon at gabay sa akin. Ang nanay ko naman, sinabi niya: “Anak, sa lahat ng ingay ng politika, huwag mo balewalain ang iyong sarili.” Ang aking buhay ay isang bukas na aklat. Sino ang mag-aakala na ang isang sanggol na natagpuan ay makatutuntong sa Senado. Salamat sa pagkakataon na ibinigay ninyo sa akin. Huwag ninyong kalilimutan. Magaling ang Pilipino. Mapagmahal, malikhain, at marunong gumawa ng paraan. Kaya nating marating ang ating mga mithiin para sa bayan kung masisipag, magmamatyag, at sisiguraduhin na may tapat na gagabay sa atin. Dapat sama-sama tayo. Hindi kaya ng iisang tao. Ang mangangako niyan ay nagsisinungaling na. Sa ating lahat nakasalalay ang magiging kuwento ng Pilipinas sa darating na panahon. Sana po ay samahan ninyo ako sa pagpanday ng maganda at makabuluhang hinaharap ng ating inang bayang Pilipinas. Ako po si Grace Poe. Pilipino. Anak, asawa at ina, at sa tulong ng Mahal na Diyos ay inaalay ko sa inyong lahat ang aking sarili sa mas mataas na paninilbihan bilang inyong Pangulo. II. Patalastas para sa Pelikulang Heneral Luna Manood at ‘wag mahuli. Baka ikaw na lang ang hindi pa nakakakita! KAPALIT NG LAHAT NG BUHAY NA IBINUWIS, UTANG NA LOOB NATING MALAMAN ANG KANILANG KWENTO. SANAYSAY. Sagutin ang mga sumusunod na katanungan. Isulat ang iyong sagot sa papel. (10 puntos) A. (Talumpati) 1. Ano ang ipinaglalaban ng may akda? 2. Ano ang nais niyang mangyari? 3. Sino ang inaasahan niyang babasa ng teksto? 4. Anong paraan ng panghihikayat ang kanyang ginamit? Patunayan ang iyong sagot. 5. Ano-anong dahilan ang kanyang inilatag upang makumbinsi ang mambabasa na ipaglaban ang wikang pambansa? Bilang paghahanda sa paggawa ng inyong Pamantayan sa Pagganap, sumulat ng isang sulatin na naglalaman ng iyong sariling opinyon o pananaw bilang “mag-aaral” sa talumpating tinalakay. I print ang iyong sagot sa long bond paper. (100 puntos) Nilalaman Napaka Mahu Katamt Nangangail Hindi husay say aman angan ng pinagtu (50) (40) (30) pagsasana unan ng y pansin (20) (10) Wasto ang mga nilalaman ng sulatin. Maayos ang estilo ng pagsulat. Wastong paggamit ng mga salita. Kabuuan: 50