ARALING PILIPINO: Mga Ekspresyong Nagpapahayag ng Posibilidad PDF
Document Details
Uploaded by EnrapturedMotif7242
Tags
Related
- Aralin 1: Pahalagahan ang Buhay, Biyaya ng Maykapal - Filipino 9
- Aralin 2: Sa Panahon ng Kalamidad, Pamilya ay Nagtutulungan PDF
- Aralin 1 Filipino PDF
- Mga Pananalig/Teoryang Pampanitikan (FILIPINO)
- Mga Saligan sa Panunuring Panitikan - Filipino PDF
- Bulacan State University ARP 101 Filipino Bilang Wikang Pambansa PDF
Summary
Ang dokumentong ito ay naglalaman ng mga aralin sa Filipino, partikular na ang mga ekspresyon na nagpapahayag ng posibilidad. Nakapaloob dito ang mga halimbawa at mga katanungan na maaaring gamitin sa pag-aaral. Ito ay isang gabay sa pakikipagtalastasan sa pang-araw-araw na buhay.
Full Transcript
**ARALIN 3 : MGA EKSPRESYONG NAGPAPAHAYAG NG POSIBILIDAD** **LAYUNIN:** Sa pagtatapos ng araling ito ang mga mag-aaral ay inaasahang nagagamit ang mga ekspresyong naghahayag ng posibilidad (maari, baka at iba pa). **MGA EKSPRESYONG NAGHAHAYAG NG POSIBILIDAD** Ang posibilidad ay mga bagay o pangya...
**ARALIN 3 : MGA EKSPRESYONG NAGPAPAHAYAG NG POSIBILIDAD** **LAYUNIN:** Sa pagtatapos ng araling ito ang mga mag-aaral ay inaasahang nagagamit ang mga ekspresyong naghahayag ng posibilidad (maari, baka at iba pa). **MGA EKSPRESYONG NAGHAHAYAG NG POSIBILIDAD** Ang posibilidad ay mga bagay o pangyayaring walang katiyakan kung magaganap o hindi. Maaari ding sagot sa mga tanong na maaaring tama o mali, o kaya ay oo o hindi. Ang ilan sa mga ekspresyong ito ay ang sumusunod: Gamitin natin sa pahayag ang ilang ekspresyon, upang higit na maunawaan ang ating pinag-aaralan. ![](media/image2.png) **PAGHIHINUHA** Ang ekspresyong nagpapahayag ng posibilidad ay ginagamit din sa paghihinuha sa mga posibleng mangyari. Ang paggamit ng mga ekspresyong nagpapahayag ng posibilidad ay sadyang kasama na sa araw-araw nating pakikipagtalastasan, patunay lamang ito na laging bukas sa mga posibleng pagkakataon ang mga Pilipino at handang bumagay sa mga posibleng bunga ng pangyayari. **SAGUTIN NATIN!** 1. Ano ang mga ekspresyong nagpapahayag ng posibilidad? 2. Ano ang paghihinuha? **SUBUKAN NATIN!** Sagutin ang sumusunod na mga tanong: 1\. Ano ang maaaring asahang ibubunga ng isang pahayag na ginamitan ng ekspresyong nagsasaad ng posibilidad? 2\. Bakit maaaring ihanay ang paghihinuha sa mga ekspresyong nagpapahayag ng posibilidad? **ISAISIP NATIN!** Bakit kung minsan ay mas nakabubuting nagsasaad lamang ng posibilidad ang ating mga ipinapahayag?