Aralin 2.5: Panitikang Pandaigdigan - PDF
Document Details
Uploaded by Deleted User
Tags
Summary
This Tagalog document discusses various aspects of world literature, focusing on poetry, its elements, types, and figurative language. It includes examples and analysis exercises, as well as a lesson on creating and delivering a rhyming poem using figurative devices.
Full Transcript
Halina”t tuklasin ang Panitikang Pandaigdigan sa klaseni MamHelen! Panalangin TULA MULA SA ESTADOS UNIDOS Isang Panaginip Mula sa tulang “A Dream” ni Edgar Allan Poe salin ni Jayson V. Sobrevilla Mga Kompetensing Lilinangin Nasusuri ang iba’t ibang elemento ng tula. (F10 PU-...
Halina”t tuklasin ang Panitikang Pandaigdigan sa klaseni MamHelen! Panalangin TULA MULA SA ESTADOS UNIDOS Isang Panaginip Mula sa tulang “A Dream” ni Edgar Allan Poe salin ni Jayson V. Sobrevilla Mga Kompetensing Lilinangin Nasusuri ang iba’t ibang elemento ng tula. (F10 PU- IIa-b-74) Naibibigay ang kahulugan ng matatalinghagang pananalita na ginamit sa tula. (F10PTIIc-d-70) Naisusulat ang sariling tula na may hawig sa paksa ng tulang tinalakay. (F10PU-IIc-d-72) Nagagamit ang matatalinghagang pananalita sa pagsulat ng tula. (F10 WG-IIc-d-65) Naibibigay ang puna sa estilo ng napakinggang tula. (F10PD-IIa-b-70) Isang Panaginip Mula sa tulang “A Dream” ni Edgar Allan Poe salin ni Jayson V. Sobrevilla Sa kalagitnaan nitong gabing malamlam Napanaginipan ko ang isang sayang naparam Ngunit isang liwanag ang sa aki’y gumising Nag-iwan sa akin ng pusong naninimdim. Ah!, ano ba itong napapangarap? Mga mata’y sa kanya inilagak. Sa lahat ng bagay sa kanya’y may sinag Bumalik lahat sa nakaraang kay liwanag. (Bilang 3) Sa panaginip na iyon, sa panaginip na iyon, Pawang lahat sa mundo'y ‘di umaayon Ipagsisigawang ako'y magningning Malungkot na gumagabay sa akin. (Bilang 4 at 5) Bagamat ang liwanag sa unos at gabi, Nangangatal mula sa malayong tabi. May pag-asa sa dalisay na liwanag, Isang katotohanang sinasabi ng araw na panatag. (Bilang 6 at 7) Ibigay ang buong diwang ipinahihiwatig ng tula. (Bilang 1 at 8) 1. Tungkol saan ang tula? (Bilang 1) 2. Ano ang panaginip na tinutukoy ng may- akda sa tula? (Bilang 2) Ano ang nangibabaw na damdamin sa tula? (Bilang 3 at 4) Batay sa isang taludtod ng tulang iyong binasa, masasabi mo bang nanghihinayang ang may-akda sa isang pag-ibig na naudlot sa kanyang buhay? Kung ikaw ang may- akda, pipiliin mo pa bang manatili sa nakaraan kaysa umusad sa hinaharap kung ganito rin ang sitwasyon na iyong kinasadlakan? (Bilang 7 at 8) Paglinang ng Talasalitaan Panuto: Tukuyin ang kahulugan sa hanay B mula sa mga salita na nasa hanay A na ginamit sa akdang binasa. Hanay A Hanay B 1. malamlam a. Inilagay, itinabi 2. naparam b. Nalulungkot 3. naninimdim c. Nawala, naglaho 4. inilagak d. Nanginginig, nangangatog 5. nangangatal e. Malabo, hindi malinaw IKALAWANG ARAW Pagtalakay sa katuturan ng tula, elemento ng tula,ibat ibang uri ng tula at mga uri ng tayutay na ginagamit sa pagbuo ng tula. Alam mo ba na … ang tula ay isang anyo ng panitikan na may matalinghagang pagpapahayag ng isipan at damdamin? Mababasa sa mga tula ang mga kaisipang naglalarawan ng kagandahan, kariktan, Isa sa elemento ng tula ay ang kariktan. Tumutukoy ito sa paggamit ng matatalinghagang salita, mga salitang may malalalim na ibig ipakahulugan at mga tayutay tulad ng pagwawangis, pagtutulad, at iba pa.. May apat na pangkalahatang uri ang tula: tulang pandamdamin o tulang liriko, tulang pasalaysay, tulang padula at tulang patnigan. Alam mo ba na… isang katangian ng tula ang paggamit nito ng matatalinghagang pahayag o pananalitang hindi tuwirang inihahayag ang literal na kahulugan. Karaniwan itong ginagamitan ng paghahambing ng mga bagay na nagpapataas ng pandama ng mga Ang talinghaga ang nag-uugnay sa mga karanasan, pangyayari at bagay-bagay na alam ng taumbayan. Ito mismo ang larawan ng kamalayan ng manunulat. Isa sa madalas na gamiting talinghaga ang pagpapahayag na patayutay o Isa sa mga matatalinhagang pahayag na maaaring gamitin sa paggawa ng tula ay ang tinatawag na tayutay. Ang tayutay ay sadyang paglayo sa karaniwang paggamit ng mga salita, kung kaya’t magiging malalim at piling-pili ang mga salita rito. Tinatawag ding palamuti ng tula ito dahil Mga Uri ng Tayutay: 1.Pagtutulad o simile – isang paghahambing ng dalawang bagay na magkaiba sa pangkalahatang anyo subalit may mga magkatulad na katangian. Ito’y ginagamitan ng mga salita’t pariralang tulad ng, katulad ng, parang, kawangis ng, Halimbawa: Ang kanyang ngiting nagniningning na tulad ng isang bituin. 2. Pagwawangis o metapora – naghahambing ng dalawang bagay ngunit tuwiran ang ginagawang paghahambing. Halimbawa: Ang kanyang ngiti ay tala sa gabing madilim. 3. Pagmamalabis o hyperbole – pagpapalabis sa normal upang bigyan ng kaigtingan ang nais ipahayag. Halimbawa: Bumaha ng pagkain sa kanyang kaarawan. 4. Pagtatao o personipikasyon – paglilipat ng katangian ng isang tao sa mga bagay na walang buhay. Halimbawa: Pumipito ang hangin sa sobrang lakas ng ihip nito noong nakaraang bagyo. Pagyamanin Panuto: Basahin ang mga sumusunod na paglalarawan. Tukuyin kung anong tayutay ang ginamit sa bawat bilang. Pagyamanin 1.Ang mga mata niya ay tila mga bituing nangniningning sa tuwa. Simili Pagyamanin 2. Rosas sa kagandahan si Prinsesa Sarah. Metapora 3. Napanganga ang mga manonood sa pagpasok ng mga artista sa tanghalan. Pagmamalabis 4. Ang ulap ay nagdadalamhati sa kaniyang pagpanaw. Personipikasyon 5. Tila mga anghel sa kabataan ang mga bata. Simili Ilang halimbawa pa ng tulang pandamdamin Ang Pamana ni: Jose Corazon de Jesus Babang-Luksa Salin mula sa Kapampangan ni Olivia P. Dante sa isang “Pabanua” ni Diosdado Macapagal Pag-ibig sa puso ang higit na mahalaga sa buhay lalo na kung ito ay alay sa pamilya. Patunay dito ang tulang “Ang Pamana” na obra ni Jose Corazon de Jesus na tinaguriang isang “makata ng pag-ibig” dahil sa kanyang mga tulang may paksang tagos sa puso. Ang tulang "Babang Luksa" ni Diosdado Macapagal ay isang makapangyarihang pagsasalamin sa mga damdamin ng pagdadalamhati at pag-asa. Sa tula, ipinahihiwatig ang tema ng pagkawala, hindi lamang ng mga mahal sa buhay kundi pati na rin ng mga pangarap at aspirasyon. Ang mga simbolismo ng kamatayan at buhay, at ang pagnanais na muling bumangon mula sa sakit ng pagkawala ang binigyang diin sa tula na maaaring magsilbing paalala na sa kabila ng mga pagsubok at pagdadalamhati, mayroong pag-asa at posibilidad ng muling pagbangon. MGA DAPAT TANDAAN: Ang tula ay isang anyo ng sining o panitikan na naglalayong maipahayag ang damdamin sa malayang pagsusulat. May apat na pangkalahatang uri ang tula: tulang pandamdamin o tulang liriko, tulang pasalaysay, tulang padula at patnigan. MGA DAPAT TANDAAN: May apat na uri ng tayutay ang tinalakay sa modyul na ito; pagtutulad o simile, pagwawangis o metapora, pagmamalabis o hyperbole at pagtatao o personipikasyon. Sa pagsulat ng tula ay dapat magsanib ang gramatika at retorika upang maging maganda ang isang katha. Ang tulang liriko o tula ng damdamin ay puno ng masisidhing damdamin ng tao tulad ng pag-ibig, kalungkutan, kabiguan, kaligayahan, tagumpay at iba pa. Maikli at payak ang uring ito ng tula. Uri ng tulang liriko: pastoral, elehiya, sonata, oda, awit at dalit. Basahing mabuti ang mga nakatakdang panuto sa mga Gawain. Gawaing Pagganap Blg. 3 (Linggo 5 at 6) Lumikha ng isang tula na may 4 saknong na binubuo ng 4 na taludtod sa bawat saknong patungkol sa pagmamahal sa magulang na ginagamitan ng mga tayutay. PANUTO: 1.Sa paglikha ng tula maaaring ilagay paglalarawan ng pag-ibig ng isang anak sa isang magulang (unang at ikalawang saknong), ang mga sakripisyo ng isang magulang (ikatlong saknong) at tunay na pamana ng isang magulang para sa’yo (ikaapat na saknong). 2. Gumamit ng mga matatalinghagang pananalita sa pagsulat ng tula. Maaaring gumamit ng malaya o di - malayang taludturan sa pagbuo ng tula. 3. Ang binuong tula ay gagawing sabayang bigkas (Pangkatang Gawain) Ito ay gagawin sa pamamagitan ng 3-5 minuto lamang kasama ang kilos at galaw na ilalapat sa pagbigkas. 4. Bigyang pansin ang maayos na pananamit (maaaring magsuot ng uniporme o PE uniform) 5. Ang sabayang bigkas ay isasagawa sa darating na Nobyembre 22, 2024 sa oras na itinakda sa bawat klase. PAMANTAYAN SA PAGMAMARKA KRAYTERYA PINAKAMAHUSAY MAHUSAY KATAMTAMAN Kaangkupa Napakahusay ng Mahusay ang mga karaniwan ang n sa Paksa mga impormasyon bunga ng mga (40) impormasyong matalinong impormasyong bunga ng pananaliksik. Subalit inilagay at matalinong ang ibang impormasyon hindi sapat pananaliksik na ay hindi tiyak na upang inilagay sa tula. nakahihiyakat sa mga makahiyakat Malinaw ang mambababasa at ng mga layuning tagapakinig. mambabasa at mahikayat ang tagapakinig. mga (35-37) (32-34) mambababasa at tagapakinig. (38-40 Kalidad, Katangi-tangi ang Mahusay ang May kalidad indayog at kalidad at indayog at kalidad at at indayog at kaisahan ng may kaisahan sa tinig indayog at may may tinig sa sa pagbigkas kaisahan sa tinig kaisahan sa pagbigkas (40) (38-40) sa pagbigkas tinig sa (35-37) pagbigkas (32-34) Kayariang Nagamit nang Nagamit nang Nagamit ang pangwika napakahusay at pormal wasto at pormal Wikang (20) ang Wikang Filipino sa ang Wikang Filipino nilalaman ng tula. Filipino. Nasunod subalit hindi Nakasunod nang nang mahusay ito pormal. mahusay sa paggamit subalit may Katamtaman ng mga salitang kaunting ang kahinaan magkasingkahulugan at kamalian sa at hindi magkasalungat. paggamit ng mga masyadong (18-20) salitang nailapat ang magkasalungat natutuhan sa at gramatika at magkasingkahulu retorika. gan (13-14) (15-17) Takdang – Aralin: Basahin at unawain ang aralin sa Modyul 6: Dula mula sa England Ni William Shakespeare Maraming Salamat sa inyong pagdalo sa ating klase.