Aralin-1-MGA-KONSEPTONG-PANGWIKA.pptx.txt
Document Details
Uploaded by ThumbsUpSandDune
Tags
Full Transcript
MGA KONSEPTONG PANGWIKA BAITANG 11 GURONG WHALLEN F. PASCO Mga Tunguhin at Layunin Nabibigyan ng malalim na pagpapakahulugan kung ano ang wika Natutukoy ang mga pangunahing katangian ng wika ayon sa kaisipan ng mga iskolar Natatalakay ang iba't ibang pananaw na tumatalakay sa kalikasan ng wika at k...
MGA KONSEPTONG PANGWIKA BAITANG 11 GURONG WHALLEN F. PASCO Mga Tunguhin at Layunin Nabibigyan ng malalim na pagpapakahulugan kung ano ang wika Natutukoy ang mga pangunahing katangian ng wika ayon sa kaisipan ng mga iskolar Natatalakay ang iba't ibang pananaw na tumatalakay sa kalikasan ng wika at kahalahagan nito sa pantaong komunikasyon Kantahin ang 3 bersyon ng awiting "Mahal ko o Mahal Ako?" at sagutin ang mga tanong: Sa tatlong bersyon ng awitin, alin ang pinaka-nagustuhan mo? Bakit? Anong wika ang ginamit sa tatlong bersyon? May nabago ba sa mensahe ng awitin dahil sa pagkakaiba ng wikang ginamit? Sa iyong pananaw, ano ang nagagawa ng wika sa ating buhay? Unang bersyon ng awitin Sino ang iibigin ko? Ikaw ba na pangarap koO s'ya bang kumakatok sa puso ko?Oh, ano'ng paiiralin ko, isip ba o ang puso ko?Nalilito, litong-litong-litoSino'ng pipiliin ko? Sinong pipiliin ko... Mahal ko o mahal ako? Ikalawang Bersyon Jino aru ang betchay kes? Jikaw ba na kyongarap kes? O ombs na kumokyotok sa arumbels? Oh! Anong eme ang mas award? Jisip ba o ang arumbels? Nauutik na ang kuning, utik... Jinu bang pipiliin kes? Bet ko o yung bet akes? Ikatlong Bersyon Who shall my heart choose? Is it you, the one I've been dreaming of, or is it the one knocking on my heart? Oh, what should I follow, my mind or my heart? I'm confused, utterly confused. Who should I choose? Who should I choose... The one I want or the one who loves me? 10 LEBEL NG KOMUNIKASYON SA KASALUKUYAN WIKA WIKA WIKA EDWARD SAPIR LACHICA HENRY GLEASON WOODBURY Mayroong humigit na 5,000 hanggang 6,000 wika na ginagamit ngayon ng tao sa iba't ibang panig ng mundo. KATANGIAN NG WIKA WIKA 8 Katangian ng Wika A. Ang wika ay tunog. B. Ang wika ay arbitraryo. C. Ang wika ay dinamiko. D. Ang wika ay masistema. E. Ang wika ay komunikasyon. F. Ang wika at kultura ay hindi mapaghihiwalay. G. Ang wika at kaisipan ay hindi mapaghihiwalay. H. Ang wika ay pantao. 1. Ang wika ay pantao Kung nasaan man ang tao ay naroon din ang wika. Ang tao ay may sariling wika na kaiba sa mga hayop. 2. Ang wika at kultura ay hindi mapaghihiwalay. Walang wikang itinuturing na primitibo. Ang lahat ng ipinanganak saan mang dako ng daigdig, anumang lahi, o kulturang kinabibilangan ay may kakayahang matuto ng wika na ginagamit sa kinalakhang lipunan. May mga salitang banyaga na walang eksaktong kahulugan sa Filipino dahil hindi ito parte ng kultura ng bansa. Halimbawa: glacier, icebergs, hailstorm 3. Ang wika ay dinamiko. Ang lahat ng wika ay nagbabago kasabay ng pagbabago ng panahon. Ang pagsulpot ng mga maliliit na wika ay bahagi ng kalikasan ng wika sa pagiging dinamiko nito o pagbabago-bago nito. Halimbawa: ang salitang selfie na uso ngayon ngunit noon ay hindi 4. Ang wika ay arbitraryo. Ang ugnayan sa pagitan ng mga tunog at mga kahulugan ng mga binibigkas o ikinukumpas ay itinuturing na arbitraryo. Magkakaiba man ang mga salitang ginagamit sa iba't ibang pook kahit kargado ito ng magkakatulad na kahulugan. Halimbawa: Tagalog- ibon, sa Cebuano, ang tawag sa ibon ay langgam 5. Ang wika ay masistemang balangkas. Ang wika ay may masistemang balangkas sa pagbuo ng mga salita at mga pangungusap. Ang lahat ng wika ay may tiyak na bilang ng mga tunog o kumpas na ginagamit upang bumuo ng mga makahulugang elemento o mga salita na maaaring gamitin upang bumuo ng maraming bilang ng mga posibleng pangungusap o pahayag. 6. Ang wika ay masistemang balangkas. May sinusunod na istruktura sa mga tuntuning gramatikal ang wika sa mabisang pagpapahayag. Halimbawa: Ako ay masaya. (di-karaniwang ayos ng pangungusap) Masaya ako. (karaniwang ayos ng pangungusap) 7. Ang wika ay tunog. Ang lahat ng sinasalitang wika ay pangunahing binubuo ng mga tunog Ang anumang tunog na may kahulugan ay maituturing na wika. Halimbawa: iyak ng sanggol, pagtilaok ng manok, pagkalabog ng pinto 8. Ang wika at kaisipan ay hindi mapaghihiwalay. Ang mga tao na nakapagsasalita ng isang wika ay may kakayahang bumuo at umunawa ng maraming bilang ng pahayag o pangungusap. Ang wika ay instrumento ng pag-iisip. Ang wika ay napag-aaralan na humuhulma sa isipan ng tao. 9. Ang wika ay komunikasyon. Ang wika ay may kanya-kanyang kaanyuan sa kung paano ito magagamit sa iba't ibang layunin. Ginagamit sa pakikipag-usap Halimbawa: pagpapaliwanag, panliligaw, pakikipagtsismisan, pagbabalita, pagkukuwentuhan