Aralin 6: Muling Pagtuklas sa Batas Moral at Konsiyensa PDF

Summary

Ang dokumentong ito ay naglalaman ng mga aralin tungkol sa Batas Moral at Konsiyensiya, kabilang ang mga tanong at mga gawain ng klase. Nilalayon nitong ipakita kung paano gumagana ang moralidad sa ating pang-araw-araw na buhay at sa paggawa ng desisyon.

Full Transcript

ARALIN 6: Muling Pagtuklas sa Batas Moral at Konsiyensa Naranasan mo na bang mapagitna sa sitwasyon na kailangan mong magpasiya kung susundin mo ang iyong konsensiya? Minsan, nahaharap tayo sa mga pangyayari nagtitimbang tayo sa pasiya batay sa kabigatan ng magiging bunga nito. Nagiging daan...

ARALIN 6: Muling Pagtuklas sa Batas Moral at Konsiyensa Naranasan mo na bang mapagitna sa sitwasyon na kailangan mong magpasiya kung susundin mo ang iyong konsensiya? Minsan, nahaharap tayo sa mga pangyayari nagtitimbang tayo sa pasiya batay sa kabigatan ng magiging bunga nito. Nagiging daan ito upang tayo ay kumonsulta sa mga nasusulat na batas sa ating konsensiya. Subalit may mga tuntunin o batas na maaring hindi pumapanig sa sinasabi ng ating konsiyensiya. Alin ang susundin? LEGAL LABAN SA MORAL Si Raberts Caruso, isang Amerikanong edukador, ay nagsabi sa isang artikulo sa kanyang blog hindi dahil ang isang bagay ay legal, magiging moral na ito'. Sinabi niyang ang kasaysayan ay naglalahad ng mga gawain na legal sa isang panahon ngunit hindi na legal ngayon, bilang pag-alala ningnan na bilang imoral. Nagbubunga ito ng tanong ng legalidad laban sa moralidad. Binanggit ni Caruso ang paninigarilyo bilang halimbawa. Ayon sa estadistika, milyon ang namamatay dahil se usok ng sigarilyo. Marami sa kanila ang hindi naman naninigarilyo. Maraming pag- aaral ang nagpakita na ang sigarilyo ay nakagagumon at nakamamatay, Gayunman patuloy pa rin itong ibinebenta sa legal na paraan! Wala ng iba pang produkto ang makikita sa pamilihan na pumapatay ng libo-libo nitong tagagamit at maging ang mga walang malay na tao. Pinatotohanan din ito ng isa pang edukador na si Greg Koukl,, tagapagtatag at tagapagsalita ng Stand to Reason Organization, Siya ay masugid na tagapagtanggol ng buhay at sinasanay ng kanyang organisasyon ang mga Kristiyano na ipagtanggol ang paninindigan ng Simbahan sa isyu ng aborsiyon. Ang aborsiyon ay pagpipigil ng pagbubuntis sa pamamagitan ng pag-aalis sa fetus mula sa matris o uterus bago pa ito maipanganak Sa bang bansa ang pagpapalaglag sa bata ay naging karapatan na ng kababaihan. May mga grupong matagumpay na naimpluwensiyahan ang mga mambabatas na maging batas ang aborsiyon na nagbibigay ng pagkakataon sa mga babaeng hindi ibig ang pagbubuntis na magkaroon ng legal na paraan sa pagbill at paggamit ng pildoras o pills at legal na pagbisita sa mga klinika para sa aborsiyon Muling Pagtuklas Muling Tuklasin Upang mapalalim ang ating pang-unawa sa paksa, talakayin natin ang halaga ng konsiyensiya at batas moral. Batas Moral Ang batas ay inilalarawan bilang sistema ng mga tuntunin at gabay na ipinatutupad upang pamahalaan ang asal. Ang batas ay mga regulasyon na binuo upang bigkisin at hubugin ang lipunan. Kapag pinag-uusapan ang Batas Sibil at Batas Moral, ating alalahanin na may malaking pagkakaiba ang dalawa. Kapag sinasabi nating Batas Sibili, tinutukoy natin ang legal na sistema na ginagamit sa maraming bansa sa mundo. Ito ay dapat sundin dahil ito ay konstitusyonal at ipinasa ng pamahalaan. Ito ay inayos sa sistema ng kodigo at mga pamantayan upang gabayan ang ugali at asal ng lipunan. Ang Batas Sibil ay nagmula sa legal na gawain ng Eastern Roman Empire noong ika-6 na siglo. Ang Batas Moral, sa kabilang banda, ay binibigyan ng kahulugan bilang gawain ng Banal na Karunungan ng Diyos. Nakatatagpo ito ng kaisahan sa Diyos na pinaniniwalaang pinanggagalingan ng lahat ng bagay, Isa itong tuntunin ng ugali para sa kapakanan ng marami. Gayunman, ang batas moral ay isang gabay na ibinigay ng Diyos sa tao upang pumili siya ng kung ano ang tama at makabubuti sa lahat. Ang Batas Moral ay ipinahayag sa Likas na Batas o Natural Law at Lantad na Batas o Revealed Law (cf. Catechism of the Catholic Church 1952). Batas Moral Likas na Batas Lantad na Batas 1. Likas na Batas Ang batas na ito ay nakasulat at nakaukit sa puso ng bawat tao. Binibigkis nito ang orihinal na diwa ng moral na pagpapahintulot sa taong gamitin ang kanyang katwiran upang magpasiya nang mabuti sa kabutihan o kasamaan ng isang kilos. Halimbawa, ang pagbabahagi ng pagkain sa taong nagugutom ay pagpapahayag ng batas likas. Ang pang-unawa sa sitwasyon ng taong nagugutom ay nagpapahintulot sa ating magpalagay na kailangan niya ng pagkain. Ang kilos ng pagbabahagi ay nagiging moral dahil ang pagbibigay ng pagkain ay makatutulong upang maibsan ang paghihirap ng nagugutom na tao. Hindi kinakailangan ng tao ng listahan ng gabay upang maunawaan niyang ang pagbibigay ay mabuti. 2. Lantad na Batas (Revealed Law) Lantad na Batas (Revealed Law) Ang Lantad na Batas ay nauukol sa mga batas na nakasulat sa Banal na Kasulatan Ang Lumang Tipan at Batas ng Ebanghelyo (Gospel), ang panuntunan ng Dekalogo o Sampung Utos ay ibinigay ng Diyos sa kanyang mga pinili upang sundin. Ang Bagong Ba o Batas ng Ebanghelyo ay kasakdalan ng Sampung Utos. Binubuod ito ng: "Mahalin mo Diyos at ang iyong kapuwa." Ginagabayan nito ang tao upang ibatay ang kanyang kilos m sa halimbawang pag-ibig ng Diyos. Ang Gintong Tuntunin Bilang Karaniwang Prinsipyo ng Etika Ang Gintong Tuntunin o ang ethic of reciprocity ay matatagpuan sa mga turo ng halos lahat ng relihiyon. Ito ay itinuturing na pinakamaikli at pangkalahatang prinsipyo ng etika. Ito ay pagpapaikling lahat ng tala ng tuntunin tulad ng Dekalogo sa iisang prinsipyo lamang, Ang konsiyensiya ay kinakailangang mahubog nang maayos. Narito ang ilang hakbang sa paghubog ng konsiyensiya. 1. Hanapin ang karunungan ng Diyos sa pagbabasa ng Banal na Kasulatan at mga turo ng Simbahan. 2. Bago magpasiya: MAG-ISIP, MAGNILAY, at MAGTAYA. 3. Laging magdasal. 4. Hanapin ang paglago sa kahustuhan ng isip sa pagtataya ng iyong mga nakaraang kilos at natutuhan mula rito. 5. Makihalubilo sa may gulang, mapagmahal, at mabubuting tao na matuturuan kang matukoy ang mabuti mula sa masama. 6. Magtiwala sa mga kilos mula sa mabuting gawi at pagpapahalaga. Kung mali ang ating hatol, baka mayroon tayong hindi totoong konsiyensiya. Isa sa mga hindi totoong konsiyensiya ay pabayang konsiyensiya (lax conscience). Ang pabayang konsiyensiya ay pagkabigong makita ang kasalanan kung saan tunay itong nangyayari dahil ang konsiyensiya ay nahulog na sa mahinang moral. Ito ay bunga ng madalas na paggawa ng kasalanan. Sa kabilang banda naman ay mahigpit na konsiyensiya (scrupulous conscience). Ito ay pagtingin sa isang gawain bilang malaking kasalanan kahit wala naman talagang kasalanan o kung mayroon man ay maliit lamang. Ito ay nagiging dahilan nang labis na pag-iingat at pamumuhay nang may takot at pangamba. Moralidad Ang Moralidad ay mula sa salitang Latin na moralitas. Nangangahuulgang itong ‘kilos’ pagkatao, tamang gawi,’. Nauunawaan natin ang moralidad bilang pagkakaiba ng hangarin, desisyon, at mga kilos sa pagitan ng mabuti at masama. Ang pag-aaral o pilosopiya ng moralidad ay tinatawag din etika. Pagpapalago ng mga Napagtanto Kapag gumagawa tayo ng pagpiling moral, mahalaga na isipin ang bagay na pinili, ang ating hangarin sa pagpili, ang panahon kung kailan nakapamili. Kung may isa sa mga dapat isaalang-alang ay mali, itinuturing natin na ang kilos ay hindi moral. Sa pagpiling moral, laging isinasama ang pagmamahal sa Diyos at kapuwa. Narito ang ilang paraan sa pagbuo ng pagpiling moral Aaron is well-liked for his kindness and 1. Hingin ang tulong ng Diyos sa pamamagitan ng generosity. dasal. 2. Isipin ang batas ng Diyos at ang mga turo ng simbahan. 3. Isipin ang maaaring mangyari bilang bunga ng iyong pinili. Tanungin ang sarili, kalulugdan ba ng Diyos ang mga kinahinatnan nito? Makasasakit ba ng iba ang pagpili ko? 4. Humingi ng payo sa iyong pinagpipitagang tagapayo. Kindness and generosity are examples of character traits. 5. Tanungin ang iyong sarili kung paano maaapektuhan ang iyong relasyon sa Diyos at sa ibang tao. Pag-isipan 1. Kapag tayo ay gumawa ng pagpiling moral o moral choices, anong mahahalagang elemento ang dapat isaalang-alang? Bakit? 2. Kapag tayo ay gumawa ng pagpiling moral o moral choices, bakit mahalagang isaalang-alang ang Diyos at ang iyong kapuwa? 3. Madali ba ang pagsasagawa ng pagpiling moral o moral choices? Bakit o bakit hindi? Maraming Salamat sa pakikinig! -Ma’am Cristy & Ma’am Shiela

Use Quizgecko on...
Browser
Browser