Summary

Ang dokumentong ito ay isang artikulo o mga talaan tungkol sa mga konsepto ng pera, mga patakaran sa pananalapi, mga aspekto ng pag-iimpok at pamumuhunan, at mga institusyon sa sektor ng pananalapi sa Pilipinas. Ito ay nakatuon sa mga detalye ng expansionary at contractionary money policies.

Full Transcript

BAITANG 9 - ARALING PANLIPUNAN PATAKARANG PANANALAPI ANG KONSEPTO NG PERA Ang salapi ay perang papel na ginagamit bilang pamalit sa produkto o serbisyo. Ang pera ay instrumento na tinatanggap ng nagbibili at mamimili bilang kapalit ng produkto o serbisyo (medium of exchange)....

BAITANG 9 - ARALING PANLIPUNAN PATAKARANG PANANALAPI ANG KONSEPTO NG PERA Ang salapi ay perang papel na ginagamit bilang pamalit sa produkto o serbisyo. Ang pera ay instrumento na tinatanggap ng nagbibili at mamimili bilang kapalit ng produkto o serbisyo (medium of exchange). Ang salapi rin ay itinuturing na unit of account o pamantayan ng halaga ng isang produkto o serbisyo. ANG KONSEPTO NG PATAKARANG PANANALAPI Ang patakaran sa pananalapi ay isang sistemang pinaiiral ng BSP upang makontrol ang supply ng salapi sa sirkulasyon. Ang pamahalaan, sa pamamagitan ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), ay nagtatakda ng mga pamamaraan upang masigurong matatag ang ekonomiya, higit ang pangkalahatang presyo. DALAWANG PAMAMARAAN NG PATAKARANG PANANALAPI EXPANSIONARY MONEY POLICY CONTRACTIONARY MONEY POLICY EXPANSIONARY MONEY POLICY Kapag ang layunin ng pamahalaan ay mahikayat ang mga negosyante na palakihin pa o magbukas ng bagong negosyo, ipinatutupad nito ang expansionary money policy. Ibinababa ng bangko sentral ang interes sa pagpapautang na siyang maghihikayat sa mga negosyante na mangutang upang mapalawak ang kanilang negosyo. Ito ang lilikha ng maraming trabaho kung kaya’t mas marami ang magkakaroon ng kakayahan na makabili ng produkto at serbisyo na magpapataas ng demand at supply ng sambahayan at bahay kalakal. CONTRACTIONARY MONEY POLICY Layunin nito na mabawasan ang paggasta ng sambahayan at ng mga mamumuhunan. Sa pamamaraang ito, bumababa ang presyo at nagiging dahilan sa pagbagal ng ekonomiya. Ang kalagayang ito ang ninanais ng pamahalaan upang mapababa ang implasyon. Ipinatutupad naman ng Contractionary Money Policy kapag inaasahang tataas ang pangkalahatang presyo sa pamilihan dahil sa labis na salaping umiikot sa ekonomiya. Itinataas ng bangko sentral ang interes sa utang upang mabawasan ang puhunan ng mga bahay-kalakal o negosyante na makapagpapababa sa produksyon nito. Ito ang magiging dahilan upang bawasan rin ng sambahayan ang kanilang gastos na ang epekto nito ay bababa ang demand at supply. MGA BUMUBUO SA SEKTOR NG PANANALAPI MGA INSTITUSYONG BANGKO MGA INSTITUSYONG DI-BANGKO MGA REGULATOR MGA INSTITUSYONG BANGKO Ito ang mga institusyong tumatanggap ng salapi mula sa mga tao, korporasyon, at pamahalaan bilang deposito. INSTITUSYONG BANGKO MGA URI NG BANGKO 1. Commercial Banks - BDO, BPI, China Bank, at Union Bank 2. Thrift Banks 3. Rural Banks 4. Specialized Banks - Land Bank of the Philippines, Development Bank of the Philippines, Al-Amanah Islamic Investment Bank of the Philippines MGA INSTITUSYONG DI- BANGKO Maaaring ituring na nasa ilalim ng institusyon ng pananalapi ang mga ito sapagkat tumatanggap sila ng kontribusyon mula sa mga kasapi. Pinalalago at ibinabalik muli sa mga kasapi. INSTITUSYONG DI-BANGKO 1. Kooperatiba 2. Bahay-Sanglaan o Pawnshop 3. Pension Funds - Government Service Insurance System (GSIS), Social Security System (SSS), PAG-IBIG FUND 4. Registered Companies 5. Pre-Need 6. Insurance Companies MGA REGULATOR Ito ay ahensiya o institusyon na nangangasiwa at nagmomonitor sa operasyon ng mga bangko upang matiyak na sumusunod ang mga ito sa batas, regulasyon at patakaran. REGULATOR 1. Bangko Sentral ng Pilipinas 2. Philippine Deposit Insurance Company (PDIC) 3. Securities and Exchange Commission (SEC) 4. Insurance Commission (IC) ANG PAG-IIMPOK AT PAMUMUHUNAN Sa aspekto ng pag-iimpok at pamumuhunan ayon sa modelo ng paikot na daloy, ang pag-iimpok ay kitang lumalabas sa ekonomiya. Samantala, ang pamumuhunan ang magbabalik nito sa paikot na daloy. (Case, Fair, at Oster, 2012) ANG PAMUMUHUNAN Ito ay nangangailangan ng sapat na salapi. Ang paggasta ay kinapapalooban ng pagbili ng mga kagamitan, mga salik ng produksiyon, at iba pa. Ang mamumuhunan ay gumagamit ng sariling salapi o puhunan na hiniram sa ibang tao, sa bangko, o sa ibang institusyon sa pananalapi. ANG PAG-IIMPOK Ito ay isang mahalagang indikasyon ng malusog na ekonomiya. Philippine Deposit Insurance Corporation (PDIC) – Ito ay isang ahensiya ng pamahalaan na naglalayon na mapataas ang pag-iimpok sa Pilipinas. MARAMING SALAMAT!

Use Quizgecko on...
Browser
Browser