Summary

Ang presentasyong ito ay tumatalakay sa mga mahahalagang institusyon at konsepto sa sektor ng pananalapi ng Pilipinas. Kasama ang mga bangko, pampublikong serbisyo, at ang kanilang tungkulin sa ekonomiya.

Full Transcript

## Sektor ng Pananalapi - Ang sektor ng pananalapi ay may mahalagang ginagampanan sa pagpapatakbo ng ekonomiya. Ito ang pangunahing sektor na may kinalaman sa pagpapatupad ng mga patakaran sa pananalapi at pagbibigay suporta sa mga institusyon ng pananalapi ng bansa. ### Patakaran Sa Pananalapi -...

## Sektor ng Pananalapi - Ang sektor ng pananalapi ay may mahalagang ginagampanan sa pagpapatakbo ng ekonomiya. Ito ang pangunahing sektor na may kinalaman sa pagpapatupad ng mga patakaran sa pananalapi at pagbibigay suporta sa mga institusyon ng pananalapi ng bansa. ### Patakaran Sa Pananalapi - Ang pagmamanipula at pamamahala ng supply ng salapi sa ekonomiya ay tinatawag na patakaran sa pananalapi o *Monetary Policy*. - Ang pangunahing layunin ng *Monetary Policy* ay kontrolin ang implasyon. Ito ay ginagawa upang patatagin ang halaga ng salapi sa loob at labas ng bansa para sa katatagan ng buong ekonomiya. ### Institusiyon ng Pananalapi - Ang mga institusyon ng pananalapi ay may gampanin upang mapanatili ang magandang kalagayang pang-ekonomiya. - Ang mga *bangko* ay isa sa tumutulong sa Pamahalaan upang maisaayos ang pananalapi sa loob at labas ng bansa. Ang pag-iimpok ay mahalaga at kailangan para sa kinabukasan ng tao at upang mayroong magamit ang prodyuser na pinamumuhunan sa tulong ng bangko. - Ang mga institusyon ng pananalapi ang inaasahan ng pamahalaan na mamamahala sa paglikha, pag-supply, at pagsasalin-salin ng salapi sa ating ekonomiya. Ito ay maaaring *bangko* o di-*bangko* na inuuri ayon sa tungkulin at layunin nito. ### Bangko - Ang *bangko* ay isang uri ng institusyon na tumatanggap at lumilikom ng mga salapi na iniimpok ng mga tao at negosyante. Nagsisilbi itong tagapamagitan sa mga nag-iimpok at namuhunan at mga prodyuser. - Sa pamamagitan ng *bangko* nagiging kapaki-pakinabang ang salaping inimpok dahil sa pamumuhunan. - Maraming uri ng *bangko* na makatutulong sa iba't ibang pangangailangan ng tao at bansa. Ang mga ito ay inuuri ayon sa laki ng kapital, serbisyong ipinagkaloob sa tao, at layuning isinasakatuparan. #### Mga Uri ng Bangko - **Komersiyal na Bangko** - Ito ang pinakamalaki at pinakamalawak na uri ng *bangko* sa bansa. - Ito ang *bangko* na nakikipag-ugnayan sa mga nag-iimpok, mga prodyuser at kapitalista. - Ito nagpapautang ng puhunan sa mga prodyuser. - Ito ay nagkakaloob ng auto loan, housing loan, car insurance, at iba pang serbisyo. - Tumatanggap rin sila ng lahat ng uri ng deposito ng mga tao. - Upang mapabilis ang transaksiyon ay ipinapatupad ang isang pagbabago sa mga bangkong komersiyal na tinatawag na *Universal Banking* (Unibanking) o *Expanded Commercial Banks*. - **Rural na Bangko** - Ito ay naitatag noong 1952 sa pamamagitan ng Batas Republika Blg 720. - Ito ay nalalayon na tulungan at suportahan ang mga magsasaka at mangigisda upang magkaroon ng puhunan. - Ang *bangko rural* ay nagpapautang sa mga magsasaka at mangingisda at mga kooperatiba sa mga lalawigan. - Tumatanggap din ito ng deposito ng mga taong nais mag impok. - **Bangko ng Pagtitipid** - Ang bangkong ito ang pinakamarami sa mga uri ng *bangko*. - Hinikayat nito ang mga tao na mag impok at magtipid ng ilang bahagi ng kanilang kita. - Mga uri ng *bangko ng pagtitipid*: - **Savings and Mortgage Bank** - Pinakamarami sa mga uri ng *thrift bank*. - Tumatanggap ng deposito at sangla ng mga mamamayan. - **Savings and Loan association** - Tumatanggap ng impok ng mga kasapi. - Nagpapahiram ng salapi. - Nagbibigay ng dibidendo sa mga kasapi. - **Private Development Bank** - T umatanggap ng deposito ng mga tao. - Nagpapahiram ng puhunan sa small medium scale industries. - Suportado ng DBP. - **Trust Companies** - Inaasikaso ng bangkong ito ang mga pondo at ari-arian ng simbahan at mga charitable institutions. - Nangangalaga sa mga ari-arian, lalo na ang mga menor de edad. - **Espesyal na Bangko** - *ICICI Bank* - **Development Bank of the Philippines** - Ang pangunahing *bangko* na itinatag upang makatulong sa pamahalaan sa pagpapaunlad ng ekonomiya. - Pinapautang ng DBP ang mga small and medium scale industries sa may mababang interes upang mapalago ang kanilang mga gawain. - **Land Bank of the Philippines (LBP)** - Naitatag sa pamamagitan ng Batas Republika Blg. 3844 na naglalayon na itaguyod ang pagpapaunlad ng reporma sa lupa. - Naging pangunahing *bangko* ito ng pamahalaan matapos maispribado ang Philippine National Bank. - Ito rin ang nag-iingat ng salapi ng pamahalaan. - **Pandaigdigang Bangko** - **Asian Development Bank** - Ang mga kasaping bansa nito ay mula sa rehiyon ng Asia at Far East, kasama ang South Pacific. - Ang layunin nito ay tulungang magkaroon ng pang-ekonomiko at panlipunan na pag-unlad ang mga umunlad na bansang kasapi nito sa pamamagitan ng pagpapautang ng pondo at teknikal. - **International Monetary Fund** - Pangunahing layunin nito ay magkaloob ng pautang sa mga bansang kasapi nito, lalo na ang mga mahihirap at umuunlad na bansa. - Nasa kamay ng IMF ang paglikha ng *International Reserve Currency* o *Special Drawing Rights (SDR)* na ang halaga ay katumbas ng average na halaga ng limang salaping papel, US dollar, Japanese Yen, Pound Sterling, French Franc, at Deutsche Mark na ipinahiram sa mga kasaping bansa upang ipambayad sa depisit sa kalakalan. - **World Bank** - Ito ay naglalayon na tulungan na makabangon muli ang mga bansang napinsala ng WWII. - Pinauutang ng WB ang mga kasaping bansa na nagnanais palawakin at palaguin ang pamumuhunan sa ekonomiya. - Maging ang mga mahihirap na bansa ay pinauutang din, ngunit maraming kondisyon ang dapat sundin ng mga nasasabing bansa. - Palaging minomonitor ng WB ang takbo ng ekonomiya ng isang bansa upang matiyak ang pag-unlad nito. ### Mga Institusiyong Di-Bangko - **Government Service Insurance System (GSIS)** - Itinatag ito upang mag asikaso sa kapakanan ng mga empleyado ng pamahalaan. - Lahat ng mga naglilingkod sa pamahalaan ay pinagkalooban ng tulong, pautang, seguro, at pensiyon sa mga kasaping nagretiro. - Ang ilan sa mga ipinagkaloob ng GSIS sa mga kasapi: - Housing loan - Policy loan - Salary loan - Calamity loan - Educational Assistance loan - Memorial and Health Insurance - Life Insurance - Retirement Insurance - Disability Insurance - **Social Security System (SSS)** - Ang layunin nito ay katulad ng GSIS, tulungang maiangat ang panlipunang kalagayan at mapangalagaan ang kapakanan ng mga kasapi na mga empleyado at manggagawang pribadong sektor. - Tinatanggap nitong kasapi ang may tiyak na trabaho, *self-employed*, boluntaryong kasapi mga kasambahay at magsasaka. - **PAG-IBIG Fund** - Itinatag ito upang matulungan ang mga kasapi na magkaroon ng sariling bahay. - Tumatanggap ito ng kontribusyon sa mga kasapi, tulad ng mga empleyado ng pamahalaan at pribadong sektor at mga Overseas Filipino Workers (OFW). - **National Home Mortgage Finance Corporation (NHMFC)** - Ito ay naglalayon na linangin at magkaloob ng tulong sa mga pahulugang bahay at lupa para sa mga nangangailangan at nagnanais magkaroon ng sariling bahay at lupa. - **Bahay Sanglaan (Pawnshop)** - Ito ay isang negosyo na mahalaga sa ekonomiya sapagkat nagiging takbuhan ito ng mga tao na nangangailangan ng *cash* na salapi. - Tumatanggap ito ng mga bagay na maaring isangla o gawing kolateral ng mga tao upang makautang, lalo ng iyong di-makautang sa *bangko*.

Use Quizgecko on...
Browser
Browser