ARALIN 1 at 2: Pagsusuri at Batas ng Demand PDF

Summary

Ang dokumento ay isang aralin tungkol sa pagsusuri at batas ng demand. Ang mga elemento ng demand, tulad ng mga pang-ekonomiyang konsepto at matematika, ay mahusay na ipinaliwanag at tinukoy sa mga tuntunin na madaling maunawaan.

Full Transcript

Aralin 1: Sa araling ito, inaasahang maisasagawa ng mag-aaral ang sumusunod: 1.Nailalapat ang kahulugan ng demand sa pang- araw-araw na pamumuhay ng bawat pamilya; 2.Nasusuri ang mga salik na nakakaapekto sa demand; 3.Matalinong nakapagpapasiya sa pagtugon sa mga pagbabago ng salik...

Aralin 1: Sa araling ito, inaasahang maisasagawa ng mag-aaral ang sumusunod: 1.Nailalapat ang kahulugan ng demand sa pang- araw-araw na pamumuhay ng bawat pamilya; 2.Nasusuri ang mga salik na nakakaapekto sa demand; 3.Matalinong nakapagpapasiya sa pagtugon sa mga pagbabago ng salik na nakakaapekto sa demand. Pamantayan: Nilalaman- 10 Organisasyon- 10 Presentasyon- 5 Natapos sa takdang oras- 5 Kahulugan ng Demand Demand Kailangan o Gusto Nais ikonsumo Kayang bumili Ang demand ay tumutukoy sa dami ng produkto o serbisyo na gusto at kayang bilhin ng mamimili sa iba’t ibang presyo sa isang takdang panahon. Demand Function Ang equation na ito ay nagpapakita ng ugnayan ng dalawang variable: ang P na kumakatawan sa presyo at nagsisilbing independent variable at ang Qd na kumakatawan sa quantity demanded o bilang ng nais at kayang bilhin, na siya namang nagsisilbing dependent variable. Samakatuwid, sa matematikal na paglalarawan: Panuto: Bumuo ng pie chart na nagpapakita kung saan gagastusin ng inyong pangkat ang badyet na mayroon kayo para sa isang bakasyon. Qd= f (P) ceteris paribus Demand Curve Ito ang graph na nagpapakita ng negatibo o di- tuwirang ugnayan ng y-axis na kumakatawan sa variable na P, at ng x-axis na kumakatawan sa variable na Qd. Mailalarawan ang kurba ng demand bilang downward sloping, mula sa kaliwa tungong kanan pababa. Bago matuos ang bilang ng demand sa bawat antas o lebel ng presyo, mahalagang komputin muna ang function na magsisilbing formula sa pagtutuos. Qd- Qd 1 2 P- P 1 2 Halimbawa: Qd1 = 170 Qd 2= 140 Maaaring makuha ang demand P1 = 6 function sa ganitong paraan: P2 = 8 170-140 _________________ 6-8 30 _________________ -2 Demand Function = -15 Aralin 2: Ang batas ng demand (law of demand) na mayroong inverse o magkasalungat na ugnayan ang presyo sa quantity demanded ng isang produkto. Ang ceteris paribus ay nangangahulugang ipinagpapalagay na ang presyo lamang ang salik na nakakaapekto sa pagbabago ng quantity demanded, habang ang ibang salik ay hindi nagbabago o nakakaapekto rito. 1. Substitution Effect- sinasabi dito na kapag tumaas ang presyo ng isang produkto, ang mga mamimili ay hahanap ng pamalit na mas mura. 2. Income Effect o Purchasing Power (Kakayahang Bumili)- Kapag mababa ang presyo ng bilihin, mas mataas ang kakayahan ng kita ng tao na makabili ng mas maraming produkto. Kapag tumaas naman ang presyo, lumiliit naman ang kakayahan ng kanyang kita na maipambili. 1. Panlasa- ang pagbabago ng panlasa ng mga mamimili ay may epekto sa kanilang demand. 2. Kita- ang pagtaas ng kita ay nagdudulot ng pagtaas ng demand para sa karamihan ng produkto. Ang pagbaba naman ng kita ay magbubunsod naman ng pagbaba ng demand para sa karamihan sa mga produkto. “Engel’s Law” Engel’s Law Isinasaad ng teoryang ito na ang mga pamilyang may mababang kita ay mas naglalan ng malaking porsiyento ng kanilang kita para sa pagbili ng mga pangangailangan kaysa sa mga pamilyang nasa middle o upper class. Normal Goods Ito ay ang mga produktong tumataas ang demand kasabay ng pagtaas ng kita. Inferior Goods Ito ay ang mga produktong bumababa ang demand habang tumataas ang kita. 3. Presyo sa Kahalili o Kaugnay na Produkto- may epekto sa demand ang presyo ng mga kahalili (substitute) o kaugnay (compliment) na produkto. Ang kahaliling produkto ang yaong maaaring gamitin kapalit ng isang produkto. 4. Bilang ng Mamimili- ang malaking populasyon ay nangangahulugan ng maraming pangangailangan para sa mga kalakal at serbisyo. Mas marami ang mamimili kung mas malaki ang populasyon. 5. Inaasahan ng mga Mamimili- kung inaasahan ng mga mamimili na tataas ang presyo ng produkto sa hinaharap dahil sa iba’t ibang dahilan, daragdagan din nila ang bibilhing produkto sa kasalukuyan. 6. Okasyon- sadyang may mga produkto o serbisyong nagiging mabili kasabay ng ilang okasyon upang pagkatapos ay bumababa rin ang demand o bumabalik sa normal kapag natapos na ang okasyon.

Use Quizgecko on...
Browser
Browser