ARALIN 1: Mga Konseptong Pangwika PDF
Document Details
Uploaded by JoyfulSatyr
Technological Institute of the Philippines
Leah L. Santos
Tags
Related
- Filipino Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang PDF
- Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino PDF
- TALAAN-NG-KONSEPTO-Q1W1-W3 PDF Filipino Notes
- Kontekstwalisadong Komunikasyon sa Filipino PDF
- NCR_FINAL_FILIPINO11_Q2_M4 (1) PDF - Filipino Grade 11 Quarter 2 Module
- Modyul 5 & 6: Komunikasyon PDF
Summary
This document covers the concept of language, focusing on how it's used in communication and the importance of language in Philippine society.
Full Transcript
FIL001: Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino Mga Konseptong Pangwika LEAH L. SANTOS Layunin ng Pag-aaral Matukoy ang mga kahulugan at kabuluhan ng mga k...
FIL001: Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino Mga Konseptong Pangwika LEAH L. SANTOS Layunin ng Pag-aaral Matukoy ang mga kahulugan at kabuluhan ng mga konseptong pangwika Maipakita ang pagmamahal sa sariling wika sa tulong ng iba't ibang gawain Masagot lahat ng mga katanungan ukol sa pinag-aralan ARALIN 1: Mga Konseptong Pangwika Ang Wikang 1 Ang Wika 3 Opisyal Ang Wikang Wikang 2 4 Panturo Pambansa Sa paanong paraan ito nagiging instrumento ng mabisang pakikipagtalastasan, kapayapaan, at mabuting pakikipagkapwa-tao? Mahalagang Tanong ALAM MO BA? Ang opisyal na estadistika tungkol sa wika at diyalekto sa ating Bansa ay hango sa Census of Population and Housing(CPH) na Isinasagawa ng NSO. Ayon sa datos noong 2000, may humigit kumulang 150 wika at diyalekto sa bansa. Tagalog – nangungunang wika Cebuano/Bisaya/Binisaya/Boholano – ikalawa Ilocano – ikatlo Hiligaynon/Ilonggo – ikaapat Bikol/bicol Waray Kapampangan Pangasinan o panggalatok Maguindanao Tausug 1 Kahulugan ng Wika Wika Mula sa pinagsama-samang makabuluhang tunog, simbolo, at tuntunin ay mabubuo ang mga salitang makapagpapahayag ng kahulugan o kaisipan. behikulong ginagamit sa pakikipag- usap at pagpaparating ng mensahe sa isa’t isa. Lingua - mula sa salitang Latin na nangangahulugang “dila” at “wika” o “lengguwahe”. Langue - mula sa salitang Pranses na nangangahulugang ding “dila” at “wika”. Mga Dalubhasang Nagbigay ng Iba’t Ibang Pagpapakahulugan sa Wika Paz, Hernandez, at Peneyra Cambridge Dictionary Ang wika ay tulay na ginagamit Ang wika ay isang sistema ng Sa paanong paraan ito nagiging instrumento ng mabisang pakikipagtalastasan, kapayapaan, at mabuting para maipahayag at mangyari ang anumang komunikasyong nagtataglay ng mga pakikipagkapwa-tao? minimithi o pangangailangan natin. Ginagamit na tao ang wika sa kanyang pag- tunog, salita, at gramatikang ginagamit iisip, sa kanyang pakikipag-ugnayan, at sa pakikipagtalastasan ng mga pakikipag-usap sa ibang tao; at maging sa mamamayan sa isang bayan o sa iba’t pakikipag-usap sa kanyang sarili. ibang uri ng gawain. Mga Dalubhasang Nagbigay ng Iba’t Ibang Pagpapakahulugan sa Wika Charles Darwin Henry Allan Gleason Ang wika ay masistemang Sa paanong paraan ito nagiging instrumento ng mabisang Naniniwalang ang wika balangkas ng mga tunog na pakikipagtalastasan, kapayapaan, at mabuting pakikipagkapwa-tao? ay isang sining tulad ng paggawa pinipili at isinasaayos sa ng serbesa o pagbe-bake, o ng paraang arbitraryo upang pagsusulat. magamit ng mga taong nabibilang sa isang kultura. Ang Wikang Pambansa 2 Marso 24, 1934 Pinagtibay ni Pangulong Franklin D. Roosevelt ng Estados Unidos ang Batas Tydings-McDuffie na nagtatadhanang pagkakalooban ng kalayaan ang Pilipinas matapos ang sampung taong pag-iral ng Pamahalaang Komonwelt. Isang naging malaking usapin o mainitang pinagtalunan, pinag-isipan, at tinalakay sa Kumbensiyong Konstitusyunal ang pagpili ng wikang pambansa. Iminungkahi ng pangkat napinamumunuan ni Lope K. Santos ay wikang umiiral sa ating bansa ang maging wikang pambansa. 1935 Ang pagsusog na ito ni Pangulong Manuel L. Quezon na Nagbigay daan sa probisyong pangwika na nakasaad sa Artikulo XIV, Seksiyon 3 ng Saligang Batas ng 1935 na nagsasabing: “Ang Kongreso ay gagawa ng mga hakbang tungo sa pagkakaroon ng isang wikang pambansang ibabatay sa isa sa mga umiiral na katutubong wika. Hangga’t hindi itinatakda ng batas, ang wikang Ingles at Kastila ang siyang mananatiling opisyal na wika.” Nobyembre 13, 1936 pinagtibay ng Kongreso ang Batas Komonwelt Blg. 184, na nagtatag sa unang Surian ng wikang Pambansa (SWP). Alinsunod sa naturang batas, ang mga kapangyarihan at tungkuln ng Surian ay ang mga sumusunod: Gumawa ng pag-aaral sa mga pangkalahatang wika sa Pilipinas; Magpaunlad at magpatibay ng isang wikang panlahat na Wikang Pambansa batay sa isa sa mga umiiral na katutubong wika, at bigyang-halaga ang wikang pinakamaunlad ayon sa balangkas, mekanismo, at panitikang tinatanggap. Disyembre 30, 1937 ay iprinoklama ni Pangulong Manuel L. Quezon ang wikang Tagalog upang maging batayan ng Wikang Pambansa base sa rekomendasyon ng Surian sa bisa ng Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134. Magkakabisa ang kautusang ito pagkaraan ng dalawang taon. Abril 1, 1940 Inilabas ang kautusang Tagapagpaganap Blg. 263, ipinag-uutos nito ang: 1. Pagpapalimbag ng A Tagalog-English Vocabulary at ng isang aklat sa gramatika na pinamagatang “Ang Balarila ng Wikang Pambansa”, at 2. Pagtuturo ng wikang pambansa simula Hunyo 19, 1940 sa mga paaralang Publiko at Pribado sa buong kapuluan. 1942 lumunsad sa dalampasigan ng Pilipinas ang mga Hapon at nabuo ang isang grupong tinatawag na “purista.” Sila ang nagnanais na gawing Tagalog na ang wikang pambansa. Prof. Leopoldo Yabes ang pangasiwaang Hapon ang nag-uutos na baguhin ang probisyon sa konstitusyon at gawing tagalog ang pambansang wika. Nang panahong iyon, Niponggo at Tagalog ang naging opisyal na wika. Hulyo 4, 1946 Nang ipagkaloob ng mga Amerikano ang ating kalayaan, sa araw ng pagsasarili sa Pilipinas ay ipinahayag ding ang mga wikang opisyal sa bansa ay Tagalog at Ingles sa bisa ng Batas Komonwelt Bilang 570. Marso 6, 1954 nilagdaan ni pangulong Ramon Magsaysay ang Proklamasyon Blg. 12 para sa pagdiriwang ng linggo ng Wikang Pambansa mula Marso 29 hanggang Abril 4 taon-taon. Setyembre 1955 Sinusugan ng Proklamasyon Blg. 186 ang paglilipat ng pagdiriwang n Linggo ng Wika sa Agosto 13 hanggang 19 taon-taon. Agosto 13, 1959 Inilabas ni Kalihim Jose E. Romero ng Kagawaran ng Pagtuturo ang Kautusang Pangkagawaran Blg. 7 na nagtatakdang “Kailanma’t tutukuyin ang wikang pambansa, ito ay tatawaging Pilipino.” Oktubre 24, 1967 Nilagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos ang Kautusang Tagapagpaganap Blg. 96 na nag-uutos na ang lahat ng gusali, edipsiyo, at tanggapan ng pamahalaan ay dapat na nakasulat sa Pilipino. Marso 27, 1968 Inilabas ng Kalihim Tagapagpaganap na si Rafael Salas ang Memorandum Sirkular Blg. 96 na nag-aatas na lahat ng letter head ng mga tanggapan, kagawaran, at sangay ng pamahalaan ay dapat nakasulat sa Pilipino at may katumbas na Ingles sa ilalim nito. Inuutos din ng sirkular na gawin sa Pilipino ang pormularyo ng panunumpa sa tungkulin ng mga pinuno at kawani ng pamahalaan. 1970 Naging wikang panturo ang Pilipino sa antas ng elementarya sa bisa ng Resolusyon Blg. 70. 1974 Nilagdaan ni Kalihim Juan Manuel ang Kautusang Pangkagawaran Blg. 25 para sa pagpapatupad ng Edukasyong Bilingwal. 1978 Inaatas ng Kautusan Pangministri ng Kagawaran ng Edukasyon ang pagkakaroon ng anim na yunit ng Filipino sa lahat ng kurso sa kolehiyo, maliban sa kursong pang-edukasyon na dapat kumuha naman ng 12 yunit. 1987 Na halal si Corazon Aquino bilang pangulo ng Pilipinas at bumuo ng bagong batas ng Komisyong Konstitusyunal ang implementasyon sa paggamit ng Wikang Filipino. Nakasaad sa Artikulo XIV, Seksiyon 6 ng Saligang Batas ang probisyon tungkol sa wika na nagsasabing: wikang pambansa ng Pilipinas; dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na mga wika ng Pilipinas at sa iba pang umiiral; dapat magsagawa ng mga hakbang ang pamahalaan upang ibunsod t puspusang itaguyod ang paggamit ng Filipino bilang: 1. midyum ng opisyal na komunikasyon; at 2. wika ng pagtuturo sa sistema ng edukasyo. Wikang Opisyal at 3 Wikang Panturo 4 Virgilio Almario Ayon sakanya ang wikang opisyal ay ang itinadhana ng batas na maging wika sa opisyal na talastasan ng pamahalaan. Ibigsabihin, ito ang wikang maaaring gamitin sa anumang uri ng komunikasyon, lalo na sa anyong nakasulat, sa loob at sa labas ng alimang sangay o ahensiya ng gobyerno. Wikang Opisyal ay ang itinadhana ng batas na maging wika sa opisyal na talastasan na maging wika sa opisyal na talastasan ng pamahalaan. Wikang Panturo ang opisyal na wikang ginagamit sa pormal na edukasyon. MTB-MLE ( Mother Tongue-Based Multi-Lingual Education) Sa pagpasok ng K-12 Curriculum, ang mother tongue o unang wika ng mga mag- aaral ay naging opisyal na wikang panturo mula Kindergarten hanggang Grade 3 sa mga paaralang pampubliko at pribado man. DepEd Secretary Brother Armi n Luistro Ang paggamit ng wikang ginagamit sa tahanan sa mga unang baitang ng pag-aaral ay makatutulong mapaunlad ang wika at kaisipan ng mga mag-aaral at makapagpapatibay rin sa kanilang kamalayang sosyo-kultural. Itinadhana ng DepEd hanggang sa kasalukuyan ang labingsiyam na wika at dayalekto para magamit sa MTB-MLE: Tagalog, Kapangpangan, Pangasinense, Ilokano, Bicolano, Cebuano, Hiligaynon, Waray, Tausug, Maguindanaoan, Meranao, Chavacano, Ybanag, Ivatan, Sambal, Aklanon, Kinaray-a, Yakan, at Surigaonon. Ang mga wika at Filipino at English diyalektong ito ang mga pangunahing ay ginagamit sa wikang panturo o dalawang paraan: medium of 1. Bilang hiwalay instruction. na asignatura 2. Bilang wikang panturo Ang Tagalog, Pilipino, at Filipino Tagalog katutubong wikang pinagbatayan ng pambansang wika ng Pilipinas (1935) Pilipino unang tawag sa pambansang wika ng Pilipinas (1959) Filipino Tawag sa pambansang wika ng Pilipinas (1987) Maraming Salamat Sa Pakikinig CREDITS: This presentation template was created by Slidesgo, including icons by Flaticon and infographics & images by Freepik