Patakarang Pananalapi PDF

Summary

Ang dokumentong ito ay nagpapakita ng mga aralin tungkol sa patakarang pananalapi, mga prinsipyo ng pera, at ang mga bangko sa Pilipinas, kasama ang Bank Secrecy Law at money laundering. Tinalakay din ang mga uri ng bangko at kung paano gumagana ang ekonomiya.

Full Transcript

Patakarang Pananalapi Layunin sa Pagkatuto: Natataya ang bumubuo ng sector ng pananalapi Naipapaliwanag ang layunin ng patakarang pananalapi Naipahahayag ang kahalagahan ng pag-iimpok at pamumuhunan bilang isang salik ng ekonomiya Ang PERA Ang pera ang nagbibigay-...

Patakarang Pananalapi Layunin sa Pagkatuto: Natataya ang bumubuo ng sector ng pananalapi Naipapaliwanag ang layunin ng patakarang pananalapi Naipahahayag ang kahalagahan ng pag-iimpok at pamumuhunan bilang isang salik ng ekonomiya Ang PERA Ang pera ang nagbibigay-daan sa mga gawaing pang- ekonomiya ng tao at nagbibigay sa atin ng ideya tungkol sa halaga ng mga bagay-bagay sa ating kapaligiran. MGA GAMIT NG PERA 1. Instrumento ng palitan 2. Pamantayan ng halaga 3. Mapapanatili ang kaayusan sa pamilihan Mga katangian ng Pera 1. Tinatanggap ng lahat 6. Madaling makilala 2. Madaling dalhin 7. Espesyal na katangian 3. Maaaring hatiin ng pera 4. Madaling baguhin ang 8. Madaling ipamalit suplay 5. Matatag Ang Patakarang Monetaryo Ang patakarang monetaryo ay pamamaraan ng pamahalaan upang magabayan ang Sistema ng pananalapi ng bansa at pati na rin ang operasyon ng mga institusyon ng pananalapi. May dalawang uri ng patakarang Monetaryo Easy Monetary Policy – ay isang liberal na patakarang naglalayong palaguin ang ekonomiya sa pamamagitan ng pagpapababa ng interes at pagpapadali sa pagpapautang. Tight Monetary Policy – ay pagbabawas ng demand sa pera sa pamamagitan ng pagtataas ng interes ng Bangko Sentral. Ang Bangko Sentral ng Pilipinas Tagalikha ng mga pera Tagapamahala ng bank accounts ng pamahalaan, at tagapayo ng pamahalaan sa mga gawaing pampinansyal Bangko ng mga bangko Nagpapautang sa mga bangko kapag kinakapos ang mga ito ng pera Tagapangalaga ng reserba ng mga perang dayuhan Taga-ayos ng operasyon ng mga institusyong may kinalaman sa kalagayan ng pampinansyal ng bansa. Mga katangian ng Nangungutang sa bangko (4C’s) Pag-uugali Kapasidad na magbayad Kapital Kolateral Mga Uri ng Bangko Pribadong bangko – ay pag-aari ng mga pribadong tao. Pampublikong bangko – ay pag- aari ng pamahalaan. Anim na uri ng Pribadong Bangko 1.Ang mga bangkong unibersal – ang mga bangkong unibersal ang kinikilalang bangkong pinakamataas ang antas. Hal. Metrobank at Bank of the Philippines Island (BPI) 2. Ang mga bangkong komersiyal – ang mga bangkong komersiyal ay may pangunahing pokus, ang magpautang sa mga negosyante. Hal. Rizal Commercial Bangking Corporation 3. Ang mga bangkong thrift – ay nakapokus sa mga gawaing savings and mortage, private development, stock savings at loan associations. 4. Mga bangkong kooperatiba – ang isang bangko kooperatiba ay pagmamay-ari lahat ng miyembro nito. 5. Ang mga bangkong rural – ito ay matatagpuan sa mga probinsiya at layunin nitong tumulong sa mga magsasaka sa panahon ng pagtatanim. 6. Islamic Banks – ito ay mga bangkong itinatag ng ating mga kapatid na Muslim. Mga halimbawa ng pampublikong bangko Philippine National Bank Land Bank of the Philippines Development Bank of the Philippines Ang Money Laundering Ang Money Laundering ay proseso ng pagtatago ng salaping nakuha mula sa illegal na aktibidad upang mapalabas na ito ay galing sa legal na pamamaraan. Ang Bank Secrecy Law ( RA1405) Ang Bank Secrecy Law ay nagbabawal sa pagdidisclose o pagbibigay ng impormasyon tungkol sa mga account sa bangko ng mga mamamayan.